2. Ugnay-Panitikan
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang
dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito
ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga
kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong
pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang
makita ang realidad at katotohanan.
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
Dokumentaryong
Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa
anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang
ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng
panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo
tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.
3. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon,
sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling
pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime
propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang
makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng
tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na
nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan
nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng
mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at
ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa
pamamagitan nito, mas nagiging
makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang
mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie
Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies”
bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga
Pilipino.
5. Mga Elemento ng Pelikula
• Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na
layunin ng kuwento.
• Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang
maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
• Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at
pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood.
6. Mga Elemento ng Pelikula
• Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha
ngdokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay
at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
• Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal
na pagkukuwento.
• Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
• Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga
negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang
mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di
makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang
oras/panahon ang isang pelikula.
8. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”.
Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya
ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
9. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong
detalye.
10. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon
ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
11. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang
pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng
kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
12. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
13. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo
o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
14. Mga Karaniwang Uri ng Anggulo
at Kuha ng Kamera
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na
nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang
manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.