1. Uri ng Tulang Patnigan
.Karagatan
- ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroongnamatay. Kunwari ay may
matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Taposay paiikutin ang isang tabong may tanda.
Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot,ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga
salitang matatalinhaga omakahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang
prinsesangnaghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ngsingsing ay
siya niyang pakakasalan.2.
Duplo
- ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkasat pagbibigay katwiran
nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mgakasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay
madalas laruin tuwing may lamay sapatay.3
.Balagtasan
- ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate nabinibigkas nang patula.
Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na siFrancisco "Balagtas" Baltazar. Pinatanyag ito ng
"Hari ng Balagtasan" na siJose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
PAYAK
- Ang pangungusap ay payak kung binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa. Ito
aynagpapahayag ng isang buong diwa. Ang payak na pangungusap ay maaaring may payak na
panguri tulad ng mga sumusunod.Halimbawa.1. Nag-eehersiyo ang mga mag-aaral.2. Siya ang
pinakamatuling tumakbo na mag-aaral.
TAMBALAN
- ang pangungusap ay tambalan kung binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-
iisa.HalimbawaAng iba sa kanila ay nagbabasa samantalang ang karamihan ay nagsusulat.
HUGNAYAN
- Kapag binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na dimakapag-iisa
ang pangungusap ay tintawag na
hugnayan.
HalimbawaAng mag-aaral na pinarangalan dahil sa kanyang halaman sa bakuran ay si Apolinario