SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 10
Kompyuter Games

A. Panukalang Pahayag

- Ang paglalaro ng computer games ay may masamang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ng
Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas

B. Paksa at Suliranin

-Pagtukoy ng Paksa

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mga
masasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila.

-Paglalahad ng Suliranin


Sa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng 1-
LAM ang paglalaro ng computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado.

-Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksa

Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng 1-LAM sa UST na gustong ipaalam sa mga
estudyante kung ano-ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ng
mga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ng
mga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang grado sa eskuwelahan.
Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong din
sila sa mga taong nakakaranas nito.



C. REBYU / PAG-AARAL


Sa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay ang
internet.
D. LAYUNIN

A. Pangkalahatan

- Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral na
nagkakaroon ng adiksyon sa pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na ang
interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang dahil dito.




B.Tiyak

-Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano-ano ang mga
epekto sa paglalaro ng kompyuter games at kung paano nga ba maiiwasan ang mga
masasamang epekto sa paglalaro nito. Nais din ng mga mananaliksik na makatulong sa bawat
estudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.



E. HALAGA

-Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay magbibigay impormasyon sa mga estudyanteng
naglalaro ng kompyuter games ukol sa mga hindi magagandang bagay na kanilang maaraning
sapitin kung sila ay magpapatuloy sa pag gawa ng bagay na ito. Ang kahalagan din ng
pananaliksik na ito ay upang malaman ng mga estudyante kung paano nila maiiwasan ang mga
masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.



F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Kompyuter Games
-Kasaysayan
-Masamang Epekto
-Kalusugan
-Pag-aaral
-Mga sikat na Laro sa Kompyuter
-Mga Kompyuter Shop
-Batas ng Gobyerno tungkol dito
G.METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay magsisimula sa pqgbibigay ng sarbey sa mga estudyante ng 1-LAM sa
UST ang mga tanong ay bubuin na kung naapektuhan ba ang kanilang pag-aaral sa paglalaro ng
kompyuter games at kung ano ang mga epekto ng kompyuter games sa kanilang kalusugan.



Ito ang magiging sarbey na ipamimigay sa mga estudyante mula sa 1-LAM ng UST ng 2nd
semestre ng taong 2008-2009



Kami sina Justin Visda , Heinson Tan at Bryan Yaranon at gusto naming sagutan ninyo ang
sarbey na ito na tungkol sa mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.
Salamat sa inyong tapat napagsagot.

1. Sa paglalaro ng kompyuter games, naapektuhan ba ang iyong pag-aaral ?

[ ] Oo
[ ] Hindi

2. May plano ka ba na ihinto ang paglalaro ng kompyuter games? Bakit?

Answer:

3. May plano ka ba na maglaro ng kompyuter games habam-buhay? Bakit?

Answer:

4. Lagyan ng tsek ang mga nararanasan mong masamang epekto sa paglalaro ng kompyuter
games.

[ ] Pag labo ng mata
[ ] Pagka hilo
[ ] Pag sakit ng ulo
[ ] Ulcer
[ ] Iba pa : pakilagay ________________
H. Limitasyon / Delimitasyon

Ang pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang mga dahilan kung bakit ang isang estudyante ay
naglalaro ng kompyuter games at kung saan nga ba ito nagsimula pati na rin ang mga
masasamang epekto nito at kung paano ito malulunasan. Maaring mabangit din sa pananaliksik
na ito ang ibat ibang laro na kinahuhumalingan ng mga estudyante ng 1-LAM at kung saang
lugar sila naglalaro.

I. DALOY NG PAG-AARAL

1. Ang unang kabanata ay bubuuin ng kasaysayan ng kompyuter games mula sa kung saan
unang ginawa ang ganitong uri ng bagay at kung anong laro ang mga unang ginawa.




2. Ang ikatlong kabanata ay tungol sa mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter
games sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng 1-LAM at pati na rin sa ibang mga estudyante sa buong
mundo.

3. Ang pangalawang kabanata ay bubuuin ng mga masasamang epekto ng paglalaro ng
kompyuter games para sa kalusugan ng mga mag-aaral ng 1-LAM at sa ibang taong dumaranas
ng malalang sakit dahil sa paglalaro ng kompyuter games.
Kasaysayan


Ayon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve Russell ito ay ang
"Space War". Ang larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang computer games sa buong
mundo ayon kay Mary Bellis. Nabangit rin Mary Bellis sa kanyang article na ang pinaka unang
computer games na maaring laruin sa isang telebisyon ay ang "Chase" na ginawa ni Ralph Baer
noong 1967. Ayon muli sa artikulo ni Mary ang pinaka unang arcade game ay ang "Computer




Space" na base sa na unang laro ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolan Bushnell at
Ted Dabney noong 1971 at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ng
kinalaunan ay ginamit na pambahay na laro ng "Atari Video Game".

Isa namang artikulo ang nabasa ng mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter
games ito naman ay ayon sa artikulo ni Geoff Edgers.

Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag na "Atari VCS" ito raw ay nakabenta ng
30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito ang naghari hangang
kalagitnaan noong 1980's ngunit marami daw ang hindi na nakuntento sa game console na ito
kaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang nintendo ayon ito kay Geoff.
http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm

Masamang Epekto ng Kompyuter Games

Pag-aaral:

Ang kompyuter games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at
nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit
ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.
Ayon kay Edmund Kam, ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan.
Ngunit bakit hindi ito napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa
kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang pag-lalaro nang kompyuter ang
nagbibigay sa kanila nang kasiyahan at ng mapaglilibangan.

Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa pag-lalaro ng kompyuter,
minsan pa nga ang kanilang pera ay ginagamit pa nila upang ipambili ng tinatawag na “Virtual
Money”, ito ay ang perang ginagamit sa ilang kompyuter games. Ang pag-lalaro ng mga larong
ito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito ang oras mo upang mapaunlad ang iyong sarili at
ang iyong pag-aaral.

Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na mundo na
dapat para sa kanila. Ang mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para magging
mga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi makakatulong sa
paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ay
hindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.

Mahirap pigilan ang pag-lalaro nito ngunit kung hindi ito matitigil paano na ang kinabukasan
nang ating bayan kung ang mga kabataan ay iba na ang mundong ginagalawan at hindi na din
pinahahalagahan ang pag-papaunlad ng kanilang mga sarili.

Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi papahalagahan ang edukasyon na siyang susi
sa bawat maunlad na bansa. Ngayon sa mga mambabasa nang research na ito huwag sanang
ipagpalit ang edukasyon at ang pag-lilinang sa ating mga sarili sa walang saysay na pag-lalaro
nang kompyuter games, dahil bukod sa pag-lalaro marami pa tayong magagawang mas
makabuluhan.
Kalusugan:
Mga masamang epekto ng sobrang pag-lalaro ng kompyuter games:




* Sobrang Pag-taba
* Video-induced Seizures
* Tendonitis
* Nerve Compression
* Carpal Tunnel Syndrome
* Eye Strain

Pangwakas

Ang grupo ng mga mananaliksik ay nakakuwa ng impormasyon sa internet pati na rin sa
kanilang kapwa kakaklase upang makatulong sa pagtapos ng pananaliksik na ito. Talagang
marami ang mga masasamang epekto na idinudulot ng kompyuter games sa mga estudyante sa
kanilang katawan pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay. Marami ang rason na kung
bakit pinag papatuloy ng mga estudyante ang paglalaro ng kompyuter kahit na marami sa kanila
ay nakakaranas na ng mga masasamang epekto nito. Sa mga pananaliksik na ginawa mayroon
din naman mga batas na ginawa ang gobyerno ukol dito ngunit karamihan sa mga estudyante
ay hindi nakakaalam nito at wala rin naman silang paki, dahil ang paglalaro ng kompyuter
games ay isang adiksyon na mahirap talagang itigil. Ang mga mananaliksik ay nakakuwa ng
impormasyon tungkol sa mga sakit na maaring makuwa sa paglalaro ng kompyuter at ninanais
nila na ipaalam ito sa mga estudyante upang mabawasan ang mga estudyanteng nakakaranas
ng mga masasamang epektong dulot ng paglalaro ng kompyuter games.
Konklusyon


Sa kanilang pananaliksik, marami ang maaring matutunan. Katulad ng kung paano ba nagsimula
at ano ba ang pinakaunang kompyuter games na ginawa at kung sino-sino ang mga unang mga
kompyuter programmer. Makikita rin sa pananaliksik na ito ang masasamang dulot ng paglalaro
ng kompyuter games . Napatunayan ng mga mananaliksik na mayroong masamang epekto ang
paglalaro ng kompyuter games, dahil sila ay mga estudyante rin na naglalaro ng kompyuter
games at nakakaranas ng mga masasamang epekto nito dahil ito ay sagabal at aksaya sa oras
para sa mga mananaliksik, at ang nangyayari ay nawawalan na sila ng oras upang mag-aral.
Ayon na rin sa sarbey na kanilang ginawa ay halos karamihan sa mga estudyanteng lalaki ng 1-
LAM ay nakakaranas ng panghihilo at paglabo ng kanilang mata ngunit ang mga estudyanteng
babae ng 1-LAM naman ay hindi gaano naglalaro nito kayat hindi naapektuhan ang kanilang
pag-aaral at kalusugan. Marami din sa mga estudyante ng 1-LAM ay gusto ng tumigil sa
paglalaro ngunit ito na rin siguro ang kanilang libangan at sa paglalaro nito at nakakalimutan na
rin nila ang mga problema sa eskuwelahan at sa bahay. Nagagawa na rin ng mga estudyante ng
1-LAM ang hindi pag pasok sa kanilang klase upang makapag laro ng kompyuter games, doon pa
lang ay makikita mo na malaki talaga ang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa kanilang
pag-aaral.



Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng 1-LAM pati na rin sa lahat ng
estudyanteng nahuhumaling na sa paglalaro ng mga kompyuter games. Dahil ang paksa ay
tungkol sa mga masasamang epekto na dulot ng paglalaro ng kompyuter games at marami sa
mga estudyante ay nakakaranas nito. Hindi sinasabi ng mga mananaliksik na masama ang
paglalaro nito kundi ay ipinapaalam lang nila sa lahat ang mga magiging epekto kung sila ay
maglalaro nito. Ang pananaliksik na ito ay para ipaalam rin sa mga estudyante at babalaan sila
na ang pagmamalabis hindi lang sa kompyuter games pati na rin sa lahat ng bagay ay masama,
dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng labis ay masama. Gusto rin iparating ng
mga mananaliksik na ang mga masasamang epekto ay maaring maiwasan kung ang paglalaro ay
hindi sosobrahan at ang pag-aaral ay ang dapat na mas bigyan pansin.
Sangunian

Ang mga impormasyon ay galing sa mga web site na ito



http://www.raisesmartkid.com/raise-smart-preschool-kid-articles/the-good-and-bad-effects-of-
video.html

http://library.thinkquest.org/07aug/01690/conclude.html

http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikMga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikHanna Elise
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanjohhnsewbrown
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wikaabanil143
 
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Danica Talabong
 
Dekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : PagsusuriDekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : PagsusuriRodel Moreno
 
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdfEpekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdfAlisonDeTorres1
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipinoSFYC
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Muel Clamor
 
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong PapelAng Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papelallan jake
 
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikDisenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikHanna Elise
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"majoydrew
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 

Mais procurados (20)

Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng PananaliksikMga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wika
 
Bibliograpi
BibliograpiBibliograpi
Bibliograpi
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
 
Dekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : PagsusuriDekada 70 : Pagsusuri
Dekada 70 : Pagsusuri
 
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdfEpekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
Epekto-ng-Paggamit-ng-gadget_Finals (1).pdf
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipino
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
 
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong PapelAng Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
 
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikDisenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
 
Mga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng TayutayMga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng Tayutay
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
 
PAMANAHONG PAPEL
PAMANAHONG PAPELPAMANAHONG PAPEL
PAMANAHONG PAPEL
 
Kakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatikoKakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatiko
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Ang kalupi suring basa
Ang kalupi suring basaAng kalupi suring basa
Ang kalupi suring basa
 

Semelhante a Adiksyon sa kompyuter games

Epekto ng Oplayn na Laro
Epekto ng Oplayn na LaroEpekto ng Oplayn na Laro
Epekto ng Oplayn na LaroJeno Flores
 
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyanteEpekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyantealrich0325
 
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 

Semelhante a Adiksyon sa kompyuter games (8)

Filipino Thesis
Filipino ThesisFilipino Thesis
Filipino Thesis
 
Filipino-Sintesis.docx
Filipino-Sintesis.docxFilipino-Sintesis.docx
Filipino-Sintesis.docx
 
B alangkas
B alangkasB alangkas
B alangkas
 
B alangkas
B alangkasB alangkas
B alangkas
 
Epekto ng Oplayn na Laro
Epekto ng Oplayn na LaroEpekto ng Oplayn na Laro
Epekto ng Oplayn na Laro
 
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyanteEpekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
 
Christian thesis 2
Christian thesis 2Christian thesis 2
Christian thesis 2
 
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

Adiksyon sa kompyuter games

  • 1. Kompyuter Games A. Panukalang Pahayag - Ang paglalaro ng computer games ay may masamang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ng Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas B. Paksa at Suliranin -Pagtukoy ng Paksa Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mga masasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila. -Paglalahad ng Suliranin Sa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng 1- LAM ang paglalaro ng computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado. -Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksa Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng 1-LAM sa UST na gustong ipaalam sa mga estudyante kung ano-ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ng mga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ng mga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang grado sa eskuwelahan. Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong din sila sa mga taong nakakaranas nito. C. REBYU / PAG-AARAL Sa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay ang internet.
  • 2. D. LAYUNIN A. Pangkalahatan - Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral na nagkakaroon ng adiksyon sa pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na ang interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang dahil dito. B.Tiyak -Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano-ano ang mga epekto sa paglalaro ng kompyuter games at kung paano nga ba maiiwasan ang mga masasamang epekto sa paglalaro nito. Nais din ng mga mananaliksik na makatulong sa bawat estudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games. E. HALAGA -Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay magbibigay impormasyon sa mga estudyanteng naglalaro ng kompyuter games ukol sa mga hindi magagandang bagay na kanilang maaraning sapitin kung sila ay magpapatuloy sa pag gawa ng bagay na ito. Ang kahalagan din ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng mga estudyante kung paano nila maiiwasan ang mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games. F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS Kompyuter Games -Kasaysayan -Masamang Epekto -Kalusugan -Pag-aaral -Mga sikat na Laro sa Kompyuter -Mga Kompyuter Shop -Batas ng Gobyerno tungkol dito
  • 3. G.METODOLOHIYA Ang pananaliksik na ito ay magsisimula sa pqgbibigay ng sarbey sa mga estudyante ng 1-LAM sa UST ang mga tanong ay bubuin na kung naapektuhan ba ang kanilang pag-aaral sa paglalaro ng kompyuter games at kung ano ang mga epekto ng kompyuter games sa kanilang kalusugan. Ito ang magiging sarbey na ipamimigay sa mga estudyante mula sa 1-LAM ng UST ng 2nd semestre ng taong 2008-2009 Kami sina Justin Visda , Heinson Tan at Bryan Yaranon at gusto naming sagutan ninyo ang sarbey na ito na tungkol sa mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games. Salamat sa inyong tapat napagsagot. 1. Sa paglalaro ng kompyuter games, naapektuhan ba ang iyong pag-aaral ? [ ] Oo [ ] Hindi 2. May plano ka ba na ihinto ang paglalaro ng kompyuter games? Bakit? Answer: 3. May plano ka ba na maglaro ng kompyuter games habam-buhay? Bakit? Answer: 4. Lagyan ng tsek ang mga nararanasan mong masamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games. [ ] Pag labo ng mata [ ] Pagka hilo [ ] Pag sakit ng ulo [ ] Ulcer [ ] Iba pa : pakilagay ________________
  • 4. H. Limitasyon / Delimitasyon Ang pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang mga dahilan kung bakit ang isang estudyante ay naglalaro ng kompyuter games at kung saan nga ba ito nagsimula pati na rin ang mga masasamang epekto nito at kung paano ito malulunasan. Maaring mabangit din sa pananaliksik na ito ang ibat ibang laro na kinahuhumalingan ng mga estudyante ng 1-LAM at kung saang lugar sila naglalaro. I. DALOY NG PAG-AARAL 1. Ang unang kabanata ay bubuuin ng kasaysayan ng kompyuter games mula sa kung saan unang ginawa ang ganitong uri ng bagay at kung anong laro ang mga unang ginawa. 2. Ang ikatlong kabanata ay tungol sa mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng 1-LAM at pati na rin sa ibang mga estudyante sa buong mundo. 3. Ang pangalawang kabanata ay bubuuin ng mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games para sa kalusugan ng mga mag-aaral ng 1-LAM at sa ibang taong dumaranas ng malalang sakit dahil sa paglalaro ng kompyuter games.
  • 5. Kasaysayan Ayon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve Russell ito ay ang "Space War". Ang larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang computer games sa buong mundo ayon kay Mary Bellis. Nabangit rin Mary Bellis sa kanyang article na ang pinaka unang computer games na maaring laruin sa isang telebisyon ay ang "Chase" na ginawa ni Ralph Baer noong 1967. Ayon muli sa artikulo ni Mary ang pinaka unang arcade game ay ang "Computer Space" na base sa na unang laro ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolan Bushnell at Ted Dabney noong 1971 at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ng kinalaunan ay ginamit na pambahay na laro ng "Atari Video Game". Isa namang artikulo ang nabasa ng mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter games ito naman ay ayon sa artikulo ni Geoff Edgers. Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag na "Atari VCS" ito raw ay nakabenta ng 30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito ang naghari hangang kalagitnaan noong 1980's ngunit marami daw ang hindi na nakuntento sa game console na ito kaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang nintendo ayon ito kay Geoff.
  • 6. http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm Masamang Epekto ng Kompyuter Games Pag-aaral: Ang kompyuter games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.
  • 7. Ayon kay Edmund Kam, ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan. Ngunit bakit hindi ito napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang pag-lalaro nang kompyuter ang nagbibigay sa kanila nang kasiyahan at ng mapaglilibangan. Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa pag-lalaro ng kompyuter, minsan pa nga ang kanilang pera ay ginagamit pa nila upang ipambili ng tinatawag na “Virtual Money”, ito ay ang perang ginagamit sa ilang kompyuter games. Ang pag-lalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito ang oras mo upang mapaunlad ang iyong sarili at ang iyong pag-aaral. Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na mundo na dapat para sa kanila. Ang mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para magging mga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi makakatulong sa paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ay hindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan. Mahirap pigilan ang pag-lalaro nito ngunit kung hindi ito matitigil paano na ang kinabukasan nang ating bayan kung ang mga kabataan ay iba na ang mundong ginagalawan at hindi na din pinahahalagahan ang pag-papaunlad ng kanilang mga sarili. Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi papahalagahan ang edukasyon na siyang susi sa bawat maunlad na bansa. Ngayon sa mga mambabasa nang research na ito huwag sanang ipagpalit ang edukasyon at ang pag-lilinang sa ating mga sarili sa walang saysay na pag-lalaro nang kompyuter games, dahil bukod sa pag-lalaro marami pa tayong magagawang mas makabuluhan.
  • 8. Kalusugan: Mga masamang epekto ng sobrang pag-lalaro ng kompyuter games: * Sobrang Pag-taba * Video-induced Seizures * Tendonitis * Nerve Compression * Carpal Tunnel Syndrome * Eye Strain Pangwakas Ang grupo ng mga mananaliksik ay nakakuwa ng impormasyon sa internet pati na rin sa kanilang kapwa kakaklase upang makatulong sa pagtapos ng pananaliksik na ito. Talagang marami ang mga masasamang epekto na idinudulot ng kompyuter games sa mga estudyante sa kanilang katawan pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay. Marami ang rason na kung bakit pinag papatuloy ng mga estudyante ang paglalaro ng kompyuter kahit na marami sa kanila ay nakakaranas na ng mga masasamang epekto nito. Sa mga pananaliksik na ginawa mayroon din naman mga batas na ginawa ang gobyerno ukol dito ngunit karamihan sa mga estudyante ay hindi nakakaalam nito at wala rin naman silang paki, dahil ang paglalaro ng kompyuter games ay isang adiksyon na mahirap talagang itigil. Ang mga mananaliksik ay nakakuwa ng impormasyon tungkol sa mga sakit na maaring makuwa sa paglalaro ng kompyuter at ninanais nila na ipaalam ito sa mga estudyante upang mabawasan ang mga estudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epektong dulot ng paglalaro ng kompyuter games.
  • 9. Konklusyon Sa kanilang pananaliksik, marami ang maaring matutunan. Katulad ng kung paano ba nagsimula at ano ba ang pinakaunang kompyuter games na ginawa at kung sino-sino ang mga unang mga kompyuter programmer. Makikita rin sa pananaliksik na ito ang masasamang dulot ng paglalaro ng kompyuter games . Napatunayan ng mga mananaliksik na mayroong masamang epekto ang paglalaro ng kompyuter games, dahil sila ay mga estudyante rin na naglalaro ng kompyuter games at nakakaranas ng mga masasamang epekto nito dahil ito ay sagabal at aksaya sa oras para sa mga mananaliksik, at ang nangyayari ay nawawalan na sila ng oras upang mag-aral. Ayon na rin sa sarbey na kanilang ginawa ay halos karamihan sa mga estudyanteng lalaki ng 1- LAM ay nakakaranas ng panghihilo at paglabo ng kanilang mata ngunit ang mga estudyanteng babae ng 1-LAM naman ay hindi gaano naglalaro nito kayat hindi naapektuhan ang kanilang pag-aaral at kalusugan. Marami din sa mga estudyante ng 1-LAM ay gusto ng tumigil sa paglalaro ngunit ito na rin siguro ang kanilang libangan at sa paglalaro nito at nakakalimutan na rin nila ang mga problema sa eskuwelahan at sa bahay. Nagagawa na rin ng mga estudyante ng 1-LAM ang hindi pag pasok sa kanilang klase upang makapag laro ng kompyuter games, doon pa lang ay makikita mo na malaki talaga ang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa kanilang pag-aaral. Rekomendasyon Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng 1-LAM pati na rin sa lahat ng estudyanteng nahuhumaling na sa paglalaro ng mga kompyuter games. Dahil ang paksa ay tungkol sa mga masasamang epekto na dulot ng paglalaro ng kompyuter games at marami sa mga estudyante ay nakakaranas nito. Hindi sinasabi ng mga mananaliksik na masama ang paglalaro nito kundi ay ipinapaalam lang nila sa lahat ang mga magiging epekto kung sila ay maglalaro nito. Ang pananaliksik na ito ay para ipaalam rin sa mga estudyante at babalaan sila na ang pagmamalabis hindi lang sa kompyuter games pati na rin sa lahat ng bagay ay masama, dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng labis ay masama. Gusto rin iparating ng mga mananaliksik na ang mga masasamang epekto ay maaring maiwasan kung ang paglalaro ay hindi sosobrahan at ang pag-aaral ay ang dapat na mas bigyan pansin.
  • 10. Sangunian Ang mga impormasyon ay galing sa mga web site na ito http://www.raisesmartkid.com/raise-smart-preschool-kid-articles/the-good-and-bad-effects-of- video.html http://library.thinkquest.org/07aug/01690/conclude.html http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm