SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 62
DULANG UNANG
NAGKAMIT NG
GANTIMPALA SA
TIMPALAK
- PALANCA
Sinimulan noon (1953-1954) ng
Timpalak – Palanca ang pagpili sa
pinakamahusay na dula – at ang
nagwagi ng unang gantimpala ay Hulyo
4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar. Ang
dulang ito ay naglalahad ng
pagsasagawa ng isang mapanganib at
madugong misyon ng Hukbong
Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na
ibinagsak ang pamahalaang Pilipino
noong panahon ni Pangulong
Magsaysay.
Hulyo 4, 1954 A.D
Ni
Dionisio S. Salazar
Mga Tauhan:
Pablo ……………… Ang “nagbalik-loob”
Loida ……………… Ang kanyang
kasintahan
Kintin …………….. Ang kanilang pinuno
Islaw ……………… Ang “bata” ni Kintin
Koronel Santos ……… Isang opisyal ng
NBI
Isang pulis, at ilang ekstrang babae at
lalaki.
Panahon: Gabi ng Hulyo 3, 1954
Lulan: Lumang Luneta
Pagbubukas ng tabing ay makikita
sa may gawing likod ng tanghalan,
dakong kanan, ang dalawang- katlong
bahagi ng bantayog ni Rizal. Sa may
gitna naman ng tanghalan ay
namamalas ang isang malagong puno
ng adelpa. May isang mahabang upuan
sa tabi nito.
Walang anu-ano’y darating buhat sa
gawing kanan si Pablo at si Loida.
Si Pablo, na bago pa lamang
tumutuntong sa 25 taon, ay mataas,
malapad ang sukob at madulas ang
pangangatawan. Mukha siyang matalino
at matapang … Bilugan ang kanyang
mukha at ang kanyang malagong buhok
ay nahahati sa gawing kanan. Kaki ang
kanyang pantalon at kulay – kumot ang
suot niyang diyaket.
Pangkaraniwan ang taas ni Loida.
Ang kanyang balingkinitang katawan ay
may kaakit-akit na hubog. Kulot ang
kanyang putol na buhok. Malamig ang
kanyang tinig at wala rito ang
katigasang dapat asahan sa isang
“amazona”. Mapamihag ang kanyang
ngiti at may halina ang kanyang titig.
Dalawampu’t dalawang taon na siya.
Masigla ang kanyang kilos at magiliw
siyang mangusap. Sa suot niyang
kamisadentrong panlalaki at “pedal –
pusher” na maong ay wala siyang
iniwan sa isang “tomboy.”
Palinga – linga silang dalawa na tila
may hinahanap . Pagtapat sa may puno
an adelpa ay titigil sila.
Pablo: Natitiyak mo ba, Loida na sa
lugar na ito tayo magtatagpo?
Loida: Oo, dito sa isa sa mga puno na
malapit sa monumento.
(May alinlangan) Palagay
mo kaya ay saan sila
naroon, ha Pabling?
Pablo: Baka naghahagilap pa sila ng
balut na mailalako. O kung hindi
man ay nasa may
grandstand sila at … alam mo
na.
Loida: (Patawa) Para kong nakikita
ang kanilang ayos na
animo tunay na
magbabalot, subalit…
(magbabago ang tinig at anyo)
a, kung alam lamang ng
makikita ang nasa ilalim
ng mga balut na yaon.
Pablo: (Mabilis na ilalagay nang pakurus
sa bibig ang isang daliri) Ssst,
dahan-dahan ka’t baka may
makarinig sa atin.
(Masusulyapayan ang bangko) Halika’t
maupo kata.
Loida: (Hahawakan sa balikat si Pablo;
masuyo) Hindi ka ba natatakot,
Pabling? Dahil sa akin ay
tiyak na malalagay ka
sa mapanganib na
kalagayan. Ang ating gagawin ay
maaaring maging sanhi ng ating
Pablo: (Hahawak at pipisilin nang buong
suyo ang isang kamay ni
Loisa) Minamahal kita, Loida,
ito’y alam mo. At dahil dito’y
kalabisan na marahil sabihin kong
nahahanda akong
hamakin ang lahat – maging
kamatayan man – alang-alang sa
iyo. Natatakot ‘ka mo? Ba,
duwag lamang ang
natatakot mamatay. Wika nga ni
Shakespeare ay “Cowards die many
times before their death.” Itong
tandaan mo: Mula ngayon,
Loida: (Masaya) Salamat, Pabling.
Ngayon ko napatunayan na
sadyang tapat ang iyong
pag-ibig. Ikinararangal kita. At
hintay, saulado mo pa ang
iyong napag-aralan!
Pablo: Ang isang diwa o sinimulain,
kailanma’t maganda at kapuri-
puri ay mananatiling buhay.
Ngunit mula ngayon, adios Marx,
Engles, Lenin, Lava, at iba pa.
Salamat sa iyo, sa amain
mong senador , at nag-
Loida: Ang ating isipan, ang sabihin mo.
Pablo: Natatandaan ko pa ang sinabi ng
isa kong guro na anya’y “Ang
tao raw na katutubong mabuti,
sumama man, ay bubuti rin, ngunit
ang likas na masama, mabalot
man ng mga hiyas at
karangalan, ay masama rin.”
Loida: (May makahulugang ngiti) Ang
ibig mong sabihi’y …?
Pablo: Na ikaw at ako’y hindi likas na
masama. Manapa’y natangay tayo
at nalason ng H.M.B sa oras
ng ating kahinaan.
Loida: May katwiran ka, Pabling. At lalo na
si Tiyo Pepe. Ano pa nga
naman ang dahilan at
ipagpapatuloy natin ang
pamumundok ay sa ibinibigay naman ni
Magsaysay ang lahat ng ating
kagustuhan? Di nga ba
binibigyan ng lupa ang mga
walang lupa? Pinatatawad ang mga
Tinatangkilik at binubuhay ang
sariling atin? … Maliban sa hibang
na nasang pailalim sa Pulang
Bituin ay ano pa nga naman ang
sanhi at tayo’y di umaahon at
sumuko at mananahimik? May
katuwiran si Tiyo Pepe na sabihing
“matakot tayo sa kasaysayan.”
Pablo: (Buong paghangang nakatitig
kay Loida) Maniwala ka,
Loida, bilib na ako sa amain
mong senador: Inuulit kong
kung hindi sa iyo at sa kanya, at
saka pala sa ilan nating
kakilalangmanunulat, ay malamang
na masasawi ako sa kamay ng
isang kabalat din, at mamamatay
pang may tatak ng pagka-Hudas
sa sariling lahi.
Loida: Kung sa bagay ay hindi tiniyak
sa atin ni Tiyo Pepe na
maikukuha tayo ng
homestead sa Mindanaw.
Subalit mahigpit naman ang
kanyang pangakong gagawin
ang makakaya upang
hindi tayo
mabilanggo.
Pablo: Malaki ang tiwala ko sa
kanyang kakayahan at
sa kanyang lakas. Ang
iniisip ko ngayon ay kung
Loida: (Pagdadaupin ang mga palad)
Kahimana wari’y magtagumpay
kita.
Pablo: (Munti ma’y walang bakas ng
pagkasin- dak) May awa ang
Diyos. (Masaya at
madamdamin) Lubhang makasaysayan
sa akin ang araw na ito (waring
nakiki- mi pa), giliw. Una, sa
hindi ko inaasa- hang
mangyayari ay natamo ko ang
iyong pagmamahal. Ikalawa, ito ang
sasaksi sa aking, este, sa ating …
Pulis: (Pabigla at pagulat) Hoy!
Kayong dalawa! Ano’ng
inyong ginagawa rito? Hindi
ba n’yo alam na bawal dito ang
mag-neking?
Pablo: (May pagtataka subalit
mahinahon parin) Hindi ho naman
kami nagneneking, a.
Pulis : (Paaglahi) Ku … hindi pala.
E anong ginagawa n’yo rito sa
ganitong oras,
nagbibilang ng bituin?
(Kunwari’y dudukot ng lapis
Pablo: Hindi ho. Nagpapalamig lamang
kami at nagkwekwentuhan.
Pulis : Sawa na’ko sa ganyang
mga katwiran. Bueno,
tayo na at doon kayo
mangatwiran nang husto sa
kuwartel.
Loida: (Titindig) Maniwala ho kayo,
Mamang Pulis, wala hu kaming
ginagawang masama.
Hindi ho kami nagneneking na gaya
ng inyong palagay.
Pulis: (Magpapahalatang galit na)
Kung hindi n’yo ibig
maperyodiko ay mabuti
pang sumama na kayo sa’kin
ngayon din.
(Magtitinginan si Pablo at si Loida. At
magkakaunawaan. Sasama sila sa pulis
na wala ni munti mang agam-agam sa
kanilang mga mukha. Lalabas sila sa
gawing kanan ng tanghalan.
Pagkaalis nila ay darating naman si
Kintin at si Islaw na mangagaling sa
Kapwa silang may sakbat sa kanilang
mga leeg na dalawang maliliit na tiklis.
Mistula silang tunay na magbabalut. Si
Kintin ay pandak subalit siksik ang
pangangatawan. Nakabalonggot siya at
nakasalamin. Mukhang masungit at
mabalasik. Pangahan siya. Malikot ang
kanyang mga mata bagaman baha-
bahagya lamang ang galaw ng kanyang
ulo. Mag-aapatnapu na siya.
(Si Islaw, bagaman malaki ang
kataasan kay Kintin, ay hukot naman at
payat. Bago pa lamang siyang
Halatang-halata sa kanyang mga kilos na
lubos siyang nasa ilalim ng
kapangyarihan ni Kintin. Mababakas din
sa kanyang hawas na mukha ang
katapangan. Ang mga “polo shirt” nila ay
hindi nangakaparagan. Paglipat nila sa
may puno ng adelpa ay hihinto sila at
pagagalain ang mga tingin)
Islaw: Terible pala itong Luneta, ano
po? Hatinggabi nang malalim e me
naggugudtaim pa.
Kintin: (Mangingiti) At nakita mo ba,
Islaw, na yaong ilang nabulabog
natin sa mga puno e may kipkip
pang mga libro?
Islaw: ‘Yan nga po ang naririnig kong
sabihan, a---na karamihan
daw ng nagugudtaim dito e
mga istudyante. Lekat, kung alam
lang ng kanilang mga
magulang ang kanilang
ginagawa!
Kintin: Oo, saying lamang ang
ginagastos sa mga ganyan. Pero,
maniwala ka, ‘yan naman ang
pagnagsiuwi sa
prubinsya e siyang masyadong
magpasikat.
Islaw: Ba, dapat silang mangahiya .
Nagpapakamatay sa hirap
ang kanilang mga magulang sa
paghahanap ng pera
samantalang sila’y gudtaim
lang naman ang inaatupag
Kintin: Kaya nga ba kahit na
mangawngaw si Lacson e napupuri
ko rin kung minsan dahil sa
paghuli niyang minsan sa
mga naggugudtaim ditto.
Perooo …. Mahina pa rin siya. Kung
ako siya e gagabi-gabihin ko
ang reid at tangko lang kung
hindi madala ang lekat na
‘yan.
Islaw: Pag nagkataon, Kumander, ay
…
Kintin: (Maagap at halos pabulong)
Psst, huwag mo ‘kong
tatawaging Kumander,
lalo na kung mey lumalapit.
Este, ano na nga yung
sinasabi mo?
Islaw: ‘Yan nga po ang hirap sa ‘ting
mga Pilipino, e. Manggagaya
tayong de primera klase.
Kintin: (Himig pagmamagaling) Ang
paggagaya, Islaw, e hindi
masama. Ang masama e
kung gagayahin mo yung
masama. Pero, kapag mabuti
ang pinarisan at saka pinabti pa e
ito ang magaling. (Tatanglawan
ng isang “lighter” ang relo sa
bisig.) Aba, at mag-aala-una
na pala! Bakit kaya wala pa sila?
(lilinga.)
Islaw: (Matapos maupo) Ano po bang
oras, Kumander, ang sabi
Kintin: Ang sabi ko sa kanya e dapat
siyang narito bago mag-alas dose.
Islaw: (May pananabik) E si
Kasamang Pablo po
naman? Anong naisipan niya’t
sumama-sama pa? Palagay ko
po’y …
Kintin: (Mabilis na hahadlangin si
Islaw; pagalit) Torpe! Anong
kaululan ang sinasabi mo? (may
maaninag na lumapit.) O, teka,
baka sila ‘yang dumarating.
(Aaninawin nilang mabuti ang dumarating.
Mabibigo sila pagkat ang daraan sa
kanilang tabi ay isang bata at isang
marinong Amerikano. Magkaakbay ang
dalawa… Ang lalaki na may bote pa ng
alak sa bulsa, ay sumusuray sa paglakad.
Aalukin sila ni Islaw ng balut. Bibili ang
ababe. Ang ibabayad ay sa bulsa ng
marino kukunin. Lalayo sila pagkatapos.)
Islaw: (Iiling at ngitnit nang
makahulugan). Kawawang
lalaki. Nagsisilbing
Kintin: (Nakangiti rin at tatangu-tango)
Talagang ganito lang ang
buhay, Islaw. Isang
manluluko at isang lulukuhin.
Paris niyang Amerika, kunwa
e tagapagtanggol ng mga
karapatan ng maliliit na banmsa na
paris ng Pilipinas bagkus e
siyang mangangamkam na
de primera klase. Pero, ku,
pasasaan ba’t dir in siya
babagsak --- silang lahat na
bansang imperyalista at kapitalista!
akala nila’y sila lamang ang may
atomic at haydridiyen,
hmm… Teka, bakit ba kung saan-
saan nasusuot ang ating
usapan? Ang dapat pag-
usapan e ang tungkol sa ating
misyon. Kailangang
magtagumpay tayo ---
kahit anong mangyari!
Islaw: (Puspus-alinlangan) E pa’no
kaya ang mabuti sa mga
guwardiyang …?
Kintin: (Mabilis) Natatakot ka ba?
Huwag mo silang intindihin. Madali
yang remedyuhan. (Muling
tatanglawan nang patago ang relo.
Mahahalata sa kanyang tinig na
yamot na siya sa
paghihintay.) Pag hindi pa sila
dumating sa loob ng kalahating
oras e malaking hirap ang
kanilang katad pagnagkataon,
hm…
Islaw: Magtagumpay sana tayo,
Kintin: Mayroon tayong tig-isandaan
libong piso bilang gantimpala.
Islaw: (Parang hindi ibig maniwala sa
narinig) Ano po? Tig-
isandaan libong piso? E saan
naman poi to kukunin e saa…?
Kintin: (Magkikibit ng balikat) Ewan ko
ba. Pero tandaan mong oras na
magtagumpay tayo e
irerekomenda ko kay Heneral na
mataas kayo sa katungkulan.
Islaw: (Matutuwa) Salamat po… Sa
palagay kaya n’yo e husto na
itong ating dala paraaa…?
Kintin: (Pangungunahan ng kausap)
Husto? Ang sabihin mo’y labis-
labis ‘to. Ito lang nasa aking tiklis
e sapat na para tadasin ang lahat
ng naro’n.
Islaw: Ang inaalala ko lang, Kumander.
E maraming …
Kintin: Bakit ba sila ang iintindihin mo?
Ang intindihin mo’y Siya. At ang
ating pabuya. Saka,
karamihan naman doo’y es-
es-bi at mga pulitikong kanin.
Basta siay lang an gating
malagot e.
Islaw: Pagnagkataon e nganganga sa
hangin ang mga
nasyonalistang ‘yon. Ang
pihadong matutuwa naman ang
mga liberal, ano po?
Kintin: Hindi rin, pagat ang hahalili ay
nasyonalismo rin. Hindi mo
ba alam na En-Pi rin si Garcia? Ang
sabihin mo e tiyak na maloloko ang
administrasyon. At sa oras
na maglaga-nito, eh
makasisigaw na tayo ng
“Amanos!” at “Mabuhay ang
Hukbong Mapagpalaya ng Bayan!”
Hm, ang akala lamang ng mga nasa
gubyerno e baldado na tayo.
Hmm, malalaman din nila.
Malalaman nila hanggang bukas.
Islaw: (May pagmamagaling) At isa pa
po! Ang akala ng marami e mahina
na tayo porke sumuko ang taksil at
duwakang na si Taruc.
Malalaman nila hanggang
bukas ng hapon --- sa oras ng
parada.
Kintin: Isipin natin kung paano
madidispatsa ang mga
guwardiya sa ilalim ng grandstand
nang hindi natin babarilin.
Sabagay e may silencer
Islaw: (Matapos makapag-isip) Me
naisip ako, Kumander! Bumili
tayo ng alak at palapitin natin sa
kanila si Kapatid na Loida oras
na siya’y dumating.
Kintin: At pagkatapos?
Islaw: Pagkatapos po ay gawin niya
ang dapat gawin, halimbawa’y
ibigay niya ang kanyang sarili
kung kinakailangan.
Walang tatanggi sa kanya. Me
itsura siya, materyales
p’werte, ‘ika nga.
Kintin: Magaling! (Mapapadagok sa
hita). At habang abala ang isa kay
Loida e kakausapin ko naman
ang isa pa. Bibigyan ko ng
balut. At bahala na ‘ko pagkatapos.
Si Kasamang Pablo naman e
siay nating pagbantayin sa ibang
maaaring lumapit.
Islaw: (Lipos pananabik) E ako po
naman?
Kintin: Ikaw ang magtatanim ng ating
dala. Oras na magawa mo ito e
sisibat tayong apat sa isang
Islaw: (Mapapatayo sa tuwa) Superyor
na ideya, Kumander! O , ayan na
‘ata sila! (Ang darating ay
dalawang binabae.
Kikilalanin silang mabuti ng mga
ito at pagkatapos ay
magbubulungan at magtatawanan.)
Kintin: (Pabulyaw) Hoy, Kayo riyan!
Ano’ng inyong painagtatawanan?
Islaw: H’wag kayong luluku-luko at
Unang Binabae: (Sa karaniwang
puntung bakla) Oyyy, How-ag kayong
magalit. Hendi keyo ang amingpinagtaw-
anan. Suya!
Ikalawang Binabae: (Hihilahin sa kamay ang
kasama) Ow, c’mon, Charing. Les
not mine dem. Jes plane balut vendors. No
dice. Mabantut ‘yan.
Islaw: (Susurutin sa mukha ang huling
nagsalita) Hoy, ikaw na me malalaking
masel! Huwag kang iinglis-inglis d’yan
at baka pilipitin ko ‘yang leeg mo. Hala,
lumayas na kayo rito, mga buwisit!(
Akmang lalayo ang dalawang binabae na
Kintin: (Bago tluyang makalayo ang mga
bakla) Sandali lang ! Alam ba n’yo
kung saan kayo dapat magpunta
para kumita nang malaki? Doon sa
piyer.
Islaw: (Gagayahin ang isang bakla) Nar-on
ang ma-ra-ming ma-rin-I, (mariin) mga
kumpare. (Titingnan siya nang
masakit ng dalawang “alanganin”.)
Ikalawang Binabae: (Pairap) Yu don’t heb to
teach us an ‘more, mister balut. We
knows awer bisness. Les go, Claring.
(Tuluyang lalayo, nguni’t haharaping
muli ang mga magbabalut na
nakapamaywang) Tse! Ang papangit
Islaw: Totoo po ba, Kumander, na me
dala raw malas ang mga taong
ganyan?
Kintin: Ayon sa iba, pero bakit ba tayo
maniniwala riyan .,.. A,
palagay ko’y sila na ‘yang
dumarating na ‘yan!
(Darating buhat sa gawing kanan si
Pablo at si Loida. Masaya sila.)
Kintin: Bakit kayo natagalan, ha?
Pablo: kanina pa hu kami rito ngunit
napagkamaln kami ng isang
pulis naaa… na …
Kintin: (May pananabik) Na ano?
Pablo: na nagneneking hu.
Kintin: (Matapos mawala ang bakas ng
pagkamangha at kaunting
kaba sa mukha) Pinakaba mo
ako ng kaunti. (Pabiro) O baka
naman totoo, ha?
Loida: (Maagap) Aba, hindi po,
Kumander! Talaga pong hindi.
Islaw: (Sakbibi rin ng pananabik)
E’no’ng ginawa senyo ng pulis
pagkatapos?
Kintin: Ano’ng iyong ginawa?
Loida: Pinakiusapan po namin ng
mabuti at pagkatapos ay
binigyan ng pantabako.
Kintin: Buweno, yamang narito na
tayong lahat e pag-usapan natin
ng mabuti ang tungkol sa’ting
lakad. Halikayo’t maupo tayo.
(Magsisiupo nang pasalampak
sa damuhan. Si Islaw ang
bukod-tanging mananatili sa
pagkakatayo.)
Kintin: (Mahina, halos paanas) Heto
ang ating plano. Makinig
kayong mabuti. Ikaw, Islaw,
(titingalain ito) magmatyag
kang mabuti at baka may
makalapit sa atin nag hindi
natin namamalayan.
Islaw: Opo.
Pablo: (Pangungunahan ang kanilang
“Kumander”) Kumander.
Mayroon hu sana akong nais sabihin
sa inyo, e. tungkol hu sa … saaa…
Kintin: Ituloy mo.
Pablo: Nais ko hung ipagtapat na
nagkakaibigan na kami ni
Loida. At dahil dito’y iniisip naming
mamuhay na nang tahimik.
(Hindi hihiwalayan ng titig si Kintin
na parang ibig sabihin sa
mukha nito ang tunay na
niloloob.)
Kintin: (Mapapatindig at mapapalakas
ang boses) mamuhay ng tahimik!
Ano’ng ibig mong sabihin,
Kasamang Pablo?
Pablo: (Tatayo naman bago sumagot)
Kintin (Kay Loida) Totoo ba ang sinasabi
ng hangal na ito?
Loida: (Titindig rin bago tumugon) Opo.
Kintin: (Halatang nagtitimpi) Saka na
nga natin pag-usapan ang bagay na
‘to. Sa ngayo’y hindi tayo dapat
mag- aksaya ng pnahon.
Kailangang magtagumpay
muna tayo sa’ting lakad.
Ganito, Loida ang iyong
gagawin…
Loida: (Malumanay ngunit matatag)
Palagay ko po, Kumander, ay … ay
hindi makatarungan ang …
ang ating … ang gagawin nating
pagtatanim ng (Hindi
makukuhang tapusin ni Loida ang
sasabihin sapagkat bibigyan siya
ng matinding sampal ni Kintin.
Mapapasadsad siya. At kung
hindi sa upuan na anyang
kasadsadlakan ay gumulong sana
siya sa damuhan.
Sasaklolohan siya ni Pablo subalit
Pablo: (hindi kahahalataan ng
anumang sama ng loob;
matimpi at mahinahon)
Bayaan ninyo,
Kumander, na magpaliwanag ako.
Kintin: Ginagalit ba n’yo ‘kong talaga?
Pablo: (Parang walang narinig)
Tingnan ninyo … Kung sa
halip na ituloy natin ang ating
layon ay … ay sumuko
tayo …
(isang mabilis at unat-kilikiling suntok
mula kay Kintin ang magpapatumba kay
Pablo. Magbubunot si ISlaw ng rebolber
at tangkang papuputukan si Loida na
nakayukyok sa sandalan ng upuan at
nagkukunwang walang malay-tao at saka
si Pablo kung hindi lamang sasawayin
siya ni Kintin.)
Kintin: Huwag, Islaw! Huwag tayong
gumawa ng iskandalo hangga’t
hindi natutupad ang ating
misyon! … Itago’ng baril
mo’t paraanin muna natin ang
(Muling isasakbit ni Islaw ang kanyang
rebolber. Sa pagkakalugmok ni Pablo na
naghihilu-hiluhan lamang ay mailalabas
niya nang palihim ang kanyang sandata.
Sa sangkisap-mata ay mapapabalikwas
siya at matututukan ang dalawa. Si Loida
ay palihim ring naghahanda. Manlalaki
ang mga mata nina Kintin at Islaw.
Pamumutlaan rin sila nang labis.)
Pablo: (Makapangyarihan at paaglahi)
Kumander Lenin! Islaw!
Itaas ninyo ang inyong mga
( Ang dalawang napaglalangan ay
akmang lalaban subalit makikita nilang
hindi nagbibiro si Pablo. Magkahalong
sindak at poot ang mababasa sa mga
mukha ni Kintin at ni Islaw. Si Loida ay
tatayo na pigil sa kamay ang kanyang
:Colt” na de-25. Samantala, ang pangkat
na binubuo ng apat na tao ay patuloy sa
paglapit sa kanila.)
Pablo: Huwag! Huwag kayong
magkakamaling kumilos nang
masama pagkat hindi kayo igagalang
ng aking trenta’y otso! …
Ikinalungkot kong humantong tayo sa
ganito, Kumander. Subalit dumating
na ang paghihiwalay natin ng
landas.
Kintin: (Nagngangalit ang mgabagang)
Mga taksil! Papatayin ko kayo!
Hindi makaliligtas sa
ginawa n’yong ‘to! Oo,
Loida: (Lalapit nang may dalawang
hakbang; malumanay) Huwag
ninyong isipin, Kumander, na
kaya kami nagkakaga- nito ay dahil
sa singkuwenta mil pesos
na nakapatong sa inyong ulo.
Pablo: Ginawa namin ito sapagkat sa
wakas ay nakilala namin ang
aming mga pagkakamali.
Salamat sa ilang kaibigang
manunulat, kay Loida, at sa
kanyang amaing si Senador … a,
hindi na nga bale ang kanyang
pangalan.
(Si Islaw, na walang katinag-tinag
sa pagkakatayo, ay biglang
dadaluhong. Susunggaban niya si Pablo
upang agawan ng baril subalit
papuputukan siya nito. Sa kabilisan ng
kanyang pagdaluhong ay hindi siya
karaka-rakang mabubulagta.
Mayayapos pa niya si Pablo at
maibubuno. Sasamantalahin naman ito
ni Kintin dangat mararamdaman niya
ang nguso ng rebolber ni Loida sa
kanyang likod. Manunumba si Islaw.
Lalapit naman ang pangkat na
Loida: (Makilala si Kor. Satos ; himig
pagma- malaki) Koronel Santos,
narito ho ang inyong pinahahanap.
Ang kasama niya ay .. Patay na…
(Lalapitan ng dalawang sekreta si
Kintin at poposasan …
Manlalaban ito subalit wala ring
magagawa.)
Koronel Santos: (Pauyam at patango-
tango) Talagang “pahaba-haba
man ng suga, sa dulo ay may
gasa.” Ang ibig kong sabi- hin ay
pailap-ilap man ni Kumander
Lenin, sa kamay ng batas ay mahuhulog
din! (masusulyapan ang
nakabulagta.) Aha, iyan ang
Pablo: isa pala kayong lahat poeta,
Koronel. (Ngingiti ang
pinagsabihan.)
Kintin: Magbabayad kayong lahat! Oras
na magkagiyera ay kawawa
ang inyong labas, mga taksil! (Ang
pulis na humuli kina Pablo
ay darating. Maririnig din,
buhat sa ibang dako, ang
gumuguhit at papalapit na ugong ng
sirena ang isang “police car.”)
Koronel Santos: Salamat sa iyo, Loida.
Gayundin sa iyo, Pablo. At higit sa
lahat, kay Senador. (Naino ang
dalawang tiklis. Patawa at patuya.) At
magbabalut pa ng labas ng mga
karahote! (Kay Kintin) Kumander
Lenin, Talagang tuso ka. Pero,
tuso man daw ang matsing ay
napaglala- langan din! (Tawanan ng
mga nakapaligid.)
Pablo: Sa ilalim ng mga balut na ‘yan
ay nakahimlay ang
Koronel Santos: (Sa dalawang sekreta
na nag- uusisa sa mga laman ng
dalawang tiklis) Bacani,
Silos, sa headquarters na ninyo
usisain ang mga time bomb na
‘yan. Ikaw naman, Cruz, sabihin
mo kay Baylon na dalhin ditong
madali ang pick-up.
(Susunod ang mga inutusan. Samantala,
iaabot naman ni Pablo at ni Loida ang
kanilang mga sandata kay Koronel
Santos. Kakamayan sila sat babatiin ng
Koronel Santos: Ang kabayanihan
ninyong ito, Loida, ay tiyak na
makakarating kay Presidente.
Iniligtas ninyo ang kanyang buhay sa
kamatayan. At naiwasan din natin
ang kaypala’y pinakamadagundong
“Hulyo Kuwatro” sa kasaysayan ng
ating lahi.
Loida: Marami pong salamat, Koronel.
Pablo: Ginawa lamang namin ang
(Darating ang inutusang NBI at
sasabihing naroon na ang “pick – up.”
Aalis silang lahat. May bubuhat kay
Islaw at may bubuhat sa mga tiklis.
Pagigitnaan ng mga sekreta si Kintin.
Samantala ay ibinababa naman ang
tabing.)

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanMi Shelle
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastilabetchaysm
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaanAng Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaanPinky Rose Tapayan
 
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralBarlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralHillary Go-Aco
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMETRO MANILA COLLEGE
 
Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaAllan Ortiz
 
Panahon ng ikatlong republika
Panahon ng ikatlong republika Panahon ng ikatlong republika
Panahon ng ikatlong republika Nenevie Villando
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaKedamien Riley
 
Panahon ng Kastila
Panahon ng KastilaPanahon ng Kastila
Panahon ng KastilaMiMitchy
 

Mais procurados (20)

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastila
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaanAng Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
 
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralBarlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Dula
DulaDula
Dula
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Panitikan at rehiyon
Panitikan at rehiyonPanitikan at rehiyon
Panitikan at rehiyon
 
Rehiyon 3
Rehiyon 3Rehiyon 3
Rehiyon 3
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tula
 
Panahon ng ikatlong republika
Panahon ng ikatlong republika Panahon ng ikatlong republika
Panahon ng ikatlong republika
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dula
 
Panahon ng Kastila
Panahon ng KastilaPanahon ng Kastila
Panahon ng Kastila
 

Destaque

Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongHanna Elise
 
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Melanie Azor
 
Panahon ng Isinauling Kalayaan
Panahon ng Isinauling KalayaanPanahon ng Isinauling Kalayaan
Panahon ng Isinauling KalayaanGlydenne Gayam
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanHanna Elise
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayHanna Elise
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Famous theorist pioneer
Famous theorist pioneerFamous theorist pioneer
Famous theorist pioneerHanna Elise
 
Contest guidelines2007 songposter
Contest guidelines2007 songposterContest guidelines2007 songposter
Contest guidelines2007 songposterRonaldo Digma
 
Ferdinand e. marcos dina datar
Ferdinand e. marcos  dina datarFerdinand e. marcos  dina datar
Ferdinand e. marcos dina datarDina Datar
 
Eastern visayas region history
Eastern visayas region historyEastern visayas region history
Eastern visayas region historyArgie Punzalan
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Allan Ortiz
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusLex Rivas
 
Group 8 - Bagong Lipunan
Group 8 - Bagong LipunanGroup 8 - Bagong Lipunan
Group 8 - Bagong LipunanJara Rogacion
 

Destaque (20)

Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
 
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
 
Panahon ng Isinauling Kalayaan
Panahon ng Isinauling KalayaanPanahon ng Isinauling Kalayaan
Panahon ng Isinauling Kalayaan
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaan
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
 
Filipino 8 Part5
Filipino 8 Part5Filipino 8 Part5
Filipino 8 Part5
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Famous theorist pioneer
Famous theorist pioneerFamous theorist pioneer
Famous theorist pioneer
 
Contest guidelines2007 songposter
Contest guidelines2007 songposterContest guidelines2007 songposter
Contest guidelines2007 songposter
 
Ferdinand e. marcos dina datar
Ferdinand e. marcos  dina datarFerdinand e. marcos  dina datar
Ferdinand e. marcos dina datar
 
Buod ng moses, moses
Buod ng moses, mosesBuod ng moses, moses
Buod ng moses, moses
 
Eastern visayas region history
Eastern visayas region historyEastern visayas region history
Eastern visayas region history
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Varayti
VaraytiVarayti
Varayti
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Group 8 - Bagong Lipunan
Group 8 - Bagong LipunanGroup 8 - Bagong Lipunan
Group 8 - Bagong Lipunan
 
Canal De La Reina
Canal De La ReinaCanal De La Reina
Canal De La Reina
 

Semelhante a Hulyo 4, 1954 A.D.

Semelhante a Hulyo 4, 1954 A.D. (20)

232413121 walang-sugat-ni-severino-reyes
232413121 walang-sugat-ni-severino-reyes232413121 walang-sugat-ni-severino-reyes
232413121 walang-sugat-ni-severino-reyes
 
Walang sugat
Walang sugatWalang sugat
Walang sugat
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Ang ritwal
Ang ritwalAng ritwal
Ang ritwal
 
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdfSI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
 
Bulong sa buwan
Bulong sa buwanBulong sa buwan
Bulong sa buwan
 
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxBALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
 
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxBALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
AP 3 PPT Q3 - Aralin 33 Pilipino ako May Mayamang Kultura.pptx
AP 3 PPT Q3 - Aralin 33 Pilipino ako May Mayamang Kultura.pptxAP 3 PPT Q3 - Aralin 33 Pilipino ako May Mayamang Kultura.pptx
AP 3 PPT Q3 - Aralin 33 Pilipino ako May Mayamang Kultura.pptx
 
407882654-Script-Buod-Ng-Noli-Me-Tangere.docx
407882654-Script-Buod-Ng-Noli-Me-Tangere.docx407882654-Script-Buod-Ng-Noli-Me-Tangere.docx
407882654-Script-Buod-Ng-Noli-Me-Tangere.docx
 
Hiligaynon literature (2)
Hiligaynon literature (2)Hiligaynon literature (2)
Hiligaynon literature (2)
 
Modyul 9-Nobela
Modyul 9-NobelaModyul 9-Nobela
Modyul 9-Nobela
 
plant tissues
plant tissuesplant tissues
plant tissues
 
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
 
Filipino 7
Filipino 7Filipino 7
Filipino 7
 
Mars
MarsMars
Mars
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Ang paglilitis ni mang serapio
Ang paglilitis ni mang serapioAng paglilitis ni mang serapio
Ang paglilitis ni mang serapio
 
Makamisa final
Makamisa finalMakamisa final
Makamisa final
 

Mais de Hanna Elise

Mcqs linear prog
Mcqs linear progMcqs linear prog
Mcqs linear progHanna Elise
 
Linear programming
Linear programmingLinear programming
Linear programmingHanna Elise
 
Linear programming problems
Linear programming problemsLinear programming problems
Linear programming problemsHanna Elise
 
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Hanna Elise
 
Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12  Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12 Hanna Elise
 
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaArt of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaHanna Elise
 
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanInstructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanHanna Elise
 
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroAssessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroHanna Elise
 
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaTeaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaHanna Elise
 
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...Hanna Elise
 
Aristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoAristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoHanna Elise
 
PHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTPHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTHanna Elise
 
MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)Hanna Elise
 
Electricity and Magnetism
Electricity and MagnetismElectricity and Magnetism
Electricity and MagnetismHanna Elise
 
Biological Molecules
Biological MoleculesBiological Molecules
Biological MoleculesHanna Elise
 
Introduction to Light Waves
Introduction to Light WavesIntroduction to Light Waves
Introduction to Light WavesHanna Elise
 
Early Models of the Universe
Early Models of the UniverseEarly Models of the Universe
Early Models of the UniverseHanna Elise
 
Chemistry at Home
Chemistry at HomeChemistry at Home
Chemistry at HomeHanna Elise
 
Chemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeChemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeHanna Elise
 

Mais de Hanna Elise (20)

Mcqs linear prog
Mcqs linear progMcqs linear prog
Mcqs linear prog
 
Linear programming
Linear programmingLinear programming
Linear programming
 
Linear programming problems
Linear programming problemsLinear programming problems
Linear programming problems
 
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
 
Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12  Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12
 
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaArt of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
 
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanInstructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
 
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroAssessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
 
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaTeaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
 
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
 
Human Person
Human Person Human Person
Human Person
 
Aristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoAristotle vs. Galileo
Aristotle vs. Galileo
 
PHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTPHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHT
 
MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)
 
Electricity and Magnetism
Electricity and MagnetismElectricity and Magnetism
Electricity and Magnetism
 
Biological Molecules
Biological MoleculesBiological Molecules
Biological Molecules
 
Introduction to Light Waves
Introduction to Light WavesIntroduction to Light Waves
Introduction to Light Waves
 
Early Models of the Universe
Early Models of the UniverseEarly Models of the Universe
Early Models of the Universe
 
Chemistry at Home
Chemistry at HomeChemistry at Home
Chemistry at Home
 
Chemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeChemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday Life
 

Último

PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 

Último (20)

PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 

Hulyo 4, 1954 A.D.

  • 1. DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALA SA TIMPALAK - PALANCA
  • 2. Sinimulan noon (1953-1954) ng Timpalak – Palanca ang pagpili sa pinakamahusay na dula – at ang nagwagi ng unang gantimpala ay Hulyo 4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar. Ang dulang ito ay naglalahad ng pagsasagawa ng isang mapanganib at madugong misyon ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na ibinagsak ang pamahalaang Pilipino noong panahon ni Pangulong Magsaysay. Hulyo 4, 1954 A.D Ni Dionisio S. Salazar
  • 3. Mga Tauhan: Pablo ……………… Ang “nagbalik-loob” Loida ……………… Ang kanyang kasintahan Kintin …………….. Ang kanilang pinuno Islaw ……………… Ang “bata” ni Kintin Koronel Santos ……… Isang opisyal ng NBI Isang pulis, at ilang ekstrang babae at lalaki. Panahon: Gabi ng Hulyo 3, 1954 Lulan: Lumang Luneta
  • 4. Pagbubukas ng tabing ay makikita sa may gawing likod ng tanghalan, dakong kanan, ang dalawang- katlong bahagi ng bantayog ni Rizal. Sa may gitna naman ng tanghalan ay namamalas ang isang malagong puno ng adelpa. May isang mahabang upuan sa tabi nito. Walang anu-ano’y darating buhat sa gawing kanan si Pablo at si Loida.
  • 5. Si Pablo, na bago pa lamang tumutuntong sa 25 taon, ay mataas, malapad ang sukob at madulas ang pangangatawan. Mukha siyang matalino at matapang … Bilugan ang kanyang mukha at ang kanyang malagong buhok ay nahahati sa gawing kanan. Kaki ang kanyang pantalon at kulay – kumot ang suot niyang diyaket.
  • 6. Pangkaraniwan ang taas ni Loida. Ang kanyang balingkinitang katawan ay may kaakit-akit na hubog. Kulot ang kanyang putol na buhok. Malamig ang kanyang tinig at wala rito ang katigasang dapat asahan sa isang “amazona”. Mapamihag ang kanyang ngiti at may halina ang kanyang titig. Dalawampu’t dalawang taon na siya. Masigla ang kanyang kilos at magiliw siyang mangusap. Sa suot niyang kamisadentrong panlalaki at “pedal – pusher” na maong ay wala siyang iniwan sa isang “tomboy.”
  • 7. Palinga – linga silang dalawa na tila may hinahanap . Pagtapat sa may puno an adelpa ay titigil sila. Pablo: Natitiyak mo ba, Loida na sa lugar na ito tayo magtatagpo? Loida: Oo, dito sa isa sa mga puno na malapit sa monumento. (May alinlangan) Palagay mo kaya ay saan sila naroon, ha Pabling?
  • 8. Pablo: Baka naghahagilap pa sila ng balut na mailalako. O kung hindi man ay nasa may grandstand sila at … alam mo na. Loida: (Patawa) Para kong nakikita ang kanilang ayos na animo tunay na magbabalot, subalit… (magbabago ang tinig at anyo) a, kung alam lamang ng makikita ang nasa ilalim ng mga balut na yaon.
  • 9. Pablo: (Mabilis na ilalagay nang pakurus sa bibig ang isang daliri) Ssst, dahan-dahan ka’t baka may makarinig sa atin. (Masusulyapayan ang bangko) Halika’t maupo kata. Loida: (Hahawakan sa balikat si Pablo; masuyo) Hindi ka ba natatakot, Pabling? Dahil sa akin ay tiyak na malalagay ka sa mapanganib na kalagayan. Ang ating gagawin ay maaaring maging sanhi ng ating
  • 10. Pablo: (Hahawak at pipisilin nang buong suyo ang isang kamay ni Loisa) Minamahal kita, Loida, ito’y alam mo. At dahil dito’y kalabisan na marahil sabihin kong nahahanda akong hamakin ang lahat – maging kamatayan man – alang-alang sa iyo. Natatakot ‘ka mo? Ba, duwag lamang ang natatakot mamatay. Wika nga ni Shakespeare ay “Cowards die many times before their death.” Itong tandaan mo: Mula ngayon,
  • 11. Loida: (Masaya) Salamat, Pabling. Ngayon ko napatunayan na sadyang tapat ang iyong pag-ibig. Ikinararangal kita. At hintay, saulado mo pa ang iyong napag-aralan! Pablo: Ang isang diwa o sinimulain, kailanma’t maganda at kapuri- puri ay mananatiling buhay. Ngunit mula ngayon, adios Marx, Engles, Lenin, Lava, at iba pa. Salamat sa iyo, sa amain mong senador , at nag-
  • 12. Loida: Ang ating isipan, ang sabihin mo. Pablo: Natatandaan ko pa ang sinabi ng isa kong guro na anya’y “Ang tao raw na katutubong mabuti, sumama man, ay bubuti rin, ngunit ang likas na masama, mabalot man ng mga hiyas at karangalan, ay masama rin.” Loida: (May makahulugang ngiti) Ang ibig mong sabihi’y …?
  • 13. Pablo: Na ikaw at ako’y hindi likas na masama. Manapa’y natangay tayo at nalason ng H.M.B sa oras ng ating kahinaan. Loida: May katwiran ka, Pabling. At lalo na si Tiyo Pepe. Ano pa nga naman ang dahilan at ipagpapatuloy natin ang pamumundok ay sa ibinibigay naman ni Magsaysay ang lahat ng ating kagustuhan? Di nga ba binibigyan ng lupa ang mga walang lupa? Pinatatawad ang mga
  • 14. Tinatangkilik at binubuhay ang sariling atin? … Maliban sa hibang na nasang pailalim sa Pulang Bituin ay ano pa nga naman ang sanhi at tayo’y di umaahon at sumuko at mananahimik? May katuwiran si Tiyo Pepe na sabihing “matakot tayo sa kasaysayan.”
  • 15. Pablo: (Buong paghangang nakatitig kay Loida) Maniwala ka, Loida, bilib na ako sa amain mong senador: Inuulit kong kung hindi sa iyo at sa kanya, at saka pala sa ilan nating kakilalangmanunulat, ay malamang na masasawi ako sa kamay ng isang kabalat din, at mamamatay pang may tatak ng pagka-Hudas sa sariling lahi.
  • 16. Loida: Kung sa bagay ay hindi tiniyak sa atin ni Tiyo Pepe na maikukuha tayo ng homestead sa Mindanaw. Subalit mahigpit naman ang kanyang pangakong gagawin ang makakaya upang hindi tayo mabilanggo. Pablo: Malaki ang tiwala ko sa kanyang kakayahan at sa kanyang lakas. Ang iniisip ko ngayon ay kung
  • 17. Loida: (Pagdadaupin ang mga palad) Kahimana wari’y magtagumpay kita. Pablo: (Munti ma’y walang bakas ng pagkasin- dak) May awa ang Diyos. (Masaya at madamdamin) Lubhang makasaysayan sa akin ang araw na ito (waring nakiki- mi pa), giliw. Una, sa hindi ko inaasa- hang mangyayari ay natamo ko ang iyong pagmamahal. Ikalawa, ito ang sasaksi sa aking, este, sa ating …
  • 18. Pulis: (Pabigla at pagulat) Hoy! Kayong dalawa! Ano’ng inyong ginagawa rito? Hindi ba n’yo alam na bawal dito ang mag-neking? Pablo: (May pagtataka subalit mahinahon parin) Hindi ho naman kami nagneneking, a. Pulis : (Paaglahi) Ku … hindi pala. E anong ginagawa n’yo rito sa ganitong oras, nagbibilang ng bituin? (Kunwari’y dudukot ng lapis
  • 19. Pablo: Hindi ho. Nagpapalamig lamang kami at nagkwekwentuhan. Pulis : Sawa na’ko sa ganyang mga katwiran. Bueno, tayo na at doon kayo mangatwiran nang husto sa kuwartel. Loida: (Titindig) Maniwala ho kayo, Mamang Pulis, wala hu kaming ginagawang masama. Hindi ho kami nagneneking na gaya ng inyong palagay.
  • 20. Pulis: (Magpapahalatang galit na) Kung hindi n’yo ibig maperyodiko ay mabuti pang sumama na kayo sa’kin ngayon din. (Magtitinginan si Pablo at si Loida. At magkakaunawaan. Sasama sila sa pulis na wala ni munti mang agam-agam sa kanilang mga mukha. Lalabas sila sa gawing kanan ng tanghalan. Pagkaalis nila ay darating naman si Kintin at si Islaw na mangagaling sa
  • 21. Kapwa silang may sakbat sa kanilang mga leeg na dalawang maliliit na tiklis. Mistula silang tunay na magbabalut. Si Kintin ay pandak subalit siksik ang pangangatawan. Nakabalonggot siya at nakasalamin. Mukhang masungit at mabalasik. Pangahan siya. Malikot ang kanyang mga mata bagaman baha- bahagya lamang ang galaw ng kanyang ulo. Mag-aapatnapu na siya. (Si Islaw, bagaman malaki ang kataasan kay Kintin, ay hukot naman at payat. Bago pa lamang siyang
  • 22. Halatang-halata sa kanyang mga kilos na lubos siyang nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kintin. Mababakas din sa kanyang hawas na mukha ang katapangan. Ang mga “polo shirt” nila ay hindi nangakaparagan. Paglipat nila sa may puno ng adelpa ay hihinto sila at pagagalain ang mga tingin) Islaw: Terible pala itong Luneta, ano po? Hatinggabi nang malalim e me naggugudtaim pa.
  • 23. Kintin: (Mangingiti) At nakita mo ba, Islaw, na yaong ilang nabulabog natin sa mga puno e may kipkip pang mga libro? Islaw: ‘Yan nga po ang naririnig kong sabihan, a---na karamihan daw ng nagugudtaim dito e mga istudyante. Lekat, kung alam lang ng kanilang mga magulang ang kanilang ginagawa!
  • 24. Kintin: Oo, saying lamang ang ginagastos sa mga ganyan. Pero, maniwala ka, ‘yan naman ang pagnagsiuwi sa prubinsya e siyang masyadong magpasikat. Islaw: Ba, dapat silang mangahiya . Nagpapakamatay sa hirap ang kanilang mga magulang sa paghahanap ng pera samantalang sila’y gudtaim lang naman ang inaatupag
  • 25. Kintin: Kaya nga ba kahit na mangawngaw si Lacson e napupuri ko rin kung minsan dahil sa paghuli niyang minsan sa mga naggugudtaim ditto. Perooo …. Mahina pa rin siya. Kung ako siya e gagabi-gabihin ko ang reid at tangko lang kung hindi madala ang lekat na ‘yan. Islaw: Pag nagkataon, Kumander, ay …
  • 26. Kintin: (Maagap at halos pabulong) Psst, huwag mo ‘kong tatawaging Kumander, lalo na kung mey lumalapit. Este, ano na nga yung sinasabi mo? Islaw: ‘Yan nga po ang hirap sa ‘ting mga Pilipino, e. Manggagaya tayong de primera klase.
  • 27. Kintin: (Himig pagmamagaling) Ang paggagaya, Islaw, e hindi masama. Ang masama e kung gagayahin mo yung masama. Pero, kapag mabuti ang pinarisan at saka pinabti pa e ito ang magaling. (Tatanglawan ng isang “lighter” ang relo sa bisig.) Aba, at mag-aala-una na pala! Bakit kaya wala pa sila? (lilinga.) Islaw: (Matapos maupo) Ano po bang oras, Kumander, ang sabi
  • 28. Kintin: Ang sabi ko sa kanya e dapat siyang narito bago mag-alas dose. Islaw: (May pananabik) E si Kasamang Pablo po naman? Anong naisipan niya’t sumama-sama pa? Palagay ko po’y … Kintin: (Mabilis na hahadlangin si Islaw; pagalit) Torpe! Anong kaululan ang sinasabi mo? (may maaninag na lumapit.) O, teka, baka sila ‘yang dumarating.
  • 29. (Aaninawin nilang mabuti ang dumarating. Mabibigo sila pagkat ang daraan sa kanilang tabi ay isang bata at isang marinong Amerikano. Magkaakbay ang dalawa… Ang lalaki na may bote pa ng alak sa bulsa, ay sumusuray sa paglakad. Aalukin sila ni Islaw ng balut. Bibili ang ababe. Ang ibabayad ay sa bulsa ng marino kukunin. Lalayo sila pagkatapos.) Islaw: (Iiling at ngitnit nang makahulugan). Kawawang lalaki. Nagsisilbing
  • 30. Kintin: (Nakangiti rin at tatangu-tango) Talagang ganito lang ang buhay, Islaw. Isang manluluko at isang lulukuhin. Paris niyang Amerika, kunwa e tagapagtanggol ng mga karapatan ng maliliit na banmsa na paris ng Pilipinas bagkus e siyang mangangamkam na de primera klase. Pero, ku, pasasaan ba’t dir in siya babagsak --- silang lahat na bansang imperyalista at kapitalista!
  • 31. akala nila’y sila lamang ang may atomic at haydridiyen, hmm… Teka, bakit ba kung saan- saan nasusuot ang ating usapan? Ang dapat pag- usapan e ang tungkol sa ating misyon. Kailangang magtagumpay tayo --- kahit anong mangyari! Islaw: (Puspus-alinlangan) E pa’no kaya ang mabuti sa mga guwardiyang …?
  • 32. Kintin: (Mabilis) Natatakot ka ba? Huwag mo silang intindihin. Madali yang remedyuhan. (Muling tatanglawan nang patago ang relo. Mahahalata sa kanyang tinig na yamot na siya sa paghihintay.) Pag hindi pa sila dumating sa loob ng kalahating oras e malaking hirap ang kanilang katad pagnagkataon, hm… Islaw: Magtagumpay sana tayo,
  • 33. Kintin: Mayroon tayong tig-isandaan libong piso bilang gantimpala. Islaw: (Parang hindi ibig maniwala sa narinig) Ano po? Tig- isandaan libong piso? E saan naman poi to kukunin e saa…? Kintin: (Magkikibit ng balikat) Ewan ko ba. Pero tandaan mong oras na magtagumpay tayo e irerekomenda ko kay Heneral na mataas kayo sa katungkulan.
  • 34. Islaw: (Matutuwa) Salamat po… Sa palagay kaya n’yo e husto na itong ating dala paraaa…? Kintin: (Pangungunahan ng kausap) Husto? Ang sabihin mo’y labis- labis ‘to. Ito lang nasa aking tiklis e sapat na para tadasin ang lahat ng naro’n. Islaw: Ang inaalala ko lang, Kumander. E maraming …
  • 35. Kintin: Bakit ba sila ang iintindihin mo? Ang intindihin mo’y Siya. At ang ating pabuya. Saka, karamihan naman doo’y es- es-bi at mga pulitikong kanin. Basta siay lang an gating malagot e. Islaw: Pagnagkataon e nganganga sa hangin ang mga nasyonalistang ‘yon. Ang pihadong matutuwa naman ang mga liberal, ano po?
  • 36. Kintin: Hindi rin, pagat ang hahalili ay nasyonalismo rin. Hindi mo ba alam na En-Pi rin si Garcia? Ang sabihin mo e tiyak na maloloko ang administrasyon. At sa oras na maglaga-nito, eh makasisigaw na tayo ng “Amanos!” at “Mabuhay ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan!” Hm, ang akala lamang ng mga nasa gubyerno e baldado na tayo. Hmm, malalaman din nila. Malalaman nila hanggang bukas.
  • 37. Islaw: (May pagmamagaling) At isa pa po! Ang akala ng marami e mahina na tayo porke sumuko ang taksil at duwakang na si Taruc. Malalaman nila hanggang bukas ng hapon --- sa oras ng parada. Kintin: Isipin natin kung paano madidispatsa ang mga guwardiya sa ilalim ng grandstand nang hindi natin babarilin. Sabagay e may silencer
  • 38. Islaw: (Matapos makapag-isip) Me naisip ako, Kumander! Bumili tayo ng alak at palapitin natin sa kanila si Kapatid na Loida oras na siya’y dumating. Kintin: At pagkatapos? Islaw: Pagkatapos po ay gawin niya ang dapat gawin, halimbawa’y ibigay niya ang kanyang sarili kung kinakailangan. Walang tatanggi sa kanya. Me itsura siya, materyales p’werte, ‘ika nga.
  • 39. Kintin: Magaling! (Mapapadagok sa hita). At habang abala ang isa kay Loida e kakausapin ko naman ang isa pa. Bibigyan ko ng balut. At bahala na ‘ko pagkatapos. Si Kasamang Pablo naman e siay nating pagbantayin sa ibang maaaring lumapit. Islaw: (Lipos pananabik) E ako po naman? Kintin: Ikaw ang magtatanim ng ating dala. Oras na magawa mo ito e sisibat tayong apat sa isang
  • 40. Islaw: (Mapapatayo sa tuwa) Superyor na ideya, Kumander! O , ayan na ‘ata sila! (Ang darating ay dalawang binabae. Kikilalanin silang mabuti ng mga ito at pagkatapos ay magbubulungan at magtatawanan.) Kintin: (Pabulyaw) Hoy, Kayo riyan! Ano’ng inyong painagtatawanan? Islaw: H’wag kayong luluku-luko at
  • 41. Unang Binabae: (Sa karaniwang puntung bakla) Oyyy, How-ag kayong magalit. Hendi keyo ang amingpinagtaw- anan. Suya! Ikalawang Binabae: (Hihilahin sa kamay ang kasama) Ow, c’mon, Charing. Les not mine dem. Jes plane balut vendors. No dice. Mabantut ‘yan. Islaw: (Susurutin sa mukha ang huling nagsalita) Hoy, ikaw na me malalaking masel! Huwag kang iinglis-inglis d’yan at baka pilipitin ko ‘yang leeg mo. Hala, lumayas na kayo rito, mga buwisit!( Akmang lalayo ang dalawang binabae na
  • 42. Kintin: (Bago tluyang makalayo ang mga bakla) Sandali lang ! Alam ba n’yo kung saan kayo dapat magpunta para kumita nang malaki? Doon sa piyer. Islaw: (Gagayahin ang isang bakla) Nar-on ang ma-ra-ming ma-rin-I, (mariin) mga kumpare. (Titingnan siya nang masakit ng dalawang “alanganin”.) Ikalawang Binabae: (Pairap) Yu don’t heb to teach us an ‘more, mister balut. We knows awer bisness. Les go, Claring. (Tuluyang lalayo, nguni’t haharaping muli ang mga magbabalut na nakapamaywang) Tse! Ang papangit
  • 43. Islaw: Totoo po ba, Kumander, na me dala raw malas ang mga taong ganyan? Kintin: Ayon sa iba, pero bakit ba tayo maniniwala riyan .,.. A, palagay ko’y sila na ‘yang dumarating na ‘yan! (Darating buhat sa gawing kanan si Pablo at si Loida. Masaya sila.) Kintin: Bakit kayo natagalan, ha? Pablo: kanina pa hu kami rito ngunit napagkamaln kami ng isang pulis naaa… na …
  • 44. Kintin: (May pananabik) Na ano? Pablo: na nagneneking hu. Kintin: (Matapos mawala ang bakas ng pagkamangha at kaunting kaba sa mukha) Pinakaba mo ako ng kaunti. (Pabiro) O baka naman totoo, ha? Loida: (Maagap) Aba, hindi po, Kumander! Talaga pong hindi. Islaw: (Sakbibi rin ng pananabik) E’no’ng ginawa senyo ng pulis pagkatapos?
  • 45. Kintin: Ano’ng iyong ginawa? Loida: Pinakiusapan po namin ng mabuti at pagkatapos ay binigyan ng pantabako. Kintin: Buweno, yamang narito na tayong lahat e pag-usapan natin ng mabuti ang tungkol sa’ting lakad. Halikayo’t maupo tayo. (Magsisiupo nang pasalampak sa damuhan. Si Islaw ang bukod-tanging mananatili sa pagkakatayo.)
  • 46. Kintin: (Mahina, halos paanas) Heto ang ating plano. Makinig kayong mabuti. Ikaw, Islaw, (titingalain ito) magmatyag kang mabuti at baka may makalapit sa atin nag hindi natin namamalayan. Islaw: Opo. Pablo: (Pangungunahan ang kanilang “Kumander”) Kumander. Mayroon hu sana akong nais sabihin sa inyo, e. tungkol hu sa … saaa… Kintin: Ituloy mo.
  • 47. Pablo: Nais ko hung ipagtapat na nagkakaibigan na kami ni Loida. At dahil dito’y iniisip naming mamuhay na nang tahimik. (Hindi hihiwalayan ng titig si Kintin na parang ibig sabihin sa mukha nito ang tunay na niloloob.) Kintin: (Mapapatindig at mapapalakas ang boses) mamuhay ng tahimik! Ano’ng ibig mong sabihin, Kasamang Pablo? Pablo: (Tatayo naman bago sumagot)
  • 48. Kintin (Kay Loida) Totoo ba ang sinasabi ng hangal na ito? Loida: (Titindig rin bago tumugon) Opo. Kintin: (Halatang nagtitimpi) Saka na nga natin pag-usapan ang bagay na ‘to. Sa ngayo’y hindi tayo dapat mag- aksaya ng pnahon. Kailangang magtagumpay muna tayo sa’ting lakad. Ganito, Loida ang iyong gagawin…
  • 49. Loida: (Malumanay ngunit matatag) Palagay ko po, Kumander, ay … ay hindi makatarungan ang … ang ating … ang gagawin nating pagtatanim ng (Hindi makukuhang tapusin ni Loida ang sasabihin sapagkat bibigyan siya ng matinding sampal ni Kintin. Mapapasadsad siya. At kung hindi sa upuan na anyang kasadsadlakan ay gumulong sana siya sa damuhan. Sasaklolohan siya ni Pablo subalit
  • 50. Pablo: (hindi kahahalataan ng anumang sama ng loob; matimpi at mahinahon) Bayaan ninyo, Kumander, na magpaliwanag ako. Kintin: Ginagalit ba n’yo ‘kong talaga? Pablo: (Parang walang narinig) Tingnan ninyo … Kung sa halip na ituloy natin ang ating layon ay … ay sumuko tayo …
  • 51. (isang mabilis at unat-kilikiling suntok mula kay Kintin ang magpapatumba kay Pablo. Magbubunot si ISlaw ng rebolber at tangkang papuputukan si Loida na nakayukyok sa sandalan ng upuan at nagkukunwang walang malay-tao at saka si Pablo kung hindi lamang sasawayin siya ni Kintin.) Kintin: Huwag, Islaw! Huwag tayong gumawa ng iskandalo hangga’t hindi natutupad ang ating misyon! … Itago’ng baril mo’t paraanin muna natin ang
  • 52. (Muling isasakbit ni Islaw ang kanyang rebolber. Sa pagkakalugmok ni Pablo na naghihilu-hiluhan lamang ay mailalabas niya nang palihim ang kanyang sandata. Sa sangkisap-mata ay mapapabalikwas siya at matututukan ang dalawa. Si Loida ay palihim ring naghahanda. Manlalaki ang mga mata nina Kintin at Islaw. Pamumutlaan rin sila nang labis.) Pablo: (Makapangyarihan at paaglahi) Kumander Lenin! Islaw! Itaas ninyo ang inyong mga
  • 53. ( Ang dalawang napaglalangan ay akmang lalaban subalit makikita nilang hindi nagbibiro si Pablo. Magkahalong sindak at poot ang mababasa sa mga mukha ni Kintin at ni Islaw. Si Loida ay tatayo na pigil sa kamay ang kanyang :Colt” na de-25. Samantala, ang pangkat na binubuo ng apat na tao ay patuloy sa paglapit sa kanila.)
  • 54. Pablo: Huwag! Huwag kayong magkakamaling kumilos nang masama pagkat hindi kayo igagalang ng aking trenta’y otso! … Ikinalungkot kong humantong tayo sa ganito, Kumander. Subalit dumating na ang paghihiwalay natin ng landas. Kintin: (Nagngangalit ang mgabagang) Mga taksil! Papatayin ko kayo! Hindi makaliligtas sa ginawa n’yong ‘to! Oo,
  • 55. Loida: (Lalapit nang may dalawang hakbang; malumanay) Huwag ninyong isipin, Kumander, na kaya kami nagkakaga- nito ay dahil sa singkuwenta mil pesos na nakapatong sa inyong ulo. Pablo: Ginawa namin ito sapagkat sa wakas ay nakilala namin ang aming mga pagkakamali. Salamat sa ilang kaibigang manunulat, kay Loida, at sa kanyang amaing si Senador … a, hindi na nga bale ang kanyang pangalan.
  • 56. (Si Islaw, na walang katinag-tinag sa pagkakatayo, ay biglang dadaluhong. Susunggaban niya si Pablo upang agawan ng baril subalit papuputukan siya nito. Sa kabilisan ng kanyang pagdaluhong ay hindi siya karaka-rakang mabubulagta. Mayayapos pa niya si Pablo at maibubuno. Sasamantalahin naman ito ni Kintin dangat mararamdaman niya ang nguso ng rebolber ni Loida sa kanyang likod. Manunumba si Islaw. Lalapit naman ang pangkat na
  • 57. Loida: (Makilala si Kor. Satos ; himig pagma- malaki) Koronel Santos, narito ho ang inyong pinahahanap. Ang kasama niya ay .. Patay na… (Lalapitan ng dalawang sekreta si Kintin at poposasan … Manlalaban ito subalit wala ring magagawa.) Koronel Santos: (Pauyam at patango- tango) Talagang “pahaba-haba man ng suga, sa dulo ay may gasa.” Ang ibig kong sabi- hin ay pailap-ilap man ni Kumander Lenin, sa kamay ng batas ay mahuhulog din! (masusulyapan ang nakabulagta.) Aha, iyan ang
  • 58. Pablo: isa pala kayong lahat poeta, Koronel. (Ngingiti ang pinagsabihan.) Kintin: Magbabayad kayong lahat! Oras na magkagiyera ay kawawa ang inyong labas, mga taksil! (Ang pulis na humuli kina Pablo ay darating. Maririnig din, buhat sa ibang dako, ang gumuguhit at papalapit na ugong ng sirena ang isang “police car.”)
  • 59. Koronel Santos: Salamat sa iyo, Loida. Gayundin sa iyo, Pablo. At higit sa lahat, kay Senador. (Naino ang dalawang tiklis. Patawa at patuya.) At magbabalut pa ng labas ng mga karahote! (Kay Kintin) Kumander Lenin, Talagang tuso ka. Pero, tuso man daw ang matsing ay napaglala- langan din! (Tawanan ng mga nakapaligid.) Pablo: Sa ilalim ng mga balut na ‘yan ay nakahimlay ang
  • 60. Koronel Santos: (Sa dalawang sekreta na nag- uusisa sa mga laman ng dalawang tiklis) Bacani, Silos, sa headquarters na ninyo usisain ang mga time bomb na ‘yan. Ikaw naman, Cruz, sabihin mo kay Baylon na dalhin ditong madali ang pick-up. (Susunod ang mga inutusan. Samantala, iaabot naman ni Pablo at ni Loida ang kanilang mga sandata kay Koronel Santos. Kakamayan sila sat babatiin ng
  • 61. Koronel Santos: Ang kabayanihan ninyong ito, Loida, ay tiyak na makakarating kay Presidente. Iniligtas ninyo ang kanyang buhay sa kamatayan. At naiwasan din natin ang kaypala’y pinakamadagundong “Hulyo Kuwatro” sa kasaysayan ng ating lahi. Loida: Marami pong salamat, Koronel. Pablo: Ginawa lamang namin ang
  • 62. (Darating ang inutusang NBI at sasabihing naroon na ang “pick – up.” Aalis silang lahat. May bubuhat kay Islaw at may bubuhat sa mga tiklis. Pagigitnaan ng mga sekreta si Kintin. Samantala ay ibinababa naman ang tabing.)