10. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat
labanang pupuntahan niya… Naging tanyag pa si
David…Pinagtagumpay ng Panginoon si David
sa bawat labanan kahit saan siya magpunta.
Naghari si David sa buong Israel, na gumagawa
ng matuwid at tama para sa lahat ng
mamamayan niya (2 Sam. 8:6, 13-15).
11. Pinagtagumpay n’yo ang pinili n’yong hari.
Minamahal n’yo si David at ang angkan niya
magpakailanman (2 Sam. 22:51; Psa. 18:50).
12. Yahweh, Dios ng Israel, wala pong Dios na
katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad n’yo
ang inyong kasunduan…Tinupad n’yo ang
inyong ipinangako sa aking amang si David na
inyong lingkod. Kayo po ang nangako nito at
kayo rin ang tumupad nito sa araw na ito (1
Kings 8:23-24).
14. Pero dahil kay David, niloob ni Yahweh na
kanyang Dios na magmumula sa angkan niya
ang maghahari sa Jerusalem sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kanya ng anak na papalit sa kanya
sa paghahari (1 Kings 15:4).
15. Pero dahil sa kasunduan ni Yahweh kay David,
hindi niya nilipol ang angkan ni David. Nangako
siya kay David na hindi mawawalan si David ng
angkan na maghahari magpakailanman (2 Chr.
21:7).
16. Nangako kayo noon kay David, at ito’y tiyak na
inyong tutuparin at hindi babawiin. Sinabi n’yo,
‘Isa sa iyong angkan ang papalit sa iyo bilang
hari (Psa. 132:11).
17. Nangako ako kay David ayon sa aking kabanalan
at hindi ako maaaring magsinungaling.
Magpakailanman, sa kanyang lahi magmumula
ang bawat hari ng Israel at ang kaharian niya ay
mananatili katulad ng araw (Psa. 89:35-36).
19. Darating ang araw na muli kong itatayo ang
kaharian ni David na natulad sa kubong nawasak.
Aayusin ko ito sa kanyang pagkakagiba at muling
itatayong katulad ng dati (Amos 9:11).
20. Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari
sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang
Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang-
hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.” Hindi
magwawakas ang pag-unlad ng kanyang
pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya
ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin
niya ito at paghahariang may katarungan at
katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng
Makapangyarihang si Yahweh na matutupad ito (Isa.
9:6-7).
21. Lumapit kayo sa akin at makinig para mabuhay
kayo. Gagawa ako ng walang hanggang
kasunduan sa inyo. Ipapadama ko sa inyo ang
pag-ibig ko’t awa na ipinangako ko kay David.
Ginawa ko siyang tagapamahala ng mga bansa,
at sa pamamagitan niya’y ipinakita ko ang aking
kapangyarihan sa kanila (Isa. 55:3-4).
23. Darating ang araw na paghahariin ko ang isang
haring matuwid na mula sa angkan ni David.
Maghahari siyang may karunungan, at paiiralin
niya ang katuwiran at katarungan sa lupaing ito.
Ito ang pangalang itatawag sa kanya, “Si Yahweh
ang Ating Katuwiran.” At sa panahong ito,
maliligtas ang Juda at magkakaroon ng
kapayapaan sa Israel (Jer. 23:5-6; 30:9; 33:15-
17).
25. Bibigyan ko sila ng isang tagapagbantay na
katulad ng lingkod kong si David. Siya ang
magbabantay at mag-aalaga sa kanila. Akong si
Yahweh ang magiging Dios nila, at ang haring
katulad ni David na aking lingkod, ang magiging
tagapamahala nila. Ako, si Yahweh, ang
nagsasabi nito (Eze. 34:23-24).
26. Paghaharian sila ng haring mula sa angkan ng
lingkod kong si David. Isa lang ang magiging
pastol nila. Susundin na nilang mabuti ang mga
utos ko’t tuntunin…Maghahari sa kanila ang
haring tulad ni David na lingkod ko
magpakailanman (Eze. 37:24-25).
28. Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng
Kataas-taasang Dios. Ibibigay sa kanya ng
Panginoong Dios ang trono ng ninuno niyang si
David. Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob
magpakailanman; ang paghahari niya ay walang
katapusan (Luke 1:32-33).
29. Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na
mula sa angkan ni David. Si David ay mula sa
lahi ni Abraham (Matt. 1:1).
31. Sumigaw ang bulag, “Jesus, Anak ni David,
maawa po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga
nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang
pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa
akin” (Luke 18:38-39)!
32. Ang mga nauuna kay Jesus at ang mga
sumusunod sa kanya ay sumisigaw, “Purihin ang
Dios! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng
Panginoon! Pagpalain nawa ng Dios ang
dumarating na kaharian ng ninuno nating si
David. Purihin natin ang Dios” (Mark 11:9-10)!
34. Ang ating ninunong si David ay namatay at
inilibing…nangako ang Dios sa kanya na isa sa
kanyang mga lahi ay magmamana ng kanyang
kaharian…nagsalita siya tungkol sa muling
pagkabuhay ni Cristo na hindi siya pinabayaan sa
libingan at hindi nabulok ang kanyang katawan.
Ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si
Jesus na muling binuhay ng Dios, at kaming
lahat ay saksi na muli siyang nabuhay (Acts
2:29-32).
36. Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang
pagtawag ng Dios sa mga hindi Judio para may
mga tao ring mula sa kanila na maging kanya. Ito’y
ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon,
dahil sinasabi sa Kasulatan, “Pagkatapos nito,
babalik ako, at itatayo kong muli ang kaharian ni
David na bumagsak. Ibabangon ko itong muli mula
sa pagkaguho, para hanapin ako ng ibang tao – ang
lahat ng hindi Judio na aking tinawag na maging
akin” (Acts 15:15-17; Amos 9:11-12)
38. Huwag kang umiyak dahil si Jesus na tinaguriang
Leon mula sa lahi ni Juda, ang anak ni David ay
nagtagumpay…Ibigay sa nakaupo sa trono at sa
Tupa ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan at
kapangyarihan magpakailanman (Rev. 5:5, 13)!
39. Nakita ko ang napakaraming tao na hindi
mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng
bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa
harap ng trono at ng Tupa…Sumisigaw sila nang
malakas, “Purihin ang Dios na nakaupo sa trono,
at purihin din ang Tupa dahil iniligtas nila kami
sa kaparusahan” (Rev. 7:9-10)!
40. “Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel
upang sabihin sa iyo ang mga bagay na ito para
sa mga iglesya. Galing ako sa angkan ni David at
ako rin ang maningning na bituin sa
umaga…Halikayo! Lumapit ang sinumang
nauuhaw at gustong uminom ng tubig na
nagbibigay-buhay. Wala itong bayad…Talagang
malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman,
“Amen. Pumarito na po kayo, Panginoong
Jesus” (Rev. 22:16-17, 20).
41. The KING calls us to put our trust in him
By…
• Praising: “I will exalt you, my God and
King!”
• Praying: “Your kingdom come!”
• Proclaiming: “Our God is King over all the
earth!”