2. EFREN ABUEG
Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na
nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang
panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang
kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya
rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga
Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa
Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT:
Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog
ni Alejandro G. Abadilla (1973).
3.
4. Panuto: Pagtapat-tapatin ang hanay A sa
kasingkahulugan sa hanay B.
A B
1. Magmukhang basahan a. matutong magsarili sa buhay
2. Makatindig sa sariling paa b. mag-ulam ng asin
3. May lason sa isip c. nakamit na ang tagumpay
4. Nasa itaas ka na d. may nabuong maling
paniniwala
5. Magdildil ng asin e. maging marumi
8. PANGKAT II
Mungkahing Estratehiya
AMBUSH INTERVIEW
Suriin ang katangian ng tauhan batay sa
itinanghal na mono-logo na nakabatay sa
ilang bahagi ng maikling kwento.
11. Pangkat V
1. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng may - akda sa pagsulat
niya ng akdang "Saranggola"?
2. Ano ang himig o mood na higit na lumutang sa kwento?
3. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mailarawan
ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagkukumpara nito sa
isang bagay tulad ng saranggola na naglalarawan sa uri ng
buhay na itinuro ng ama sa anak,saan mo kaya ito
ihahalintulad? Bakit?
12. BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong
Mahusay
Nangangailangan ng
Pagpapabuti
Nilalaman
at Organisasyon
ng mga Kaisipan
o Mensahe(4)
Lubos na naipahatid
ang nilalaman o
kaisipan na nais
iparating sa
manonood (4)
Naipahatid ang
nilalaman o kaisipan
na nais iparating sa
manonood (3)
Di-gaanong
naiparating ang
nilalaman o kaisipan
na nais iparating sa
manonood (2)
Di naiparating ang
nilalaman o kaisipan na
nais iparating sa
manonood (1)
Istilo/
Pagkama-
likhain
(3)
Lubos na kinakitaan
ng kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng pangkat sa
presentasyon (3)
Kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng pangkat
sa presentasyon (2)
Di-gaanong
kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang
ginamit ng pangkat
sa presentasyon(1)
Di kinakitaan ng
kasiningan ang
pamamaraang ginamit
ng pangkat sa
presentasyon (0)
Kaisahan
ng Pangkat
o Kooperasyon
(3)
Lubos na nagpamalas ng
pagkakaisa ang bawat
miyembro sa kanilang
gawain (3)
Nagpamalas ng
pagkakaisa ang bawat
miyembro sa kanilang
gawain (2)
Di-gaanong
nagpamalas ng
pagkakaisa ang bawat
miyembro sa kanilang
gawain (1)
Di nagpamalas ng
pagkakaisa ang bawat
miyembro sa kanilang
gawain (0)
RUBRIKS
13. MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang uri ng masining na
pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay
napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang blangkas na inilalahad sa isang
paraang mabilis ang galaw. .
14. MAIKLING KWENTO
Ang kahulugang ito ay pinasimple ni Genoveva
Edroza- Matute na nagsabing ang maikling kwento ay
isang maikling kathang pampanitikan na
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may
isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may isang
kakintalan.
15. ELEMENTO NG KWENTO
Paningin- nagsaaad kung saan dapat talakayin
ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat
maglahad ng mga pangyayaring makikita at
maririnig niya.
Suliranin (problem)- ang problemang kinakaharap
ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa
katapusan ng akda.
16. Salitaan (dialogue)- ang usapan ng mga
tauhan. Kailangan ang dayalogo ay magawang
natural at hindi artipisyal
Paksang-diwa (Theme)- ito ang pang-isipang
iniikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong
una, ang diwa ay nangangahulugan ng moral
lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig
sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng
akda (significant idea).
17. Himig (mood)- ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin.
Ang himig ay maaaring mapanudyo, mapagpatawa at
iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang
damdamin.
Kapanabikan (climax)- nalilikha ito ng paglalaban ng mga
tauhan o ng bidag tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito
ang pinakakapana-panabik na bahagi na nararamdaman ng
mga mambabasa bunga ng hindi matiyak na magiging
kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang
pakikipagtunggali.
18. Kakalasan- Sa bahaging ito, bumababa ang takbo ng
kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas.
Pagtutunggali (conflict)- ito ang paglalaban ng
pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat
na maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng
damdamin na rin niya. s
Galaw (action)- tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng
kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hnggang sa
malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
20. Kung bibigyan ka ng pagkakataong bigyan ng
wakas ang kwentong "Saranggola" bagama't
ito ay may wakas na, paano mo ito
wawakasan? Gamitin ang mga bagay na
naobserbahan sa totoong buhay o iyong
napanood na halos may katulad na sitwasyon
upang magawan mo ito ng magandang
wakas.
22. 1. "Ang taas at tagal ng paglipad ng saranggola ay nasa husay,
ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero
kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon, at kung
bumagsak lagging nawawasak.“
A. Ang tunay na tagumpay sa buhay ay makakamit, hindi sa
pamamagitan ng mga materyal na bagay, disiplina at tiyaga.
B.Hindi magtatagumpay ang mga mapagmalaki at mapagmataas.
C.Ang kahusayan at tyaga sa pagpapalipad ng saranggola ay daan
upang ang isang tao ay magtagumpay sa buhay.
D.Mas madaling paliparin ng mataas ang malaking saranggola.
23. 2. "Magtiwala ka sa amin, anak. Wala
kaming gagawin ng iyong ama kundi
makabubuti sa iyong hinaharap ". Ang ina
ay _______________.
a.Maawain c.selosa
b.Magagalitin d. malupit
24. 2. Ang sinisimbolo ng saranggola
ay _______________.
a.pangarap
b.buhay
c.paglalakbay
d.paninindigan
25. Panuto: Suriin ang katangian ng
tauhan batay sa ilang bahagi ng
akdang binasa. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
26. 4. "Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang
kundi sa mga itinuturo nila sa mga ito". Ang kahulugan ng pahayag
ay __________________.
a. Magiging magaan ang buhay ng anak kung lagi siyang
nakasandal sa magulang.
b. Walang magagawa ang magulang upang gumaan ang buhay ng
kanyang anak.
c. Ugaliing magpaturo sa magulang upang ang buhay ay maging
magaan.
d. Ang matiyagang pangangaral at pagtuturo ng magulang ay daan
tungo sa magandang kinabukasan ng mga anak.
27. 5. Kinakantyawan ako sa bukid, tatay. Anak daw ako
ng may-ari ng kaisa-isang estasyon ng gasolina sa
bayan…bakit daw kayliit ng saranggola ko". Ang anak
ay ________________.
a. Magagalitin
b. Puno ng hinanakit
c. mapanumbat
d. mapagmalaki