DULOG, PANANALIG, BAHAGI NG PAGSUSURING PAMPANITIKAN 2 - Copy.pdf
1. Natatalakay ang ilang Dulog at Pananalig
Pampanitikan
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga Panananalig
pampanitikan.
3. Nakikilala ang mga Dulog at Pananalig pampanitikan
bilang bahagi ng pagsusuri sa mga kontempraryong
panitikan.
Pormalistiko
Ang pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulog na
nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o paglalapat sa
mga napapaloob sa isang akda. Ito ay nakatuon sa
paraan ng pagkakabuo ng akda, pagpili ng mga salita at
wika o dayalogong ginamit at ang iba‟t ibang kabuluhan
nito. Ang pagdulog na ito ay hindi nakabatay sa sino,
ano, kailan, saan o bakit kundi sa paano. Ito ay
tinatawag na ngayon makabagong panunuri o new
criticism.
Pormalistiko Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-
akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis
at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang-unawa.
Humanismo
Tagapagtaguyod: Francesco Petrarca (Petrarch)
Giovanni Boccacio
• Sumasaklaw sa kalakasan at mabubuting katangian ng
tao
• Sa kahalagahan at dignidad ng tao, pati ang kanyang
pag-iisip at pagpapahalaga sa sarili at kapwa
• Ang tao ay nilikhang Rasyonal, may kakayahan itong
unawain ang mga bagay at tukuyin ang tama at mali.
Protagoras
"Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at
panginoon ng kanyang kapalaran”
Humanismo
1. Pagkatao - dahil ang paksa ng kwento ay tao,binibigyang pokus o halaga ang kakayahan,.
2. Tema ng kwentong pinaka paksa ay laging tao kasama na ang damdamin at saloobinnito.
3. Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?_- Ang tao ay sinasabing likas na
rasyonal at may kakayahang mag-isip kung kaya't ang tauhan ay alam kung ano ang tama
at mali.
4. Mga bagay na nakakaimpluwensya sa pagkatao ng tauhan_- Ang kapaligiran
ang siyang mas nagbibigay buhay sa tauhan dahil pinapakita dito kung paano
tumugon angtauhansa kaniyangmga nasa paligid.
5. Pamamaraan ng pagbibigay-solusyon sa problema_- Laging pinapakita ang
pagsubok na pagdadaanan ng tauhan upang makita kung paano nito bibigyang
solusyon ang hinaharap na pagsubok at paano ito tumugon.
Realismo
• Henri de Latouche
• Auguste Comte (Ana ng Sosyolohiya)
Ang mga mahahalagang pigura sa kilusang sining ng Realista:
• Gustave Courbet
• Honore Daumier
• Jean-Francois Millet.
•
Marie-Henri Beyle o Stendhal
•
Honore de Balzac
•
Gustave Flaubert
• Alexandre Dumas fils
• Theodor Fontane,
• Gustav Freytag
• Gottfried Keller
• Wilhelm Raabe
• Adalbert Stifter
• Theodor Storm
Rebolusyong Industriya: Ika-19 na siglo
Realismo
▪ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan sa makatotohanang pamamaraan.
▪ Maiuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay; na ang likhang isip ay may aktwal
na batayan sa kasaysayan at lipunan.
▪ Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,
katiwalian, kahiraoan at diskriminasvon. Madalas ding nakapokus ito sa lipunan at gobyerno.
▪ Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.
▪ Higit na binibigyang-pansin ng realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi
ang uri ng paksa ng isang akda. Para sa realista, walang tigil ang pagbabago.
▪ Ito ay isang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong
paglalarawan ng lipunan at buhay.
(Mercure Francais Du XIX siecle, 1826 )
Realismo
PINONG (GENTLE) REALISMO
May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik-
hindik.
SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.
SIKOLOHIKAL NA REALISMO
lnilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos.
KRITIKAL NA REALISMO
lnilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektongmay kapangitan at panlulupig
nito.
SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sapaglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga
lipunang pinamumunuanng mga anak pawis.
MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa
kagandahan.
Realismo
Mga Halimbawa:
‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
‘Banaag at Sikat’ ni Lope K. Santos
‘Santanas sa Lupa’ ni Celso Carunungan
‘Laro sa Baga’ ni Edgar Reyes
‘Ito Pala ang Inyo’ ni Federico Sebastian (dula)
‘May Isang Sundalo’ at ‘Nana’ ni Rene Villanueva (dula)
Romantisismo
Tagapagtaguyod: Jean-Jacques Rousseau
Johann Wolfgang Van Goethe
MGA KATANGIAN:
✓ Pagiging makapangyarihan ng emosyon kaysa sa pag-iisip.
✓ Pagsasalaysay ng walang katiyakang balangkas o pagpapalagay sa mga kutob.
✓ Pagbibigay katwiran sa mailusyon o optimistikong pananaw ukol sa buhay.
✓ Pagtakas sa reyalidad o eskapismo
Ang pinakasikat na pilosopiya nina:
Jean Jacques Rousseau
"Ang tao ay likas na mabuti at ang lipunan nito ang pinagmulan ng kasamaan ng tao".
Johann Wolfgang Van Goethe
"A man sees in the world what he carries in his heart." at
"Trust your heart rather than your head. Feeling is all.
Romantisismo
1. Paksa- Ang isang akdang may teoryang romantisismo ay makikitaan ng pangingibabaw ng emosyon mula simula
hanggang sa wakas. Ang emosyon na binanggit ay hindi nangangailangang pagmamahal sa taong salungat ng
ating kasarian, maaari rin itong pumatungkol sa mga emosyon na kalungkutan, galit, hinanakit, takot at iba pa.
2. Tema- Isa sa mga katangian ng romantisismo na dapat nating bigyang-diin sa pagsusuri ay ang tema nito. Ang
tema ng romantisismo ay pumapatungkol sa damdamin o pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at
kalikasan.
3. Estilo- Napapahalagahan ang bisa ng pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran sa teoryang romantisismo dahil
na rin sa pagiging malikhain ng mga may-akda. Ang mga salitang kanilang ginagamit ay makikita sa kapaligiran
na pumapatungkol sa mga emosyon na kanilang nararamdaman.
Romantisismo
DALAWANG URI:
1. Romantisimong Tradisyunal – nagpapahalaga sa halagang pantao.
2. Romantisismong Rebolusyonaryo – pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
ROMANTIKO – tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
Romantisismo.
naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.
Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging instrumento ng mga romantiko para matuklasan ang nakakubling
katotohanan/ bumubuo sa pagiging totoo, maganda.
Kapangyarihang rebolusyonaryo at damdamin.
Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal, katotohanan, kabutihan at kagandahan.
Romantisismo
Makatang Romantiko:
1. Panulaang Pilipino
2. Jose Corazon de Jesus
3. Lope K. Santos
4. Ildefonso Santiago
5. Florentino Collantes
6. Inigo Ed Regalado
7. Teodoro Gener
Maikling Kwento at Nobela
1. Macario Pineda
2. Jose Esperanza
3. Faustino Galauran
Siko-analitiko
Tagapagtaguyod: Sigmund Freud
❑ Nakatuon ang teorya sa inter-aksyon ng
malay at di-malay na kaisipan ng tao.
❑ Sinisiwalat nito ang mga kahulugang
nakatago sa akda at ang totoong
intensyon ng may-akda sa pagsusulat.
Bago ipanganak si Kristo
Siko-analitiko
1. Kahalagahan ng mga karanasan nang
pagkabata
2. Ang pagiging inosente o walang muwang,
sexual at aggressive drives
3. Ang defense mechanism at kung bakit ang
bawat indibidwal ay magkakaibang kumilos
sa bawat sitwasyon
Sangunian
Mark-Jhom R. Prestoza at Jun-Jun R. Ramos, Balik-aral sa Pananalig Pampanitikan: Isabela State University, 2015
Merlang Alvarez Mabait, Teoryang Pampanitikan, Philippine Science High School-Main Campus, 2014
Patricinio V. Villafuerte, Panunuring Pampanitikan, Mutya Publishing House, 2000
https://www.coursehero.com/file/72587849/Kabanata-2-Panunuring-Pampanitikanpdf/
https://tl.warbletoncouncil.org/partes-de-una-resena-508#menu-1