1. NOBELA
• Ito ay tinatawag din sa wikang Tagalog na
Kathambuhay. Katha sapagkat likha ng
panulat. At Buhay sapagkat ang mga
kasaysayan ngang isinasalaysay, kung hindi
man lubos na gawa sa isip, ay hinahango sa
mga pangyayaring tunay na naganap sa buhay
na maaaring nasaliksik, nasaksihan o
naobserbahan, napanayam, o kaya’y
naranasan.
2. • Ang katagang nobela ay buhat sa salitang
Kastila na Novella na binaybay-Tagalog at
pinanatili ayon na rin sa dikta ng kasaysayan
dahil ang mga Kastila ang nagdala ng sangay
na ito ng panitikan sa kapuluan na lalong
nagpatingkad sa kanilang pananakop.
• Ito rin ay isang masining na sangay ng mga
pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot
ayon na rin sa mga karanasan ng tao sa
kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
3. • Ang salitang nobela ay nanggaling din sa
salitang Latin na Novelus, at itinuturing na
supling o kaugnay ng Kasaysayan o Istorya
pagkat dito isinasalaysay ng saksi ang mga
kaalamang kanyang namasid, kung hindi man
walang labis o kulang, nababawasan o
nadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad,
pinalulungkot o pinasasaya. (Servando de los
Angeles, 1974).
5. Ang Panahon ng Kastila (1565 - 1898)
• Ayon kay Soledad S. Reyes:
epiko
Nobela awit at korido
mga akdang panrelihiyon
• Nobelang Didaktiko -> nangangaral o
nagtuturo ng mga kabutihang-loob at
kagandahang-asal.
6. • Barlaan at Josaphat -> isinalin ni Padre
Antonio de Borja sa wikang Tagalog noong
1712.
• Urbana at Feliza -> isinulat ni Padre Modesto
de Castro.
• Tandang Bacio Macunat -> kinatha ni Padre
Lucio Miguel y Bustamante.
• Florante at Laura -> sinulat ni Francisco
Baltazar.
• Ninay -> kinatha ni Pedro Paterno
7. • Jose Rizal -> isinulat ang mga nobelang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo.
Ang kalagayan ng nobelang Filipino
noong panahon ng mga Kastila ay hindi
nakaalwan dahil bukod sa iilan lamang ang
nakapagtapos ng pag-aaral at may kayang
magsulat at makapagpalimbag ng kanilang
akda, ang pamunuan ay labis sa kahigpitan,
sensurang naglilimita sa karapatang
papapahayag.
8. Ang Panahon ng Amerikano (1900 - 1941)
Sa simula ng pananakop ng mga
Amerikano, hindi nagkapuwang ang
pagsulat ng nobela. Sa halip, mga sanaysay
at talumpati ang naging behikulo ng
pamamahayag para magsilbing
propagandang pampaalab sa damdamin at
kasipan ng mga mamamayang Pilipino
upang magkaroon ng kaisipan sa pagtuligsa
sa mga di-kanais-nais na pamamalaka ng
mga bagong pinunong Amerikano.
9. • Salawahang Pag-ibig -> ang kauna-unahang
nobelang patuluyang nasusulat sa wikang
Tagalog na kinatha ni Lope K. Santos noong
1900. Sa pamamagitan ng diaryong Ang
Kaliwanagan, de-serye o kaba-kabanata o
dugtungan itong natunghayan at nabasa ng
taumbayan.
• Valeriano Hernandez Peña -> tinaguriang Ama
ng Nobelang Tagalog. Ang kanyang orihinal na
akdang Nena at Neneng ay nailimbag noong
1905.
10. Lalo pang lumaganap ang larangan
ng nobela sa pamamagitan ng mga
diaryong Muling
Pagsilang, Katwiran, Lunas ng
Bayan, Kaibigan ng Bayan, atbp.
Lumaganap din ito sa ibang wikain ng
Pilipinas:
• Sebuano: Wala’y Igsoon
• Hiligaynon: Benjamin ni Angel M.
Magahum noong 1907.
11. • Ilokano: Biag Ti Maysa A Lakay Wenno
Nakaamames ni Mariano N. Gaerlan noong
1909.
Pahayagan sa Ibang Rehiyon:
• Sebuano: Ang Suga (1901); Ang
Camatuoran (1902)
• Ilonggo o Hiligaynon: Ang Kagubat
(1900); Kadapig Sang Banwa (1905)
• Ilokano: La Lucha (1909)
12. Mga Nobelista sa Panahon ng Amerikano:
1906
• Patricio Mariano: Juan Masili o Ang Pinuno ng
Tulisan at Dalawang Puso sa Liwanag ng
Buwan
1907
• Faustino Aguilar: Pinaglahuan
• Francisco Lacsamana: Anino ng Kahapon
1909
• Iñigo Ed. Regalado: Madaling Araw
13. 1910
• Mamerto Paglinawan: Bayan at Pag-ibig
1911
• Rosauro Almario: Mga Anak-Bukid
1912
• Julian C. Balmaceda: Ang Taong Labas
1913
• Aurelio Tolentino: Maring
1914
• Juan L. Arsciwals: Lalaking Uliran o Tulisan
14. 1924
• Teofilo Sauco: Ang Magmamani
1927
• Faustino Aguilar: Lihim ng Isang Pulo
1933
• Antonio Sempio: Anak Dalita
15. Ang Panahon ng Hapon (1942 - 1945)
Ang panahong ito ay isang kasalatan sa
larangan ng nobela.
Mga nobelang nalathala sa Magasing
Aliwan:
• Luha at Luwalhati (Antonio Sempio, 1942)
• Igorota sa Baguio (Fausto Galauran, 1945)
• Sa Lundo ng Pangarap (Gervacio
Santiago)
16. • Zenaida (Adriano P. Landico)
• Lumubog Ang Bituin (Isidra Zarraga-Castillo)
• Tatlong Maria (Jose Esperanza Cruz)
17. Ang Panahon ng Republika (1946 –
Kasalukuyan)
Dekada 40
• Sa Kuko ng Kasalanan ni Cirio G. Almario
(Aliwan, 1946)
• Hanggang Pier ni Mateo Cruz Conelio (Aliwan,
1946)
• Ang Makiring Maynila ni Teofilo Sauco
(Aliwan, 1946)
• Nasaan ang Ligaya? (Liwayway A. Arceo at
Hernando Ocampo, 1947)
18. • Langit ang Isang Pag-ibig (Macario Pineda,
1947)
• May Landas Ang Kaligayahan (Maximo
Agustin, 1948)
• Sugat ng Alaala (Lazaro Francisco, 1949)
Dekada 50
-> lumutang sa mga nobela ang mga paksang
may kinalaman sa usaping panlipunan at mga
kakaibang larawan ng buhay.
19. 1955
• Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
1958
• Pagkamulat ni Magdalena nina Alejandro G.
Abadilla at Elpidio Kapulong
1959
• Ang Tundo Man ay May Langit Din ni Andres
Cristobal Cruz
• Mga Ibong Mandaragit ni Amado V.
Hernandez
20. Dekada 60
-> simula ng protesta. Sa mga unang tatlong
taon ng 60 ay nanatili sa sintahang tema ang
mga nobela. Sa kalagitnaan ay nagsimula ang
pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga
problemang kinakabaka ng karamihang
mamamayan.
(1962)
• Daluyong ni Lazaro Francisco
• Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
21. (1964)
• Apoy sa Madaling-Araw ni Dominador Mirasol
• Sa Kagubatan ng Lunsod ni Edgardo M. Reyes
(1965)
• Dugo sa Kayumangging Lupa ni Efren R.
Abueg
• Ipakipaglaban Mo Ako ni Liwayway A. Arceo
(1966)
• Habagat sa Lupa ni Efren R. Abueg
22. • Liza ni Liwayway A. Arceo
(1967)
• Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
(1968)
• Dilim sa Umaga ni Efren R. Abueg
• Mga Halik sa Alabok ni Dominador Mirasol
(1969)
• Nagbabagang Paraiso ni Liwayway A. Arceo
23. Dekada 70
-> mga taon ng lantarang pagwawagayway ng mga
bandilang pula.
(1970)
• Madilim ang Langit sa Bayan Ko ni Jose Mercedes
(1971)
• Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa ni
Celso Al. Carunungan
• Nangluhod sa Katihan nina Fausto Galauran at
Gervacio Santiago
24. (1972)
• Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo
(Liwayway)
• Ito Ang Rebolusyon at Judas Iscariote nina
Clodualdo del Mundo at Gervacio Santiago
(Liwayway)
(1975)
• Ginto Ang Kayumangging Lupa ni Dminador
Mirasol (Sagisag)
25. Dekada 80
-> ang panahon ng Bagong Republika. Ayon kina
Lydia Fer Gonzales, et. al. (1982), ang nobela
sa panahong ito: “karamihan ay nasa
pamantayang komersiyal, lalo na iyong
isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa
pagkapili nito upang maisapelikula … nagbalik
sa romantiko ang karamihan…ang mga
nobelang lumabas sa Liwayway…ang mga
manunulat na may layunin ay nawala.”
26. Mga Nobelang Nanalo sa Carlos Palanca
Memorial Awards (CPMA):
1979-1980
• Gapo (At Isang Puting Pilipino sa Mundo ng
mga Amerikanong Kulay Brown) ni Lualhati
Bautista -> nalathala noong taong 1989
1980-1981
• Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig ni Reynaldo
A. Duque
27. 1981-1982
• Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpapahuli sa
Mamang Salbahe at Kulang ng Isa sa Sandusena
Ba’t Di Pa Magkasya sa Labing-isa na Lang? ni
Victor V. Francisco
1982-1983
• Dekada 70 ni Lualhati Bautista at Ficcion ni Edel
Garcellano
1983-1984
• Bata, Sinaksak, Isinilid sa Baul ni Tony Perez at
Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista
28. 1987-1990
• Mga Aninong Hubad ni Cyrus P. Borja at Mga
Limbas sa Lupa ni Muhammad ni Ramon V.
Lim -> nagkamit ng Karangalang Banggit
1990-1993
• Gagamba ni Reynaldo A. Duque at
Kwadresentinyal ni Rosauro Dela Cruz ->
nagkamit ng Karangalang Banggit
29. 1993-1996
• Bulaklak ng Maynila ni Domingo G. Landicho
at Moog ni Buenaventura S. Medina Jr. ->
magkahating nagkamit ng Pinakamalaking
Gantimpala
1996-1999
• Malaybay niEdmund Coronel
1999-2002
• Ang Kaulayaw ng Agila ni Lilia Quindoza
Santiago
30. 2002-2005
• Kung Paano Ko Inayos ang Buhok Ko Matapos
ang Mahaba-haba Ring Paglalakbay ni Norman
Wilwayco
2005-2008
• Hindi nagbukas para sa Filipino Division
2008-2011
• Gerilya ni Norman Wilwayco
32. Mga Nobelistang Bikolano:
• Ricky Lee -> Para Kay B (o kung paano
dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
• Abdon Balde Jr. -> Pangarap at
Pangitain (2001); Sa Kagubatan ng Isang
Lungsod (2002); Mayong (2003); Hunyango sa
Bato (2004); Calvary Road: Mga Kuwento sa
Balighong Panahon (2005); Awit ni Kadugnung
(2008)