Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
ANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO.pdf
1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
ANG MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Kahulugan
Ang pagbabago-bago ng anyo ng morpema at nagkakroon ng pagbabago-bago ng anyo
ang morpema gawa ng impluwensya ng kaligiran. Tinutukoy ng kaligiran ang mga katabing
ponema na dahilan sa pagbabago ng anyo ng morpema.
Uri Ng Pagbabagong Morpoponemiko
I. ASIMILASYON
– nagkakaroon ng pagbabago sa / ŋ / sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng
ponemang kasunod nito. Isa sa tatlong ponemang pailong, /m,n, ŋ/, ang ginagamit batay sa
kung ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at
madulas ang pagbigkas sa salita.
Dalawang Uri Ng Asimilasyon
a. ASIMILASYONG DI-GANAP
- Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa / ŋ / at ito’y ikinakabit sa
isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /n/.
Halimbawa:
1. Pantakas
Pormula: = A.L + S.U
= [ pang-] + [ takas ]
= pangtakas ~ pantakas
= Asimilasyong Di-gana
b. ASIMILASYONG GANAP
- Kung ang isang salita ay nawawala ang unang ponema ng nilalapiang salita
dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Halimbawa:
1. Pamalo
Pormula: = A.L + S.U
= [ pang-] + [ palo ]
= pangpalo ~ pampalo ~ pamalo
= Asimilasyong Ganap
2. II. PAGPAPALIT NG PONEMA
– kapag may mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. /d
-/r/, /e/-/i/, /o/-/u/.
Halimbawa:
1. Marapat
Pormula: = P.L + S.U
= [ ma-] + [ dapat ]
= madapat ~ marapat
r
= Pagpapalit ng Ponema
May mga halimbawa naman ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang nilalapian.
Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.
Halimbawa:
1. Laparan
Pormula: = P.L + S.U
= [ - an ] + [ lapad ]
= lapadan ~ laparan
r
= Pagpapalit ng Ponema
III. METATESIS
– Ito ay pagpapalit ng titik sa loob ng isang salita. Tinatawag ding itong
pagpapalit. Makikita ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponema. Ang
mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ at /y/ na ginigitlapian ng /-in-/ ay
magkaroon ng paglilipat ng posisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/.
Halimbawa:
1. Nilipad
Pormula: = P.L + S.U
= [ - in - ] + [ lipad ]
= linipad ~ linipad ~ nilipad
= Metatesis
3. IV. PAGKAKALTAS NG PONEMA – nagaganap ang pagbabagong ito kung ang
huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.
Halimbawa:
1. Takpan
Pormula: = P.L + S.U
= [ - an ] + [ takip ]
= takipan ~ takipan ~ takpan
= Pagkakaltas ng Ponema
V. PAGLILIPAT-DIIN – nagbabago ang diin sa pagbabago ng mga panlaping ginamit.
Maaari itong malipat ng isa o dalawang pantig tungo sa huling pantig o isang pantig
sa unahan ng salita.
Halimbawa:
1. Basahin
Pormula: = P.L + S.U
= [-in] + [ basa ]
= basah ( h )
= basahín
= Paglilipat-diin
Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114 Balarila ng
Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________. 2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.