SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 48
Baixar para ler offline
Musika
4
Kagamitan ng Mag-aaral
	 Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng
mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
	 Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
ii
Musika at Sining – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN: ___________
	
	 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.
	 Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)
Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD
	
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________
Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)
Office Address	 :	 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex 					
			Meralco Avenue, Pasig City						
			Philippines 1600
Telefax		 : 	 (02) 634–1054 or 634–1072 			
E–mail Address : 	 imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Musika
	 Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. Parakikay
Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres
Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares,
Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian
Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena
Tagatala: Richilo L. Laceda
Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal
Sining
	 Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
	 Consultant: Charo Defeo-Baquial
	 Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela
	 Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval
	 Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez
	 Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena
	 Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
iii
Paunang Salita
Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda
upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan
sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na
lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng
sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at
natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan
ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.
Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-
laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin
at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na
magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa
maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral
upang magkaroon ng:
•	mapanuri at replektibong pag-iisip;
•	mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;
•	mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at
•	mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong
upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral
ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education
Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
iv
Talaan ng Nilalaman
MUSIKA
Yunit 1 – Rhythm
Aralin 1: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika........... 5
Aralin 2: Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic
Pattern at Time Signature..................................... 8
Aralin 3: Ang Rhythmic Pattern at ang
2
4 Time Signature...... 12
Aralin 4: Ang Rhythmic Pattern sa
3
4 Time Signature............ 15
Aralin 5: Ang Accent at Rhythmic Pattern sa
3
4 Time
Signature.............................................................. 19
Aralin 6: Ang Rhythmic Pattern sa
4
4 Time Signature...... 22
Aralin 7: Ang Accent sa mga Recorded Music................... 28
Aralin 8: Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas	..... 31
Glossary .............................................................................. 267
Appendix .............................................................................. 274
3
Yunit I
Rhythm
4
Gaya ng musika, ang mga bagay sa paligid ay mayroon ding
rhythm. Ang patak ng ulan, tunog ng orasan, paghampas ng alon
sa dalampasigan, at ang tibok ng ating puso ay ilan lamang sa
mga bagay na may rhythm.
Ang rhythm ay isa sa mga elemento ng musika na
tumutugon sa pagpapangkat-pangkat ng tunog ayon sa time
signature.
Sa yunit na ito, malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagkilala ng iba’t ibang uri ng mga note at rest, kasama ang iba
pang simbolong pangmusika. Gayundin ang pagbabasa at
pagsusulat ng rhythmic pattern sa mga meter na dalawahan,
tatluhan, at apatan, gamit ang mga time signature na at na
kasabay ang galaw ng katawan tulad ng pagpalakpak, pagtapik,
pagmartsa at pagsayaw o iba pang paraan ng pag-indak o pag-
indayog ng katawan, na akma sa rhythm.
Tatalakayin din sa yunit na ito ang pamamaraan sa
pagkumpas ng mga awitin.
5
Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika
Bawat komposisyong musikal ay binubuo ng iba’t ibang
note at rest at ng iba pang simbolong pangmusika. Ang bawat
note ay may katumbas na rest. Sa araling ito, matututuhan ang
pakikinig, pagkilala, pagbasa, paggalaw, at pagsulat ng
rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang note at rest.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahan, tatluhan, at apatang kumpas:
2
3
4
Awitin ang “Lupang Hinirang”. Bigyang pansin ang
tamang titik at tono. Tandaan ang mga kailangan sa maayos
na pag-awit tulad ng tamang pag-upo, hindi pasigaw, at
paghinga buhat sa diaphragm sa halip na sa lalamunan.
6
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang
chant.
Gawin 2
Suriin ang iskor ng awiting “Magandang Araw”. Basahin
ang titik ng awit at awitin sa pangunguna ng guro.
Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit.
Pag-aralan kung paano napangkat ang mga note at rest
sa bawat measure.
7
Tandaan na ang bawat note ay may katumbas na rest.
Mga Uri ng
Note
Simbolo Bilang ng Kumpas
Mga Uri ng
Rest
Simbolo
Quarter
note
1 kumpas
Quarter
rest
Eighth note ½ kumpas Eighth rest
Half note 2 kumpas Half rest
Whole note 4 kumpas Whole rest
Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa musika?
Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang hitsura ng quarter note? Iguhit mo ang iyong
sagot.
2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note?
3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note?
4. Ano-ano ang mga note na nasa ikatlong measure ng
awiting “Magandang Araw”?
5. Ano ang hitsura ng quarter rest? Iguhit mo ang iyong
sagot.
8
Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic
Pattern, at Time Signature
Ang meter ay isa sa mga elemento ng rhythm. Ito ang
pagkaka-pangkat ng mga kumpas o pulso sa musika.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahang kumpas:
Pangkat A – Ipalakpak ang beat.
Pangkat B – Ipalakpak ang rhythmic pattern.
9
Gawain 2
Pangkatang gawain:
Gamit ang mga flashcard ng note at rest, bubuo ang
bawat pangkat ng rhythmic pattern sa dalawahang kumpas.
Ipalakpak ang mga nagawang rhythmic pattern.
Gawain 3
Pag-aralan at suriin ang awiting “Tayo Na!”
- Ano-anong uri ng note at rest ang ginamit sa awitin?
- Ano ang meter ng awitin?
- Ilan ang bilang ng kumpas sa bawat measure?
- Paano nabuo ang rhythmic pattern sa bawat measure?
- Ano ang inilagay/ginamit upang mapangkat ang mga
tunog?
- Awitin muli ang “Tayo Na!” habang ipinapalakpak ang
beat ng awit.
10
Gawain 4
Gamit ang barline, pangkatin ang mga note at rest ayon
sa time signature.
Ang isang measure ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga note at rest at ginagamitan ng barline
upang makabuo ng pangkat ayon sa nakasaad na time
signature.
Ano ang mangyayari kung may sinusunod tayong mga
patakaran sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay?
Tukuyin at isulat ang limang karaniwang rhythmic
pattern na matatagpuan o ginamit sa awiting “Tayo Na!”.
1.
2.
3.
11
4.
5.
Takdang-aralin
Pag-aralan ang awit na “Umayka Ti Eskuela.” Lagyan ng
kaukulang bilang ng kumpas ang bawat note at rest ng awitin.
UMAYKA TI ESKUELA
Umayka ti eskuela, tapno lumaing ka,
Adu ti masursuro, maestro ti pangulo.
Tungpalem ti ‘bagana paginbagan ida,
Taragsak da nanang mo,
ken ni pay tatang mo.
COME TO SCHOOL
Come to school so you’ll be wise
Many things you will learn
The teacher is the head
Do what she says, it is for your own good
It is your mother’s joy and your father’s
too.
12
Ang Rhythmic Pattern at ang Time Signature
Ang ay may time signature na dalawahan ang bilang ng
kumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na pang
martsa. Ang bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│. Napapangkat ang
mga bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng barline.
Gawain 1
Echo clapping: Ipalakpak ang sumusunod.
1) 4)
2)
3)
Awitin ang “Umayka Ti Eskuela”.
Hatiin ang rhythm nito ayon sa time signature.
13
Gawain 2
Awitin nang sabay-sabay ang “Baby Seeds”.
- Ilang measure mayroon ang awit?
- Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng
mga measure?
- Tukuyin ang mga note at rest na ginamit sa awitin.
- Paano nabuo ang mga measure?
- Ano ang time signature ng “Baby Seeds”?
- Ilang bilang mayroon ang bawat measure?
Gawain 3
Mula sa awit na “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop na
salita ang bawat rhythmic pattern.
1. ______
2. ______
3. ______
4. ______
14
Gawain 4
Muling awitin ang “Baby Seeds”. Sabayan ng pagtapik/
pagpalakpak ng rhythmic pattern ng awitin.
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang note at
rest na naaayon sa isang nakatakdang time signature.
Ano-ano ang mga gawain na higit na nakatulong sa pag-
unawa sa aralin?
Pangkatin ang mga note ayon sa time signature at batay
sa tamang bigkas ng mga salita. Gumamit ng barline.
15
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature
Ang rhythmic pattern sa time signature na ay
pagpapangkat ng mga tunog sa tatluhan. Ito ay karaniwang
sinasabayan ng sayaw na balse o waltz, at may bilang na 1, 2,
3.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
1) 4)
2) 5)
3)
Awitin ang awit tungkol sa mga note habang ipinakikita
ang pagbuo ng iba’t ibang note sa pisara.
(Tono: “This is the Way I Brush My Teeth”)
We have here a hollow head, a hollow head, a hollow head.
We have here a hollow head and we call it a whole note.
16
Then we put a stem on it, a stem on it, a stem on it.
Then we put a stem on it and we call it a half note.
Then we put a shade on it, a shade on it, a shade on it.
Then we put a shade on it and we call it a quarter note.
Then we put a flag on it, a flag on it, a flag on it.
Then we put a flag on it and we call it an eight note.
Gawain 2
Pakinggan ang isang recording ng isang waltz tulad ng
“Waltz of the Blue Danube” at maaaring sumayaw o
magkumpas ang mga bata habang nakikinig.
Gawain 3
Awitin at suriin ang musical score ng “Batang Magalang”.
- Ano-anong uri ng note at rest ang makikita sa awit?
- May kakaiba ka bang napansin sa pagkakaayos o
pagkakasulat ng awitin? Saan nakita ang measure na ito?
- Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa
bawat measure?
17
Tukuyin ang bilang ng kumpas ng bawat note.
Gawin nang sabay ng bawat pangkat.
Pangkat 1: Ipalakpak at suriin ang rhythmic pattern ng
unang apat na measure ng awitin.
Pangkat 2: Itapik ang beat ng awitin.
Gawain 4
Awitin ang “Will You Dance With Me?” at sabayan ng
nababagay na dance step.
Gawain 5
Iguhit ang akmang note sa bawat patlang upang mabuo
ang mga rhythmic pattern sa time signature.
1.
2.
3.
4.
5.
T. Martinez Mel Santos
18
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga
note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature.
Sa pag-awit ng “Batang Magalang”, ano ang inyong
naramdaman? Bakit?
Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin kasabay ng
awitin na may meter?
Isulat ang angkop na rhythmic pattern batay sa lyrics ng
awitin.
Ba- hay ku -bo ka- hit mun- ti
19
Ang Accent at Rhythmic Pattern sa Time Signature
Upang makasunod sa daloy ng rhythm o ritmo ng isang
musika, kinakailangang matukoy ang unang kumpas ng beat
nito. Ang diin o accent ay karaniwang inilalagay sa unang
kumpas upang maging malinaw na makasunod sa daloy ng
awitin o tugtugin.
Bersiyong Bicol Bersiyong Ingles
Kon dili sin abaniko If hand fan is not with me
Tapus na ining buhay ko My life will be miserable
Lawas ko, ay,ay! My body! Oh! My body
Madedesmayo Fainting will happen,
Kun dili sin abaniko If hand fan is not with me
20
Gawain 1
Awitin ang “An Sakong Abaniko”.
Suriin ang rhythmic pattern ng “An Sakong Abaniko”.
Ipalakpak ang rhythm ng awitin.
Ano ang naramdaman mo habang isinasayaw ang balse,
umaawit at ipinapalakpak ang rhythm ng awit?
Ano ang time signature ng awit?
Ano ang kilos na maaaring gawin habang inaawit ito?
Gawain 2
Lagyan ng panandang diin (>) ang unang kumpas ng
bawat measure ng awit na “An Sakong Abaniko”.
Gawain 3
Awiting muli ang “An Sakong Abaniko.” Lagyan ng
accent ang bahaging binigyang diin sa awit. Gawin ito sa
sagutang papel. Awitin ito ayon sa pagkakalagay ng accent.
Gawain 4
Sumayaw habang inaawit ang “An Sakong Abaniko.”
Bigyang-pansin ang bahaging may accent.
Sa pangkaraniwang kumpas, ang unang note o kumpas
ng bawat measure ay binibigyan ng accent (>) o diin.
Ang accent sa unang kumpas ng rhythmic pattern sa ay
nagbibigay ng mas maayos na pagsaliw sa mga sayaw na balse.
Tulad sa musika, mahalaga ang makasunod sa daloy o
ritmo ng nangyayari sa buhay ang isang mag-aaral na tulad
21
mo. Kung tahimik ang klase dahil nag-aaral ang mga kamag-
aral mo, dapat na tahimik ka rin. Magbigay ka nga ng iba pang
halimbawa kung kailan ka dapat makasunod sa daloy ng
nangyayari sa iyong paligid.
Pagmasdan ang musical score ng “Ang Huni ng Ibong
Pipit”. Lagyan ng accent ang bahagi ng awit na nararapat na
may diin.
R. Tecson L. Villanueva
22
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature
Sa time signature na , may apat na bilang ang bawat
measure.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
Bigkasin ang mga rhythmic syllable.
23
Ating balik-aralan ang pagkumpas ng apat, gamit ang
kaliwa at kanang kamay. Pakinggan ang “Pop Goes the
Weasel” at sabayan ang kumpas nito.
Awitin ang “Ang Huni ng Ibong Pipit” (tingnan sa Aralin).
Bigyang pansin ang tamang lugar ng accent. Lapatan ng
angkop na galaw ang awitin.
Gawain 2
Bigkasin ang lyrics ng awiting “We’re on the Upward
Trail” ayon sa tamang rhythm. Awitin din ito.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol dito.
24
- Ano-anong uri ng mga note ang makikita sa awit?
- May bagong note ka bang nakita? Ano ito?
- Ilan ang bilang ng isang whole note?
Gawain 3
Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awitin.
Ano ang time signature ng awitin?
Ilan ang bilang sa bawat measure?
Bigkasin ang rhythmic syllable ng una at pangalawang
linya ng awit.
Itapik/Ipalakpak ang pangatlo at pang-apat na linya.
Gawain 4
a. Awiting muli ang “We’re on the Upward Trail”.
Lapatan ng galaw ng katawan ang bawat note.
- takbo - lakad
- slide - talon
25
b. Tukuyin/Hanapin ang mga kaparehong measure o mga
measure ng sumusunod na rhythmic pattern sa awiting
“We’re on the Upward Trail”.
1)
2)
3)
4)
Gawain 5
Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit na
“Inday Kalachuchi”.
26
Visayan Version English Translation
Inday Kalachuchi Inday Kalachuchi
may langgam tamsi, there’s a sunbird,
Iyang balhibo and it has feathers
pula ug berde, bright red and green,
Ayaw’g hingkalimti, Don’t you ever forget,
Ang baryo dinhi, Here in the barrio,
Daghang dalaga, Are many maidens,
daghang dalaga, many maidens
Ako ay gwapa But I’m the prettiest
Ang rhythmic pattern na may time signature na ay may
kaukulang mga note at rest na pinagsasama-sama upang
makabuo ng apat na bilang.
Bakit mahalaga ang kaalaman sa iba’t ibang note, rest, at
time signature?
27
Isulat sa patlang ang note o rest na bubuo sa measure ng
time signature na
(note) 1.
(rest) 2.
(note) 3.
(note) 4.
(rest) 5.
28
Ang Accent sa mga Recorded Music
Ang rhythm at tiyempo ng mga awitin at tugtugin ay
madaling natutukoy sa pamamagitan ng accent na naririnig at
nararamdaman sa unang kumpas nito.
Gawain 1
Pakikinig: Pakinggan ang “Pop! Goes the Weasel”.
Sa anong salita maririnig ang accent?
Ipakita ang tsart ng awiting “Ano-ano.” Awitin ito.
Ano ang time signature ng awitin?
Tungkol saan ang awit?
Awitin ang “Ano-ano” na sinasabayan ng paglalakad.
29
Tukuyin ang mga lugar sa awitin na nabigyan ng mas
malakas na bigkas o pag-awit bunga ng paglalakad.
Awitin nang sabay-sabay ang “Ano-ano” at bigyang
pansin ang mga accent.
Gawain 2
Gumawa ng rhythmic pattern na angkop sa mga time
signature na makikita sa ibaba. Gamitin ang sumusunod
na uri ng note at rest.
Gawain 3
Awitin ang “Ano-ano”. Lagyan ng akmang galaw ayon sa
time signature na at sa titik ng awitin.
Ang diin ay karaniwang makikita sa unahang bahagi ng
measure o sa unang kumpas/beat ng isang measure.
30
Ang maayos na pakikinig ay nagdudulot ng malawak na
pag-unawa. Paano ito naipakikita sa loob ng silid-aralan?
Itapik ang sumusunod na mga rhythmic pattern sa Hanay
A. Piliin sa Hanay B ang awitin na ginamitan ng naturang
rhythmic pattern.
An Sakong Abaniko
31
Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas
Sa bawat araw na may pasok sa paaralan, umaawit ng
“Lupang Hinirang” ang mga mag-aaral habang nakatingin sa
itinataas na watawat. Inaawit naman ang “Pilipinas Kong
Mahal” tuwing ibinababa ito.
Madalas na may isang lider na nangunguna sa pag-awit
nito habang siya ay kumukumpas.
Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong kumumpas ng
alinman sa dalawang awit na ito?
Pakinggang mabuti ang awiting “Lupang Hinirang”.
Tingnan sa tsart ng awitin kung ang lyrics nito ay pareho
sa binibigkas mo tuwing aawit ka nito. Pansinin ang mga
pagkakaiba at isulat ito sa kuwaderno.
Batay sa napakinggan, ano ang pamagat ng ating
Pambansang Awit?
Nasa anong palakumpasan ang “Lupang Hinirang”?
Sa anong kumpas nagsisimula ang “Lupang Hinirang”?
32
Narito ang mga paalaala kung paano ang pagkumpas ng
“Lupang Hinirang”.
 Tumayo ng tuwid at tumingin sa mga gagabayan ng
iyong pagkumpas.
 Itaas ang braso at ang mga kamay na katapat at
kasintaas ng dibdib.
 Kailangang maramdaman at makita ang unang
bagsak ng beat sa bawat measure.
 Kung nais mong maging malakas ang pag-awit,
lakihan ng bahagya ang kumpas. Samantala, liitan
lamang ang kumpas kung nais mong hinaan ng mga
umaawit ang kanilang boses sa pag-awit.
 Ibukas ang mga palad upang maging malakas at
may diin din ang gagawing pag-awit at itaob ang
mga ito para hinaan ang pag-awit.
 Bigyang kahulugan ang bawat galaw ng kamay sa
pagkumpas, ngunit hindi dapat nagdidikit sa gitna
ang mga kamay.
Sabayan ng kumpas ang recorded music ng “Lupang
Hinirang.” Gayahin ang larawang nasa ibaba.
33
Isagawa rin ang pagkumpas sa “Pilipinas Kong Mahal”
habang sinasabayan ang recorded music.
Tingnan ang nasa larawan sa ibaba at ikumpas ang
“Pilipinas Kong Mahal” sa palakumpasang .
Simulan ito sa pataas na kumpas o sa ikatlong bilang.
Ang pagkumpas ay isang paraan ng pagtugon sa metric
pulse ng awit o tugtuging napakikinggan. Isa itong uri ng
komunikasyon na kailangang maunawaan ng umaawit o ng
tumutugtog.
34
Ang pagkumpas ay isang uri ng komunikasyon sa pagitan
ng mang-aawit o manunugtog at ng tagakumpas. Hindi lamang
sa musika ginagamit ang pagkumpas upang makipag-usap.
Anong mga kumpas pa ang ginagamit mong paraan ng
pakikipag-usap?
Paano ito nakatutulong sa malinaw na pag-unawa sa nais
mong sabihin?
Tayahin ang sarili. Gawin ito sa kuwaderno.
Kasanayan Napakahusay Mahusay
Di-
gaanong
Mahusay
Nanganga-
ilangan ng
Tulong
1. Nakakumpas ako
nang tama sa
rhythm
2. Naunawaan ng
mga umaawit ang
kahulugan ng
aking pagkumpas
3. Nakasunod ako sa
pamantayan ng
pagkumpas
4. Tama ang
posisyon ng aking
katawan at
kamay habang
kumukumpas
5. Naging maganda
ang pag-
awit/pagtugtog
dahil sa aking
pagkumpas
267
GLOSSARY
MUSIKA
2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring
soprano at alto part o kaya naman ay soprano at
tenor
Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang
kasamang instrumentong pansaliw
Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o
sa unang kumpas ng bawat measure
Antecedent
Phrase
nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical
phrase
Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may
kwerdas at nagbibigay ng mababang tono
Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa
bawat measure ng staff
Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at
may makapal na tunog
Beat ang pulso ng awit o tugtugin
Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono
nang mas mababa ng isang oktaba sa viola
Chant paawit na pagsasalita na walang sukat
Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang
pirasong reed at may 24 na butas at
nakapagbibigay ng mataas na tono
Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o
tugtugin
Consequent
Phrase
nagsisilbing pangwakas na parirala bilang
katapusan ng isang musical phrase
Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody
bilang karagdagang himig na sumusuporta sa
pangunahing himig
Di-magkatulad
na musical
phrase
binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at
panghimig
268
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o
higit pang pinagsama-samang maninipis na
kawayan
Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o
paghina ng pag-awit o pagtugtog
Flute instrumentong woodwind na walang reed at
pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas
na nasa gawing dulo ng katawan nito
Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog
French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na
tubong labindalawang talampakan ang haba at
nababago ang tono sa pamamagitan ng mga
piston at valve
G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff
na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff
Harmonic
Interval
tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang
magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog
nang sabay
Harmonic
Third Interval
binubuo ng dalawang magkaugnay na note na
may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2
step
Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na
pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde
Instrumental
Music
musikang galing sa mga musical instrument
Interval ang pagitan ng dalawang tono
Kalaleng o
Tongali
instrumentong etniko na yari sa mahabang
kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng
iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng
overblowing
Kodaly Hand
Sign
isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit
ang iba’t ibang senyas kamay
Largo tempo na mas mabagal sa andante
Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff
269
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob
sa dalawang barline at may tamang bilang ng
kumpas na naaayon sa nakasaad na meter
Melodic
Ostinato
isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na
tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing
melodiya
Melodic
Phrase
pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na
hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang
pagkasunod-sunod ng mga note na siyang
bumubuo sa isang magandang linya o melody
Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na
ipinamamalas sa kumpas o beat
Musical
Phrase
ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o
nagsasaad ng isang buong kaisipan
Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na
pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga
panandang pang-musika (musical symbol)
Oboe instrumentong woodwind na may ihipang yari sa
dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may
maliit na pagitan
Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do
hanggang sa higher do
Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na
tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga
Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay
may pagtitipon
Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog
Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G)
Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang
komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin
o tutugtugin nang mabilis na mabilis
Prime una o isa
Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa
ng boses o musical instrument
270
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa
ihipan ng instrumentong woodwind
Rhythmic
Ostinato
rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at
ginagamit na pansaliw sa awitin
Rhythmic
Pattern
ay ang pinagsama-samang mga note at rest na
binuo ayon sa nakasaad na time signature
Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na
pagagad/paggaya
Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at
kahalintulad ng panpipes
Score ang piyesa ng awit o tugtugin
Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung
saan isinusulat ang music notation
Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin
Texture elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o
nipis ng tunog
Timbre ang uri o kalidad ng tunog
Tonal Tono
Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng
iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong-
sulong ng slide nito
Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na
tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit
sa pagbabago ng tono
Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa
instrumentong brass
Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at
A. Ito ay may mas malaking katawan at mas
makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing
na alto ng string family
Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at
E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang
soprano ng string family
271
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses
Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter
o kumpas na may malakas na accent o diin sa
unang beat
274
APPENDIX
Musika
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play
275
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
We’re on the Upward Trail
Will You Dance With Me?
Mga Awit sa Pakikinig
Ading
Are You Sleeping Lazy Juan?
Bahay Kubo
Blue Danube Waltz
Hallelujah Chorus
Happy Birthday
It Came Upon the Midnight Clear
Mindanao Sketches
My Heart Will Go on
Philippine Tongatong
Pop Goes the Weasel
Row, Row, Row Your Boat
Somewhere Over the Rainbow
Star Wars- Opening Theme
Tayo’y Umawit
276
Bibliography
Musika
Antukin: Philippine folk songs and lullabies;
Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young
Readers, 1998
Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc
Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos,
Copyright St. Mary’s Publishing Corp.
Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42
J. C Palabay Interprises
Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.
Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc
Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan
Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose
Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan
Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto
Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House,
Cultural Arts Series
Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications,
Inc.
Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4
Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p.
52, 1963
by MJ Enriquez, Philippine Book Company
Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts
Series
Musical Wonders Worktext and Teachers Guide
277
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs
Compiled and edited by Damiana L. Eugenio
Sanayang Aklat sa Musika 4
Chita C. Erice at Victorina A. Mariano
Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and
Victorina Mariano
Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.
Internet:
Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo
https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8
Balitaw-Visayan song
https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY
Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger
Parker and the Badke Quartet
https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM
Celso Espejo Rondalla
Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E
Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale
https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw
Cordillera hymn-nose flute
https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI
Cordillera Musical Bamboo Instruments 2
https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI
Dabakan Solo
https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0
Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley
https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8
Gangsa
https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k
Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio
https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k
278
Hudhud (Ifugao)
https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I
Kalesa (by Ernani Cuenco)
https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s
Kalinga's Musical Instrument
https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8
Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque
https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw
Kids singing Happy Birthday
https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0
Kolitong
https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y
Kudyapi Master Samaon Sulaiman
https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI
Leroy Anderson - The Syncopated Clock
https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g
Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra
https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU
Loboc Children's Choir The Prayer
https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM
Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan
Duet by Raye Lucero and Peping de Leon
https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0
Mindanao Kulintang Ensemble
https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs
Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura
http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA
Pop! Goes the Weasel
www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE
Ode to Joy by Beethoven
http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA
279
Ode to Joy - Piano sheet music
https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU
Odiyat Kambayok by Erlynda
https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k
Paldong - Julia Yabes
https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI
Paldong Lip-Valley Flute
https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU
Percussion Family
https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE
Percussion Instruments
https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc
Philippine Bamboo Orchestra in Beijing
https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ
Philippine Marching Bands
https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84
Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen)
https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg
Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley
https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s
Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla -
https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE
PMA Marching Band
https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI
"Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal
Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE
P.Tchaikovsky. Serenade for Strings.
https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ
Samaon Sulaiman 2
https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4
Sarah Geronimo solo
https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
280
Street Parade at Tagaytay City,
Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY
Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn
http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8
The Brass Family
https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY
The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao
https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg
The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp
https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PL
WdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG
The String Family - A Digital Story
https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0
Woodwind instruments
https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c
Vivaldi Spring The Four Seasons
https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE
Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens
https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Ang Physical Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino
Ang Physical Pyramid Guide Para sa Batang PilipinoAng Physical Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino
Ang Physical Pyramid Guide Para sa Batang PilipinoMarie Jaja Tan Roa
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
PE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng Kalamnan
PE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng KalamnanPE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng Kalamnan
PE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng KalamnanMarie Jaja Tan Roa
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Pagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic Syllables
Pagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic SyllablesPagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic Syllables
Pagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic SyllablesVina Pahuriray
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Detailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoDetailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoHana Czarina Callo
 
Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)
Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)
Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)Nancy Damo
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Rubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaRubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaMacky Mac Faller
 
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMAILYNVIODOR1
 

Mais procurados (20)

K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
 
Rhythmic patterns
Rhythmic patternsRhythmic patterns
Rhythmic patterns
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN HEALTH (Q1-Q4)
 
Ang Physical Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino
Ang Physical Pyramid Guide Para sa Batang PilipinoAng Physical Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino
Ang Physical Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino
 
Music Grade 4 1st Quarter Lesson 1
Music Grade 4 1st Quarter Lesson 1Music Grade 4 1st Quarter Lesson 1
Music Grade 4 1st Quarter Lesson 1
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
 
PE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng Kalamnan
PE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng KalamnanPE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng Kalamnan
PE Quarter 2 Aralin 1 Lakas at Tatag ng Kalamnan
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
 
Music 6 quarter 1
Music 6 quarter 1Music 6 quarter 1
Music 6 quarter 1
 
Gr 3 uri ng mapa
Gr 3 uri ng mapaGr 3 uri ng mapa
Gr 3 uri ng mapa
 
Pagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic Syllables
Pagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic SyllablesPagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic Syllables
Pagbigkas ng Ritmo Gamit ang Rhythmic Syllables
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
 
Detailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoDetailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipino
 
Ang Pitch Name
Ang Pitch NameAng Pitch Name
Ang Pitch Name
 
Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)
Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)
Music gr. 1 teacher's guide (q1&2)
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Rubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaRubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tula
 
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
 

Semelhante a Music grade 4 lm yunit 1

Grade 3 Music LM Tagalog
Grade 3 Music LM TagalogGrade 3 Music LM Tagalog
Grade 3 Music LM TagalogCORAZONCALAKHAN
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docxGrade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docxMarilynAlejoValdez
 
Musika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson planMusika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson planMaribel Rufo
 
Grade 5 DLP MSEP.docx
Grade 5 DLP MSEP.docxGrade 5 DLP MSEP.docx
Grade 5 DLP MSEP.docxKimmieSoria
 
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
MAPEH Grade 3 Q1.pdfMAPEH Grade 3 Q1.pdf
MAPEH Grade 3 Q1.pdfmariolanuza
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 musicLEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 musicMARY JEAN DACALLOS
 
Bec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musikaBec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musika09071119642
 
Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh iv
Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh ivIsang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh iv
Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh ivPertanixIanCarmelo
 
grade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdf
grade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdfgrade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdf
grade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdfRoquesaManglicmot1
 

Semelhante a Music grade 4 lm yunit 1 (20)

Grade 3 Music LM Tagalog
Grade 3 Music LM TagalogGrade 3 Music LM Tagalog
Grade 3 Music LM Tagalog
 
1 music lm u2
1 music lm u21 music lm u2
1 music lm u2
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
 
Music gr.3 tagalog q1
Music gr.3 tagalog   q1Music gr.3 tagalog   q1
Music gr.3 tagalog q1
 
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docxGrade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
 
DLL_MAPEH 5_Q1_W3.docx
DLL_MAPEH 5_Q1_W3.docxDLL_MAPEH 5_Q1_W3.docx
DLL_MAPEH 5_Q1_W3.docx
 
Musika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson planMusika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson plan
 
Grade 5 DLP MSEP.docx
Grade 5 DLP MSEP.docxGrade 5 DLP MSEP.docx
Grade 5 DLP MSEP.docx
 
Musika v 1 st grading
Musika v 1 st gradingMusika v 1 st grading
Musika v 1 st grading
 
Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)
 
Music3 m2
Music3 m2Music3 m2
Music3 m2
 
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
MAPEH Grade 3 Q1.pdfMAPEH Grade 3 Q1.pdf
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
DLL_MAPEH 4_Q1_W4.docx
DLL_MAPEH 4_Q1_W4.docxDLL_MAPEH 4_Q1_W4.docx
DLL_MAPEH 4_Q1_W4.docx
 
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docxDLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
 
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 musicLEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
 
Bec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musikaBec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musika
 
Bec pelc+2010+-+musika
Bec pelc+2010+-+musikaBec pelc+2010+-+musika
Bec pelc+2010+-+musika
 
Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh iv
Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh ivIsang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh iv
Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh iv
 
grade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdf
grade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdfgrade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdf
grade-4music-day-1-powerpoint_compress.pdf
 

Mais de Philip Yanson

Label tabbing-for-portfolio
Label tabbing-for-portfolioLabel tabbing-for-portfolio
Label tabbing-for-portfolioPhilip Yanson
 
Models of curriculum
Models of curriculumModels of curriculum
Models of curriculumPhilip Yanson
 
Educatioanal achievement
Educatioanal achievementEducatioanal achievement
Educatioanal achievementPhilip Yanson
 
Case study publlic elementary school
Case study publlic elementary schoolCase study publlic elementary school
Case study publlic elementary schoolPhilip Yanson
 
Separating and retaining employees
Separating and retaining employeesSeparating and retaining employees
Separating and retaining employeesPhilip Yanson
 
Management of educational institutions illustrative cases
Management of educational institutions illustrative casesManagement of educational institutions illustrative cases
Management of educational institutions illustrative casesPhilip Yanson
 

Mais de Philip Yanson (10)

Melc grade 5
Melc grade 5Melc grade 5
Melc grade 5
 
Label tabbing-for-portfolio
Label tabbing-for-portfolioLabel tabbing-for-portfolio
Label tabbing-for-portfolio
 
Diversity
DiversityDiversity
Diversity
 
Models of curriculum
Models of curriculumModels of curriculum
Models of curriculum
 
Diversity
DiversityDiversity
Diversity
 
Educatioanal achievement
Educatioanal achievementEducatioanal achievement
Educatioanal achievement
 
Case study publlic elementary school
Case study publlic elementary schoolCase study publlic elementary school
Case study publlic elementary school
 
Separating and retaining employees
Separating and retaining employeesSeparating and retaining employees
Separating and retaining employees
 
Economic analysis
Economic analysis Economic analysis
Economic analysis
 
Management of educational institutions illustrative cases
Management of educational institutions illustrative casesManagement of educational institutions illustrative cases
Management of educational institutions illustrative cases
 

Music grade 4 lm yunit 1

  • 1. Musika 4 Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 2. ii Musika at Sining – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________ Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
  • 3. iii Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay- laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng: • mapanuri at replektibong pag-iisip; • mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; • mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at • mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
  • 4. iv Talaan ng Nilalaman MUSIKA Yunit 1 – Rhythm Aralin 1: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika........... 5 Aralin 2: Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic Pattern at Time Signature..................................... 8 Aralin 3: Ang Rhythmic Pattern at ang 2 4 Time Signature...... 12 Aralin 4: Ang Rhythmic Pattern sa 3 4 Time Signature............ 15 Aralin 5: Ang Accent at Rhythmic Pattern sa 3 4 Time Signature.............................................................. 19 Aralin 6: Ang Rhythmic Pattern sa 4 4 Time Signature...... 22 Aralin 7: Ang Accent sa mga Recorded Music................... 28 Aralin 8: Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas ..... 31 Glossary .............................................................................. 267 Appendix .............................................................................. 274
  • 6. 4 Gaya ng musika, ang mga bagay sa paligid ay mayroon ding rhythm. Ang patak ng ulan, tunog ng orasan, paghampas ng alon sa dalampasigan, at ang tibok ng ating puso ay ilan lamang sa mga bagay na may rhythm. Ang rhythm ay isa sa mga elemento ng musika na tumutugon sa pagpapangkat-pangkat ng tunog ayon sa time signature. Sa yunit na ito, malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkilala ng iba’t ibang uri ng mga note at rest, kasama ang iba pang simbolong pangmusika. Gayundin ang pagbabasa at pagsusulat ng rhythmic pattern sa mga meter na dalawahan, tatluhan, at apatan, gamit ang mga time signature na at na kasabay ang galaw ng katawan tulad ng pagpalakpak, pagtapik, pagmartsa at pagsayaw o iba pang paraan ng pag-indak o pag- indayog ng katawan, na akma sa rhythm. Tatalakayin din sa yunit na ito ang pamamaraan sa pagkumpas ng mga awitin.
  • 7. 5 Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika Bawat komposisyong musikal ay binubuo ng iba’t ibang note at rest at ng iba pang simbolong pangmusika. Ang bawat note ay may katumbas na rest. Sa araling ito, matututuhan ang pakikinig, pagkilala, pagbasa, paggalaw, at pagsulat ng rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang note at rest. Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahan, tatluhan, at apatang kumpas: 2 3 4 Awitin ang “Lupang Hinirang”. Bigyang pansin ang tamang titik at tono. Tandaan ang mga kailangan sa maayos na pag-awit tulad ng tamang pag-upo, hindi pasigaw, at paghinga buhat sa diaphragm sa halip na sa lalamunan.
  • 8. 6 Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang chant. Gawin 2 Suriin ang iskor ng awiting “Magandang Araw”. Basahin ang titik ng awit at awitin sa pangunguna ng guro. Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit. Pag-aralan kung paano napangkat ang mga note at rest sa bawat measure.
  • 9. 7 Tandaan na ang bawat note ay may katumbas na rest. Mga Uri ng Note Simbolo Bilang ng Kumpas Mga Uri ng Rest Simbolo Quarter note 1 kumpas Quarter rest Eighth note ½ kumpas Eighth rest Half note 2 kumpas Half rest Whole note 4 kumpas Whole rest Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa musika? Sagutin ang sumusunod. 1. Ano ang hitsura ng quarter note? Iguhit mo ang iyong sagot. 2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note? 3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note? 4. Ano-ano ang mga note na nasa ikatlong measure ng awiting “Magandang Araw”? 5. Ano ang hitsura ng quarter rest? Iguhit mo ang iyong sagot.
  • 10. 8 Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic Pattern, at Time Signature Ang meter ay isa sa mga elemento ng rhythm. Ito ang pagkaka-pangkat ng mga kumpas o pulso sa musika. Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahang kumpas: Pangkat A – Ipalakpak ang beat. Pangkat B – Ipalakpak ang rhythmic pattern.
  • 11. 9 Gawain 2 Pangkatang gawain: Gamit ang mga flashcard ng note at rest, bubuo ang bawat pangkat ng rhythmic pattern sa dalawahang kumpas. Ipalakpak ang mga nagawang rhythmic pattern. Gawain 3 Pag-aralan at suriin ang awiting “Tayo Na!” - Ano-anong uri ng note at rest ang ginamit sa awitin? - Ano ang meter ng awitin? - Ilan ang bilang ng kumpas sa bawat measure? - Paano nabuo ang rhythmic pattern sa bawat measure? - Ano ang inilagay/ginamit upang mapangkat ang mga tunog? - Awitin muli ang “Tayo Na!” habang ipinapalakpak ang beat ng awit.
  • 12. 10 Gawain 4 Gamit ang barline, pangkatin ang mga note at rest ayon sa time signature. Ang isang measure ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga note at rest at ginagamitan ng barline upang makabuo ng pangkat ayon sa nakasaad na time signature. Ano ang mangyayari kung may sinusunod tayong mga patakaran sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay? Tukuyin at isulat ang limang karaniwang rhythmic pattern na matatagpuan o ginamit sa awiting “Tayo Na!”. 1. 2. 3.
  • 13. 11 4. 5. Takdang-aralin Pag-aralan ang awit na “Umayka Ti Eskuela.” Lagyan ng kaukulang bilang ng kumpas ang bawat note at rest ng awitin. UMAYKA TI ESKUELA Umayka ti eskuela, tapno lumaing ka, Adu ti masursuro, maestro ti pangulo. Tungpalem ti ‘bagana paginbagan ida, Taragsak da nanang mo, ken ni pay tatang mo. COME TO SCHOOL Come to school so you’ll be wise Many things you will learn The teacher is the head Do what she says, it is for your own good It is your mother’s joy and your father’s too.
  • 14. 12 Ang Rhythmic Pattern at ang Time Signature Ang ay may time signature na dalawahan ang bilang ng kumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na pang martsa. Ang bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│. Napapangkat ang mga bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng barline. Gawain 1 Echo clapping: Ipalakpak ang sumusunod. 1) 4) 2) 3) Awitin ang “Umayka Ti Eskuela”. Hatiin ang rhythm nito ayon sa time signature.
  • 15. 13 Gawain 2 Awitin nang sabay-sabay ang “Baby Seeds”. - Ilang measure mayroon ang awit? - Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng mga measure? - Tukuyin ang mga note at rest na ginamit sa awitin. - Paano nabuo ang mga measure? - Ano ang time signature ng “Baby Seeds”? - Ilang bilang mayroon ang bawat measure? Gawain 3 Mula sa awit na “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop na salita ang bawat rhythmic pattern. 1. ______ 2. ______ 3. ______ 4. ______
  • 16. 14 Gawain 4 Muling awitin ang “Baby Seeds”. Sabayan ng pagtapik/ pagpalakpak ng rhythmic pattern ng awitin. Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang note at rest na naaayon sa isang nakatakdang time signature. Ano-ano ang mga gawain na higit na nakatulong sa pag- unawa sa aralin? Pangkatin ang mga note ayon sa time signature at batay sa tamang bigkas ng mga salita. Gumamit ng barline.
  • 17. 15 Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature Ang rhythmic pattern sa time signature na ay pagpapangkat ng mga tunog sa tatluhan. Ito ay karaniwang sinasabayan ng sayaw na balse o waltz, at may bilang na 1, 2, 3. Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern. 1) 4) 2) 5) 3) Awitin ang awit tungkol sa mga note habang ipinakikita ang pagbuo ng iba’t ibang note sa pisara. (Tono: “This is the Way I Brush My Teeth”) We have here a hollow head, a hollow head, a hollow head. We have here a hollow head and we call it a whole note.
  • 18. 16 Then we put a stem on it, a stem on it, a stem on it. Then we put a stem on it and we call it a half note. Then we put a shade on it, a shade on it, a shade on it. Then we put a shade on it and we call it a quarter note. Then we put a flag on it, a flag on it, a flag on it. Then we put a flag on it and we call it an eight note. Gawain 2 Pakinggan ang isang recording ng isang waltz tulad ng “Waltz of the Blue Danube” at maaaring sumayaw o magkumpas ang mga bata habang nakikinig. Gawain 3 Awitin at suriin ang musical score ng “Batang Magalang”. - Ano-anong uri ng note at rest ang makikita sa awit? - May kakaiba ka bang napansin sa pagkakaayos o pagkakasulat ng awitin? Saan nakita ang measure na ito? - Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa bawat measure?
  • 19. 17 Tukuyin ang bilang ng kumpas ng bawat note. Gawin nang sabay ng bawat pangkat. Pangkat 1: Ipalakpak at suriin ang rhythmic pattern ng unang apat na measure ng awitin. Pangkat 2: Itapik ang beat ng awitin. Gawain 4 Awitin ang “Will You Dance With Me?” at sabayan ng nababagay na dance step. Gawain 5 Iguhit ang akmang note sa bawat patlang upang mabuo ang mga rhythmic pattern sa time signature. 1. 2. 3. 4. 5. T. Martinez Mel Santos
  • 20. 18 Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature. Sa pag-awit ng “Batang Magalang”, ano ang inyong naramdaman? Bakit? Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin kasabay ng awitin na may meter? Isulat ang angkop na rhythmic pattern batay sa lyrics ng awitin. Ba- hay ku -bo ka- hit mun- ti
  • 21. 19 Ang Accent at Rhythmic Pattern sa Time Signature Upang makasunod sa daloy ng rhythm o ritmo ng isang musika, kinakailangang matukoy ang unang kumpas ng beat nito. Ang diin o accent ay karaniwang inilalagay sa unang kumpas upang maging malinaw na makasunod sa daloy ng awitin o tugtugin. Bersiyong Bicol Bersiyong Ingles Kon dili sin abaniko If hand fan is not with me Tapus na ining buhay ko My life will be miserable Lawas ko, ay,ay! My body! Oh! My body Madedesmayo Fainting will happen, Kun dili sin abaniko If hand fan is not with me
  • 22. 20 Gawain 1 Awitin ang “An Sakong Abaniko”. Suriin ang rhythmic pattern ng “An Sakong Abaniko”. Ipalakpak ang rhythm ng awitin. Ano ang naramdaman mo habang isinasayaw ang balse, umaawit at ipinapalakpak ang rhythm ng awit? Ano ang time signature ng awit? Ano ang kilos na maaaring gawin habang inaawit ito? Gawain 2 Lagyan ng panandang diin (>) ang unang kumpas ng bawat measure ng awit na “An Sakong Abaniko”. Gawain 3 Awiting muli ang “An Sakong Abaniko.” Lagyan ng accent ang bahaging binigyang diin sa awit. Gawin ito sa sagutang papel. Awitin ito ayon sa pagkakalagay ng accent. Gawain 4 Sumayaw habang inaawit ang “An Sakong Abaniko.” Bigyang-pansin ang bahaging may accent. Sa pangkaraniwang kumpas, ang unang note o kumpas ng bawat measure ay binibigyan ng accent (>) o diin. Ang accent sa unang kumpas ng rhythmic pattern sa ay nagbibigay ng mas maayos na pagsaliw sa mga sayaw na balse. Tulad sa musika, mahalaga ang makasunod sa daloy o ritmo ng nangyayari sa buhay ang isang mag-aaral na tulad
  • 23. 21 mo. Kung tahimik ang klase dahil nag-aaral ang mga kamag- aral mo, dapat na tahimik ka rin. Magbigay ka nga ng iba pang halimbawa kung kailan ka dapat makasunod sa daloy ng nangyayari sa iyong paligid. Pagmasdan ang musical score ng “Ang Huni ng Ibong Pipit”. Lagyan ng accent ang bahagi ng awit na nararapat na may diin. R. Tecson L. Villanueva
  • 24. 22 Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature Sa time signature na , may apat na bilang ang bawat measure. Gawain 1 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern. Bigkasin ang mga rhythmic syllable.
  • 25. 23 Ating balik-aralan ang pagkumpas ng apat, gamit ang kaliwa at kanang kamay. Pakinggan ang “Pop Goes the Weasel” at sabayan ang kumpas nito. Awitin ang “Ang Huni ng Ibong Pipit” (tingnan sa Aralin). Bigyang pansin ang tamang lugar ng accent. Lapatan ng angkop na galaw ang awitin. Gawain 2 Bigkasin ang lyrics ng awiting “We’re on the Upward Trail” ayon sa tamang rhythm. Awitin din ito. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol dito.
  • 26. 24 - Ano-anong uri ng mga note ang makikita sa awit? - May bagong note ka bang nakita? Ano ito? - Ilan ang bilang ng isang whole note? Gawain 3 Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awitin. Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa bawat measure? Bigkasin ang rhythmic syllable ng una at pangalawang linya ng awit. Itapik/Ipalakpak ang pangatlo at pang-apat na linya. Gawain 4 a. Awiting muli ang “We’re on the Upward Trail”. Lapatan ng galaw ng katawan ang bawat note. - takbo - lakad - slide - talon
  • 27. 25 b. Tukuyin/Hanapin ang mga kaparehong measure o mga measure ng sumusunod na rhythmic pattern sa awiting “We’re on the Upward Trail”. 1) 2) 3) 4) Gawain 5 Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit na “Inday Kalachuchi”.
  • 28. 26 Visayan Version English Translation Inday Kalachuchi Inday Kalachuchi may langgam tamsi, there’s a sunbird, Iyang balhibo and it has feathers pula ug berde, bright red and green, Ayaw’g hingkalimti, Don’t you ever forget, Ang baryo dinhi, Here in the barrio, Daghang dalaga, Are many maidens, daghang dalaga, many maidens Ako ay gwapa But I’m the prettiest Ang rhythmic pattern na may time signature na ay may kaukulang mga note at rest na pinagsasama-sama upang makabuo ng apat na bilang. Bakit mahalaga ang kaalaman sa iba’t ibang note, rest, at time signature?
  • 29. 27 Isulat sa patlang ang note o rest na bubuo sa measure ng time signature na (note) 1. (rest) 2. (note) 3. (note) 4. (rest) 5.
  • 30. 28 Ang Accent sa mga Recorded Music Ang rhythm at tiyempo ng mga awitin at tugtugin ay madaling natutukoy sa pamamagitan ng accent na naririnig at nararamdaman sa unang kumpas nito. Gawain 1 Pakikinig: Pakinggan ang “Pop! Goes the Weasel”. Sa anong salita maririnig ang accent? Ipakita ang tsart ng awiting “Ano-ano.” Awitin ito. Ano ang time signature ng awitin? Tungkol saan ang awit? Awitin ang “Ano-ano” na sinasabayan ng paglalakad.
  • 31. 29 Tukuyin ang mga lugar sa awitin na nabigyan ng mas malakas na bigkas o pag-awit bunga ng paglalakad. Awitin nang sabay-sabay ang “Ano-ano” at bigyang pansin ang mga accent. Gawain 2 Gumawa ng rhythmic pattern na angkop sa mga time signature na makikita sa ibaba. Gamitin ang sumusunod na uri ng note at rest. Gawain 3 Awitin ang “Ano-ano”. Lagyan ng akmang galaw ayon sa time signature na at sa titik ng awitin. Ang diin ay karaniwang makikita sa unahang bahagi ng measure o sa unang kumpas/beat ng isang measure.
  • 32. 30 Ang maayos na pakikinig ay nagdudulot ng malawak na pag-unawa. Paano ito naipakikita sa loob ng silid-aralan? Itapik ang sumusunod na mga rhythmic pattern sa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang awitin na ginamitan ng naturang rhythmic pattern. An Sakong Abaniko
  • 33. 31 Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas Sa bawat araw na may pasok sa paaralan, umaawit ng “Lupang Hinirang” ang mga mag-aaral habang nakatingin sa itinataas na watawat. Inaawit naman ang “Pilipinas Kong Mahal” tuwing ibinababa ito. Madalas na may isang lider na nangunguna sa pag-awit nito habang siya ay kumukumpas. Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong kumumpas ng alinman sa dalawang awit na ito? Pakinggang mabuti ang awiting “Lupang Hinirang”. Tingnan sa tsart ng awitin kung ang lyrics nito ay pareho sa binibigkas mo tuwing aawit ka nito. Pansinin ang mga pagkakaiba at isulat ito sa kuwaderno. Batay sa napakinggan, ano ang pamagat ng ating Pambansang Awit? Nasa anong palakumpasan ang “Lupang Hinirang”? Sa anong kumpas nagsisimula ang “Lupang Hinirang”?
  • 34. 32 Narito ang mga paalaala kung paano ang pagkumpas ng “Lupang Hinirang”.  Tumayo ng tuwid at tumingin sa mga gagabayan ng iyong pagkumpas.  Itaas ang braso at ang mga kamay na katapat at kasintaas ng dibdib.  Kailangang maramdaman at makita ang unang bagsak ng beat sa bawat measure.  Kung nais mong maging malakas ang pag-awit, lakihan ng bahagya ang kumpas. Samantala, liitan lamang ang kumpas kung nais mong hinaan ng mga umaawit ang kanilang boses sa pag-awit.  Ibukas ang mga palad upang maging malakas at may diin din ang gagawing pag-awit at itaob ang mga ito para hinaan ang pag-awit.  Bigyang kahulugan ang bawat galaw ng kamay sa pagkumpas, ngunit hindi dapat nagdidikit sa gitna ang mga kamay. Sabayan ng kumpas ang recorded music ng “Lupang Hinirang.” Gayahin ang larawang nasa ibaba.
  • 35. 33 Isagawa rin ang pagkumpas sa “Pilipinas Kong Mahal” habang sinasabayan ang recorded music. Tingnan ang nasa larawan sa ibaba at ikumpas ang “Pilipinas Kong Mahal” sa palakumpasang . Simulan ito sa pataas na kumpas o sa ikatlong bilang. Ang pagkumpas ay isang paraan ng pagtugon sa metric pulse ng awit o tugtuging napakikinggan. Isa itong uri ng komunikasyon na kailangang maunawaan ng umaawit o ng tumutugtog.
  • 36. 34 Ang pagkumpas ay isang uri ng komunikasyon sa pagitan ng mang-aawit o manunugtog at ng tagakumpas. Hindi lamang sa musika ginagamit ang pagkumpas upang makipag-usap. Anong mga kumpas pa ang ginagamit mong paraan ng pakikipag-usap? Paano ito nakatutulong sa malinaw na pag-unawa sa nais mong sabihin? Tayahin ang sarili. Gawin ito sa kuwaderno. Kasanayan Napakahusay Mahusay Di- gaanong Mahusay Nanganga- ilangan ng Tulong 1. Nakakumpas ako nang tama sa rhythm 2. Naunawaan ng mga umaawit ang kahulugan ng aking pagkumpas 3. Nakasunod ako sa pamantayan ng pagkumpas 4. Tama ang posisyon ng aking katawan at kamay habang kumukumpas 5. Naging maganda ang pag- awit/pagtugtog dahil sa aking pagkumpas
  • 37. 267 GLOSSARY MUSIKA 2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenor Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang kasamang instrumentong pansaliw Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measure Antecedent Phrase nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical phrase Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may kwerdas at nagbibigay ng mababang tono Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staff Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at may makapal na tunog Beat ang pulso ng awit o tugtugin Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola Chant paawit na pagsasalita na walang sukat Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin Consequent Phrase nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig Di-magkatulad na musical phrase binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig
  • 38. 268 Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis na kawayan Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o paghina ng pag-awit o pagtugtog Flute instrumentong woodwind na walang reed at pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nito Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na tubong labindalawang talampakan ang haba at nababago ang tono sa pamamagitan ng mga piston at valve G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff Harmonic Interval tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog nang sabay Harmonic Third Interval binubuo ng dalawang magkaugnay na note na may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2 step Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde Instrumental Music musikang galing sa mga musical instrument Interval ang pagitan ng dalawang tono Kalaleng o Tongali instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing Kodaly Hand Sign isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay Largo tempo na mas mabagal sa andante Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff
  • 39. 269 Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ng kumpas na naaayon sa nakasaad na meter Melodic Ostinato isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiya Melodic Phrase pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melody Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na ipinamamalas sa kumpas o beat Musical Phrase ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipan Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol) Oboe instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G) Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis Prime una o isa Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument
  • 40. 270 Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa ihipan ng instrumentong woodwind Rhythmic Ostinato rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin Rhythmic Pattern ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na pagagad/paggaya Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at kahalintulad ng panpipes Score ang piyesa ng awit o tugtugin Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung saan isinusulat ang music notation Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin Texture elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog Timbre ang uri o kalidad ng tunog Tonal Tono Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong- sulong ng slide nito Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family
  • 41. 271 Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat
  • 42. 274 APPENDIX Musika Mga Awit Ako Mananggete An Sakong Abaniko Ang Alibangbang Ang Huni ng Ibong Pipit Ano-Ano Atin Cu Pung Singsing Baby Seeds Bahay Kubo Bandang Musika Batang Magalang Batang Masipag Chua-ay Clean Up Week Song Do a Little Thing Early to Bed Gising Na Hear the Rain Huli Ka! Ili-ili Tulog Anay Inday Kalachuchi Kalesa Little Band Liza Jane Lupang Hinirang Magandang Araw Magtanim ay ‘Di Biro Manang Biday Masaya Kung Sama-sama Ode to Joy Oh, Come Play a Merry Tune Oh, Who Can Play
  • 43. 275 Ohoy Alibangbang Pamulinawen Paruparong Bukid Pentik Manok Pilipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Rain,Rain Go Away Reach for the Sky Run And Walk Salidommay She’ll be Coming Round the Mountain Song and Dance Tayo Na! Tayo’y Magpasalamat Tayo’y Magsaya Tayo’y Umawit ng ABC Tiririt ng Maya Ugoy ng Duyan Umawit at Sumayaw Umayka Ti Eskuela We’re on the Upward Trail Will You Dance With Me? Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit
  • 44. 276 Bibliography Musika Antukin: Philippine folk songs and lullabies; Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young Readers, 1998 Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos, Copyright St. Mary’s Publishing Corp. Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42 J. C Palabay Interprises Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc. Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications, Inc. Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4 Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p. 52, 1963 by MJ Enriquez, Philippine Book Company Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series Musical Wonders Worktext and Teachers Guide
  • 45. 277 Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs Compiled and edited by Damiana L. Eugenio Sanayang Aklat sa Musika 4 Chita C. Erice at Victorina A. Mariano Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and Victorina Mariano Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc. Internet: Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8 Balitaw-Visayan song https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger Parker and the Badke Quartet https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM Celso Espejo Rondalla Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw Cordillera hymn-nose flute https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI Cordillera Musical Bamboo Instruments 2 https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI Dabakan Solo https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0 Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8 Gangsa https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k
  • 46. 278 Hudhud (Ifugao) https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I Kalesa (by Ernani Cuenco) https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s Kalinga's Musical Instrument https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8 Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw Kids singing Happy Birthday https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0 Kolitong https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y Kudyapi Master Samaon Sulaiman https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI Leroy Anderson - The Syncopated Clock https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU Loboc Children's Choir The Prayer https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan Duet by Raye Lucero and Peping de Leon https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0 Mindanao Kulintang Ensemble https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA Pop! Goes the Weasel www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE Ode to Joy by Beethoven http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA
  • 47. 279 Ode to Joy - Piano sheet music https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU Odiyat Kambayok by Erlynda https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k Paldong - Julia Yabes https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI Paldong Lip-Valley Flute https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU Percussion Family https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE Percussion Instruments https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc Philippine Bamboo Orchestra in Beijing https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ Philippine Marching Bands https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84 Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen) https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla - https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE PMA Marching Band https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI "Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE P.Tchaikovsky. Serenade for Strings. https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ Samaon Sulaiman 2 https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4 Sarah Geronimo solo https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
  • 48. 280 Street Parade at Tagaytay City, Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8 The Brass Family https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PL WdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG The String Family - A Digital Story https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0 Woodwind instruments https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c Vivaldi Spring The Four Seasons https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw