3. 23
Gabay sa mga Guro sa Paggamit ng Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Minarapat ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ng Bureau of Curriculum Development ang pagbuo ng pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto
(most essential learning competencies) upang tugunan ang mga hamong kaakibat ng COVID19 tulad ng mas maikling panahong pagpasok sa paaralan,
limitadong interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro, at mga kaugnay na hamon na may kinalaman sa instructional delivery.
Pinapanatili ng MELCs ang mga pangunahing layunin sa pag-aaral ng Araling Panlipunan tulad ng pagpapaunlad ng pansibikong kaalaman at kagalingan,
mapanagutang mamamayan, at iba pa.
Sa pagtukoy ng MELCs, ginamit ang pamantayang enduring (life-long learning) - mga kaalamang nananatili sa mahabang panahon na magagamit ng mga mag-
aaral sa kanilang pamumuhay
Kalakip ng pamantayang nabanggit ang pagsasaalang-alang ng pagsasakatuparan ng pamantayang pangnilalaman at pagganap na makikita sa bawat kwarter o
markahan.
Paano gagamitin ang MELCs sa pagtuturo?
Layunin ng pagbuo ng MELCs ay matulungan ang mga guro na matukoy ang mahahalagang kasanayang pampagkatuto upang sa gayon ay mabigyan ito ng
prayoridad at maging batayan sa kanilang mga desisyong instruksyonal at hindi upang palitan ang kasalukuyang curriculum guide.
Ilan sa mga MELCs ay tuwirang hinango sa kasalukuyang curriculum guide ng Araling Panlipunan. Halimbawa nito ay ang learning competency (lc) na ‘Nasasabi
ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang
Pilipino’ (AP1, Quarter 1).
4. 24
Samantala, ang MELCs na may asterisk (*) ay nabuo mula sa:
Batayan MELCs Pinaghanguan/Pinagmulan
1. pagsasama-sama ng ilang learning
competencies upang mapaikli ang panahon ng
pagtuturo nang hindi isinasantabi ang
pagbibigay tuon sa paglinang ng
pagpapahalaga (valuing) at pagsasabuhay nito
*Naipaliliwanag ang konsepto ng komunidad’
(AP2, Quarter 1)
a. Nauunawaan ang konsepto ng ‘komunidad’,
b. ‘Nasasabi ang payak na kahulugan ng
‘komunidad’ at
c. Nasasabi ang mga halimbawa ng ‘komunidad’
2. pagsasaayos ng learning competency/-ies
upang higit itong maging malinaw sa guro
*Naipamamalas ang pagpapahalaga sa
pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga kultura
gamit ang sining na nagpapakilala sa lalawigan at
rehiyon (e.g. tula, awit, sayaw, pinta, atbp.) (AP 3,
Quarter 3)
‘Naipapakita sa iba’t-ibang sining ang
pagmamalaki sa mga natatanging kaugalian,
paniniwala at tradisyon ng iba’t ibang lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon’(AP3PKR- IIIh-9).
Tulad ng curriculum guide, ang MELCs ay batayan ng guro sa lalamanin ng kanilang pagtuturo sa Taong Pampaaralang 2020-2021. Bawat kasanayang
pampagkatuto ay may malawak na paksa at kasanayan. Ito ay inaasahang iaa-unpack ng guro sa kanyang DLP o DLL upang mabigyang pansin ang mga batayang
konsepto at kaalaman na siyang kakailanganin sa pagsasakatuparan nito. Lahat ng MELCs ay inaasahang tutugon sa pamantayang pangnilalaman at pamantayan
sa pagganap.
5. 32
Grade Level: Grade 4
Subject: Araling Panlipunan
Quarter Content Standards Performance Standards Most Essential Learning Competencies Duration
1st
Quarter
Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ang
pang- unawa sa
pagkakakilanlan ng
bansa ayon sa mga
katangiang
heograpikal gamit
ang mapa.
Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ang kasanayan sa
paggamit ng mapa sa pagtukoy ng
iba’t ibang lalawigan at rehiyon
ng bansa
Natatalakay ang konsepto ng bansa Week 1
Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay
sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon
Week 2
*Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
gamit ang mapa
Week 3
*Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon Pilipinas sa heograpiya nito Week 4
*Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas:
(a) Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, at anyong lupa at anyong tubig)
(b) Heograpiyang Pantao (populasyon, agrikultura, at industriya)
Week 5
*Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng
kalamidad
Week 6
Nakapagbibigay ng konlusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang
pisikal sa pag- unlad ng bansa
Week 7
2nd
Quarter
Ang mag-aaral ay…
nasusuri ang mga
iba’t ibang mga
gawaing
pangkabuhayan
batay sa heograpiya
at mga oportunidad
at hamong kaakibat
nito tungo sa likas
kayang pag-unlad.
Ang mag-aaral ay…
nakapagpapakita ng
pagpapahalaga sa iba’t ibang
hanapbuhay at gawaing
pangkabuhayan na nakatutulong
sa pagkakakilanlang Pilipino at
likas kayang pag-unlad ng bansa.
Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang ekonomiko ng mga likas
na yaman ng bansa
Week 1
*Nasusuri ang kahalagahan ng pangangasiwa at pangangalaga ng mga
likas na yaman ng bansa
Week 2
*Natatalakay ang mga hamon at pagtugon sa mga gawaing
pangkabuhayan ng bansa.
Week 3
*Nakalalahok sa mga gawaing nagsusulong ng likas kayang pag-unlad
(sustainable development) ng mga likas yaman ng bansa
Week 4
* Naipaliliwanag ang kahalagahan at kaunayan ng mga sagisag at
pagkakakilanlang Pilipino
Week 5
3rd
Quarter
Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… *Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan Week 1
Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas Week 2-
3
6. 33
Quarter Content Standards Performance Standards Most Essential Learning Competencies Duration
naipamamalas ang
pang- unawa sa
bahaging
ginagampanan ng
pamahalaan sa
lipunan, mga pinuno
at iba pang
naglilingkod sa
pagkakaisa, kaayusan
at kaunlaran ng bansa
nakapagpapakita ng aktibong
pakikilahok at pakikiisa sa mga
proyekto at gawain ng
pamahalaan at mga pinuno nito
tungo sa kabutihan ng lahat
(common good)
Nasusuri ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat mamamayan
Week 4
*Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa:
(a) pangkalusugan
(b) pang-edukasyon
(c ) pangkapayapaan
(d) pang-ekonomiya
(e ) pang-impraestruktura
Week 5-
7
*Napahahalagahan (nabibigyang-halaga) ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan
Week 8
4th
Quarter
Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ng
mag-
aaral ang pang-
unawa at
pagpapahalaga sa
kanyang mga
karapatan at
tungkulin bilang
mamamayang
Pilipino
Ang mag-aaral ay…
nakikilahok sa mga
gawaing pansibiko na
nagpapakita ng pagganap sa
kanyang tungkulin bilang
mamamayan ng bansa at
pagsasabuhay ng kanyang
karapatan.
*Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan Week 1
Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin Week 2-
3
*Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa kagalingan pansibiko Week 4-
5
*Napahahalagahan ang kagalinang pansibiko Week 6
*Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa
Week 7-
8