1. ANG PAG-IRAL NG SISTEMANG
PIYUDALISMO
By: Alexandra Denise D. Castaneda
Gr. & Sec. : 8-Solomon
2. ANG PANAHON NG CHIVALRY
Noong ika- 11 siglo, naglaban ang mga maharlika para sa
kapangyarihan. Upang ipagtanggol ang kanilang mga teritoryo ,
bumuo ng pribadong hukbo ng mga maharlika. Kapalit ng
paglilingkod-militar, ibinigay ang mga lupa sa mga knight.
Naglalaan ng panahon ang mga knight para sa kanilang
pagsasanay at paghahanda sa digmaan.
Ang mga knight ay inaasahang ipamalas ang katapangan sa
digmaan at katapatan sa kanyang panginoon. Ang katangiang
ito ay nabibilang sa kodigo ng chivalry. Ang chivalry ay hango
sa salitang Pranses na cheval na nangangahulugang
“kabayo”.Kabilang sa mga tungkulin ng knight ay ang
pagatatanggol sa mahihina at mahihirap.
3. DAGDAG KAALAMAN
Ang mga knight ay mga kawal na sanay na sumakay
sa kabayo at mula sa maharlikang angkan kaya’t sila
lamang ang may salapi upang magkaroon ng kabayo at
kalasag. Ang isang knight ay inaasahang may
edukasyon ,magalang, marangal, at patas upang
tulungan ang mga mahina at protektahan ang mga
mahihirap. Ang mga kaugaliang ito ay tinatawag na
chivalry. Ang isang knight ay tinatawag na “Sir”. Ang
pagiging knight ay hindi naipapamana, bagkus ito ay
kailangang dumaan sa mga serye ng pagsasanay sa
loob ng maraming taon.
5. MGA PAGBABAGO SA PAGWAWAKAS NG
MIDDLE AGES
Nagwakas ng pagsalakay ng mga viking noong 1000. Ito
ang naghatid ng katatagan sa kabuhayan. Ang mga pagbabago
sa ekonomiya tulad ng pagtaas ng produksyon sa pagkain,
pagsibol ng mga industriya, at pagbabago ng kalakalan ang
nagbibigay daaan sa pag-unlad ng lipunan. Subalit sa pagitan
ng 1300 at 1450, may mga serye ng kalamidad ang sumira sa
kaunlaran ng Europe. Kabilang dito ang Black Death at ang
mga digmaan.
Ang pagsasapit ng 1500, may iilang bahagi na lamang sa
kaunarang Europe kung saan umiiral ang piyudalismo. Ang
mga pagbabagong nagdulot sa pagwawakas ng piyudalismo ay
ang pag-unlad ng mga bayan at lungsod, pagwawakas ng mga
serFdom, at paglakas ng kapangyarihan ng mga hari.
6. REBOLISYON SA AGRIKULTURA
Noong 1050, nagsimulang magkaroon ng surplus na
pagkain bunga ng mga bagong kagamitan at paraan ng
pagsasaka. Isa sa mahalagang pagbabago ay ang three-
Field system kung saan ang lupain ay hianati satatlong
bahagi. Ang isang bahagi ng lupa ay hindi tataniman upang
manumbalik ang sustansiya ng lupa at ang dalawang
bahagi ay tataniman ng magkakaibang pananim.
Nagkaroon ng kalamangan ang ganitong sistema dahil
mainam na dalawang uri ang pananim na inani. Bunga ng
pagtaas ng suplay ng pagkain ay lumaki rin ang
populasyon ng Europe at dumami ang bilang ng mga
lungsod.
8. PAG-UNLAD NG EKONOMIYA
Noong ika-12 siglo, ang mga mangangalakal sa mga
lungsod ng Italy ay nakipagkalakalan sa Constantinople at
iba pang daungan sa Mediterrnean. Lumago rin ang
kalakalan sa mga lungsod sa rehiyong Baltie. Ang mga
pangunahing produkto ay ang troso, isda, at butil na
dinadala sa iba pang bahagi ng Europe. Ang paglago sa
kalakalan ang nagbigay-daan sa pagbuo sa Hanseatic
League.
Unti-unting lumago ang bilang ng mga pagawaan na
gumagawa ng iba’t-ibang produkto at nagkaroon din ng
mga sentro ng industriya sa paggawa ng tela, salamin, at
mga metal.
9. Ang pakikipagkalakalan ay isinasagawa sa mga bayan.
Isinagawa rin ang fairs, ilang beses sa isang taon. Ito ay
kadalasang sinasabay sa mga relihiyosong pagdiriwang
kung saan pumupunta ang mga tao sa bayan.
Ang mga malalaking fair ay isinasagawa ng mga Guild.
Ang guild ay samahan ng mga tao na kabilang sa isang
hanapbuhay na may pagkakatulad sa mga unyon ng
manggagawa sa kasalukuyan. Ang mga kasapi ng guild ay
may sinusunod na pamantayan sa kalamidad, sukat, bigat
at presyo.
11. DAGDAG KAALAMAN
Noong 1241, ang dalawang bayan ng Hamburg at
Lubeck ay nagtatag ng hansa o samahan ng mangangalakal
na naging Hanseatic league noong 1260. Nagdala sila ng
mga hilaw na materyales mula sa silangang Europe kapalit
ng nayaring kalakal mula sa kanluran. Nangingibabaw ang
mga Hanseatic league sa kalakal mula sa pagitan ng
England, Germany, Russia, at Scandinavia noong ika-14
siglo. Gumamit ang mga mangangalakal ng Hanseatic
league ng mga matitibay na barko sa pagdadala ng mag
kalakal. Nagtayo sila ng mga warehouse, pinasimulan ang
sistema ng pangbabangko, at gumawa ng pangdepensa
laban sa mga kawatan.
12. PAGLAGO NG MGA LUNGSOD
Ang paglago ng populasyon at pag-unlad ng kalakan
ang nagbibigay daan upang ang mga lungsod ang
maging sentro ng kabuhayan. Sa isang lungsod ay
mayroong pamilihan, malaking simbahan, at town hall
sa gitna. Napapaligiran ito ng mga bahay at tindahan na
magkakatabi para sa proteksyon.
Subalit karamihan ng mga lungsod ay marurumi,
siksikan, at mabaho kaya’t madalas ang paglaganp ng
sakit, sunog, at krimen. Gayunpaman, maraming tao
ang nagtutungo at naninirahan dito, kabilang dito ang
mga serF na umalis o tumakas sa mga manor.
14. PANUMBALIK NG KAALAMAN
Ang paglago ng kalakalan at paglago ng mga
lungsod ay naghahtid ng panibagong interes sa
kaalaman. Bunga nito, sumibol ang panibagong
institusyon sa lipunan-ang mga unibersidad. Naitatag
ang mga unibersidad sa Paris at Bologna sa Italy
pagkatapos ng ika-11 siglo. Nasundan ito ng
unibersidad sa Oxford at Salerno. Karamihan sa mga
mag-aaral ay anak ng mga mayayamang burgher o
mga artisano na naninirahan sa mga bayan o mga
lungsod. Hangarin nila na makapagtrabaho sa
pamahalaan o simbahan kapag nakapagtapos sa pag-
aaral.
15. Nakilala sa panahong ito ang mga manunulat tulad
ni Dante Alighieri na sumulat ng Divine Comedy
at si Geoffrey Chaucer na sumulat ng The country
tales. Nakilala rin ang iskolar na si Thomas
Aquinas na ipinaliwanag ang batayang
katotohanan ng relihiyon gamit ang lohikal na
argumento. Sinulat ni Aquinas ang Summa
Theologica na amy impluwensa ni Aritotle at ng
kaisipang kristiyano.