3. Noong panahon ng mga Kastila, ang
ating mga ninuno ay gumagamit na ng
pera na yari sa pilak sa
pakikipagkalakalan sa mga dayuhan.
Ngunit noong panahon ng mananakop na
Hapon ay hindi ginamit ang ating pera sa
halip ay pinalitan ito ng pera ng mga
Hapon. Sa loob ng panahon ng digmaan sa
mga Hapon ang umiral lamang ay ang
kanilang pera. Muling nanumbalik ang
kalayaan sa paggamit sa sariling pera ang
ating mga ninuno noong panahon ng mga
Amerikano.
4. 2. Lumang Kagamitan
Kabilang sa lumang kagamitan ng ating mga
ninuno ang plantsa na yari sa bakal, gilingan na
yari sa bato, mga sandok na yari sa kahoy,
palayok at banga na minolde sa luwad, habihan
ng damit na nililok sa kahoy, uyayi na yari sa
uway at halos lahat ng kagamitan noong unang
panahon ay buhat sa yaman ng kapaligiran at
kalikasan. Ang mga bahay ay yari sa kubo na
ginamitan ng mga dahon mula sa tinuyong buli
at sasa. Ginamit din ng ating mga ninuno ang
kawayan sa paggawa ng bahay.
5.
6. 3. Fort Santiago
Ang Fort Santiago ay naging isang
lugar na karimarim noong mga panahon
ng digmaan. Ang mga selda o silid-piitan
nito ay naging “kastiguhan”, madilim na
kulungan at libingan ng mga nabubulok
na bangkay. Mayroon pang bartolina na
tinatawag na “Powder Magazine
Chamber”, na minsang pinaglagyan ng
600 na bilanggo na ginutom hanggang
namatay.
7. Sa ngayon ang Fort Santiago ay isang
napakagandang liwasan na naglalarawan
ng kapayapaan at katiwasayan, ng
kapahingahan, kasiyahan at pag-ibig. Dito
ay matatagpuan ang nagagandahang
mga halamang masining na ginawa at
ibinagay sa mga upuan at mga pasilyo.
Isang espesyal at pinagpipitagang
bahagi ng Fort Santiago ay ang tinatawag
na “Shrine of Freedom” ng ating
pambansang bayaning si Gat. Jose P. Rizal.
8.
9.
10. 4. Malacañang
Ang unang gusali ng Malacañang ay
tinaguriang bahay ng bato na mayroon
ding hardin na naliligid ng pader. Ang
mataas na kisame at nakakurbang suleras
ay naghahatid ng kapitapitagang anyo. Ito
ang opisyal na tirahan ng pangulo ng
bansa. Ang Malacañang ay patuloy na
pinagaganda at ipina-aayos ng Pangulo ng
bansa na naninirahan dito upang maging
karapat-dapat na tahanan ng
pinakamataas na opisyal.
11.
12. 5. Bahay ni Gat. Jose P. Rizal
Ang kasalukuyang bahay ni Gat. Jose Rizal
sa Calamba, Laguna ay isang pag-uulit ng
orihinal na anyo nito. Dito ay makikita ang
mga antigo at sinaunang mga bagay at
kasangkapan tulad ng pang-alis ng ipa ng
palay, “punka” o bentilador na nakalagay sa
kisame, at mga pansala ng tubig na
nabububungan ng pulang tisa. Ang dingding
sa ibaba ng bahay ay yari sa makapal na bato,
samantalang ang itaas ay yari sa kahoy na
may mga bintanang may kapis. Ang kabuuan
ng loob ng bahay ay maluwang at
maaliwalas.
13.
14. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang
wastong sagot.
1. Aling gusali ang naging kulungan at libingan ng mga
patay nuong panahon ng Kastila?
A. Malacañang
B. Fort Santiago
C. Bahay ni Rizal
D. Bahay na bato
2. Alin ang naging tahanan ng pinakamataas na opisyal
ng bansa?
A. Fort Santiago
B. Bahay na bato
C. Malacañang
D. Bahay ni Rizal
15. 3. Ang ating mga ninuno ay gumamit ng duyan o
uyayi sa kanilang pamamahinga, saan ito yari?
A. kawayan
B. buli
C. ratan
D. metal
4. Ang mga ninuno natin ay may sariling pera na
ginagamit sa kalakalan. Kailan hindi
pinayagang gamitin ang pera ng mga Pilipino?
A. noong panahon ng Kastila
B. noong panahon ng Hapon
C. noong panahon ng Amerikano
16. 5. Ang bahay ni Dr. Jose Rizal ay
matatagpuan sa Calamba Laguna, ito ay
kakikitaan ng mga antigong
kasangkapan. Saan yari ang bubong ng
bahay ng ating pambansang bayani?
A. capiz
B. kawayan
C. tisa
18. 1. San Agustin Church
Ang simbahang ng San Agustin sa
Intramuros ay ihinahalintulad sa
mariringal at nagagandahan mga
simbahan sa Mexico. Ang kasalukuyan
gusali ng San Agustin Church ay itinayo
noong taong 1598 at natapos kasama na
ang monasteryo nito ay kumakatawan sa
pagkamaharlika at katatagan noong
gintong panahon ng mga Kastila. Bawat
makikita ay humahanga sa marilag at
malaking gusali ng simbahan.
19. Ang napakagandang harapan ay
may pinto na puno ng mga dibuhong
bulaklak ng rosas. Malapit sa altar ay
makikita ang pulpito na may
disenyong pinya, malaking organo, at
upuan ng mga mang-aawit na gawa
mula sa nililok na molave na
pinalamutian ng “ivory”. Kaakit-akit
masdan ang labing-anim na pares ng
malalaki at maningning na mga
aranya mula sa Paris.
20.
21.
22. 2. Miag-ao Church
Ang mga Ilonggo ay mga taong
relihiyoso at maalab sa kanilang
paniniwala sa Diyos. Ang katangiang ito ay
pinatutunayan ng mga sinaunang
simbahan na matatagpuan sa lalawigan
ng Ilo-Ilo. Isa na rito ang Miag-ao Church.
Ito ay itinayo noong taong 1786 at isa sa
mga simbahang dinarayo at hinahangaan
ng mga nasa ibang bansa dahil sa
pambihira at taal na mga disenyong
Pilipino.
23.
24.
25. Ang harap ng Miag-ao Chrurch ay
tulad ng isang pambihirang
pagsabog ng mga disenyong halaman
at mga bulaklak. Dito makikita ang
mga nakaukit na katutubong tanim
tulad ng saging, papaya at pinya.
Mapapansin din na magkaiba ang
disenyong arkitektura ng
magkabilang bahagi ng simbahan.
26.
27. 3. Paoay Church
Ang simbahan ng Paoay, Ilocos
Norte ay isa sa mga sinaunang
simbahan na kilala sa ibang bansa.
Ito ay ginawa sa pamamagitan ng
mga hinuhugis na corales at mga
piling bato at “bricks”. Ang Paoay
Church ay ginagawa sa loob ng isang
daan at siyamnapung taon. Sinimulan
itong itayo noong 1704 at natapos
noong taong 1894.
28.
29. 4. Sta Maria Church
Ang Santa Maria Church or La Asuncion
de la Ñuestra Señora Church ay isa sa apat
na UNESCO World Heritage Sites Baroque
Churches of the Philippines.
Ang Santa Maria Church ay itinayo
noong 1765 sa ilalim ng pamamahala ng
mga Augustinian. Ang kalimbang o “bell
tower” ay ipinatayo malayo sa simbahan
upang maiwasan ang pagkasira ng
simbahan sa panahon ng lindol o
kalamidad.
30.
31.
32. 5. Lumang Bahay na Bato sa Vigan, Ilocos Sur
Maraming matatandang gusaling
naipatayo ilang dantaon na ang nakalilipas ang
makikita pa sa Lungsod Vigan sa kasalukuyan.
Sa Kalye Mena Crisologo sa Mestizo District ng
lungsod ay naroon ang humigit-kumulang sa
150 na bahay na bato. Makikita sa mga ito ang
galing ng mga artisanong Filipino bago pa
dumating ang panahon ng modernong
materyales at teknolohiya sa pagtatayo ng
gusali.
33. Ang bahay na bato lamang ang
nakatatagal sa lindol at bagyo na
madalas bumisita sa rehiyon ng
Ilocos. Ang bubong nito ay yari sa tisa
habang ang ikalawang palapag at
ang sahig ay yari sa kahoy. Marami sa
mga ito ay nasa maayos pang
kalagayan at ang ilan ay ginawang
mga otel, museo, tindahan ng
mga souvenir, kainan o bar.