SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 2
THE PHILIPPINES A CENTURY HENCE

A.                        Kasaysayan                              ng                           Pilipinas

Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas upang ipalaganap ang relihiyong Katoliko, ang
naninirahan sa bansa ay pawang mga katutubo at Muslim. Mayroon sila noong sariling
pamahalaan, na binubuo ng mga barangay at pinamumunuan ng mga datu, raha o ng mga
pinakamatatandang kasapi nito. Nakikipagkalakalan na rin noon ang mga Pilipino sa mga
karatig-bansa, gaya ng Tsina. Mayroon silang sariling kultura, awit, tula, paraan ng pagsulat,
wika,            mga           tradisyon,           batas             at           paniniwala.

Sa pagdating ng mga Kastila, tinalikuran at nakalimutan ng Pilipinas ang kanyang sariling mga
tradisyon, kultura, at pagkakilanlan. Niyakap niya ang dayuhang doktrina at tradisyon na hindi
niya naman gaanong nauunawaan. Pinilit niyang intindihin ang wikang tinutulang ituro ng mga
naghaharing-uri bagama’t ito ay nararapat lamang ayon sa itinakda ng Inang Espanya. Nagbihis
siya gaya ng gayak ng mga taong nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo, kahit na hindi naman
gaanong angkop sa klima ng bansa o bagay sa kanya ang nasabing pananamit. Tuluyan niyang
kinalimutan                        ang                     kanyang                       sarili

Sa kabila ng pagyakap sa tradisyong ito, niyurakan at ininsulto ng mga Kastila ang mga Pilipino.
Dahil sa mga insulto’t pasakit ay nagising ang pagmamahal sa sarili ng mga Pilipino. Ninais
niyang magkaroon ng mga reporma’t pagababgo, kung hindi magkakaroon ng isang rebolusyon.
Ang mga kabataan noon na may pera at kakayahan ay nangagsipag-aral sa Inang Espanya, at
siyang             mamumuno                   sa               nasabing             rebolusyon.

B.            Dalawang               kapalaran             para                  sa            Pilipinas

Una, mananatiling tapat sa Espanya ang Pilipinas. May posibilidad na mangyari ito sapagkat
nagiging liberal na ang mga pinuno noon ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang mga tinig na
humihingi ng reporma ay lumalakas na rin. Wala ring kaaway ang Espanya. Para mangyari ito,
dapat na payagan na magkaroon ng representaasyon sa Cortes ang Pilipinas para maiparating ng
Pilipinas ang mga hiling at hinaing niya sa Inang Espanya. Dapat ding magkaroon ng kalayaan sa
pamamahayag. Magiging mabilis ang komunikayson at mas mabilis na maipararating ang mga
hinaing sa Espanya. Dapat lamang daw ito sa Pilinas dahil malayo siya sa bansang sumasakop sa
kanya.
Ikalawa, wawakasan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Espanya kung ang respetong hinihingi ay
di maibibigay. Magkakaroon ng himagsikan kung patuloy na babalewalain ang mga hinaing ng
mga Pilipino. Ang mga Pilipino noong nag-aaral sa Inang Espanya na patuloy na
nakikipagkomunikasyon sa kanyang bayang Pilipinas ay siyang magiging utak ng lahat nitong
pagkilos. Ang pagbabago’y magiging payapa at matagumpay kung magsisimula sa mga
nakakatataas sa lipunan; magiging bayolente at madugo naman kung magsisimula sa mga
taumbayan. Sang-ayon sa kapayapaan at kaayusan ang mga mayayaman sapagkat mas maraming
mawawala sa kanila kung magkaroon ng kaguluhan, samantalang ang kahirapan ang siyang
nagbibigay        ng          pagnanais        na       magkaroon         ng       pagbabago.

C.   Mga    posibleng    manakop     sa   Pilipinas   at   kung        bakit   hindi   ito   mangyayari

• Inglatera (UK) - abala na raw ito sa maraming kolonya, gaya ng Africa.
• Alemanya (Germany) - hindi naman niya nais na makipagsapalaran at hatiin ang kanyang
puwersa; abala na rin ito noon sa mabilisang pananakop sa mga teritoryong walang nagmamay-
ari;           ayaw              niya            sa            dayuhang            komplikasyon.
• Pransiya (France) - hindi rin nito sasakupin ang Pilipinas sapagkat marami na itong ginagawa at
mas nakakikita ng hinaharap sa Tongking at Tsina; ibig man niya ng karangalan ay gusto niyang
magmula ito sa mga pakikidigma sa Europa at hindi siya masisiyahan sa alingawngaw lamang ng
labanan sa Malayong Silangan; marami nang obligasyon ang Pransiya, sa sariling bayan at
maging                                           sa                                       Europa.
• Olandes (Holland) - matalino ang bansang ito at kuntento na sa Moluccas at Java at maingat na
mawala sa kanya ang Sumatra at Borneo; mas magandang hinaharap daw ang maibibigay ng
Sumatra              sa              Holland             kaysa            ng             Pilipinas.
• Tsina – mapalad na siya kung mapananatiling buo ang sarili sa kabila ng mga pangongolonya
ng          mga           bansang            Europeo            sa        rehiyong            Asya
• Hapon (Japan) – minamanman siya’t kinaiinggitan ng Rusya; sobra sa populasyon, ngunit mas
nakaaakit sa kanya ng Korea dahil mas madaling sakupin kaysa Pilipinas
• Amerika (US) – sakaling maibigang manakop na rin ay hindi papayagan ng Europa sapagkat
alam ng huli na ang mas iigting ang naising manakop ng Amerika matapos ang unang
pagtatangka, kaya’t itinuturing na magiging magirap na kaagaw; ang pananakop ay salungat sa
kaniyang mga tradisyon at paniniwala; sa paglaban sa kolonyalismo, ang Amerika ang kampeon
sa                                     “Bagong                                    Daigdig,”

D.                                                                                   Pagsusuri

Sa kabuuuan, ang layunin ng sanaysay ay ang paghingi ng reporma sa Espanya. Dahil sa
pakikidigma laban sa mg Kastila, Ayon sa sanaysay, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng
representasyon sa Spanish Cortes at ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag ang ilan sa
mga repormang hinihingi ng Pilipinas. Kung matatandaan, kasama rin ito sa mga repormang
nilalayon       ng       kilusang        La      Liga        Filipina    nina       Rizal.

Ang sanaysay ay tinapos ni Rizal sa pamamagitan ng isang tanong. “Spain, must we some day
tell Filipinas that thou hast no ear for her woes and that of she wishes to be saved, she must
redeem herself?” Ang kalayaang nakamtan dahil sa pagdanak ng dugo at pagsasakripisyo ay
tunay na pag-iingatan at ipagtatanggol ng Pilipinas. Susubukin ng kanyang mga anak na
pagtibayin at palakasin ang bayan, sa alaala ng nakaraan nila. Kung hindi pakikinggan ng
Espanya ang mga hiling at hinaing ng Pilipinas ay gagawa ito ng paraan upang magkaroon ng
pagbabago,                  na                siya               ngang                nangyari.
Naging prophetic ang pagsasabi ni Rizal na isa ang Estados Unidos sa maaaring sumakop sa
Pilipinas sapagkat sinakop nga tayo ng bansang ito. Ang kaibahan ng Amerika sa mga Kastila ay
ang paniniwalang ang edukasyon ay para sa lahat. Tinuruan din nila tayo ng wika nila at
pinayagang                         magsalita                      rin                     nito.

Sa kasalukuyan, nasaan na nga ba tayo? Ipinagdiwang natin noong 1998 ang sentenaryo ng ating
paglaya mula sa pananakop ng mga Kastila. Sa taong 2046, malamang ding ipagdiwang ang
pagalaya natin mula naman sa kamay ng mga Amerikano. Pero sa katotohanan, malaya na nga ba
tayo? Kung hindi man sa mga dayuhang mananakop, mayroon pa rin bang patuloy na pumipigil
sa mga Pilipino na madama ang ganap na kalayaan? Mayroon nang kalayaan sa pamamahayag.
Kung tutuusin ay napakalakas ng impluwensiya ng media sa pag-iisip ng mga Pilipino nagyon.
Sa kabila nito, nariyan ang katotohanang maraming Pilipino ang naghihirap sa ngayon.
Maraming kabataan ang sa halip na maglaro o mag-aral ay nasa lansangan naninirahan o
nagahahanapbuhay. Maraming mga nagsisipagtapos sa kolehiyo ngunit walang trabaho dahil
walang oportunidad. Marami tuloy sa kanila’y napipilitang pumunta sa ibang bansa upang doon
makipagsapalaran.     Ito   ang     ilan   sa   mga      mukha     ng    Pilipino   ngayon.

Isandaantaon mula ngayon, ano kaya ang kahihinatnan ng Pilipinas? Darating kaya ang araw
kung saan madarama ng mga Pilipino na tunay silang malaya?

Mais conteúdo relacionado

Destaque

PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024Neil Kimberley
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsKurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summarySpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentLily Ray
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best PracticesVit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementMindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...RachelPearson36
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Applitools
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at WorkGetSmarter
 
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...DevGAMM Conference
 
Barbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy PresentationBarbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy PresentationErica Santiago
 

Destaque (20)

PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
 
ChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slidesChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slides
 
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike RoutesMore than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
 
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
 
Barbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy PresentationBarbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy Presentation
 

Tag report namin

  • 1. THE PHILIPPINES A CENTURY HENCE A. Kasaysayan ng Pilipinas Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas upang ipalaganap ang relihiyong Katoliko, ang naninirahan sa bansa ay pawang mga katutubo at Muslim. Mayroon sila noong sariling pamahalaan, na binubuo ng mga barangay at pinamumunuan ng mga datu, raha o ng mga pinakamatatandang kasapi nito. Nakikipagkalakalan na rin noon ang mga Pilipino sa mga karatig-bansa, gaya ng Tsina. Mayroon silang sariling kultura, awit, tula, paraan ng pagsulat, wika, mga tradisyon, batas at paniniwala. Sa pagdating ng mga Kastila, tinalikuran at nakalimutan ng Pilipinas ang kanyang sariling mga tradisyon, kultura, at pagkakilanlan. Niyakap niya ang dayuhang doktrina at tradisyon na hindi niya naman gaanong nauunawaan. Pinilit niyang intindihin ang wikang tinutulang ituro ng mga naghaharing-uri bagama’t ito ay nararapat lamang ayon sa itinakda ng Inang Espanya. Nagbihis siya gaya ng gayak ng mga taong nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo, kahit na hindi naman gaanong angkop sa klima ng bansa o bagay sa kanya ang nasabing pananamit. Tuluyan niyang kinalimutan ang kanyang sarili Sa kabila ng pagyakap sa tradisyong ito, niyurakan at ininsulto ng mga Kastila ang mga Pilipino. Dahil sa mga insulto’t pasakit ay nagising ang pagmamahal sa sarili ng mga Pilipino. Ninais niyang magkaroon ng mga reporma’t pagababgo, kung hindi magkakaroon ng isang rebolusyon. Ang mga kabataan noon na may pera at kakayahan ay nangagsipag-aral sa Inang Espanya, at siyang mamumuno sa nasabing rebolusyon. B. Dalawang kapalaran para sa Pilipinas Una, mananatiling tapat sa Espanya ang Pilipinas. May posibilidad na mangyari ito sapagkat nagiging liberal na ang mga pinuno noon ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang mga tinig na humihingi ng reporma ay lumalakas na rin. Wala ring kaaway ang Espanya. Para mangyari ito, dapat na payagan na magkaroon ng representaasyon sa Cortes ang Pilipinas para maiparating ng Pilipinas ang mga hiling at hinaing niya sa Inang Espanya. Dapat ding magkaroon ng kalayaan sa pamamahayag. Magiging mabilis ang komunikayson at mas mabilis na maipararating ang mga hinaing sa Espanya. Dapat lamang daw ito sa Pilinas dahil malayo siya sa bansang sumasakop sa kanya. Ikalawa, wawakasan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Espanya kung ang respetong hinihingi ay di maibibigay. Magkakaroon ng himagsikan kung patuloy na babalewalain ang mga hinaing ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino noong nag-aaral sa Inang Espanya na patuloy na nakikipagkomunikasyon sa kanyang bayang Pilipinas ay siyang magiging utak ng lahat nitong pagkilos. Ang pagbabago’y magiging payapa at matagumpay kung magsisimula sa mga nakakatataas sa lipunan; magiging bayolente at madugo naman kung magsisimula sa mga taumbayan. Sang-ayon sa kapayapaan at kaayusan ang mga mayayaman sapagkat mas maraming mawawala sa kanila kung magkaroon ng kaguluhan, samantalang ang kahirapan ang siyang nagbibigay ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago. C. Mga posibleng manakop sa Pilipinas at kung bakit hindi ito mangyayari • Inglatera (UK) - abala na raw ito sa maraming kolonya, gaya ng Africa. • Alemanya (Germany) - hindi naman niya nais na makipagsapalaran at hatiin ang kanyang puwersa; abala na rin ito noon sa mabilisang pananakop sa mga teritoryong walang nagmamay- ari; ayaw niya sa dayuhang komplikasyon. • Pransiya (France) - hindi rin nito sasakupin ang Pilipinas sapagkat marami na itong ginagawa at mas nakakikita ng hinaharap sa Tongking at Tsina; ibig man niya ng karangalan ay gusto niyang magmula ito sa mga pakikidigma sa Europa at hindi siya masisiyahan sa alingawngaw lamang ng labanan sa Malayong Silangan; marami nang obligasyon ang Pransiya, sa sariling bayan at maging sa Europa. • Olandes (Holland) - matalino ang bansang ito at kuntento na sa Moluccas at Java at maingat na mawala sa kanya ang Sumatra at Borneo; mas magandang hinaharap daw ang maibibigay ng Sumatra sa Holland kaysa ng Pilipinas. • Tsina – mapalad na siya kung mapananatiling buo ang sarili sa kabila ng mga pangongolonya ng mga bansang Europeo sa rehiyong Asya • Hapon (Japan) – minamanman siya’t kinaiinggitan ng Rusya; sobra sa populasyon, ngunit mas
  • 2. nakaaakit sa kanya ng Korea dahil mas madaling sakupin kaysa Pilipinas • Amerika (US) – sakaling maibigang manakop na rin ay hindi papayagan ng Europa sapagkat alam ng huli na ang mas iigting ang naising manakop ng Amerika matapos ang unang pagtatangka, kaya’t itinuturing na magiging magirap na kaagaw; ang pananakop ay salungat sa kaniyang mga tradisyon at paniniwala; sa paglaban sa kolonyalismo, ang Amerika ang kampeon sa “Bagong Daigdig,” D. Pagsusuri Sa kabuuuan, ang layunin ng sanaysay ay ang paghingi ng reporma sa Espanya. Dahil sa pakikidigma laban sa mg Kastila, Ayon sa sanaysay, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng representasyon sa Spanish Cortes at ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag ang ilan sa mga repormang hinihingi ng Pilipinas. Kung matatandaan, kasama rin ito sa mga repormang nilalayon ng kilusang La Liga Filipina nina Rizal. Ang sanaysay ay tinapos ni Rizal sa pamamagitan ng isang tanong. “Spain, must we some day tell Filipinas that thou hast no ear for her woes and that of she wishes to be saved, she must redeem herself?” Ang kalayaang nakamtan dahil sa pagdanak ng dugo at pagsasakripisyo ay tunay na pag-iingatan at ipagtatanggol ng Pilipinas. Susubukin ng kanyang mga anak na pagtibayin at palakasin ang bayan, sa alaala ng nakaraan nila. Kung hindi pakikinggan ng Espanya ang mga hiling at hinaing ng Pilipinas ay gagawa ito ng paraan upang magkaroon ng pagbabago, na siya ngang nangyari. Naging prophetic ang pagsasabi ni Rizal na isa ang Estados Unidos sa maaaring sumakop sa Pilipinas sapagkat sinakop nga tayo ng bansang ito. Ang kaibahan ng Amerika sa mga Kastila ay ang paniniwalang ang edukasyon ay para sa lahat. Tinuruan din nila tayo ng wika nila at pinayagang magsalita rin nito. Sa kasalukuyan, nasaan na nga ba tayo? Ipinagdiwang natin noong 1998 ang sentenaryo ng ating paglaya mula sa pananakop ng mga Kastila. Sa taong 2046, malamang ding ipagdiwang ang pagalaya natin mula naman sa kamay ng mga Amerikano. Pero sa katotohanan, malaya na nga ba tayo? Kung hindi man sa mga dayuhang mananakop, mayroon pa rin bang patuloy na pumipigil sa mga Pilipino na madama ang ganap na kalayaan? Mayroon nang kalayaan sa pamamahayag. Kung tutuusin ay napakalakas ng impluwensiya ng media sa pag-iisip ng mga Pilipino nagyon. Sa kabila nito, nariyan ang katotohanang maraming Pilipino ang naghihirap sa ngayon. Maraming kabataan ang sa halip na maglaro o mag-aral ay nasa lansangan naninirahan o nagahahanapbuhay. Maraming mga nagsisipagtapos sa kolehiyo ngunit walang trabaho dahil walang oportunidad. Marami tuloy sa kanila’y napipilitang pumunta sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran. Ito ang ilan sa mga mukha ng Pilipino ngayon. Isandaantaon mula ngayon, ano kaya ang kahihinatnan ng Pilipinas? Darating kaya ang araw kung saan madarama ng mga Pilipino na tunay silang malaya?