2. Layunin:
a. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa (F8-PT-IIIe-f-31)
• Natutukoy ang sagot sa mga tanong o pahayag.
b. Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katwiran
• naibabahagi ang sariling interes kaugnay ng paksang
tatalakayin sa pamamagitan ng paghula ng pamagat ng mga
programang pantelebisyon
• naipahahayag ang kahalagahan ng programang pantelebisyon
sa buhay ng bawat indibidwal sa kasalukuyang panahon batay
sa sariling pananaw at katwiran.
12. ALAM MO BA…
Itinuturing na isa sa mga pangunahing
midyum ng telekomunikasyon ang
telebisyon sa Pilipinas.
Taong 1953 nang maitayo sa bansa ang
kauna- unahang telebisyon sa
pangunguna ni James Lidenberg na
tinaguriang “Ama ng Telebisyon” sa
Pilipinas.
13. James Lidenberg
- Ama ngTelebisyon sa
Pilipinas
- May- ari ng Bolinao
Electronics
Corporation na
kalaunan ay nakilala
sa pangalang Alto
Broadcasting System
System o ABS.
14. Naipakilala ang telebisyon sa bansa noong 1953
nang simulang ipalabas ng ABS sa Maynila ang
DZAQ-TV.
Pagkalipas ng ilang taon ay nabili ng Chronicle
Broadcasting Network(CBN) na pag- aari nina
Eugenio at Fernando Lopez ang ABS kung kaya’t
naitatag ang ABS- CBN Network.
Ito ang pinakamatanda at nangungunang television
network sa bansa. May islogan itong “In the Service
of the Filipino”.
15.
16.
17. Sa kasalukuyan, bukod sa ABS- CBN, na isang
malaking estasyon ng telebisyon sa bansa ay nabuo rin
ang DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang
GMA Network.
Itinayo ito ng isang residenteng Amerikano sa Pilipinas
na nangangalang Bob Stewart noong 1960. Kilala ang
estasyong ito sa islogang “Kapuso, anumang kulay ng
buhay.”
Sa parehong taon ay nabuo rin ang isa pang estasyon, ang
TV 5 na dating kilala sa pangalang ABC 5 na pag- aari
ng MediaQuest Holdings, Inc. Ito ay may islogang “Para
sa Iyo, Kapatid!”
21. 1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Telebisyon sa Pilipinas”.
2. Itinuturing na isa sa mga pangunahing midyum ng
telekomunikasyon sa Pilipinas.
3. Siya ang nagtayo ng isa sa kilalang estasyon sa Pilipinas, ang
GMA.
4. Ito ang pinakamatanda at nangungunang television network
sa bansa na may islogang “In the service of the Filipino”.
5. Taon kung kailan naitayo sa bansa ang kauna- unahang
telebisyon sa Pilipinas.
J S L D G
T N
B S W T
B N
5
23. Takdang Aralin:
1. Alamin kung ano ang
ibig sabihin ng paksa,
layon, at tono. Itala
ito sa inyong
kwaderno.
Sanggunian: Pluma 8
24.
25. Layunin:
a. Nahihinuha ang paksa, layon, at tono ng akdang nabasa/
napakinggan (F8PB- IIIe-f-31)
• nasasagot ang mga tanong tungkol sa programang
pantelebisyong napanood.
b. Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga
napakinggan/ nabasang pahayag o mensahe (F8PN-IIIe-
f-30)
• Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga
napakinggan/nabasang pahayag o mensahe gamit ang
graphic organizer.
28. Mga Katanungang Dapat Sagutin:
1. Tungkol saan ang iyong napanood?
Ano ang pamagat nito? Naaangkop ba ang pamagat sa nilalaman ng
napanood mo?
Sino ang tagapagsalita sa napanood mo?
Sino- sino ang mga tauhang nagsiganap?
Ano- anong mga pagsubok ang pinagdaanan ng mga bata sa kuwento?
2. Ano ang naramdaman mo matapos mong mapanood ang programang
ito?
3. Gaano ba kahirap ang maging mahirap?
4. Para sa iyo, masasabi mo bang mas masuwerte ka sa buhay ng mga
batang napanood mo?
4. Anong mahalagang aral ang natutunan mo sa iyong napanood?
29. 1. Ano ang paksa ng iyong napanood?
a. Pagpapahalaga sa edukasyon para sa kabataang Pilipino
b. Pagkakaroon ng kamalayan sa totoong mukha ng kahirapan sa
ating lipunan.
c. Pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino.
Sagot: ____.
Ito ang napili kong hinuha sapagkat _______________________
Piliin ang titik ng tamang sagot at ipaliwanag ang iyong hinuha
kung bakit mo napili ang iyong kasagutan.
30. Piliin ang titik ng tamang sagot at ipaliwanag ang iyong
hinuha kung bakit mo napili ang iyong kasagutan.
2. Ito ang pangunahing layunin kung bakit ginawa ang iyong
napanood?
a) Upang mabigyang halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng
mga batang Pilipino
b) upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon.
c) upang maimulat ang bawat indibidwal lalong- lalo na ang mga
mag- aaral na magsumikap upang makamit ang bawat pangarap.
Sagot: ____.
Ito ang napili kong hinuha sapagkat ________________________.
31. Muli mong ilahad ang mga pangyayari at mensahe sa iyong napanood.
Mga Pagsubok/ Problema na Pinagdaanan ng mga Tauhan sa Napanood
1.
2.
3.
Mensaheng Nais Iparating ng Pinanood na Programa
1.
2.
EBALWASYON
32.
33. a. Nasusuri ang isang programang pantelebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan (F8PD-IIIe-f-31)
Natatalakay ang ipinagkaiba ng dokumentaryong
pantelelibisyon at dokumentaryong pampelikula
Napupunan ang tsart na inilaan upang suriin ang
pinanood na programa
LAYUNIN:
34. Dokyumentaryong Pantelebisyon
Mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng
buhay at tumatalakay sa kultura
at pamumuhay sa isang lipunan.
35. Dokyumentaryong Pampelikula
Ang dokumentaryong pampelikula ay
mayroong pangunahing layunin na
magbigay-impormasyon, manghikayat,
magpamulat ng mga kaisipan at
magpabago ng lipunan. Sa mas malawak
nitong pakahulugan, ito ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang
makita ang realidad at katotohanan.
36. Pagkakaiba
Dokyumentaryong
Pampelikula
• Mas mahaba at mas
pinaghahandaan
• Mas komprehinsibo
• Sa isang sinemahan ito
pinalalabas
• Mas magastos itong i-
produce
Dokyumentaryong
Pantelebisyon
• Mas maikli
• Ito ay serye ng palabas
• Mas kombinyenteng panuorin
dahil maari mo itong
panoorin sa bahay
• May mga pagkakataon na
ipinapalabas ito sa isang
sinehan.
37.
38. PAGSURI: Pamagat
Programa at Estasyon Kung Saan Ito Napanood
Petsa ng Pagkakagawa o Pagpapalabas sa Telebisyon
Dokumentarista
Isyung Tinalakay
Sariling Konklusyon at Reaksyon
39.
40. Layunin:
a. Naipahahayag sa lohikal na
pamamaraan ang mga pananaw at
katwiran. (F8PS-IIIe-f-32)
b. Nagagamit sa pagsulat ng isang
dokumentaryong pantelebisyon ang
mga ekspresyong nagpapakita ng
kaugnayang lohikal.(F8PU-IIIe-f-32)
42. Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita
ang wastong pagkakasunod- sunod ng
mga pangyayari. Kailangang lohikal na
maipakita ang ugnayan upang madaling
makuha o maunawaan ang mensaheng
nais maiparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.
43. 1.Sanhi at Bunga
2.Paraan at Resulta
3.Kondisyon at Resulta
4.Paraan at Layunin
5.Pag- aalinlangan at Pag- aatubili
6.Pagtitiyak at Pagpapasidhi
44. Sanhi at Bunga
Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat
na maliwanag na Makita ng mga mambabasa o
tagpakinig. Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat,
palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga at iba pa ay
madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
Nagsisikap siyang mabuti sa kanyang pag- aaral kaya
gumanda ang kanyang buhay.
45. Paraan at Resulta
Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta.
Ang pang- ugnay na sa ay karaniwang
ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng
kanyang mga kaibigan.
46. Kondisyon at Resulta
Sa ugnayang ito ipinapakitang maaring
maganap o sumalungat sa mga pangyayari
kung isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-
ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaring
gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka
mananatiling mahirap.
47. Paraan at Layunin
Isinasaad ng ugnayang ito kung paano
makakamit ang Layunin gamit ang paraan.
Ang mga pang- ugnay na upang, para, nang,
at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
Nagsisikap siyang mabuti sa pag- aaral upang
bumuti ang kanyang buhay.
48. Pag- aalinlangan at Pag- aatubili
Ito ay magkakaugnay sapagkat ang nag- aalinlangan o
nagdududa ay nag- aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o
pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin ang isang nag-
aatubili ay bunga ng pag- aalinlangan. Ang mga salitang hindi
sigurado, yata, tila, baka, marahil at iba pa ay maaaring
gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang- ugnay na kaya,
samaktwid, kung gayon.
Halimbawa:
Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa.
49. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o
kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito
ay ang siyang tunay, walang duda, sa
katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama
ang pang- ugnay na na at nang.
Halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay
at walang dudang napatunayan ko ito.
50. Pangkatang Gawain: 4 na miyembro kada grupo.
Sumulat ng 3- 4 na pangungusap tungkol sa ibinigay na larawan gamit ang
mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
Halimbawa:
Pursigidong manalo sa patimpalak ang mga mag- aaral kung kaya’t pinagbubuti nila ang
kanilang ginagawa.
51. Pinal na Gawain:
Sumulat ng isang iskrip para sa dokumentaryong
pantelebisyon tampok ang isyung iyong napili.
Gamitin ang mga ekspresyong naghuhudyat ng
ugnayang lohikal upang mas mapaganda ang sulatin.
Rubriks:
Nilalaman- 5
Organisasyon ng Ideya- 5
Mensahe- 5
15