3. PANGUNAHING KATANGIANG PISIKAL NG
MUNDO
GLOBO
Kumakatawan sa pisikal na mundo.
Ipinapakita nito kung ano ang hitsura ng
mundo mula sa kalawakan.
MAPA
Sapad kumpara sa globo na bilog.
Ngunit pareho silang nagpapakita ng mga
lupa at lawas ng tubig.
Marami ang uri ng mapa:
Mapa ng isang lugar : Lungsod, Probinsiya o
Bansa
Mapa ng Mundo, nagpapakita ng lahat ng
katangiang heograpiko ng mundo.
6. KONTINENTE
Ang lupalop, na nakikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng
anyong lupa.
Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay
nasusukat at NAITATANGI DAHIL SA KANILANG KULTURA,TRADISYON,AT
TERITORYO.
7. Pinakamalaking kontinente. 3, 879, 000, 333
populasyon.
Bumubuo sa 33 porsyento ng kabuuang lupa sa
mundo.
Binubuo ng 47 bansa angAsya kabilang na ang mga
pulo at arkipelago.
May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado (mi2).
Tinaguriang isa sa Pinagsibulan Ng Mga Dakilang
Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan
at paniniwala ng mga tao sa daigdig.Ilan sa mga
kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang
KabihasnangTsina, India, Mesopotamia, Persia at
kabihasnangArmaiko na may dalawang sangay -
ang Israel at Arabo.
8. Pangalawang
pinakamalaking kontinente sa daigdig
at pangalawa sa pinakamataong
populasyon pagkatapos ngAsya.
May sukat na mga
30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama
ang mga karatig na mga pulo.
Dating itinuturing ng mga Europeo na
“Madilim Na Kontinente” angAfrica
dahil wala silang alam hinggil dito noong
mga unang panahon.
Mayroong 55 na kinikilalang mga estado
o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at
dalawang de facto o mga estadong may
limitado o walang rekognisyon sa
kontinenteng ito.
9. Ang Aprika, partikular na ang sentral ng Silangang
Aprika, ay kinikilala bilang lugar na Pinagmulan Ng
MgaTao At Ng HominidaeClade (malalaking
bakulaw), kung saan ay natagpuan ang mga
pinakaunang hominids at kanilang mga ninuno at
mga sumunod na henerasyon na naitalang namuhay
pitong milyong taon na ang nakararaan kabilang
ang Sahelanthropus tchadensis, Australopithecus
africanus, A. afarensis, Homo erectus, H.
habilis at H. ergaster - kasama ang
pinakaunang Homo sapiens o modernong tao na
natagpuan sa Ethiopia na tinatayang namuhay mga
200,000 taon na ang nakararaan.
10. Ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimugang
Dulo ng Daigdig.
Ito ang pinakamalamig na lugar sa daigdig at halos
natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Kilalang “Frozen
Continent.”
Sa lawak na 13,200,000 km², Panglimang
Pinakamalaking Kontinente.
Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga
alamat at hinala tungkol sa isangTerra
Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang
unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente
at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang
Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev At Fabian
GottliebVon Bellingshausen.
11. Ang Ika-pito Na Pinakamalaking Bansa Sa Mundo,
ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa
isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon
ng Australasia/Oceania.
Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan
bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal
Ang lawak nito ay 7, 686, 850 km2 (6th) / 2,967, 909 sq.
mi.
Mula sa Latin na “TIERRA AUSTRALIS INCOGNITO”, na
nangangahulugang “HINDI KILALANG LUPAIN SA
TIMOG” para sa mga sinaunang Europeong
manlalakbay.
Karaniwang tinutukoy itong “LAND DOWN UNDER”
(lupain sa may ilalim) at may tatlong (3) bansa.
12. Pang-anim na pinakamalaking kontinente sa mundo
May sukat na 9, 938,000 sq. kms.
Bagamat isa sa pinakamaliit, matatagpuan sa Europa
ang mga bansang pinakaindustriyalisado at mayaman.
May 50 bansa sa Europa at humigit-kumulang sa 739,
165, 030 milyon lamang ang mga tao.
13. Higit na malaki sa dalawang kontinente ng Amerika.
Sukat na 24, 256, 000 sq. kms.
Itinuturing ng mga nandayuhang mula sa Europa ang
HilagangAmerika na “Bagong Mundo” noong mga
unang panahon.
Ang Amerika ay ipinangalan kay AmerigoVespucci,
isang Europeong eksplorador.
Binubuo ng 23 nagsasariling bansa ang Hilagang
Amerika. Ang United States of America o Estados
Unidos, marahil ang pinakamakapangyarihang bansa sa
mundo, ay matatagpuan sa kontinenteng ito.
14. Karaniwang tinatawag na “Latin America”.
Sukat na 17, 819, 000 sq. kms.
May populasyon na 387, 489, 196
Karamihan sa mga bansang matatagpuan sa
kontinenteng ito ay nagsasalita ng Espanyol
na direktang nagmula sa Latin.
Mayroong itong 12 nagsasariling mga bansa
Pang-apat na pinakamalaking kontinente.
Matatagpuan ang pinakamalawak na
ekosistem ng kagubatan sa buong mundo,
ang Amazon.
15. KARAGATAN
pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig
o hidrospera.
Ang mga karagatan ay malalaking lawas ng tubig-alat na tumatakip sa malaking
bahagi ng mundo.
Ang mga karagatan at iba pang lawas ng tubig, gaya ng mga dagat, ilog, at lawa ang
bumubuo sa 75% ng ibabaw ng mundo. Ang sangkapat o 25 % nito ay binubuo ng
lupa.
16.
17. • Mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig
sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando
Magallanes eksplorador na Portugues sa korona
ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa
daigdig.
• Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo
sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko.Ang
Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft)
mababa sa pantay laot (sea level).
• Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng 25,000
mga pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong
pinagsamang mga karagatan sa mundo).
18. • pangalawang-pinakamalaking karagatan , sinsakop
ang tinatayang 20 bahagdan ng ibabaw ng daigdig.
• Kinuha ang pangalan ng karagatan mula
sa mitilohiyangGriyego, nangangahulugang
"Dagat ng Atlas".
• Napapaloob sa Ang mga Kasaysayan
ng Herodotus noong 450 BC (I 202) ang
pinakalumang pagbanggit sa pangalan.
19. • Ang pangatlong pinakamalaki sa mga pagkakahati
ng karagatan sa mundo, na sinasakop ang mga 20%
ng tubig sa ibabaw ng Daigdig.
• Napapaligiran ito ng Asya (kabilang ang
subkontinenteng Indiyano, na kung saan pinangalan
ito); Aprika sa kanluran; Indotsina, ang mga Pulo ng
Sunda, atAwstralya sa silangan; at ang Silangang
Karagatan sa timog.
• Halos 10,000 kilometro (6,200 milya) ang lawak ng
karagatang ito sa mga katimugang dulo ng Aprika
at Awstralya
20. • Kilala din bilang Dakilang Katimugang
Karagatan,
• Itinalaga ng Internasyunal na Samahang
Hidrograpiko (International Hydrographic
Organization) ang Katimugang
Karagatan bilang ang paghahati ng
mga karagatan na pumapalibot
sa Antartika.
21. • Matatagpuan ang karamihan ng karagatan
sa rehiyon ng Hilagang Polo, ay ang
pinakamaliit at ang pinakamababaw sa mga
limang karagatan ng mundo.
• Natatakpan ng dagat yelo ang karamihan sa
karagatan, sa panahon ng malalamig na
mga buwan o sa buong taon.
22.
23. Noong unang panahon, ang mga eksplorador ay naglalakbay sa pamamagitan ng mga
barkong kahoy na tinatawag na galyon upang makapunta sa iba’t ibang kontinente. Ang
paglalakbay ay karaniwang umaabot ng maraming buwan dahil napakalawak ng mga
karagatan.
24. DAGAT
Ang mga dagat ay lawas ng tubig na higit na maliit kaysa karagatan.
Bagamat ang mga dagat ay nakadugtong sa mga karagatan at maaaring ituring na
mga bahagi ng karagatan, may mga pangalan ang mga ito upang tukuyin ang
kanilang mga kinaroroonan o lokasyon.
25. • Isang dagat ng KaragatangAtlantiko na halos
natatakpan ng mga anyong-lupa.
• Ang tanging koneksiyon nito sa Atlantiko ay
ang Kipot ng Gibraltar na 14 km² (9 mi) lamang
ang lawak.
• Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa
pakikipagkalakalan at paglalakbay noong mga
sinaunang panahon.Ang mga kulturang
nakinabang sa dagat ay
ang Mesopotamiya, Ehipto, Semetiko, Persa(Pers
ian), Penisyano, Kartago,Griyego, Lebantino at
mga Romano.
26. • Isang tropikal na bahagi ng tubig na kalapit
ng KaragatangAtlantiko at timog-silangan
ng Golpo ng Mehiko.
• Isa sa mga pinakamalaking tubig alat na mga
dagat at mayroong laki na mga 2,754,000 km²
(1,063,000 milya kuadrado).
• Sa CaymanTrench ang pinakamalalim na dulo, sa
pagitan ng Cuba at Jamaica, sa 7,686 m (25,220
talampakan) sa ilalim ng patag na dagat.
27. • Ay isang marhinal na dagat na bahagi
ng Karagatang Pasipiko.
• May lawak ito na mahigit-kumulang 3.5 milyong
kilometrong kuwadrado (1.35 milyong milyang
kuwadrado), na umaabot mula sa
mga kipot ng Malaka at Singgapur sa timog
hanggang sa Kipot ngTaiwan sa hilaga.
• Noong 10 Hunyo 2011, ipinahayag
ng pamahalaan ng Pilipinas na ipinangalan ang
Dagat Luzon bilang "Dagat Kanlurang Pilipinas"
(Ingles: West Philippine Sea) upang maipalakas
ang pag-angkin nito sa Kapuluan ng Kalayaan.
28. • Ang pinakamalaking lawa sa daigdig kung
susukatin ang lapad nito.Ang lapad ay
394,299 km², ito ay higit na malaki kahit pa
pagsama-samahin ang sumunod na anim pang
mga lawa.
29. LAWA
Ang lawa ay malaking lawas ng tubig na napaliligiran ng lupa.
Karamihan sa mga lawa ay nagtataglay ng tubig-tabang.
30. • Victoria Nyanza (tinatawag
ding Ukerewe at Nalubaale) ay isa sa
mga Dakilang mga Lawa ng Aprika.
• Ang Lawa ngVictoria ay may 68,800 kuwadrado
kilometro (26,600 milya kuwadrado) sa laki, ito
ang pinakamalaki sa buong Aprika, ang
pinakamalaking lawang tropikal sa buong
mundo.
• Ito ay ang pinagmumulang ng pinakamahabang
sanga ng Ilog Nilo, ang Puting Nilo, at
may drainage system ng 184,000 square
kilometeres (71,040 sq mi). Ito ay isang
bayolihikal na hotspot na may napakaraming
mga organismo.
31. • “Mga dakilang lawa", o Laurentian Great Lakes;
Kastila: Grandes Lagos) ay mga kadena ng
mga lawang tubig-tabang na matatagpuan sa
silangangTimog Amerika, sa hangganan
ng Canada at Estados Unidos.
• Binubuo ito ng mga
Lawang Superior, Michigan, Huron, Erie,
at Ontario, ito ang pinakamalaking pangkat ng
mga tubig-tabang na lawa sa Daigdig.
32. ILOG
Isang malaking likas na daanang tubig.
Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na
mga batis, kilala bilang agos.
33. • Isang pangunahing ilog sa kontinentengAprika.
• Tinatayang ito ang
pinakamahabang ilog sa Daigdig na umaabot sa
anim na libo anim na raan at siyamnapu't limang
(6,650) kilometro.
• Nagmula ang salitang "Nilo" ('nIl) mula sa
salitang Neilos (Νειλος), isang
salitangGriyego na nangangahulugang lambak
ng ilog.
• Mayroong dalawang sangay ang ilog na
tinatawag nating Puting Nilo at Asul na Nilo.
34. • Ang pinakamalaking ilog sa mundo sa
bolyum, na may kabuuang pag-agos ng ilog
na mas higit sa pinagasamang susunod na
walong pinakamalalaking mga ilog.
• Dahil sa kanyang napakalawak na
dimensiyon, tinatawag ito minsan na Ang
Ilog na Dagat.
35. • Ang ilog Murray Darling ang pangunahing
ilog sa Australia.
36. • Ang pangalawang pinakamahabang ilog ng
Europa, sumunod saVolga. Ito ay kinikilala
bilang isang internasyonal na daang-tubig.
• Nagsisimula ang ilog na ito sa Alemanya at
dumadaloy ng humigit-kumulang sa 2,850
kilometro, dumadaan sa apat na kabiserang
lungsod bago umuugnay sa Dagat na
Itim sa pamamagitan ng Danube Delta na
matatagpuan sa Rumanya at Ukranya.
37. BULUBUNDUKIN
Uri ng anyong lupa na nakahanay.
Ito ay isang heograpikong lugar na binubuo ng maraming bundok na magkakaugnay
sa heograpiya.
38. • Binubuo ng pinakamahabang nakasiwalat
na bulubundukin sa mundo.
• Matatagpuan ito sa tuloy-tuloy na kadenang
mataas na lupa sa kanlurang pampang
ngTimogAmerika.
• Nasa sukat na higit sa 7,000 km (4,400 milya)
ang haba, 200–700 km (300 milya) ang lapad
(pinamalapad sa pagitan ng 18° hanggang
20°Timog latitud), at may karaniwang taas na
mga 4,000 metro (13,000 piye).
39. • Kadalasang tinatawag na Rockies (literal na
salin: Kabundukang Mabato) ay isang
pangunahing kabundukan na bumabagtas
sa kanluran ng HilagangAmerika.
• Umaabot ang kabundukan ng higit sa
4,800 kilometro mula sa pinakahilagang
bahagi ng British
Columbia sa Canada hanggang sa New
Mexico, sa Estados Unidos.
• Ang Bundok Elbert sa Colorado ang
pinakamataas na bundok na matatagpuan
dito at ito ay may taas na 14,440
talampakan (4,401 metro) sa ibabaw ng
antas ng dagat.
40. • Ang mga ito ay bundok sa Australia. Makikita
ang mga ito sa silangang baybayin ng
kontinente.
41. • Ang Himalaya (Sanskrit: हिमालय, pagbigkas
s IPA: [hɪ'mɑlijə]), nangangahulugang
"tahanan ng niyebe"
• Isang bulubundukin sa Asya, na hinihiwalay
ang subkontinenteng Indiyano mula
saTalampas ngTibet.
• Ang tanikala ng mga bundok na ito ang
tahanan ng pinakamataas ng bundok sa
buong mundo, ang Bundok Everest.
42. • Kilala rin bilang Mga Ural, ay
isang bulubundukin o pangkat ng
mga bundok na tumatakbo o nakahanay
humigit-kumulang sa hilaga-timog sa
pamamagitan ng kanlurang Rusya.
• Karaniwan silang itinuturing bilang likas
na hangganan sa pagitan
ng Europa at Asya.
• Kilala rin sila bilang ang Malaking
Sinturong Bato o Dakilang Sinturong
Bato sa kasaysayan ng Rusya at
kuwentong-bayan.
43. • Mga bundok sa Maghreb.
• Ito ay may habang 2,500 km
(1,600 mi)
hanggang Algeria, Morocco atTunisia.
• Ang pinakamataas nitong bahagi ay
ang JebelToubkal, na may taas na
4,167 metres (13,671 ft) sa timog
kanlurang Morocco.
• Pinaghihiwalay nito ang
Mediterranean at pampang ng
Atlantic mula sa Sahara Desert.
44.
45.
46. 1. Ano ang pinakamalaking karagatan sa mundo?
________________________________________________________
2.Tukuyin ang bulubundukin kung saan matatagpuan ang Bundok
Everest.
________________________________________________________
3.Tukuyin ang pangunahing ilog saTimog Amerika.
________________________________________________________
4. Ano ang bulubundukin na makikita sa Australia?
________________________________________________________
5.Tukuyin ang pinakamalaking lawa sa Africa at ang pangalawag
pinakamalaking tubig-tabang na lawa.
________________________________________________________
49. Ang 'longhitud (Ingles: longitude), sinisimbolo
ng Griyegong titik na lambda (λ), ay
ang heograpikong koordinado na karaniwang
ginagamit sa kartograpiya at pandaigdigang
paglalayag para sa silangan-kanlurang pagsukat.
50. Ang punong meridyano (sa Ingles: prime
meridian) ay ang pinakagitnang guhit na
humahati sa silangan at kanluran ng
globo.
Ito ang guhit sa mukha o ibabaw ng
globo na nagmumula sa Hilagang
Polo papunta saTimog Polo, na
dumaraan sa Greenwich, Inglatera. Ito
ang batayan kung alin ang silangan at
kanluran magmula sa sinasabing guhit.
51. Ang Pandaigdigang Guhit ng
Petsa (Ingles: International Date Line, IDL) ay
isang imahinasyong guhit na nagtatakda ng
hangganan ng pagkakahati ng oras sa bawat
panig ng daigdig.
Bumabagtas ito mula sa hilagang polo
patungong timog.
Natural na hindi tuwid ang linya ng IDL
sapagkat iniiwasan nito ang bawat isla o
masa ng lupa na nagkalat sa karagatang
pasipiko upang matanya ang tamang oras!
52. Ang latitud (Ingles:) ay ang isang distansyang angular
na natutukoy sa pamamagitan ng dalawang parallel
patungo sa hilaga o timog ng ekwador.
53. Ang ekwador (Ingles: equator,
bigkas: /ek-wey-tor/) ay isang
kathang-isip na bilog na ginuguhit
sa palibot ng isang planeta (o
ibang astronomikal na bagay) sa
layong kalahati sa pagitan ng
mga dulo ng mundo (pole sa
Ingles).
Hinahati ng ekwador ang planeta
sa Hilagang
Hemispero at Katimugang
Hemispero. Ang latitud ng ekwador
ay, sa kahulugan, 0°.
54. Ang axis of rotation ng Daigdig ay
nakatagilid nang 23.4° palayo mula
sa perpendicular ng orbital plane
nitó, na lumilika naman ng mga
baryasyon sa panahon sa ibabaw ng
plante sa loob ng isang tropical year
(365.24 araw na solar).
55. Matatagpuan sa pagitan
ng 116° 40' at 126° 34'
S. longhitud, at 4° 40' at
21° 10' H. latitud ang
Pilipinas. Pinapalibutan
ito ng Dagat Pilipinas sa
silangan, ng Dagat
Luzon sa kanluran, at
ng Dagat ng Celebes sa
timog.
56.
57. 1.Tukuyin ang mga kontinente na matatagpuan sa Hilagang hemisphere.
_________________________________________________________
2. Ano-anong kontinente ang matatagpuan saTimog na Hemisphere?
_________________________________________________________
3. Ano-anong kontinente ang matatagpuan sa Hilaga atTimog na Hemispheres?
_________________________________________________________
4. Saang bansa matatagpuan ang prime meridian?
_________________________________________________________
6. Saang karagatan matatagpuan ang Hilagang Polo?
_________________________________________________________
7. Saang kontinente matatagpuan angTimog Polo?
_________________________________________________________
8. Saang imaginary na linya umiikot ang mundo?
_________________________________________________________
Ano-anong mga punto sa mundo ang bumubuo sa linya ng rotasyon o paginog?
_________________________________________________________
10. Saang hemisphere matatagpuan ang Pilipinas batay sa ekwador, sa Hilagang
Hemisphere o saTimog na Hemisphere?
58. 11. Saan higit na malapit ang Pilipinas: sa prime meridian o sa international date line?
_________________________________________________________
12. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas: sa Silangang Hemisphere o sa
Kanlurang Hemisphere?
_________________________________________________________
13. Gamitin ang mapa sa nakaraang pahina upang alamin ang tinatayang latitud at
longhitud ng mga sumusunod na bansa:
a. Canada __________ latitud, _________ longhitud
b. China __________ latitud, _________ longhitud
c. Greenland __________ latitud, _________ longhitud
d.TimogAfrica __________ latitud, _________ longhitud
e. Algeria __________ latitud, _________ longhitud
14. Gamit ang mapa sa nakaraang pahina, tukuyin ang mga pook na matatagpuan sa
sumusunod na coordinates:
a. 11° hilagang latitud, 122° silangang longhitud __________________
b. 53° hilagang latitud, 163° silangang longhitud __________________
c. 150° hilagang latitud, 100° silangang longhitud _________________
59. Kilala sa opisyal na katawagan na Republika ng Pilipinas, ay isang
kapuluang bansa saTimog-SilangangAsya na matatagpuan sa kanlurang
bahagi ng Karagatang Pasipiko.
Ito ay binubuo ng 7,641 pulo na hinahati sa tatlong kumpol ng mga pulo
na: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao.
Ang kabisera nito ay ang Maynila
Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzon sa
kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog.
60. Malaking ambag o pagbabago
sa wika at kinaugalian ng
Pilipinas ang naidulot ng
pagsakop ng mga
bansang Espanya (mula 1565
hanggang 1898) at Estados
Unidos (mula 1898 hanggang
1946). Ang pananampalatayang
Katoliko o Katolisismo ang
pinakamalaking ambag na
naibahagi ng mga Kastila sa
kaugaliang Pilipino.
Tinatawag na “Perlas ng Silanganan”
(Pearl of the Orient Seas) ang Pilipinas