SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 16
Baixar para ler offline
PAG-AALAGA NG
NATIVE NA MANOKIkalawang Edisyon
PAG-AALAGA NG
NATIVE NA MANOKIkalawang Edisyon
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y
A
ng native na manok ay karaniwang inaalagaan sa likod
bakuran. Ang native na manok na inaalagaan sa bakuran
ay kadalasang iilan lamang o kaya’y maaaring umabot sa
dalawang dosenang inahin para sa produksiyon ng itlog o maaari
ring nag-aalaga ang ilan para sa karne, para pamalit (barter), o pang-
benta upang makatulong sa mga gastusin sa bahay.
Ayon sa mga dalubhasa sa kasalukuyan ang bilang parin ng
mga native na manok ay halos kasing dami parin ng mga hybrid o
komersyal na manok sa bansa. Dahil sa kahalagahang ginagampanan
ng pag-aalaga ng manok sa ating ekonomiya, dagdag kita sa maliliit
na nag-aalaga, laki ng demand sa lokal na merkado at sa kalusugang
dulot nito. Ang pag-aalaga ng native na manok ay pinagbubuti at
binibigyang pansin ngayon ng ating pamahalaan para makatulong
sa mas nakararaming pamilya sa bansa. Ayon nga sa pagsasaliksik sa
pamamagitanngmaayosnapagpiliatpagpaparaminapapagandaang
produksiyon ng mga native na manok tulad ng paglaki, pangingitlog
at pag dami nito.
Bakit marami paring native na manok sa ating bansa ay dahil
sa mga katangian nito na nagagamit ng mga nag-aalaga tulad ng
pagkain (karne at itlog), pang benta, panghanda sa mga bisita, sanay
2 3
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
4 5
sa lokal na kondisyon, masarap ang lasa, natural na pagkain, matibay
sa sakit, kayang maghanap ng pagkain, mababa ang gastos sa pag-
aalaga, madaling alagaan, pang-alay, libangan at marami pang ibang
kadahilan kaya marami paring pamilya ang nag-aalaga ng native na
manok.
I.	ANG HINAHARAP NG PAG-AALAGA
NG NATIVE NA MANOK:
1.	 Malaki pa ang pangangailangan sa karne at itlog ng native na
manok sa presyo na P120-P150 kada kilo sa buhay, P7-P10
kada itlog na mataas kumpara sa komersiyal na manok at ang
pangangailangan kapag araw ng palengke na humigit kumulang
sa 200 hanggang 500 ulo ng kataying native na manok, at mga
restaurant na nagbebenta ng local na mga lutuin tulad ng tinola,
inasal at iba pa.
2.	 Natural na pagkain o magagamit din bilang alaga sa sistemang
organiko dahil ang native na manok ay kumakain ng lokal na
mga pagkain, mga damo na makikita sa paligid kung nakagala,
may likas na panlaban sa pangkaraniwang mga sakit at may
masarap na lasa na ayon sa panlasa ng lokal na merkado.
3.	 Maaring mapaganda ang produksiyon. Kung sa kasalukuyan ang
paglaki ng native na manok ay anim (6) na buwan napapaigsi
natinitongapat(4)nabuwansaisa’tkalahating(1.5)kilongbigat,
ang pangingitlog na mula sa animnapu (60) piraso kada inahin
kada taon ay nakakakuha na tayo ng isang daan at limampu (150)
na itlog kada inahin kada taon, at sa tamang pagpapakain at pag-
aalaga ay maaring maparami ang alagang native na manok na
mapagkukunan ng pagkain at ang labis dito ay maibenta upang
mapagkunan ng kita ng maliliit na magsasaka sa bansa.
4.	 Pagbebenta ng breeder stocks o mga palakihing native na manok.
Ang magandang lahi ng native na manok mula sa purong lahi
hanggang sa pinaunlad na lahi ay maaring mapagkunan ng
malakingkita.Angpagbebentangsisiwparapalakihin,dumalaga
at pwede ring pampisa na itlog para sa mga gustong mag-alaga
o mag-umpisa ng negosyo sa pag-aalaga ng native na manok ay
malaki rin ang kailangan. Dapat lamang ay may pare-parehong
sukat, laki, at timbang sa iisang edad ang ibebentang lahi para
maging maganda rin ang kita ng mga mag-aalaga nito.
5.	Ang native na manok ay matibay sa pabago-bagong panahon
(climate change). Ang ganitong katangian ay nagamit ng native na
manok upang mabuhay at magparami. Ang ganitong katangian
ay magandang paramihin dahil hindi nangangailangan ng
mataas na kalidad o klase ng pag-aalaga mula sa pakain, pabahay
at mga gamot.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
6 7
II.	 PAGPAPARAMI AT PAGPAPALAHI:
1.	 Katangian ng native na manok
	 Anyo ng native na manok;
	 Timbang sa buhay			 1.0 – 2.0 kilo
	 Edad ng pag-itlog			 5 – 6 buwan
	 Dami ng itlog kada taon		 60 – 100 itlog
	 Timbang ng itlog			 40.0 – 45.0 gramo
	
2.	 Ang mga kilalang native na manok:
–	 Banaba na mula sa Batangas, ito ay itim o mayahin ang kulay,
may single comb na palong, kulay abo o itim na paa, may timbang
na 1.7 – 2.0 kilo ang mga lalaki, at 1.5 – 1.8 kilo ang mga babae.
–	 Paraoakan na nag mula sa Palawan, itim ang kulay, may puting
balahibo sa puno ng buntot, mahaba ang mga paa, nakatiyad
kung tumayo, at may dilaw o abo na paa, rose comb ang kanyang
palong, at may timbang na 2.0-2.5 kilo ang mga lalaki at 1.8-2.0
kilo ang mga babae.
–	 Joloano na nagmula sa Basilan, may pula at abuhin ang kulay,
ginagamit sa pangsabong malalaki ang katawan na kapareho ng
Paraoakan, ang mga lalaki ay tumitimbang ng 2.0-3.0 kilo at ang
mga babae ay 2.0-2.5 kilo.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
8 9
–	 Darag na mula sa Ilo-ilo, kulay mayahin na kapareho ng labuyo,
ginagamit sa inasal, binakol, at tinuom, ito ay pinarami at
pinapamahagi ng Western Visaya State University
–	 Camarines mula sa Bicol, kulay nito ay bulik na puti at pula,
inaalagaan sa ilalim ng mga niyugan, may timbang na 1.5-2.0
kilo ang mga lalaki at 1.5 -1.8 ang mga babae.
Piliin lamang ang mga karapat-dapat na inahin na palahian. Ang
manok na nangingitlog ay may katangian na sumusunod
•	 Palong - malaki, mapula, at madulas
•	 Paligid ng mata at tuka - namumuti o maputla
•	 Lambi - makinis at malambot
•	 Puwit - malaki, tabas itlog, mamasa-masa at mamuti-muti
•	 Sipit-sipitan - malambot at malayo ang agwat ng dulo
•	 Piliin ang inahin na malusog, maliksi, makintab ang balahibo at
may magandang katawan
Isang tandang sa bawat pito hanggang sampung (7-10) inahin
ang kailangan upang makakuha ng may magandang semilyang itlog.
Kung lalabis pa rito ang bilang ng tandang, maaring mag-away
lamang at makakadagdag sa gastusin ng pakain. Pumili ng tandang
na mabilis lumaki, malusog, at aktibo upang gamiting pangkasta.
3.	 Paraan upang mapataas ang lahi at produksiyon
ng native na manok:
Ang pagpili ng pare-parehong kulay na ayon sa kanyang
lahi, itsura at pitso na malapuso ng saging ang hugis, malusog,
may kakayahang mabuhay sa payak na pamamaraan, maraming
mangitlog, magaling pumisa ng itlog >90%, maalaga sa sisiw, may
likas na panlaban sa karaniwang sakit at dapat masarap ang lasa nito.
Ang paraan ng pagpili ng palahian ay ang mga sumusunod;
mula sa kanyang itsura at tayo nito, kanyang talaan ng paglaki at
produksiyon (dami ng itlog, napipisa na sisiw, dami ng nabubuhay
na sisiw) at mula sa talaan ng kanyang pamilya (paglaki at dami ng
itlog) mula sa magulang, kapatid at anak.
4.	 Paraan ng pagpapalahi:
Purong lahi ay ang pagpili ng gustong itsura o katangian
halimbawa ay kulay, dami ng itlog, paglaki na galing sa iisang lahi at
nag-aanak ng iisang itsura o katangian. Ang purong lahi ay iisa ang
itsura at katangian ng magulang at mga anak.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
10 11
In breeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak halimbawa ay
magulang at anak, magkapatid o vise versa. Ang negatibong resulta
ng pagpapakakasta ng magkamag-anak ay ang pagiging abnormal,
sakitin, mahina ng produksiyon ng mga hayop. Ang positibong
resulta nito ay puwedeng gumawa ng pare-pareho ang itsura, at
produksiyon.
Cross breeding ay ang pagpapalahi ng magkaibang uri o lahi.
Ito ay ginagawa upang mapataas ang uri, produksiyon, mapasigla,
mapaganda ang kalusugan ng mga anak. Ngunit ang negatibong
resulta nito ay ang hindi maayos na pagpapalahi, wala ng purong
lahi na gagamitin, walang kontrol na paggamit ng ibat ibang lahi na
sanhi ng ibat-ibang produksiyon at itsura ng mga anak.
5.	 Paraan para maparami ang pag-itlog ng native
na manok:
–	 Tamang pagpapalahi at pagpili ng mga magagandang palahian
–	 Araw-araw na pag kolekta ng itlog
–	 Pag-iipon ng itlog bago isalang
–	 Pagpapaligo ng inahin pag nagsimula ng maglimlim (kung
incubator ang gamit)
–	 Paghihiwalay ng inahin at sisiw pagkapisa
–	 Paggamit ng artipisyal na pamisaan (incubator)
	
Gawingaraw-arawangpaglikomngitlogatmagtiralamangngisa
sa pugad dahil sa ganitong paraan, higit na maalagaan at maiingatan
ang mga itlog. Mababawasan ang dami ng basag at maruming itlog
kung ito ay aalisin agad sa pugad. Kung araw-araw ang gagawing
paglikom ng itlog sa pugad, napatunayan na higit na mapaparami
ang makukuhang itlog sa inahin bago ito magsimulang lumimlim.
Ang pagpili ng itlog na palilimliman ay napakahalaga dahil ito
ay isa sa mga bagay na magpapasiya kung anong uri ng sisiw ang
mapipisa. Kung maganda ang uri ng itlog na palilimliman, malamang
na maganda rin ang mapipisang sisiw. Panatilihing malinis ang
pugad. Palimliman lamang ang mga itlog na tama ang laki, walang
basag, makapal ang balat at may tamang hugis. Malalaman ang
walang basag at makapal na shell sa pamamagitan ng marahan na
pag-uumpog ng dalawang itlog sa palibot nito, pino ang tunog
ng buo na itlog at kung may lamat o manipis ay basag ang tunog
nito. Itago sa isang malamig na lugar hangang hindi pa maaaring
palimliman gumamit ng basket o karton na lalagyan . Tiyaking hindi
hihigit sa lima hanggang pitong (5-7) araw ang itlog sa taguan. Kung
tatagal ng higit sa 7 araw maaring ilagay sa refrigerator (gulayan) at
ilabas muna ng isang araw bago ilagay sa palimliman o sa artipisyal
na pisaan (incubator).
Isa sa katangian ng native na manok na nakakapagpababa sa
produksiyon nito ay ang likas na paglimlim. Ang paglimlim ay
natural na ugali ng native na manok hanggang ito ay mapisa, subalit
sa pag-aaral ito ang nakakabagal sa pagpapadami ng native na
manok. Dahil dito ang paggamit ng artipisyal na papisaan ang isang
paraan upang mapalitan ang natural na lilimlim. Kung wala pang
puhunan sa pagbili ng artipisyal na papisaan maaring maghanap ng
bayaran na artipisyal na papisaan kung saan dadalhin ang mga inipon
na itlog sa pisaan isang beses kada linggo at kukunin matapos ang
dalawampu’t isang (21) araw sa pinagkasunduang bayad kada itlog.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
12 13
Ang pagtigil ng matagal ng inahin sa pugad ay senyales na siya ay
naglilimlim na. Ang mga manok ay nangingitlog mula 9 ng umaga
hanggang 3 ng hapon at kung sila ay nasa pugad, bago mag 9 ng
umaga at lampas 3 ng hapon sila ay naglilimlim na. Upang maalis
ang ugali nang paglimlim alisin sa pugad at basain ang katawan ng
inahin at ilagay sa lupa o sa maliwanag na lugar. Maaaring gumamit
ng tali ng tandang gawin ng 5 araw na sunod-sunod ang pagbasa o
paglubog sa tubig ng katawan ng inahin at maari na siyang pawalan
muli. Sa ganitong pamamaraan madaling magbabalik sa pag itlog
ang mga inahin at mapaparami ang produksiyon ng itlog kada
inahin bawat taon.
	
III.	 GABAY SA PAG-AALAGA
	 NG NATIVE NA MANOK:
1.	 Ang Pag-aalaga ng sisiw:
Ang pag-aalaga ng bagong pisang sisiw ay isang napakahalagang
yugto sa pag-aalaga ng native na manok. Ito ang pinakamaselang
panahon sa buhay ng isang manok. Mula sa araw ng pagkapisa
nito hanggang isang buwan, at ayon sa pagsusuri ito ang yugto na
pinakamarami ang nagkakasakit at namamatay.
Upang mapadali ang muling pangingitlog ng inahin, higit
na makakabuti kung iwawalay agad ang mga sisiw at ililipat na
sa brooder house o bahay-kuluban. Ang bahay-kuluban ay isang
kulungan kung saan ang sisiw ay inaalagaan mula sa pagkapisa ng
itlog hanggang sa gulang na maaari na silang mabuhay nang walang
karagdagang init. Dito pinangangalagaan ang mga sisiw laban sa
ulan, malakas na hangin, pabago-bagong takbo ng panahon at sa mga
hayop na makapipinsala rito. Ang bahay kuluban ay katamtaman
ang laki may sukat na 1 metro kuwadrado bawat 20-30 na sisiw na
pasimula hanggang ang sisiw ay 3-4 linggo ang gulang. Gumamit
ng 1 watt ng incandescent bulb kada sisiw o ilaw na magbibigay ng
init. Tiyakin na mayroong tubig na inumin at patuka, at ilagay sa
madaling matagpuan ng mga sisiw. Mabuti para sa mga sisiw na
tumuka at uminom agad pagkarating sa brooder house. Ang pinag-
patong patong na lumang pahayagan o dyaro ay ginagamit na
sapin sa kulungan at maaaring magsilbing pakainan ng mga sisiw
hanggang sa ika-3 o 5 araw. Dito ilalagay ang pagkain araw-araw.
Ang pinakaibabaw na sapin ay tinatanggal upang maging bago at
malinis ang sapin. Pagkaraan ng 3-5 araw, hindi na naglalagay ng
sapin kaya’t kinakailangan nang maglagay ng mababaw na pakainan
tulad ng biniyak na kawayan, o di kaya’y yaong mga disenyong yari
sa kahoy, plastik at yero/galvanized.
Pagmasdan ang kilos o galaw ng mga sisiw upang malaman ang
nararamdaman ng mga ito.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
14 15
2.	 Pag-aalaga ng palakihin na native na manok:
Pagkataposng1½nabuwansakuluban,angmgasisiwayilalagay
na sa mas malaking lugar na nasa lupa at may tanim na damo. Ito
ay may sukat na 1 piye kada ulo hanggang maging 2 ½ buwan. Sa
ganitong paraan mapapalakas at sasanayin muna sa lupa ang mga
sisiw bago ipagala (range type). Ang pag-aalaga ng palakihing
manok ay umaabot sa loob ng 2-5 buwan ang edad. Ang lugar na
paglalagyan ay dapat may nakatanim na mga damo o legumbre. Sa
ganitong pamamaraan makakatipid sa pakain at mas malusog ang
mga alagang manok.
Bigyan ng bakuna laban sa peste (Avian Pest/Newcastle Disease)
ang mga manok sa edad na 9-10 araw at ulitin sa ika 28-30 araw
at tuwing ika 4 na buwan. Maaring makipag-ugnayan sa mga
beterinaryo at teknisyan para sa tamang pagbabakuna.
IV. PABAHAY NG NATIVE NA MANOK:
Sa kasalukuyan ang mga native na manok ay inaalagaan lamang
ng nakagala sa bakuran, walang pabahay na inilalaan sa mga native
na manok. Sa ganitong pamamaraan nakakaranas ng mga suliranin
ang mga nag-aalaga tulad ng pagkamatay ng mga sisiw at ang
pagkakaroon ng ilang karaniwang sakit na nakukuha sa kanilang
paggala. Kaya ang payo ng mga dalubhasa ay maglaan man lang ng
payak na pabahay o kulungan sa native na manok, tulad ng bubong
na gawa sa nipa, kugon, anahaw na may bakod na net. Ang native
na manok ay dapat may siguradong mapaghahapunan sa pagsapit
ng gabi, masisilungan sa panahon ng tag-ulan, at maiitlugan kapag
ito ay umabot na sa tamang edad ng pag-itlog. Kung kaya’t dapat ay
mayroong ilaan na pabahay sa mga ito kahit ito ay payak lamang.
Maglaan ng sapat na pagalaan para sa mga palakihin at palahian
(breeders) 1-2 metro kuwadrado kada ulo ng manok. Maglagay
lamang ng parehong edad ng manok kada pagalaan upang maiwasan
ang pag-aaway at mga sakit.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
16 17
1.	 Pabahay para sa Inahin at Tandang
Ang mga inahin at tandang ay dapat ihiwalay sa kulungan
ng mga maliliit upang maibigay ang tamang pangangalaga. Ang
kulungan ng inahin ay dapat may lugar na silungan na may sukat na
2 piye kuwadrado na may dapuan, paitlugan o pugad. Makakatulong
din ang may pagalaan na may sukat na 2 metro kuwadrado kada
inahin o tandang. Ang isang 2 x 10 metro na kulungan at pagalaan
ay maaring makapag-alaga ng 10 inahin na may 1-2 tandang. Kung
ubos na ang damo sa pagalaan maaring manguha ng sariwang damo
at ilagay sa kulungan ng manok, makatutulong ito na mapaganda ng
itlog at kondisyon ng mga inahing manok.
2.	 Pabahay para sa mga Sisiw
Isang dahilan na konte lamang ang natitirang sisiw bago
pa maawat ng inahin ang kanyang mga sisiw ay dahil sa mga
sumusunod; predator o kasamang malalaking manok o pagkagutom
kaya inirerekomenda na ng mga dalubhasa na ihiwalay na sa inahin
ang mga sisiw sa araw ng pagkapisa nito. Maaring gumawa ng
brooder cages na may sukat na .5 x 1 metro na kahon na yari sa tabla
at chiken wire para sa 10-12 sisiw na aalagaan sa loob ng 1 buwan.
Kailangan ay may sapin na diyaryo upang dito ilagay ang pakain at
upang makulong ang init sa loob ng kahon. Ito ay may painit na
incandescent bulb, gumamit din ng plastik na painuman.
3.	 Pabahay para sa mga Palakihin
Saedadna1.5-2buwanangmgasisiwaymaarinangilagaysalupa
na maaring gamitin hanggang sila ay lumaki. Ang mga palakihin ay
puwede ng ilagay sa pagala na may habong o shed na may bakod na
fishnet at may mga nakatubong damo. Maaring maglaan ng 2 metro
kuwadradong lupa kada palakihing manok sa loob ng 2 hanggang 5
buwan na edad ng manok. Maganda rin na hatiin ang pagalaan sa
dalawang parte na kung malapit ng maubos ang unang pinaglagyan
maaring itaboy ang mga manok sa kalahati na may malagong damo,
at upang makalago ulit ang damo ng unang pagalaan.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
18 19
Pabahay sa native chicken
V.	PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN
Maaaring magbigay ng mga karaniwang patuka tulad ng palay,
giniling na mais, darak, palyat, binlid at tahup, at maging nang
natitirang pagkain sa kusina tulad ng kanin, tinapay, sapal ng niyog
at iba pa. Para sa mga sisiw, higit na makabubuti kung magbibigay ng
mga commercial starter feeds mula pagkapisa hanggang sa 1 buwan
gulang na.
•	 Para sa sisiw
–	 Chick Starter feeds
–	 mula 0- 4 linggong edad
•	 Para sa palakihin
–	 At 5 linggo magbigay ng grower feeds at haluan ng mga
ordinaryong pakain tulad ng darak, mais at mga damo o
legumbre
–	 Maglagay ng pagalaan na may mga damo at legumbre
–	 Sa gulang na 1 ½ buwan maaari nang unti-unting palitan
ang ibinibigay na patuka. Maaaring bawasan ang dami ng
ibinibigay na commercial feeds at dagdagan ang dami ng mga
karaniwang patukang nabanggit. Sanayin na rin ang mga
manok na mangalap ng pagkain tulad ng damo, bulate at
mga local na pakain.
–	 Maaaring magbigay ng patukang halo sa bahay na may 50%
darak, 20% mais, 30% palyat. Kung nanaisin, maaari ring
maghalo ng 75% ng nasabing patuka at 25% ng commercial
feeds.
•	 Para sa inahin at tandang
–	 Palay 25%, mais/kamoteng kahoy 25%, laying mash 25%
at 25% na lokal na pakain tulad ng azolla, gulay, legumbre,
damo at suso.
–	 Maglagay ng pagalaan na may mga damo at legumbre
Sa pagbibigay ng patuka, tiyakin na ang laman ng patukaan ay
1/3 lamang sa kayang ilagay dito upang maiwasan ang pagkakatapon
ng pagkain. Lagyan ng malinis na inumin ang mga manok sa lahat
ng oras.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
20 21
1.	 Maaring mapagkunan ng sustansiya
ng mga native na manok:
–	 Energy: Palay, darak, kamoteng kahoy, mais, niyog o kopra,
gabing san fernando, pungapong mga damo, gulay at pulot
–	 Protina: Isda, legumbre, gulay, madre de agua, azolla
–	 Bitamina: Gulay, maberdeng pagkain, at prutas
2.	 Mga Lokal na Pakain:
–	 Palay
	Gumamit ng mababang uri o klase na palay
	Maari ang mga tulyapis o maipang palay
	Maaring pagkunan ng kumpletong nutrient tulad ng
energy, carbohydrates, calcium, iron, thiamin, pantothenic
acid, folate at bitamina E
–	 Darak:
	Mataas na makukunan ng enerhiya
	Madaling makuha sa maraming lugar sa bansa
	Gustong kainin ng mga manok
	Mataas ang bitamina at mineral
–	 Azolla o duck weed
	Mataas ang taglay na protina at calcium
	Madaling paramihin
	Gustong kainin ng mga manok
	Maaring pandagdag na pakain
–	 Trichantera o Madre de Agua
	Damo na mataas ang protina at calcium
	Palatable o gusto ng mga hayop
	Maaring ibigay ng sariwa o tuyo
	Madaling paramihin at maraming magdahon
	Malasa sa baboy at iba pang hayop
–	 Gabing San Fernando (G. Villancio, J. Bulatao UPLB)
	Kayang mabuhay sa paiba-ibang panahon
	Magandang itanim sa sandy loam at malilim na lugar
	Matatagpuan sa maraming lugar sa Pilipinas
	Kapareho ng mais pagdating sa taglay na sustansiya
	Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa hayop
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
22 23
–	 Kamoteng kahoy
	Magandang pagkunan ng enerhiya
	Maaaring ipangpalit sa mais para ipakain sa hayop
	Ang laman, katawan, at dahon ay maaring ipakain sa hayop
	Ang dahon ay maaaring buruhin o ibilad para pagkunan ng
protina
	Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa hayop
–	 Sorghum
	Puwedeng itanim sa mainit na lugar
	Kapareho ng mais sa sustansiya
	Maaring itanim sa Pilipinas
	Madaling anihin at ipakain sa mga manok
VI.	 KALUSUGAN AT MGA SAKIT:
Mahalaga parin na mapanatili ang kalusugan sa manukan at
nang hindi magkasakit ang mga manok sa kanyang paglaki, dahil
sa oras na dapuan ng sakit ang manok hindi na nya makukuha ang
kanyang kakayanang lumaki, makapagbigay ng itlog at maaring
maging dahilan pa ng kanyang pagkamatay. Kaya sa umpisa palang
piliin mabuti ang stocks na bibilhin, linisin ng mabuti ang kulungan,
pakainin ng tama at ugaliin ang pagbabakuna upang mapanatili ang
magandang kalusugan ng mga alagang manok.
1.	 Mga dapat gawin upang mapanatili
ang kalusugan ng mga manok.
-	 May sapat na pakain
-	 Malinis na painom sa lahat ng oras
-	 Sapat na pabahay
-	 Malinis na kulungan o paligid
-	 Bumili ng malusog na hayop
-	 Ihiwalay muna ang bagong bili na hayop (pinakamababa na ang
1 buwan)
-	 Panatilihin ang malakas na pangangatawan ng mga alaga (araw,
maberdeng pagkain)
-	 Iwasan ang stress (gutom, uhaw, init, at lamig) sanhi ng
pagkakasakit
-	 Obserbahan o alamin ang kailangan ng mga hayop
-	 Ihiwalay ang may sakit na hayop at bigyan pansin ang mga
walang sakit
-	 Ilibing o sunugin ang namatay na hayop
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
24 25
2.	 Ang mga sumusunod ay mga gabay upang
maiwasan ang pagkakasakit ng mga alagang
manok:
-	 Maglaan ng malinis at maginhawang kulungan. Tiyakin na
malinisangkulungan,pakainan,painumanatibapangkagamitan
bago maglagay ng panibagong grupo ng manok.
-	 Pakainin ang alagang manok ng sapat at masustansiyang pagkain
upang maging matibay ang kanilang katawan laban sa sakit.
-	 Bakunahan ang mga manok laban sa peste o Avian Pest at
bulutong.
Ang pagbabakuna ay isang paraan upang maiwasan ang
pagkakasakit ng mga hayop, lalo na ang mga sakit na sanhi ng
virus na kadalasan ay walang lunas tulad ng peste ng manok, kaya
inererekomenda ng pamahalaan na lahat ng manok sa Pilipinas ay
dapat na bakunahan laban sa avian pest. Maaring makipag-ugnayan
sa mga beterinaryo o teknisyan para magabayan sa pagbabakuna ng
manok.
Paraan ng Pagbabakuna
Avian Pest (NCD) (B1B1) 	 : 	 7 days old intra-ocular
Avian Pest (NCD) (B1 La sota) :	 30 days old intra ocular
				 :	 3 mos and every
:	 6 months
Fowl Pox: 		 	 : 	 2 months old wing web
	 	 4 months old
3.	 Mga Karaniwang Sakit ng Manok:
–	 SIPON
Bakterya ay ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sipon
ng mga manok. Ang paghina ng resistensiya at pagkahawa sa may
sipon na manok ang kadalasang dahilan kaya nila nakukuha ito. Ang
karaniwang sintomas nito ay hirap huminga, ibinubuka ang tuka sa
paghinga, matamlay, ayaw kumain at bagsak ang pakpak. Madaling
manghina ang katawan ng manok dahil sa hirap sa paghinga, hindi
paglabas ng mga plema at hindi pagkain nito. Kaya panatilihing
kumpleto ang sustansiya at iwasang bumili ng may sakit na hayop
para maiwasan ang sipon. Ang paraan ng pagbibigay ng gamot sa
may sipon na manok ay ang pagkukulong ng mga manok sa loob ng
isang linggo at lagyan ng gamot (antibiotic) o herbal ang tubig na
painom. Uhawin muna ng 2-3 oras ang mga manok bago ibigay ang
tubig na may gamot.
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
26 27
Pag-iwas
	Sapat na pabahay
	Sapat na pakain
	Iwasan magdala ng sakit sa alaga
	Iwasan bumili ng may sakit na hayop
	Iwasan na ma-stress ang manok (gutom, uhaw, init, lamig)
Pag-gamot
	Magtanong sa teknisyan o beterinaryo.
	Ihiwalay ng kulungan ang may sipon na manok
	Ilagay sa maayos at maaliwalas na kulungan
	Painumiin ng tubig na may antibiotic
	Antibiotic 5-7 araw
–	 BULUTONG:
Ang bulutong ng manok ay sanhi ng virus, ito ay nakukuha sa
may bulutong na manok lamang sa pamamagitan ng tukaan. Mga
langibnabulutongsaulo,leeg,bibig,atpaaangmakikita,matamlayat
hirap huminga, minsan ay may sugat narin sa lalamunan. Maiiwasan
ang pagkakaroon ng bulutong sa bukid kung hindi ka magdadala ng
may bulutong na manok o hindi makukuha sa paligid. Nawawala
rin ang mga sintomas ng bulutong kung malakas ang resistensiya ng
mga manok, maaring maglagay ng antibiotic sa painom. Maaaring
lagyan ng tintura de yudo araw-araw ang mga sugat. Maglagay rin ng
gamot o herbal sa inumin ng manok. Pagbabakuna sa ika-2 buwang
edad upang maiwasan ang sakit.
Pag iwas
	Sa isang kulungan, kailangan na magkakaedad
	Iwasan magdala ng manok na may bulutong (o may sakit)
	Maglaan ng maayos na pabahay o pagalaan
	Ugaliin ang pagbabakuna
Pag-gamot
	Magtanong sa teknisyan o beterinaryo
	Ihiwalay ang may sakit na manok at ilagay sa ibang kulungan.
	Lagyan ng tintura de yudo ang sugat 2 beses kada araw
	Haluan ang tubig na iinumin ng manok ng antibiotic at
bitamina
	Painumin ng antibiotic sa loob ng 5-7 araw
–	 PESTE
Virus ang dahilan ng peste sa manukan. Kapag dinapuan ng peste
ang manukan maaring mamatay ang lahat ng alaga, makikita ang
biglang pagkamatay, nalalaglag sa hapunan, halos lahat ay may sakit,
at matamlay. Sinasabing walang gamot sa peste ng manok, tamang
pagbabakuna lamang ang maaring gawin sa manukan upang ito ay
maiwasan.
	Pag-iwas
–	 Pagbabakuna
–	 Tamang pag-aalaga
–	 Pabahay
–	 Quarantine
–	 Bumili ng malusog na manok
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K
28 29
	Sintomas
–	 Pagkaparalisa / nalalaglag sa hapunan
–	 Sipon / hirap huminga
–	 Umiikot / berde ang dumi
	Paggamot
–	 Magtanong sa teknisyan o beterinaryo
–	 Walang gamot
–	 Ibaon o sunugin ang may sakit na hayop
–	 Disimpektahin ang kontaminadong lugar
–	 Ihiwalay ang malulusog na alaga
Ihiwalay agad ang mga may sakit na manok upang maiwasan
ang pagkahawa ng iba. Ibaon sa lupa o sunugin ang mga namatay
na manok.
–	 BULATE
Ang mga native na manok ay may likas na panlaban sa
pangkaraniwang bulate, subalit kung mahina ang katawan
maaring magbigay din ng sakit sa ating mga manok. Maputla ang
palong, matamlay, payat, tuyot ang katawan, lusaw ang dumi ang
pangkaraniwang simtomas ng may bulateng manok.
	Pag iwas
	Sa isang kulungan, kailangan na magkakaedad
	Panatilihing malinis ang kulungan
	Maglaan ng maayos na pabahay o pagalaan
	Ugaliin ang pagpupurga 2 buwan ang edad at kada 3 buwan
	Pag-gamot
	Mag-tanong sa teknisyan o beterinaryo
	Painumin ng tubig na may antibiotic at bitamina sa loob ng
5-7 na araw
	Pagpupurga (piperazine) sa painom
Huwag mag-atubiling kumunsulta o magtanong sa beterinaryo
o teknisyan sa inyong lugar kapag may napansing kakaiba hinggil sa
kalusugan ng mga alagang manok.
Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay:
Rene C. Santiago, DVM, MSc.
Center Chief IV
Bureau of Animal Industry
National Swine and Poultry Research
and Development Center
Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon
(042) 585-7727
renecsantiago@yahoo.com
This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Carabao production
Carabao productionCarabao production
Carabao production
ronelcana
 
Lecture 5 breeds of poultry
Lecture 5  breeds of poultryLecture 5  breeds of poultry
Lecture 5 breeds of poultry
Osama Zahid
 

Mais procurados (20)

Poultry Housing
Poultry HousingPoultry Housing
Poultry Housing
 
Pag-aalaga ng Native na Baboy
Pag-aalaga ng Native na BaboyPag-aalaga ng Native na Baboy
Pag-aalaga ng Native na Baboy
 
Introduction to poultry production
Introduction to poultry productionIntroduction to poultry production
Introduction to poultry production
 
Carabao production
Carabao productionCarabao production
Carabao production
 
Breeding management - Swine
Breeding management - SwineBreeding management - Swine
Breeding management - Swine
 
Philippine Native Chicken: The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZON
Philippine Native Chicken:  The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZONPhilippine Native Chicken:  The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZON
Philippine Native Chicken: The BANABA NATIVE CHICKEN of CALABARZON
 
Poultry Management Lecture
Poultry Management LecturePoultry Management Lecture
Poultry Management Lecture
 
BEEF CATTLE PRODUCTION
BEEF CATTLE PRODUCTIONBEEF CATTLE PRODUCTION
BEEF CATTLE PRODUCTION
 
Lesson 4 breed of cattle
Lesson 4 breed of cattleLesson 4 breed of cattle
Lesson 4 breed of cattle
 
Goats Agricultural Production and Breeds
Goats Agricultural Production and BreedsGoats Agricultural Production and Breeds
Goats Agricultural Production and Breeds
 
Breeds of chicken
Breeds of chickenBreeds of chicken
Breeds of chicken
 
The importance of raising animals
The importance of raising animalsThe importance of raising animals
The importance of raising animals
 
Lecture 5 breeds of poultry
Lecture 5  breeds of poultryLecture 5  breeds of poultry
Lecture 5 breeds of poultry
 
Poultry raising edtech
Poultry raising edtechPoultry raising edtech
Poultry raising edtech
 
animal production
animal productionanimal production
animal production
 
Poultry housing
Poultry housingPoultry housing
Poultry housing
 
Slaughtering of Animal and Processing of their Products
Slaughtering of Animal and Processing of their ProductsSlaughtering of Animal and Processing of their Products
Slaughtering of Animal and Processing of their Products
 
Care and management sow and gilts
Care and management sow and gilts Care and management sow and gilts
Care and management sow and gilts
 
Philippines Commercial Poultry Breeds
Philippines Commercial Poultry BreedsPhilippines Commercial Poultry Breeds
Philippines Commercial Poultry Breeds
 
Cattle production
Cattle production Cattle production
Cattle production
 

Semelhante a Pag-aalaga ng Native na Manok

MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptxMGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
CasseyTayagCalmaBart
 
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptxClass Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
JoyCarolMolina1
 
Pag-iimbak at Preserbatiba.pdf
Pag-iimbak at Preserbatiba.pdfPag-iimbak at Preserbatiba.pdf
Pag-iimbak at Preserbatiba.pdf
MezilTorres1
 

Semelhante a Pag-aalaga ng Native na Manok (15)

4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
 
Handouts seminar basic concept swine production
Handouts seminar basic concept swine productionHandouts seminar basic concept swine production
Handouts seminar basic concept swine production
 
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1 entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1  entrepreneurship- ang pagbebenta ng...Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1  entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
Grade 4 e.p.p. quarter 1 week 1 aralin 1 entrepreneurship- ang pagbebenta ng...
 
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptxMGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
MGA HAYOP NA MAARING ALAGAAN SA TAHANAN.pptx
 
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docxDLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
DLL G5 Q3 WEEK 6 ALL SUBJECTS (Mam Inkay Peralta).docx
 
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptxClass Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
Class Observation Quarter 1 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.pptx
 
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptxMga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.pptx
 
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptxEPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
EPP 4-KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP.pptx
 
Pag-iimbak at Preserbatiba.pdf
Pag-iimbak at Preserbatiba.pdfPag-iimbak at Preserbatiba.pdf
Pag-iimbak at Preserbatiba.pdf
 
건강한 임신을 부탁해_필리핀어 버전
건강한 임신을 부탁해_필리핀어 버전건강한 임신을 부탁해_필리핀어 버전
건강한 임신을 부탁해_필리핀어 버전
 
Tula.ppt
Tula.pptTula.ppt
Tula.ppt
 
Pagislam
PagislamPagislam
Pagislam
 
EPP 4 WEEK 7.pptx
EPP 4 WEEK 7.pptxEPP 4 WEEK 7.pptx
EPP 4 WEEK 7.pptx
 
WEEK-8-PPT.pptx
WEEK-8-PPT.pptxWEEK-8-PPT.pptx
WEEK-8-PPT.pptx
 
Aralin 1 yamang tao
Aralin 1  yamang taoAralin 1  yamang tao
Aralin 1 yamang tao
 

Mais de Perez Eric

Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Perez Eric
 
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Perez Eric
 
Breed development, production and commecial utilization of native pigs
Breed development, production and commecial utilization of native pigsBreed development, production and commecial utilization of native pigs
Breed development, production and commecial utilization of native pigs
Perez Eric
 
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) ProgramWESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
Perez Eric
 
2019 newton agham researcher links workshop vaccines and diagnostics confer...
2019 newton agham researcher links workshop   vaccines and diagnostics confer...2019 newton agham researcher links workshop   vaccines and diagnostics confer...
2019 newton agham researcher links workshop vaccines and diagnostics confer...
Perez Eric
 
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Perez Eric
 
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and MarketingBenefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Perez Eric
 

Mais de Perez Eric (20)

Nutrition and feeding of native pig
Nutrition and feeding of native pigNutrition and feeding of native pig
Nutrition and feeding of native pig
 
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
Marketing and income potential of philippine native pig (glenda p. fule)
 
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
Health care in native pig production (dr. aleli a. collado)
 
Breed development, production and commecial utilization of native pigs
Breed development, production and commecial utilization of native pigsBreed development, production and commecial utilization of native pigs
Breed development, production and commecial utilization of native pigs
 
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) ProgramWESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
WESVAARDEC & DOST-PCAARRD Fiesta 2019 (Tentative) Program
 
2019 newton agham researcher links workshop vaccines and diagnostics confer...
2019 newton agham researcher links workshop   vaccines and diagnostics confer...2019 newton agham researcher links workshop   vaccines and diagnostics confer...
2019 newton agham researcher links workshop vaccines and diagnostics confer...
 
Philippine Native Pig Business Summit
Philippine Native Pig Business SummitPhilippine Native Pig Business Summit
Philippine Native Pig Business Summit
 
R&D initiatives on Philippine Native Pigs
R&D initiatives on Philippine Native Pigs R&D initiatives on Philippine Native Pigs
R&D initiatives on Philippine Native Pigs
 
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
Science-based native pig production to meet quality requirements of native pi...
 
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and MarketingBenefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
Benefits and Market Potential of Native Pig Lechon Processing and Marketing
 
Native Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in Cebu
Native Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in CebuNative Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in Cebu
Native Pig Trading and Lechon Processing and Marketing in Cebu
 
Fiesta mag native chicken (zam pen)
Fiesta mag native chicken (zam pen)Fiesta mag native chicken (zam pen)
Fiesta mag native chicken (zam pen)
 
FLS-GEM - AMP_Alo
FLS-GEM - AMP_AloFLS-GEM - AMP_Alo
FLS-GEM - AMP_Alo
 
e-learning_AMP-Alo
e-learning_AMP-Aloe-learning_AMP-Alo
e-learning_AMP-Alo
 
Test Interval Method - NA_dRosario
Test Interval Method - NA_dRosarioTest Interval Method - NA_dRosario
Test Interval Method - NA_dRosario
 
Goat cuts - JN_Nayga
Goat cuts - JN_NaygaGoat cuts - JN_Nayga
Goat cuts - JN_Nayga
 
MCM - TJ_Fernandez
MCM - TJ_FernandezMCM - TJ_Fernandez
MCM - TJ_Fernandez
 
LAMPARAH - LJ_Manceras
LAMPARAH - LJ_MancerasLAMPARAH - LJ_Manceras
LAMPARAH - LJ_Manceras
 
Raising goats the Halal way - RS_Hechanova
Raising goats the Halal way - RS_HechanovaRaising goats the Halal way - RS_Hechanova
Raising goats the Halal way - RS_Hechanova
 
SFeed - EA_Orden
SFeed - EA_OrdenSFeed - EA_Orden
SFeed - EA_Orden
 

Pag-aalaga ng Native na Manok

  • 1. PAG-AALAGA NG NATIVE NA MANOKIkalawang Edisyon
  • 2. PAG-AALAGA NG NATIVE NA MANOKIkalawang Edisyon P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y A ng native na manok ay karaniwang inaalagaan sa likod bakuran. Ang native na manok na inaalagaan sa bakuran ay kadalasang iilan lamang o kaya’y maaaring umabot sa dalawang dosenang inahin para sa produksiyon ng itlog o maaari ring nag-aalaga ang ilan para sa karne, para pamalit (barter), o pang- benta upang makatulong sa mga gastusin sa bahay. Ayon sa mga dalubhasa sa kasalukuyan ang bilang parin ng mga native na manok ay halos kasing dami parin ng mga hybrid o komersyal na manok sa bansa. Dahil sa kahalagahang ginagampanan ng pag-aalaga ng manok sa ating ekonomiya, dagdag kita sa maliliit na nag-aalaga, laki ng demand sa lokal na merkado at sa kalusugang dulot nito. Ang pag-aalaga ng native na manok ay pinagbubuti at binibigyang pansin ngayon ng ating pamahalaan para makatulong sa mas nakararaming pamilya sa bansa. Ayon nga sa pagsasaliksik sa pamamagitanngmaayosnapagpiliatpagpaparaminapapagandaang produksiyon ng mga native na manok tulad ng paglaki, pangingitlog at pag dami nito. Bakit marami paring native na manok sa ating bansa ay dahil sa mga katangian nito na nagagamit ng mga nag-aalaga tulad ng pagkain (karne at itlog), pang benta, panghanda sa mga bisita, sanay 2 3
  • 3. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 4 5 sa lokal na kondisyon, masarap ang lasa, natural na pagkain, matibay sa sakit, kayang maghanap ng pagkain, mababa ang gastos sa pag- aalaga, madaling alagaan, pang-alay, libangan at marami pang ibang kadahilan kaya marami paring pamilya ang nag-aalaga ng native na manok. I. ANG HINAHARAP NG PAG-AALAGA NG NATIVE NA MANOK: 1. Malaki pa ang pangangailangan sa karne at itlog ng native na manok sa presyo na P120-P150 kada kilo sa buhay, P7-P10 kada itlog na mataas kumpara sa komersiyal na manok at ang pangangailangan kapag araw ng palengke na humigit kumulang sa 200 hanggang 500 ulo ng kataying native na manok, at mga restaurant na nagbebenta ng local na mga lutuin tulad ng tinola, inasal at iba pa. 2. Natural na pagkain o magagamit din bilang alaga sa sistemang organiko dahil ang native na manok ay kumakain ng lokal na mga pagkain, mga damo na makikita sa paligid kung nakagala, may likas na panlaban sa pangkaraniwang mga sakit at may masarap na lasa na ayon sa panlasa ng lokal na merkado. 3. Maaring mapaganda ang produksiyon. Kung sa kasalukuyan ang paglaki ng native na manok ay anim (6) na buwan napapaigsi natinitongapat(4)nabuwansaisa’tkalahating(1.5)kilongbigat, ang pangingitlog na mula sa animnapu (60) piraso kada inahin kada taon ay nakakakuha na tayo ng isang daan at limampu (150) na itlog kada inahin kada taon, at sa tamang pagpapakain at pag- aalaga ay maaring maparami ang alagang native na manok na mapagkukunan ng pagkain at ang labis dito ay maibenta upang mapagkunan ng kita ng maliliit na magsasaka sa bansa. 4. Pagbebenta ng breeder stocks o mga palakihing native na manok. Ang magandang lahi ng native na manok mula sa purong lahi hanggang sa pinaunlad na lahi ay maaring mapagkunan ng malakingkita.Angpagbebentangsisiwparapalakihin,dumalaga at pwede ring pampisa na itlog para sa mga gustong mag-alaga o mag-umpisa ng negosyo sa pag-aalaga ng native na manok ay malaki rin ang kailangan. Dapat lamang ay may pare-parehong sukat, laki, at timbang sa iisang edad ang ibebentang lahi para maging maganda rin ang kita ng mga mag-aalaga nito. 5. Ang native na manok ay matibay sa pabago-bagong panahon (climate change). Ang ganitong katangian ay nagamit ng native na manok upang mabuhay at magparami. Ang ganitong katangian ay magandang paramihin dahil hindi nangangailangan ng mataas na kalidad o klase ng pag-aalaga mula sa pakain, pabahay at mga gamot.
  • 4. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 6 7 II. PAGPAPARAMI AT PAGPAPALAHI: 1. Katangian ng native na manok Anyo ng native na manok; Timbang sa buhay 1.0 – 2.0 kilo Edad ng pag-itlog 5 – 6 buwan Dami ng itlog kada taon 60 – 100 itlog Timbang ng itlog 40.0 – 45.0 gramo 2. Ang mga kilalang native na manok: – Banaba na mula sa Batangas, ito ay itim o mayahin ang kulay, may single comb na palong, kulay abo o itim na paa, may timbang na 1.7 – 2.0 kilo ang mga lalaki, at 1.5 – 1.8 kilo ang mga babae. – Paraoakan na nag mula sa Palawan, itim ang kulay, may puting balahibo sa puno ng buntot, mahaba ang mga paa, nakatiyad kung tumayo, at may dilaw o abo na paa, rose comb ang kanyang palong, at may timbang na 2.0-2.5 kilo ang mga lalaki at 1.8-2.0 kilo ang mga babae. – Joloano na nagmula sa Basilan, may pula at abuhin ang kulay, ginagamit sa pangsabong malalaki ang katawan na kapareho ng Paraoakan, ang mga lalaki ay tumitimbang ng 2.0-3.0 kilo at ang mga babae ay 2.0-2.5 kilo.
  • 5. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 8 9 – Darag na mula sa Ilo-ilo, kulay mayahin na kapareho ng labuyo, ginagamit sa inasal, binakol, at tinuom, ito ay pinarami at pinapamahagi ng Western Visaya State University – Camarines mula sa Bicol, kulay nito ay bulik na puti at pula, inaalagaan sa ilalim ng mga niyugan, may timbang na 1.5-2.0 kilo ang mga lalaki at 1.5 -1.8 ang mga babae. Piliin lamang ang mga karapat-dapat na inahin na palahian. Ang manok na nangingitlog ay may katangian na sumusunod • Palong - malaki, mapula, at madulas • Paligid ng mata at tuka - namumuti o maputla • Lambi - makinis at malambot • Puwit - malaki, tabas itlog, mamasa-masa at mamuti-muti • Sipit-sipitan - malambot at malayo ang agwat ng dulo • Piliin ang inahin na malusog, maliksi, makintab ang balahibo at may magandang katawan Isang tandang sa bawat pito hanggang sampung (7-10) inahin ang kailangan upang makakuha ng may magandang semilyang itlog. Kung lalabis pa rito ang bilang ng tandang, maaring mag-away lamang at makakadagdag sa gastusin ng pakain. Pumili ng tandang na mabilis lumaki, malusog, at aktibo upang gamiting pangkasta. 3. Paraan upang mapataas ang lahi at produksiyon ng native na manok: Ang pagpili ng pare-parehong kulay na ayon sa kanyang lahi, itsura at pitso na malapuso ng saging ang hugis, malusog, may kakayahang mabuhay sa payak na pamamaraan, maraming mangitlog, magaling pumisa ng itlog >90%, maalaga sa sisiw, may likas na panlaban sa karaniwang sakit at dapat masarap ang lasa nito. Ang paraan ng pagpili ng palahian ay ang mga sumusunod; mula sa kanyang itsura at tayo nito, kanyang talaan ng paglaki at produksiyon (dami ng itlog, napipisa na sisiw, dami ng nabubuhay na sisiw) at mula sa talaan ng kanyang pamilya (paglaki at dami ng itlog) mula sa magulang, kapatid at anak. 4. Paraan ng pagpapalahi: Purong lahi ay ang pagpili ng gustong itsura o katangian halimbawa ay kulay, dami ng itlog, paglaki na galing sa iisang lahi at nag-aanak ng iisang itsura o katangian. Ang purong lahi ay iisa ang itsura at katangian ng magulang at mga anak.
  • 6. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 10 11 In breeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak halimbawa ay magulang at anak, magkapatid o vise versa. Ang negatibong resulta ng pagpapakakasta ng magkamag-anak ay ang pagiging abnormal, sakitin, mahina ng produksiyon ng mga hayop. Ang positibong resulta nito ay puwedeng gumawa ng pare-pareho ang itsura, at produksiyon. Cross breeding ay ang pagpapalahi ng magkaibang uri o lahi. Ito ay ginagawa upang mapataas ang uri, produksiyon, mapasigla, mapaganda ang kalusugan ng mga anak. Ngunit ang negatibong resulta nito ay ang hindi maayos na pagpapalahi, wala ng purong lahi na gagamitin, walang kontrol na paggamit ng ibat ibang lahi na sanhi ng ibat-ibang produksiyon at itsura ng mga anak. 5. Paraan para maparami ang pag-itlog ng native na manok: – Tamang pagpapalahi at pagpili ng mga magagandang palahian – Araw-araw na pag kolekta ng itlog – Pag-iipon ng itlog bago isalang – Pagpapaligo ng inahin pag nagsimula ng maglimlim (kung incubator ang gamit) – Paghihiwalay ng inahin at sisiw pagkapisa – Paggamit ng artipisyal na pamisaan (incubator) Gawingaraw-arawangpaglikomngitlogatmagtiralamangngisa sa pugad dahil sa ganitong paraan, higit na maalagaan at maiingatan ang mga itlog. Mababawasan ang dami ng basag at maruming itlog kung ito ay aalisin agad sa pugad. Kung araw-araw ang gagawing paglikom ng itlog sa pugad, napatunayan na higit na mapaparami ang makukuhang itlog sa inahin bago ito magsimulang lumimlim. Ang pagpili ng itlog na palilimliman ay napakahalaga dahil ito ay isa sa mga bagay na magpapasiya kung anong uri ng sisiw ang mapipisa. Kung maganda ang uri ng itlog na palilimliman, malamang na maganda rin ang mapipisang sisiw. Panatilihing malinis ang pugad. Palimliman lamang ang mga itlog na tama ang laki, walang basag, makapal ang balat at may tamang hugis. Malalaman ang walang basag at makapal na shell sa pamamagitan ng marahan na pag-uumpog ng dalawang itlog sa palibot nito, pino ang tunog ng buo na itlog at kung may lamat o manipis ay basag ang tunog nito. Itago sa isang malamig na lugar hangang hindi pa maaaring palimliman gumamit ng basket o karton na lalagyan . Tiyaking hindi hihigit sa lima hanggang pitong (5-7) araw ang itlog sa taguan. Kung tatagal ng higit sa 7 araw maaring ilagay sa refrigerator (gulayan) at ilabas muna ng isang araw bago ilagay sa palimliman o sa artipisyal na pisaan (incubator). Isa sa katangian ng native na manok na nakakapagpababa sa produksiyon nito ay ang likas na paglimlim. Ang paglimlim ay natural na ugali ng native na manok hanggang ito ay mapisa, subalit sa pag-aaral ito ang nakakabagal sa pagpapadami ng native na manok. Dahil dito ang paggamit ng artipisyal na papisaan ang isang paraan upang mapalitan ang natural na lilimlim. Kung wala pang puhunan sa pagbili ng artipisyal na papisaan maaring maghanap ng bayaran na artipisyal na papisaan kung saan dadalhin ang mga inipon na itlog sa pisaan isang beses kada linggo at kukunin matapos ang dalawampu’t isang (21) araw sa pinagkasunduang bayad kada itlog.
  • 7. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 12 13 Ang pagtigil ng matagal ng inahin sa pugad ay senyales na siya ay naglilimlim na. Ang mga manok ay nangingitlog mula 9 ng umaga hanggang 3 ng hapon at kung sila ay nasa pugad, bago mag 9 ng umaga at lampas 3 ng hapon sila ay naglilimlim na. Upang maalis ang ugali nang paglimlim alisin sa pugad at basain ang katawan ng inahin at ilagay sa lupa o sa maliwanag na lugar. Maaaring gumamit ng tali ng tandang gawin ng 5 araw na sunod-sunod ang pagbasa o paglubog sa tubig ng katawan ng inahin at maari na siyang pawalan muli. Sa ganitong pamamaraan madaling magbabalik sa pag itlog ang mga inahin at mapaparami ang produksiyon ng itlog kada inahin bawat taon. III. GABAY SA PAG-AALAGA NG NATIVE NA MANOK: 1. Ang Pag-aalaga ng sisiw: Ang pag-aalaga ng bagong pisang sisiw ay isang napakahalagang yugto sa pag-aalaga ng native na manok. Ito ang pinakamaselang panahon sa buhay ng isang manok. Mula sa araw ng pagkapisa nito hanggang isang buwan, at ayon sa pagsusuri ito ang yugto na pinakamarami ang nagkakasakit at namamatay. Upang mapadali ang muling pangingitlog ng inahin, higit na makakabuti kung iwawalay agad ang mga sisiw at ililipat na sa brooder house o bahay-kuluban. Ang bahay-kuluban ay isang kulungan kung saan ang sisiw ay inaalagaan mula sa pagkapisa ng itlog hanggang sa gulang na maaari na silang mabuhay nang walang karagdagang init. Dito pinangangalagaan ang mga sisiw laban sa ulan, malakas na hangin, pabago-bagong takbo ng panahon at sa mga hayop na makapipinsala rito. Ang bahay kuluban ay katamtaman ang laki may sukat na 1 metro kuwadrado bawat 20-30 na sisiw na pasimula hanggang ang sisiw ay 3-4 linggo ang gulang. Gumamit ng 1 watt ng incandescent bulb kada sisiw o ilaw na magbibigay ng init. Tiyakin na mayroong tubig na inumin at patuka, at ilagay sa madaling matagpuan ng mga sisiw. Mabuti para sa mga sisiw na tumuka at uminom agad pagkarating sa brooder house. Ang pinag- patong patong na lumang pahayagan o dyaro ay ginagamit na sapin sa kulungan at maaaring magsilbing pakainan ng mga sisiw hanggang sa ika-3 o 5 araw. Dito ilalagay ang pagkain araw-araw. Ang pinakaibabaw na sapin ay tinatanggal upang maging bago at malinis ang sapin. Pagkaraan ng 3-5 araw, hindi na naglalagay ng sapin kaya’t kinakailangan nang maglagay ng mababaw na pakainan tulad ng biniyak na kawayan, o di kaya’y yaong mga disenyong yari sa kahoy, plastik at yero/galvanized. Pagmasdan ang kilos o galaw ng mga sisiw upang malaman ang nararamdaman ng mga ito.
  • 8. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 14 15 2. Pag-aalaga ng palakihin na native na manok: Pagkataposng1½nabuwansakuluban,angmgasisiwayilalagay na sa mas malaking lugar na nasa lupa at may tanim na damo. Ito ay may sukat na 1 piye kada ulo hanggang maging 2 ½ buwan. Sa ganitong paraan mapapalakas at sasanayin muna sa lupa ang mga sisiw bago ipagala (range type). Ang pag-aalaga ng palakihing manok ay umaabot sa loob ng 2-5 buwan ang edad. Ang lugar na paglalagyan ay dapat may nakatanim na mga damo o legumbre. Sa ganitong pamamaraan makakatipid sa pakain at mas malusog ang mga alagang manok. Bigyan ng bakuna laban sa peste (Avian Pest/Newcastle Disease) ang mga manok sa edad na 9-10 araw at ulitin sa ika 28-30 araw at tuwing ika 4 na buwan. Maaring makipag-ugnayan sa mga beterinaryo at teknisyan para sa tamang pagbabakuna. IV. PABAHAY NG NATIVE NA MANOK: Sa kasalukuyan ang mga native na manok ay inaalagaan lamang ng nakagala sa bakuran, walang pabahay na inilalaan sa mga native na manok. Sa ganitong pamamaraan nakakaranas ng mga suliranin ang mga nag-aalaga tulad ng pagkamatay ng mga sisiw at ang pagkakaroon ng ilang karaniwang sakit na nakukuha sa kanilang paggala. Kaya ang payo ng mga dalubhasa ay maglaan man lang ng payak na pabahay o kulungan sa native na manok, tulad ng bubong na gawa sa nipa, kugon, anahaw na may bakod na net. Ang native na manok ay dapat may siguradong mapaghahapunan sa pagsapit ng gabi, masisilungan sa panahon ng tag-ulan, at maiitlugan kapag ito ay umabot na sa tamang edad ng pag-itlog. Kung kaya’t dapat ay mayroong ilaan na pabahay sa mga ito kahit ito ay payak lamang. Maglaan ng sapat na pagalaan para sa mga palakihin at palahian (breeders) 1-2 metro kuwadrado kada ulo ng manok. Maglagay lamang ng parehong edad ng manok kada pagalaan upang maiwasan ang pag-aaway at mga sakit.
  • 9. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 16 17 1. Pabahay para sa Inahin at Tandang Ang mga inahin at tandang ay dapat ihiwalay sa kulungan ng mga maliliit upang maibigay ang tamang pangangalaga. Ang kulungan ng inahin ay dapat may lugar na silungan na may sukat na 2 piye kuwadrado na may dapuan, paitlugan o pugad. Makakatulong din ang may pagalaan na may sukat na 2 metro kuwadrado kada inahin o tandang. Ang isang 2 x 10 metro na kulungan at pagalaan ay maaring makapag-alaga ng 10 inahin na may 1-2 tandang. Kung ubos na ang damo sa pagalaan maaring manguha ng sariwang damo at ilagay sa kulungan ng manok, makatutulong ito na mapaganda ng itlog at kondisyon ng mga inahing manok. 2. Pabahay para sa mga Sisiw Isang dahilan na konte lamang ang natitirang sisiw bago pa maawat ng inahin ang kanyang mga sisiw ay dahil sa mga sumusunod; predator o kasamang malalaking manok o pagkagutom kaya inirerekomenda na ng mga dalubhasa na ihiwalay na sa inahin ang mga sisiw sa araw ng pagkapisa nito. Maaring gumawa ng brooder cages na may sukat na .5 x 1 metro na kahon na yari sa tabla at chiken wire para sa 10-12 sisiw na aalagaan sa loob ng 1 buwan. Kailangan ay may sapin na diyaryo upang dito ilagay ang pakain at upang makulong ang init sa loob ng kahon. Ito ay may painit na incandescent bulb, gumamit din ng plastik na painuman. 3. Pabahay para sa mga Palakihin Saedadna1.5-2buwanangmgasisiwaymaarinangilagaysalupa na maaring gamitin hanggang sila ay lumaki. Ang mga palakihin ay puwede ng ilagay sa pagala na may habong o shed na may bakod na fishnet at may mga nakatubong damo. Maaring maglaan ng 2 metro kuwadradong lupa kada palakihing manok sa loob ng 2 hanggang 5 buwan na edad ng manok. Maganda rin na hatiin ang pagalaan sa dalawang parte na kung malapit ng maubos ang unang pinaglagyan maaring itaboy ang mga manok sa kalahati na may malagong damo, at upang makalago ulit ang damo ng unang pagalaan.
  • 10. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 18 19 Pabahay sa native chicken V. PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN Maaaring magbigay ng mga karaniwang patuka tulad ng palay, giniling na mais, darak, palyat, binlid at tahup, at maging nang natitirang pagkain sa kusina tulad ng kanin, tinapay, sapal ng niyog at iba pa. Para sa mga sisiw, higit na makabubuti kung magbibigay ng mga commercial starter feeds mula pagkapisa hanggang sa 1 buwan gulang na. • Para sa sisiw – Chick Starter feeds – mula 0- 4 linggong edad • Para sa palakihin – At 5 linggo magbigay ng grower feeds at haluan ng mga ordinaryong pakain tulad ng darak, mais at mga damo o legumbre – Maglagay ng pagalaan na may mga damo at legumbre – Sa gulang na 1 ½ buwan maaari nang unti-unting palitan ang ibinibigay na patuka. Maaaring bawasan ang dami ng ibinibigay na commercial feeds at dagdagan ang dami ng mga karaniwang patukang nabanggit. Sanayin na rin ang mga manok na mangalap ng pagkain tulad ng damo, bulate at mga local na pakain. – Maaaring magbigay ng patukang halo sa bahay na may 50% darak, 20% mais, 30% palyat. Kung nanaisin, maaari ring maghalo ng 75% ng nasabing patuka at 25% ng commercial feeds. • Para sa inahin at tandang – Palay 25%, mais/kamoteng kahoy 25%, laying mash 25% at 25% na lokal na pakain tulad ng azolla, gulay, legumbre, damo at suso. – Maglagay ng pagalaan na may mga damo at legumbre Sa pagbibigay ng patuka, tiyakin na ang laman ng patukaan ay 1/3 lamang sa kayang ilagay dito upang maiwasan ang pagkakatapon ng pagkain. Lagyan ng malinis na inumin ang mga manok sa lahat ng oras.
  • 11. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 20 21 1. Maaring mapagkunan ng sustansiya ng mga native na manok: – Energy: Palay, darak, kamoteng kahoy, mais, niyog o kopra, gabing san fernando, pungapong mga damo, gulay at pulot – Protina: Isda, legumbre, gulay, madre de agua, azolla – Bitamina: Gulay, maberdeng pagkain, at prutas 2. Mga Lokal na Pakain: – Palay  Gumamit ng mababang uri o klase na palay  Maari ang mga tulyapis o maipang palay  Maaring pagkunan ng kumpletong nutrient tulad ng energy, carbohydrates, calcium, iron, thiamin, pantothenic acid, folate at bitamina E – Darak:  Mataas na makukunan ng enerhiya  Madaling makuha sa maraming lugar sa bansa  Gustong kainin ng mga manok  Mataas ang bitamina at mineral – Azolla o duck weed  Mataas ang taglay na protina at calcium  Madaling paramihin  Gustong kainin ng mga manok  Maaring pandagdag na pakain – Trichantera o Madre de Agua  Damo na mataas ang protina at calcium  Palatable o gusto ng mga hayop  Maaring ibigay ng sariwa o tuyo  Madaling paramihin at maraming magdahon  Malasa sa baboy at iba pang hayop – Gabing San Fernando (G. Villancio, J. Bulatao UPLB)  Kayang mabuhay sa paiba-ibang panahon  Magandang itanim sa sandy loam at malilim na lugar  Matatagpuan sa maraming lugar sa Pilipinas  Kapareho ng mais pagdating sa taglay na sustansiya  Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa hayop
  • 12. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 22 23 – Kamoteng kahoy  Magandang pagkunan ng enerhiya  Maaaring ipangpalit sa mais para ipakain sa hayop  Ang laman, katawan, at dahon ay maaring ipakain sa hayop  Ang dahon ay maaaring buruhin o ibilad para pagkunan ng protina  Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa hayop – Sorghum  Puwedeng itanim sa mainit na lugar  Kapareho ng mais sa sustansiya  Maaring itanim sa Pilipinas  Madaling anihin at ipakain sa mga manok VI. KALUSUGAN AT MGA SAKIT: Mahalaga parin na mapanatili ang kalusugan sa manukan at nang hindi magkasakit ang mga manok sa kanyang paglaki, dahil sa oras na dapuan ng sakit ang manok hindi na nya makukuha ang kanyang kakayanang lumaki, makapagbigay ng itlog at maaring maging dahilan pa ng kanyang pagkamatay. Kaya sa umpisa palang piliin mabuti ang stocks na bibilhin, linisin ng mabuti ang kulungan, pakainin ng tama at ugaliin ang pagbabakuna upang mapanatili ang magandang kalusugan ng mga alagang manok. 1. Mga dapat gawin upang mapanatili ang kalusugan ng mga manok. - May sapat na pakain - Malinis na painom sa lahat ng oras - Sapat na pabahay - Malinis na kulungan o paligid - Bumili ng malusog na hayop - Ihiwalay muna ang bagong bili na hayop (pinakamababa na ang 1 buwan) - Panatilihin ang malakas na pangangatawan ng mga alaga (araw, maberdeng pagkain) - Iwasan ang stress (gutom, uhaw, init, at lamig) sanhi ng pagkakasakit - Obserbahan o alamin ang kailangan ng mga hayop - Ihiwalay ang may sakit na hayop at bigyan pansin ang mga walang sakit - Ilibing o sunugin ang namatay na hayop
  • 13. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 24 25 2. Ang mga sumusunod ay mga gabay upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga alagang manok: - Maglaan ng malinis at maginhawang kulungan. Tiyakin na malinisangkulungan,pakainan,painumanatibapangkagamitan bago maglagay ng panibagong grupo ng manok. - Pakainin ang alagang manok ng sapat at masustansiyang pagkain upang maging matibay ang kanilang katawan laban sa sakit. - Bakunahan ang mga manok laban sa peste o Avian Pest at bulutong. Ang pagbabakuna ay isang paraan upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga hayop, lalo na ang mga sakit na sanhi ng virus na kadalasan ay walang lunas tulad ng peste ng manok, kaya inererekomenda ng pamahalaan na lahat ng manok sa Pilipinas ay dapat na bakunahan laban sa avian pest. Maaring makipag-ugnayan sa mga beterinaryo o teknisyan para magabayan sa pagbabakuna ng manok. Paraan ng Pagbabakuna Avian Pest (NCD) (B1B1) : 7 days old intra-ocular Avian Pest (NCD) (B1 La sota) : 30 days old intra ocular : 3 mos and every : 6 months Fowl Pox: : 2 months old wing web 4 months old 3. Mga Karaniwang Sakit ng Manok: – SIPON Bakterya ay ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sipon ng mga manok. Ang paghina ng resistensiya at pagkahawa sa may sipon na manok ang kadalasang dahilan kaya nila nakukuha ito. Ang karaniwang sintomas nito ay hirap huminga, ibinubuka ang tuka sa paghinga, matamlay, ayaw kumain at bagsak ang pakpak. Madaling manghina ang katawan ng manok dahil sa hirap sa paghinga, hindi paglabas ng mga plema at hindi pagkain nito. Kaya panatilihing kumpleto ang sustansiya at iwasang bumili ng may sakit na hayop para maiwasan ang sipon. Ang paraan ng pagbibigay ng gamot sa may sipon na manok ay ang pagkukulong ng mga manok sa loob ng isang linggo at lagyan ng gamot (antibiotic) o herbal ang tubig na painom. Uhawin muna ng 2-3 oras ang mga manok bago ibigay ang tubig na may gamot.
  • 14. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 26 27 Pag-iwas  Sapat na pabahay  Sapat na pakain  Iwasan magdala ng sakit sa alaga  Iwasan bumili ng may sakit na hayop  Iwasan na ma-stress ang manok (gutom, uhaw, init, lamig) Pag-gamot  Magtanong sa teknisyan o beterinaryo.  Ihiwalay ng kulungan ang may sipon na manok  Ilagay sa maayos at maaliwalas na kulungan  Painumiin ng tubig na may antibiotic  Antibiotic 5-7 araw – BULUTONG: Ang bulutong ng manok ay sanhi ng virus, ito ay nakukuha sa may bulutong na manok lamang sa pamamagitan ng tukaan. Mga langibnabulutongsaulo,leeg,bibig,atpaaangmakikita,matamlayat hirap huminga, minsan ay may sugat narin sa lalamunan. Maiiwasan ang pagkakaroon ng bulutong sa bukid kung hindi ka magdadala ng may bulutong na manok o hindi makukuha sa paligid. Nawawala rin ang mga sintomas ng bulutong kung malakas ang resistensiya ng mga manok, maaring maglagay ng antibiotic sa painom. Maaaring lagyan ng tintura de yudo araw-araw ang mga sugat. Maglagay rin ng gamot o herbal sa inumin ng manok. Pagbabakuna sa ika-2 buwang edad upang maiwasan ang sakit. Pag iwas  Sa isang kulungan, kailangan na magkakaedad  Iwasan magdala ng manok na may bulutong (o may sakit)  Maglaan ng maayos na pabahay o pagalaan  Ugaliin ang pagbabakuna Pag-gamot  Magtanong sa teknisyan o beterinaryo  Ihiwalay ang may sakit na manok at ilagay sa ibang kulungan.  Lagyan ng tintura de yudo ang sugat 2 beses kada araw  Haluan ang tubig na iinumin ng manok ng antibiotic at bitamina  Painumin ng antibiotic sa loob ng 5-7 araw – PESTE Virus ang dahilan ng peste sa manukan. Kapag dinapuan ng peste ang manukan maaring mamatay ang lahat ng alaga, makikita ang biglang pagkamatay, nalalaglag sa hapunan, halos lahat ay may sakit, at matamlay. Sinasabing walang gamot sa peste ng manok, tamang pagbabakuna lamang ang maaring gawin sa manukan upang ito ay maiwasan.  Pag-iwas – Pagbabakuna – Tamang pag-aalaga – Pabahay – Quarantine – Bumili ng malusog na manok
  • 15. P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A M A N O K 28 29  Sintomas – Pagkaparalisa / nalalaglag sa hapunan – Sipon / hirap huminga – Umiikot / berde ang dumi  Paggamot – Magtanong sa teknisyan o beterinaryo – Walang gamot – Ibaon o sunugin ang may sakit na hayop – Disimpektahin ang kontaminadong lugar – Ihiwalay ang malulusog na alaga Ihiwalay agad ang mga may sakit na manok upang maiwasan ang pagkahawa ng iba. Ibaon sa lupa o sunugin ang mga namatay na manok. – BULATE Ang mga native na manok ay may likas na panlaban sa pangkaraniwang bulate, subalit kung mahina ang katawan maaring magbigay din ng sakit sa ating mga manok. Maputla ang palong, matamlay, payat, tuyot ang katawan, lusaw ang dumi ang pangkaraniwang simtomas ng may bulateng manok.  Pag iwas  Sa isang kulungan, kailangan na magkakaedad  Panatilihing malinis ang kulungan  Maglaan ng maayos na pabahay o pagalaan  Ugaliin ang pagpupurga 2 buwan ang edad at kada 3 buwan  Pag-gamot  Mag-tanong sa teknisyan o beterinaryo  Painumin ng tubig na may antibiotic at bitamina sa loob ng 5-7 na araw  Pagpupurga (piperazine) sa painom Huwag mag-atubiling kumunsulta o magtanong sa beterinaryo o teknisyan sa inyong lugar kapag may napansing kakaiba hinggil sa kalusugan ng mga alagang manok.
  • 16. Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay: Rene C. Santiago, DVM, MSc. Center Chief IV Bureau of Animal Industry National Swine and Poultry Research and Development Center Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon (042) 585-7727 renecsantiago@yahoo.com This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research