Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Persian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Persian
1. Lesson 9-H: Imperyong Persian
Persian – Ang mga Persian ay naninirahan sa Silangang bahagi ng Mesopotamia (Iran). Nagtatag sila ng
Achaemenid Empire na nagsimulang manakop noong 530 B.C. sa pangunguna ni Cyrus the Great.
Politika
Absolute Monarchy – uri ng pamahalaan ng Imperyong Persian
Ang Imperyong Persian ay Hinati sa bawat lalawigan o Satrapy na pinamumunuan ng mga gobernador o
Satrap
Cyrus the Great – unang hari at nagtatag ng Imperyong Persian
Chapar Khaneh – isang sistema na ginawa ni Cyrus the Great bilang isang paraan ng komunikasyon sa
buong imperyo
Cambyses the Great – anak ni Cyrus the Great; sinakop niya ang Egyptpara sa Imperyong Persian
Darius the Great – ginawa niyang Aramaic ang opisyal na lenggwahe ng Imperyong Persian; Natalo sa
mga Griyego sa pagnanais niyang mapalawak ang imperyo hanggang sa Europa.
Xerxes the Great – pinagpatuloy ang hangarin ng kanyang ama na si Darius the Great na masakop ang
Greece, ngunitnabigo rin
Lipunan at Kultura
Nagpagawa ng royal road mula Sardis hanggang Susa na kung saan ang mga dumaraan ay mga
opisyal, mesanghero atmga mangangalakal
Ang mga lalaki ay maaaring mag-asawa ng marami na itinitira nang magkakasama sa isang harem
Gawa sa putik ang mga bahay ng isang ordinaryong Persiano
Gawa sa bahay na bato at palasyo ang Tirahan ng hari na nabibilang sa aristokrasya
Ekonomiya
Itinaguyod ang pagsasaka, kalakalan at maayos na paraan ng pagbubuwis
Gumagamit ng ginto at pilak bilang sistema ng pananalapi
Mahusay sa paggawa ng mga kagamitang yari sa ginto at pilak
Naging tanyag dahil sa paggawa nila ng mga Persian Rug
Nagtatag ng rutang seda na umaabot sa Gitnang Asya at Tsina
Relihiyon
Monotheism – uri ng relihiyon ng Imperyong Persian
Zoroastrianism – opisyal na relihiyon ng Imperyong Persian
Zoroaster (Zarathustra) – nagtatag ng relihiyong Zoroastrianism
2. Ahura Mazda – pinakamataas na diyos ayon sa Zoroastrianism
Ambag sa Kabihasnan
Relihiyong Zoroastrianism
Paghahati ng imperyo sa bawat satrap upang mapamunuan nang maayos ang lugar pero kontrolado ng
imperyo sa kabuuan
Persian Rug
Paggamitng ginto at pilak sa paggawa ng kagamitan
Paggamitng Insurance sa pamahalaan
Paggawa ng Silk Road mula Europa hanggang Silangang Asya