1. PARIWARA
Akda ni Marisol Villarosa
Hindi sila mayaman, pero hindi din sila mahirap. Tama lang para sa kanilang mga pangangailangan.
Nakatira sila sa isang masaganang bayan sa isang kilalang probinsiya. Apat silang magkakapatid. Tatlong
lalaki, at nag-iisa syang babae bilang bunso sa kanilang apat. Kilalang administrador ang kanyang ama sa
kanilang bayan habang ang kanyang ina ay isang butihing principal sa sentrong paaralan.
Hindi lang maganda, maputi at matalino, kundi isa din syang mabait na bata. Sa kabila ng kagandahan ng
mukha at ng kalooban, maganda rin ang hubog ng katawan ni…. Halos lahat ng mga kalalakihan ay
nagkakandarapa sa kanya at hinihintay syang magdalaga para makapanligaw ng maayos sa tamang edad
at tamang pamamaraan.
Dahil sa kilalang tao ang kanyang mga magulang, ginagalang sila ng lahat. Masayang pamilya sila kung
titingnan. Walang kapintasan at maraming kaibigan. Ang mga magulang nya ay sobrang mapagmahal.
Katangiang namana nya sa kanila. Ang mga kapatid nyang lalaki ay mababait din at di naman makikitaan
ng anumang pag-uugaling hindi maganda. Isang perpektong pamilya.
Ngunit sa kabila nito, may pangyayaring hindi nya inaasahan. Pangyayaring hindi nya nagustuhan at
kahit kailan hindi nya naisip na may gagawin sa kanya ang kanyang mga kapatid. Wala syang kamuang-
muang, sa loob pala ng pag-uugali ng kanyang mga kapatid ay may demonyong sumasanib sa kanilang
pagkatao. Madalas, minolestiya sya ng kanyang kapatid na lalaki. Una, ang kanyang kuya. Madalas syang
pinapasok sa kanyang kwarto, sa banyo at hanggang sa magawa nito ang kalaswaang pagnanasa sa
kanya. Wala syang nagawa, habang napupunit ang kanyang pagkababae. Tanging hikbi lamang ng mga
luha at tinig ng musmos na bata ang kaya nyang gawin. Pinilit nyang kumalas at magmakaawa ngunit
naging mapangahas ang gabing yon habang wala pang tao sa bahay nila. Para syang namatay sa
nangyaring yon. Naligo sya pagkatapos ng isang karumal-dumal na paulit-ulit at di nya makalimutan sa
kanyang isipan. Nais nyang isumbong sa magulang nya ngunit mas pinahalagahan nya ang pangalan ng
kanyang pamilya.
Pangalawa, ay ang pangalawa nyang kuya. Isang araw, naglaro sila ng tagu-taguan nakasama nya ito sa
isang cabinet kung saan sila nagtatago. Hindi man sya pinagsamantalahan, minolestiya pa rin siya. Dali-
dali syang umalis kahit siya pa ang maging taya.
At ang huli, ang sinundan nyang kapatid. Ito ay nagnanasa pa lamang sa kanya. Hinihipuan sya habang
natutulog. Hanggang sa nagpaubaya na siya rito, para matapos na ang kahibangan nito. Ano pa baa ng
mawawala sa kanya? Nagparaya na lang sya para masakatuparan ang makamundong pagnanasa nito.
Dahil sa kapatid nya ang mga ito, nanatili syang tahimik. Ayaw nya ng iskandalo o anumang kahihiyan na
maaaring idulot sa napakagandang imahe ng kanilang pangalan.
Umiiyak sya sa isang sulok. Hindi nya malilimutan ang lahat. Masamang bangungot pero totoong
nangyari. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang sa kanyang mga sinapit. Mahal nya ang
kanyang kapatid, ayaw niya itong makulong. Kaya sinolo nya ang mga sakit at itinago nang mahabang
panahon. Ginawa nyang maging normal para sa kanilang lahat na para bang walang nangyari.
2. Naisip nya na minsan parang mas nakakasama pa ang maging maganda, ang magpakabait ka,
magpakasikap ka, dahil mas napapahamak ka sa mga bagay na ayaw mong mangyari sa’yo. Hindi mo
naman hiniling sa Diyos na maganda ka, pero dahil sa ganda, maraming nare-rape, dahil sa kabaitan,
maraming naloloko o pinapatay, dahil mayaman ka nung nagsumikap ka, nanakawan ka at minsan mas
malala pa. Dahil ito ang reyalidad ng buhay, kailangan na lang nating magpatuloy. Ganyan talaga ang
buhay, labanan natin ito.
Lumaban sya para mabuhay. Iniwan nya ang sakit at alaala. Pinalaya na nya kung ano mang galit o poot
na namamayani sa kanyang puso. Ipinaubaya na nya sa Diyos ang ganti ng paghuhukom.