4. Kabihasnang Minoan
● Unang kabihasnang nabuo sa
Crete ay tinatawag na Minoan
hango sa pangalan ng tanyag
na hari ng pulo, si Haring
Minos.
● Nagsimula sa Crete mga 3100
B.C.E.
● Ang kabisera ng kabihasnang
Minoan ay ang Knossos,
matatagpuan sa hilagang
bahagi ng pulo.
5. • Mahuhusay gumamit ng
metal at iba pang
teknolohiya.
• Nakatira sa mga bahay na
yari sa laryo (bricks) at
may sistema sila ng
pagsulat.
• Magagaling na
mandaragat.
6. • Noong 1899, nagsagawa si Sir Arthur
Evans, isang English na arkeologo, ng
paghuhukay sa Knossos
• Natagpuan niya ang mga gumuhong labi
ng isang malaking palasyong yari sa
makinis na bato.
• Ang mga pasilyo ay tinutukuran ng mga
haliging kahoy. Ang mga hagdanan ay
malapad at yari sa pino at puting gypsum.
• Ang mga dingding ay napapalamutian ng
makukulay na fresco.
8. ● PAGGAWA NG PALAOK
Ang sining sa paggawa ng palayok ay may
karaniwang disenyo ng mga bagay na nakikita sa
kapaligiran.
• ARENA
Unang nakagawa ng arena sa buong daigdig
kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa
boksing.
● DAANAN NG TUBIG, TELA,
PABANGO at iba pa.
May kaalaman sa paggawa ng daanan ng tubig,
kasanayan sa paggawa ng mga pinong plorera,
tela, pabango at pag-ukit ng pigurin.
9. • SISTEMA NG PAGSULAT,
PAGGAWA NG ALAHAS,
BRONSE O TANSO
May mga katibayan na sila
ay may Sistema ng pagsulat,
may kaalaman sa paghahabi,
paggawa ng alahas at
kagamitang bronse o tanso.
10. Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Paglipas ng ilan pang taon mula 1600
hanggang 1100 B.C.E., narating ng
Crete ang kanyang tugatog. Umunlad
ang kabuhayan dito dulot ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa
Gitnang Silangan at sa paligid ng
Aegean.
Sinalakay ang Knossos ng mga
hindi nakikilalang mga
mananalakay na sumira at
nagwasak ng buong pamayanan.
Ang iba pang mga lungsod ng mga
Minoan ay bumagsak at isa-isang
nawala.
Pag-unlad Pagbagsak
12. Kabihasnang Mycenaean
• Ang mga Mycenaean ay mga
katutubo ng lugar sa paligid ng
Caspian Sea.
• Ito ay matatagpuan 16
kilometro ang layo sa aplaya
ng Karagatang Aegean ang
naging sentro ng Sibilisasyong
Mycenaean.
• Ang mga lungsod ay pinag-
ugnay ng maayos na daanan at
mga tulay. Napaliligiran ng
makapal na pader na
magsilbing pananggalang sa
mga maaring lumusob dito.
13. • Bahagi ng Kabihasnang Aegean ang Asia
Minor.
• Ang Troy ay lungsod na matatagpuan sa Asia
Minor (Turkey sa kasalukuyan) malapit sa
Hellespoint.
• Ang Troy ang pangunahing katunggali ng
Mycenaea na sa kalaunan ay bumagsak din sa
kamay ng mga Mycenaean.
• Ang pagkabihag ng Troy ay ikinuwento ni
Homer sa Iliad.
Ang Iliad ay isang epiko ng naganap na labanan at
umiinog sa kuwento ni Achilles, isang mandirigmang
Greek, at ni Hector, isang prinsipeng Trojan.
14. Ambag sa Kabihasnan
Ang kulturang Mycenaean ay
mayaman at maunlad na
pinatutunayan ng kanilang mga
maskara, palamuti at sandata
na yari sa ginto.
Maskara, Palamuti,
at Sandata
15. • SARILING SISTEMA NG
PAGSULAT
Batay sa natuklasan ni Sir Arthur
Evans, tulad ng mga Minoan, ang
mga Mycenaean ay may sariling
sistema ng pagsulat.
• NANINIWALA SA DIYOS
May paniniwala sa isang makapang-
yarihang diyos, si Zeus, na naghahari
sa isang pamilya ng mga diyos at
diyosa.
16. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa
nang napakalakas na
mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay nalubos
nang masakop ang Crete.
Ipinagpatuloy ang kalakalan ng
Crete sa Aegean Sea at dahil
doon yumaman at nagging
makapangyarihan ang mga
Mycenaean.
Pag-unlad
Noong 1100 B.C.E., bumagsak
ang Sibilisasyong Mycenaean.
Tinawag itong dark age na
tumagal nang halos 300 taon.
Natigil ang kalakalan at
pagsasaka at gawaing sining.
Isa sa pangkat ng tao na
gumupo sa Mycenaean ay
kinilalang mga Dorian.
Pagbagsak
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
18. Kabihasnang klasiko ng Greece
• Ang tawag ng mga Greek sa
kanilang sarili ay “Hellenes”,
hango sa salitang “Hellas”, na
tumutukoy sa kabuoang
lupain ng sinaunang Greece.
• Kadalasang tinatawag na
Panahong Hellenic.
19. Mahahalagang bahagi ng lungsod-estado sa
Kabihasnang Greek:
• Ang polis o lungsod- estado ay
ang mga unang pamayanan sa
Greece.
• Karaniwang binubuo ng 5000 na
kalalakihan
1.
20. 2.
• Acropolis – tawag sa
pinakamataas na lugar sa
lungsod estado.
• Dito matatagpuan ang mga
matatayog na palasyo
attemplo kaya nagging sentro
ng pulitika at relihiyon ng mga
Griyego.
21. 3.
• Agora o pamilihang Bayan -
nasa gitna ng lungsod
• Isang bukas na lugar kung
saan maaaring magtinda o
magtipun-tipon ang mga tao.
22. Dalawang malakas na lungsod-estado ang
naging tanyag
• Naging sentro ng
kalakalan at kultura
sa Greece.
Athens
• Sianakop ang
mga karatig
rehiyon ng
Greece
Sparta.
23. Oligarkiya o oligarchy
• Uri ng pamahalaan kung
saan binubuo ito ng isang
lupon ng mga dugong
bughaw upang palitan
ang hari.
24. • Ang mga lehitimong
mamamayan ay mayroong
karapatang bumoto, magkaroon
ng ari-arian, humawak ng
posisyon sa pamahalaan, at
ipagtanggol ang sarili sa korte.
• Ang kapalit, ay dapat
makilahok sa pamahalaan at
tumulong sa pagtatanggol sa
mga polis sa panahon ng
digmaan.
25. Athens
● Tinaguriang demokratikong polis.
● Direct democracy ang ipinatupad.
● Hindi kabahagi sa demokrasya ng Athens ang
mga babae at banyaga.
27. Inalis niya ang mga pagkakautang ng
mga mahihirap at ginawang ilegal ang
pagkaalipin nang dahil sa utang.
28. Ipinagtanggol ang katayuan ng
mahihirap at ipinamahagi ang mga
lupain at ari-arian ng mayayaman sa
mahihirap at walang lupa.
29. Sinimulan ang ostracism o ang sistema kung
saan pinahintulutan ang mga mamamayan
na palayasin ang sinumang opisyal na sa
kanilang paniniwala ay mapanganib para sa
Athens.
30. Sa kanyang panahon naranasan ng
Athens ang tugatog ng demokrasya.
Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina
ng pamahalaan ng mga karaniwang
mamamayan.
31. Sparta
● Mandirigmang polis.
● Isang oligarkiya at isang estadong mandirigma.
● Hindi umasa sa kalakalan.
● Pinalawak ng mga taga-Sparta ang kanilang lupain
sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na
lupang sakahan at pangangamkam nito.
32. Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo
sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Ang mahihinang bata o may
kapansanan ay hinahayaang mamatay. Tanging ang malalakas at malulusog na
sanggol lamang ang pinapayagang mabuhay.
Pitong (7) taon – ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-military
upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas
na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang
ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay.
Dalawampung (20) taon – ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong
mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
Tatlumpung (30) taon – maaari na silang mag-asawa ngunit dapat na kumain at
manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
Animnapung (60) taon – sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
34. DIGMAAN SANHI BUNGA
Digmaang Persian:
Digmaang
Marathon
Pagsalakay ng Persia sa
Greece sa pamumuno
ni Darius, tagapagmana
ni Cyrus the Great, na
naganap sa Marathon,
isang kapatagan sa
hilagang-silangan ng
Athens.
Tinalo ng 10,000
puwersa ng Athens ang
humigit kumulang na
25,000 puwersa ng
Persia
35. DIGMAAN SANHI BUNGA
Digmaan sa
Thermopylae
Isang madugong labanan
sa pagitan ni Xerxes
(Persia) at ni Leonidas
(Sparta) na naganap sa
Thermopylae, isang
makipot na daanan sa gilid
ng bundok at ng silangang
baybayin ng
Central Greece.
Ipinagkanulo ng isang
Greek ang lihim na daanan
patungo sa kampo ng mga
Greek kaya natalo ang
puwersa ni Leonidas.
36. DIGMAAN SANHI BUNGA
Digmaan sa
Salamis
Sinalakay at sinakop ni
Xerxes ang Athens. Ang
mga Greek ay pinamunuan
ni Themistocles sa labanan
sa dalampasigan ng pulo ng
Salamis kung saan ang dagat
ay lubhang makipot kaya
nahirapan ang puwersa ng
Persia na iwasan ang mga
pagatake ng maliliit na
barko ng Athens
Natalo ang plota ni Xerxes
ng maliliit na barko ng
Athens na pilit na
binabangga ang mga ito
hanggang sa mabutas at isa-
isang lumubog.
37. DIGMAAN SANHI BUNGA
Digmaang
Peloponnesian
Ang Athens ang namuno sa
naitatag na Delian League at sa
pamumuno ni Pericles nagging
isang imperyo ito. Ngunit hindi
lahat ng lungsod-estado ay
sumang-ayon sa ginawa ng Athens
na pagkontrol sa Delian League
kaya ang ilan sa mga lungsod-
estado na kasapi dito tulad ng
Sparta, Corinth at iba pa ay
nagtatag ng sarili nilang alyansa sa
pamumuno ng Sparta at tinawag
itong Peloponnesian League.
Pagsapit ng 431 BCE nilusob ng
Sparta ang mga karatig pook ng
Athens na naging simula ng
Digmaang Peloponnesian.
Ang dalawampu’t
pitong taong Digmaan
ng Peloponnesian ay
isang malaking
trahedya para sa
Gresya. Nagkaroon ng
Malawakang
pagkawasak ng ari-
arian at pagkamatay ng
mga tao. Lumala ang
suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay, pagtaas
ng presyo ng mga
bilihin, at kakulangan sa
pagkain.
39. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Pythagoras Agham Pinaunlad ang prinsipyo sa
geometry, ang Pythagorean
Theorem
Archimedes Agham Tinantiya ang paraan ng
pagsusukat ng circumference
ng isang bilog
Natuklasan ang prinsipyo ng
specific gravity
40. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Euclid
Agham
Kinikilalang “Ama ng
Geometry”
Eratosthenes Agham Nagawa ang halos tumpak na
tantiya ng circumference ng
daigdig
Gumuhit ng mga linya ng
latitude at longitude
sa mapa ng daigdig
41. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Aristarchus Agham Nakatuklas na umiikot ang
daigdig sa araw habang
umiikot sa sarili nitong axis.
Aeschylus Drama Sumulat ng Prometheus
Bound
42. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Sophocles Drama Sumulat ng Oedipus Rex at
Antigone
Euripides Drama Sumulat ng Trojan War
43. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Aristophanes Komedya Ang kanyang mga isinulat ay
pawang pagtalakay sa politika
at kaganapan sa Athens sa
nakatatawang pamamaraan.
Hippocrates Medisina “Ama ng Medisina” at sumulat
ng Hippocratic Oath
44. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Herophilus Medisina “Ama ng Anatomy”
Erasistratus Medisina “Ama ng Physiology”
45. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Herodotus Kasaysayan “Ama ng Kasaysayan”
Thucydides Kasaysayan Sumulat ng History of the
Peloponessian War
46. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Socrates Pilosopiya Ayon sa kanya “The
unexamined life is not worth
living” at “know thyself”
Plato Pilosopiya May-akda ng “The Republic”
kung saan inilalarawan niya
ang isang ideyal na estado
47. MAHALAGANG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
Aristotle Pilosopiya May-akda ng “Politics”, kung
saan tinalakay ang iba’t ibang
uri ng pamahalaan
Zeno Pilosopiya Ipinakilala ang pilosopiyang
stoicism, ito ay may malaking
pagpapahalaga sa dignidad,
pagpipigil sa sarili at
katuwiran.
49. Sa larangan ng Arkitektura
• Parthenon - ay isang marmol na templo sa Acropolis sa
Athens. Ito ay inalay sa diyosang si Athena
• Itinuturing itong simbolo ng Sinaunang Gresya,
Demokrasyang Ateniano, Kabihasnang Kanluranin atisa sa
pinakadakilang mga monumentong pangkultura.
• Tatlong istilo ng haligi:
Doric – ang pinakapayak
Ionic – mas payat ang haligi at napapalamutian ng mga scroll,
Corinthian – pinakamagarbong dekorasyon sa lahat.
50. Sa Larangan ng Pananampalataya
Ang tradisyonal na pananampalataya sa Greece ay pagsamba ng iba’t
ibang
diyos sa pangunguna ni Zeus, ang diyos ng langit.
Pinaniniwalaan ng mga Greek na naninirahan sa Mount
Maaaring pasayahin ang mga diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng
mga hayop at pagkain bilang sakripisyo, paglalagay ng palamuti sa
kanilang mga templo, pagdarasal at pagdaraos ng mga pagdiriwang.
Pinarurusahan ng mga diyos ang tao sa pamamagitan ng taggutom,
lindol,sakit at pagkatalo sa digmaan.