3. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
mga sitwasyon. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.
4. 1. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng
___________.
a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
5. 2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay
pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang
magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang
makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang
marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at
may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.
6. 3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang
gawi o ritwal sa pamilya?
a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
7. 4. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa
mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay
na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay
nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang
kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
8. 5. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa
pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano
maging magalang at masunurin.
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at
nakauunawa sa kaniya.
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga
magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga
magulang at nakatatanda.
9. 6. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula
nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang bata ay
__________:
a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga
magulang.
b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa
kaniyang buhay.
c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning
itinatakda.
d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang
magulang.
10. 7. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang
kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang
naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni
Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang
walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan
na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang
kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
a. Katarungan c. Pagpapasakop
b. Kasipagan d. Pagsunod
11. 8. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang
kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang
kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda.
Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang
mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na
nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila.
Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa
pamamagitan ng ________:
12. a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at
pamamasyal isang beses isang linggo.
b. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o
gamit ang cellphone / email kung nasa malayong
lugar.
c. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa
tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
d. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at
malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
13. 9. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga
sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay
hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod
silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan
ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng
pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga
marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag
pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi
nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang
nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong
sitwasyon?
14. a. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa
bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas
ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling,
kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga
marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga natuklasang
dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni
Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
15. 10. Maraming balita tungkol sa mga taong
may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga
gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan.
Maraming kabataang tulad mo ang
nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod.
Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa
kanila?
16. a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang
dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong
kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa
ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa
iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa
ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag
sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay
siyang lumalabag dito.
19. Sapat na ba ang pagtugon ng “PO at
OPO” upang maipakita mo ang
paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad?
20. Ano ang iyong gagawin kung ang
kanilang ipinag-uutos ay labag sa iyong
kalooban?
21. Panuto: Sagutin nang TAPAT ang bawat pahayag upang
masukat ang kakayahan mong maging magalang at
masunurin sa iyong mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan kung
ang mga pahayag ay ginagawa mo Palagi, Madalas,
Paminsan-minsan o Hindi Kailanman. Kopyahin sa
kuwaderno ang talaan at lagyan ng TSEK ( ) ang iyong
sagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng iyong
kakayahan.
26. MGA PAHAYAG PALAGI
(3)
MADALA
S (2)
PAMINSAN-
MINSAN (1)
HINDI
KAILANMAN
(())
5.Naniniwalaakong mahalaga
ang pagpapanatili ng
pagkakaunawaan, bukas na
komunikasyon, at pagkilala sa
halaga ng pamilya at ng lipunang
kinabibilangan.
27. MGA PAHAYAG PALAGI
(3)
MADALAS
(2)
PAMINSAN-
MINSAN (1)
HINDI
KAILANMAN
(())
6. Sinusuri kong mabuti ang
kanilang kalagayan o sitwasyon
upang makapagbigay ako ng
angkop na tulong bilang
pagtugon sa kanilang
pangangailangan.
33. INTERPRETASYON
26-30
Wala nang hahanapin pa. Maaari kang
makatulong upang maging gabay at
mapagsanggunian ng iba sa kanilang
paglinang ng kasanayan. Ang iyongn
kakayahang maging magalang at
masuniurin ay kahanga-hanga at dapat
tularan!
34. INTERPRETASYON
16-25
Kinakikitaan ka ng pagsusumikap na
mapanatili ang mga birtud ng pagiging
magalang at masunurin. Maaaring
ibahagi ang kasanayan. Ipagpatuloy
ang pagbabahagi ng sarili sa kapwa!
Ipagpatuloy.
35. INTERPRETASYON
6-15
Mas malilinang ang kakayahang maging
magalang at masunurin kung magiging
bukas ang puso sa pagbibigay ng halaga
at pagmamahal sa kapwa. Sumangguni
sa taong maaaring makatulong sa iyo.
36. Panuto: Pumili ng lider at taga-ulat.
Punan ang talaan ng dalawang
paraan ng pagpapakita o
pagpapahayag ng paggalang sa
mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad.
40. Gawain
Panuto:
1. Gamit ang talaan, isulat ang tatlong bagay na ipinag-uutos ng iyong
magulang, nakatatanda, at may awtoridad.
2. Batay sa mga utos na iyong isinulat, ano sa palagay mo ang
maaaring maging resulta o bunga ng pagsunod sa mga ito? Punan
ang sumusunod na talaan.
3. At kung di susundin ang mga utos na ito, ano sa palagay mo ang
maaaring maging resulta o bunga nito? Punan ang sumusunod na
talaan.
44. Ano ang iyong naramdaman kung
nasusunod mo ang ipinag-uutos sa iyo?
45. Kung hindi mo nasusunod ang mga
ipinag-uutos sa iyo? Ipaliwanag.
46. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga
magulang, nakatatanda at may
awtoridad?
47. Gawaing-bahay
Panuto: Panoorin sa www.youtube.com ang
pelikulang “Anak” ng Star Cinema 2000 at sagutan sa
buong papel ang mga sumusunod na tanong:
Anu-ano ang paglabag sa paggalang at pagsunod
ang ipinakita sa pelikula? Bakit kaya nangyari ang
mga bagay na ito? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, tama ba ang ipinakitang
pagererebelde ni Carla? Pangatwiranan.
48. Gawaing-bahay
Ano ang naging resulta ng mga paglabag na ginawa
ni Carla sa mga tagubilin ng kaniyang ina?
Ipaliwanag.
Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Carla kung ikawa
ang nasa sitwasyon niya? Ipaliwanag.
64. PAGPAPALALIM:
Sa mga nagdaang modyul, naunawaan
mo na napagtitibay sa pamilya ang kakayahang
magmahal sa kapwa.
Naunawaan mo rin na ang makabuluhang
pakikipagkapwa ay napagtitibay sa
pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan
ng iba nang may pagmamahal.
65. Kung naisasabuhay lamang ang mga
mahahalagang kaalamang ito, isang
payapang lipunan sana ang ating
ginagalawan. Subalit bakit nagkakaroon ng
suliranin?
66. Maraming pagkakataon na ang
pakikipagkapwa’y nagiging salat sa
paggalang na nagiging sanhi ng
pag-aaway, hindi pagkakaintindihan,
pananakit, paglabag sa batas, at iba pang
mga gawaing hindi kumikilala sa
dignidad ng kapwa.
67. Dahil dito, tunay ngang isang malaking hamon
para sa kabataang tulad mo ang pagpapanatili
at pagpapatibay ng mga birtud ng paggalang
at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad.
Bakit kailangang gumalang?
Sino ang igagalang? At paano ito maipakikita?
69. Pagkatang Gawain
Pumili ng lider at tagapag-ulat
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na
kaalaman at pag-unawa sa mga konsepto ng
paggalang at pagsunod, pag-isipan at sagutin ang
sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga
magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
70. Pagkatang Gawain
2. Sa paanong paraan mahuhubog at
mapauunlad ng mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad ang mga pagpapahalaga ng
paggalang at pagsunod?
3. Bakit nagsisimula sa pamilya ang pagkilala at
pagtuturo ng mga birtud ng paggalang at
pagsunod?
71. 4. Gaano kahalaga ang paggabay at
pagtuturo sa mga bata ng mga
kagandahangasal, sa mga unang taon ng
kanilang buhay, lalo na’t pagtuturo ng
paggalang at pagsunod ang isasaalang-
alang? Ipaliwanag.
72. 5. Ano ang marapat mong
gawin kung ang ipinag-uutos
sa iyo ng iyong magulang,
nakatatanda ay may
73. 6. Paano mo maipakikita ang marapat
na paggalang at pagsunod mo sa iyong
mga magulang, nakatatanda, at may
awtoridad? may awtoridad ay
nagdudulot sa iyo ng alinlangan?
Ipaliwanag.
74. Paghinuha ng Batayang Konsepto
Pagkatapos ng aralin, anong mahalagang konsepto ang iyong naunawaan?
Punan ang graphic organizer. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
75. Pagkatapos mong maunawaan ang Batayang
Konsepto ng aralin, mahalaga na maiugnay mo ito sa
pag-unlad mo bilang tao. Sagutin mo ang
sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
Batayang Konsepto:
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
76. Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko
Bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa
aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat
ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
77. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.
Gaano kahalaga ang paggabay at pagtuturo
sa mga bata ng mga kagandahang-asal sa
mga unang taon ng kanilang buhay, lalo
na’t pagtuturo ng paggalang at pagsunod
ang isasaalang-alang? Ipaliwanag.
78. Paglalahat ng Aralin
Ano ang nararapat mong gawin kung
ang ipinag-uutos sa iyo ng iyong
magulang, nakatatanda at may
awtoridad ay nagdudulot sa iyo ng
alinlangan?
80. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin
Mangangalap ng mga kawikaan at mga
tanyag na aral ng Islam, Hinduismo,
Buddhismo, Confucius at ni
Hesukristo at ng kaniyang mga apostol
tungkol sa paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.
96. Pangkatang Gawain:
Pagganap
Mapagtitibay ang pagpapahalaga sa mga birtud ng paggalang at pagsunod sa
pamamagitan ng pagkalap ng mga kawikaan at mga tanyag na aral ng
Islam
Hinduismo
Buddhismo
mga aral ni K’ung Fu Tze (Confucius)
Hesukristo at ng kaniyang mga Apostol,
(tungkol sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.)
97. Pangkat:
(Pipili ng lider at kalihim. Magbibigay ang lider ng mga
tungkulin sa ibang mga kasapi.)
a. Unang pangkat – Islam
b. Ikalawang pangkat – Hinduismo
c. Ikatlong pangkat – Buddhismo
d. Ikaapat na pangkat – Mga aral ni K’ung Fu Tze
e. Ikalimang pangkat – Mga aral ni Hesukristo at ng
kaniyang mga Apostol
98. 2. Magsaliksik ng limang tanyag na kawikaan
tungkol sa paggalang at pagsunod sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad. Itala
ang mga nasaliksik sa talaan.
99. 3. Sa pagbabahagi, inaasahan na nauunawaan mo
ang mga aral sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga halimbawa. Maging malikhain sa pagbabahagi:
maaaring sa pamamagitan ng pagsasadula o
maikling symposium, maaari ding gumamit ng
Powerpoint o Prezi presentation, o magpamigay ng
brochure o flyers.
100. Pinagkunan ng aral /
turo
Mga Aral / Turo Mga Halimbawa
Halimbawa: “Iilan lamang sa
mga masunuring anak at
magalang na kapatid ang
magpapamalas ng kawalang-
pitagan sa mga nakatataas, at
kailanman wala pang taong di
lapastangan ang lumikha ng
gulo…. Nasa paggalang sa mga
magulang at pagpipitagan ng
mga kapatid ang ugat ng
pagmamahalan.” (1:2).
Ang kabataang magalang sa
magulang at sa kapatid ay di
nagiging lapastangan sa mga
taong may awtoridad at di
pinagmumulan ng gulo.
1
2
3
Mula sa Mga Tinipong Wikain ni
K’ung Fu Tze
4
5
The Analects of
Confucius
101. 4. Ang sumusunod na bahagi ay kailangang makita sa
iyong presentasyon:
a. Maikling panimula upang bigyan ng ideya ang mga
manonood ukol sa nilalaman ng inyong presentasyon
(maaaring kasaysayan o maikling talambuhay ng tagaturo)
b. Limang aral tungkol sa paggalang at pagsunod, paliwanag at
mga halimbawa
c. Kaayusan sa paghahanda at aktuwal na pagbabahagi
d. Kooperasyon ng pangkat
e. Paglalahat mula sa mga nasaliksik na aral at katuruan
102. 1. Sa bahaging ito, mahalaga na magkaroon
ng tahimik na kapaligiran upang mas
maging makabuluhan at maunawaan ang
mensahe ng sulat mula sa nanay at tatay.
2. Mas makabubuti rin habang binabasa ang
sulat ay may kaakibat na saliw ng isang
instrumental music.
103. 3. Upang mas maging madamdamin ang
pagninilay ng mga mag-aaral maaaring
gamitin ng guro ang url ng youtube mula sa
http://www.youtube.com/watch?v=hc-
WrzQMjHA. na nabanggit din sa modyul sa
pahina 31 kung may pagkakataon.
104. 4. Pagkatapos basahin ang sulat,
gabay ang mga tanong sa pahina 32 ng
modyul, pasagutan sa mga mag-aaral
sa kanilang jornal notebook ang mga
katanungan
105. 5. Mahalaga rin na maipagawa sa mga
mag-aaral ang kanilang tugon sa liham ng
nanay at tatay sa pamamagitan ng
paggawa nila ng sulat sa kanilang
magulang, lolo at lola o iba pang
malalapit na kamag-anak,
107. 1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang sulat?
Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang iyong mga reyalisasyon?
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may
katarungan at pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong
mga magulang, nakatatanda at may awtoridad?
4. Bilang pagtugon sa sulat, gumawa ng liham para sa iyong mga
magulang, o lolo at lola o ibang malapit na kamag-anak, na
naglalahad ng iyong gagawing pagsusumikap na maisabuhay ang
mga birtud ng paggalang at pagsunod
108. Panuto:
1. Balikan ang ikalawang bahagi ng Paunang Pagtataya.
Tunghayan ang iyong mga sagot, lalo na ang mga pahayag
na paminsan-minsan lang ginagawa.
2. Sa journal, isulat sa tsart ang pahayag na bibigyan ng
pansin upang imonitor mo ito sa loob ng dalawang linggo.
3. Subaybayan o imonitor ang iyong pagsusumikap na
maisabuhay ang mga paraan gamit ang tseklis.
109. Panuto:
4. Maging TAPAT sa pagmomonitor. Ipakita sa guro ang
tseklis pagkatapos ng dalawang linggo.
5. Pagkatapos ng dalawang linggo, bibilangin mo ang lahat
ng tsek at isulat ito sa kolum ng “Kabuuan.” Kunin ang
porsyento ng iyong pagtupad sa bawat kilos na nagawa mo.
Gamiting gabay ang nasa unang bilang sa talahanayan sa
ibaba.
111. Sa paanong paraan mahuhubog at
mapapaunlad mo ang paggalang at
pagsunod sa iyong mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad?
112. Ano ang iyong gagawin upang
maisabuhay mo nang may katarungan
at pagmamahal ang paggalang at
pagsunod sa iyong mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad?
113. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin
Gumawa ng “PAGGALANG AT
PAGSUNOD LOGBOOK” mula sa
tinipong recycled na papel. Isusulat sa
logbook ang mga kilos na iyong naga na
nagpapakita ng paggalang at pagsunod