FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
AP Grade 10 Q1 Mod1
1. NOT
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
KONTEMPORARYONG ISYU AT
HAMONG PANGKAPALIGIRAN
Department of Education ● Republic of the Philippines
10
NOON
NGAYON
2. Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 1, - Module 1: Kontemporaryong Isyu
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
i
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Dea A. Pacheco-Danluyan
Editor: Maria Rowena R. Lee
Ella Rosario Sencio,
Elisa B. Simon
Tagasuri: Wendell C. Catam-isan, PhD
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunaln na Director
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, Chief, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot Jr., EPS-ADM
Elvira U. Camocamo
Mga Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD, Chief, CID
Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS in Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS Manager
Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
3. 10
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 1:
Kontemporaryong Isyu
KAHON NG KATUGUNAN
Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga
edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at
iba pang nasa larangan ng edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.
Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas
ii
4. TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA
Pahina ng Karapatang-ari ………………………………………………….. i
Pahina ng Pamagat ………………………………………………………… ii
Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………….. iii
Aralin 1
Konsepto ng kontemporaryong Isyu
Pangkalahatang Ideya .………………………………………………… 1
Layunin ………..……………………………………….………………… 1
Panimulang Pagtatasa ………………….……………………………… 2
Paglalahad
Pagbuo ng Konsepto ………………………….……………………….. 3
Gawain 1: Letra-Halo……...……………..……………………………… 5
Gawain 2: Halina’t Pag-isipan Mo!..…………………………………… 6
Gawain 3: Mahalaga Ito! Dugtungan Mo!…………………………..…. 6
Pagtatasa
Gawain 4: Larawan Ko, Suriin Mo!…………………………………..… 7
Gawain 5: Halina’t Sagutin Natin! …………………………………….. 8
Gawain 6: Isyu-Analisis …………….………………………………….. 8
Paglalapat/Pagganap na Gawain
Gawain 7: Kontemporaryong Isyu Ba Kamo!......................................9
Gawain 8: Suri-Komunidad………………………………………………9
Gawain 9: Tara’t Mag-reflect!..............................................................9
Paglalahat………………………………………………………………….10
Panapos na Pagtataya……………………………………………………11
Susi sa Pagwawasto…………………………………………………...…13
Sanggunian………………………………………………………………...13
iii
5. Aralin
1
Konsepto ng
Kontemporaryong Isyu
I. PANGKALAHATANG IDEYA
Marahil ay hindi lingid sa iyo na nakararanas o nakaririnig tayo sa araw- araw
ng mga samo’t saring suliranin, pangyayari at hamon hindi lamang sa ating tahanan
at komunidad kundi maging sa ating bansa at sa mundo sa pangkalahatan. Paano
ka ba naaapektuhan ng mga ito? Paano ba tinutugunan ng iyong komunidad ang
mga ito?
Ang mga nabanggit na mga suliranin, pangyayari at hamon ay ang tinatawag
nating kontemporaryong isyu. Sa panimulang modyul na ito matututunan mo ang
konsepto, mga uri, at kahalagahan ng kontemporaryong isyu. Mahalagang mapag-
aralan mo ang mga ito upang mas maunawaan mo ang mga pangyayari sa lipunang
iyong kinabibilangan. Kasapi ka ng isang komunidad kaya marapat lamang na
maging kabahagi ka ng pagkilos at pagtugon sa anumang isyu at hamon.
Layunin
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu. (MELC 1)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito: ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu.
2. Natutukoy ang mga uri ng kontemporaryong isyu, at
3. Nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu
1
6. Panimulang Pagtatasa
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa anumang kaganapan, ideya, opinion o paksang may
kaugnayan sa kasalukuyang panahon?
A. Balita C. Isyung Napapanahon
B. Isyu D. Kontemporaryong Isyu
2. Kailan natin masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Kung ito ay walang epekto sa mga tao sa lipunan.
II. Kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon.
III. Kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
IV. Kung ito ay mahalaga o makabuluhan sa lipunang kinabibilangan.
A. I at II B. II at III C. III at IV D. II at IV
3. Kailan maituturing na isyu ang isang pangyayari?
A. Kung sikat ang mga taong sangkot dito
B. Kung nailalagay sa facebook o sa social media
C. Kung nakakuha sa interes ng mga tao at naging sanhi ng debate
D. Kung napag-uusapan ngunit walang namang epekto sa mga tao sa lipunan
4. Alin sa mga ito ang hindi na maituturing na kontemporaryong isyu?
A. EDSA Revolution
B. Pakikibaka ng mga NPA
C. Karahasan sa mga LGBT
D. Pagpapatupad sa national ID system
5. Ang kasalukuyang pandemya na ating nararanasan sa buong mundo ay isang isyung
A. Pang-edukasyon C. Pangkapaligiran
B. Pangkalusugan D. Pangkasarian
6. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa isyung pangkapaligiran?
A. COVID-19 C. Problema sa basura
B. Pagmimina D. Pagtatapon ng maruming tubig sa dagat
7. Ang paghingi ng mga manggagawa ng dagdag sahod ay kabilang sa isyung
A. Pang-edukasyon C. Pangkapaligiran
B. Pang-ekonomiya D. Pangkasarian
8. Saan napabilang ang mga usaping may kinalaman sa pamamalakad at desisyon ng
pamahalaan?
A. Pang-edukasyon C. Pangkapaligiran
B. Pang-ekonomiya D. Politikal
9. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa print media na siyang pinagkukunan din ng mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu?
A. Internet C. Magasin
B. Diyaryo D. Pamphlets
10. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong
panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya
III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang
IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng
bansa.
A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II
2
7. II. PAGLALAHAD
Matapos mong masagot ang mga panimulang gawain, siguradong mayroon
ka ng inisyal na kaalaman tungkol sa ating paksa. Upang mas lalo mo pang
mapalawak ang iyong kaalaman, basahin mo nang mabuti ang mga naihandang
teksto na siyang maging batayan ng impormasyon.
Pagbuo ng Konsepto
Ang Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Ano nga ba ang kontemporaryong isyu? Pero bago ang lahat, alamin muna
natin ang kahulugan ng dalawang salita na nakapaloob rito, ang kontemporaryo at
isyu.
Ang salitang kontemporaryo ay nangangahulugang kasalukuyan o
napapanahon o current sa wikang Ingles. Ang isyu naman ay tumutukoy ang paksa,
tema o suliranin na napag-uusapan o naging batayan ng dabate na nagtataglay ng
positibo o negatibong epekto sa buhay ng mga tao sa lipunan.
Kung ating pagsasamahin, ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa
anumang kaganapan, ideya, opinyon o paksang may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon. Ito rin ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o
gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating lipunan, bansa o mundo sa
kasalukuyang panahon. Ang anumang paksa o kaganapan kahit na ito ay nakalipas
na ngunit nakapupukaw pa rin sa interes ng mga tao at pinag-uusapan pa sa
kasalukuyan ay itinuturing bilang isang kontemporaryong isyu.
Para lubusan mong maintindihan ang konsepto ng kontemporaryong isyu,
magkakaroon tayo ng isang napapanahong halimbawa. Ano ang isang pangyayari
na lubusang bumagabag at nagpabago sa buhay ng mga tao sa mundo sa
kasalukuyan? Tama, ang pandemyang COVID-19. Mayaman man o mahirap,
ramdam nating lahat ang negatibong epekto nito sa ating buhay. Maraming tao ang
nawalan ng kabuhayan, nagkasakit, nagutom at namatay. Pansamantalang itinigil
ang face-to-face learning at bumagsak ang ekonomiya ng maraming bansa. At dahil
sa pandemyang ito, nagkaroon tayo ng tinatawag na “new normal” o ang mga
pagbabago na kailangan nating sundin para tayo ay maging ligtas laban sa COVID-
19 katulad na lamang ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagpapanatili sa
social distancing. Naunawaan mo na ba ang katuturan ng kontemporaryong isyu?
3
8. Mga Uri ng Kontemporaryong Isyu
1. Isyung Pangkapaligiran – tumutukoy sa mga suliranin o usaping may
kinalaman sa gawain ng mga tao na may hinding mabuting epekto sa ating
kapaligiran at kalikasan. Halimbawa: Climate change, deforestation, baha,
polusyon, problema sa basura
2. Isyung Pang-ekonomiya – mga suliranin o usaping pangkabuhayan tulad ng sa
trabaho, negosyo, produksyon, pagkonsumo, at kalakalan.
Halimbawa: Kawalan ng trabaho, underemployment, implasyon, globalisasyon
3. Isyung Politikal at Pangkapayapaan – may kinalaman sa sistema,
pamamaraan, pamamahala at aktibidad ng pamahalaan at ang pagpapanatili nito
sa kapayapaan.
Halimbawa: Political dynasty, korapsyon, terorismo, rebelyon, insurhensya
4. Isyung Pangkalusugan – mga usaping may kinalaman sa kalusugan ng tao,
nakabubuti man o hindi.
Halimbawa: COVID-19, HIV/AIDS, malnutrisyon, drug addiction, obesity
5. Isyung Pangkasarian at Sekswalidad – mga isyung may kinalaman sa
gampanin, pananaw, katangiang bayolohikal at oryentasyong sekswal ng isang
indibidwal.
Halimbawa: Diskriminasyon at karahasan sa mga kababaihan at LGBT (lesbian,
gay, bisexual & transgender), same-sex marriage, reproductive health
6. Isyung Pang-edukasyon – mga problema o isyu tungkol sa pamamalakad,
kalidad, programa at sistema ng edukasyon.
Halimbawa: Kakulangan ng pasilidad sa mga pampublikong paaralan, K to 12,
online-learning, pagtaas ng tuition fee sa mga pribadong paaralan
Saan naman tayo maaaring makakuha ng mga impormasyon sa mga
nabanggit na kontemporaryong isyu? Ang mga impormasyong ito ay makukuha natin
mula sa telebisyon, radyo, internet, social media, text advisory, at mula sa mga print
o nakalathalang materyal (pahayagan, magasin, komiks, brochures, at flyers).
Tandaan, mahalaga na mayroon tayong lehitimong sanggunian ng ating mga
impormasyon para mas lalo nating mauunawaan ang mga isyung ito na siyang
gagabay sa ating pagdedesisyon at pakikilahok sa mga pagkilos, programa at
proyekto sa ating komunidad.
Mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu:
Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon.
Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari na ito ay hango sa mga
legal na dokumento, journal, sulat, larawan, at iba pa.
4
9. Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng ugnayan, at
pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari.
Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o
nakabase sa opinyon o haka-haka lamang.
Kahalagahan ng Pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu
Sa bahaging ito, pagtutuunan natin ng pansin ang kahalagahan sa pag-aral
mo ng mga kontemporaryong isyu. Unawain mo ang mga ito upang mas lalong
maging makabuluhan ang mga natutunan mo sa mga kontemporaryong isyu.
Magiging mulat ka sa mga nangyayari sa iyong komunidad, bansa at sa
mundo sa pangkalahatan. Ang kaalaman mo sa mga sanhi at bunga ng mga
kontemporaryong isyu ang maging daan sa iyong pakikibahagi sa mga
pagkilos at pagtugon sa mga ito.
Makagagawa ka ng matalinong pagpapasiya. Ang pagkakaroon ng malawak
na kaalaman sa isang isyu ay makatutulong upang makagawa ka ng isang
matalino at responsableng desisyon.
Makapagbibigay ng mga suhestiyon sa mga krusyal na isyu na kailangang
mahanapan ng agarang solusyon at makatulong sa kalutasan ng mga
nasabing suliranin.
Mas lalong malilinang ang iyong mga kakayahan sa pag-iisip ng mga
hakbangin, pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang makalulutas sa
mga suliranin.
Makatutulong sa pagkakaroon ng matalas na kaisipan sa paghahanap ng
mga lehitimong impormasyon ukol sa mga isyu para makaiwas sa
kapahamakan.
Malilinang ang iyong kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa at mahahasa pa
lalo ang kakayahang pangwika at panggramatika.
Mga Gawain
Gawain 1 - Letra-Halo
Panuto: Gamit ang mga pinaghalong letra, tukuyin mo kung anong konsepto o salita
ang inilalarawan sa bawat bilang.
1. Kahulugan ng salitang kontemporaryo
U A K S L A Y N K U A
2. Kalagayan dala ng mga pagbabago na kailangan isagawa para maging ligtas
laban sa COVID-19
E R M N A L W N O
3. May kinalaman sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto
O N L Y A M S P I
5
10. 4. Pagbabago sa klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases
na nagpapainit sa mundo
I A A E E N H T L C M C G
5. Tawag sa tao na ang kilos at pag-uugali ay taliwas sa kanyang natural na
kasarian
N R S N R T G D E E A
Gawain 2 – Halina’t Pag-isipan Mo!
Panuto: Gamit ang bubble map ibigay ang mga saklaw ng kontemporaryong isyu.
Gawain 3 – Mahalaga Ito! Dugtungan Mo!
Panuto: Dugtungan mo ang pahayag sa ibaba tungkol sa kahalagahan sap ag-aaral
ng mga kontemporaryong isyu.
1. Para sa akin, mahalaga ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu __________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
6
11. 2. Mahalaga ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu sa aking pamilya at
komunidad ____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagtatasa
Gawain 4: Larawan ko, Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba.
Larawan #1
Halaw: https://www.google.com/imgres?imgurl
Larawan #2
Halaw: ptvnews.ph Channel
Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang mga headline o larawang naibigay?
2. Maituturing mo bang mga isyu ito? Bakit?
3. Bakit mahalagang maunawaan mo ang iba’t-ibang isyung panlipunan?
7
12. Gawain 5: Halina’t Sagutan Natin!
Panuto: Magbigay ng tigtatatlong (3) halimbawa sa mga saklaw ng
Kontemporaryong Isyu sa ibaba. Huwag gamitin ang mga halimbawa na
naibigay na sa modyul na ito.
a. Isyung Pangkalusugan c. Isyung Pangkapaligiran
b. Isyung Pang-edukasyon d. Isyung Pang-ekonomiya
Gawain 6 – Isyu-Analisis
Panuto: Ibigay ang iyong opinyon sa mga isyu sa ibaba. Sumasang-ayon ka ba o
hindi?
Sa isyu ng diborsyo, dapat ba itong
gawing legal sa bansa? Oo o Hindi?
Bakit?
Sa isyu ng COVID-19, dapat bang alisin
na ang travel ban sa labas ng bansa? Oo
o Hindi? Bakit?
8
13. III. PAGLALAPAT
Pagganap na Gawain
Gawain 7 – Kontemporaryong Isyu Ba Kamo!
Panuto: Suriin ang mga nakalista sa ibaba. Sabihin kung ang mga ito ba ay
kontemporaryong isyu o hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Mga kabataang gumagamit ng droga
2. Pagtatapon ng basura kahit saan
3. Problema sa trapiko
4. Pagdami ng mga poultry at piggery sa komunidad
5. Dumadami ang nawawalan ng trabaho
Gawain 8 – Suri-Komunidad
Panuto: Alamin ang mga kontemporaryong isyu na nangyayari sa iyong komunidad.
Sa talahanayan, mayroong apat na uri ng kontemporaryong isyu ang
nakalista. Magbigay ng tatlong halimbawa sa bawat uri.
Isyung
Pangkapaligiran
Isyung Pang-
ekonomiya
Isyung
Pangkalusugan
Isyung Pang-
edukasyon
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
Gawain 9 – Tara’t Mag-reflect!
Panuto: Sumulat ng tatlong talatang reflection tungkol sa naging epekto ng COVID-
19 sa iyo, sa iyong pamilya at sa iyong komunidad. Banggitin kung paano
binago ng pandemyang ito ang iba’t ibang aspekto ng inyong buhay.
IV. PAGLALAHAT
Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang kaganapan, ideya,
opinyon o paksang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
Ito rin ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag
o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating lipunan, bansa o
mundo sa kasalukuyang panahon.
9
14. May iba’t ibang saklaw ang kontemporaryong isyu: Pangkapaligiran,
Pang-ekonomiya, Politikal at Pangkapayapaan, Pangkalusugan,
Pangkasarian, at Pang-edukasyon.
Para mas maunawaan ang mga isyu, mahalagang may lehitimong
sanggunian mapagkukunan ng mga impormasyon mula sa internet
(podcast, online forums, blogs) print (pahayagan, magasin, journals) at
broadcast media (radio, telebisyon).
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu nagiging mulat ang isang
indibidwal sa mga pangyayari sa kanyang paligid, nakapagbibigay siya
ng mga suhestyon at nakikibahagi sa mga pagkilos para malutas ang
mga suliranin sa lipunan.
V. PANAPOS NA PAGTATAYA
A. Pagpipili – Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa kontemporaryong
isyu?
A. Sumasaklaw ito sa lahat ng interes ng tao na napag-uusapan.
B. Ito ay mga pangyayari o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon.
C. Kabilang din sa kontemporaryong isyu ang mga napag-uusapan noon na
buhay pa rin hanggang ngayon.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nakatutulong lalo na sa mga
mag-aaral. Alin sa mga ito ang hindi nagpapahiwatig nito?
A. Nahahasa ang kanilang iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga.
B. Natuto silang makikipagtsismisan tungkol sa mga nangyayari sa kanilang
paligid.
C. Nalilinang ang kanilang kritikal na pag-iisip at nakagagawa ng mga aksyon
ukol dito.
D. Nakapagpapahayag ng kanilang mga opinyon at suhesyon sa mga
mahahalagang isyu sa lipunan.
3. Ito ay mga suliraning may kinalaman sa kalikasan at pangkalahatang kaligtasan
ng mamamayan.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
4. Alin sa mga ito ang halimbawa ng isyung pangkasarian?
A. Terorismo C. Reproductive Health
B. Internet Addiction D. Problema sa solid waste
11
15. 5. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I. Nagiging mulat sa katotohanan
II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip
III. Napalalawak ang kaalaman
IV. Napapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV
B. Tama o Mali – Isulat ang letrang T kung tama ang ipinapahiwatig ng
pangungusap at letrang M naman kung mali.
6. Ang kontemporaryong isyu ay mga kaganapan o pangyayari na may positibo
lamang epekto sa mga tao.
7. Ang lahat ng mga kaganapan o suliranin ay matatawag na kontemporaryong
isyu.
8. Mahalaga sa pagbibigay ng patas na opinyon ang pagkakaroon ng malawak
na kaalaman sa nasabing isyu.
9. Matatawag ding kontemporaryong isyu ang isang pangyayari na naganap sa
nakalipas ngunit mayroon pa ring epekto sa kasalukuyan.
10.Ang pagiging mulat sa mga pangyayari sa paligid ay sapat na bilang
kontribusyon sa lipunan.
10
12
16. Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Eleanor D. Antonio et. Al. 2017. Kayamanan Manila Philippines: Rex Bookstore
Published & distributed
Department of Education. Araling Panlipuan 10 Materyal Pansanay, Learners
Module. 2017.
https://myinfobasket.com/mga-halimbawa-ng-kontemporaryong-isyu/
https://myinfobasket.com/ang-kahalagahan-ng-pagiging-mulat-sa-mga-
kontemporaryong-isyu/
https://www.youtube.com/watch?v=X&feature=youtu.be
Panimulang Pagtatasa
1. D
2. D
3. C
4. A
5. B
6. A
7. B
8. D
9. A
10. D
Panapos na Pagtatasa
1. D
2. B
3. D
4. C
5. D
6. M
7. M
8. T
9. T
10. M
13