1. ARALIN 33:
ANG BUWIS AT BUDGET NG
PAMAHALAAN
Ginawa ni:
Delicano
2. Budget ng Pamahalaan
Ang pag-aalam sa kita ng pamahalaan ay
nagbibigay daan sa pagtutukoy sa budget ng
pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay
malalaman kung may budget deficit o surplus
ang pamahalaan
May budget deficit kapag mas malki ang
nagastos ng pamahalaan.
Kapag mas malaki ang kinita kaysa ginastos
ng pamahalaan ay mayroong budget surplus.
3. Pinanggagalingan ng Kita ng
Pamahalaan
Ang pagkakaroon ng sapat na kita ay
hangarin ng pamahalaan upang
mkap[agbigay ng serbisyong panlipunan sa
mga tao at matugunan ang pangangailangan
ng bansa.
Patuloy na nagsasagawa ng reporma sa
pagbubuwis ang pamahalaan.
4. Bukod sa buwis, may kita rin na nanggagaling sa
kita ng mga negosyo na pinangangasiwaan ng
pamahalaan, ang pagbibenta ng mga ari-arian
ng pamahalaan o Government – owned and
Controlled Corporators (GOCC) sa ilalim ng
patakarang privatization at pangungutang ng
pamahalaan sa mga institusyong pananalapi sa
loob at labas ng bansa.
Nangungutang ang pamahalaan upang
mapunan ang kakulangan sa budget at
mutustusan ang mga proyektong pambayan.
Isinasagawa rin ang pagbibenta ng government
bonds, tulad ng treasury bills.
5. Ang Kahalagahan ng Buwis
Maraming uri ng buwis ang ipinapataw ng
pamahalaan samga mamamayan,
manggagawa, negosyante, konsyumer, at
prodyuser man, at maging sa produkto na
kinukonsumo ng mga tao.
Ang pagbabayad ng buwis ay obligasyon ng
bawat manggagawa at kompanya.
Malaking porsiyento ng pondo ng pamahalaan
ang nanggagaling sa buwis.
6. Kapag malaking halaga ng buwis ang malilikom
ng pamahalaan, maraming serbisyo ang
maibibigay sa mga mamamayan.
May mga buwis din na ipinapataw sa imported
na produkto. Sa pamamagitan nito ay mataas
ang presyo ng mga inaangkat na produkto at
nabibigyan ng proteksiyon ang mga lokal na
industriya at negosyo laban sa dayuhang
produkto.