1. Inihanda ni:
JEREBELLE B. DULLA
Teacher I
______________________________
Mag-aaral
Department of Education Republic of the Philippines
2. This Strategic Intervention Material (SIM) was collaboratively developed and reviewed
by educators from public school of Kabasalan District, Division of Zamboanga Sibugay. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the author at dullajerebelle@yahoo.com.
We value your feedback and recommendations.
Department of Education Republic of the Philippines
3. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng
Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap:
Naitatanghal ang isang dula na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay ng
mamamayan.
Kompetensi:
F9WG-IIg-h-51
Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula.
Layunin:
a. Nabibigyang kahulugan ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol.
b. Nagagamit ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagpapahayag.
3
5. G
U
I
D
E
C
A
R
d
Ang cohesive device reference o kehesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay mga
salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (para sa lugar/ bagay/ hayop
sila, siya, tayo, kanila, kaniya,( para sa tao/ hayop)
Cohesive Device Reference
Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang anapora
at katapora.
1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa unahan.
halimbawa:
a. Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang
makausap.
b. Si Rita’y nakapagtuturo sa paaralang-bayan, diyan siya nakilala ng
iyong anak.
c. Kinausap ko si Manuling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa
ay pangit.
2. Katapora – ito ay panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan.
a. Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si manoling
ay kahiya-hiya!
b. Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, puluan man ako ng
mga tao? 5
6. Panuto: Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit
at isulat sa patlang bago ang bilang kung ito ay anapora o katapora.
A
C
T
I
V
I
T
Y
C
A
R
d
1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng
Lourdes.
3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa pagbabagong
bunsod ng modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t-ibang karera
katulad ng mga kalalakihan.
4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga ang
karaniwang susi sa pagtatagumpay.
5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kaya’t tayo’y nagsisipag sa
paghahanap-buhay.
6
7. 1. Matutuwa _______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-
aaral.
2. Nagwika _______ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, ipinaliwanag ni Jose Rizal
ang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, _____
ay taglay niya hanggang kamatayan.
4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, __________ nila
nakukuha ang mga mahahalagang impormasyong kailangan sa pag-aaral.
5. Sa panahon ng _________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang
kailangan upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasam na diploma.
A
S
S
E
S
S
M
E
N
T
C
A
R
d
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong kohesiyong
gramatikal ang patlang. Tukuyin kung ito ay anapora o
katapora.
7
10. A
S
W
E
R
C
A
R
d
1. Kanila- katapora
2. Dito- katapora
3. Sila- anapora
4. Iyan- katapora
5. Tayo- anapora
1. Sila/ kami - katapora
2. Siya - katapora
3. Ito - anapora
4. Dito - anapora
5. Kanila/ amin- anapora
Depende sa pagkakagamit ng cohesive
device reference sa pangungusap.
10