1. ALAMAT NG LANGKA
Ni Armia P. Leonardo
oong unang panahon ay mayroong isang dalagang nakatira sa
baryo Makarila na nagnga-ngalang Angka. Ulilang lubos na si Angka,
dahil namatay ang kanyang ina ay nang siya ay isinilang nito,
samantala ang kanya ama naman ay nilamon ng dagat nang ito ay
nangisda sa kasagsagang masama ang panahon, kaya’t lumaki na
lamang siya sa kanyang Lola Bebeng. Si Angka ay dalagang ubod ng
bait at talino, siya rin ay masipag, mapagbigay at matulungin, sa
madaling salita, siya ay may busilak na kalooban. Ngunit, lagi din
N
2. naman siyang tinutukso at kinukutiya ng mga kabataan at bata sa
kanilang baryo dahil ang kanyang panlabas na anyo ay ubod ng
pangit. Kung tawagin siya ng mga ito ay “Angka, ang halimaw sa
kakahuyan” dahil ang kaniyang mukha ay nakakatakot; ito ay puno ng
tigyawat at hindi maipaliwanag na bagay, ito rin ay ubod ng gaspang,
tusok-tusok at nakakadiring hawakan. Ang kanyang itsura ay mistulang
bituing walang ningning. Maging sa paarala n siya rin ay tampulan ng
tuksuhan.
paaralan at buong baryo siya pa ang napiling ligawan nito. Para kay
Angka, ang pag-aantay sa taong magmamahal sa kanya ay gaya ng
pag-aantay ng isang libong taon. Halos mamuti na ang kaniyang
buhok sa pag-aantay sa taong ito kaya hanggang tainga na lamang
ang kaniyang ngiti ng ibinigay niya na kay Alberto ang matamis nyang
Oo. Animo’y ibinigay na sa kanya ang korona ng kagandahan. Sa
paaralan ay laging tumatabi si Alberto kay Angka. Napakabait nito sa
kanya at kung tawagin sya nito ay Langga. Lagi rin nitong hinahatid
maging sa pag-uwi si Angka. At tuwing sila ay maghihiwalay na,
Kaya ikinagulat ng lahat isang araw si
Angka ay ligawan ni Alberto. Si Alberto
ang tinaguriang pinakamagandang
lalaki sa buong paaralan at pinagka-
kaguluhan ng mga kababaihan sa
baryo Makarila maging sa mga kalapit
pang baryo. Maging si Angka ay hindi
makapaniwala na liligawan siya ni
Alberto, dahil sa dinami-dami ng napa-
ka gagandang dalaga sa buong
paaralan
3. niyayakap nito si Angka at sinasabihan ng “ Mahal na mahal kita.”
Gayundin naman, mahal na mahal ni Angka si Alberto. “Sana’y tapat
ang iyong hangarin at tanging hiling ko sa maykapal na tayo pa ay
magtagal.” Ang tugon ni Angka. Makalipas ang ilang buwan ng
kanilang relasyon, pumunta si Angka sa paaralan upang surpresahin si
Alberto sa kanilang tagpuan, nang hindi sinasadyang marinig niya ang
usapan ni Alberto at ng mga kaibigan nito. “Alberto, ang galing mo
talaga, akalain mong mapaniwala mo si Angka na mahal mo siya?
Pero makapal din ang mukha niya ah, isipin ba naman na
magkakagusto sa isang halimaw na tulad nya ang isang prinsipe, ang
lalaking pinapangarap ng mga babae? Pare, sige na panalo ka na sa
pustahan, ang galing mo, napa-ibig mo sya!” wika ng kaibigan ni
Alberto. Nang marinig ito ni Angka ay halos matunaw na siyang parang
yelo sa kaniyang kinatatayuan.
Siya ay tumakbo palayo, nakita ito ni Alberto at siya ay sinundan.
Tumakbo sa kakahuyan si Angka patungo sa itaas ng bundok at doon
siya tumangis. “Langit! Ikaw ang saksi sa lahat ng aking paghihirap!
Nagdurugo ang aking
puso na malamang
pinaglaruan lamang nila
ang aking damdamin.”
Sigaw ni Angka. “Hindi ako
maganda, ngunit alam
mo ang laman ng aking
puso! Bakit kailangan
mangyari ang lahat ng
4. ito? Pagod na pagod na po ako sa pangkukutiya sa akin ng mga tao.
Kamatayan, nasaan ka na? Wakasin mo na ang aking kapighatian,
kunin mo na ang aking buhay!.” Narinig sa buong mundo ang lakas ng
kaniyang sigaw, dumagundong ang langit, bumuhos ang napakalakas
na ulan at kumidlat, si Angka ay binawian ng buhay. Hindi na siya
naabutang buhay ni Alberto. Hindi nito nasabi na iyon ang unang
plano; ang paglaruan siya, ngunit totong minahal niya ito dahil sa
busilak niyang kalooban at tapat ang kanyang hangarin para kay
Angka. Niyakap ni Alberto ang walang buhay na si Angka. Siya ay
tumangis at halos malunod ng kanyang luha at nagwika “Angka, lahat
ay aking gagawin wag ka lang mawalay sa akin. Ang aking pag-ibig ay
abot hanggang langit” Tumigil ang pagadagundong ang langit, tumila
ang ulan, lumiwanag ang buong paligid. Pinaniniwalaang nagkaroon
na ng kapayapaan si Angka. Inilibing ni Alberto si Angka sa lugar kung
saan ito binawian ng buhay.
Nalungkot ang buong baryo Makarila lalo na ang mga
matatanda nang malaman nilang wala na si Angka. Makalipas ang
ilang araw, dinalaw ni Alberto
at nang mga tao ang puntod
ni Angka. Nagulat sila ng
makita nila ang isang munting
halaman na tumubo mula dito.
Inalagaan ito ni Alberto
hanggang sa ito’y lumaki,
naging isang puno at
namunga. Nagulat din si
5. Alberto at ang mga tao ng Makita nila ang itsura ng bunga nito,
katulad ng mukha ni Angka; magaspang at maraming tusok-tusok
ngunit nang kanila itong buksan at kainin ang lasa nito ay ubod ng
sarap at tamis tulad din naman ng busilak na kalooban ni Angka.
Naniniwala si Alberto na ang punong ito ay si Angka ang kanyang
pinakamamahal na babae, kaya naman tinawag nya itong LANGKA, si
Angka na kanyang langga. At simula noon, ang mga tao sa baryo ay
nagbago. Hindi na sila nanlalait at natutong magmahalan. Natutuhan
din nila na ang tunay na kagandahan ay hindi masusukat sa panlabas
na kaanyuan, kundi sa busilak ng kalooban. Higit sa lahat, ang tunay na
kagandahan ay hindi makikita ng mga mata, kundi nararamdaman ng
puso.
~~~Wakas ~~~