SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 118
Baixar para ler offline
ARALIN 1
PAGMULAYMULAY SA NORMAL NA
BUHAY MANANAMPALATAYA
1. Kapanganakan hanggang sa muling pagkasilang – Dapat nating maunawaan na
dumanas tayo ng ganitong punto sa ating buhay, hiwalay sa Panginon, namumuhay sa
kadiliman, at kawalan ng pag-asa.
2. Kung ang sino man ay itinakwil si Kristo at namatay sa kapanahunang ito, siya ay
tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa buhanginan, walang pundasyon. Siya ay
papunta sa kahatulan ng mga hindi mananampalataya upang gugulin ang walang
hanggan malayo mula sa Panginoon. Dapat na maintindihan na ang kahatulang ito ay
walang kinalaman sa mananampalataya, kundi sa mga hindi mananampalataya
lamang.
Mateo 7:24-27 (Sinabi ni Hesus) "Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga
salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang
pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang
bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. Ang bawat nakikinig ng
aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa
isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. Umulan nang
malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang
nawasak."
Pahayag 20:11-15 (Sinulat ni Apostol Juan) Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang
malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan,
at hindi na nakita pang muli. Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay,
maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat
ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga
aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng
daigdig ng mga patay ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang
mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng
mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. Itinapon sa lawa ng apoy
ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.
Gabay sa tagapag-akay: Kadalasa’y aabot ng isang sesyon ang
pagtalakay sa araling ito. Gusto naming bigyan ang inaakay ng ideya kung
ano ang buhay ng isang mananampalataya. Lahat ay ibinuod ang bawat
paksa, subalit tatalakayin at hihimayin sa mga susunod na aralin. 
3. Ang Krus – Ang pangyayaring ito ay ang pinakamahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng buhay ng isang tao. Mula sa pananaw ng Diyos ang mananampalataya
ay dumaan sa “kamatayan” (wala si Kristo sa ating buhay) patungo sa “buhay” (si
Hesukristo ay nasa puso na natin). Mula sa kawalan ng pag-asa patungo sa puno ng
pag-asa.
Juan 5:24 Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa
nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay
inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.
4. Ang Bagong Buhay – Mahalagang maunawaan na ang kaganapan ukol sa
kaligtasan ay ang daan tungo sa bagong buhay kasama ang Panginoon, inihanda Niya
ito upang makamit ang ating mga pangangailangan sa lahat ng aspeto ng ating buhay,
umaayon sa Kanyang disenyo. Ipinakilala tayo sa ideya na plano ng Diyos para sa
oras natin dito sa lupa, na kung tutuusin ay maliit na parte lamang sa kanyang walang
hanggan plano para sa bawat isa sa atin. Mayroon dalawang (2) biblikal na anolohiya
ang makapaglalarawan sa buhay mananampalataya: na ang lumalagong halaman ay
nagmula sa binhi hanggang sa ito ay maging puno at ang isang katauhan ay mula sa
pagiging sanggol hanggang sa ito ay umabot sa hustong gulang. Muli, ang kaganapan
ng kaligtasan ay simula pa lamang ng bagong buhay ng paglakad sa landas kasama
ang Panginoon. Sa kapanahunang ito napakahalaga para sa bagong
mananampalataya na gabayan (“espiritwal na pag-aaruga”).
1 Tesalonica 2:7-13 … naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa
kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang namin
inihandog ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Magandang Balita, kundi maging
ang aming buhay ay ihahandog din namin. … Tulad ng alam ninyo, kami'y naging parang
ama sa bawat isa sa inyo.  Pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at
hinikayat na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na tumawag sa inyo upang
mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian. Kaya nga, palagi kaming
nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita,
hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa
nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya.
5. Ang Minimithing Layunin (Adhikain) – Gaya ng ating inaasahan ang malusog na
punla ay lumalago bilang isang mabungang puno, at ang malusog na sanggol na
humantong sa wastong edad at sa kalaunan ay maging isang magulang, gayundin ang
layunin ng Panginoon na maging malusog espiritwal, ang bagong mananampalataya
maging isang matatag espiritwal at mabungang buhay mananampalataya.
6. Pundasyon ng Panginoon at Ang Aking Pagpipilian – Ang Panginoon ay naghain
ng Pundasyon, si Hesukristo, na siyang aking kaligtasan. Ito ay pantay na katotohanan
para sa lahat ng mananampalataya. Subalit, bawat isa sa atin ay may pagpipilian kung
papaano natin itatayo ito sa Pundasyon. Ang mga magtatayo ay gagamit ng kani-
kaniyang kayamanan (oras, lakas, ari-arian) habang nabubuhay dito sa lupa. Kung
hahayaan ko ang Banal na Espiritu, bilang aking Punong Tagapag Gawa, gamitin ang
aking mga kayamanan, Siya ay gagamitin ng mga kayamanan na iyon upang ako ay
kanyang gawan ng inprastraktura na yari sa ginto, pilak, at mamahaling baton na pang
habang buhay. Subalit kung siya ay aking tanggihan ito ay magbubunga ng
inprastraktura na yari sa kahoy, dayami at putik.
1 Corinto 3:10-15 (Sinualat ni Pablo) Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, inilagay
ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy
sa pagtatayo ng gusali. Ngunit dapat maging maingat ang bawat nagtatayo, sapagkat wala
nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-
Cristo. May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon
namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa
Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang
ginawa ng bawat isa. Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog,
tatanggap ng gantimpala ang nagtayo noon. Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya
ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy.
7. Ang mga bersikulong ito ay nasasambit tungkol sa pugay parangal sa darating na
panahon kung saan ito ay tinatawag na Luklukang Paghuhukom ni Hesukristo, kung
saan ang bawat mananampalataya ay isa-isang haharap kay Hesukristo upang
tanggapin ang parangal (walang hanggan) ukol sa ginawa niyang pagpapahintulot sa
Banal na Espiritu na gumawa sa kanilang buhay habang sila ay nabubuhay pa sa lupa.
Hindi dapat matakot sa kaganapang ito, subalit dapat pa din mag-ingat sapagkat may
posibilidad na maaaring mawala pa rin sa atin ang parangal na walang hanggan, kung
saan lahat ng kahoy, dayami at putik ay magiging walang halagang abo.
Napakahalagang malaman na walang mananampalataya ang haharap sa kaganapan
na iyon.
2 Corinto 5:9-10 Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa Kanya,
maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. Sapagkat lahat tayo'y
haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti
o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
Mateo 6: 20-21 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang
naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung
saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.
ARALIN 2
PAGKILALA SA PANGINOON
Kagustuhan ng Panginoon na lumago
ang aking pag-unawa sa Kanya. Mula sa
aking kapanganakan hanggang sa aking
pagtanggap sa Kanya bilang Tagapagligtas,
aking nakalakihan ang ugaling makamundo.
Ngayon, nais Niyang unti-unting
magbago ang aking pag-unawa tungkol sa
Kanya nang sa gayon lumago ang aking
pananaw sa buhay ayon sa Kanyang
pananaw. Ang makaDiyos na pananaw ay
nagbunga ng makaDiyos na pag-uugali.
Hindi malulugod ang Panginoon kung
simpleng babaguhin ko ang aking
panlabas na ugali na hindi ko Siya
pinahintulutang baguhin ang aking panloob
na pananaw. Kung aking nanaisin na
lumago ang relasyon ko sa Panginoon
nararapat lang na gumawa ako ng
masusing pagpipilian upang saliksikin Siya
ng buong puso, ganun din sa parehong
paraan na kung saan ang samahan ng
magkatipan ay kailangan pagtibayin.
Upang hindi mahadlangan ang gawain ng Panginoon sa akin at sa paggamit
Niya sa akin, nararapat na panatilihin kong bukas, tapat at handang matuto patungo
sa Kanya. Sapagkat Siya lamang ang talagang makakakilala sa akin, ang aking
tungkulin ay buong-buong pahintulutan Siyang gumawa ng nararapat na pagbabago sa
aking pang-unawa. Si Hesus ay ang malinaw na larawan ng pag-uugali ng ating
Panginoon, at ang nag-iisa na kung saan kawangis ng Diyos na ako ay hubugin,
habang siya ay aking pinapahintulutan. Gusto ng Panginoon na makilala ko Siya ng
mataimtim sa pamaraan na higit pa sa aking kaalaman “tungkol” sa Kanya.
“Ang maka Diyos na pag-uugali ay likas na bunga ng patuloy Niyang
pagbabago sa aking mga paniniwala at mga nakasanayan.”
… Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang
tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh." (1 Samuel 16:7)
Ang Kanyang pananaw sa buhay ay
dapat patuloy na lumago at siyang
aking maging pananaw sa buhay.
  Panginoon    
         
         
         
         
         
         
           
Ako 
Buhay
1. ANG AKING PAG-UUGALI
a. Kagustuhan ng Panginoon para sa akin na ako ay lumago sa pag-unawa tungkol sa
Kanya, na alamin ang Kanyang puso.
Jeremias 9:23-24 Ang sabi ni Yahweh: "Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang
karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang
kayamanan. Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't
pagkaunawa sa akin…
Juan 17:3 (Sabi ni Hesus) … ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala Ka nila, ang
iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
Roma 8:29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at
ang mga ito'y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak…
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 11:36, 12:2; Efeso 3:16-19
Ang pinakamataas na adhikan ng pag-aaral ay kilalanin ang Panginoon!
b. Upang ako ay lumago kailangan kong maging aktibo sa paghangad ng mataimtim na
relasyon sa Kanya.
Awit 63:1 (Sinulat ni David) O Diyos, … Ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap; ang
uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad…
Kawikaan 2:1-5 (Sinulat ni Solomon) Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at
ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong
karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. Pagsikapan mong hanapin ang tunay
na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak
na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang
kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa
Diyos.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Mateo 7:7-8; 1 Pedro 2:2-3
2. SALITA NG DIYOS – ANG KATOTOHANAN AY HINDI GALING SA AKIN, O KUNG
SINO MAN, ITO AY GALING SA PANGINOON LAMANG. SAMAKATUWID, LAHAT
NG “IDEYAL NA KATOTOHANAN” AY KAILANGAN MAIKUMPARA AT MALINAWAN
NG SALIT NG DIYOS – ANG BIBLIYA.
a. Isang pamamaraan na binabago ako ng Panginoon ay sa pamamagitan ng
Kanyang salita. Ang Kanyang salita ay mapagkakatiwalaan.
Awit 119:89 Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan, matatag at di makilos
sa rurok ng kalangitan… (tingnan din 1 Pedro 1:25)
Mateo 24:35 (Sabi ni Hesus) “Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang Aking mga salita ay
mananatili magpakailanman."
Juan 14:6 (Sabi ni Hesus) Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay…
 
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Juan 17:17; Roma 15:4; Efeso 4:21; 2
Timoteo 3:16-17; 1 Juan 5:6
b. Ang Salita ng Diyos ay dapat pinapahalagahan tulad ng aking kakanin sa araw-
araw.
Deuteronomio 6:5-9 “… Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa
inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong
pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. … Isulat sa mga hamba ng pintuan ng
inyong bahay at mga tarangkahan… (tingnan din Deuteronomio 11:18-21)
Job 23:12 (Sabi ni Job) “Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking
pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain. 
Awit 119:16 Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod, iingatan sa puso ko upang
iyo'y di malimot.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 119:103; Mateo 4:4
c. Pagsasaulo at pagmulaymulay sa Kanyang Salita ay makatutulong sa aking
paglago.
Awit 1:1-3 Mapalad ang taong … kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.
binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi. Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang
batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang
gawin, siya'y nagtatagumpay.
Awit 119:11 Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa
iyo kailanman.
Awit 119:97 O ang iyong mga utos ay tunay kong iniibig! Araw-araw, sa maghapon ay siya
kong iniisip.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 145:5; Kawikaan 22:17-18; Colosas
3:16
d. Ang Salita ng Diyos ay tulad ng isang liwanag na tumitingkad sa aking buhay,
inilalahad ang bawat sikreto ng aking puso at tinutulungan ako na makita ang aking
sarili kung papaano ako nakikita ng Panginoon.
Awit 119:105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan,
liwanag na tumatanglaw.
Awit 119: 130 Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito
sa wala pang karanasan.
 
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 10:17; Hebreo 4:12-13
e. Ang Panginoon ang makapagbibigay ng pang-unawa sa Kanyang Salita. Kahit may
mga talata na maaaring mahirap unawain, ang mahalaga ay ang maging tapat at
bukas sa Kanya, ilalahad Niya ang Kanyang mga Salita sa akin tuwing aking
kakailanganin.
Deuteronomio 29:29 “May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh.
Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak
magpakailanman.
Lucas 24:45 Binuksan Niya (Hesus) ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga
Kasulatan.
 
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: 1 Corinto 2:12-14; 2 Pedro 3:15-16
3. PANALANGIN – PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PANGINOON
Dapat natin isipin na ang panalangin ay mataimtim na pakikipag-ugnayan sa
ating Tagapaglikha at Pinuno, na napakahiwaga ng Kanyang nilalang at may hawak sa
buong kalawakan, gayunpaman Siya ay mapagmahal at maaruga na gusto Niya
palaging makasama tayo sa bawat sandali at detalye ng ating buhay. Ako ay nararapat
lumapit sa Panginoon na may lubos na paghanga, laging mulat sa katotohanan na ang
susi sa paglapit sa Kanya ay ang kabutihang ginawa ng Kanyang Anak at hindi dahil sa
kahit anong kabutihan na aking nagawa. Bilangin natin ito ng walang katumbas na
pribilehiyo upang makalapit tayo sa Panginoon.
Paalala:
Magsaulo ng mga bersikulo mula sa Kasulatan habang patungo sa
trabaho. Isulat ito sa talaan, at ilagay ito kung saan madalas makita.
Pagbulay-bulayan ang isinulat na bersikulo sa araw na iyon.
Our Daily Bread, © 2007 RBC Ministries –
Grand Rapids, MI 49555. Reprinted by permission.
Katulad ng kahit anong pakikipag-ugnayan, ang pakikinig ay napakahalagang
sangkap. Kadalasan ang oras ko sa Panginoon ay napupuno ng hinaing at ang
pagdinig sa Kanya habang Siya ay sumasambit sa aking puso o di kaya’y paglahad
Niya ng mga bagay na bago. Kagustuhan ng Panginoon na tumingin ako sa Kanya ng
may inaasahan.
Isang paraan upang magbigay pugay sa Panginoon at pagbigay sa Kanya ng
nararapat na pagkilala sa aking puso ay sa pamamagitan ng malugod na paghahanap
at pagtanggap sa Kanyang mga pinahahalagahan. Ito ay magbibigay daan na
magkaroon ako ng ugali na huwag ibigay sa Kanya ang mga natitira kong oras, lakas at
ari-arian, bagkus ialay sa Kanya ang pinakauna at maganda sa aking mga pag-aari.
a. Ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon ay mapapagtibay sa pamamagitan ng
paghahanda ng puso, tapat na pagsasagawa ng aking mga prayoridad at ang
kaalaman ng Kanyang kahiwagaan.
Awit 5:3 Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw,
tugon mo'y hihintayin.
Awit 37:7 Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa Kanya…
 
Awit 119:147 Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong
iniwan, pag-asa ko'y nakalagak.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Kawikaan 3:5-6; Isaias 50:4; Mateo 6:31-34;
Lucas 10:38-42; Efeso 2:18; Colosas 3:2-3; Hebreo 4:15-16; 1 Pedro 5:6-7
b. Ang panalangin ay kinapapalooban ng pagpupugay, pasasalamat at papuri.
Awit 145:2-3 (Sulat ni David) Aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil
ng pasasalamat magpakailanman. Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin;
kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.
Awit 146:1-2 Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Pupurihin siya't
aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buhay.
Daniel 6:10 … Daniel … umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpasalamat sa
kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukas na bintanang
nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang
kinaugalian.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 5:19-20; Filipos 4:6-7; Colosas 4:2-4;
1 Tesalonica 5:16-18
c. Ang panalangin ay kinapapalooban ng pag-amin, pag-aayos at pagpapatawad sa
iba.
Awit 32:5 Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim.
Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Tingnan Awit
66:18)
Kawikaan 28: 13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan
ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.
 
Mateo 5:23-24  “… kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala
mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap
ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa
Diyos.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Marcos 11:25; Roma 12:18; 1 Juan 1:9-10
d. Ang panalangin ay kinapapalooban ng paghinaing, paghingi ng aking personal na
pangangailangan.
Kawikaan 2:6 Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang
kaalaman at unawa'y bumubukal.
Mateo 6: 5-8 "… Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang
pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na
nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala … alam na
ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Mateo 6:25-34; Santiago 1:5
e. Panalangin – Hadlang sa “Lihim na Lugar”
Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto.
Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng
ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. – Mateo 6:6
Hindi sinabi ni Hesus, “Managinip kayo sa inyong Ama na nasa lihim na lugar,”
bagkus kanyang sinabi. “… manalangin kayo sa inyong Ama na nasa lihim na lugar…”
Ang panalangin ay pagsusumikap ng kalooban. Pagkatapos natin pumasok sa ating
lihim na lugar at isarado ang pinto, ang pinakamahirap na gawain ay manalangin.
Wari’y hindi natin maituon ang ating isip sa maayos na kaisipan at ang una nating dapat
labanan ay ang paglakbay ng diwa. Ang malaking hadlang sa pananalangin na tago ay
kung papaano mapagtatagumpayan ang ganitong kalagayan at ang paglakbay ng pag-
iisip. Kailangan matutunan natin disiplinahin ang ating kaisipan at makapagtuon sa
maalab, taos pusong panalangin.
Kinakailangan magkaroon tayo ng espesyal na lugar para sa pananalangin,
subalit sa sandaling naroon na tayo ang unos ng paglalakbay-diwa ay nagsisimula rin,
habang sinisimulan natin mag-isip para sa ating sarili, “Kailangan matapos ito ngayon at
gagawin ko ito ngayon.” Sinabi ni Hesus na “isarado mo ang pinto.” Ang pagkakaroon
ng lihim na kapayapaan sa Panginoon ay nangangahulugan na pagsarado sa pinto ng
ating nararamdaman at pag-alala sa Kanya. Ang Panginoon ay nasa lihim at nakikita
Niya tayo mula sa “lihim na lugar” – hindi Niya tayo nakikita gaya ng ibang tao, o
kagaya ng pagtingin natin sa ating mga sarili. Kung totoo tayong naninirahan sa “lihim
na lugar”, magiging imposible sa ating pagdudahan ang Panginoon. Tayo’y mas lalong
makasisiguro sa Kanya kaysa ibang tao o kahit sa ano pa man. Pumasok sa “lihim na
lugar” at iyong matutuklasan na tama ang Panginoon sa gitna ng araw-araw na
pangyayari sa ating buhay sa lahat ng oras.
Gawin nating ugali ang nakatuon sa Panginoon sa lahat ng bagay. Maliban kung
pag-aralan mong buksan ang pinto ng iyong buhay ng buo at gawin ang Panginoon na
una sa lahat simula sa pagmulat ng mata sa bawat bagong umaga, ikaw ay siguradong
magkakamali sa mga gawain sa buong araw. Subalit kung ikaw nama’y magbubukas ng
buong-buo sa pinto ng iyong buhay at “manalangin sa iyong Ama na nasa lihim na
lugar”, lahat ng iyong gagawin hanggang sa kahuli-hulihang bagay ay papatnubayan ng
presensiya ng Panginoon.
(Taken from My Utmost for His Higest by Oswald Chambers –
Aug 23. © 1935 by Dodd Mead & Co.,
renewed © 1963 by the Oswald Chambers Publications Assn., Ltd.,
and is used by permission of Discovery House Publishers, Box 3566,
Grand Rapids MI 49501. All rights reserved.)
Mungkahi:
Upang mabawasan ang mga gumugulo sa tuwing nakikipag-ugnayan
sa Diyos, gumamit ng talaan at isulat ang mga nasa isip na maaring
kailanganing bigyan ng solusyon sa darating na panahon.
f. Ang panalangin ay kinapapalooban ng pamamagitan, paghingi, para sa
pangangailangan ng iba.
2 Corinto 1:8-11 (Sinulat ni Pablo ang kanyang dalamhati sa Asya)… huwag kaming manalig
sa aming sarili; … Diyos … na muling bumubuhay sa mga patay. Iniligtas niya kami sa
malagim na kamatayan … Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas sa tulong ng
inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa
pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.
Efeso 6:18-20 (Sinulat ni Pablo) Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at
pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong
maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din
ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag
ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at
ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang
gaya ng nararapat.
Colosas 4:12 … lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo'y maging matatag,
ganap, at lubos na masunurin sa kalooban ng Diyos.
g. Ang panalangin ay walang humpay, kahit anong oras; ngunit kailangan din
maglaan ng espesyal na oras na nakahiwalay. Kalugod-lugod sa Panginoon kung
hahanapin natin ang Kanyang landas para sa tamang oras at lugar.
Awit 55:17 Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin. Aking itataghoy ang mga hinaing,
at ang aking tinig ay kanyang diringgin.
Awit 119: 62 Gumigising akong lagi pagsapit ng hating gabi, sa matuwid mong paghatol lagi
kitang pinupuri.
Awit 116:164 Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang
matuwid mong iginawad.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Daniel 6:10; Roma 12:12; 1 Tesalonica 5:17
Tanda sa 1 Tesalonica 5:17
“Ang walang humpay na panalangin ay hindi isang panalanging
mananaig nang walang sagabal, subalit ito ay panalangin na
nagpapatuloy sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon. Sinasambit
ni Pablo na dapat panatilihing magkaroon ng ugnayan sa Panginoon
hangga’t maari sa lahat ng oras sa gitna ng ating araw-araw na
pamumuhay na kung saan an gating pagtuon sa kanya ay
kadalasang nasisira”.
(Walvoord, John F., and Zuck, Roy B., The Bible Knowledge Commentary,
(Wheaton, Ilinois: Scripture Press Publications, Inc.) 1983, 1985.)
4. Our Daily Bread – (Setyembre 19, 2004)
Pagbatid Sa Panginoon
Hindi natin masabi ang lahat sa Panginoon kung saan ang lahat ay Kanyang
nalalaman na. Sa tuwing tayo ay mananalangin, binibigkas natin ang mga salita na
Kanyang nalalaman sa simula pa. Dahil dito hindi ibig sabihin na ang panalangin ay
hindi na kailangan; bagkus, ito ay humihikayat sa atin upang manalangin.
Nakakasumpong tayo ng kaginhawaan sa tuwing nakakausap natin ang Taong
nakakikilala sa atin at buong-buo na naiintindihan ang ating kalagayan. Nakakagaan
malaman na ang tugon ng Panginoon ay hindi nagmula sa ipinabatid natin sa Kanya,
bagkus ito ay nagmula sa Kanyang makapangyarihang kaalaman sa dulo ng bawat
pangyayari. Siya ang nakakaalam sa lahat ng kalagayan – nakaraan, kasalukuyan at
hinaharap – ang bumibigkas sa ating kabuuan.
“Alam ng iyong Ama”, wika ni Hesus sa Mateo 6:8. Alam Niya ang ating iniisip,
ang ating mga hangarin, ang ating mga ninanais; Siya ay may nalalaman sa lahat ng
ating mga ginagawa (Awit 139:3). Nalalaman Niya ang pighati ng ating puso, ang halos
hindi mapatid na pagkabigo, ang mga kaaway natin sa loob at labas na nakikipag talo
sa ating kalooban.
Samakatuwid, pwede ba natin pangunahan ang oras at mga tuntunin ng ating
pagpapalaya mula sa pagsubok o pighati? Nararapat bang sabihin na ang ating
tinatahak na daan ay mas nakabubuti upang palakasin ang ating kaluluwa? Hindi,
sapagkat walang sinuman ang makakapagturo sa Panginoon ng kahit ano pa man. Siya
lang ang nakakaalam ng daan patungo sa kaluwalhatian. Sa lahat ng maaaring daanan,
pinili Niya ang pinaka nararapat, ang daan na tinanggap kung ano tayo at kung ano ang
ibibigay Niya para sa atin.
Hindi natin pwede turuan ang Panginoon ng kaalaman, ngunit pwede natin
Siyang ibigin at pagkatiwalaan. Iyan lang ang hinihingi Niya sa atin. – David Roper
Ang sagot na maaaring piliin ng Panginoon para sa akin
Ay siguradong pinakamahusay
Nararapat lamang na palagi akong magpasalamat,
At sa Kanyang kabutihan ako ay hihimlay – D. De Haan
Alam ng Panginoon ang katapusan buhat sa simula pa lamang,
upang tayo ay magtiwala sa Kanya sa pagitan ng lahat ng mga bagay.
Our Daily Bread, © 2004 RBC Ministries –
Grand Rapids, MI 49555. Reprinted by permission
5. KONKLUSYON: Habang ako ay nagtitiwala sa Panginoon, palagi akong makakaasa
ng Kanyang pag-ibig, nalalaman kong gagawin Niya lamang ang lahat ng makabubuti
para sa akin, kahit ang kaganapan ay taliwas sa aking nararanasan. Para sa Panginoon
ang talikdan tayo ay sumasalungat sa Kanyang katangian.
Awit 34:15 Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang
tumutugon.
Awit 37:4-5 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong
makakamtan. Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
Awit 86:5 Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-
ibig ay mananatili.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 145:18-19; Jeremias 10:23; 1 Juan
5:14-15
… Sinasamahan mo ako,
sa aking paglakad ay inaakay mo.
Ang mga payo mo'y umakay sa akin,
marangal na ako'y iyong tatanggapin.
Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang,
at maging sa lupa'y, aking kailangan?
Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man,
ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.
(Awit 73:23-26)
ARALIN 3
PRINSIPYO NG KALIGTASAN
Gaya ng kapanganakang pisikal, ang kapanganakang espiritwal ay susi sa isang
pag-usbong ng bagong buhay. Ang layunin ng araling ito ay ipaliwanag ang mga bagay-
bagay na mararanasan ng isang mananampalataya sa pagbabago. Malinaw na may
ibang prinsipyo at katotohanan na maaaring idagdag.
1. AWA AT BIYAYA
“Awa” = Ang hindi pagbigay o pagtanggap ng nararapat para sa akin.
“Biyaya” = Ang pagbigay o pagtanggap ng hindi nararapat para sa akin.
Halimbawa:
Larawan ng Over Speeding
“Swerte” – Pag hindi nahuli.
“Katarungan” – Pag nahuli at nagbigyan ng ticket.
“Awa” – Pag nahuli, subalit hindi man lang binigyan ng ticket.
“Biyaya” – Pag nahuli, nabigyan ng ticket, subalit ang pulis ang nagbayad ng multa.
2. INILARAWAN NI APOSTOL PABLO KUNG ANO AKO BAGO AKO ILIGTAS NG
ATING PANGINOON, AT KUNG ANO ANG GINAWA NG DIYOS SA AKIN.
(Talakayin ang terminilohiya kung kinakailangan)
Roma 3:10-12 Ayon sa nasusulat: "Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa,
walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang
gumagawa ng mabuti, wala kahit isa."
Roma 5:6-10 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon
para sa mga makasalanan… Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang
mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Kaya't sa pamamagitan ng
kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, at tiyak na maliligtas tayo sa poot ng
Diyos. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan
sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo
sapagkat si Cristo ay buhay.
Efeso 2:1-9 Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.
Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe
ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Ang totoo,
tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang
hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong
kinapopootan ng Diyos. Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-
ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa
ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating
pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong
kasama niya sa kalangitan. Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay maipakita
niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob, sa pag-ibig niya sa atin
sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay
naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at
hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang
dapat ipagmalaki ang sinuman. Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan
ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning
pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 2:12; Efeso 4:17-19
3. ANG PRINSIPYO NG DIYOS KAUGNAY SA PAGPAPALIT
a. Ang grasya ng Diyos ay malinaw kahit pa sa unang pagsuway sa kanya nina Eba at
Adan.
Genesis 2
:15-17 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang
ito'y pagyamanin at pangalagaan. Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang
bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman
tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat
sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka."
:25 Kapwa hubad noon ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.
Genesis 3
:6-7 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay
niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong,
kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain
din ito. Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y
hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang
panakip sa katawan.
:8-12 Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang
Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno. Ngunit tinawag niya ang lalaki at
tinanong, "Saan ka naroon?" "Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan;
nagtago po ako sapagkat ako'y hubad," sagot ng lalaki. Nagtanong muli ang Diyos, "Sinong
maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?", "Kasi,
pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin," tugon ng lalaki.
:13 "Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?" tanong ng Panginoong Yahweh sa
babae. "Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain," sagot naman
nito.
:20 Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng
sangkatauhan.
:21-24 Ang mag-asawa'y iginawa niya ng mga damit na yari sa balat ng hayop.
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat
alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na
nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden
ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Pinalayas nga siya ng Diyos. At
sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin.
Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi
malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Binigyan sina Adan at Eba ng isang utos, na kanilang sinuway. Sinubukan nilang
maging katanggap-tanggap sa Panginoon – sa pamamagitan ng pagtakip sa kanilang
sarili ng pinagtagpi-tagping dahon mula sa puno ng igos.
Bawat isa sa kanila ay sinisi ang iba. Natanggap lamang nila ang nararapat –
Katarungan. Binigyan naman ng Panginoon ang hindi nararapat sa kanila – Biyaya -
representasyon ng isang hayop bilang kanyang pamalit.
Ang inosenteng buhay ng isang hayop ay isinakripisyo bunga ng kanilang
kasalanan. Ang pagsakripisyo sa buhay ng isang hayop ay siyang nagpapakita o
representasyon ng sakripisyo ni Hesukristo sa krus para sa kasalanan ng buong
sanlibutan.
b. Ang Paskwa – Iba pang illustrasyon ng kapalit na sakripisyo ni Hesukristo
Exodo 12
:1 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron sa Egipto,
:12-13 Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng
panganay na lalaki, maging tao man o hayop. At paparusahan ko ang lahat ng diyus-diyosan
sa Egipto. Ako si Yahweh. Dugo ang magsisilbing palatandaan ng mga bahay na inyong
tinitirhan. Lahat ng bahay na makita kong may pahid ng dugo ay lalampasan ko, at walang
pinsalang mangyayari sa inyo habang pinaparusahan ko ang buong Egipto.
:21-22 Tinawag nga ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi sa kanila,
"Pumili kayo ng isang tupa para sa inyong sari-sariling pamilya at katayin ninyo ito para sa
Paskwa. Kumuha kayo ng sanga ng halamang hisopo, basain ito ng dugo ng tupa at ipahid sa
magkabilang poste at itaas ng inyong pintuan. At isa man sa inyo ay huwag lalabas ng
bahay hanggang kinabukasan.
:23 Sa gabing iyon, lilibutin ni Yahweh ang buong Egipto at papatayin ang mga
Egipcio. Lahat ng bahay na makita niyang may pahid na dugo sa magkabilang poste at itaas
ng pintuan ay hindi niya hahayaang pasukin ng Anghel ng Kamatayan.
:24-27 Sundin ninyo ang mga tuntuning ito at palagiang ganapin, pati ng inyong
mga anak. Patuloy ninyong ganapin ito maging sa lupaing ipinangako sa inyo ni Yahweh.
Kapag itinanong ng inyong mga anak kung bakit ninyo ginagawa ito, sabihin ninyong ito'y
pag-aalaala sa Paskwa ni Yahweh nang lampasan niya ang bahay ng mga Israelita at patayin
niya ang mga Egipcio."
:29-30 Nang hating-gabing iyon, pinatay ni Yahweh ang lahat ng panganay na
lalaki sa buong Egipto, mula sa panganay ng Faraon at tagapagmana ng trono, hanggang sa
anak ng bilanggong nasa piitan; namatay din ang panganay ng mga hayop. Nang gabing
iyon, nagising ang Faraon, ang kanyang mga tauhan at lahat ng Egipcio, at nagkaroon ng
napakalakas na iyakan sa buong Egipto, sapagkat lahat ng bahay ay namatayan ng panganay
na lalaki.
Juan 1:29 Kinabukasan, nakita ni Juan na si Jesus ay lumalapit sa kanya. Kaya't sinabi niya,
Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
1 Corinto 5:7 … Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi
si Cristo.
 Ang mga Israelita ay alipin sa Ehipto. Ang tupa ay pinatay bilang pamalit.
 Bawat bahay na may dugo, ang mga naninirahan dito ay ligtas mula sa
paghuhukom ng Panginoon.
 Tuwing makita ng Panginoon ang pinto, kanyang sasambitin, “Ang paghukom
ay nanggaling na sa tahanang ito.”
(Paglalarawan: Ang isa sa mga pinakaligtas na lugar tuwing nagkakaroon ng
sunog ay kung saan ito ay humupa na.)
c. Ang sakripisyo ni Hesukristo bilang “Pamalit” ay siyang plano ng Diyos para sa ating
kaligtasan.
Isaias 53:4-6 Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating
mga karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya. Ngunit dahil sa
ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo
ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit
ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.
2 Corinto 5:21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na
makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Galacia 3:13; 1 Pedro 3:18
4. AKO AY NAILIGTAS DAHIL SA KANYANG PAG-IBIG, HINDI DAHIL AKO AY
KARAPAT-DAPAT.
Juan 6:37 (Sinabi ni Hesus) Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at
hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin.
Juan 6:44 (Sinabi ni Hesus) Walang makakalapit sa akin malibang akayin siya sa akin ng
Ama na nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw.
Roma 3:10-12 Ayon sa nasusulat, “… walang naghahanap sa Diyos…”
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 4:4-8; Efeso 1:3-8; Titus 3:3-8
5. ANO ANG KAIBAHAN NG “RELIHIYON” AT “KRISTIYANISMO”?
Ang “Relihiyon” sa buong mundo ay nagtuturo na mayroon isang bagay na kaya
mong gawin sa sarili mo upang maging kalugod-lugod o katanggap-tanggap sa
harap ng Panginoon. Ang “Tunay na Kristiyanismo” naman ay nagtuturo na ang
ginawa lamang ni Kristo para sa iyo ang nag-iisang daan upang maging katanggap-
tanggap ka sa harap ng Panginoon.
Juan 14:6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang
makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.
Gawa 4:12 “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang
pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay
maligtas."
6. NAGBIGAY SI HESUS NG PANANAW UKOL SA KALIGTASAN.
Juan 5:24 – isang magandang bersikulo na dapat tandaaan
(Sinabi ni Hesus) Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita
at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may
buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan,
sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.
Ang Buhay na walang hanggan ay hindi isang bagay lamang, ngunit ito ay walang
hanggang kalidad ng pagkakaroon ng tunay na Diyos.
ARALIN 4
ANG ESPIRITWAL NA ANYO NG ISANG
MANANAMPALATAYA
1. Ang tao ay nabubukod tanging kakaiba sa mga nilikha ng Panginoon, hiwalay sa
lahat ng mga nilalang. Ang tao lamang ang pinagkalooban ng “espiritu”, na kung saan
ay maari niyang makilala ang Panginoon.
Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa
ilong, at nagkaroon ito ng buhay. Genesis 2:7
espiritu – kamalayan sa Panginoon.
Nakikipag-ugnayan tayo sa Panginoon sa
pamamagitan ng ating espiritu.
kaluluwa – kamalayan sa sarili. Personalidad,
pangangatwiran, kagustuhan, nararamdaman,
pag-iisip at iba pa.
ka
katawan – kamalayan sa sanlibutan. Nakiki-
pag-ugnayan tayo sa ating kapaligiran sa
pamamagitan ng ating pandamang pisikal
1 Tesalonica 5:23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng
kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang
espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Roma 8:16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng
Diyos.
1 Corinto 14:15 (Sinulat ni Pablo) … Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu,
ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pananalangin. Ako'y aawit sa
pamamagitan ng espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pag-awit.
katawan
kaluluwa
espiritu
2. Ang kabuuang kaharian ng mga hayop ay limitado lamang, walang “espiritu” at
walang kamalayan sa Panginoon. (Genesis 2:7 tinutukoy ay tao lamang)
Hayop
Walang kamalayan ng, o pakikipag-ugnayan sa
Panginoon.
kaluluwa – ibat-ibang lebel ng likas na personalidad,
emosyon, pag-iisip, kagustuhan, at iba pa,
katawan – kamalayan sa sanlibutan. Nakikipag-
ugnayan sila sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan
ng kanilang pandamang pisikal.
Tanda Para sa Tagapag-Akay:
Ang larawan sa itaas ay isang simpleng ilustrasyon kung saan ito ay
gagamitin bago humakbang sa mas kumplikadong pag-aaral na
batay sa Banal na Kasulatan na tumatalakay sa mga paksa na
mapag-aaralan sa Aralin 3-12.
katawan
kaluluwa
ARALIN 5
ANG PINAGMULAN NG
DALAWANG KATANGIAN
Ang pinaka layunin ng araling ito ay tulungan tayong malinawan ang mga
pangyayari na kung saan tayo ay humantong sa ating sitwasyon sa kasalukuyan bilang
isang mananampalataya na may dalawang katangian. May mga ilang prinsipyong
pundasyon na naaayon sa Banal na Kasulatan na ipinakilala upang madali natin
maunanawaan ang iba pang katotohanan habang ito ay tatalakayin sa mga susunod na
paksa.
1. Ang katangian ng Panginoon – mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng mga
terminolohiya sa Bibliya na naglalarawan sa Kanyang katangian. Ang kanyang
katangian ay mapapalakas, habang hinahayaan natin ang Banal na Espiritu na
kausapin tayo sa pamamagitan ng kanyang Banal na Kasulatan.
Bilang isang hindi mananampalataya nakagawian natin ang magtiwala sa
ating mga sarili subalit bilang isang mananampalataya nararapat na nakagawian natin
na magtiwala sa Panginoon sa mga pang-araw-araw na desisyon. Kung ang
pangangatwiran na ang katangian ng Panginoon ay inilarawan sa Banal na Kasulatan,
samakatuwid karapat-dapat lang na Siya ang pagkatiwalaan ng walang pag-alinlangan
at wala sa katwiran kung Siya ay hindi pagkatiwalaan. Walang sapat na dahilan upang
hindi magtiwala sa Kanya. Ang pinakamabigat na kadahilanan upang hindi
pagkatiwalaan ang Panginoon ay ang ating pagtatangkang ilagay Siya sa ating
katangian. Kung ang Panginoon ay katulad natin, makatuwiran lamang na huwag Siya
pagkatiwalaan.
2. Pamaraan ni Satanas – ay susuguin ang sinuman na ang Panginoon ay hindi dapat
pagkatiwalaan, sa pamamagitan ng pagmamaliit sa katangian ng Panginoon.
Halimbawa: Sa Genesis 3:1-5 itinatanim niya ang pagdududa, ipinaparatang na ang
Panginoon ay sinungaling, nag papahiwatig na ang Panginoon ay hindi nagbibigay
nang pinakamabuti na nagmumula sa puso at ipinagpipilitan na Siya ay pumipigil sa
Mahalaga:
Sa araling ito, ang pinaka layunin ng pagpapakita ng mga katangian
ng Panginoon ay sa paglalarawan kung gaano kapaki-pakinabang
ang magtiwala sa Kanya.
kung ano ang mas ikakabuti nila. Kung ang Panginoon ay hindi sila iniibig, papaano nila
Siya pagkakatiwalaan?
Ganesis 3:1-5 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh.
Isang araw tinanong nito ang babae, "Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain
ng anumang bungangkahoy sa halamanan?" Sumagot ang babae, "Maaari naming kainin
ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon.
Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw
ay kakain nito, mamamatay kami." Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo
mamamatay!" "Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga
niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang
mabuti at masama."
3. Nang sina Adan at Eba ay nilikha, sila ay walang kapintasan katulad ng iba pang
nilikha. Sila ay kumpleto at lubos na nasiyahan, hindi nagkukulang sa kahit ano man na
paraan. Ang lahat ay umaayon sa katangian ng Panginoon. Ang kamatayan ay wala pa
bago ang panahong iyon.
Roma 5:12 … sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa
pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang
lahat ay nagkasala.
1 Corinto 15:21-22 Kung paanong dumating ang kamatayan … mamamatay ang lahat dahil
sa kanilang kaugnayan kay Adan…
4/5. Sina Adan at Eba ay naniniwala sa kasinungalingan ni Satanas tungkol sa
katangian ng Panginoon at kinain ang bunga, pinili ang pansariling kagustuhan
“kalayaan” sa Panginoon. Ang pagpili mabuhay malayo sa Panginoon ay malinaw sa
tatlong aspeto.
 Ang pang-unawa ng isang katauhan (upang magkaroon ng karunungan)
 Ang kinagigiliwan ng laman (mabuti upang kainin)
 Pag-aari (maganda sa paningin)
(Ang tukso ay nakapaloob sa isa sa tatlong aspeto na ibinigay.) Mahalagang
makita ang “mariing pagsusumikap tungo sa kalayaan” bilang “ugat” ng
suliranin ng sangkatauhan at nagiging isa sa mga naguudyok sa likod ng
pandaigdigan at personal na pagsuway sa Panginoon.
Genesis 3:6 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y
masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't
pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito.
6. Bawat tao na isinilang sa sangkatauhan ay namamana ang makasalanang
katangian ng isang katauhan (inilarawan silang madilim na puno) ni Adan, sa
pamamagitan ng kanilang ama sa laman. Dahil dito, lahat ng tao ay isinilang na may
pagnanais na sumuway sa Panginoon.
Genesis 5:3 … Adan … ay nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan.
Galacia 5:16-23 … Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu …
7. Si Hesus ay isinilang sa sangkatauhan, subalit walang ama na nagtataglay ng
makasalanang katangian ng tao. Bilang ikalawang Adan, Siya ay isinilang
kahalintulad ng walang kasalanan tulad ni Adan bago pa siya magkasala. Ang
makatwirang katangian ni Hesus, gaya ng ipinakita Niya sa kanyang buhay, ay siya
naman ang orihinal na layunin ng Panginoon kay Adan.
1 Corinto 15:45-46 … "Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay;" ang huling
Adan ay Espiritung nagbibigay buhay…
Roma 5:19 Sapagkat kung ang lahat ay naging makasalanan dahil sa pagsuway ng isang
tao, ang lahat ay mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isa ring tao.
8/9. Si Hesus ay tinukso kahalintulad sa tatlong aspeto gaya ni Adan, subalit si
Hesus ay mas piniling ipagkatiwala ang kanyang sarili sa pag-aaruga ng Panginoon
kaysa sa paniwalaan ang panunukso ni Satanas na mamuhay malayo sa Panginoon.
10. Sa paniniwalang, ang bagong mananampalataya ay isinilang sa espiritwal na
katauhan at tinatanggap ang banal na katangian sa Anyo ng Banal na Espiritu.
Juan 3:3,6 Sumagot si Jesus … “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli a ang isang
tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” … “Ang taong ipinanganak ayon sa
laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu.
Roma 7:14-25 … ngunit ako'y makalaman at alipin ng kasalanan; … Kung gayon, hindi na
ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Alam kong walang
mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti,
ngunit hindi ko nga lamang magawa ang mabuting ninanais ko. Sapagkat hindi ko ginagawa
ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. Kung ang
Mahalaga:
Ang makasalanang katangian ng isang tao ay kailanman hindi
mapapabuti. (Tingnan and Galacia 5:17 sa ibaba)
ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang
nananatili sa akin… Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na
salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang
nananatili sa aking katawan…
Galacia 5:16-23 Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong
buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. Sapagkat ang mga nasa ng laman ay
laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman.
Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawa ang nais ninyong gawin. …
Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba
sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos,
pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, a
paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito… Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-
ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
I. Mga Talata na may Kaugnayan sa Katangian ng Panginoon.
1. WALANG KAPINTASAN
Deuteronomio 32:3-4 … Si Yahweh ay aking pupurihin! "Si Yahweh ang inyong batong
tanggulan! mga gawa niya'y walang kapintasan, …
2 Samuel 22:31 Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay
sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag; …
Mateo 5:48 … gaya ng inyong Ama na nasa langit.
2. BANAL / MAKATWIRAN / HINDI NAGKAKAMALI O KAYA’Y HINDI
NAGSISINUNGALING / MAKATARUNGAN / MALINIS SA LAHAT NG
PAGKAKASALA.
Deuteronomio 32:3-4 … Si Yahweh ay aking pupurihin! ang kanyang pangalan ay inyong
dakilain. "Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan,
mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.
Levitico 19:2 … "Sabihin mo sa buong sambayanan ng Israel, 'Magpakabanal kayo,
sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal.
Job 34:10 " … mga taong magagaling, ang Makapangyarihang Diyos ba'y maaakay sa
masamang gawain...”
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 18:30; Isaias 6:3; Isaias 57:15;
Habakuk 1:13; Lucas 1:49; Roma 3:25-26; Hebreo 6:18; Pahayag 15:4
3. PINAKADAKILA
Job 34:14-15 Kapag binawi ng Diyos ang hininga ng tao, sila'y mamamatay at sa alabok ang
kanilang tungo.
Kawikaan 21:30 Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung si
Yahweh ay kalaban.
Isaias 46:11 May tinawag na akong mandirigma sa silangan, siya ay darating na parang
ibong mandaragit, at isasagawa ang lahat kong balak. Ako ang nagsasabi nito, at tiyak na
matutupad.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Daniel 4:35; Gawa 4:24
4. MAPAGMAHAL
Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak,…
Roma 5:8 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo
para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
1 Juan 4:16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa
katotohanang ito.
5. TAPAT / MAPAGKAKATIWALAAN / SANDIGAN
Deuteronomio 32:3-4 …; Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin! … Diyos na tapat at
makatuwiran…
Awit 33:18-21 Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay
kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga
sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
Awit 34:4-8 Ang aking (David) dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat
kong takot. … Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang
siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Tingnan mo at
lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 36:5; Awit 86:15; Jeremias 29:11; Roma
8:28; 1 Corinto 10:13; 1 Tesalonica 5:24; 2 Tesalonica 3:3; 2 Timoteo 2:13; 1 Pedro 4:19
6. HINDI NAGBABAGO
Awit 102:25-27 Nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang
siyang lumikha sa kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay
kukupas; sila'y huhubaring parang kasuotan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago,
walang katapusan ang mga taon mo.
Malakias 3:6 "Ako si Yahweh, hindi ako nagbabago…
Santiago 1:17 Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na
lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya
mang pagbabago.
ARALIN 6
BANAL NA ESPIRITU
I. PAPAANO MAKIKIPAG – UGNAYAN SA BANAL NA ESPIRITU
1. NARARAPAT NA AKO AY MAKISALAMUHA SA BANAL NA ESPIRITU BILANG
TAO, SAPAGKAT SIYA ANG PANGINOON. HINDI KO DAPAT ISIPIN NA SIYA AY
“INSPIRASYON”, O KAYA NAMAN AY “IMPLUWENSIYA” NA WALANG
PERSONALIDAD.
Gawa 5:3-4 … sinabi ni Pedro, "Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling
ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili
ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit
mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos."
1 Corinto 2:10-11 … Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang
pinakamalalim na layunin ng Diyos. Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao
maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip
ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos.
2 Corinto 13:14 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang
pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat. (Filipos 2:1)
 Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 4:30; Job 33:4
Ang Banal na Espiritu ay isang Tao. Hindi Siya impluwensiya, o kaya naman
pinilit, o kaya’y isang inspirasyon, ngunit Siya ay ang mismong Panginoon. Siya ay
kahalintulad ng matalik na kaibigan, marahil mas higit pa. Ang aking relasyon sa Kanya
sa maraming pamaraan ay katulad ng isang mabuting relasyong mag-asawa. Ano kaya
ang maaaring kahahantungan ng ganoong relasyon? Paggalang? Pakikipag-
Tanda sa Tagapag-akay:
Bawat puntos sa araling ito ay nagpapakilala sa mahalagang aspeto
na kakailanganin ng mga tagasunod na isaalang-alang at malinaw
na maintindihan ang kanilang mga unang hakbangin bilang
mananampalataya. Habang pinagbubulay-bulay ang bawat puntos,
tulungan ang mga tagasunod na lubusan maunawaan ang maaaring
kalabasan ng hindi naiintindihan ang aspeto; halimbawa, ano ang
maaaring kalabasan kung hindi iisipin na ang Banal na Espiritu ay
isang tao? Ipaliwanag, kung papaano si Hesus ay nalimitahan ng
katawang tao, subalit ang Espiritu Santo ay “kailanman nandiyan.”
uganayan? Pakikipagtalastasan? Pagpapalago? Papaano mo haharapin ang ganoong
“impluwensiya”?
2. NANINIRAHAN SIYA SA AKIN, ANG KANYANG TEMPLO. AKO AY KANYANG
PAG-AARI (MANIWALA MAN AKO O HINDI). ANG KANYANG PAGMAMAY-ARI AY
HINDI NAGING KATOTOHANAN PAGKATAPOS KO MANIWALA SA KANYA.
1 Corinto 3:16 Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang
kanyang Espiritu?
1 Corinto 6:19-20 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo
na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong
katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong
katawan upang maparangalan ang Diyos.
Ang pag-aari ng Panginoon sa isang Kristiyano ay nababatay sa katotohanan,
na hindi umaasa sa pagkilala ng mananampalataya sa katotohanang iyon. Hindi ko
kailangan ipakita ang pagmamay-ari, ang tanging magagawa ko ay kilalanin at kumilos
ukol sa katotohanan na kanyang ipinababatid. Ang bagong mananampalataya ay hindi
magiging palaban sa katotohanan na ito, sa kadahilanang wala pa silang kamuwang-
muwang sa mga inaasahan ng Panginoon. Sa kabilang dako, ang matagal na sa
pananampalataya ay tinatanggap lamang sa isip ang katotohanang ito, subalit
sumusuway sa mga kahihinatnan. Ano ang mga kahihinatnan ng pagmamay-ari?
Anong karapatan o kapangyarihan ang nauunawaan sa kabuuan ng paghahatid ng pag-
mamay-ari?
3. SIYA ANG KATIBAYAN (PAG-IMPOK, PANIGURO, PATUNAY) NA AKO AY ANAK
NG PANGINOON.
Roma 8:
:9 … kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong
iyon.
:14-16 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng
Diyos. Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga
aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing
mga anak ng Diyos…
2 Corinto 1:21-22 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng
pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan niya kami ng kanyang
tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang
mga ipinangako.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Galacia 4:6; Efeso 1:13-14; 1 Juan 3:24
Ang Banal na Espiritu ay patunay ng aking kaligtasan. Nararapat lamang na tayo ay
buong kalakasan harapin ang Banal ng Espiritu at maging bukas sa kanyang patnubay
at palatuntunan. Ang tagasunod ay dapat na lalong lumago na umaasa sa Banal na
Espiritu at tuluyang mabawasan ang pag-asa sa tagapag-akay. Ang tagasunod ay
dapat lalong magbigay ng pagkilala sa pagpaparamdam ng Banal na Espiritu sa araw-
araw niyang pamumuhay.
4. SIYA AY MAY PLANO SA BAWAT ARAW NG AKING BUHAY. NAIS NIYANG
MATUTO AKONG SUMUNOD AT SUNDIN SIYA. HINDI NIYA INAASAHAN NA
SUMUNOD AKO SA AKING PLANO.
Awit 139:16 Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang
haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas
mong ikaw lamang ang may alam.
Jeremias 10:23 Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang
buhay; at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.
Jeremias 29:11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong
hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo
ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Juan 14:16-17; Juan 14:26; Juan 16:13-15; 1
Corinto 2:9-14
Ang tagasunod ay kailangan karapat-dapat sa plano ng Panginoon para sa
kanyang buhay. Nais ng Panginoon na ako ay sumunod sa Kanya, ayaw niya na Siya
ay aking tingnan bilang aking Tagapaglingkod, na naaayon sa aking plano at
inaalalayan ako kung sa aking pakiramdam ay nangangailangan ako ng kanyang
tulong. Dapat ko malaman na ako ay may kalayaang gawin ang mga walang
kasiguraduhang pang araw-araw na plano at naisin sa hinaharap, habang lagi kong
isinasaisip na maaari Niyang baguhin ang mga ito ano man ang naisin.
5. SIYA AY NAMAMAGITAN SA AMA PARA SA AKIN AT TINUTURUAN AKO
MANALANGIN.
Roma 8:26-27 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi
tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa
paraang di natin kayang sambitin… sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga
hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.
Efeso 2:18 Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa nakakalapit sa presensya ng Ama sa pamamagitan
ng iisang Espiritu.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 6:17-18; Judas 1:20
Ang tagasunod ay kailangan panatilihing magkaroon ng patuloy na aktibong
pakikipag-ugnayan sa Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng pakikipagtalastasang
pagdarasal, pagbabasa at pag-aaral ng Salita, pakikinig sa Kanyang mga aral at iba pa.
6. BINAUTISMUHAN NIYA AKO NG PANGKALAHATANG KATAWAN NI KRISTO,
KASAMA ANG LAHAT NG TUNAY NA MANANAMPALATAYA. (TINUTUKOY ANG
“ESPIRITWAL” NA BAUTISMO, HINDI ANG BAUTISMO SA TUBIG).
Mateo 3:11 (Sinabi ni Juan Bautista) Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng
inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan… Ngunit ang darating na kasunod ko ang siyang
magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy.
1 Corinto 12:12-13 Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na
binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. Maging Judio o Hentil,
alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang
katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
Ang tagasunod ay kailangan maunawaan ang pakikipagisa Niya kasama ang
lahat ng miyembro ng pangkalahatang katawan ni Kristo, ang isa at namumukod
tanging tunay na Simbahan, pinagsamang pinagbuklod ng Banal na Espiritu. May mga
iilang aral at kultura na pagkakaiba sa bawat mananampalataya na hindi dapat
pagmulan ng pagkakawatak-watak o kaya nama’y hidwaan.
7. NAIS NIYA AKONG MAGPATUNAY TUNGKOL KAY HESUS SA MGA HINDI
MANANAMPALATAYA.
Marcos 13:11 Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano
ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat
hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo.
(Mateo 10:19 / Lucas 12:11)
Juan 15:26 Ngunit sa pagdating ng Tagapagtanggol, ang Espiritu ng katotohanan, na
susuguin ko mula sa Ama, magpapatotoo siya tungkol sa akin.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Juan 16:8-11; Gawa 1:8
Nais ng Banal na Espiritu gamitin ang Kanyang mga anak upang makaakay ng
mga hindi mananampalataya sa kapani-paniwalang pananalig kay HesuKristo. Dapat
ito ay sambitin sa salita katulad ng halimbawa ng isang buhay na Kanyang bunga. Si
St. Francis of Assisi ay nagsambit ng katagang – “ibahagi ng ebanghelyo – at kung
kinakailangan magbigkas ng mga salita.”
8. NAIS NIYANG GAMITIN ANG MGA BIYAYANG ESPIRITWAL NA KANYANG
IPINAGKALOOB SA AKIN PARA SA IBA.
Marcos 9:35 … Si Jesus … sinabi sa kanila, "Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat
maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat."
Roma 12:4-8 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba
ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang
katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. Tumanggap tayo ng iba't ibang
kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa
sukat ng ating pananampalataya. Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo.
Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong
puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa
ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
1 Corinto 12:4,7-11 Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang
Espiritung nagkakaloob ng mga ito… Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito… Ngunit
isang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob
sa bawat isa, ayon sa kanyang ipinasya.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Filipos 2:3-4; 1 Pedro 4:10-11
Ang bawat tagasunod ay may pagkakaiba sa plano at layunin ng Panginoon. Ang
nais ng Banal na Espiritu ay magkaroon ng pakikisalamuha at pagsasama-sama sa
pagitan ng mga mananampalataya. (At sinabi ni Hesus “Kung kayo'y mag-iibigan,
makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.” – Juan 13:35)
Nais Niyang makapagturo sa iba pang mananampalataya sa pamamagitan
ko. Ayaw Niyang ituon ako sa kung papaano makakatulong ang iba sa aking
pangangailangan. Pag-usapan ang konsepto ng pagbubungang espiritwal; i.e.,
paglagak ng aking mapagkukunan (oras, lakas, pag-aari) sa iba pang
mananampalataya upang tulungan sila sa paglagong espiritwal at pamumunga.
Mahalaga:
Sa pisikal na pangangatawan ng tao ang bawat miyembro ay may
nakalaan na tungkulin upang pagsilbihan ang katawan, hindi
pagsilbihan ng katawan ang bawat miyembro.
 
9. SIYA LAMANG ANG MAKAGAGAWA NG BUHAY ESPIRITWAL SA AKIN AT
PAMAMAGITAN KO.
Juan 6:63 (Sinabi ni Hesus) “Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng
tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay.
2 Corinto 3:6 … nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay-
buhay.
Ecclesiastes 3:14 Nalalaman ko, na ano mang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa
man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios,
upang ang tao ay matakot sa harap niya.
Ang lahat ng walang hanggang halaga ay kailangan may pinagmulan sa Banal
na Espiritu. Ako ay, at magpapatuloy, umasa sa aking sarili hanggang sa iwanan ko ang
katawang ito. Ang tagasunod ay dapat maging alisto sa posibilidad na ito, nang sa
ganoon hindi niya madama na siya ay kakaiba.
ARALIN 7
PAGLAGONG ESPIRITWAL
I. ANG NORMAL NA PAGLAGO NG ISANG MANANAMPALATAYA
BIGYANG PANSIN:
- Ang pagsuko ay kinapapalooban ng dalawang bahagi.
1. Una, mayroon itong desisyon na isuko ang kagustuhan (ang pagkilala na
Siya’y nagmamay-ari sa aking buhay at ang pagkakaroon ng Panginoon-
tagapaglingkod na relasyon, iyon ay ang kanyang “pagpasa Diyos”).
2. Kasunod ng pagpapasyang ito ay ang pang araw-araw na pagdaraanan sa
pagpapa-ubaya ng aking pag-unawa at pag-uugali. Ang Banal na Espiritu ay
hinahangad ang aking pakikipag-isa na hayaan Siyang baguhin ako bilang isang
umuunlad at mabungang mananampalataya.
DESISYON
 
ako
DESISYON
 
xoxoxoxoxo
xoxoxoxoxo
xoxoxoxoxo
xoxoxoxoxo
xoDoxoxoxo
DoxoDoxoxo
DoxoDoxoxo
DoDoxoDo
- Ang isahang pag-suko ng “kagustuhan” ay nagbubunga ng pagpapaubaya ng
“pag-uugali”.
- “Panloob na pagbabago” ay nagbubunga ng “pagbabago sa panlabas na pag-
uugali.”
“Ang tunay na pagsuko ay hindi simpleng pagsuko ng ating panlabas na buhay lamang
bagkus ito ay pagsuko ng ating mga kagustuhan – at pag nangyari na ito,
nangangahulugan na ang pagsuko ay naisakatuparan na. Ang pinakamalaking balakid
na ating haharapin ay ang pagsuko ng ating mga kagustuhan. Subalit ang Panginoon ay
kailanman hindi pinilit ang tao isuko ang kagustuhan nito, at Siya’y hindi nagmaka-
awa kailanman. Siya ay nagtiyagang naghintay hanggang ang taong iyon ay buong-
pusong magpa-ubaya sa Kanya. At pag ang hadlang na iyon ay natapos na, hindi na
kailangan laban pa itong muli.”
Sinabi ni Hesus, “Kung nais ninyong maging tagasunod ko, nararapat lamang na isuko
niyo ang inyong karapatan sa Akin.” At pagkatapos ninyong isuko – ay ano na? Ang
inyong buhay ay dapat makitaan ng pananabik na mapangalagaan ang walang patid na
pagsasama at pakikipag-isa sa Panginoon.”
(Taken from My Utmost for His Higest by Oswald Chambers –
Sep. 13. © 1935 by Dodd Mead & Co., renewed © 1963 by the Oswald Chambers
Publications Assn., Ltd., and is used by permission of Discovery House Publishers, Box 3566,
Grand Rapids MI 49501. All rights reserved.)
Isa-isahin Natin ang Ilustrasyon sa Itaas.
Kinakatawan ng bilog na ito ang hindi pa mananampalataya
Sa pamamagitan ng pananalig ng Banal na Espiritu, ang hindi pa
mananampalataya ay kailangan makita ang kanyang kawalang
pag-asa, at gumawa ng “desisyon” na tawagin ang Panginoon
para sa kapatawaran at kaligtasan.
Ang bagong mananampalataya at tumanggap ng buhay na walang
hanggan (ang kaganapan) at ang Panginoon ay nagsisimulang
manirahan sa mananampalatayang iyon sa Katauhan ng Banal na
Espiritu. Sa katayuang ito natural lamang na nakatuon ang bagong
mananampalataya sa “panlabas na pag-uugali”.
ako
DESISYON
Sa kapanganakan ang ating kaisipan ay tulad ng isang walang
laman na pisara.
Ang ilustrasyong ito ay kumakatawan ng ating pag-unawa sa
buhay, kaugalian at iba pa na ating natanggap mula sa
kapanganakan hanggang sa ating pagbabago, ito ay bunga ng mga
impluwensiyang natutuhan buhat sa ating mga magulang, kaibigan,
media, kultura at iba pa. Ang pag-unawang ito ay hindi naglalaho
sa kaligtasan. Ang mananampalataya ay kailangan matutong
kasama ang Banal na Espiritu bilang nakagisnan. Ang gawain ng
pagpapasunod ay subaybayan ang hakbangin na iyon.
Upang ang espiritwal na paglago ay magpatuloy, ang
mananampalataya ay nangangailangan magkaroon ng kasunduan
sa Panginoon kung sino ang mas karapat-dapat mamahala sa
proseso ng paglago.
Maaaring ito ay mangyari sa pagbabago, ngunit sa kasamaang palad karamihan sa
mga ito ay hindi naunawaan at tinanggap, hanggang sa kinalaunan. Kalimitan, meron
tatlong nagsisilbing gabay na makakatulong sa mananampalataya na gumawa ng
pagpapasya na tanggapin ang nasa Banal na Kasulatan ang Panginoon-tagapaglingkod
na relasyon.
Ito ang mga:
1. Pighati
2. Paghihirap
3. Personal na tagapagsunod
Tanda:
Karamihan sa ating mga nauunawaan ay salungat sa Diyos, ngunit
Siya lamang ang makapag aayos ng tama sa hakbangin ng
pagbabago.
X = Pang-unawa na salungat sa Diyos
O = Pang-unawa na hindi nangangahulugang salungat sa Diyos
XOXOXOXOXO 
XOXOXOXOXO 
XOXOXOXOXO 
XOXOXOXOXO
DESISYON
Ang illustrasyong ito ay ipinakilala ang mananampalataya na
gumawa ng desisyon na ipaubaya ang kanyang kalayaan, at
kumilala sa Panginoon ang kanyang nararapat na Diyos sa
kanyang buhay. Nauunawaan niyang ang Diyos lamang ang may
kakayanang patnubayan ang kanyang buhay.
ANG PROSESO NG PAGBABAGO: Habang hinahayaan ko Siya,
gagamitin ng Panginoon ang kanyang Salita at ang mga
pangyayari upang malinawan ako sa mga bagay-bagay na dapat
kong palitan. Ang tawag sa prosesong ito ay “Pagpapakabanal”
(Roma 12:1-2; Efeso 4:22-24) Ang “espiritwal na paglago” ay
ang proseso na kung saan ang pagtingin ng Panginoon sa
buhay ay siya ring nagiging pagtingin ng isang
mananampalataya. Ayaw ng Diyos na maging parang robot ang
isang mananampalataya kundi isang katipan na patuloy na
nagagalak sa pakikisama sa Kanya.
“Habang ang mananampalataya ay binago ang kanyang kaisipan
at ginawa na mas katulad ni Kristo, siya ay lalapit upang sang-
ayunan at gustuhin ang kaloob ng Panginoon, hindi ang
kagustuhan nito para sa sarili niyang buhay. At kanyang
matutuklasan na ang kaloob ng Panginoon ay siya namang
makabubuti sa kanya at kalugod-lugod sa Diyos, at sasapat sa
lahat ng kapamaraanan. Iyan ang lahat ng kanyang kailangan.
Subalit sa pamamagitan lamang ng pagbabagong espiritwal ay saka pa lamang
makasisiguro ang mananampalataya at masasayahan sa kaloob ng Diyos.”
(Walvoord, John F., and Zuck, Roy B., The Bible Knowledge Commentary,
(Wheaton, Illinois: Scripture Press Publications, Inc.) 1983, 1985.
Tanda:
D = Kumakatawan sa mga lugar ng pang-unawa na binago na ng
Panginoon na ayon sa Kanyang kagustuhan.
xoDoxoxoxo
DoxoDoxoxo
DoxoDoxoxo
DoDoxoDo
II. ANG KARANIWANG MALING KAISIPAN UKOL SA “PATULOY NA
PAGSUKO”
BIGYANG PANSIN:
1. Kung ang “pagpapasa Diyos” ay ilalagay sa konteksto ng “proseso ng sapilitang
pagsuko” ng panlabas na pag-uugali ang bungang kaisipan na implikasyon na
mangyayari ay isang “lubusang panlabas na pag-uugali” buhay kung saan ito ay
bunga ng “buong pagsuko”. Kalimitan ang mananampalataya ay nakikita ang kanyang
sarili na siya ang bahala sa pagsubaybay ng proseso nito at humahantong sa
kalungkutan at kabiguan, subalit sino ang makapagsasabi sa kanyang sarili na siya ay
buong-buong sumusunod sa Panginoon?
2. Kung ang “ikapu at kaloob” ay pagkilala sa “bahagi ng Panginoon”, ang bungang-
kaisipan na implikasyon nito ay mayroon akong “karapatan” pamahalaan ang iba ko
pang ari-arian. Kung ang “oras” ay sapat para sa pagpunta sa Simbahan, pagbabasa
ng Banal na Aklat, at iba pa ay nauunawaan bilang bahagi ng Panginoon, samakatuwid
hindi lahat ng aking oras ay para sa akin upang pamahalaan?
DESISYON
 
ako
 
“Totoong nais ko na
lubos ang pagkontrol
ni Hesus sa akin
balang araw” Subalit
sa ngayon… Sa tingin
ko gusto ng Diyos na
gawin ko ang aking
pinaka-kayang gawin,
hindi ba?
Ang Ilustrasyong ito ay Kumakatawan sa Hindi Kanais-nais na
Pag-unlad ng Isang Mananampalataya.
Mga Suliranin na may Kaugnayan sa mga Sumusunod na Pananaw:
1. Ito ay nagbubunga sa pananaw ng mananampalataya na ang Diyos ay isang
banta; tulad ng:
a. “Ano ang ipagagawa Niya sa akin na hindi ko kaya o ayaw kong gawin?”
b. “Ano ang gagawin Niya upang hindi ko magawa ang mga nais kong gawin?”
c. “Ano ang kukunin Niya sa akin na talagang pinaka-iingat-ingatan ko?”
d. “Bibiguin ba Niya ako kung ipagkatiwala ko ito sa Kanya?”
2. Ang mananampalataya ay nakikita ang kanyang sarili na taga pamahala sa
proseso ng kanyang paglagong espiritwal, na naging basehan kung ano lang ang
dapat at kailangan ipaubaya sa Banal na Espiritu. Sa madaling salita, dapat alisin ang
mananampalataya ang mga alintuntunin at limitasyon. Ang pananaw na it ay kalimitan
dahil sa pagiging mapagmataas, ang pinalawak na pananaw ng pansariling kaalaman
at kakayanan, at ang magulong pagka-unawa sa katangian ng Panginoon.
BIGYANG PANSIN:
1. Walang maipaliwanag na dahilan upang ayawan ang paanyaya sa Kanyang
pagka- Panginoon. Ang pagiging kulang sa pagtanggap ay mula sa kadahilanang:
a. natatakot sa walang kasiguraduhan
b. ayaw bumitaw sa pagkontrol sa sarili
c. ayaw lumisan sa masarap na kinatatayuan, o
d. ang sobrang paniniwala sa pansariling kakayanan upang pagpasyahan at
pamahalaan ang kanyang haharaping buhay.
Sabi ni Hesus: "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha
sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking
pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at
mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling
dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo."
(Mateo 11:28-30)
Hindi sinabi ni Hesus na, “Alamin niyo ang tungkol sa Akin, at kung nagustuhan
ninyo kung papaano ko ginagawa ang mga bagay-bagay, saka ninyo kunin ang
Aking paanyaya!”
2. Ang totoong katanungan ay mapagkakatiwalaan ba ang Panginoon? Kung ang
Panginoon ay tulad natin, meron tayong dahilan upang mangamba.
Ang isa ay dapat magtanong: Mahal ba ako ng Diyos? Kung ang katangian ng Diyos na
inilrawan ay katulad ng sa Banal na Kasulatan, at nangako Siya na gagawin lamang
ang mas makabubuti sa akin, ano pa ang aking dapat ipangamba? Diba siya ang
gumawa sa akin? Hindi ba Niya ako binigyan ng buhay? Hindi ba Niya
pinapangalagaan ang aking buhay sa ngayon? Sino pa bukod sa Panginoon ang
makakaalam ng aking ikasisiya? Diba Siya lang ang nakakaalam kung ano ang
makakabuti para sa akin? Hindi ba Siya lang nakaka alam kung ano ang gusto Niya sa
aking buhay at gagamitin Niya ito para sa kanyang walang hanggang layunin?
3. Ang pag-aari ng Panginoon sa isang mananampalataya ay isang katotohanan, na
hindi umaasa sa pagkilala ng mananampalataya sa katotohanan na iyon. Hindi ko
kailangan ipakita ang pag-aari, ang tanging magagawa ko ay kilalanin at kumilos
ukol sa katotohanan na kanyang ipinabatid. Ang bagong mananampalataya ay
susuway sa katotohanang ito, sapagkat wala pa silang pagkakaunawa sa inaasahan ng
Panginoon. Sa kabilang banda, ang matagal na sa pananampalataya ay tinatanggap
lamang sa isip ang katotohanang ito, subalit sumusuway sa mga maaring
kahihinatnan. Ano ang mga kahihinatnan ng pag-aari? Anong mga karapatan o
kapangyarihan ang nauunawaan sa kabuuan ng pag-aari? Ang tagasunod ay kailangan
maunawaan na siya ay nabubuhay sa espiritwal na “kaharian” hindi sa kalayaang
espiritwal.
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at
ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat
binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang
maparangalan ang Diyos. 1 Corinto 6:19-20
Kung nais ng Diyos na saktan o pahirapan kayo,
sa tingin niyo ba ay kailangan pa Niyang hintayin ang iyong pahintulot?
III. ANOLOHIYA: ANG MGA SILID SA IYONG “BAHAY”
Si Hesus ba ay mayroong pahintulot sa lahat ng silid ng iyong bahay?
Ang Kwento ng Dalawang Mananampalataya
Nang kumatok si Hesus sa pinto ng kanilang mga puso (Pahayag 3:20) at
humingi ng pahintulot upang pumasok, agad siyang pinapasok ng dalawang tao,
sapagkat naunawaan nila na ang pagkawala Niya ay siyang dahilan ng kakulangan sa
kanilang buhay (ang Pagpasya sa Kaligtasan).
Bilang bagong mananampalataya ang bawat isa ay lubos na nagagalak na si
Hesus ay nasa kanyang tirahan at lahat ng kanyang pagkakasala ay napatawad na.
Bawat isa ay mayroon kasiyahan at kasiguraduhan na pupunta sa langit. Si Hesus ay
nanirahan sa “Silid ng Bisita” – kung saan ito laging malinis at kaakit-akit para sa mga
bisita – at naninirahan din Siya sa “espiritwal” na silid – kung saan ang
mananampalataya ay pumupunta upang dumalo sa Simbahan, magdasal at magbasa
ng Bibliya.
Subalit balang araw ay hihingi si Hesus ng Pahintulot sa bawat isa sa
kanila na gumawa ng mga pagbabago sa kanilang mga tahanan, gaya ng
pagtangkilik sa bagong pamamahala, ayusin muli ang mga bagay-bagay, pagtapon sa
mga walang kabuluhang bagay, at magdala ng mga bagong ari-arian. Siya ay humihingi
ng pahintulot sa bawat silid. Ang bawat mananampalataya ay may kaniya-kaniyang
sagot.
May Pahintulot si Hesus
Silid ng Pamamahal sa
Pera at Ari-arian
Silid ng Pandaigdigan at Politikal
Silid ng Pisikal at Kalusugan
Silid ng Sosyal at
Pakikipag Relasyon
Silid ng Bisita
Silid ng Mag-asawa at Pamilya
Silid ng Trabaho at Libangan
Silid ng Pamamahala sa Oras at
Pagpaplano sa hinaharap
Silid ng Ibat-Ibang Gastusin
“Espiritwal” na Silid
Silid ng Pamamhala sa
Pera at Ari-Arian
Silid ng Pandaigdigan
at Politikal
Silid ng Pisikal at
Kalusugan
Silid ng Sosyal at
Pakikipag Relasyon
Silid ng Bisita
Silid ng Mag-asawa at
Pamilya
Silid ng Trabaho at
Libangan
Silid ng Pamamahala sa
Oras at Pagpaplan sa hinaharap
Ano ang nasa silid na ito?
“Espiritwal” na Silid
 
Pagpasya sa Kaligtasan LAMANG
Ang mananampalataya na nasa kaliwang tahanan ay matatagpuan ang kanyang
sarili na may agam-agam ibigay ang kahilingan ni Hesus na gumawa ng malaking
pagbabago. Subalit, siya ay bukas sa mga mungkahi at hahayaan ang mga maliit na
pagbabago na hindi makakabalakid sa kanyang pamumuhay at mga plano sa
hinaharap.
Ipinabatid sa Kanya ni Hesus na Siya (Hesus) lang ang Nag-Iisang may sapat na
kakayanang ayusin ang bawat desisyon kagaya ng nasusulat sa itaas, sapagkat Siya
lang ang nakakaalam ng mga kakailanganin upang gawin karapat-dapat ang tirahan
para sa Panginoon, isang tirahan na magagamit sa kanyang mga layunin. Ipinaliwanag
ni Hesus ang mga mabuti Niyang hangarin, at sinisiguro na magiging kuntento ang
isang mananampalataya sa kakalabasan nito.
Habang ang mananampalataya ay tumugon dahil kaakit-akit ito sa kanyang
pandinig, tinitingnan pa din niya ang kanyang sarili bilang mabuting tagapag husga
kung ano ang nararapat at hindi ang di dapat baguhin, base sa kanyang mga
karanasan. Kanyang ipinapadama ang kanyang pagpapasalamat sa presensiya ng
Panginoon at mga pagpapala nito, at ang nais niyang gawing katanggap-tanggap ang
Silid ng Bisita para sa Kanya.
Kanyang sinisiguro kay Hesus habang lumilipas ang panahon, kanyang bibigyan
ito ng pahintulot sa iba pa nitong mga silid. “Hesus, nagpapasalamat ako sapagkat Ikaw
ay naninirahan sa aking tahanan! Ako’y nagagalak na malaman na Ikaw ay aking
maaasahan at laging nandiyan sa bawat sitwasyon na sa aking tingin ay mahirap
gawan ng paraan.
Pagpapasya sa Kaligtasan at Pagpapasa Diyos
Ang mananampalataya na nasa kanang tahanan ay matatagpuan din ang
kanyang sarili na may agam-agam ibigay ang kahilingan ni Hesus sa kadahilanang
hindi pa siya handa sa malaking pagbabago. Subalit, batid niya na siya ay nabili sa
malaking halaga at si Hesus ang nararapat na Magmay-Ari.
Kanyang idinahilan, “Kung si Hesus ang nagmamay-ari, papaano ko Siya
matatanggihan sa bawat silid ng aking tahanan? (ang pagpapasa Diyos na desisyon ay
pagkilala kay Hesus bilang Panginoon ng kanyang buhay.)
Ang mananampalataya na tila duda, hindi niya nauunawaan kung papaano ang
pagpasyang ito ay makaka apekto sa kanyang hinaharap. Subalit kanyang idinahilan na
kung si Hesus ay madami ng nagawa para sa kanya nararapat lamang na Siya ay
patuloy na pagkatiwalaan gawin ang kung ano ang mas ikabubuti sa kanyang
kapakanan.
“Hesus hindi ko alam kung ano ang Iyong mga plano sa aking buhay, at
magtatapat ako na may mga takot akong nararamdaman. Subalit aking nauunawaan na
ako ay Iyong pag-aari at hindi ako maaaring gumawa ng sariling pagpapasya sa aking
buhay sapagkat hindi ko alam kung ano ang gusto Mo gawin sa akin, o di kaya’y ano
ang nakapaloob sa mga mangyayari. Ako’y nagpapasalamat na alam Mo, at nais kung
magtiwala sa Iyo na gawin ang nararapat na pagbabago sa akin.”
“Salamat sapagkat kabilang ako sa Iyong mga plano. Wow!”
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo
at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat
binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan
upang maparangalan ang Diyos. (1 Corinto 6:19-20)
Kahit ang pagpapasya ng Diyos ay nagbibigay sa Panginoon ng pahintulot sa
lahat ng mga silid sa tahanan, Siya lamang ang makapagpapasya kung ano ang dapat
baguhin sa bawat silid. Ang Banal na Espiritu ang mamamahala sa mga pagbabagong
gagawin habang inaalam Niya kung ano ang mas ikakabuti. Ang lahat ng ito ay bahagi
ng patuloy na paglago.
ANONG MGA SILID ANG NASA INYONG MGA TAHANAN?
Pagkakatiwalaan mo ba ang Panginoon sa LAHAT ng mga silid?
Pag-isipang mabuti at magdasal kung si Hesus ay may pahintulot
sa lahat ng iyong tahanan – pagmamay-ari Niya ito!
Pagkatapos tingnan ang kinalabasan, hindi magsisisi ang
kahit na sino man sa pagpasyang pagpili sa Kanya
bilang taga Pamahala ng kanilang buhay.
ARALIN 8
ILUSTRASYON NG DALAWANG KATANGIAN AT
PANANATILI
1. ANG MGA SUMUSUNOD NA ILUSTRASYONG MAKIKITA AY HANGO SA APAT
NA ESPIRITWAL NA KALAGAYAN.
A. Si Adan (bago magkasala) at Hesus – habang Siya ay nasa daigdig
Lahat ng pag-uugali ay naayon sa katangian ng Panginoon, nakalulugod sa kanya.
Genesis 1:27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan …
Genesis 2:7 … ng Panginoong Yahweh … hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng
buhay.
Genesis 1:31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.
(walang mali, walang pagkukulang)
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 5:14; 1 Corinto 15:45; Filipos 2:5-7;
Hebreo 4:15
katawan
kaluluwa
espiritu
Ang walang salang likas
ng tao, lubos na tugma
sa Panginoon
PANGINOON
Ang walang salang likas
ng tao, lubos na
kaparehas ng Panginoon
B. Lahat ng hindi mananampalataya
Ang kanilang mga gawa (bunga) ay walang buhay (walang hanggan), may
pagkukulang (pagkakamali) at samakatuwid hindi katanggap-tanggap sa Panginoon.
Roma 3:23 sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian
ng Diyos.
Roma 3:10-12 … "walang matuwid, wala kahit isa… walang naghahanap sa Diyos; …
Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa."
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: 1 Corinto 15:22; Efeso 2:12
Kaalaman:
Tinatanggap lamang ng Panginoon ang walang kamalian
(100% walang bahid). Walang sinuman ang may katangian nito.
Ang hindi mananampalataya ay pinagkaitan ng Kanyang buhay. Ang
Panginoon Lamang ang makagagawa ng kahit na ano na mayroong
halaga panghabang buhay.
katawan
kaluluwa
Ang makasalanang likas
ng tao, nadungisan at
walang kakayanang
magbunga ng gawa na
katanggap-tanggap at
kalugod-lugod sa
Panginoon.
PANGINOON
Ang nadungisan
likas ng tao
KASALAN
C. Ang kalagayan ng “pananatili” sa pakikipagtipon kasama ang Banal na Espiritu. (Ang
“normal” na buhay ng mananampalataya)
Lahat ng papayagan ko na gawin ng Banal na Espiritu para sa akin ay pang walang
hanggan at may gantimpala sa luklukang hukom ni Hesus
(ginto, pilak at mamahaling bato.)
Galacia 5:16 … ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo
magiging alipin ng hilig ng laman.
Galacia 5:22-23 … ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan,
kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa
mga ito.
Tanda:
Ang pabilog na “guhit na may tuldok” ay naglalarawan sa
“kalagayan” ng aspeto ng pananatili.
kaluluwa
katawan
ang likas ng tao ay
nandiyan at nadungisan
ngunit walang
kapangyarihan
D. Ang kalagayan ng “hindi pananatili”, mayroong mga problema na hindi pa
natutugunan ng Banal na Espiritu.
“paglalakad sa laman”
Ang lahat ng hindi puspos ng Banal na Espiritu ay pansamantala lamang, pag walang
buhay Niya at walang gantimpala (kahoy, dayami, putik).
Galacia 5:17 Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang
kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito
…
Juan 15:4-5 “…Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman,
hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa Akin... sapagkat wala kayong
magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. (walang habang buhay na halaga)
Roma 8:8 … ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
Ang Parusa ng Kautusan
2. GUMAGAMIT ANG PANGINOON NG MGA PUNO AT HALAMAN UPANG
PASALUNGATIN ANG DALAWANG LIKAS.
Ang Kaluwalhatiang Likas sa katauhan
ng Banal na Espiritu.
Jeremias 17:7-8 "Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa
sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga
ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat
mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin;
patuloy pa rin itong mamumunga.
Kaalaman:
Kahit na ako ay lumalakad ng may pakikipagtipon kasama ang Banal
na Espiritu (#3), at walang usaping kailangang tugunan, hindi lahat
ng aking ginagawa ay puspos Niya, o kaya’y kinalulugdan Niya.
Habang pinapayagan ko Siyang palaguin at pagtibayin ako, lalo
Siyang magkakaroon ng kalayaang mamunga ng kanyang gawain.
At kung aking makita ang aking sarili na hindi ko kaisa ang Banal na
Espiritu (#4), ito ay aking desisyon. Hindi ko kailangan magtagal na
walang pakikipagtipon sa Banal na Espiritu. Ang muling pagsasa-
ayos ng kalagayan ng pananatiling may pakikipagtipon (#3) ay
magaganap agad sa paghingi ng kapatawaran ng mga kasalanan na
kung saan ako ay pinapanagot ng Banal na Espiritu.
Mayroon tayong kalayaan kay Kristo … hindi kasarinlan.
Papapano ko malalaman kung ako ay wala na sa pakikipagtipon sa
Banal na Espiritu (#4)? Kadalasan ang mga palatandaan ay
nagbibigay tanda sa nananakit na pangangatawan. Kahalintulad ng
“patuloy” na palatandaan sa espiritwal ng makasalanang likas,
kagaya ng: Pagkatisod, Pagsusumikap, Mainipin, Walang
Kapayapaan, Pagkabigo, Pagkatalo, Walang Kasiyahan,
Reklamador, Pag-alala, Galit, Pagkabalisa, Irritable, Mabisyong
Pag-uugali, Papanghusga at iba pa.
Awit 1:3 Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at
namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
Mateo 7:17-18 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, … Hindi maaaring mamunga ng
masama ang mabuting puno, …
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Galacia 5:17-23; 2 Pedro 1:4
Ang likas ng isang katauhan na nadungisan
ng kasalanan ay mula sa unang Adan.
Jeremias 17:5-6 Sinasabi ni Yahweh, "Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin,
at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay. Ang
katulad niya'y halamang tumubo sa disyerto, sa lupang tuyo at maalat, na walang ibang
tumutubo; walang mabuting mangyayari sa kanya.
Mateo 7:17-18 … subalit masama ang bunga ng masamang puno. … hindi maaaring
mamunga ng mabuti ang masamang puno.
Galacia 5:17-23 Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu … Hindi
maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa
diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos,
pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, a
paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito, …
3. INIHAMBING NI SANTIAGO ANG LIKAS NG SANGKATAUHAN SA BUKAL NG
“MAALAT NA TUBIG” AT SA KALUWALHATIANG LIKAS NG BANAL NA ESPIRITU
SA BUKAL NG “BUHAY NA TUBIG”.
Santiago 3:9-12 … sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat
mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga
kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng
ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.
Juan 7:37-39 … tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, Kayong mga nauuhaw ay
lumapit sa akin, at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa
kasulatan, Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.
Ang tinutukoy niya'y ang Espiritu …. (Tingnan din ang Juan 4:13-14)
4. ANG LIKAS SA SANGKATAUHAN AY MAKASALANAN, MALAYA AT MALAYO
SA KAAYUSAN.
Jeremias 17:9 "Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito'y mandaraya at walang katulad;
…
Juan 6:63 Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao…
Roma 3:10-12 Ayon sa nasusulat, "Walang matuwid, wala kahit isa. … walang naghahanap
sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti,
wala kahit isa."
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 7:18; Roma 8:8; Galacia 5:17
5. ANG TAO AY SUMUSUBOK AYUSIN ANG KANYANG PANLABAS NA PAG-
UUGALI, SUBALIT ANG PANGINOON AY ITINUTUON TAYO SA UGAT NG
PROBLEMA – ANG MAKASALANANG LIKAS NG SANGKATAUHAN. ANG
PANLABAS NA PAG-UUGALI AY PATUNAY LAMANG NG TUNAY NA SULIRANIN.
Mateo 5:
:21-22 (Sinabi ni Hesus) "Narinig ninyo na iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno,
'Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.' Ngunit sinasabi
ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, …
:27-28 "Narinig ninyong sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.' Ngunit sinasabi ko
sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay
nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.
Mateo 15:19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay,
pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at
paninirang-puri.
6. ANG LAYUNIN NG BATAS AY GAWING MALINAW ANG PAGIGING
MAKASALANAN NG AKING PAGKATAO, NANG SA GAYON AKO AY HIKAYATIN
NA HUWAG UMASA DITO, KUNDI SA BANAL NA ESPIRITU. (Tingnan din ang
Galatians 3:1-3)
Roma 3:19-20 Alam natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasasakop
nito upang walang maidahilan ang sinuman, at dahil dito'y mananagot ang lahat sa Diyos.
Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa
Kautusan, dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala.
(Tingnan din ang Hebreo 7:18-19)
Roma 5:20 Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; …
Galacia 5:22-23 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang
batas laban sa mga ito.
Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 4:15; Roma 5:13
7. SA ROMA KAPITULO 7-8, IPINAPAKITA NI PABLO ANG KAWALANG PAG-ASA
NG SANGKATAUHAN AT ANG PERPEKTONG SOLUSYON NG PANGINOON.
a. Sa pananaw ng Panginoon ang mananampalataya ay kailangan “mamatay sa”
(kalayaan mula) makasalanang likas, at nakiisa kay Kristo.
Roma 6:18,22 Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng
katuwiran… Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at naging alipin na ng
Diyos, …
Roma 7:4 … namatay na kayo sa Kautusan dahil kayo'y bahagi ng katawan ni Cristo, at
ngayon kayo ay kabilang na sa mga nakipag-isa sa kanya na muling binuhay, upang
magbunga tayo ng mabubuting gawa para sa Diyos.
b. Nung hindi pa ako mananampalataya ang aking buhay ay kinapapaibawan ng
makasalanang likas, na naninirahan sa aking pisikal na pangangatawan.
Roma 7:5 Noong tayo'y namumuhay pa ayon sa ating likas na pagkatao, ang ating mga
masasamang hilig na pinupukaw ng Kautusan ay nag-uudyok sa atin na gumawa ng mga
bagay na hahantong sa kamatayan.
TANDA:
(tumutukoy muli sa ikatlong puntos #3)
Ang Batas ay mailalarawan bilang isang palatandaan sa tabi ng
maalat na bukal sa desyerto. “BABALA! ANG TUBIG NA ITO AY
NARUMIHAN NA AT HINDI LIGTAS INUMIN.” Ang maalat na tubig
ay “mukhang” malinis, subalit hindi kayang magdugtong sa buhay ng
tao.
TANDA:
Sa mga sumusunod na talata, ang “kamatayan” ay tumutukoy sa
“kawalan ng buhay”, i.e. kawalan ng buhay na nagmumula sa
Panginoon.
Sa katotohanan, ang mananampalataya ay namatay na sa kasalanan. Ang Gregong
salita (pangnagdaan) ng “namatay” ay nagmumungkahi ng pinaka detalyadong punto
na kung kailan ang pangyayari ay naganap, sa kaligtasan. Ang kamatayan, pisikal man
o espiritwal, ang ibig sabihin ay paghiwalay, hindi pagkawala (talata 6:6-7, 14). Ang
kamatayan sa kasalanan ay paghiwalay mula sa kapangyarihan nito, hindi ang
pagkawala ng kasalanan. Ang pagiging patay sa kasalanan ay nangangahulugang
“malaya sa kasalanan” (talata 6:18, 22 sa itaas). Dahil sa katotohanang iyon, naitanong
ni Pablo, “Papaano sila mabubuhay ng matagal doon? Kapansin-pansin ang
mananampalataya ay hindi mabubuhay sa kasalanan kung namatay din sila.”
(Walvoord, John F., and Zuck, Roy B., The Bible Knowledge Commentary,
(Wheaton, IL: Scripture Press Pub., Inc.) 1983, 1985.
Ako bilang mananampalataya
TANDA:
Ang pabilog na “guhit na may tuldok” ay
naglalarawan ng “kalagayan” ng aspeto ng
pananatili.
Inilahad ng Kautusan ang
bunga ng Sangkatauhan
Ang Sangkatauhan ay
nandiyan subalit walang
kapangyarihan
c. Ngayon, bilang isang mananampalataya, ako ay napalaya na mula sa pagkaalipin ng
kasalanan.
Roma 7:6 Ngunit malaya na tayo ngayon mula sa Kautusan dahil namatay na tayo sa
kasalanang dating umaalipin sa atin. Kaya, tayo'y naglilingkod sa Diyos hindi dahil sa
lumang batas na nakasulat, kundi dahil sa bagong buhay ng Espiritu.
d. Hindi ginusto ng Panginoon na ang Kautusan ay maging isang dahilan ng tao upang
gawin niyang katanggap-tanggap ang makasalanang likas nito, bagkus ginamit Niya
ang Kautusan upang ipakita kung gaano ito “hindi katanggap-tanggap” sa Kanya.
 
Roma 7:7-13 Ang ibig bang sabihin nito'y ang Kautusan ay masama? Hinding-hindi! Kaya
lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan. Hindi
ko sana nalaman kung ano ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, "Huwag mong
pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba." … Kaya nga, banal ang Kautusan at ang
bawat utos ay banal, matuwid, at mabuti. Ang ibig bang sabihin nito'y nagdulot sa akin ng
kamatayan ang mabuting bagay? Hinding-hindi! Ang kasalanan ang pumatay sa akin sa
pamamagitan ng mabuting bagay. Nangyari ito upang maipakita kung ano nga ang
kasalanan, at upang mahayag, sa pamamagitan ng Kautusan, na ang kasalanan ay talagang
napakasama.
e. Naranasan ni Pablo ang lahat ng dapat matutunan ng isang mananampalataya, na
ang makasalanang likas ay hindi napapabuti kahit kaunti mula ng ako ay naging
mananampalataya. Kahit anong aking gawin, hindi ko maitutulad sa katangian ng
Panginoon.
Roma 7:14-16 Alam nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman at alipin
ng kasalanan. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto
ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. Ngayon, kung ginagawa ko
ang hindi ko gusto, nangangahulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan.
f. Namalayan ni Pablo na ang makasalanang likas ay hindi mababago. Hindi na ito
nagpapakilala ng kanyang mga tunay na pagnanais, subalit ano pa ba ang kanyang
pagpipilian?
Roma 7:17-24 Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang
nananatili sa akin. Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang
makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawa ang
mabuting ninanais ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang
hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na
ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Ito ang natuklasan ko:
kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapit sa akin. Sa kaibuturan ng
aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga
bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng
kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan. Anong saklap ng aking
kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin?
g. Ang solusyon ng Panginoon sa kawalang pag-asa n gating makasalanang likas ay
hindi ayusin o baguhin ang ating lumang likas, bagkus ay magbigay ng bagong likas
na naaayon sa katangian ng Panginoon. Si Pablo ay hindi nanirahan sa Roma 7, kahit
na ako.
Roma 7:25 Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating
Pangino- on! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa aking isip, pinaglilingkuran ko
ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa aking katawang makalaman, pinaglilingkuran ko ang
tuntunin ng kasalanan.
Roma 8
:1-4 Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na
kay Cristo Jesus. Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat
pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni
Cristo Jesus. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na
kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan
upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.
Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na
namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
:5-8 Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan
kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay
nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid
sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.
Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos
sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang
sundin ito. At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
Galacia 2:19-20 “Ako'y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan rin ng Kautusan upang
ngayo'y mabuhay para sa Diyos. Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako
ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin…”
 
… ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay
at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman.
(Galacia 5:16)
Pagsasalarawan:
Ang Batas ng Grabidad (Law of Gravity) ay naglalarawan kung ang
aking Katauhan ay patuloy na aakitin papalayo sa Panginoon.
Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu,
… (Galacia 5:17)
Ang makasalanang likas ay nag-iimpluwensiya sa aking kabanalan
tulad ng paraan ng grabidad na iniimpluwensiyahan ang aking pisikal
na katawan. Batid ko ito lagi, at patuloy akong gumagawa ng
pagaayos upang hindi ko ito mapagtagumpayan. Kung ako ay
mapatid at bumagsak hindi ko kailangan na manatili lamang.
Walang sanggol na nagsimula na lumalakad na agad.
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Buhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhayBuhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhay
Rogelio Gonia
 
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunitiesLesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Elmer Dela Pena
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay
Derick Parfan
 
JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...
JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...
JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...
Faithworks Christian Church
 

Mais procurados (20)

Standing Strong Sermon 8 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 8 (Tagalog)Standing Strong Sermon 8 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 8 (Tagalog)
 
Buhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhayBuhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhay
 
Standing Strong Sermon 5 (English)
Standing Strong Sermon 5 (English)Standing Strong Sermon 5 (English)
Standing Strong Sermon 5 (English)
 
Cultivating a relationship with God.
Cultivating a relationship with God.Cultivating a relationship with God.
Cultivating a relationship with God.
 
ANG BUHAY NA MAY LAYUNIN
ANG BUHAY NA MAY LAYUNINANG BUHAY NA MAY LAYUNIN
ANG BUHAY NA MAY LAYUNIN
 
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
 
Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9
 
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunitiesLesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
 
Standing Strong Sermon 3 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 3 (Tagalog)Standing Strong Sermon 3 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 3 (Tagalog)
 
Cfc clp talk 2
Cfc clp talk 2Cfc clp talk 2
Cfc clp talk 2
 
Assurance of salvation v1
Assurance of salvation v1Assurance of salvation v1
Assurance of salvation v1
 
Salvation Presentation
Salvation PresentationSalvation Presentation
Salvation Presentation
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay
 
Are you ready? (Tagalog)
Are you ready? (Tagalog)Are you ready? (Tagalog)
Are you ready? (Tagalog)
 
No U Turn
No U TurnNo U Turn
No U Turn
 
Be Useful Vessels
Be Useful VesselsBe Useful Vessels
Be Useful Vessels
 
Pagod kana ba
Pagod kana baPagod kana ba
Pagod kana ba
 
Cfc clp talk 1
Cfc clp talk 1Cfc clp talk 1
Cfc clp talk 1
 
JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...
JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...
JAMES 8 - MGA GAWA NI HESUS AT MGA GAWA NATIN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHA...
 
CFC-SFC CLP Talk No. 6 "Loving Your Neighbor"
CFC-SFC CLP Talk No. 6 "Loving Your Neighbor"CFC-SFC CLP Talk No. 6 "Loving Your Neighbor"
CFC-SFC CLP Talk No. 6 "Loving Your Neighbor"
 

Destaque

Ano ang gagawin para maligtas
Ano ang gagawin para maligtasAno ang gagawin para maligtas
Ano ang gagawin para maligtas
akgv
 
Ang hindi malirip na pagibig ng dios
Ang hindi malirip na pagibig ng diosAng hindi malirip na pagibig ng dios
Ang hindi malirip na pagibig ng dios
akgv
 
Walang panginoon kaisipan
Walang panginoon kaisipanWalang panginoon kaisipan
Walang panginoon kaisipan
Nylram Airomlav
 
Lesson 6 - Relating to the Holy Spirit
Lesson 6 - Relating to the Holy SpiritLesson 6 - Relating to the Holy Spirit
Lesson 6 - Relating to the Holy Spirit
Danny Medina
 
Lesson 1 - Overview of Christian Life
Lesson 1 - Overview of Christian LifeLesson 1 - Overview of Christian Life
Lesson 1 - Overview of Christian Life
Danny Medina
 

Destaque (20)

Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Ano ang gagawin para maligtas
Ano ang gagawin para maligtasAno ang gagawin para maligtas
Ano ang gagawin para maligtas
 
Ang hindi malirip na pagibig ng dios
Ang hindi malirip na pagibig ng diosAng hindi malirip na pagibig ng dios
Ang hindi malirip na pagibig ng dios
 
Walang panginoon kaisipan
Walang panginoon kaisipanWalang panginoon kaisipan
Walang panginoon kaisipan
 
Lesson 16 - Christian Maturity
Lesson 16 - Christian MaturityLesson 16 - Christian Maturity
Lesson 16 - Christian Maturity
 
Lesson 13 - Three Phases of Xian Life
Lesson 13 - Three Phases of Xian LifeLesson 13 - Three Phases of Xian Life
Lesson 13 - Three Phases of Xian Life
 
Lesson 2 - Knowing God
Lesson 2 - Knowing GodLesson 2 - Knowing God
Lesson 2 - Knowing God
 
Lesson 8 - Abiding
Lesson 8 - AbidingLesson 8 - Abiding
Lesson 8 - Abiding
 
Lesson 6 - Relating to the Holy Spirit
Lesson 6 - Relating to the Holy SpiritLesson 6 - Relating to the Holy Spirit
Lesson 6 - Relating to the Holy Spirit
 
Lesson 10 - Abiding Verses and Illustrations
Lesson 10 - Abiding Verses and IllustrationsLesson 10 - Abiding Verses and Illustrations
Lesson 10 - Abiding Verses and Illustrations
 
Lesson 3 - Salvation
Lesson 3 - SalvationLesson 3 - Salvation
Lesson 3 - Salvation
 
Lesson 9 - Abiding Principles
Lesson 9 - Abiding PrinciplesLesson 9 - Abiding Principles
Lesson 9 - Abiding Principles
 
Lesson 5 - Two Nature
Lesson 5 - Two NatureLesson 5 - Two Nature
Lesson 5 - Two Nature
 
Paano pagtatagumpayan ang ating goliat
Paano pagtatagumpayan ang ating goliatPaano pagtatagumpayan ang ating goliat
Paano pagtatagumpayan ang ating goliat
 
Lesson 4 - Spiritual Anatomy
Lesson 4 - Spiritual AnatomyLesson 4 - Spiritual Anatomy
Lesson 4 - Spiritual Anatomy
 
Lesson 12 -Daily Walking
Lesson 12 -Daily WalkingLesson 12 -Daily Walking
Lesson 12 -Daily Walking
 
Lesson 15 - Guideline in Decision Making
Lesson 15 - Guideline in Decision MakingLesson 15 - Guideline in Decision Making
Lesson 15 - Guideline in Decision Making
 
Lesson 1 - Overview of Christian Life
Lesson 1 - Overview of Christian LifeLesson 1 - Overview of Christian Life
Lesson 1 - Overview of Christian Life
 
Lesson 14 - Sovereignty
Lesson 14 - SovereigntyLesson 14 - Sovereignty
Lesson 14 - Sovereignty
 
Lesson 11 - Today, The Present, The Moment
Lesson 11 - Today, The Present, The MomentLesson 11 - Today, The Present, The Moment
Lesson 11 - Today, The Present, The Moment
 

Semelhante a Discipleship manual 1 tagalog revised by biege

Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Truth
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Rodel Sinamban
 
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
RodSison1
 
Lesson 2 pre encounter
Lesson 2 pre   encounterLesson 2 pre   encounter
Lesson 2 pre encounter
Rogelio Gonia
 
Man's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithMan's Response to God: Faith
Man's Response to God: Faith
Ric Eguia
 
Lesson 3 pre-encounter
Lesson 3  pre-encounterLesson 3  pre-encounter
Lesson 3 pre-encounter
Rogelio Gonia
 
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
Faithworks Christian Church
 

Semelhante a Discipleship manual 1 tagalog revised by biege (20)

Four Spiritual Laws Tagalog
Four Spiritual Laws   TagalogFour Spiritual Laws   Tagalog
Four Spiritual Laws Tagalog
 
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
 
2015 cfc clp talk 8
2015 cfc clp talk 82015 cfc clp talk 8
2015 cfc clp talk 8
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
 
Lesson 2 pre encounter
Lesson 2 pre   encounterLesson 2 pre   encounter
Lesson 2 pre encounter
 
Freedom Day
Freedom DayFreedom Day
Freedom Day
 
Man's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithMan's Response to God: Faith
Man's Response to God: Faith
 
Lesson 3 pre-encounter
Lesson 3  pre-encounterLesson 3  pre-encounter
Lesson 3 pre-encounter
 
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
 
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdfBest-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
 
Cfc clp orientation
Cfc clp orientationCfc clp orientation
Cfc clp orientation
 
Jesus is My Shepherd
Jesus is My ShepherdJesus is My Shepherd
Jesus is My Shepherd
 
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
 
REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf
REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdfREVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf
REVISED BASIC APOLOGETICS IN CHRISTOLOGY 2021-converted.pdf
 
Pananampalatayang Nakapagliligtas
Pananampalatayang NakapagliligtasPananampalatayang Nakapagliligtas
Pananampalatayang Nakapagliligtas
 

Mais de Danny Medina

Lesson 3d the multicultural issues in christian counseling
Lesson 3d   the multicultural issues in christian counselingLesson 3d   the multicultural issues in christian counseling
Lesson 3d the multicultural issues in christian counseling
Danny Medina
 
Lesson 3c the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
Lesson 3c   the legal, ethical, and moral issues in christian counselingLesson 3c   the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
Lesson 3c the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
Danny Medina
 
Lesson 2b the counseor's characteristics
Lesson 2b  the counseor's characteristicsLesson 2b  the counseor's characteristics
Lesson 2b the counseor's characteristics
Danny Medina
 
Lesson 1c understanding the world of counseling
Lesson 1c   understanding the world of counselingLesson 1c   understanding the world of counseling
Lesson 1c understanding the world of counseling
Danny Medina
 
Lesson 1a understanding the world of counseling
Lesson 1a   understanding the world of counselingLesson 1a   understanding the world of counseling
Lesson 1a understanding the world of counseling
Danny Medina
 
Lesson 1b understanding the world of counseling
Lesson 1b   understanding the world of counselingLesson 1b   understanding the world of counseling
Lesson 1b understanding the world of counseling
Danny Medina
 

Mais de Danny Medina (20)

The x factor for godly fathers
The x factor for godly fathersThe x factor for godly fathers
The x factor for godly fathers
 
Lesson 4b anxiety
Lesson 4b   anxietyLesson 4b   anxiety
Lesson 4b anxiety
 
Lesson 4a depression
Lesson 4a   depressionLesson 4a   depression
Lesson 4a depression
 
Lesson 3d the multicultural issues in christian counseling
Lesson 3d   the multicultural issues in christian counselingLesson 3d   the multicultural issues in christian counseling
Lesson 3d the multicultural issues in christian counseling
 
Lesson 3c the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
Lesson 3c   the legal, ethical, and moral issues in christian counselingLesson 3c   the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
Lesson 3c the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
 
Lesson 3b the core of counseling
Lesson 3b   the core of counselingLesson 3b   the core of counseling
Lesson 3b the core of counseling
 
Lesson 3a the church and counseling
Lesson 3a   the church and counselingLesson 3a   the church and counseling
Lesson 3a the church and counseling
 
Lesson 2b the counseor's characteristics
Lesson 2b  the counseor's characteristicsLesson 2b  the counseor's characteristics
Lesson 2b the counseor's characteristics
 
Lesson 2a changes
Lesson 2a   changesLesson 2a   changes
Lesson 2a changes
 
Lesson 1c understanding the world of counseling
Lesson 1c   understanding the world of counselingLesson 1c   understanding the world of counseling
Lesson 1c understanding the world of counseling
 
Lesson 1a understanding the world of counseling
Lesson 1a   understanding the world of counselingLesson 1a   understanding the world of counseling
Lesson 1a understanding the world of counseling
 
Lesson 1b understanding the world of counseling
Lesson 1b   understanding the world of counselingLesson 1b   understanding the world of counseling
Lesson 1b understanding the world of counseling
 
Disiciplship training program
Disiciplship training programDisiciplship training program
Disiciplship training program
 
Maximizing god’s glory
Maximizing god’s gloryMaximizing god’s glory
Maximizing god’s glory
 
Paano mamuhay ng dalisay
Paano mamuhay ng dalisayPaano mamuhay ng dalisay
Paano mamuhay ng dalisay
 
Dakilang atas
Dakilang atasDakilang atas
Dakilang atas
 
Beautiful feet
Beautiful feetBeautiful feet
Beautiful feet
 
Ang kuwento ng dalawang asno
Ang kuwento ng dalawang asnoAng kuwento ng dalawang asno
Ang kuwento ng dalawang asno
 
Phase 2 discipleship curriculum
Phase 2 discipleship curriculumPhase 2 discipleship curriculum
Phase 2 discipleship curriculum
 
Icbc discipleship curriculum
Icbc discipleship curriculumIcbc discipleship curriculum
Icbc discipleship curriculum
 

Discipleship manual 1 tagalog revised by biege

  • 1. ARALIN 1 PAGMULAYMULAY SA NORMAL NA BUHAY MANANAMPALATAYA 1. Kapanganakan hanggang sa muling pagkasilang – Dapat nating maunawaan na dumanas tayo ng ganitong punto sa ating buhay, hiwalay sa Panginon, namumuhay sa kadiliman, at kawalan ng pag-asa. 2. Kung ang sino man ay itinakwil si Kristo at namatay sa kapanahunang ito, siya ay tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa buhanginan, walang pundasyon. Siya ay papunta sa kahatulan ng mga hindi mananampalataya upang gugulin ang walang hanggan malayo mula sa Panginoon. Dapat na maintindihan na ang kahatulang ito ay walang kinalaman sa mananampalataya, kundi sa mga hindi mananampalataya lamang. Mateo 7:24-27 (Sinabi ni Hesus) "Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak." Pahayag 20:11-15 (Sinulat ni Apostol Juan) Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng daigdig ng mga patay ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay. Gabay sa tagapag-akay: Kadalasa’y aabot ng isang sesyon ang pagtalakay sa araling ito. Gusto naming bigyan ang inaakay ng ideya kung ano ang buhay ng isang mananampalataya. Lahat ay ibinuod ang bawat paksa, subalit tatalakayin at hihimayin sa mga susunod na aralin. 
  • 2. 3. Ang Krus – Ang pangyayaring ito ay ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng buhay ng isang tao. Mula sa pananaw ng Diyos ang mananampalataya ay dumaan sa “kamatayan” (wala si Kristo sa ating buhay) patungo sa “buhay” (si Hesukristo ay nasa puso na natin). Mula sa kawalan ng pag-asa patungo sa puno ng pag-asa. Juan 5:24 Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan. 4. Ang Bagong Buhay – Mahalagang maunawaan na ang kaganapan ukol sa kaligtasan ay ang daan tungo sa bagong buhay kasama ang Panginoon, inihanda Niya ito upang makamit ang ating mga pangangailangan sa lahat ng aspeto ng ating buhay, umaayon sa Kanyang disenyo. Ipinakilala tayo sa ideya na plano ng Diyos para sa oras natin dito sa lupa, na kung tutuusin ay maliit na parte lamang sa kanyang walang hanggan plano para sa bawat isa sa atin. Mayroon dalawang (2) biblikal na anolohiya ang makapaglalarawan sa buhay mananampalataya: na ang lumalagong halaman ay nagmula sa binhi hanggang sa ito ay maging puno at ang isang katauhan ay mula sa pagiging sanggol hanggang sa ito ay umabot sa hustong gulang. Muli, ang kaganapan ng kaligtasan ay simula pa lamang ng bagong buhay ng paglakad sa landas kasama ang Panginoon. Sa kapanahunang ito napakahalaga para sa bagong mananampalataya na gabayan (“espiritwal na pag-aaruga”). 1 Tesalonica 2:7-13 … naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang namin inihandog ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay ay ihahandog din namin. … Tulad ng alam ninyo, kami'y naging parang ama sa bawat isa sa inyo.  Pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na tumawag sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian. Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya. 5. Ang Minimithing Layunin (Adhikain) – Gaya ng ating inaasahan ang malusog na punla ay lumalago bilang isang mabungang puno, at ang malusog na sanggol na humantong sa wastong edad at sa kalaunan ay maging isang magulang, gayundin ang layunin ng Panginoon na maging malusog espiritwal, ang bagong mananampalataya maging isang matatag espiritwal at mabungang buhay mananampalataya. 6. Pundasyon ng Panginoon at Ang Aking Pagpipilian – Ang Panginoon ay naghain ng Pundasyon, si Hesukristo, na siyang aking kaligtasan. Ito ay pantay na katotohanan para sa lahat ng mananampalataya. Subalit, bawat isa sa atin ay may pagpipilian kung
  • 3. papaano natin itatayo ito sa Pundasyon. Ang mga magtatayo ay gagamit ng kani- kaniyang kayamanan (oras, lakas, ari-arian) habang nabubuhay dito sa lupa. Kung hahayaan ko ang Banal na Espiritu, bilang aking Punong Tagapag Gawa, gamitin ang aking mga kayamanan, Siya ay gagamitin ng mga kayamanan na iyon upang ako ay kanyang gawan ng inprastraktura na yari sa ginto, pilak, at mamahaling baton na pang habang buhay. Subalit kung siya ay aking tanggihan ito ay magbubunga ng inprastraktura na yari sa kahoy, dayami at putik. 1 Corinto 3:10-15 (Sinualat ni Pablo) Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali. Ngunit dapat maging maingat ang bawat nagtatayo, sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu- Cristo. May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa. Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo noon. Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy. 7. Ang mga bersikulong ito ay nasasambit tungkol sa pugay parangal sa darating na panahon kung saan ito ay tinatawag na Luklukang Paghuhukom ni Hesukristo, kung saan ang bawat mananampalataya ay isa-isang haharap kay Hesukristo upang tanggapin ang parangal (walang hanggan) ukol sa ginawa niyang pagpapahintulot sa Banal na Espiritu na gumawa sa kanilang buhay habang sila ay nabubuhay pa sa lupa. Hindi dapat matakot sa kaganapang ito, subalit dapat pa din mag-ingat sapagkat may posibilidad na maaaring mawala pa rin sa atin ang parangal na walang hanggan, kung saan lahat ng kahoy, dayami at putik ay magiging walang halagang abo. Napakahalagang malaman na walang mananampalataya ang haharap sa kaganapan na iyon. 2 Corinto 5:9-10 Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa Kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito. Mateo 6: 20-21 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.
  • 4. ARALIN 2 PAGKILALA SA PANGINOON Kagustuhan ng Panginoon na lumago ang aking pag-unawa sa Kanya. Mula sa aking kapanganakan hanggang sa aking pagtanggap sa Kanya bilang Tagapagligtas, aking nakalakihan ang ugaling makamundo. Ngayon, nais Niyang unti-unting magbago ang aking pag-unawa tungkol sa Kanya nang sa gayon lumago ang aking pananaw sa buhay ayon sa Kanyang pananaw. Ang makaDiyos na pananaw ay nagbunga ng makaDiyos na pag-uugali. Hindi malulugod ang Panginoon kung simpleng babaguhin ko ang aking panlabas na ugali na hindi ko Siya pinahintulutang baguhin ang aking panloob na pananaw. Kung aking nanaisin na lumago ang relasyon ko sa Panginoon nararapat lang na gumawa ako ng masusing pagpipilian upang saliksikin Siya ng buong puso, ganun din sa parehong paraan na kung saan ang samahan ng magkatipan ay kailangan pagtibayin. Upang hindi mahadlangan ang gawain ng Panginoon sa akin at sa paggamit Niya sa akin, nararapat na panatilihin kong bukas, tapat at handang matuto patungo sa Kanya. Sapagkat Siya lamang ang talagang makakakilala sa akin, ang aking tungkulin ay buong-buong pahintulutan Siyang gumawa ng nararapat na pagbabago sa aking pang-unawa. Si Hesus ay ang malinaw na larawan ng pag-uugali ng ating Panginoon, at ang nag-iisa na kung saan kawangis ng Diyos na ako ay hubugin, habang siya ay aking pinapahintulutan. Gusto ng Panginoon na makilala ko Siya ng mataimtim sa pamaraan na higit pa sa aking kaalaman “tungkol” sa Kanya. “Ang maka Diyos na pag-uugali ay likas na bunga ng patuloy Niyang pagbabago sa aking mga paniniwala at mga nakasanayan.” … Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh." (1 Samuel 16:7) Ang Kanyang pananaw sa buhay ay dapat patuloy na lumago at siyang aking maging pananaw sa buhay.   Panginoon                                                                             Ako  Buhay
  • 5. 1. ANG AKING PAG-UUGALI a. Kagustuhan ng Panginoon para sa akin na ako ay lumago sa pag-unawa tungkol sa Kanya, na alamin ang Kanyang puso. Jeremias 9:23-24 Ang sabi ni Yahweh: "Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan. Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin… Juan 17:3 (Sabi ni Hesus) … ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala Ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. Roma 8:29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak… Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 11:36, 12:2; Efeso 3:16-19 Ang pinakamataas na adhikan ng pag-aaral ay kilalanin ang Panginoon! b. Upang ako ay lumago kailangan kong maging aktibo sa paghangad ng mataimtim na relasyon sa Kanya. Awit 63:1 (Sinulat ni David) O Diyos, … Ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap; ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad… Kawikaan 2:1-5 (Sinulat ni Solomon) Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Mateo 7:7-8; 1 Pedro 2:2-3 2. SALITA NG DIYOS – ANG KATOTOHANAN AY HINDI GALING SA AKIN, O KUNG SINO MAN, ITO AY GALING SA PANGINOON LAMANG. SAMAKATUWID, LAHAT NG “IDEYAL NA KATOTOHANAN” AY KAILANGAN MAIKUMPARA AT MALINAWAN NG SALIT NG DIYOS – ANG BIBLIYA.
  • 6. a. Isang pamamaraan na binabago ako ng Panginoon ay sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang Kanyang salita ay mapagkakatiwalaan. Awit 119:89 Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan, matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan… (tingnan din 1 Pedro 1:25) Mateo 24:35 (Sabi ni Hesus) “Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang Aking mga salita ay mananatili magpakailanman." Juan 14:6 (Sabi ni Hesus) Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay…   Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Juan 17:17; Roma 15:4; Efeso 4:21; 2 Timoteo 3:16-17; 1 Juan 5:6 b. Ang Salita ng Diyos ay dapat pinapahalagahan tulad ng aking kakanin sa araw- araw. Deuteronomio 6:5-9 “… Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. … Isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan… (tingnan din Deuteronomio 11:18-21) Job 23:12 (Sabi ni Job) “Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.  Awit 119:16 Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod, iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 119:103; Mateo 4:4 c. Pagsasaulo at pagmulaymulay sa Kanyang Salita ay makatutulong sa aking paglago. Awit 1:1-3 Mapalad ang taong … kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi. Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay. Awit 119:11 Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. Awit 119:97 O ang iyong mga utos ay tunay kong iniibig! Araw-araw, sa maghapon ay siya kong iniisip. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 145:5; Kawikaan 22:17-18; Colosas 3:16
  • 7. d. Ang Salita ng Diyos ay tulad ng isang liwanag na tumitingkad sa aking buhay, inilalahad ang bawat sikreto ng aking puso at tinutulungan ako na makita ang aking sarili kung papaano ako nakikita ng Panginoon. Awit 119:105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. Awit 119: 130 Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.   Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 10:17; Hebreo 4:12-13 e. Ang Panginoon ang makapagbibigay ng pang-unawa sa Kanyang Salita. Kahit may mga talata na maaaring mahirap unawain, ang mahalaga ay ang maging tapat at bukas sa Kanya, ilalahad Niya ang Kanyang mga Salita sa akin tuwing aking kakailanganin. Deuteronomio 29:29 “May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman. Lucas 24:45 Binuksan Niya (Hesus) ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.   Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: 1 Corinto 2:12-14; 2 Pedro 3:15-16 3. PANALANGIN – PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PANGINOON Dapat natin isipin na ang panalangin ay mataimtim na pakikipag-ugnayan sa ating Tagapaglikha at Pinuno, na napakahiwaga ng Kanyang nilalang at may hawak sa buong kalawakan, gayunpaman Siya ay mapagmahal at maaruga na gusto Niya palaging makasama tayo sa bawat sandali at detalye ng ating buhay. Ako ay nararapat lumapit sa Panginoon na may lubos na paghanga, laging mulat sa katotohanan na ang susi sa paglapit sa Kanya ay ang kabutihang ginawa ng Kanyang Anak at hindi dahil sa kahit anong kabutihan na aking nagawa. Bilangin natin ito ng walang katumbas na pribilehiyo upang makalapit tayo sa Panginoon. Paalala: Magsaulo ng mga bersikulo mula sa Kasulatan habang patungo sa trabaho. Isulat ito sa talaan, at ilagay ito kung saan madalas makita. Pagbulay-bulayan ang isinulat na bersikulo sa araw na iyon. Our Daily Bread, © 2007 RBC Ministries – Grand Rapids, MI 49555. Reprinted by permission.
  • 8. Katulad ng kahit anong pakikipag-ugnayan, ang pakikinig ay napakahalagang sangkap. Kadalasan ang oras ko sa Panginoon ay napupuno ng hinaing at ang pagdinig sa Kanya habang Siya ay sumasambit sa aking puso o di kaya’y paglahad Niya ng mga bagay na bago. Kagustuhan ng Panginoon na tumingin ako sa Kanya ng may inaasahan. Isang paraan upang magbigay pugay sa Panginoon at pagbigay sa Kanya ng nararapat na pagkilala sa aking puso ay sa pamamagitan ng malugod na paghahanap at pagtanggap sa Kanyang mga pinahahalagahan. Ito ay magbibigay daan na magkaroon ako ng ugali na huwag ibigay sa Kanya ang mga natitira kong oras, lakas at ari-arian, bagkus ialay sa Kanya ang pinakauna at maganda sa aking mga pag-aari. a. Ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon ay mapapagtibay sa pamamagitan ng paghahanda ng puso, tapat na pagsasagawa ng aking mga prayoridad at ang kaalaman ng Kanyang kahiwagaan. Awit 5:3 Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin. Awit 37:7 Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa Kanya…   Awit 119:147 Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Kawikaan 3:5-6; Isaias 50:4; Mateo 6:31-34; Lucas 10:38-42; Efeso 2:18; Colosas 3:2-3; Hebreo 4:15-16; 1 Pedro 5:6-7 b. Ang panalangin ay kinapapalooban ng pagpupugay, pasasalamat at papuri. Awit 145:2-3 (Sulat ni David) Aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman. Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain. Awit 146:1-2 Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buhay. Daniel 6:10 … Daniel … umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukas na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 5:19-20; Filipos 4:6-7; Colosas 4:2-4; 1 Tesalonica 5:16-18
  • 9. c. Ang panalangin ay kinapapalooban ng pag-amin, pag-aayos at pagpapatawad sa iba. Awit 32:5 Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Tingnan Awit 66:18) Kawikaan 28: 13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.   Mateo 5:23-24  “… kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Marcos 11:25; Roma 12:18; 1 Juan 1:9-10 d. Ang panalangin ay kinapapalooban ng paghinaing, paghingi ng aking personal na pangangailangan. Kawikaan 2:6 Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal. Mateo 6: 5-8 "… Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala … alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Mateo 6:25-34; Santiago 1:5 e. Panalangin – Hadlang sa “Lihim na Lugar” Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. – Mateo 6:6 Hindi sinabi ni Hesus, “Managinip kayo sa inyong Ama na nasa lihim na lugar,” bagkus kanyang sinabi. “… manalangin kayo sa inyong Ama na nasa lihim na lugar…” Ang panalangin ay pagsusumikap ng kalooban. Pagkatapos natin pumasok sa ating lihim na lugar at isarado ang pinto, ang pinakamahirap na gawain ay manalangin. Wari’y hindi natin maituon ang ating isip sa maayos na kaisipan at ang una nating dapat labanan ay ang paglakbay ng diwa. Ang malaking hadlang sa pananalangin na tago ay kung papaano mapagtatagumpayan ang ganitong kalagayan at ang paglakbay ng pag-
  • 10. iisip. Kailangan matutunan natin disiplinahin ang ating kaisipan at makapagtuon sa maalab, taos pusong panalangin. Kinakailangan magkaroon tayo ng espesyal na lugar para sa pananalangin, subalit sa sandaling naroon na tayo ang unos ng paglalakbay-diwa ay nagsisimula rin, habang sinisimulan natin mag-isip para sa ating sarili, “Kailangan matapos ito ngayon at gagawin ko ito ngayon.” Sinabi ni Hesus na “isarado mo ang pinto.” Ang pagkakaroon ng lihim na kapayapaan sa Panginoon ay nangangahulugan na pagsarado sa pinto ng ating nararamdaman at pag-alala sa Kanya. Ang Panginoon ay nasa lihim at nakikita Niya tayo mula sa “lihim na lugar” – hindi Niya tayo nakikita gaya ng ibang tao, o kagaya ng pagtingin natin sa ating mga sarili. Kung totoo tayong naninirahan sa “lihim na lugar”, magiging imposible sa ating pagdudahan ang Panginoon. Tayo’y mas lalong makasisiguro sa Kanya kaysa ibang tao o kahit sa ano pa man. Pumasok sa “lihim na lugar” at iyong matutuklasan na tama ang Panginoon sa gitna ng araw-araw na pangyayari sa ating buhay sa lahat ng oras. Gawin nating ugali ang nakatuon sa Panginoon sa lahat ng bagay. Maliban kung pag-aralan mong buksan ang pinto ng iyong buhay ng buo at gawin ang Panginoon na una sa lahat simula sa pagmulat ng mata sa bawat bagong umaga, ikaw ay siguradong magkakamali sa mga gawain sa buong araw. Subalit kung ikaw nama’y magbubukas ng buong-buo sa pinto ng iyong buhay at “manalangin sa iyong Ama na nasa lihim na lugar”, lahat ng iyong gagawin hanggang sa kahuli-hulihang bagay ay papatnubayan ng presensiya ng Panginoon. (Taken from My Utmost for His Higest by Oswald Chambers – Aug 23. © 1935 by Dodd Mead & Co., renewed © 1963 by the Oswald Chambers Publications Assn., Ltd., and is used by permission of Discovery House Publishers, Box 3566, Grand Rapids MI 49501. All rights reserved.) Mungkahi: Upang mabawasan ang mga gumugulo sa tuwing nakikipag-ugnayan sa Diyos, gumamit ng talaan at isulat ang mga nasa isip na maaring kailanganing bigyan ng solusyon sa darating na panahon.
  • 11. f. Ang panalangin ay kinapapalooban ng pamamagitan, paghingi, para sa pangangailangan ng iba. 2 Corinto 1:8-11 (Sinulat ni Pablo ang kanyang dalamhati sa Asya)… huwag kaming manalig sa aming sarili; … Diyos … na muling bumubuhay sa mga patay. Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan … Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami. Efeso 6:18-20 (Sinulat ni Pablo) Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Colosas 4:12 … lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo'y maging matatag, ganap, at lubos na masunurin sa kalooban ng Diyos. g. Ang panalangin ay walang humpay, kahit anong oras; ngunit kailangan din maglaan ng espesyal na oras na nakahiwalay. Kalugod-lugod sa Panginoon kung hahanapin natin ang Kanyang landas para sa tamang oras at lugar. Awit 55:17 Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin. Aking itataghoy ang mga hinaing, at ang aking tinig ay kanyang diringgin. Awit 119: 62 Gumigising akong lagi pagsapit ng hating gabi, sa matuwid mong paghatol lagi kitang pinupuri. Awit 116:164 Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Daniel 6:10; Roma 12:12; 1 Tesalonica 5:17 Tanda sa 1 Tesalonica 5:17 “Ang walang humpay na panalangin ay hindi isang panalanging mananaig nang walang sagabal, subalit ito ay panalangin na nagpapatuloy sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon. Sinasambit ni Pablo na dapat panatilihing magkaroon ng ugnayan sa Panginoon hangga’t maari sa lahat ng oras sa gitna ng ating araw-araw na pamumuhay na kung saan an gating pagtuon sa kanya ay kadalasang nasisira”. (Walvoord, John F., and Zuck, Roy B., The Bible Knowledge Commentary, (Wheaton, Ilinois: Scripture Press Publications, Inc.) 1983, 1985.)
  • 12. 4. Our Daily Bread – (Setyembre 19, 2004) Pagbatid Sa Panginoon Hindi natin masabi ang lahat sa Panginoon kung saan ang lahat ay Kanyang nalalaman na. Sa tuwing tayo ay mananalangin, binibigkas natin ang mga salita na Kanyang nalalaman sa simula pa. Dahil dito hindi ibig sabihin na ang panalangin ay hindi na kailangan; bagkus, ito ay humihikayat sa atin upang manalangin. Nakakasumpong tayo ng kaginhawaan sa tuwing nakakausap natin ang Taong nakakikilala sa atin at buong-buo na naiintindihan ang ating kalagayan. Nakakagaan malaman na ang tugon ng Panginoon ay hindi nagmula sa ipinabatid natin sa Kanya, bagkus ito ay nagmula sa Kanyang makapangyarihang kaalaman sa dulo ng bawat pangyayari. Siya ang nakakaalam sa lahat ng kalagayan – nakaraan, kasalukuyan at hinaharap – ang bumibigkas sa ating kabuuan. “Alam ng iyong Ama”, wika ni Hesus sa Mateo 6:8. Alam Niya ang ating iniisip, ang ating mga hangarin, ang ating mga ninanais; Siya ay may nalalaman sa lahat ng ating mga ginagawa (Awit 139:3). Nalalaman Niya ang pighati ng ating puso, ang halos hindi mapatid na pagkabigo, ang mga kaaway natin sa loob at labas na nakikipag talo sa ating kalooban. Samakatuwid, pwede ba natin pangunahan ang oras at mga tuntunin ng ating pagpapalaya mula sa pagsubok o pighati? Nararapat bang sabihin na ang ating tinatahak na daan ay mas nakabubuti upang palakasin ang ating kaluluwa? Hindi, sapagkat walang sinuman ang makakapagturo sa Panginoon ng kahit ano pa man. Siya lang ang nakakaalam ng daan patungo sa kaluwalhatian. Sa lahat ng maaaring daanan, pinili Niya ang pinaka nararapat, ang daan na tinanggap kung ano tayo at kung ano ang ibibigay Niya para sa atin. Hindi natin pwede turuan ang Panginoon ng kaalaman, ngunit pwede natin Siyang ibigin at pagkatiwalaan. Iyan lang ang hinihingi Niya sa atin. – David Roper Ang sagot na maaaring piliin ng Panginoon para sa akin Ay siguradong pinakamahusay Nararapat lamang na palagi akong magpasalamat, At sa Kanyang kabutihan ako ay hihimlay – D. De Haan Alam ng Panginoon ang katapusan buhat sa simula pa lamang, upang tayo ay magtiwala sa Kanya sa pagitan ng lahat ng mga bagay. Our Daily Bread, © 2004 RBC Ministries – Grand Rapids, MI 49555. Reprinted by permission
  • 13. 5. KONKLUSYON: Habang ako ay nagtitiwala sa Panginoon, palagi akong makakaasa ng Kanyang pag-ibig, nalalaman kong gagawin Niya lamang ang lahat ng makabubuti para sa akin, kahit ang kaganapan ay taliwas sa aking nararanasan. Para sa Panginoon ang talikdan tayo ay sumasalungat sa Kanyang katangian. Awit 34:15 Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Awit 37:4-5 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. Awit 86:5 Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag- ibig ay mananatili. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 145:18-19; Jeremias 10:23; 1 Juan 5:14-15 … Sinasamahan mo ako, sa aking paglakad ay inaakay mo. Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan. (Awit 73:23-26)
  • 14. ARALIN 3 PRINSIPYO NG KALIGTASAN Gaya ng kapanganakang pisikal, ang kapanganakang espiritwal ay susi sa isang pag-usbong ng bagong buhay. Ang layunin ng araling ito ay ipaliwanag ang mga bagay- bagay na mararanasan ng isang mananampalataya sa pagbabago. Malinaw na may ibang prinsipyo at katotohanan na maaaring idagdag. 1. AWA AT BIYAYA “Awa” = Ang hindi pagbigay o pagtanggap ng nararapat para sa akin. “Biyaya” = Ang pagbigay o pagtanggap ng hindi nararapat para sa akin. Halimbawa: Larawan ng Over Speeding “Swerte” – Pag hindi nahuli. “Katarungan” – Pag nahuli at nagbigyan ng ticket. “Awa” – Pag nahuli, subalit hindi man lang binigyan ng ticket. “Biyaya” – Pag nahuli, nabigyan ng ticket, subalit ang pulis ang nagbayad ng multa. 2. INILARAWAN NI APOSTOL PABLO KUNG ANO AKO BAGO AKO ILIGTAS NG ATING PANGINOON, AT KUNG ANO ANG GINAWA NG DIYOS SA AKIN. (Talakayin ang terminilohiya kung kinakailangan) Roma 3:10-12 Ayon sa nasusulat: "Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa." Roma 5:6-10 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan… Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Kaya't sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, at tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buhay.
  • 15. Efeso 2:1-9 Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos. Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag- ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay maipakita niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob, sa pag-ibig niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman. Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 2:12; Efeso 4:17-19 3. ANG PRINSIPYO NG DIYOS KAUGNAY SA PAGPAPALIT a. Ang grasya ng Diyos ay malinaw kahit pa sa unang pagsuway sa kanya nina Eba at Adan. Genesis 2 :15-17 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan. Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka." :25 Kapwa hubad noon ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya. Genesis 3 :6-7 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito. Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang panakip sa katawan.
  • 16. :8-12 Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno. Ngunit tinawag niya ang lalaki at tinanong, "Saan ka naroon?" "Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad," sagot ng lalaki. Nagtanong muli ang Diyos, "Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?", "Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin," tugon ng lalaki. :13 "Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?" tanong ng Panginoong Yahweh sa babae. "Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain," sagot naman nito. :20 Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan. :21-24 Ang mag-asawa'y iginawa niya ng mga damit na yari sa balat ng hayop. Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay. Binigyan sina Adan at Eba ng isang utos, na kanilang sinuway. Sinubukan nilang maging katanggap-tanggap sa Panginoon – sa pamamagitan ng pagtakip sa kanilang sarili ng pinagtagpi-tagping dahon mula sa puno ng igos. Bawat isa sa kanila ay sinisi ang iba. Natanggap lamang nila ang nararapat – Katarungan. Binigyan naman ng Panginoon ang hindi nararapat sa kanila – Biyaya - representasyon ng isang hayop bilang kanyang pamalit. Ang inosenteng buhay ng isang hayop ay isinakripisyo bunga ng kanilang kasalanan. Ang pagsakripisyo sa buhay ng isang hayop ay siyang nagpapakita o representasyon ng sakripisyo ni Hesukristo sa krus para sa kasalanan ng buong sanlibutan. b. Ang Paskwa – Iba pang illustrasyon ng kapalit na sakripisyo ni Hesukristo Exodo 12 :1 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron sa Egipto, :12-13 Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao man o hayop. At paparusahan ko ang lahat ng diyus-diyosan sa Egipto. Ako si Yahweh. Dugo ang magsisilbing palatandaan ng mga bahay na inyong
  • 17. tinitirhan. Lahat ng bahay na makita kong may pahid ng dugo ay lalampasan ko, at walang pinsalang mangyayari sa inyo habang pinaparusahan ko ang buong Egipto. :21-22 Tinawag nga ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi sa kanila, "Pumili kayo ng isang tupa para sa inyong sari-sariling pamilya at katayin ninyo ito para sa Paskwa. Kumuha kayo ng sanga ng halamang hisopo, basain ito ng dugo ng tupa at ipahid sa magkabilang poste at itaas ng inyong pintuan. At isa man sa inyo ay huwag lalabas ng bahay hanggang kinabukasan. :23 Sa gabing iyon, lilibutin ni Yahweh ang buong Egipto at papatayin ang mga Egipcio. Lahat ng bahay na makita niyang may pahid na dugo sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ay hindi niya hahayaang pasukin ng Anghel ng Kamatayan. :24-27 Sundin ninyo ang mga tuntuning ito at palagiang ganapin, pati ng inyong mga anak. Patuloy ninyong ganapin ito maging sa lupaing ipinangako sa inyo ni Yahweh. Kapag itinanong ng inyong mga anak kung bakit ninyo ginagawa ito, sabihin ninyong ito'y pag-aalaala sa Paskwa ni Yahweh nang lampasan niya ang bahay ng mga Israelita at patayin niya ang mga Egipcio." :29-30 Nang hating-gabing iyon, pinatay ni Yahweh ang lahat ng panganay na lalaki sa buong Egipto, mula sa panganay ng Faraon at tagapagmana ng trono, hanggang sa anak ng bilanggong nasa piitan; namatay din ang panganay ng mga hayop. Nang gabing iyon, nagising ang Faraon, ang kanyang mga tauhan at lahat ng Egipcio, at nagkaroon ng napakalakas na iyakan sa buong Egipto, sapagkat lahat ng bahay ay namatayan ng panganay na lalaki. Juan 1:29 Kinabukasan, nakita ni Juan na si Jesus ay lumalapit sa kanya. Kaya't sinabi niya, Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 1 Corinto 5:7 … Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo.  Ang mga Israelita ay alipin sa Ehipto. Ang tupa ay pinatay bilang pamalit.  Bawat bahay na may dugo, ang mga naninirahan dito ay ligtas mula sa paghuhukom ng Panginoon.  Tuwing makita ng Panginoon ang pinto, kanyang sasambitin, “Ang paghukom ay nanggaling na sa tahanang ito.” (Paglalarawan: Ang isa sa mga pinakaligtas na lugar tuwing nagkakaroon ng sunog ay kung saan ito ay humupa na.)
  • 18. c. Ang sakripisyo ni Hesukristo bilang “Pamalit” ay siyang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan. Isaias 53:4-6 Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya. Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap. 2 Corinto 5:21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Galacia 3:13; 1 Pedro 3:18 4. AKO AY NAILIGTAS DAHIL SA KANYANG PAG-IBIG, HINDI DAHIL AKO AY KARAPAT-DAPAT. Juan 6:37 (Sinabi ni Hesus) Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin. Juan 6:44 (Sinabi ni Hesus) Walang makakalapit sa akin malibang akayin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. Roma 3:10-12 Ayon sa nasusulat, “… walang naghahanap sa Diyos…” Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 4:4-8; Efeso 1:3-8; Titus 3:3-8 5. ANO ANG KAIBAHAN NG “RELIHIYON” AT “KRISTIYANISMO”? Ang “Relihiyon” sa buong mundo ay nagtuturo na mayroon isang bagay na kaya mong gawin sa sarili mo upang maging kalugod-lugod o katanggap-tanggap sa harap ng Panginoon. Ang “Tunay na Kristiyanismo” naman ay nagtuturo na ang ginawa lamang ni Kristo para sa iyo ang nag-iisang daan upang maging katanggap- tanggap ka sa harap ng Panginoon. Juan 14:6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko. Gawa 4:12 “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas."
  • 19. 6. NAGBIGAY SI HESUS NG PANANAW UKOL SA KALIGTASAN. Juan 5:24 – isang magandang bersikulo na dapat tandaaan (Sinabi ni Hesus) Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan. Ang Buhay na walang hanggan ay hindi isang bagay lamang, ngunit ito ay walang hanggang kalidad ng pagkakaroon ng tunay na Diyos.
  • 20. ARALIN 4 ANG ESPIRITWAL NA ANYO NG ISANG MANANAMPALATAYA 1. Ang tao ay nabubukod tanging kakaiba sa mga nilikha ng Panginoon, hiwalay sa lahat ng mga nilalang. Ang tao lamang ang pinagkalooban ng “espiritu”, na kung saan ay maari niyang makilala ang Panginoon. Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay. Genesis 2:7 espiritu – kamalayan sa Panginoon. Nakikipag-ugnayan tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng ating espiritu. kaluluwa – kamalayan sa sarili. Personalidad, pangangatwiran, kagustuhan, nararamdaman, pag-iisip at iba pa. ka katawan – kamalayan sa sanlibutan. Nakiki- pag-ugnayan tayo sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng ating pandamang pisikal 1 Tesalonica 5:23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Roma 8:16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 1 Corinto 14:15 (Sinulat ni Pablo) … Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pananalangin. Ako'y aawit sa pamamagitan ng espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pag-awit. katawan kaluluwa espiritu
  • 21. 2. Ang kabuuang kaharian ng mga hayop ay limitado lamang, walang “espiritu” at walang kamalayan sa Panginoon. (Genesis 2:7 tinutukoy ay tao lamang) Hayop Walang kamalayan ng, o pakikipag-ugnayan sa Panginoon. kaluluwa – ibat-ibang lebel ng likas na personalidad, emosyon, pag-iisip, kagustuhan, at iba pa, katawan – kamalayan sa sanlibutan. Nakikipag- ugnayan sila sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng kanilang pandamang pisikal. Tanda Para sa Tagapag-Akay: Ang larawan sa itaas ay isang simpleng ilustrasyon kung saan ito ay gagamitin bago humakbang sa mas kumplikadong pag-aaral na batay sa Banal na Kasulatan na tumatalakay sa mga paksa na mapag-aaralan sa Aralin 3-12. katawan kaluluwa
  • 22.
  • 23. ARALIN 5 ANG PINAGMULAN NG DALAWANG KATANGIAN Ang pinaka layunin ng araling ito ay tulungan tayong malinawan ang mga pangyayari na kung saan tayo ay humantong sa ating sitwasyon sa kasalukuyan bilang isang mananampalataya na may dalawang katangian. May mga ilang prinsipyong pundasyon na naaayon sa Banal na Kasulatan na ipinakilala upang madali natin maunanawaan ang iba pang katotohanan habang ito ay tatalakayin sa mga susunod na paksa. 1. Ang katangian ng Panginoon – mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng mga terminolohiya sa Bibliya na naglalarawan sa Kanyang katangian. Ang kanyang katangian ay mapapalakas, habang hinahayaan natin ang Banal na Espiritu na kausapin tayo sa pamamagitan ng kanyang Banal na Kasulatan. Bilang isang hindi mananampalataya nakagawian natin ang magtiwala sa ating mga sarili subalit bilang isang mananampalataya nararapat na nakagawian natin na magtiwala sa Panginoon sa mga pang-araw-araw na desisyon. Kung ang pangangatwiran na ang katangian ng Panginoon ay inilarawan sa Banal na Kasulatan, samakatuwid karapat-dapat lang na Siya ang pagkatiwalaan ng walang pag-alinlangan at wala sa katwiran kung Siya ay hindi pagkatiwalaan. Walang sapat na dahilan upang hindi magtiwala sa Kanya. Ang pinakamabigat na kadahilanan upang hindi pagkatiwalaan ang Panginoon ay ang ating pagtatangkang ilagay Siya sa ating katangian. Kung ang Panginoon ay katulad natin, makatuwiran lamang na huwag Siya pagkatiwalaan. 2. Pamaraan ni Satanas – ay susuguin ang sinuman na ang Panginoon ay hindi dapat pagkatiwalaan, sa pamamagitan ng pagmamaliit sa katangian ng Panginoon. Halimbawa: Sa Genesis 3:1-5 itinatanim niya ang pagdududa, ipinaparatang na ang Panginoon ay sinungaling, nag papahiwatig na ang Panginoon ay hindi nagbibigay nang pinakamabuti na nagmumula sa puso at ipinagpipilitan na Siya ay pumipigil sa Mahalaga: Sa araling ito, ang pinaka layunin ng pagpapakita ng mga katangian ng Panginoon ay sa paglalarawan kung gaano kapaki-pakinabang ang magtiwala sa Kanya.
  • 24. kung ano ang mas ikakabuti nila. Kung ang Panginoon ay hindi sila iniibig, papaano nila Siya pagkakatiwalaan? Ganesis 3:1-5 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, "Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?" Sumagot ang babae, "Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami." Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!" "Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama." 3. Nang sina Adan at Eba ay nilikha, sila ay walang kapintasan katulad ng iba pang nilikha. Sila ay kumpleto at lubos na nasiyahan, hindi nagkukulang sa kahit ano man na paraan. Ang lahat ay umaayon sa katangian ng Panginoon. Ang kamatayan ay wala pa bago ang panahong iyon. Roma 5:12 … sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. 1 Corinto 15:21-22 Kung paanong dumating ang kamatayan … mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan… 4/5. Sina Adan at Eba ay naniniwala sa kasinungalingan ni Satanas tungkol sa katangian ng Panginoon at kinain ang bunga, pinili ang pansariling kagustuhan “kalayaan” sa Panginoon. Ang pagpili mabuhay malayo sa Panginoon ay malinaw sa tatlong aspeto.  Ang pang-unawa ng isang katauhan (upang magkaroon ng karunungan)  Ang kinagigiliwan ng laman (mabuti upang kainin)  Pag-aari (maganda sa paningin) (Ang tukso ay nakapaloob sa isa sa tatlong aspeto na ibinigay.) Mahalagang makita ang “mariing pagsusumikap tungo sa kalayaan” bilang “ugat” ng suliranin ng sangkatauhan at nagiging isa sa mga naguudyok sa likod ng pandaigdigan at personal na pagsuway sa Panginoon. Genesis 3:6 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito.
  • 25. 6. Bawat tao na isinilang sa sangkatauhan ay namamana ang makasalanang katangian ng isang katauhan (inilarawan silang madilim na puno) ni Adan, sa pamamagitan ng kanilang ama sa laman. Dahil dito, lahat ng tao ay isinilang na may pagnanais na sumuway sa Panginoon. Genesis 5:3 … Adan … ay nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan. Galacia 5:16-23 … Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu … 7. Si Hesus ay isinilang sa sangkatauhan, subalit walang ama na nagtataglay ng makasalanang katangian ng tao. Bilang ikalawang Adan, Siya ay isinilang kahalintulad ng walang kasalanan tulad ni Adan bago pa siya magkasala. Ang makatwirang katangian ni Hesus, gaya ng ipinakita Niya sa kanyang buhay, ay siya naman ang orihinal na layunin ng Panginoon kay Adan. 1 Corinto 15:45-46 … "Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay;" ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay buhay… Roma 5:19 Sapagkat kung ang lahat ay naging makasalanan dahil sa pagsuway ng isang tao, ang lahat ay mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isa ring tao. 8/9. Si Hesus ay tinukso kahalintulad sa tatlong aspeto gaya ni Adan, subalit si Hesus ay mas piniling ipagkatiwala ang kanyang sarili sa pag-aaruga ng Panginoon kaysa sa paniwalaan ang panunukso ni Satanas na mamuhay malayo sa Panginoon. 10. Sa paniniwalang, ang bagong mananampalataya ay isinilang sa espiritwal na katauhan at tinatanggap ang banal na katangian sa Anyo ng Banal na Espiritu. Juan 3:3,6 Sumagot si Jesus … “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli a ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” … “Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. Roma 7:14-25 … ngunit ako'y makalaman at alipin ng kasalanan; … Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawa ang mabuting ninanais ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. Kung ang Mahalaga: Ang makasalanang katangian ng isang tao ay kailanman hindi mapapabuti. (Tingnan and Galacia 5:17 sa ibaba)
  • 26. ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananatili sa akin… Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan… Galacia 5:16-23 Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawa ang nais ninyong gawin. … Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, a paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito… Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag- ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. I. Mga Talata na may Kaugnayan sa Katangian ng Panginoon. 1. WALANG KAPINTASAN Deuteronomio 32:3-4 … Si Yahweh ay aking pupurihin! "Si Yahweh ang inyong batong tanggulan! mga gawa niya'y walang kapintasan, … 2 Samuel 22:31 Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag; … Mateo 5:48 … gaya ng inyong Ama na nasa langit. 2. BANAL / MAKATWIRAN / HINDI NAGKAKAMALI O KAYA’Y HINDI NAGSISINUNGALING / MAKATARUNGAN / MALINIS SA LAHAT NG PAGKAKASALA. Deuteronomio 32:3-4 … Si Yahweh ay aking pupurihin! ang kanyang pangalan ay inyong dakilain. "Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran. Levitico 19:2 … "Sabihin mo sa buong sambayanan ng Israel, 'Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal. Job 34:10 " … mga taong magagaling, ang Makapangyarihang Diyos ba'y maaakay sa masamang gawain...”
  • 27. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 18:30; Isaias 6:3; Isaias 57:15; Habakuk 1:13; Lucas 1:49; Roma 3:25-26; Hebreo 6:18; Pahayag 15:4 3. PINAKADAKILA Job 34:14-15 Kapag binawi ng Diyos ang hininga ng tao, sila'y mamamatay at sa alabok ang kanilang tungo. Kawikaan 21:30 Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban. Isaias 46:11 May tinawag na akong mandirigma sa silangan, siya ay darating na parang ibong mandaragit, at isasagawa ang lahat kong balak. Ako ang nagsasabi nito, at tiyak na matutupad. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Daniel 4:35; Gawa 4:24 4. MAPAGMAHAL Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak,… Roma 5:8 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 1 Juan 4:16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. 5. TAPAT / MAPAGKAKATIWALAAN / SANDIGAN Deuteronomio 32:3-4 …; Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin! … Diyos na tapat at makatuwiran… Awit 33:18-21 Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay. Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala. Awit 34:4-8 Ang aking (David) dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. … Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.
  • 28. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Awit 36:5; Awit 86:15; Jeremias 29:11; Roma 8:28; 1 Corinto 10:13; 1 Tesalonica 5:24; 2 Tesalonica 3:3; 2 Timoteo 2:13; 1 Pedro 4:19 6. HINDI NAGBABAGO Awit 102:25-27 Nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas; sila'y huhubaring parang kasuotan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo. Malakias 3:6 "Ako si Yahweh, hindi ako nagbabago… Santiago 1:17 Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.
  • 29. ARALIN 6 BANAL NA ESPIRITU I. PAPAANO MAKIKIPAG – UGNAYAN SA BANAL NA ESPIRITU 1. NARARAPAT NA AKO AY MAKISALAMUHA SA BANAL NA ESPIRITU BILANG TAO, SAPAGKAT SIYA ANG PANGINOON. HINDI KO DAPAT ISIPIN NA SIYA AY “INSPIRASYON”, O KAYA NAMAN AY “IMPLUWENSIYA” NA WALANG PERSONALIDAD. Gawa 5:3-4 … sinabi ni Pedro, "Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos." 1 Corinto 2:10-11 … Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos. Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. 2 Corinto 13:14 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat. (Filipos 2:1)  Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 4:30; Job 33:4 Ang Banal na Espiritu ay isang Tao. Hindi Siya impluwensiya, o kaya naman pinilit, o kaya’y isang inspirasyon, ngunit Siya ay ang mismong Panginoon. Siya ay kahalintulad ng matalik na kaibigan, marahil mas higit pa. Ang aking relasyon sa Kanya sa maraming pamaraan ay katulad ng isang mabuting relasyong mag-asawa. Ano kaya ang maaaring kahahantungan ng ganoong relasyon? Paggalang? Pakikipag- Tanda sa Tagapag-akay: Bawat puntos sa araling ito ay nagpapakilala sa mahalagang aspeto na kakailanganin ng mga tagasunod na isaalang-alang at malinaw na maintindihan ang kanilang mga unang hakbangin bilang mananampalataya. Habang pinagbubulay-bulay ang bawat puntos, tulungan ang mga tagasunod na lubusan maunawaan ang maaaring kalabasan ng hindi naiintindihan ang aspeto; halimbawa, ano ang maaaring kalabasan kung hindi iisipin na ang Banal na Espiritu ay isang tao? Ipaliwanag, kung papaano si Hesus ay nalimitahan ng katawang tao, subalit ang Espiritu Santo ay “kailanman nandiyan.”
  • 30. uganayan? Pakikipagtalastasan? Pagpapalago? Papaano mo haharapin ang ganoong “impluwensiya”? 2. NANINIRAHAN SIYA SA AKIN, ANG KANYANG TEMPLO. AKO AY KANYANG PAG-AARI (MANIWALA MAN AKO O HINDI). ANG KANYANG PAGMAMAY-ARI AY HINDI NAGING KATOTOHANAN PAGKATAPOS KO MANIWALA SA KANYA. 1 Corinto 3:16 Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? 1 Corinto 6:19-20 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. Ang pag-aari ng Panginoon sa isang Kristiyano ay nababatay sa katotohanan, na hindi umaasa sa pagkilala ng mananampalataya sa katotohanang iyon. Hindi ko kailangan ipakita ang pagmamay-ari, ang tanging magagawa ko ay kilalanin at kumilos ukol sa katotohanan na kanyang ipinababatid. Ang bagong mananampalataya ay hindi magiging palaban sa katotohanan na ito, sa kadahilanang wala pa silang kamuwang- muwang sa mga inaasahan ng Panginoon. Sa kabilang dako, ang matagal na sa pananampalataya ay tinatanggap lamang sa isip ang katotohanang ito, subalit sumusuway sa mga kahihinatnan. Ano ang mga kahihinatnan ng pagmamay-ari? Anong karapatan o kapangyarihan ang nauunawaan sa kabuuan ng paghahatid ng pag- mamay-ari? 3. SIYA ANG KATIBAYAN (PAG-IMPOK, PANIGURO, PATUNAY) NA AKO AY ANAK NG PANGINOON. Roma 8: :9 … kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. :14-16 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos… 2 Corinto 1:21-22 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.
  • 31. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Galacia 4:6; Efeso 1:13-14; 1 Juan 3:24 Ang Banal na Espiritu ay patunay ng aking kaligtasan. Nararapat lamang na tayo ay buong kalakasan harapin ang Banal ng Espiritu at maging bukas sa kanyang patnubay at palatuntunan. Ang tagasunod ay dapat na lalong lumago na umaasa sa Banal na Espiritu at tuluyang mabawasan ang pag-asa sa tagapag-akay. Ang tagasunod ay dapat lalong magbigay ng pagkilala sa pagpaparamdam ng Banal na Espiritu sa araw- araw niyang pamumuhay. 4. SIYA AY MAY PLANO SA BAWAT ARAW NG AKING BUHAY. NAIS NIYANG MATUTO AKONG SUMUNOD AT SUNDIN SIYA. HINDI NIYA INAASAHAN NA SUMUNOD AKO SA AKING PLANO. Awit 139:16 Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Jeremias 10:23 Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin. Jeremias 29:11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Juan 14:16-17; Juan 14:26; Juan 16:13-15; 1 Corinto 2:9-14 Ang tagasunod ay kailangan karapat-dapat sa plano ng Panginoon para sa kanyang buhay. Nais ng Panginoon na ako ay sumunod sa Kanya, ayaw niya na Siya ay aking tingnan bilang aking Tagapaglingkod, na naaayon sa aking plano at inaalalayan ako kung sa aking pakiramdam ay nangangailangan ako ng kanyang tulong. Dapat ko malaman na ako ay may kalayaang gawin ang mga walang kasiguraduhang pang araw-araw na plano at naisin sa hinaharap, habang lagi kong isinasaisip na maaari Niyang baguhin ang mga ito ano man ang naisin. 5. SIYA AY NAMAMAGITAN SA AMA PARA SA AKIN AT TINUTURUAN AKO MANALANGIN. Roma 8:26-27 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin… sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.
  • 32. Efeso 2:18 Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa nakakalapit sa presensya ng Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Efeso 6:17-18; Judas 1:20 Ang tagasunod ay kailangan panatilihing magkaroon ng patuloy na aktibong pakikipag-ugnayan sa Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng pakikipagtalastasang pagdarasal, pagbabasa at pag-aaral ng Salita, pakikinig sa Kanyang mga aral at iba pa. 6. BINAUTISMUHAN NIYA AKO NG PANGKALAHATANG KATAWAN NI KRISTO, KASAMA ANG LAHAT NG TUNAY NA MANANAMPALATAYA. (TINUTUKOY ANG “ESPIRITWAL” NA BAUTISMO, HINDI ANG BAUTISMO SA TUBIG). Mateo 3:11 (Sinabi ni Juan Bautista) Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan… Ngunit ang darating na kasunod ko ang siyang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. 1 Corinto 12:12-13 Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu. Ang tagasunod ay kailangan maunawaan ang pakikipagisa Niya kasama ang lahat ng miyembro ng pangkalahatang katawan ni Kristo, ang isa at namumukod tanging tunay na Simbahan, pinagsamang pinagbuklod ng Banal na Espiritu. May mga iilang aral at kultura na pagkakaiba sa bawat mananampalataya na hindi dapat pagmulan ng pagkakawatak-watak o kaya nama’y hidwaan. 7. NAIS NIYA AKONG MAGPATUNAY TUNGKOL KAY HESUS SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA. Marcos 13:11 Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo. (Mateo 10:19 / Lucas 12:11) Juan 15:26 Ngunit sa pagdating ng Tagapagtanggol, ang Espiritu ng katotohanan, na susuguin ko mula sa Ama, magpapatotoo siya tungkol sa akin. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Juan 16:8-11; Gawa 1:8 Nais ng Banal na Espiritu gamitin ang Kanyang mga anak upang makaakay ng mga hindi mananampalataya sa kapani-paniwalang pananalig kay HesuKristo. Dapat
  • 33. ito ay sambitin sa salita katulad ng halimbawa ng isang buhay na Kanyang bunga. Si St. Francis of Assisi ay nagsambit ng katagang – “ibahagi ng ebanghelyo – at kung kinakailangan magbigkas ng mga salita.” 8. NAIS NIYANG GAMITIN ANG MGA BIYAYANG ESPIRITWAL NA KANYANG IPINAGKALOOB SA AKIN PARA SA IBA. Marcos 9:35 … Si Jesus … sinabi sa kanila, "Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat." Roma 12:4-8 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 1 Corinto 12:4,7-11 Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito… Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito… Ngunit isang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob sa bawat isa, ayon sa kanyang ipinasya. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Filipos 2:3-4; 1 Pedro 4:10-11 Ang bawat tagasunod ay may pagkakaiba sa plano at layunin ng Panginoon. Ang nais ng Banal na Espiritu ay magkaroon ng pakikisalamuha at pagsasama-sama sa pagitan ng mga mananampalataya. (At sinabi ni Hesus “Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.” – Juan 13:35) Nais Niyang makapagturo sa iba pang mananampalataya sa pamamagitan ko. Ayaw Niyang ituon ako sa kung papaano makakatulong ang iba sa aking pangangailangan. Pag-usapan ang konsepto ng pagbubungang espiritwal; i.e., paglagak ng aking mapagkukunan (oras, lakas, pag-aari) sa iba pang mananampalataya upang tulungan sila sa paglagong espiritwal at pamumunga. Mahalaga: Sa pisikal na pangangatawan ng tao ang bawat miyembro ay may nakalaan na tungkulin upang pagsilbihan ang katawan, hindi pagsilbihan ng katawan ang bawat miyembro.  
  • 34. 9. SIYA LAMANG ANG MAKAGAGAWA NG BUHAY ESPIRITWAL SA AKIN AT PAMAMAGITAN KO. Juan 6:63 (Sinabi ni Hesus) “Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay. 2 Corinto 3:6 … nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay- buhay. Ecclesiastes 3:14 Nalalaman ko, na ano mang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya. Ang lahat ng walang hanggang halaga ay kailangan may pinagmulan sa Banal na Espiritu. Ako ay, at magpapatuloy, umasa sa aking sarili hanggang sa iwanan ko ang katawang ito. Ang tagasunod ay dapat maging alisto sa posibilidad na ito, nang sa ganoon hindi niya madama na siya ay kakaiba.
  • 35. ARALIN 7 PAGLAGONG ESPIRITWAL I. ANG NORMAL NA PAGLAGO NG ISANG MANANAMPALATAYA BIGYANG PANSIN: - Ang pagsuko ay kinapapalooban ng dalawang bahagi. 1. Una, mayroon itong desisyon na isuko ang kagustuhan (ang pagkilala na Siya’y nagmamay-ari sa aking buhay at ang pagkakaroon ng Panginoon- tagapaglingkod na relasyon, iyon ay ang kanyang “pagpasa Diyos”). 2. Kasunod ng pagpapasyang ito ay ang pang araw-araw na pagdaraanan sa pagpapa-ubaya ng aking pag-unawa at pag-uugali. Ang Banal na Espiritu ay hinahangad ang aking pakikipag-isa na hayaan Siyang baguhin ako bilang isang umuunlad at mabungang mananampalataya. DESISYON   ako DESISYON   xoxoxoxoxo xoxoxoxoxo xoxoxoxoxo xoxoxoxoxo xoDoxoxoxo DoxoDoxoxo DoxoDoxoxo DoDoxoDo
  • 36. - Ang isahang pag-suko ng “kagustuhan” ay nagbubunga ng pagpapaubaya ng “pag-uugali”. - “Panloob na pagbabago” ay nagbubunga ng “pagbabago sa panlabas na pag- uugali.” “Ang tunay na pagsuko ay hindi simpleng pagsuko ng ating panlabas na buhay lamang bagkus ito ay pagsuko ng ating mga kagustuhan – at pag nangyari na ito, nangangahulugan na ang pagsuko ay naisakatuparan na. Ang pinakamalaking balakid na ating haharapin ay ang pagsuko ng ating mga kagustuhan. Subalit ang Panginoon ay kailanman hindi pinilit ang tao isuko ang kagustuhan nito, at Siya’y hindi nagmaka- awa kailanman. Siya ay nagtiyagang naghintay hanggang ang taong iyon ay buong- pusong magpa-ubaya sa Kanya. At pag ang hadlang na iyon ay natapos na, hindi na kailangan laban pa itong muli.” Sinabi ni Hesus, “Kung nais ninyong maging tagasunod ko, nararapat lamang na isuko niyo ang inyong karapatan sa Akin.” At pagkatapos ninyong isuko – ay ano na? Ang inyong buhay ay dapat makitaan ng pananabik na mapangalagaan ang walang patid na pagsasama at pakikipag-isa sa Panginoon.” (Taken from My Utmost for His Higest by Oswald Chambers – Sep. 13. © 1935 by Dodd Mead & Co., renewed © 1963 by the Oswald Chambers Publications Assn., Ltd., and is used by permission of Discovery House Publishers, Box 3566, Grand Rapids MI 49501. All rights reserved.) Isa-isahin Natin ang Ilustrasyon sa Itaas. Kinakatawan ng bilog na ito ang hindi pa mananampalataya Sa pamamagitan ng pananalig ng Banal na Espiritu, ang hindi pa mananampalataya ay kailangan makita ang kanyang kawalang pag-asa, at gumawa ng “desisyon” na tawagin ang Panginoon para sa kapatawaran at kaligtasan. Ang bagong mananampalataya at tumanggap ng buhay na walang hanggan (ang kaganapan) at ang Panginoon ay nagsisimulang manirahan sa mananampalatayang iyon sa Katauhan ng Banal na Espiritu. Sa katayuang ito natural lamang na nakatuon ang bagong mananampalataya sa “panlabas na pag-uugali”. ako DESISYON
  • 37. Sa kapanganakan ang ating kaisipan ay tulad ng isang walang laman na pisara. Ang ilustrasyong ito ay kumakatawan ng ating pag-unawa sa buhay, kaugalian at iba pa na ating natanggap mula sa kapanganakan hanggang sa ating pagbabago, ito ay bunga ng mga impluwensiyang natutuhan buhat sa ating mga magulang, kaibigan, media, kultura at iba pa. Ang pag-unawang ito ay hindi naglalaho sa kaligtasan. Ang mananampalataya ay kailangan matutong kasama ang Banal na Espiritu bilang nakagisnan. Ang gawain ng pagpapasunod ay subaybayan ang hakbangin na iyon. Upang ang espiritwal na paglago ay magpatuloy, ang mananampalataya ay nangangailangan magkaroon ng kasunduan sa Panginoon kung sino ang mas karapat-dapat mamahala sa proseso ng paglago. Maaaring ito ay mangyari sa pagbabago, ngunit sa kasamaang palad karamihan sa mga ito ay hindi naunawaan at tinanggap, hanggang sa kinalaunan. Kalimitan, meron tatlong nagsisilbing gabay na makakatulong sa mananampalataya na gumawa ng pagpapasya na tanggapin ang nasa Banal na Kasulatan ang Panginoon-tagapaglingkod na relasyon. Ito ang mga: 1. Pighati 2. Paghihirap 3. Personal na tagapagsunod Tanda: Karamihan sa ating mga nauunawaan ay salungat sa Diyos, ngunit Siya lamang ang makapag aayos ng tama sa hakbangin ng pagbabago. X = Pang-unawa na salungat sa Diyos O = Pang-unawa na hindi nangangahulugang salungat sa Diyos XOXOXOXOXO  XOXOXOXOXO  XOXOXOXOXO  XOXOXOXOXO DESISYON
  • 38. Ang illustrasyong ito ay ipinakilala ang mananampalataya na gumawa ng desisyon na ipaubaya ang kanyang kalayaan, at kumilala sa Panginoon ang kanyang nararapat na Diyos sa kanyang buhay. Nauunawaan niyang ang Diyos lamang ang may kakayanang patnubayan ang kanyang buhay. ANG PROSESO NG PAGBABAGO: Habang hinahayaan ko Siya, gagamitin ng Panginoon ang kanyang Salita at ang mga pangyayari upang malinawan ako sa mga bagay-bagay na dapat kong palitan. Ang tawag sa prosesong ito ay “Pagpapakabanal” (Roma 12:1-2; Efeso 4:22-24) Ang “espiritwal na paglago” ay ang proseso na kung saan ang pagtingin ng Panginoon sa buhay ay siya ring nagiging pagtingin ng isang mananampalataya. Ayaw ng Diyos na maging parang robot ang isang mananampalataya kundi isang katipan na patuloy na nagagalak sa pakikisama sa Kanya. “Habang ang mananampalataya ay binago ang kanyang kaisipan at ginawa na mas katulad ni Kristo, siya ay lalapit upang sang- ayunan at gustuhin ang kaloob ng Panginoon, hindi ang kagustuhan nito para sa sarili niyang buhay. At kanyang matutuklasan na ang kaloob ng Panginoon ay siya namang makabubuti sa kanya at kalugod-lugod sa Diyos, at sasapat sa lahat ng kapamaraanan. Iyan ang lahat ng kanyang kailangan. Subalit sa pamamagitan lamang ng pagbabagong espiritwal ay saka pa lamang makasisiguro ang mananampalataya at masasayahan sa kaloob ng Diyos.” (Walvoord, John F., and Zuck, Roy B., The Bible Knowledge Commentary, (Wheaton, Illinois: Scripture Press Publications, Inc.) 1983, 1985. Tanda: D = Kumakatawan sa mga lugar ng pang-unawa na binago na ng Panginoon na ayon sa Kanyang kagustuhan. xoDoxoxoxo DoxoDoxoxo DoxoDoxoxo DoDoxoDo
  • 39. II. ANG KARANIWANG MALING KAISIPAN UKOL SA “PATULOY NA PAGSUKO” BIGYANG PANSIN: 1. Kung ang “pagpapasa Diyos” ay ilalagay sa konteksto ng “proseso ng sapilitang pagsuko” ng panlabas na pag-uugali ang bungang kaisipan na implikasyon na mangyayari ay isang “lubusang panlabas na pag-uugali” buhay kung saan ito ay bunga ng “buong pagsuko”. Kalimitan ang mananampalataya ay nakikita ang kanyang sarili na siya ang bahala sa pagsubaybay ng proseso nito at humahantong sa kalungkutan at kabiguan, subalit sino ang makapagsasabi sa kanyang sarili na siya ay buong-buong sumusunod sa Panginoon? 2. Kung ang “ikapu at kaloob” ay pagkilala sa “bahagi ng Panginoon”, ang bungang- kaisipan na implikasyon nito ay mayroon akong “karapatan” pamahalaan ang iba ko pang ari-arian. Kung ang “oras” ay sapat para sa pagpunta sa Simbahan, pagbabasa ng Banal na Aklat, at iba pa ay nauunawaan bilang bahagi ng Panginoon, samakatuwid hindi lahat ng aking oras ay para sa akin upang pamahalaan? DESISYON   ako   “Totoong nais ko na lubos ang pagkontrol ni Hesus sa akin balang araw” Subalit sa ngayon… Sa tingin ko gusto ng Diyos na gawin ko ang aking pinaka-kayang gawin, hindi ba? Ang Ilustrasyong ito ay Kumakatawan sa Hindi Kanais-nais na Pag-unlad ng Isang Mananampalataya.
  • 40. Mga Suliranin na may Kaugnayan sa mga Sumusunod na Pananaw: 1. Ito ay nagbubunga sa pananaw ng mananampalataya na ang Diyos ay isang banta; tulad ng: a. “Ano ang ipagagawa Niya sa akin na hindi ko kaya o ayaw kong gawin?” b. “Ano ang gagawin Niya upang hindi ko magawa ang mga nais kong gawin?” c. “Ano ang kukunin Niya sa akin na talagang pinaka-iingat-ingatan ko?” d. “Bibiguin ba Niya ako kung ipagkatiwala ko ito sa Kanya?” 2. Ang mananampalataya ay nakikita ang kanyang sarili na taga pamahala sa proseso ng kanyang paglagong espiritwal, na naging basehan kung ano lang ang dapat at kailangan ipaubaya sa Banal na Espiritu. Sa madaling salita, dapat alisin ang mananampalataya ang mga alintuntunin at limitasyon. Ang pananaw na it ay kalimitan dahil sa pagiging mapagmataas, ang pinalawak na pananaw ng pansariling kaalaman at kakayanan, at ang magulong pagka-unawa sa katangian ng Panginoon. BIGYANG PANSIN: 1. Walang maipaliwanag na dahilan upang ayawan ang paanyaya sa Kanyang pagka- Panginoon. Ang pagiging kulang sa pagtanggap ay mula sa kadahilanang: a. natatakot sa walang kasiguraduhan b. ayaw bumitaw sa pagkontrol sa sarili c. ayaw lumisan sa masarap na kinatatayuan, o d. ang sobrang paniniwala sa pansariling kakayanan upang pagpasyahan at pamahalaan ang kanyang haharaping buhay. Sabi ni Hesus: "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo." (Mateo 11:28-30) Hindi sinabi ni Hesus na, “Alamin niyo ang tungkol sa Akin, at kung nagustuhan ninyo kung papaano ko ginagawa ang mga bagay-bagay, saka ninyo kunin ang Aking paanyaya!”
  • 41. 2. Ang totoong katanungan ay mapagkakatiwalaan ba ang Panginoon? Kung ang Panginoon ay tulad natin, meron tayong dahilan upang mangamba. Ang isa ay dapat magtanong: Mahal ba ako ng Diyos? Kung ang katangian ng Diyos na inilrawan ay katulad ng sa Banal na Kasulatan, at nangako Siya na gagawin lamang ang mas makabubuti sa akin, ano pa ang aking dapat ipangamba? Diba siya ang gumawa sa akin? Hindi ba Niya ako binigyan ng buhay? Hindi ba Niya pinapangalagaan ang aking buhay sa ngayon? Sino pa bukod sa Panginoon ang makakaalam ng aking ikasisiya? Diba Siya lang ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa akin? Hindi ba Siya lang nakaka alam kung ano ang gusto Niya sa aking buhay at gagamitin Niya ito para sa kanyang walang hanggang layunin? 3. Ang pag-aari ng Panginoon sa isang mananampalataya ay isang katotohanan, na hindi umaasa sa pagkilala ng mananampalataya sa katotohanan na iyon. Hindi ko kailangan ipakita ang pag-aari, ang tanging magagawa ko ay kilalanin at kumilos ukol sa katotohanan na kanyang ipinabatid. Ang bagong mananampalataya ay susuway sa katotohanang ito, sapagkat wala pa silang pagkakaunawa sa inaasahan ng Panginoon. Sa kabilang banda, ang matagal na sa pananampalataya ay tinatanggap lamang sa isip ang katotohanang ito, subalit sumusuway sa mga maaring kahihinatnan. Ano ang mga kahihinatnan ng pag-aari? Anong mga karapatan o kapangyarihan ang nauunawaan sa kabuuan ng pag-aari? Ang tagasunod ay kailangan maunawaan na siya ay nabubuhay sa espiritwal na “kaharian” hindi sa kalayaang espiritwal. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. 1 Corinto 6:19-20 Kung nais ng Diyos na saktan o pahirapan kayo, sa tingin niyo ba ay kailangan pa Niyang hintayin ang iyong pahintulot?
  • 42. III. ANOLOHIYA: ANG MGA SILID SA IYONG “BAHAY” Si Hesus ba ay mayroong pahintulot sa lahat ng silid ng iyong bahay? Ang Kwento ng Dalawang Mananampalataya Nang kumatok si Hesus sa pinto ng kanilang mga puso (Pahayag 3:20) at humingi ng pahintulot upang pumasok, agad siyang pinapasok ng dalawang tao, sapagkat naunawaan nila na ang pagkawala Niya ay siyang dahilan ng kakulangan sa kanilang buhay (ang Pagpasya sa Kaligtasan). Bilang bagong mananampalataya ang bawat isa ay lubos na nagagalak na si Hesus ay nasa kanyang tirahan at lahat ng kanyang pagkakasala ay napatawad na. Bawat isa ay mayroon kasiyahan at kasiguraduhan na pupunta sa langit. Si Hesus ay nanirahan sa “Silid ng Bisita” – kung saan ito laging malinis at kaakit-akit para sa mga bisita – at naninirahan din Siya sa “espiritwal” na silid – kung saan ang mananampalataya ay pumupunta upang dumalo sa Simbahan, magdasal at magbasa ng Bibliya. Subalit balang araw ay hihingi si Hesus ng Pahintulot sa bawat isa sa kanila na gumawa ng mga pagbabago sa kanilang mga tahanan, gaya ng pagtangkilik sa bagong pamamahala, ayusin muli ang mga bagay-bagay, pagtapon sa mga walang kabuluhang bagay, at magdala ng mga bagong ari-arian. Siya ay humihingi ng pahintulot sa bawat silid. Ang bawat mananampalataya ay may kaniya-kaniyang sagot. May Pahintulot si Hesus Silid ng Pamamahal sa Pera at Ari-arian Silid ng Pandaigdigan at Politikal Silid ng Pisikal at Kalusugan Silid ng Sosyal at Pakikipag Relasyon Silid ng Bisita Silid ng Mag-asawa at Pamilya Silid ng Trabaho at Libangan Silid ng Pamamahala sa Oras at Pagpaplano sa hinaharap Silid ng Ibat-Ibang Gastusin “Espiritwal” na Silid Silid ng Pamamhala sa Pera at Ari-Arian Silid ng Pandaigdigan at Politikal Silid ng Pisikal at Kalusugan Silid ng Sosyal at Pakikipag Relasyon Silid ng Bisita Silid ng Mag-asawa at Pamilya Silid ng Trabaho at Libangan Silid ng Pamamahala sa Oras at Pagpaplan sa hinaharap Ano ang nasa silid na ito? “Espiritwal” na Silid  
  • 43. Pagpasya sa Kaligtasan LAMANG Ang mananampalataya na nasa kaliwang tahanan ay matatagpuan ang kanyang sarili na may agam-agam ibigay ang kahilingan ni Hesus na gumawa ng malaking pagbabago. Subalit, siya ay bukas sa mga mungkahi at hahayaan ang mga maliit na pagbabago na hindi makakabalakid sa kanyang pamumuhay at mga plano sa hinaharap. Ipinabatid sa Kanya ni Hesus na Siya (Hesus) lang ang Nag-Iisang may sapat na kakayanang ayusin ang bawat desisyon kagaya ng nasusulat sa itaas, sapagkat Siya lang ang nakakaalam ng mga kakailanganin upang gawin karapat-dapat ang tirahan para sa Panginoon, isang tirahan na magagamit sa kanyang mga layunin. Ipinaliwanag ni Hesus ang mga mabuti Niyang hangarin, at sinisiguro na magiging kuntento ang isang mananampalataya sa kakalabasan nito. Habang ang mananampalataya ay tumugon dahil kaakit-akit ito sa kanyang pandinig, tinitingnan pa din niya ang kanyang sarili bilang mabuting tagapag husga kung ano ang nararapat at hindi ang di dapat baguhin, base sa kanyang mga karanasan. Kanyang ipinapadama ang kanyang pagpapasalamat sa presensiya ng Panginoon at mga pagpapala nito, at ang nais niyang gawing katanggap-tanggap ang Silid ng Bisita para sa Kanya. Kanyang sinisiguro kay Hesus habang lumilipas ang panahon, kanyang bibigyan ito ng pahintulot sa iba pa nitong mga silid. “Hesus, nagpapasalamat ako sapagkat Ikaw ay naninirahan sa aking tahanan! Ako’y nagagalak na malaman na Ikaw ay aking maaasahan at laging nandiyan sa bawat sitwasyon na sa aking tingin ay mahirap gawan ng paraan.
  • 44. Pagpapasya sa Kaligtasan at Pagpapasa Diyos Ang mananampalataya na nasa kanang tahanan ay matatagpuan din ang kanyang sarili na may agam-agam ibigay ang kahilingan ni Hesus sa kadahilanang hindi pa siya handa sa malaking pagbabago. Subalit, batid niya na siya ay nabili sa malaking halaga at si Hesus ang nararapat na Magmay-Ari. Kanyang idinahilan, “Kung si Hesus ang nagmamay-ari, papaano ko Siya matatanggihan sa bawat silid ng aking tahanan? (ang pagpapasa Diyos na desisyon ay pagkilala kay Hesus bilang Panginoon ng kanyang buhay.) Ang mananampalataya na tila duda, hindi niya nauunawaan kung papaano ang pagpasyang ito ay makaka apekto sa kanyang hinaharap. Subalit kanyang idinahilan na kung si Hesus ay madami ng nagawa para sa kanya nararapat lamang na Siya ay patuloy na pagkatiwalaan gawin ang kung ano ang mas ikabubuti sa kanyang kapakanan. “Hesus hindi ko alam kung ano ang Iyong mga plano sa aking buhay, at magtatapat ako na may mga takot akong nararamdaman. Subalit aking nauunawaan na ako ay Iyong pag-aari at hindi ako maaaring gumawa ng sariling pagpapasya sa aking buhay sapagkat hindi ko alam kung ano ang gusto Mo gawin sa akin, o di kaya’y ano ang nakapaloob sa mga mangyayari. Ako’y nagpapasalamat na alam Mo, at nais kung magtiwala sa Iyo na gawin ang nararapat na pagbabago sa akin.” “Salamat sapagkat kabilang ako sa Iyong mga plano. Wow!” Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. (1 Corinto 6:19-20)
  • 45. Kahit ang pagpapasya ng Diyos ay nagbibigay sa Panginoon ng pahintulot sa lahat ng mga silid sa tahanan, Siya lamang ang makapagpapasya kung ano ang dapat baguhin sa bawat silid. Ang Banal na Espiritu ang mamamahala sa mga pagbabagong gagawin habang inaalam Niya kung ano ang mas ikakabuti. Ang lahat ng ito ay bahagi ng patuloy na paglago. ANONG MGA SILID ANG NASA INYONG MGA TAHANAN? Pagkakatiwalaan mo ba ang Panginoon sa LAHAT ng mga silid? Pag-isipang mabuti at magdasal kung si Hesus ay may pahintulot sa lahat ng iyong tahanan – pagmamay-ari Niya ito! Pagkatapos tingnan ang kinalabasan, hindi magsisisi ang kahit na sino man sa pagpasyang pagpili sa Kanya bilang taga Pamahala ng kanilang buhay.
  • 46. ARALIN 8 ILUSTRASYON NG DALAWANG KATANGIAN AT PANANATILI 1. ANG MGA SUMUSUNOD NA ILUSTRASYONG MAKIKITA AY HANGO SA APAT NA ESPIRITWAL NA KALAGAYAN. A. Si Adan (bago magkasala) at Hesus – habang Siya ay nasa daigdig Lahat ng pag-uugali ay naayon sa katangian ng Panginoon, nakalulugod sa kanya. Genesis 1:27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan … Genesis 2:7 … ng Panginoong Yahweh … hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay. Genesis 1:31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. (walang mali, walang pagkukulang) Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 5:14; 1 Corinto 15:45; Filipos 2:5-7; Hebreo 4:15 katawan kaluluwa espiritu Ang walang salang likas ng tao, lubos na tugma sa Panginoon PANGINOON Ang walang salang likas ng tao, lubos na kaparehas ng Panginoon
  • 47. B. Lahat ng hindi mananampalataya Ang kanilang mga gawa (bunga) ay walang buhay (walang hanggan), may pagkukulang (pagkakamali) at samakatuwid hindi katanggap-tanggap sa Panginoon. Roma 3:23 sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Roma 3:10-12 … "walang matuwid, wala kahit isa… walang naghahanap sa Diyos; … Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa." Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: 1 Corinto 15:22; Efeso 2:12 Kaalaman: Tinatanggap lamang ng Panginoon ang walang kamalian (100% walang bahid). Walang sinuman ang may katangian nito. Ang hindi mananampalataya ay pinagkaitan ng Kanyang buhay. Ang Panginoon Lamang ang makagagawa ng kahit na ano na mayroong halaga panghabang buhay. katawan kaluluwa Ang makasalanang likas ng tao, nadungisan at walang kakayanang magbunga ng gawa na katanggap-tanggap at kalugod-lugod sa Panginoon. PANGINOON Ang nadungisan likas ng tao KASALAN
  • 48. C. Ang kalagayan ng “pananatili” sa pakikipagtipon kasama ang Banal na Espiritu. (Ang “normal” na buhay ng mananampalataya) Lahat ng papayagan ko na gawin ng Banal na Espiritu para sa akin ay pang walang hanggan at may gantimpala sa luklukang hukom ni Hesus (ginto, pilak at mamahaling bato.) Galacia 5:16 … ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. Galacia 5:22-23 … ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. Tanda: Ang pabilog na “guhit na may tuldok” ay naglalarawan sa “kalagayan” ng aspeto ng pananatili. kaluluwa katawan ang likas ng tao ay nandiyan at nadungisan ngunit walang kapangyarihan
  • 49. D. Ang kalagayan ng “hindi pananatili”, mayroong mga problema na hindi pa natutugunan ng Banal na Espiritu. “paglalakad sa laman” Ang lahat ng hindi puspos ng Banal na Espiritu ay pansamantala lamang, pag walang buhay Niya at walang gantimpala (kahoy, dayami, putik). Galacia 5:17 Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito … Juan 15:4-5 “…Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa Akin... sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. (walang habang buhay na halaga) Roma 8:8 … ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Ang Parusa ng Kautusan
  • 50. 2. GUMAGAMIT ANG PANGINOON NG MGA PUNO AT HALAMAN UPANG PASALUNGATIN ANG DALAWANG LIKAS. Ang Kaluwalhatiang Likas sa katauhan ng Banal na Espiritu. Jeremias 17:7-8 "Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga. Kaalaman: Kahit na ako ay lumalakad ng may pakikipagtipon kasama ang Banal na Espiritu (#3), at walang usaping kailangang tugunan, hindi lahat ng aking ginagawa ay puspos Niya, o kaya’y kinalulugdan Niya. Habang pinapayagan ko Siyang palaguin at pagtibayin ako, lalo Siyang magkakaroon ng kalayaang mamunga ng kanyang gawain. At kung aking makita ang aking sarili na hindi ko kaisa ang Banal na Espiritu (#4), ito ay aking desisyon. Hindi ko kailangan magtagal na walang pakikipagtipon sa Banal na Espiritu. Ang muling pagsasa- ayos ng kalagayan ng pananatiling may pakikipagtipon (#3) ay magaganap agad sa paghingi ng kapatawaran ng mga kasalanan na kung saan ako ay pinapanagot ng Banal na Espiritu. Mayroon tayong kalayaan kay Kristo … hindi kasarinlan. Papapano ko malalaman kung ako ay wala na sa pakikipagtipon sa Banal na Espiritu (#4)? Kadalasan ang mga palatandaan ay nagbibigay tanda sa nananakit na pangangatawan. Kahalintulad ng “patuloy” na palatandaan sa espiritwal ng makasalanang likas, kagaya ng: Pagkatisod, Pagsusumikap, Mainipin, Walang Kapayapaan, Pagkabigo, Pagkatalo, Walang Kasiyahan, Reklamador, Pag-alala, Galit, Pagkabalisa, Irritable, Mabisyong Pag-uugali, Papanghusga at iba pa.
  • 51. Awit 1:3 Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay. Mateo 7:17-18 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, … Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno, … Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Galacia 5:17-23; 2 Pedro 1:4 Ang likas ng isang katauhan na nadungisan ng kasalanan ay mula sa unang Adan. Jeremias 17:5-6 Sinasabi ni Yahweh, "Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay. Ang katulad niya'y halamang tumubo sa disyerto, sa lupang tuyo at maalat, na walang ibang tumutubo; walang mabuting mangyayari sa kanya. Mateo 7:17-18 … subalit masama ang bunga ng masamang puno. … hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Galacia 5:17-23 Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu … Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, a paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito, … 3. INIHAMBING NI SANTIAGO ANG LIKAS NG SANGKATAUHAN SA BUKAL NG “MAALAT NA TUBIG” AT SA KALUWALHATIANG LIKAS NG BANAL NA ESPIRITU SA BUKAL NG “BUHAY NA TUBIG”. Santiago 3:9-12 … sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat. Juan 7:37-39 … tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin, at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay. Ang tinutukoy niya'y ang Espiritu …. (Tingnan din ang Juan 4:13-14)
  • 52. 4. ANG LIKAS SA SANGKATAUHAN AY MAKASALANAN, MALAYA AT MALAYO SA KAAYUSAN. Jeremias 17:9 "Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito'y mandaraya at walang katulad; … Juan 6:63 Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao… Roma 3:10-12 Ayon sa nasusulat, "Walang matuwid, wala kahit isa. … walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa." Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 7:18; Roma 8:8; Galacia 5:17 5. ANG TAO AY SUMUSUBOK AYUSIN ANG KANYANG PANLABAS NA PAG- UUGALI, SUBALIT ANG PANGINOON AY ITINUTUON TAYO SA UGAT NG PROBLEMA – ANG MAKASALANANG LIKAS NG SANGKATAUHAN. ANG PANLABAS NA PAG-UUGALI AY PATUNAY LAMANG NG TUNAY NA SULIRANIN. Mateo 5: :21-22 (Sinabi ni Hesus) "Narinig ninyo na iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, 'Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.' Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, … :27-28 "Narinig ninyong sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.' Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. Mateo 15:19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. 6. ANG LAYUNIN NG BATAS AY GAWING MALINAW ANG PAGIGING MAKASALANAN NG AKING PAGKATAO, NANG SA GAYON AKO AY HIKAYATIN NA HUWAG UMASA DITO, KUNDI SA BANAL NA ESPIRITU. (Tingnan din ang Galatians 3:1-3) Roma 3:19-20 Alam natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasasakop nito upang walang maidahilan ang sinuman, at dahil dito'y mananagot ang lahat sa Diyos. Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala. (Tingnan din ang Hebreo 7:18-19)
  • 53. Roma 5:20 Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; … Galacia 5:22-23 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. Para sa pandagdag pag-aaralan, basahin ang: Roma 4:15; Roma 5:13 7. SA ROMA KAPITULO 7-8, IPINAPAKITA NI PABLO ANG KAWALANG PAG-ASA NG SANGKATAUHAN AT ANG PERPEKTONG SOLUSYON NG PANGINOON. a. Sa pananaw ng Panginoon ang mananampalataya ay kailangan “mamatay sa” (kalayaan mula) makasalanang likas, at nakiisa kay Kristo. Roma 6:18,22 Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran… Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at naging alipin na ng Diyos, … Roma 7:4 … namatay na kayo sa Kautusan dahil kayo'y bahagi ng katawan ni Cristo, at ngayon kayo ay kabilang na sa mga nakipag-isa sa kanya na muling binuhay, upang magbunga tayo ng mabubuting gawa para sa Diyos. b. Nung hindi pa ako mananampalataya ang aking buhay ay kinapapaibawan ng makasalanang likas, na naninirahan sa aking pisikal na pangangatawan. Roma 7:5 Noong tayo'y namumuhay pa ayon sa ating likas na pagkatao, ang ating mga masasamang hilig na pinupukaw ng Kautusan ay nag-uudyok sa atin na gumawa ng mga bagay na hahantong sa kamatayan. TANDA: (tumutukoy muli sa ikatlong puntos #3) Ang Batas ay mailalarawan bilang isang palatandaan sa tabi ng maalat na bukal sa desyerto. “BABALA! ANG TUBIG NA ITO AY NARUMIHAN NA AT HINDI LIGTAS INUMIN.” Ang maalat na tubig ay “mukhang” malinis, subalit hindi kayang magdugtong sa buhay ng tao. TANDA: Sa mga sumusunod na talata, ang “kamatayan” ay tumutukoy sa “kawalan ng buhay”, i.e. kawalan ng buhay na nagmumula sa Panginoon.
  • 54. Sa katotohanan, ang mananampalataya ay namatay na sa kasalanan. Ang Gregong salita (pangnagdaan) ng “namatay” ay nagmumungkahi ng pinaka detalyadong punto na kung kailan ang pangyayari ay naganap, sa kaligtasan. Ang kamatayan, pisikal man o espiritwal, ang ibig sabihin ay paghiwalay, hindi pagkawala (talata 6:6-7, 14). Ang kamatayan sa kasalanan ay paghiwalay mula sa kapangyarihan nito, hindi ang pagkawala ng kasalanan. Ang pagiging patay sa kasalanan ay nangangahulugang “malaya sa kasalanan” (talata 6:18, 22 sa itaas). Dahil sa katotohanang iyon, naitanong ni Pablo, “Papaano sila mabubuhay ng matagal doon? Kapansin-pansin ang mananampalataya ay hindi mabubuhay sa kasalanan kung namatay din sila.” (Walvoord, John F., and Zuck, Roy B., The Bible Knowledge Commentary, (Wheaton, IL: Scripture Press Pub., Inc.) 1983, 1985. Ako bilang mananampalataya TANDA: Ang pabilog na “guhit na may tuldok” ay naglalarawan ng “kalagayan” ng aspeto ng pananatili. Inilahad ng Kautusan ang bunga ng Sangkatauhan Ang Sangkatauhan ay nandiyan subalit walang kapangyarihan
  • 55. c. Ngayon, bilang isang mananampalataya, ako ay napalaya na mula sa pagkaalipin ng kasalanan. Roma 7:6 Ngunit malaya na tayo ngayon mula sa Kautusan dahil namatay na tayo sa kasalanang dating umaalipin sa atin. Kaya, tayo'y naglilingkod sa Diyos hindi dahil sa lumang batas na nakasulat, kundi dahil sa bagong buhay ng Espiritu. d. Hindi ginusto ng Panginoon na ang Kautusan ay maging isang dahilan ng tao upang gawin niyang katanggap-tanggap ang makasalanang likas nito, bagkus ginamit Niya ang Kautusan upang ipakita kung gaano ito “hindi katanggap-tanggap” sa Kanya.   Roma 7:7-13 Ang ibig bang sabihin nito'y ang Kautusan ay masama? Hinding-hindi! Kaya lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan. Hindi ko sana nalaman kung ano ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, "Huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba." … Kaya nga, banal ang Kautusan at ang bawat utos ay banal, matuwid, at mabuti. Ang ibig bang sabihin nito'y nagdulot sa akin ng kamatayan ang mabuting bagay? Hinding-hindi! Ang kasalanan ang pumatay sa akin sa pamamagitan ng mabuting bagay. Nangyari ito upang maipakita kung ano nga ang kasalanan, at upang mahayag, sa pamamagitan ng Kautusan, na ang kasalanan ay talagang napakasama. e. Naranasan ni Pablo ang lahat ng dapat matutunan ng isang mananampalataya, na ang makasalanang likas ay hindi napapabuti kahit kaunti mula ng ako ay naging mananampalataya. Kahit anong aking gawin, hindi ko maitutulad sa katangian ng Panginoon. Roma 7:14-16 Alam nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman at alipin ng kasalanan. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko gusto, nangangahulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan. f. Namalayan ni Pablo na ang makasalanang likas ay hindi mababago. Hindi na ito nagpapakilala ng kanyang mga tunay na pagnanais, subalit ano pa ba ang kanyang pagpipilian? Roma 7:17-24 Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawa ang mabuting ninanais ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapit sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga
  • 56. bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan. Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin? g. Ang solusyon ng Panginoon sa kawalang pag-asa n gating makasalanang likas ay hindi ayusin o baguhin ang ating lumang likas, bagkus ay magbigay ng bagong likas na naaayon sa katangian ng Panginoon. Si Pablo ay hindi nanirahan sa Roma 7, kahit na ako. Roma 7:25 Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Pangino- on! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa aking katawang makalaman, pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan. Roma 8 :1-4 Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman. :5-8 Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito. At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Galacia 2:19-20 “Ako'y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan rin ng Kautusan upang ngayo'y mabuhay para sa Diyos. Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin…”  
  • 57. … ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. (Galacia 5:16) Pagsasalarawan: Ang Batas ng Grabidad (Law of Gravity) ay naglalarawan kung ang aking Katauhan ay patuloy na aakitin papalayo sa Panginoon. Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, … (Galacia 5:17) Ang makasalanang likas ay nag-iimpluwensiya sa aking kabanalan tulad ng paraan ng grabidad na iniimpluwensiyahan ang aking pisikal na katawan. Batid ko ito lagi, at patuloy akong gumagawa ng pagaayos upang hindi ko ito mapagtagumpayan. Kung ako ay mapatid at bumagsak hindi ko kailangan na manatili lamang. Walang sanggol na nagsimula na lumalakad na agad.