2. NO
VACANCY!
Pagtaas ng
Sahod, hiling
ng mga
Mga Dayuhan, manggagawa
namumuhunan sa
bansa!
5000
Manggagawa, ta
nggal sa
trabaho!
3. • Isa sa mahalagang salik ng produksiyon ay
ang PAGGAWA (labor). Lubos na
napakikinabangan ang ibang salik ng
produksiyon sa tulong ng paggawa. Ang
mga gawaing pang-ekonomiya ay
naisasakatuparan dahil sa lubos na
paggamit ng mga manggagawa ng
kanilang lakas at kakayahan upang
makalikha ng mga produkto at serbisyo.
4. MGA URI NG PAGGAWA
• Kapag sinabing PAGGAWA, ito ay laging
kaugnay ng manggagawa. Ang uri ng paggawa
ay naayon sa uri ng manggagawa. May
dalawang klasipikasyon ng manggagawa, ang
Manggagawang Pisikal at Manggagawang
Mental.
5. MANGGAGAWANG PISIKAL
• Ay inuuri bilang unskilled, semi-skilled, at
skilled. Ito ang tinatawag na blue collar
job na tumutukoy sa gawain ng mga
manggagawang mas higit na ginagamit
ang kanilang lakas pisikal at inerhiya sa
paglikha ng produkto at serbisyo.
6. MANGGAGAWANG MENTAL
• Ang gawain ng manggagawa na mas
ginagamit ang mental na kapasidad
at kaisipan ay nabibilang sa white
collar job.
7. Blue Collar Job:
• Ang mga welders, drivers, plumbers, janitors at iba pa
ay ilan sa halimbawa ng mga manggagawa ng blue
collar job.
White Collar Job:
• Samantalang ang
superbisor, manedyer, doktor, nars, guro at iba pang
propesyonal ay kabilang sa white collar job.
8. Kaibahan ng Nominal Wage at
Real Wage
NOMINAL WAGE
~ ay tinatawag din na money wage. Ito ay
tumutukoy sa halaga ng tinanggap na
kabayaran.
REAL WAGE
~ ay tumutukoy sa halaga ng produkto at
serbisyo na mabibili mula sa klitang tanggap.
9. Sa pagkukwenta ng real wage ay maaring gamitin ang
pormulang ito:
Nominal Wage
Real Wage= CPI
X 100
Halimbawa:
PhP7 500
Real Wage= X 100
CPI
REAL WAGE= PhP3 536.07
10. TEORYA TUNGKOL SA SAHOD
Marginal Productivity Theory
Wage Found Theory
Subsistence Theory
11. Marginal Productivity Theory
• Ang teorya na nagpapaliwanag na ang sahod ng mga
manggagawa ay katimbas ng halaga ng kanyang
kotribusyon sa paggawa
Wage Fund Theory
• Isinasaad ng teoryang ito na dapat may nakalaan
na pondo para sa pagpapasahod ng mga
manggagawa mula sa puhunan na ginagamit ng
prodyuser.
Subsistence Theory
• Ito ang sahod na dapat ay naayon sa antas ng
pangangailangan ng manggagawa.
12. Kahalagahan sa paggawa:
• Nalilinang ang mga hilaw na materyales.
• Mapoproseso ang mga hilaw na materyales ng
agrikultura.
• Nalilinang ang mga likas na yaman.
• Napapaandar at nagagamit ang mga
makinarya at teknolohiya.
• Nalilikha ang mga praduktong kailangan ng
bansa.
13. ALITAN SA PAGGAWA
Mga Paraan ng Mga Paraan ng
Maggagawa Pangasiwaan
• Boykot • Blacklist
• Piket • Yellow Dog Contract
• Pagtanggap ng Scab
• Welga
• Espia
• Sabotahe
• Open Shop
• Closed Shop • Lockout
• Injuction
14. Boykot
• Ang mga konsyumer ay pinakikiusapan
ng mga manggagawa na huwag bilhin
ang mga produkto ng kanilang
kompanya.
Piket
• Ay isang paraan ng paghihikayat sa mga
ibang manggagawa na lumahok sa welga
at sa mga konsyumer para huwag
tangkilikin ang naturang kumpanya.
15. Welga
• Ay maramig anyo tulad ng sitdown strike, hunger strike,
general strike, at sympathy strike. Isinasagawa ito sa iba’t-
ibang paraan ngunit may iisang hangarin na nais matamo, ang
maiparating sa kinauukulan ang kanilang mga karaingan.
Sabotahe
• Ay isang lihim na paraan na ginagawa ng mga manggagawa na
nakaaapekto sa produksiyon at kompanya.
Closed Shop
• Isang paraan ito ng mga manggagawa para gawing
pabor sa unyon ang pinangasiwaan.
16. Blacklist
• Ito ang listahan ng mga manggagawa na lumahok sa
welga.
Yellow Dog Contract
• Ito ay isang kontrata na pinapapirmahan sa mga manggagawa
bago tanggapin sa trabaho
Pagtanggap ng Scab
• Kapag nagsisimula nang magpiket ang mga
welgista, ang kompanya ay tumatanggap ng mga
manggagawang hindi kasapi ng unyon.
17. Espiya
• Ito ang mga tao na nagmamanman sa kilos at galaw
ng mga manggagawang kasapi ng unyon.
Open Shop
• Pagtanggap ng mga manggagawa na hindi kasapi ng
unyon upang hindi maantala ang prudoksiyon kahit
na magsagawa ng welga ang mga kasapi ng unyon.
18. Lockout
• Kapag ang welga ay nagaganap na, ang pangasiwaan
ay isinasara ang kompanya upang puwersahin ang
mga manggagawa na itigil na ang pagwewelga.
Injunction
Ito ay utos mula sa hukuman na nagsasabing ang
isinasagawang welga ay labag sa batas