1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
LEKSIKOGRAPIYA
Leksikograpiya at Leksikon
Ang wikang Filipino, tulad ng ibang wika ay binubuo ng mga salita na may kanya-
kanyang kahulugan at iba pang pakahulugan ayon sa kayarian ng pangungusap at di bilang
nagsosolong salita. Kung pag-aaralang Mabuti ang mga salitang bumubuo ng isang wika,
kailangang magsimula tayo sa leksikograpiya (Lachica, 2000).
Kahulugan
Ang leksikograpiya ay galing sa salitang Griyego, lexicon na nangangahulugan ng
pagsasagawa o pagtitipon ng mga salita para sa talasalitaan. Ito’y binubuo ng mga salitang
may mga sariling pakahulugan. Galing naman ang salitang lexicon sa lexis na ang ibigsabihin sa
Filipino ay salita (word). Hindi maaaring ihiwalay ang lexis sa lexicon o ang leksikon sa
leksikograpiya. Kapwa tumatalakay ang mga ito sa mga salitang bumubuo sa isang wika. Sa
pamamagitan ng leksikograpiya, nakabubuo tayo ng kalipunan ng mga salita ng isang wika
kasama ang kanilang katuturan o kahulugan. Sa kabilang dako, ang leksikon ay maaaring
katagpuan lamang ng mga bokabularyong nakapaloob sa isang talumpati, maikling kuwento,
nonela o dula, sa mga terminolohiya ng isang kasulatan o kasunduang legal. Ang mga salitang
bumubuo sa isang wika, ay tinatawag na leksikon.
Ang anumang buhay na wika tulad ng Filipino ay patuloy na mapaunlad. Kailangan pang
paunlarin at payamanin ang bokabularyong Filipino. Ilan sa mga sistema ng pagpapayaman ng
ating leksikon ay ang mga sumusunod:
1. Maaaring hiramin ang mga salitang Ingles nang walang palit sa ispelling, at kung
magagawa, iangkop ang mga ito sa palabaybayang Filipino. Halimbawa: elektroniks,
ceramics, cylinder, examen
2. Maaaring i-apply ang unang Sistema sa paghiram ng mga salitang Kastila.
Halimbawa: maquina, liquid, Carrera, examen.
3. Gumamit ng mga salitang panrelihiyon.
Halimbawa: Bana (Husband) – Bisaya – Cebuano, Alsem (acidity) – Ilocano, atbp.
Kapag walang panumbas na leksikal sa teknikal na Filipino, maaaring hiramin nang
tuwiran ang mga salita sa Ingles nang hindi pinapalitan ang ispelling. At kung hindi masunod
ang mga paraang nabanggit, manghiram sa mga pangunahing dayalektong Filipino, lumikha ng
bago o kaya’y gamitin ang katumbas na sinaunang Tagalog.
Tunay na mahalaga ang leksikograpiya sa patuloy na paglago at pagyabong ng wikang
Filipino. Nabanggit ni Komisyoner Ponciano B.P. Pineda (1990), na walang pinakamainam na
mapagkukunan ng mga salita liban sa ating sariling wikain at wikang banyagang may linggwika
at kultural na impluwensya sa ating bansa. Batay na rin sa kanyang pahayag, maaaring isagawa
2. ito sa pagtuklas ng ibayo pang karunungan. Kasunod dito ang leksikulturalisasyon kung saan
hiniram ang salita o mga salita mula sa ibang wikain na nagpapakita ng kaibahan ng kultura ng
isang particular na pangkat. Maraming dayalekto sa Pilipinas na makapagpapayaman sa ating
leksikograpiya.
Ang isang mahusay na leksikograpiya ay makakatulong nang malaki sa pagsanib at pag-
iisa ng ating bansa sa punto ng linggwistika; maisalin ang mayamang kultura ng iba’t ibang
rehiyon; at maitanghal ang kakisigan at kahusayan sa wikang Filipino.
Ayon kay Lachica (2000), may ilang pamantayang na dapat bigyang pansin sa
pagpapayamang leksikal ng Filipino:
1. Mga salitang tumutukoy sa kaisipan o ideya, kaugalian o bagay na matatagpuan lamang sa isang
particular na wikain at walang panumbas sa Filipino.
Halimbawa:
Bulanon - (Bk.) n. full moon
Intawon - (Sl.) interj. What a pity
Jihad - (moslem) n. religios war, the fasting month
2. Mga salitang magkakasingkahulugan na matatagpuan sa tatlong wikain maliban na lang kung
may katulad na anyo sa Filipino na may ibang kahulugan.
Halimbawa:
Inday - (Hlg., Sl., Sb.) affectionate term for a girl
Kalipay - (Hlg., Sl., Sb.) joy, happiness
3. Mga salitang may nakakatuwa o masamang kahulugan sa ibang wika.
Halimbawa:
baba - (Hlg., Sl., Sb.) n. mouth
baba - (kpm., Png., Tg.) n. chin
bayag - (llk., Png.) n. prolonged duration of time
4. Mga salitang may nakakatuwa o masamang kahulugan sa ibang wika.
Halimbawa:
agay-ay - (Tg.) atmosphere, ambient air, breeze
agay-ay - (Hlg.) n. tiny worms that feed on spoil husked rice and bread
babag - (Sb.) hindrance, obstacle around
babag - (Tg.) impact, collision, clash
kabyaw - (Tg.) milling of sugarcane
kabyaw - (Hlg., Sb.) blanket of fishnet
5. Mga banyagang salitang hiram na may pambansang gamit at matatagpuan din sa
bokabularyo ng dayalektong local.
Halimbawa:
Balcony - (Eng.) projecting platform with an entrance from an
upperfloor or building.
Chess - (Eng.) game palyed by two persons on chequered
boards divided into 64 squraes.
Xerox - (Eng.) an apparatus for making photocopies of drawings,
maps, etc. without negative; a trade mark name.
Sauna - (Finnish) a stem bath treatment
3.
4.
5.
6.
7.
8. Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na
kumukuha ng GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang
aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Garcia, Lydia G. 2000. Makabagong Gramar ng Filipino-Binagong Edisyon. Rex Book Store: Quezon
City.
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store:
Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon
City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.