SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 35
Alexander the Great
Alexander the Great became king of Macedonia when his father, Philip II, was
assassinated in 336 bc. He took immediate measures to quell insurrections, both
domestic and abroad, establishing himself as a powerful leader. Alexander led his
troops in campaigns against Greek city states, Egypt, and the Persian Empire, ruling
most of the civilized world by the time he died in 323 bc at the age of 33. His
celebrated military and tactical genius share renown with his ego and ruthlessness.
Gawain 12. Magbasa at Matuto
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman
ng sumusunod na teksto
tungkol sa paglakas ng Imperyong
Macedonia at pagbagsak ng mga
lungsod-estado ng Greece.
Imperyong Macedonian
Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na
pag-isahin ang mga lungsod-estado sa
Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Upang matupad ang kaniyang hangarin,
bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan ng
pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng
kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib
na puwersa ng Athens at ng Thebes ang
Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling
tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang
lungsod-estado.Ang pagkatalo ng Athens at
Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng
kapangyarihan ng mga lungsod-estado.
Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay
napasailalim sa kapangyarihan ng
Macedonia.
Naging tanyag na pinuno ng Macedonia
ang anak ni Philip na si Alexander the
Great. Noong siya ay bata pa lamang,
naging guro niya si Aristotle na nagturo sa
kaniya ng pagmamahal sa kultura at
karunungan. Habang lumalaki, natutuhan
niya ang kagalingan sa pakikipagdigma.
Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang
kanyang ama at naging hari ng Macedonia
at Greece. Matalino, malakas ang loob at
magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay
niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay
tumungo sa silangan at sinakop ang
Afghanistan at hilagang India. Nagtatag
siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng
kanlurang Asya, Egypt, at India.
Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa
silangan.
Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon
namatay si Alexander sa Babylon sa hindi
matiyak na karamdaman.
Gabay na Tanong
1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga
lungsod-estado ng Greece?
2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng
Macedonia?
3. Ano ang maituturing na kontribusyon
ng Imperyong Macedonia sa mundo?
GAWAIN 13: GREECE…SA ISANG TINGIN
Panuto: Punan ang word map ng maikling
pagpapaliwanag tungkol sa bawat
konseptong tumutukoy sa Kabihasnang
Greece. Matapos punan ang word map ay
sagutin ang tanong sa kahon.
Heograpiya
Politika Ekonomiya
Pilosopiya
Sining at
Arkitektura
Agham at
Teknolohiya
Sinaunang Kabihasnang
Greece
Bakit itinuturing na isang Kabihasnang
Klasikal ang Kabihasnang Greek?
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Sa pagkamatay ni Alexander the Great,
unti-unting humina ang malawak na
imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang
dako naman ng kanlurang Europe, isang
pamayanan ang unti-unting
namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung
ang Greece ay kilala sa taguring “the glory
that was Greece” makikilala ang Rome sa
taguring “the grandeur that was Rome”.
Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t
iyong tuklasin.
Gawain 14. Magbasa at Matuto.
Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome.
Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome
Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa
kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na
nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng
Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming
kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang
mahalagang kapatagan ang Latium. Ang
Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito.
May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan
sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito
umusbong ang dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng
Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay
dito at sa Mediterranean Sea. Ang
lokasyong ito ay nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa mga
bansang nakapalibot sa Mediterranean
Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad
na agrikultura ay kayang suportahan ang
pagkakaroon ng malaking populasyon.
Ano ang kaugnayan ng heograpiya
sa pag-usbong ng Rome bilang isang
matatag na lungsod?
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________
Ang Simula ng Rome
Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng
ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang
Roman na nagsasalita ng Latin, isang
sangay ng wikang nabibilang sa Indo-
Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at
nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium
Plain.
Ayon sa isang matandang alamat ang Rome
ay itinatag ng kambal na sina Romulus at
Remus. Habang mga sanggol pa lamang,
inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa
Tiber River ng kanilang amain sa takot na
angkinin ng kambal ang kaniyang trono.
Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang
babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at
nalaman ang kanilang pinagmulan,
inangkin nila ang trono at itinatag ang
Rome sa pampang ng Tiber River noong
753 B.C.E.
Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan,
ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila
ay magagaling sa sining, musika, at sayaw.
Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing
metal, at kalakalan . Tinuruan nila ang mga
Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling
may arko, mga aqueduct, mga barko,
paggamit ng tanso, paggawa ng mga
sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng
ubas, at paggawa ng alak.
Paano nagsimula ang Rome?
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
__________________________
Ang Republikang Romano
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga
Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng
Republika, isang pamahalaang walang hari.
Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius
Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa
mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang
huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus
ang isang Republika. Tumagal ito mula 509
hanggang 31 B.C.E.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang
mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at
nanungkulan sa loob lamang ng isang taon.
Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin
ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng
kapangyarihan ng mga konsul, humina ang
sangay tagapagpaganap. Sa oras ng
kagipitan, kinakailangang pumili ng
diktador na manunungkulan sa loob
lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa
ang diktador ng higit na kapangyarihan
kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang mga
pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga
maharlika o patrician. Pawang mga
patrician ang dalawang konsul, ang
diktador at ang lahat ng kasapi ng senado.
Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at
kasapi ng Assembly na binubuo ng mga
mandirigmang mamamayan. Walang
kapangyarihan ang plebeian at hindi rin
makapag-aasawa ng patrician.
Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga
sumusunod na bahagi ng Republikang
Romano.
konsul-
___________________________________
____________________________
diktador-
___________________________________
___________________________________
Patrician-
___________________________________
___________________________________
Plebeian- ___________________________
Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician.
Ayon sa kasaysayan, nagsimulang
maghimagsik ang mga plebeian noong 494
B.C.E. upang magkamit ng pantay na
karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome
at lumikas sa kalapit na lugar na
tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila
nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa
takot ng mga patrician na mawalan ng mga
manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian
upang itigil ang kanilang balak sa
pamamagitan ng pagpapatawad sa dati
nilang utang; pagpapalaya sa mga naging
alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang
paghahalal ng mga plebeian ng dalawang
mahistrado o tribune na magtatanggol ng
kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o mahistrado
na humadlang sa mga hakbang ng senado
na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais
hadlangan ng isang tribune ang isang
panukalang-batas, dapat lamang niyang
isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol
Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati,
nagkaroon ng higit na maraming karapatan
ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa
mabisang kahilingan ng mga plebeian,
nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang
tanso at inilagay sa rostra ng forum upang
mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna-
unahang nasusulat na batas sa Rome at
naging ugat ng Batas Roman. Sa
pamamagitan nito, nabawasan ang
panlilinlang sa mga plebeian at
napagkalooban sila ng karapatang makapg-
asawa ng patrician, mahalal na konsul, at
maging ksapi ng Senado.
PAMPROSESONG TANONG
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
nakasulat na batas para sa mga plebeian?
___________________________________
___________________________________
____________________________
Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa
kasalukuyang panahon na maihahalintulad
sa tinahak ng mga plebeian upang matamo
ang kanilang karapatan. Ipaliwanag
___________________________________
___________________________________
____________________________
Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng
kahalagahan ang kapakanan ng mga
karaniwang tao? Patunayan
Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome
Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa
buong Italy matapos ang sunud-sunod na
digmaan mula pa noong 490 B.C.E.
Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at
iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian,
Sabine at Samnite. Matapos masakop ang
gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado
ng Greece sa timog. Naganap ang unang
sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea,
Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece
dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng
Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander
the Great at dahil din sa paggamit ng mga
elepanteng kinatatakutan ng mga
mandirigmang Romano. Bagamat
nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa
kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa
ngayon, ang isang napakamahal na
tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory.
Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus
noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy.
Rome ang naging reyna ng peninsula ng
Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi
lamang nangangahulugan ng panalo ng
Roman at pagtatamo ng kabantugang
militar. Kadalasan, naging kaanib ng Rome
ang nagaping kaaway at magiging kolonya
ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang
mga hukbong nagapi ay nagiging
karagdagang mandirigma para sa hukbong
Roman. Sa ganitong sistema unti-unting
lumaganap ang kapangyarihan ng Rome
magmula sa ilog Tiber hanggang sa
kabuuan ng Italy. Sumasakop ang
teritoryong Roman mula sa Ariminium at
Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng
Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na
kilometrong kipot na ito, nakaharap ng
mga Roman sa Sicily ang naging
pinakamabigat na kaaway nito- ang mga
Carthagenian.
PAMPROSESONG TANONG
Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang
pangyayaring nagbigay-daan sa
paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome.
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Digmaang Punic
Sa simula makapangyarihan ang Carthage
sa dagat bagaman pawang upahan ang
mga mandirigma nito dahil sa maliit na
populasyon. Ang mga Roman naman sa
simula ay walang hukbong pandagat ni
karanasan sa digmaang pandagat.
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang
pananakop ng Rome sa bahaging timog ng
Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage
noon na maging makapangyarihan sa
kanlurang bahagi ng Mediterranean.
Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng
mga Phoenician mula sa Tyre noong 814
B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre,
naging malaya ang Carthage at nagtatag ito
ng imperyong komersyal na nasasakop ng
hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain,
pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily.
Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at
Carthage sa tatlong Digmaang Punic-
salitang Latin na nagmula sa pangalang
Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan
kung sino ang mamumuno sa
Mediterranean. Sa simula
makapangyarihan ang Carthage sa dagat
bagaman pawang upahan ang mga
mandirigma nito dahil sa maliit na
populasyon. Ang mga Roman naman sa
simula ay walang hukbong pandagat ni
karanasan sa digmaang pandagat.
ZENON
STOICISMO
Nilinang ni Zeno at Cyprus. Binigyang diin ang pangangailangan sa relihiyon bilang gabay sa
kaligayahan ng tao. Kailangang matanggap ng tao ang kahirapan, sakit at kamatayanO
HARING PHILIP
Hari ng Macedonia noong kalagitnaan ng ika-4 n asiglo B.K.. Sinalakay niya ang teritoryong Griyego sa labas
ng Gresya. Nailagay ang Gresya sa kanyang pamamahala. Natalo ang mga griyego sa digmaan sa
Chaeronea. Si Philip ay pinatay noong 336 B.K, ng mga karibal sa politika.
XERXES
DARIUS I
ALEXANDER THE GREAT Ipinanganak noong Hunyo 20 BCE nina Philip II at Olympias of Epirus. Estudyante
ni Aristotle. Pinakamagaling at pinakadakilang lider pangmilitar sa kasaysayan ng daigdig. Layuning pag-isahin ang lahat ng tao
at pagsamahin ang kultura ng Greece, Egypt, Fertile Crescent at India. Tumulong sa kanyang ama sa pagpapabagsak sa Griyego
EPICURIANISMO
Itinatag ni EPICARUS ng Samos. Naniniwalang ang buhay ay magkakaroon ng ibayong
katalinuhan kung magpapakasawa sa gawaing pangkaisipan. Ito’y nagturo na kumain, uminom,
at maging maligaya sapagkat bukas tayo ay mamamatay.

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Sinaunang Rome
Sinaunang RomeSinaunang Rome
Sinaunang Rome
dranel
 
A.P. Athens
A.P.   AthensA.P.   Athens
A.P. Athens
dranel
 

Mais procurados (20)

AP III - Ang Kabihasnang Greek
AP III - Ang Kabihasnang GreekAP III - Ang Kabihasnang Greek
AP III - Ang Kabihasnang Greek
 
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
 
Ang kabihasnang Greece
Ang kabihasnang Greece Ang kabihasnang Greece
Ang kabihasnang Greece
 
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
 
Ang Kabihasnang Greek
Ang Kabihasnang GreekAng Kabihasnang Greek
Ang Kabihasnang Greek
 
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
 
GRAECO-PERSIAN WAR AND PELOPONNESIAN WAR
GRAECO-PERSIAN WAR AND PELOPONNESIAN WARGRAECO-PERSIAN WAR AND PELOPONNESIAN WAR
GRAECO-PERSIAN WAR AND PELOPONNESIAN WAR
 
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at MycenaeanKabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
 
Mga ambag ng kabihasnang greece
Mga ambag ng kabihasnang greeceMga ambag ng kabihasnang greece
Mga ambag ng kabihasnang greece
 
Kabihasnang mycenaean
Kabihasnang mycenaeanKabihasnang mycenaean
Kabihasnang mycenaean
 
Kabihasnang Roman
Kabihasnang RomanKabihasnang Roman
Kabihasnang Roman
 
Sinaunang Rome
Sinaunang RomeSinaunang Rome
Sinaunang Rome
 
A.P. Athens
A.P.   AthensA.P.   Athens
A.P. Athens
 
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at MycenaeanKabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
 
Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek
 
Athens at ang Pag-unlad Nito
Athens at ang Pag-unlad NitoAthens at ang Pag-unlad Nito
Athens at ang Pag-unlad Nito
 
Kabihasnang minoan
Kabihasnang minoanKabihasnang minoan
Kabihasnang minoan
 
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahonMga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
 
AP III - Kabihasnang Minoan at Mycenaean
AP III - Kabihasnang Minoan at MycenaeanAP III - Kabihasnang Minoan at Mycenaean
AP III - Kabihasnang Minoan at Mycenaean
 
Kabihasnang Minoan
 Kabihasnang Minoan Kabihasnang Minoan
Kabihasnang Minoan
 

Destaque

8 2 maintenance of cleaning equipment
8 2 maintenance of cleaning equipment8 2 maintenance of cleaning equipment
8 2 maintenance of cleaning equipment
bananaapple2
 
8 1 safety measures in doing household tasks
8 1 safety measures in doing household tasks8 1 safety measures in doing household tasks
8 1 safety measures in doing household tasks
bananaapple2
 
Elements, Compounds, Mixtures
Elements, Compounds, MixturesElements, Compounds, Mixtures
Elements, Compounds, Mixtures
sYhira
 

Destaque (14)

Significant benefits to health and fitness when folk dancing
Significant benefits to health and fitness when folk dancingSignificant benefits to health and fitness when folk dancing
Significant benefits to health and fitness when folk dancing
 
8 2 maintenance of cleaning equipment
8 2 maintenance of cleaning equipment8 2 maintenance of cleaning equipment
8 2 maintenance of cleaning equipment
 
Gintong Panahon ng Athens
Gintong Panahon ng AthensGintong Panahon ng Athens
Gintong Panahon ng Athens
 
Kabihasnang romano
Kabihasnang romanoKabihasnang romano
Kabihasnang romano
 
Folkdance
FolkdanceFolkdance
Folkdance
 
8 1 safety measures in doing household tasks
8 1 safety measures in doing household tasks8 1 safety measures in doing household tasks
8 1 safety measures in doing household tasks
 
9 ap lm mod.3.v1.0 (2)
9 ap lm mod.3.v1.0 (2)9 ap lm mod.3.v1.0 (2)
9 ap lm mod.3.v1.0 (2)
 
Folk dance
Folk danceFolk dance
Folk dance
 
PHILIPPINE FOLK DANCES
PHILIPPINE FOLK DANCESPHILIPPINE FOLK DANCES
PHILIPPINE FOLK DANCES
 
Philippine folk dance
Philippine folk dancePhilippine folk dance
Philippine folk dance
 
Phil folk dance_ppt
Phil folk dance_pptPhil folk dance_ppt
Phil folk dance_ppt
 
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
 
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PA...
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PA...Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PA...
Modyul 3 AG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PA...
 
Elements, Compounds, Mixtures
Elements, Compounds, MixturesElements, Compounds, Mixtures
Elements, Compounds, Mixtures
 

Semelhante a Imperyong macedonia

AP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptx
AP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptxAP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptx
AP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptx
CARLOSRyanCholo
 
Power point presentation1
Power point presentation1Power point presentation1
Power point presentation1
Shaira Castro
 
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
WendellAstrero1
 
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentation
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentationKontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentation
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentation
RonalynGatelaCajudo
 

Semelhante a Imperyong macedonia (20)

KABIHASNANG-ROMANO.pptx
KABIHASNANG-ROMANO.pptxKABIHASNANG-ROMANO.pptx
KABIHASNANG-ROMANO.pptx
 
europa sa panahong klasikal.pptx
 europa sa panahong klasikal.pptx europa sa panahong klasikal.pptx
europa sa panahong klasikal.pptx
 
Modyul 05 republika at imperyong romano
Modyul 05   republika at imperyong romanoModyul 05   republika at imperyong romano
Modyul 05 republika at imperyong romano
 
Modyul 05 republika at imperyong romano
Modyul 05   republika at imperyong romanoModyul 05   republika at imperyong romano
Modyul 05 republika at imperyong romano
 
Mga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong Klasiko
Mga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong KlasikoMga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong Klasiko
Mga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong Klasiko
 
AP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptx
AP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptxAP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptx
AP8- MODYUL 2 KABIHASNANG ROME.pptx
 
Kadakilaan ng greece
Kadakilaan ng greeceKadakilaan ng greece
Kadakilaan ng greece
 
kadakilaan-ng-greece2.ppt
kadakilaan-ng-greece2.pptkadakilaan-ng-greece2.ppt
kadakilaan-ng-greece2.ppt
 
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptxQ2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
Q2-kONTRIBUSYON NG KABIHASNANG rOMANO.pptx
 
National monarchy
National monarchyNational monarchy
National monarchy
 
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptxModule 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
 
_Kabihasnang Romano Copy.pdf
_Kabihasnang Romano Copy.pdf_Kabihasnang Romano Copy.pdf
_Kabihasnang Romano Copy.pdf
 
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahonModyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
 
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
 
Power point presentation1
Power point presentation1Power point presentation1
Power point presentation1
 
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at romeKlasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
 
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
Ikalawang markahang-pagsusulit-sa-araling-panlipunan-8
 
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentation
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentationKontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentation
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano ppt presentation
 
Simula ng Rome.pptx
Simula ng Rome.pptxSimula ng Rome.pptx
Simula ng Rome.pptx
 
Kabihasnang Roman Group 2.pptxxxxxxxxxxx
Kabihasnang Roman Group 2.pptxxxxxxxxxxxKabihasnang Roman Group 2.pptxxxxxxxxxxx
Kabihasnang Roman Group 2.pptxxxxxxxxxxx
 

Mais de jackeline abinales (6)

Pag usbong ng renaissance
Pag usbong ng  renaissancePag usbong ng  renaissance
Pag usbong ng renaissance
 
Krusada
Krusada Krusada
Krusada
 
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
 
Guidelines for a successful mentoring program
Guidelines for a successful mentoring programGuidelines for a successful mentoring program
Guidelines for a successful mentoring program
 
Report froebel and herbart
Report froebel and herbartReport froebel and herbart
Report froebel and herbart
 
Chinese civilizations
Chinese civilizationsChinese civilizations
Chinese civilizations
 

Último

Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
JoseIsip3
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 

Último (20)

Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 

Imperyong macedonia

  • 1. Alexander the Great Alexander the Great became king of Macedonia when his father, Philip II, was assassinated in 336 bc. He took immediate measures to quell insurrections, both domestic and abroad, establishing himself as a powerful leader. Alexander led his troops in campaigns against Greek city states, Egypt, and the Persian Empire, ruling most of the civilized world by the time he died in 323 bc at the age of 33. His celebrated military and tactical genius share renown with his ego and ruthlessness.
  • 2.
  • 3. Gawain 12. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece. Imperyong Macedonian Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling
  • 4. tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia. Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay
  • 5. tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman. Gabay na Tanong
  • 6. 1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece? 2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia? 3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa mundo?
  • 7. GAWAIN 13: GREECE…SA ISANG TINGIN Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon. Heograpiya Politika Ekonomiya Pilosopiya Sining at Arkitektura Agham at Teknolohiya Sinaunang Kabihasnang Greece
  • 8. Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek? ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________
  • 9. Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece” makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin.
  • 10. Gawain 14. Magbasa at Matuto. Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome. Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome
  • 11. Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.
  • 12. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod? _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _________________________
  • 13.
  • 14. Ang Simula ng Rome Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo- Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain. Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono. Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan,
  • 15. inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 B.C.E. Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan . Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.
  • 16. Paano nagsimula ang Rome? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ __________________________
  • 17. Ang Republikang Romano Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng
  • 18. diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul. Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
  • 19. Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga sumusunod na bahagi ng Republikang Romano. konsul- ___________________________________ ____________________________ diktador- ___________________________________ ___________________________________ Patrician- ___________________________________ ___________________________________ Plebeian- ___________________________
  • 20. Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician. Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.
  • 21. May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna- unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapg- asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging ksapi ng Senado.
  • 22. PAMPROSESONG TANONG Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian? ___________________________________ ___________________________________ ____________________________ Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag ___________________________________ ___________________________________ ____________________________ Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan
  • 23. Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunud-sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na
  • 24. tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng Italy. Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng
  • 25. Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito- ang mga Carthagenian.
  • 26. PAMPROSESONG TANONG Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome. ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
  • 27.
  • 28. Digmaang Punic Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat. Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersyal na nasasakop ng
  • 29. hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily. Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic- salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean. Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat.
  • 30. ZENON STOICISMO Nilinang ni Zeno at Cyprus. Binigyang diin ang pangangailangan sa relihiyon bilang gabay sa kaligayahan ng tao. Kailangang matanggap ng tao ang kahirapan, sakit at kamatayanO
  • 31. HARING PHILIP Hari ng Macedonia noong kalagitnaan ng ika-4 n asiglo B.K.. Sinalakay niya ang teritoryong Griyego sa labas ng Gresya. Nailagay ang Gresya sa kanyang pamamahala. Natalo ang mga griyego sa digmaan sa Chaeronea. Si Philip ay pinatay noong 336 B.K, ng mga karibal sa politika.
  • 34. ALEXANDER THE GREAT Ipinanganak noong Hunyo 20 BCE nina Philip II at Olympias of Epirus. Estudyante ni Aristotle. Pinakamagaling at pinakadakilang lider pangmilitar sa kasaysayan ng daigdig. Layuning pag-isahin ang lahat ng tao at pagsamahin ang kultura ng Greece, Egypt, Fertile Crescent at India. Tumulong sa kanyang ama sa pagpapabagsak sa Griyego
  • 35. EPICURIANISMO Itinatag ni EPICARUS ng Samos. Naniniwalang ang buhay ay magkakaroon ng ibayong katalinuhan kung magpapakasawa sa gawaing pangkaisipan. Ito’y nagturo na kumain, uminom, at maging maligaya sapagkat bukas tayo ay mamamatay.