2. Panimula
Ang pambansang badyet ay lubhang
napakahalaga sa pagpapatupad at pagbibigay
katiyakan sa pangkalahatang kaunlaran ng bansa.
Kinakailangang maging wasto at makatwiran ang
alokasyon ng badyet sa iba’t ibang programang
pampamahalaan. Ilan sa mga gastusin ng
pamahalaan ay napupunta sa serbisyo publiko,
pabayad sa mga utang sa ibang bansa at marami
pang iba.
3. Unang Yugto
Paghahanda ng Badyet (Executive Preparation)
Ang mga Ahensyang kabilang dito ay ang
ang bawat Kagawaran at Department of Budget
and Management. Dito binubuo ng bawat
kagawaran ang kanya-kanyang
badyet.Ikokonsolida ng DBM ang mga inihandang
badyet ng mga kagawaran at susuriin ito bago
ipasa sa pangulo ng Pilipinas.
Unang Yugto
4. Ikalawang Yugto
Ratipikasyon ng Badyet (Budget Authorization)
Pagkatapos masumite ng Pangulo
ang badyet sa lehislatura, isasagawa ng
House of Representatives at Senado ang
deliberasyon.
Irerepaso ng Pangulo ang
pinagpasyahang badyet ng lehislatura para
sa kanyang pag-aapruba (o hindi pag-
apruba).
5. Ikatlong Yugto
Implementasyon (Budget Execution)
Sa yugtong ito ibibigay ang
naaprubahang badyet sa mga
kaukulang kagawaran o ahensya ng
pamahalaan upang maisakatuparan
ang mga plano nito para sa taon.
6. Ikaapat na Yugto
Rebyu ng Badyet (Budget
Accountability)
Ang pagpasa ng mga ulat sa DBM
(Department of Budget ang Management),
COA (Commission on Audit) at lehislatura
upang malaman kung nagasta ang badyet
ayon sa itinakda ng batas.
13. Pagbubuod:
Ang Pambansang Badyet ay
taunang pormal na pahayag ng
mga kikitain at gagastusing plano
ng pamahalaan para sa mga
proyekto at programa nito sa loob
ng isang taon.