3. 1. Suliranin Sa Solid Waste
Management
Tumutukoy ang solid waste sa mga
basurangnagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento mga basura na nakikita sa paligid,
mga basurang nagmumula sa sector ng agrikultura at
iba pang basurang hindi nakakalason (Official
Gazette,2000).
4. •Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013),
ang Pilipinas ay nakakalikha ng 39,422 toneladang
basura araw-araw noong 2015.
•Halos 25% ng Pilipinas ay galing sa Metro Manila
kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7kilong
basura araw-araw.
5. •Ang malaking bahagdan ng itinapong
basura ng mga Pilipino ay mula sa mga
tahanan na mayroong 56.7%.
•Ang pinakamalaking uri ng basura na
tinapon ay bio-degradable na may
52.31%. (NSWMSR,2015)
6. Bahagdan ng pinanggalingan ng solid waste.
(National Solid Waste Management Status Report, 2015
Other Commercial
Market
18.3%
Residential
Commercial
Industrial
Institutional
7. Bahagdan ng pinanggalingan ng solid waste.
(National Solid Waste Management Status Report, 2015)
Paper and Cardboard 8.70%
Plastics 10.55%
Biodegradables
Recyclables
Special
Residual
Metals 4.22%
Glass 2.34%
Textile 1.61%
Leather and Rubber 0.37%
9. Iba’t ibang Dahilan ng Problema sa Solid Waste
Kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura
Tinatayang 1500 toneladang basura ang itinapon sa
ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay
Epekto nito ay ang paglala sa pagbaha at paglaganap
ng mga insekto na nagdudulot ng iba’t ibang sakit.
Ang pagsusunog ng basura ay nakadaragdag sa
polusyon sa hangin.
10. Naradagan ang trabaho ng mga waste
collector dahil kinakailangan muna nilang
magsagawa ng waste segregation bago
dalhin sa dumpsite.
Problemang maari sanang maiwasan kung
mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan
at mga pampublikong lugar ang waste
segregation.
11. Dalawang Malaking Dumpsite sa Pilipinas
•Rodriguez at Payatas
Nagdudulot ng panganib sa mga
naninirahan dito.
Leachate o katas ng basura na nagtataglay
ng lead,arsenic na mapanganib sa kalusugan
ng tao.
12. •Waste Pickers
Namumulot o nangangalkal ng mga basura.
Panganib sa buhay at kalusugan ng 4,300 waste pickers
sa mga dumpsite ng Metro Manila.
Apektado din ang pag-aaral ng mga kabatang waste
pickers.
Bukod sa posibilidad na magkasakit ay maaring
maimpluwensyahan na gumawa ng illegal na Gawain, o
kaya ay mamamatay
13. • Trahedya noong 2000
Gumuho ang Payatas Dumpsite at maraming bahay ang natabunan
dahil sa walanhg tigil na pag-ulan
Nasundan pa ng sunog na ikinamamatay ng 205 katao
Hindi tamang pagtapon ng Electronic Waste o E-Waste
Computer
Cellphone
Telebisyon, ect.
Note: Humigit kumulang sa anim na toneladang e-waste ang itinapon sa landfill na
siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na
mapapakinabangan.
14. Note: Ang paraan ng pagbaklas ng e-waste
kagaya ng pagusunog ay nagdudulot ng
panganib dahil pinagmulan ito ng mga
delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium,
barium, mercury, at polyvinyl chloride na
nakalalason ng lupa at maging tubig.
( Mooney, Knox, & Schancht,2011)
16. Solusyon:
•Republic Act 9003 o kilala bilang
Ecological Solid Waste
Management Act of 2000
(Official Gazette, 2000)
17. Resulta ng Republic Act 9003
•Pagpapatayo ng Materials Recovery Facility
(MRF)
•2,438 noong 2008
•8, 656 taong 2015
(National Solid Waste Management Status Report,
2015)
18. Best practices ng mga Local Government Units
(LGUs) sa Pamamahala sa Solid Waste.
• Halimbawa ng mga Best Practice sa pamamahala ng Solid Waste
Lugar Best Practice
Sto. Tomas, Davao del Norte No Segregation, No Collection
No Orientation & Implementatin of
Ecological Solid Waste Management
(ESWM), No Issuance of Municipal
Permits
Municipal-wide composting &
livelihood projects
19. Best practices ng mga Local Government Units
(LGUs) sa Pamamahala sa Solid Waste.
• Halimbawa ng mga Best Practice sa pamamahala ng Solid Waste
(Sanggunian: Aguinaldo, 2014)
Lugar Best Practice
Bago City, Negros Occidental Takakura Market Waste Composting
Barangay Bagumbuhay, Project 4,
Quezon Cit
Garbage = Points
Teresa, Rizal Residual Waste Management
Quezon City Pioneering LGU in Dumpsite
Conversion with Methane Recovery for
Power Generation
20. Mga Suporta ng NGO sa Pilipinas
• Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng
MRF sa mga barangay.
• Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga
programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion,
Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa
Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
21. Mga Suporta ng NGO sa Pilipinas
• Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat
ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran.
Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa
Pasig River Rehabilitation Project.
• Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at
pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan
at pagsusulong ng kapayapaan.
22. • Note: Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa
ay nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid waste sa
Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon
ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng
pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng
basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na
suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang
tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil
ang patuloy na paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba
pang suliraning pangkapaligiran.
23. Suliranin Sanhi Bunga Mga Solusyong
Ginagawa
Gawain 3. Data Retrieval Chart
Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutuhan sa
suliranin sa solid waste sa Pilipinas
24. Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa
solid waste?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang
suliranin sa solid waste?
25. 2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
• Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas
na yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong
2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman,
halimbawa nito ay angpagtatanim at pangingisda. Mahalaga din
ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na
ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod,
halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay
naggawa mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng
likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa.
26. • Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang
likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-
abusong paggamit nito, tumataas na demand ng
lumalaking populasyon, hindi epektibong
pagpapatupad ng mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na
kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi
ng aralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na
yaman ng ating bansa.
27. • Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…
• Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa
17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong
2003.
• Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga
nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo.
• Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa
huling sampung taon
• Yamang mineral
28. Sanggunian:(Country Environmental Profile, 2005), (National
Economic Development Authority, 2011)at (Center for
Environmental Concerns Philippines, 2012)
• 2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang
tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng
kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy
na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig,
gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
29. Sa ulat na pinamagatang Status of
Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa
nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang
sumusunod:
30. Gawain Epekto
Illegal logging
- Ilegal na pagputol sa mga
puno sa kagubatan. Ang
kawalan ng ngipin sa
pagpapatupad ng mga batas sa
illegal logging sa Pilipinas ang
nagpapalubha sa suliraning ito.
Ang walang habas na pagputol ng
puno ay nagdudulot ng iba’t ibang
suliranin tulad ng pagbaha, soil
erosion, at pagkasira ng tahanan ng
mga ibon at hayop. Sa katunayan
noong 2008 ay mayroong
221species ng fauna at 526 species
ng flora ang naitala sa threatened
list (National Economic
Development Authority, 2011)
31. Migration – paglipat
ng pook panirahan
Nagsasagawa ng kaingin
(slash-and-burn farming)
ang mga lumilipat sa
kagubatan at
kabundukan na nagiging
sanhi ng pagkakalbo ng
kagubatan at pagkawala
ng sustansya ng lupain
dito.
32. Mabilis na pagtaas
ng populasyon
Ang mabilis na pagtaas ng
populasyon ng Pilipinas ay
nangangahulugan ng mataas
na demand sa mga
pangunahing produkto kung
kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang
plantasyon, subdivision,
paaralan, at iba pang
imprastruktura..
33. Fuel wood harvesting
-paggamit ng puno
bilang panggatong.
Isang halimbawa ay ang
paggawa ng uling mula
sa puno.
Ayon sa Department of Natural
Resources na lumabas sa ulat ng
National Economic
Development Authority (2011),
tinatayang mayroong 8.14
milyong kabahayan at industriya
ang gumagamit ng uling at kahoy
sa kanilang pagluluto at paggawa
ng produkto, ang mataas na
demand sa uling at kahoy ay
nagiging dahilan ng pagputol ng
mga puno sa kagubatan.
34. Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa
pagmimina dahil kadalasang
dito natatagpuan ang
deposito ng mga mineral
tulad ng limestone, nickel,
copper, at gold.
Kinakailangang putulin ang
mga puno upang maging
maayos ang operasyon ng
pagmimina.
35. Ilegal na Pagmimina Nagdudulot din ng panganib
sa kalusugan ng tao at ng iba
pang nilalang sa kagubatan
ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso
ng mga nahukay na mineral.
Ayon sa DENR, mayroong
23 proyekto ng pagmimina
ang matatagpuan sa
kabundukan ng Sierra Madre,
Palawan, at