2. Ginagamit ang tansan bilang
panakip ng mga softdrinks, hard
drinks, tubig at marami pang iba.
Naisip mo na ba kung bakit
nagkaroon ng tansan? Ano ang
pingamulan nito? At bakit animo’y
pinaliit itong batsa. Bakit kaya
may patulis ito sa gilid? Tara at
ating alamin ang pinagmulan ng
tansan.
3. Si Jonathan o mas kilala bilang Tan ay
larawan ng isang matulunging tao. Lahat ng
dalawampu’t isang pamilya sa kanilang
nayon ay kanyang natutulungan. Batid niyang
siya ay matalino ngunit gaya ng ibang tao ay
may kahinaan rin. Oo, tama, bobo nga sya
pagdating sa mga lugar. Gusto niyang sumali
sa pinakatanyag na laro sa buong mundo ang
“Pinoy Henyo,” ngunit natatakot siyang baka
lugar ang matapat na kategorya sa kanya at
doon nga ay tiyak siyang papalya.
4. Nag-aral sya sa Harvard University at nag-
enrol ng kursong may kinalaman sa mga lugar.
Hindi niya natapos ang pag-aaral dahil
mismong guro ay sumusuko na sa kanya.
Bumalik siya ng nayon at doon nakita niya si
Kuya Kim ang “Matang Lawin.” Humingi siya
ng tulong dito “Kuya Kim, maaari mo ba akong
matulungan patungkol sa lugar?” tanong niya.
“ah, eh ako? Pasensya na iho pero may taping
pa kami ng showtime. Try mo nalang humingi
ng tulong kay Jose at Wally sali ka na rin sa
Juan For All, All for Juan baka dun mo
mahanap ang kasagutan.”
5. Nagkibit balikat na lamang si Tan at
nalulungkot niyang binagtas ang punong
kakahuyan. Sa di kalayuan ay may nakita
siyang mataas na puno. Nilapitan niya ito
at doon nanaghoy ng tuluyan. “Kung
mayroon lang sanang makakatulong sa
akin, kahit sino pa sya lalapitan ko talaga”
umiiyak na sabi ni Tan sa puno.
6. Nayanig ng bahagya ang puno at nahati ito
sa gitna. Umilag si Tan dahil malalaglagan siya.
Lumitaw ang isang Lolang may hawak na
magic wand. “Iho, ang ingay mo naman!
Nagising tuloy ako. Ano ba ang problema?”
Una ay nahintakutan si Tan sa pag-aakalang ito
ay bruha. Tumakbo siya ng ubos lakas ngunit
napansin niya nagmu-moonwalk lang siya.
“Tulong-tulong!!!” sigaw ni Tan. Nilapitan siya
ng lola at sinampal.
7. “Huwag ka ngang umatungal na parang
bata dyan!” Ikinuwento nga ni Tan ang
kanyang problema sa matanda. Tumawa ng
malakas ang matanda at bahagyang bumuka
ang lupa, “ayy, sorry” sabi nito. “eh ang dali
lang naman pala ng problema mo, akala ko
naman kung ano” sabi ng matanda. “hawakan
mo ang aking mga kamay at lilipad tayo sa
alapaap”- utos ng matanda.
8. Bago pa man mahawakan ni Tan ang
kamay nito ay sumipol muna si Lola at doon
nga lumabas ang sasakyang animo’y batsa.
“Ayan na ang Zan” sabi ni Lola. “Tara sakay
na!” madaling sabi ni Tan.
At iyon nga ang nangyari, nagkaroon ng
world tour ang dalawa sakay ng Zan. Una
nilang pinuntahan ang Mercury. Napansin
nilang sobrang lapit nito sa araw. Lumipad ng
lumipad at lumipad pa ang dalawa hanggang
sa narating nila ang Jupiter. “talagang
napakalaki nga ng Jupiter”
9. Bumalik sila ng earth at nagulat sa
nakita nila “ayan ang laki na ng butas ng
ozone layer- dahil yan sa maling gawain
ng tao” sabi ng matanda. “sing laki na
siya ng Australia” sagot naman ni Tan.
Naglakbay sila sa ulap sakay ng Zan.
Pumunta sila sa White House, London
Bridge, Eiffel Tower , Taipei 101 at
marami pang iba.
10. Nagawa rin nilang bisitahin ang ‘Konoha’
at doon natunghayan nila ang paglalaban ni
Naruto at Sasuke. Nang magutom ay
pumunta sila sa Japan at nagpa-bake ng
tinapay kay Kazuma Azuma, natikman nila
ang obra nitong “Mount Fujiwara Bread”.
Nakaramdam sila ng pagod kung kaya’t
nanood sila ng concert ni Psy sa Korea.
Nakita nilang wala pang giyera dito. At
bumalik sila sa nayon sakay ng Zan.
Ipinagkatiwala ng matanda kay Tan ang
kanyang Zan sa pag-aakalang magagamit ito
sa kabutihan.
11. Naging maalam nga si Tan pagdating sa lugar.
Wala siyang sinayang na oras. Sa tulong ng
kanyang mga natutunan ay sumali siya sa “Pinoy
Henyo”. Tama nga ang kanyang hinala, nagwagi
siya at inuwi niya ang 21,000,000 na premyo sa
palaro.
Kasabay ng kanyang pagyaman ang
pagbabago ng kanyang pag-uugali. Naging
maramot siya sa kapwa at naging mapagmataas.
Nakalimutan niyang tulungan ang mga kanayon
niya, bagkus, nilustay niya ang pera sa pagpunta
sa iba’t-ibang lugar sakay ng Zan. Wala ng ibang
bukambibig si Tan kundi ang kanyang Zan.
Ipinagmamayabang niya ito kanino man.
12. Isang araw ay may matandang lalaking taga-
nayon ang humingi ng tulong sa kanya. Sa halip
na tulungan ay inutusan niya ang Zan at sumakay
rito. Lumipad ang Zan sa ibabaw ng matanda,
dahilan ng pagkaka-buwal nito sa kinatatayuan.
Nagpuntang Great Wall of China si Tan at
nagpasyang doon nga matulog. Samantala,
malungkot na inihayag ng matanda ang ginawa sa
kanya ni Tan sa mga taga-nayon.
Pumunta ang dalawampu’t isang pamilya sa
kakahuyan at nag-alay ng chooks-to-go chicken sa
puno. Bumuka ito at lumitaw ang isang
matandang babae. Kinain muna niya ang manok
at nagwikang “mas yummy!”
13. “Bakit nyo ako kailangan?” tanong ng matanda sa
mga tao. At doon nga inilahad ng mga taga-nayon ang
istorya.
Naiiyak ang matanda at humihikbi dahil sa
kaawaan. “hindi ko akalaing ang Zan ang magpapabago
sa pag-uugali ni Tan, kailangan niyang maturuan ng
leksyon” sabi ng matanda.
Sa isang iglap ay nawala ang matanda, animo’y
nag-teleport. Dinatnan niya si Tan na natutulog sa
Great Wall, akap-akap ang Zan. Kinalabit siya ng
matanda hanggang sa siya ay magising.
14. “Anong ginagawa mo dito tanda?”- walang galang na
sabi ni Tan.
“Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na nagkasala ka at
kailangan mong makamit ang karampatang
kaparusahan sa iyong maling nagawa.” Tugon ng
matanda.
“Wala ka namang kapangyarihan eh. Bagkus, isang utos
ko lang sa aking Zan ay tataob ka na”- mayabang na
sagot ni Tan.
“ipinagkatiwala ko yan sa iyo sa pag-aakalang
makakatulong ka sa iba”- naiiyak ng sabi ng matanda.
“oh! Wag kang iiyak tanda! At maraming namamatay sa
maling akala” natatawang sabad ni Tan.
“Yaman din lamang lagi mong ipinagmamalaki ang Zan,
ikaw na mismo ang gagawin kong Zan.”
15. Isinumpa nga ng matanda si Tan, ang Zan
na mala-batsa ay nagkaroon ng dalawampu’t
isang patulis sa gilid tanda ng dalawampu’t
isang pamilyang nasaktan ni Tan. Ipinasya ng
matandang tawagin itong “TanZan” bilang
paalalang huwag tutulad kay Tan. Winika
niyang “ikaw Tanzan ay mananatiling nakataob
bilang tanda ng iyong pagluhod sa mga taong
nasaktan mo. Ilalagay ka sa mga inumin bilang
panakip upang lagi ka nilang maalala at wag
lang tutularan.” At doon nga ay lumiit ang
tanzan.
16. Bumalik ang matanda sa nayon upang
ikwentong wala na si Tan. Ibinigay niya ang
maliit na bagay sa dalawampu’t isang pamilya
upang magamit nila bilang panakip sa inumin.
“ano po ito?” tanong ng isa sa mga taga-
nayon. Dahil sa bungi ang matanda kung
kaya’t di niya mabanggit ng maayos ang
Tanzan bagkus ito ay nabanggit niyang
“Tansan.” Mula noon hanggang ngayon,
ginagamit na ng mga tao ang tansan bilang
panakip sa mga botelyang naglalaman ng
likidong inumin.