1. EDEN
EDEN
Fatima Pauline R. Malate
2 - St. Francis Xavier
May isang lugar na kay sarap pasyalan
Nakakabighani kung ito’y pagmasdan;
Tila paraiso ang lugar na ito
Kay sarap ng aking karanasan dito.
Mga kumpol ng bulaklak ay namasdan,
Huni ng mga ibon aking napakinggan;
Luntian ang buong kapaligiran
Puso at isipan ko ay nasiyahan.