EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
Summative Test 4
1. Pangalan: _________________________________________________________ Score: ____________________
4th
Summative Test A.P 4
I. Timbang-timbangin ang mga layunin ng mga pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong
Espanyol at mabuo bilang isang bansa. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Bakit itinatag ang Kilusang Propaganda?
a. Upang makuha ang kalayaan ng bansa sa Espanya?
b. Upang humingi ng mga pagbabago sa pamahalaan ng Espanya
c. Upang magkaroon ng malayang kalakalan ang mga Pilipino at mga Espanyol
d. Upang magtatag ng mga hukumang lilitis sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol
2. Bakit gumamit ng alyas ang mga repormista?
a. Upang hindi mailathala ang kanilang mga isinulat
b. Upang makaiwas sa pagpaparusa ng mga Espanyol
c. Upang higit na makilala sa larangan ng panitikan
d. Upang maipahatid ang hinihinging reporma
3. Bakit inilathala ng mga repormista ang La Solidaridad?
a. Upang ipaabot sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago
b. Upang ipaabot sa Espanya ang masamang pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas
c. Upang maipaabot sa ibang bansa ang masamang pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas
d. Upang makalikom ng pera para sa kilusang propaganda
4. Bakit nagtungo sa Espanya ang mga repormista?
a. Upang humingi ng mga pagbabago sa mga Espanyol
b. Upang makapag-aralsa mga unibersidad doon
c. Upang manghingi ng tulong sa mga Espanyol
d. Upang makaiwas sa kahirapan sa Pilipinas
5. Bakit nabigo ang Kilusang Propaganda?
a. Nawalan ng perang panustos ang mga kasapi
b. Natakot sa pag-uusig ng mga Espanyol ang mga pinuno
c. Hinuli at binitay si Jose Rizal
d. Nabuwag ang kilusan dahil sa pagkakatatag ng La Liga Filipina
II. Kilalanin ang mga taong inilalarawan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa at nakasaksi at nakaranas ng kakaibang pamumuhay doon. _______________
2. Naging Gobernador-Heneral na nakilala dahil sa pagkakaroon ng liberalismong pag-iisip. ______________________
3. Pangunahing saksing nadawit sa GOMBURZA,isa rin sa mga inakusahan at kasama rin sa mga pinarusahan ng
kamatayan.___________________
4. Isang pahayagang inilathala sa Barcelona na naglalayong ipaglaban ang kaunlaran ng Pilipinas. ________________
5. Ang unang naging patnugot ng La Solidaridad. _______________________
6. Isang Aleman na isa sa mga pinakaaktibong manunulat sa La Solidaridad at masugid na tagasuporta ng Kilusang
Propaganda. _____________________
7. Organisasyon na itinatag noong 1889 na naglalayong maimpluwensiyahan ang opinyon ng publiko sa Espanya.
____________________
8. Pahayagan na naglalarawan sa pagkagahaman ng mga prayle at pang-aapi ng mga katutubo. Isinulat ni Graciano
Lopez Jaena. ____________________
9. Naging patnugot ng La Solidaridad noong 1889 at nagtatag ng Diariong Tagalog. ________________
10. Nagsulat ng dalawang nobela na ikinagalit ng mga Espanyol. __________________
11. Isa sa mga nagtatag ng Katipunan at sa kalaunan ay naging Supremo. ___________________
12. Kasapisa Katipunan sa edad na 18 taong gulang at siya rin ang nagsulat ng Kartilya, Liwanag at Dilim at Sa mga
Kababayan. ____________________
13. Naging patnugot ng Kalayaan at pinagkakatiwalaang tagapayo ni Bonifacio. __________________
14. Nakilala bilang “Lakambini ng Katipunan” at siyang pangunahing tagapag-ingat ng mga dokumento ng samahan.
____________________
15. Ano ang ibig sabihin ng KKK? _________________________________
16. Ito ang panggagaya ng isang bagay na hinahaluan ng pagpapatawa o pang-uuyam. Halimbawa na ang Aba Ginoong
Barya na isinulat ni Marcelo H. del Pilar. __________________
17. Pahayagan na itinatag ni Rizal noong 1892 upang pangunahan ang pagoorganisa tungo sapagbabago at linangin ang
diwa ng kapatiran sa mga Pilipino. ____________________
18. Sumulat ng Saligang Batas ng Malolos. ____________________
19. Bayani ng Tirad Pass. ________________________
20. Sinong admiral ng Estados Unidos ang nakipag ugnayan sa rebolusyonaryong Pilipino na noon ay nakahimpil sa
Hong Kong bunga ng pangkapayapaan na kanilang nilagdaan sa Biak na bato. ____________________________
III. Essay:
1. Paano nagsilbing inspirasyon kay Rizal na ipaglaban ang kapakanan ng mga Pilipino?
2. Answer key
I. 1. B
2. D
3. B
4. A
5. A
1. Ilustrado
2. Carlos Maria dela Torre
3. Francisco Saldua
4. La Solidaridad
5. Graciano Lopez Jaena
6. Ferdinand Blumentritt
7. Circulo-Hispano Filipino
8. Fray Botod
9. Marcelo H. del Pilar
10. Jose Rizal
11. Andres Bonifacio
12. Emilio Jacinto
13. Pio Valenzuela
14. Gregoria de Jesus
15. Kataastasan,Kagalanggalangan na Katipunan ng mga Anak ng Bayan
16. Parody
17. La Liga Filipina
18. Felipe Calderon
19. Gregorio del Pilar
20. Admiral George Dewey