EL FILIBUSTERISMO kabanata 6 ''Si Basilion''
Filipino 9 and 10
by: Rio Reyes Jr.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
************************************************************************
3. Talasalitaan:
Bunton
* -tambak o tumpok.
*Tanyag-kahulugan ay Sikat.
* Tari -sandata na kinakabit sa paa ng panabong na manok sa tuwing labanan.
* Gatol - Hindi nagdadalawang isip o sigurado.
* Pagsisiga -pagsusunog .
5. Si Basilio ay naglalakad sa kalye at makailang ulit na tiniyak na walang nakakakita o sumusunod
sa kaniya.Tinahan niya ang isang landas na walang gaanong naglalakad hanggang marating ang
matandang gubat na dating pag-aari ng mga Ibarra subalit mula nang paniwalang patay na ito ay
kinumpiska ng pamahalaan at naipagbili kay Kapitan Tiago.
Buod:
6. Ulilang lubos si Basilio at nagtungo sa Maynila ,kung kani-kanino siya lumapit upang
manilbihan.Siya’y may sakit,gula-gulanit ang damit at wala ni isang tumanggap sa kaniya.
7. Huminto siya sa harapan ng isang bunton ng mga bato at nagbigay galang,saka nanalangin.Ito ang puntod
ng kaniyang pinakakamahal na Ina na lingid sa kaalaman ng lahat ay dinadalaw tuwing umuuwi siya sa
bayan ng San Diego. Umupo siya at nagsimulang magmuni-muni.
8. Labing tatlong taon na ang nakaraan subalit hindi pa rin nawala sa isip ni Basilio ang nangyari sa
ina.Nalagutan ng hininga ang kaniyang ina nang gabing iyon,may isang lalaking nag-utos na kumuha siya
ng kahoy.Pagbalik niya ay isang bangkay ng lalaki na katabi ng kaniyang ina.Isang lalaki din ang dumating
at tumulong sa pagsisiga sa bangkay ng lalaki at paglilibing sa ina ni Basilio nasi Sisa.
9. Hanggang sa masumpungan niya ang kakilalang si Kapitan Tiago na kababayan niya sa
San Diego.Tinanggap siya nito bilang utusan na walang kapalit na bayad ngunit
pinayagang makapag-aral sa San Juan de Letran.
10. Hindi naging hadlang ang ginawang pagtrato ng mga guro’t kamag aral.Nagsikap siya at nag-aral ng mabuti,
lahat ng aralin ay kinabisado niyang mabuti ultimo tuldok at kudlit.Naipasa niya ang pasalitang pagsusulit
na halos hindi tumitigil at humihinga sa pagsasalita.Walang gatol at walang pagkakamali siya sa pagsaulo at
pagbibigkas ng mga leksiyon sa harap ng klase.
11. Nasa harapan niya ang mga taong nagtitipon at humahanga sa kaniya .Lahat ng tao ay nakinig sa
kaniya at sasabihin niya ang mga bagay na higit na mahalaga, kakalimutan niya ang kaniyang sarili
at ang kapakanan ng mahihirap na mag-aaral ang kaniyang isaisip at ihaharap.
12. Nagbunga nito ng magandang marka kasama ang medalya.Inudyak ni Kapitan Tiyago na lumipat si
Basilio sa Ateneo,hinangaan ni Basilio ang pagtuturo at ang pagmamalasakit ng mga guro sa mag-
aaral ,lalong nagsumikap mag-aral hanggang palaring maging tanyag doon.
13. Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito, bago
ito maging abogado kaya pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na
makakatulong si basilio ng mga bangkay kaya’t magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng
kanyang panabong na manok sa tuwing labanan.
14. Huling taon na niya ng pag-aaral at dalawang buwan na lamang ay magtatapos na siya at
tatanghaling isang tunay na manggagamot.Naisipan niyang bumalik sa San Diego at pakasalan
si Juli upang mamuhay ng tahimik at maligaya.
15. Karagdagang kaalaman:
-Tuwing umuuwi si Basilio sa San Diego dinadalaw niya ang
puntod ng kaniyang ina.
-Medisina ang kinuhang kurso ni Basilio upang matulungan ang
mga may sakit at makahanap ng lason pangkabit sa paa ng
panabong manok ni Kapitan Tiago.
-Ang ina ni Basilio nasi Sisa ay naging baliw dahil siya’y
ginahasa ng isang prayle.
16. Kaugalian ng mga Pilipino
sa kabanatang ito:
-ang pagiging masipag,
-may lakas ng loob ,
-marangal,
-may pag-asa,
-hindi nagpapahadlang,
-pagtitiis,
-at pagtitiyaga.
17. Iugnay sa kasalukuyang panahon:
-ang karamihan sa mga mag-aaral ngayon sa kasalukuyan ay
nagsisikap hindi magliban sa klase,nagtitiis sa pagsaulo ng mga
aralin at masipag sa mga gawain na binibigay ng mga guro kaya
nakapagtapos ng pag-aaral ng matagumpay kagaya ng:
*Cum Laude
*Valedictorian
*Honor Students
at iba pa na mga parangal na natatanggap, kagaya ni Basilio na
hindi sumusuko kahit may humahadlang sa kaniya noon.
18. Sakit sa Lipunan:
- Ang pagkukutyat sa mga taong di maayos ang
pananamit
- Ang hindi pagtulong sa mga nangangailangan
- Ang pag-aabuso sa mga mahihirap na mga mag-
aaral.
19. ARAL:
-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay
nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan.
Maging ano mang uri ng gawain basta’t marangal ay
kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral.
Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig
upang matuto.
20. Mga Tanong:
1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni
Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?
-Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang
kahapon. Siya’y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod
ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay
pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan).
21. 2. Gaano pa katagal bago si Basilio maging tanyag
na manggagamot?
-Hanggang makapagtapos siya sa natitirang dalawang
buwan sa kaniyang pag-aaral sa huling taon(4thyear).