SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 47
Baixar para ler offline
KOMPILASYON
NG MGA
AKADEMIKONG
SULATIN
PILING LARANG-AKADEMIK
(Andren Rose A. Credo)
Abstrak
Ang artikulong ito ay tungkol sa mga negatibong epekto
ng social media at internet sa mga tao. Upang makakuha ng
impormasyon sa mga posibleng epekto, nakipagpanayam sila sa
isang dalaga na pinangalanang Janine na minsan ng naging
adik sa social media. Ayon sa kaniya, maaaring mauuwi sa
pakikipag-away at cyberbullying kung patuloy na gumagamit ng
social media. Hindi lang away pati na rin depresyon, adiksyon, o
maimpluwensiyahan na mag-suicide. Itinalakay din sa isang
Filipino Indie Film na pinamagatang “Unfriend” ang mga
negatibong epekto ng social media at internet gaya ng depresyon.
Ayon din sa isang sociologist, mas lumiliit ang mundo ng isang
tao dahil nawawalan ito ng privacy. Nangangahulugan na ang
lubos na paggamit o pagkahumaling sa social media at internet ay
naghahatid ng depresyon, cyberbullying, adiksyon, impluwensiya
sa suicide, at low self-esteem dahil naging basehan na ang social
media sa sarili.
Bionote
Si ROLANDO A. BERNALES ay nagtapos ng BSE-Filipino sa Linggwistikang
Filipino sa Philippine Normal University bilang isang cum laude at nakakuha ng graduate
certificate (katumbas ng Master of Arts in Teaching). Kumuha rin siya ng Ed.D sa Educational
Management sa University of Makati kung saan siya ay limang taong na Puno ng
Departamento ng Filipino at isang taon bilang Puno ng Departamento ng Lenggwahe at
Literatura. Sa kasalukuyan, siya ay isang Professor II sa unibersidad na ito at itinalaga rin bilang
isang Executive Director ng Center for Innovative Education and Sciences. Siya rin ay isang
akademik konsultant ng Mutya Publishing House at sa kabila niyan ay isa siyang malikhaing
manunulat ng tula, kwento, at sanaysay. Siya ay isang awtor, ko-awtor, editor, at/o konsultant
ng hindi kukulangin sa 70 mga aklat sa wika, pagbasa at panitikan sa antas preschool,
elementary, sekundarya at tersyarya. Kung kaya siya ay isang Palanca Awardee at isa rin sa
pinarangalang Ten Outstanding Students of the Philippines (1989); Award for Exemplary
Performance as a Public Servant (2000) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati. Siya ay
isang panghabambuhay na kasapi ng Pambansang Samahan ng Liggwistika at Literaturang
Filipino. At miyembro rin siya ng KAGURO, SANGFIL at APNIEVE.
Talumpati
Sa paglipas ng panahon, mas tumaas ang porsyento ng krimen
na kinasasangkutan ng mga bata at kabataan. Nangangahulugan na
ang ating lipunan ay mas nagiging mapanganib, kaya ilan sa kabilang
sa senado ay nagmungkahi ng isang panukalang-batas tungkol sa
pagpapababa ng edad sa criminal liability. Ngunit ayon kay Nelson
Mandela, “Safety and security don't just happen; they are the result of
collective consensus and public investment. We owe our children, the
most vulnerable citizens in our society, a life free of violence and fear.”
Noong nakaraang Enero 2019, inaprobahan ng komite ang
panukalang-batas na nagpapababa sa minimum na edad ng criminal
liability mula sa 15 taong gulang hanggang 9 taong gulang. Ang
nasabing panukalang-batas ay nagbago sa RA 10630, ang batas na
nagpapahintulot sa mga bata may edad 12 na manatili sa Bahay Pag-
asa kung makagawa ng krimen. Ang RA 10630 ay nag-amyenda rin sa
RA 9344 o sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na
nagpapahintulot sa 15 taong gulang hanggang sa hindi lalagpas sa 18
taong gulang na magkaroon ng criminal responsibility. Dapat nga bang
ibaba ang criminal liability sa 9 taong gulang dito sa Pilipinas?
Ayon sa pinagkukunang pang-agham, ang maturity ay
nagsisimula sa 16 taong gulang na kung saan ay nakakaapekto sa
pangangatuwiran at pag-iisip ng isang bata. Ang isip ng batang may
edad 9 ay hindi pa ganap upang maunawaan ang mga naturang
pananagutan. At, alam naman natin na ang mga batang ito ay biktima
lamang ng kahirapan at ng mga sindikato, ang pagpapababa ng
criminal liability ay nangangahulugan na inaabuso na ang mga
inosenteng ito. Dahil kung kikilalanin sila bilang mga criminal ay
parang inalis na ang kanilang karapatan bilang mga bata. Isinaad nga
sa Child and Youth Welfare Code, Article 3, Section 12, “Every child has
the right to grow up as a free individual in an atmosphere of peace,
understanding tolerance, and universal brotherhood, and with the
determination to contribute his share in the building of a better world.”
At dapat hindi natin labagin ang mga batas na ginawa upang
protektahan sila at ang kanilang mga karapatan. Kung kaya, sa halip
na hulihin sila dapat mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang
paghahanp sa kung paano mabuhay ang mga batang ito sa isang
“nurturing and protective environment.”
Ayon din sa Psychological Association of the Philippines, ang
mga bata at mga kabataan ay naiiba sa mga taong may edad na sa
“decision-making, propensity to engage in risky behavior, impulse
control, identity development, and overall maturity.” Nangangahulugan
ito na ang mga bata ay iba sa matatanda, kaya hindi sila dapat
pakitunguhan na may parehong pamantayan sa mga taong nasa
tamang edad na. Kung sila ay bata pa upang bomoto, mag-asawa, at
magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho, dapat ay bata pa rin sila
upang panagutan ang isang krimen.
Sa pangkalahatan, ang pagpapababa ng criminal liability mula
sa 15 taong gulang hanggang 9 taong gulang ay isang pagkilos ng
karahasan laban sa mga bata, pag-alis ng kanilang karapatan bilang
mga bata, at hindi pa sila matatanda upang harapin ang mga seryosong
responsibilidad. Kaya hindi dapat ibaba ang criminal liability sa 9
taong gulang. Sa halip na tumuon ang gobyerno sa panukalang-batas na
ito, dapat mas higit silang tumuon sa kung ano ang ugat ng mga krimen
na may kaugnayan sa mga inosenteng bata. At bumuo ng isang
kapaligiran kung saan, “the youth will feel safe and secure, far from the
bitterness of the reality and violence brought by the evils.”
Posisyong
Papel
Ang pagpapakasal ay ang simula ng pagbubuo ng isang pamilya. Sa bawat
tahanan ay binubuo ng mag-asawa at ng mga anak na kung saan ay makikita mo
ang walang sawang pagmamahalan at pagsusuporta sa bawat isa. Ngunit lahat ba
ng pamilya ay ganito? Lahat ba ay maayos pa rin sa paglipas ng mahabang
panahon? Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming tahanan na ang nawasak at
patuloy na nawawasak dahil sa libo-libong dahilan. Ilan dito ay ang pangangaliwa ng
kapareha, problemang pinansyal, hindi pagkakaunawaan, pisikal at emosyonal na
pagkakasakitan, at iba pa. Sa mga hindi inaasahang pangyayaring ito ay ang
pagreresulta sa isang magulong pamilya kung kaya ang ilan sa mga mag-asawa ay
nauuwi sa hiwalayan upang maiwasan pa ang pagdudulot ng sakit at pagkasira sa
bawat isa. Dito papasok ang diborsyoa na kung saan ay isang mainit na isyu sa
ating bansa. Dapat nga bang ipatupad ang diborsyo dito sa Pilipinas?
Isa sa rason kung bakit hindi suportado ng ilang Pilipino ang diborsyo ay
dahil meron ng annulment dito sa Pilipinas. Sa annulment, kinikilala ang kasal
bilang walang bisa habang sa diborsyo ay tinatapos ang isang legal na kasal. Ngunit
ang annulment ay hindi kaya ng mga mahihirap dahil ito ay mahal at kailangan pa
ng mga rason na may bisa at dadaan pa sa isang mahabang proseso upang
maaprobahan ang annulment file. Kung kaya mas tumaas ang Nonmarital
Cohabitation Phenomenon dito sa Pilipinas na kung saan ang isa sa mag-asawa ay
kasado na sa isang tao labas sa kanilang relasyon. Sa kabila ay mas bumaba naman
ang porsyento ng magkasintahan na magpakasal dahil sa hindi paglegal ng diborsyo.
Kaya naman, kung ako ang tatanungin ay suportado ko ang pagpapatupad sa
diborsyo sa tatlong kadahilanan.
Unang-una, maiiwasan o matitigil ang patuloy na pagkakasakitan ng mag-
asawa. Sa isang pag-aaral na kung saan ay tumaas sa 60% noong 2014 mula sa
43% noong 2005 ang pagsang-ayon ng mga Pilipino sa “Married couples who have
already separated and cannot reconcile anymore should be allowed to divorce so
they can legally marry again.” Tayong lahat ay hindi perpekto, hindi natin alam
na ang taong pinili natin upang makasama ay ang tamang tao na tutuparin ang
pangakong mamahalin at hindi tayo iiwan sa hirap at ginhawa. Marami na ang
mag-asawang nagdesisyon na maghiwalay dahil sa tingin nila ay wala ng pag-asawa
pang maibalik ang dati na kung saan lahat ay maayos at maaayos pa tuwing may
problema. Hindi lahat ng relasyon ay patuloy na lumalakas, may iba na nauuwi sa
pagkalugmok dahil sa pagkawala ng pagmamahal sa isa’t isa na siyang pundasyon ng
isang relasyon. May mga pangyayari na kung saan ay gusto pang maisalba ng mag-
asawa ang pagsasama ngunit kahit anong pilit ay hindi na. Kalimitan, dahil sa
pagpupumilit ay humahantong na sa pagkakasakitan at pagkakasiraan sa isa’t isa
kung saan ay hindi lamang ang mag-asawa ang labis na maaapektuhan kung hindi
ay pati na rin ang kanilang mga anak.
Ito ang pangalawa, ang hindi maayos na pagsasamahan ng mga magulang
ay labis na nakakaapekto sa emosyonal, pisikal, sikolohikal at mental na aspeto sa
kanilang mga anak. Ayon nga kina Maxwell at Maxwell (2003), ang mga
Pilipinong kabataan na nasaksihan ang karahasan sa loob ng sariling pamilya ay mas
tumaas ang kanilang “aggression”. Ayon din kina Harold, Shelton, Goeke-Morey at
Cummings, ang hindi maayos na pagsasama ng mga magulang ay maaaring
maghatid ng anxiety at depresyon, verbal at pisikal na “aggression”. Hindi lang
iyan, ito ay nakakaapekto rin sa sosyal at akademikong aspeto sa buhay ng isang
bata. Nangangahulugan na ang mga anak ay ang kawawa kung ipagpapatuloy pa
ang nasira ng pamilya.
Ikatlo, ang diborsyo ay magsasalba sa mga kababaihang nakakulong sa
isang relasyon na puno ng pang-aabuso. Hindi natin maitatanggi na maraming
relasyon ang puno ng karahasan lalo na sa mga babae. Kung kaya ang diborsyo ay
tinagurian din na pre-woman na nangangahulugan na tinutulungan ng diborsyo ang
mga babae mula rito. Isa sa dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa ay ang
pagpapasakit ng lalaki sa kaniyang asawa, pisikal o emosyonal man. Ayon nga kay
Maple-Francisco, mahalaga na mapangalagaan ang pagsasama ng mag-asawa at hindi
dapat humantong pa sa pang-aabuso at hiwalayan kung sila ay mayroong pag-ibig,
respeto, pag-unawa at suporta sa isa’t isa lalo na sa gabay ng Panginoon. Ngunit
batid niya sa realidad na may nagaganap na pang-aabuso ng mister sa kaniyang
misis kung kaya mas mabuti pang palayain sila sa isang masalimuot na
pangyayaring ito.
Sa pagtapos, ang diborsyo para sa akin ay dapat gawing legal na sa
Pilipinas dahil marami na ang pwedeng matulungan nito mula sa mag-asawa, sa
kanilang mga anak, at sa mga kababaihan na inaabuso sa isang relasyon. Ang
pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng lipunan, Kung dito nagsisimula ang
hindi pagkakaunawaan at hindi maayos-ayos na relasyon ay paniguradong ang
lipunan ay mauuwi sa kaguluhan at walang pagkakaisa. Huwag ng pilitin pa ang
hindi na pwede dahil mas mataas ang porsyento na magreresulta ito sa labis na
pagkakasakitan lamang. “Free someone from a cage full of pain.”
Sintesis
Layunin: Maipakita ang masasamang epekto ng pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas.
Thesis Statement: Ang mataas na inflation rate ay naghahatid ng masasamang epekto sa mga Pilipino.
Isa sa mga isyung kinakaharap ng Pilipinas ay ang pagtaas ng inflation rate na kung saan ay labis na
nagdudulot ng masasamang epekto sa mga mamamayang Pilipino.
Komparison at Kontrast
Sinasabing may mabuti at masamang dulot ang pagtaas ng inflation rate sa ekonomiya ng isang bansa.
Ayon kay JC Punongbayan, ang inflation ay katuwang ng paglago ng ekonomiya gaya lamang ng mga bansang US at
Japan na may mataas na cost of living. Habang yumayaman ang kanilang mga mamamayan ay lumalaki rin ang
kanilang paggastos sa mga produkto. Bagama’t ayos lang ang inflation rate sa mahahabng panahon at hindi
maganda kung masyadong mabilis. Sa kabila naman, sinabi ni Norman Dequia sa kaniyang artikulo na ang paghina
ng ekonomiya ay epekto ng mataas na inflation rate at pawang mahihirap ang higit na naaapektuhan.
Paghahalimbawa
Ayon sa isang ulat sa GMA News TV, ang pagtaas ng mga bilihin gaya ng mga pagkain ay isa sa sanhi
na pagkagutom ng ilang mamamayan. Kasama sa nakaranas nito ay ang pamilya ng isang dose anyos na si Pan
Lloyd. Ang batang ito ay gumawa ng paraan upang makakain sa pamamagitan ng pagpunta sa Divisoria para
mamulot ng gulay na pwedeng pakinabanganan at ibenta. Ang batang sampung taong gulang na si JC ay
naapektuhan din sa pagtaas ng mga bilihin kung saan bumaba ang kaniyang timbang na nagdulot ng malnutrisyon
dahil sa labis na kahirapan na kung saan kape na lang ang naipapaulam ng kaniyang ina.
Konsesyon
Ang pagtaas ng inflation rate ay talagang nakakaapekto sa mga mamamayan sa masamang paraang
ngunit sa kabilang banda, ito rin ay isang magandang pangyayari kung ang ekonomiya ng bansa ang pag-uusapan.
Ayon kay Jessica Bartolome, kapag ang ekonomiya ng bansa ay tumaas nang mabilis, mabilis rin ang pagtaas ng
demand kaysa supply. Nangangahulugan na maaaring mas umunlad ang ekonomiya ng bansa sa sitwasyong ito.
Sanggunian:
https://amp.rappler.com/business2111176-inflation-rate-philippines-august-2018
https://veritas846.ph/paghina-ng-ekonomiya-ng-bansa-epekto-ng-mataas-na-inflation-rate/
https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/666756/what-is-inflation-what-causes-it-how-does-it-
affect-us/story
Layunin: Mapatunayan na nagdudulot ng masasamng epekto ang pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas.
Thesis Statement: Ang pagtaas ng inflation rate ay talagang nagdudulot ng masasamang epekto sa mga
Pilipino.
Paghahalimbawa:
Ayon sa pag-aaral ni Reyes (1996), ang inflation ay naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang dahilan.
Posible itong tumaas, unang-una dahil sa sobrang supply ng pera o kung ang national bank ay maglabas ng
pera lampas sa pangangailangan. Pati na rin ang pa iba-ibang presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod dito,
isa rin ang pagtugon ng merkado sa economic uncertainties na nakakaapekto sa pagtaas ng inflation rate. Sabi
rin niya na ang labis na naaapektuhan ng inflation ay ang mga mahihirap at sa kabila naman ay maaaring
makinabangan ang mga mayayaman sa pagtaas ng mga bilihin sapagkat dagdag ito sa kanilang kinikita ayon
kay Son (2008).
Komparison at Kontrast
Sa isang pananaliksik na isinigawa nina Ahorro et al. (2004), inalam nila na kung ang pagtaas ng
inflation rate ay konektado sa Gross Domestic Product growth rate ng Pilipinas. At nakita sa resulta na ang
pagtaas at pagbaba ng inflation rate ay talagang nakakaapekto sa growth rate ng bansa kung saan pagmataas
ang inflation rate ay mas nagdudulot ito ng negatibong epekto sa GDP growth rate ng Pilipinas. Ayon din kay
Ralph Rivas, mas bumaba rin ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagtaas ng inflation rate.
Konsesyon
Ayon kay Ralph Rivas, ang inflation ay hindi masama sa halip ay gusto ito ng gobyerno ngunit sa
katanggap-tanggap na saklaw lamang. Sinasabi rin dito na kung masyadong mataas ang inflation rate ay
kawawa ang mahihirap kung saan kailangan nilang maghanap ng paraan upang makasabay sa pagtaas ng mga
bilihin. Iniiwasan din kasi ng gobyerno ang deflation o ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin dahil ito ay
nangangahulugan na mahina ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Dapat balanse lamang ang presyo dahil ang
mahabang pagkonsumo ng mga kalakal ay nagpapahina sa ekonomiya na humahantong sa kaunting trabaho at
oportunidad.
Lakbay
Sanaysay
“Siguradong mas matamis sa pangalawang pagkakataon,” ika nila.
Patapos na ang bakasyon at akala ko ay mabubulok na ako sa loob ng bahay
kung hindi lamang sa imbitasyon ng aking pinsan sa kanilang despidida ng kaniyang
mapapangasawa. Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang pumunta kami sa
Manjuyod White Sand Bar, ang tinaguriang Maldives ng Pilipinas. Isa itong isla na
matatagpuan sa Tanon Strait sa hilaga ng Bais Bay na lumilitaw lamang tuwing low
tide. Sa gitna nito ay may mga bahay o cottages na gawa sa kahoy kung kaya ay pwede
rin mag-overnight. At ito ay sikat rin sa dahilang pwedeng manood ng dolphins habang
ang bangka ay pansamantalang naka-angkla. Dagdag pa rito ay pwedeng magpicnic,
maligo, sunbathe, snorkel, at scuba dive sa dagat na nakapalibot sa sand bar. Sa unang
punta namin dito ay hindi naming nasilayan ang mga dolphin kung kaya ay nanabik
talaga ako sa pangalawang pagkakataon para magkaroon ng bago at magandang
karanasan sa lugar.
Umagang-umaga pa lamang ay gising na gising na ang aking diwa sa sobrang
pananabik. Umalis kami ng 10:30 a.m. sa Dumaguete City at nagsimula ang biyahe.
Kasama ko sa loob ng sasakyan ay ang aking ate at ilan sa aking mga pinsan pero ang
alam ko ay marami pa kami na pumunta kasama na ang mga kaibigan ng aking pinsan.
Ang biyahe ay tumagal din ng isa hanggang dalawang oras kung saan halos mga puno at
iba pang kulay berdeng tanim ang aming nadaan. Nang dumating kami ay hindi ko
inasahan na marami pala talaga kami at lagpas bente ata at hindi aabot sa sampu ang
aking kilala.
Nang nasa daungan ay inilista muna ang aming mga pangalan bago sumakay
ng bangka papunta sa mismong sand bar. Dahil nga sa lagpas bente kami ay dalawang
batch ang ginawa at kami iyong panghuli. Nagpahinga at nag-usap lang kami ng aking
mga pinsan habang naghihintay. Strikto rin ang mga staff sa segregation ng mga basura
kaya napagalitan ang aking pinsan kasi nagtapon siya sa kung saan-saan lamang. Ilang
minuto rin ang lumipas bago bumalik ang bangka. At sa pangalawang beses ay hindi
namin ulit nasilayan ang dolphins kaya medyo nawalan ako ng gana. Ngunit sa kabila
niyan ay pinagmasan ko na lamang ang dagat at manghang-mangha pa rin ako sa
kagandahan at sa malamig at malakas na hanging dulot nito.
Tanghali na nang dumating kami sa mismong isla at lumipat sa
nirentang cottage kaya ay normal na nag-ingay at nagalit na ang aking mga
alaga sa tiyan sa mga oras na iyon. Kasama ang aking ate at mga pinsan ay
nilantakan naming kaagad ang mga pagkain sa mesa. Sarap na sarap ang aking
kain hindi lamang dahil sa may lechong baboy at manok, at liempo kung hindi
dahil na rin sa napakagandang tanawin sa aking harapan. Tunay na
nagpapawala ng stress at masamang pakiramdam sa katawan kaya naisip ko na
hindi na maligo at pagmasdan na lang ito hanggang sa matapos ang araw. Ngunit
ilang minuto ay bumaba at naligo rin ako dahil sa malakas na hatak ng amoy ng
dagat. Gaya noong una ay high tide kung saan hanggang dibdib ko ang tubig.
Hindi rin naman ako nagsisi na maligo dahil naging masaya naman at may bago
akong karanasan, ang sumakay sa banana boat ng pangalawang beses. Ang una
ay sobrang nakakatuwa at nakakakaba dahil sa mabilis ito at maaari kang
mahulog. Tatlo kami sa isang boat, ang ate at pinsan ko kung saan dalawa ang
nakadapa at isa ang nakatayo sa gitna. Imbes na sumigaw ako sa takot ay
tumawa lamang ako dahil sa sarap na pakiramdam. Salitan kami sa pagtayo.
Halong kaba at saya ang naramdaman ko sa mga oras na iyon lalo na sa tuwing
bibilis at biglang liliko dahil para ka talagang mahuhulog. Ang pangalawang beses
naman ay iba sa pakiramdam. Nilibot lang kami ng banana boat at hindi na
naging mabilis kung kaya ay mas lalong natanaw ko ang paligid. Ang sarap sa
pakiramdam dahil chill lang, walang kaba. Talagang randam ko ang bawat
pagdampi ng malakas na hangin sa aking mukha habang tinatanaw ang paligid.
Matapos kaming sumakay ay ang iba naman naming pinsan. Nasa
paligid na rin naman ang ilan sa mga may-ari ng mga bangka at nagpapasakay sa
banana boats kung kaya nakausap naming sila ng saglit. Sila ay residente lamang
ng Manjuyod kung saan hanap-buhay na rin nila ang kanilang ginagawa. Ang
pagdayo ng mga turista ay siyang inaabangan talaga nila dahil dito sila
kumukuha ng pagkain sa pang-araw-araw. At ang dagat ay naging parte na ng
kanilang buhay dahil na rin sa napamahal sila rito. Sinabi rin nila na sobrang
hirap at nakakapagod talaga dahil mula umaga hanggang sa kailan uuwi ang mga
turista ay nandoon sila pero nawawala rin lahat ito pagkatapos dahil sa ibang
pakiramdam na hatid ng dagat, sa nakakahawang kapayapaan nito, at sa
masarap na simoy ng hangin.
Pagkatapos maligo ay kumain kami upang hindi gutumin sa biyahe
pauwi. Pabalik sa daungan ay kami naman ang nauna. Gaya ng papunta dito ay
namangha pa rin ako lalo na’t pababa na ang araw at kung saan nagsimula nang
maging kahel ang langit. Nang makarating sa daungan ay naghintay muna kami
sa iba para sabay lahat umuwi. Umupo ako sa gilid at nagmuni-muni habang
patuloy na hinahangaan ang nasa harapan ko. Naniwala talaga ako na mas
maganda sa pangalawang pagkakataon. Siguro dahil na rin sa bata pa ako noon at
hindi ko pa gaanong napansin ang kagandahan ng lugar. Hindi lang mahalaga
ang biyaheng ito dahil sa magandang tanawin at karanasan kung hindi dahil na
rin sa napagtanto ko na sa tuwing tayo ay masaya, may mga taong nasa likod nito
upang maging possible ang lahat ng pangyayari, maaaring sila ay nahihirapan at
pagod na, patuloy pa rin sila sa pagtatrabaho. Kaya sa tingin ko ay kahit sana sa
maliit na paraan ay maipakita natin sa kanila na alam natin at masaya tayo sa
kanilang ginagawa gaya lamang ng pagpapasalamat at paglinis sa mga kalat bago
lisanin ang lugar. Dito posibleng maramdaman nila may pakialam tayo. Hindi
lang dapat ang mga tanawin at karanasan ang ating papahalagahan pati na rin
sana ang mga taong nasa likod nito. Sana muli ay makakabalik pa ako sa lugar na
iyon, mas maganda sana kung low tide at hindi maulan. Ang Manjuyod White
Sand Bar ay hindi ko makakalimutan at pipiliin ko pa rin na bumalik ng paulit-
ulit.
Repleksibong
Sanaysay
Kasawian sa Pamilya
Mula kay: Kaye Elnas
Pamilya - isang salita na binubuo ng pitong letra pero sobra-sobra ang halaga.
Ano ba ang pamilya? Ang pamilya ang nagsisilbing bukal ng lakas, saya at pagmamahal.
Ang pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal, nagbibigay ng
pangangailangan at nagmamahal nang walang kapalit. Ito ay binubuo ng ina, ama at
mga anak na nagsisilbing pundasyon ng bawat isa. Teka, isa, dalawa, tatlo...bakit
parang kulang tayo?
Halos matakpan na ng dilim ang paligid. Nalibot ko na ang buong lugar at
naghanap na ako kung saan-saan pero tila'y paikot-ikot lang ako at di ko pa rin siya
mahanap. Ilang sandali pa'y napagtanto kong wala naman akong mahahanap.
Labimpitong taon na ang nakalipas pero narito pa rin sa puso ko ang
pangungulila...pangu-ngulila para sa isang amang di man lang nasubaybayan ang
paglaki ko. May mga tanong sa puso ko na di ko masagot-sagot gaya na lamang ng,
"Paano ba lumaki nang may tatay?”. Hindi ko maiwasang mainggit sa ibang bata na
nakakasama ang kanilang mga ama. Nakakasama sa pagtulog, nakikita sa paggising sa
umaga, at nayayakap sa tuwing may problema. Ako'y sobrang nalulungkot peso taliwas
into gusto ko na lamang isipin na namayapa na siya. Kung nasaan man siya ngayon,
alam kong masaya na siya. At sana napapangiti ko siya habang pinapanood niya ako
dito sa baba. Sana nakikita niya kung paano ko nilalabanan any bawat araw nang wala
siya.
Mahirap nang lumaking walang ama pero mas mahirap pala kung pati nanay
mo di mo nakakasama. Ayokong magalit, ayokong magtampo pero dahil sa tao rin ako,
hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Ilang taon na ang lumipas mula noong
mamatay si Papa nang muling mag-asawa ang aking ina. Tanggap ko naman ang
desisyon niya. Sa katunayan, masaya ako't may nagpapaligaya muli sa nanay ko. Ngunit
sa pagbuo niya ng bagong pamilya, kinailangan niyang manirahan sa bahay ng
stepfather ko sa Cagayan de Oro. Aaminin ko na nalungkot ako dahil alam kong sa
paglayo niya bihira ko na lamang siyang makakasama. Nang isilang ang aking
nakababatang kapatid, alam kong sa kaniya na nakatuon ang atensyon ng aking ina.
Sa tuwing kausap ko si Mama sa telepono, ang kapatid ko ang lagi niyang bukambibig.
Pagdating sa mga pangangailangan, kailangang siya ang mauna. Minsan
nararamdaman kong sa aming tatlong magkakapatid, ako, ang ate ko, at si Onyok, ako
ang minsan lamang pagtuunan ng atensyon habang sila ang parating hinahanap at
kinakamusta. Aaminin kong nagseselos ako pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-
unawa bilang anak at bilang kapatid.
Nang idilat ko ang aking mga mata, nagkamalay ako sa ingay at gulo ng di
nagkakaunawaang mga tao. Napatanong ako, "Nawawala ba ako o sadyang ito talaga
ang tahanan ko?" Pero bakit ganito? Nang mamatay si Papa at manirahan sa ibang
lugar si Mama, bakit kailangan ko pang maiwan sa isang pamilyang puno ng sigawan na
tila ba'y wala ng kapayapaan? Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling
tumawa sa tahanang ito. Kahit saan ako tumingin, hindi ko nakikita sa lugar na ito ang
kanlungan. Alam kong ang pamilyang ito ay biyaya ng Panginoon, pero masama ba
kung hilingin kong sana'y masaya at maayos kami? Ngunit alam ko na di rin nila
piniling maging ganito kami. Ipinagdarasal ko na lamang na dumating ang araw na
mapuno ng pagmamahal ang itinuturing kong tahanan.
Walang sinuman ang makapipili ng kaniyang pamilya. Sila at kaloob sa atin
ng Diyos gaya ng pagkaloob sa'tin para naman sa kanila. Maglakbay man tayo sa buong
mundo at maging sa kalawakan, hindi tayo makakahanap ng perpektong pamilya. Sa
pagtatapos ng araw, kahit gaano man kagulo sila pa rin ang ating uuwian at aasahan
sa lungkot man o kasiyahan.
P hoto
Essay
Panibagong araw para sa isang
panibagong simula pero sa iba ay
isang araw na naman ng walang
katapusang kahirapan at
kalungkutan sa sarili. Walang bago,
dala-dala pa rin ang mabigat na
damdamin ngunit kailangang
bumangon at magpatuloy.
Sumasabay sa agos ng buhay
ng walang kasiguraduhan.
Hindi malaman-laman kung
saan nga ba patungo, kung
saan nga ba ang destinasyon
nito.
Pinipilit ang sarili na gawing
normal ang buhay sa kabila ng
nakaubling karamdaman sa kaloob-
looban.
Pilit na ipakita na maayos lang ang
lahat. Walang problema, nasa tamang
lugar lang ang lahat. Ang hindi nila
alam, sa likod ng isang masayahing
mukha ay ang mga sekretong nakatago.
Ngunit kung titigan ng mabuti,
dalawang pares ang sumisigaw sa mga
sekretong ito pero nabibigo pa rin ang
mga tao na makita ito.
Sabi nga nila, “Huwag mawalan ng
pag-asa. Huwag kang bibitaw.”
Kaya ito pa rin, patuloy na
nabubuhay ng walang kasiguraduhan
sa patutunguhan.
Sa pagtapos ng araw,
uuwi na naman sa kung saan
nagsimula ang lahat.
At sa dinarami-daming
destinasyon, sa sarili pa rin ang
huling bagsak, ang simula ng lahat.
Tinatanong at sinisisi sa sarili ang
lahat ng nangyayari sa buhay,
desperadong masagot ang matagal
ng tinatanong at hinahanap ngunit
wala pa rin maibibigay. May mali,
pero hindi alam kung ano.
Panibagong araw para sa isang
panibagong simula pero sa iba ay
isang araw na naman ng walang
katapusang pagtatanong at
paghahanap ng kasagutan. Walang
bago, dala-dala pa rin ang mabigat
na damdamin ngunit kailangang
bumangon at magpatuloy.
Adyenda
PETSA: Ika-9 ng Setyember 2019 ORAS: 8:40 n.u.
LUGAR: Zamboanguita Science High School
RE: Paghahanda para sa Science and Math Celebration
PARA SA: Mga Guro sa Departamento ng Siyensya ay Matematika
Mga Opisyales ng Science and Math Club
Class Presidents ng Bawat Klase
MULA KAY: Andren Rose A. Credo
Presidente ng Math and Science Club
ADYENDA
SUSUNOD NA PAGPUPULONG: Ika-15 ng Setyembre 2019
ORAS: 10:40 n.u.
Katitikan ng
Pulong
Katitikan ng Ikalawang Pulong ng Math and Science Club ng Zamboanguita Science High School
Ika-1 ng Setyembre, 2019
Ika-8:40 ng umaga
Sa Grade-12 Generoso Classroom
Dumalo
Di Dumalo
Panukalang Adyenda
Paghahanda sa Selebrasyon ng Math and Science Month
Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Robeth Y. Banua, ang President eng Math and Science Club sa ganap na
ika-8:40 ng umaga sa silid-aralan ng Grade-12 Generoso. Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng
pagpahayag sa paksa na pag-uusapan, ang Paghahanda sa Selebrasyon ng Math and Science Month, at
sinundan ito ng pagroll-call. At nanalangin muna bago simulang talakayin ang pkous ng layunin ng
pagpupulong na pinangunahan ni Bb. Fredelin Parallon, isang guro ng siyensya.
Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong
Bago sinimulang pag-usapan ang panukalang adyenda, binasa muna ni Bb. Nadine Lustre, ang sekretarya ng
Math and Science Club, ang katitikan sa nakaraang pagpupulong noong ika-20 ng Agosto, 2019. Ipinahayag
niya ang mga bagay na napag-usapan tungkol sa Buwan ng Wika, kasali na rito ang mga patimpalak at mga
kalahok, patin na rin ang naganap na Pista ng Nayon noong nakaraang buwan ng Agosto.
Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
- Sinimulan ang pagpupulong sa pagbukas ng paksa tungkol sa mangyayaring Selebrasyon ng Math and
Science Month na pinangunahan ni Bb. Robeth Y. Banua.
- Ang unang pinag-usapan ay ang tungkol sa magiging listahan ng aktibidad at iskedyul para sa Opening
Program at Culmination Program na pinangunahan ni G. Daniel Padilla, ang Bise Presidente ng Math and
Science Club. Pinal na napagdesisyunan ang mga petsa, oras, at lugar para sa mga nasabing programs.
Gaganapin ang Opening Program sa ika-5 ng Setyembre, 2019 ng ika-8 n.u. sa ZSHS stage, ito ay suhestiyon
galing kay Bb. Rosebelle Banua, isang guro ng matematika, na sinang-ayunan ng karamihan. Habang
magaganap naman sa ika-30 ng Setyembre, 2019 ng ika-8 n.u. sa ZSHS stage ang Culmination Program na
suhestiyon nina Bb. Fredelin Parallon at Bb. Rica Alcano, mga guro ng siyensya na sinang-ayunan ng
karamihan.
- Ang sunod na pinag-usapan ay ang pagtalaga ng mga Program Committee. Ito ay pinangunahan nina Bb.
Banua at G. Padilla. Ang sumusunod ay ang mga binoto at sinang-ayunan ng lahat:
- Ang pangatlong pinag-usapan ay ang tungkol sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Matematika na
pinangunahan ni Gng. Jayne Gale Verances, ang math coordinator. Naglista ng mga posibleng paligsahan at
pagkatapos ay bumoto ang lahat, kinuha lamang ang top 5 na may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod
ay ang mga gaganaping paligsahan sa matematika:
Math Investigation Math Jingle
Tower of Hanoi Modula Art
Math Sayaw
- Ang pang-apat ay tungkol naman sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Agham na pinangunahan ni Gng.
Marlene Elloren, ang Science Coordinator. Gaya noong una ay kumuha rin ng top 5 na may pinakamaraming
boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa Agham:
Science Oral and Written Quiz Science Jingle
Science Investigatory Project Science Sayaw
Physics Exhibition
- Ang panlima ay tungkol sa iskedyul at time frame ng bawat paligsahan na pinangunahan ni Bb. Liza
Soberano, ang PIO ng Math and Science Club. Ang mga sumusunod ay ang sinang-ayunan ng lahat:
Ika-30 ng Setyembre, 2019
(Culmination Program)
-Ang pang-anim na pinag-usapan ay ang pagpili sa mga hurado sa bawat paligsahan na pinangunahan ni Bb.
Robeth Banua. Ang sumusunod ay ang mga napili na sinang-ayunan ng lahat:
Math Investigation Gng. Gallardo
Physics Exhibition Gng. Elloren
Bb. Sinajon
Gng. Ruth Eltanal
SIP Gng. Lucy Abejero
Gng. Jeanny Abejero
G. Partosa
Math & Science Jingle Gng. Verances
Gng. Gallardo
G. Partosa
Math & Science Sayaw G. Jimmy
G. Charles
G. Partosa
Math Investigation Bb. Sinajon
Gng. Verances
- At ang panghuling pinag-usapan ay ang mga gatimpala na igagawad sa mga nanalo na pinangunahan nina G.
Enrique Gil, ang treasurer, at G. James Reid, ang auditor. Napag-usapan ang perang gagamitin para dito, kung
magkano at kung saan kukuha. Ang sumusunod ang napagdesisyunan:
Medals and Trophies - P5,000.00
Certificates - P1,000.00
School Supplies - P5,000.00
Ang 25% na pera ay kukunin sa SG Funds habang ang 75% ay kukunin naman sa funds ng mga
club.
-Tatawag ng susunod na pagpupulong ang president ng Math and Science Club kaugnay sa selebrasyon.
Iba Pang Pinag-usapan
- Pag-talaga ng kabilang sa Food Committee
Iskedyul ng Susunod na Pulong
- Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:40 n.u.
Pagtatapos ng Pulong
- Natapos ang pagpupulong sa ganap na 9:40 n.u.
Inihanda ni:
Andren Rose A. Credo
Kalihim ng Math and Science Club
Nagpatotoo:
Robeth Y. Banua
Presidente ng Math and Science Club
Inaprubahan ni:
Ana Melissa Venido
Punong-Guro
Memorandum
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central, Visayas
SCHOOLS OF DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Zamboanguita District
Del Pilar St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental
Ika-29 ng Hulyo, 2019
MEMORANDUM PAMPAARALAN
Blg. 02, s. 2019
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2019
PARA SA: Mga Pansilid-aralang Tagapayo (JHS/Grade 7-10)
Mga Pansilid-aralang Tagapayo (Senior High School)
Mga Floating Teachers
Mga Mag-aaral ng Junior High School at Senior High School
MULA KAY: Andren Rose A. Credo
School Filipino Coordinator
-Ang Zamboanguita Science High School ay magkakaroon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika para sa taong 2019
na gaganapin sa buong buwan ng Agosto. Ang tema sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino.” Layunin ng gawaing ito na magkaroon ng kaalaman ang lahat ng guro at mag-aaral tungkol sa mga
kaganapanan at paligsahan na gaganapin sa buong buwan.
- Ang Opening Program ay gaganapin sa darating na ika-3 ng Agosto, 2019. Ang lahat ng guro at mag-aaral ay
kinailangang magsuot ng Filipino costume. Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan na gagawin:
- Solo Singing Contest- bukas para sa Baitang 7-10
- Duet Singing Contst- bukas para sa Baitang 11-12
- Ang kulminasyon ng Buwan ng Wika 2019 ay gaganapin sa ika-29 ng Agosto, 2019. Ang lahat ng guro at mag-
aaral ay kinailangang magsuot ng Filipino costume. Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan na gaganapin:
- Talumpati- bukas sa lahat ng antas (Baitang 7-12)
- Spoken Word Poetry- bukas sa Baitang 11-12
- Madulang Sayaw- bukas sa lahat ng antas
- Inanyayahan ang bawat silid-paaralan na magdala ng iba’t ibang pagkain Filipino para sa Boodle Fight na
magaganap pagkatapos ng lahat ng paligsahan.
Ang inyong kooperasyon sa gawaing ito ay lubos naming ikagagalak at ipagpapasalamat.
Malawak na desiminasyon ng memorandum na ito ang nais.
Inihanda ni:
ANDREN ROSA A. CREDO
School Filipino Coordinator
Kinilala/Inaprubahan ni:
MELISSA A. LERO
Teacher-in-Charge
Resume
Andren Rose A. Credo
413 Arellano St., Poblacion, Zamboanguita,
Negros Oriental
09662346446
ara.credo03@gmail.com
Layunin: Ang maging kabilang sa inyong firm at makapagtrabaho bilang isang accountant, at magkaroon ng bagong karanasan kung
saan mas mahahasa pa ang aking kakayahan bilang isang CPA.
Edukasyon:
Bachelor of Science in Accountancy
Silliman University
2017
Suma cum Laude
Kasanayan:
- Isang eksperto pagdating sa paggamit ng QuickBooks Pro at MS Office
- Bihasa sa paggamit ng Ingles.
- May kaalaman at karanasan sa Account Reconcillation at Tax Compliance.
- Magaling sa paghawak at pamamahala ng iba’t ibang proyekto.
- May kaalaman sa kung paano pangasiwaan ang anumang panganib o peligro sa tamang paraan.
- Mahusay pagdating sa leadership.
Personal na Sanggunian:
Kyllie Sy, CPA, MBA, CB-NCII Biel Preysler,CPA, MBA
Co-CPA Senior Accountant
Dumaguete City Dumaguete City
09351187324 0991256129
Achilles Villaruz, CPA
Senior Accountant
Dumaguete City
09168173521
Application
L e t t er
Ika-1 ng Oktubre, 2019
Bb. ANA MELISSA T. VENIDO
HR Manager
BMTS. &Co., CPAs
Quezon Avenue, Quezon City,
1113 Metro Manila
Mahal na Bb. Venido,
Isang Pagbati!
Ito ay isinulat ko bilang isang pagtugon sa isang anunsiyo noong nakaraang ika-25 ng Setyembre, 2019 sa inyong
website na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pangangailangan niyo ng mga bagong CPA. Nais ko po na
mag-apply bilang isang accountant sa inyong firm.
Batid ko po na tinataglay ko ang hinahanap ng inyong firm bilang isang accountant. Ako po ay isang eksperto sa
paggamit ng QuickBooks Pro at MS Office, at marunong din sa accountant reconciliation at task compliance dahil sa
karanasan bilang Senior Audit Associate at Financial Analyst sa mga nakaraang taong. Kung ipagkaloob man ninyo
sa akin ang trabahong ito, tiyak na makikita niyo ang aking angking dedikasyon at kakayahan.
Kalakip ng liham na ito ay ang aking resume na naglalaman ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa aking
kasanayan at karanasan, nakapaloob din ang detalye ng aking edukasyon at personal na impormasyon.
Upang mapag-usapan pa ang ibang mga detalye ng aking kwalipikasyon, maaari niyo po akong kontakin sa anumang
oras at araw na inyong naisin sa aking cellphone number: 09662346446 o sa aking email: ara.credo03@gmail.com
Maraming Salamat! Nawa’y pagpalain pa ang kompanya niyo.
Lubos na gumagalang,
ANDREN ROSE A. CREDO, CPA

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 

Mais procurados (9)

(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

Semelhante a (Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin

(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LaranganBeth Aunab
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang PilipinoPortfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang PilipinoJozyllDaenDomingo
 
1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx
1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx
1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptxgdagan1
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxJOYCONCEPCION6
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfFyuTexNathanDaGreat
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptxJaiVilla2
 
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LaranganBeth Aunab
 
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxLEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxVirgilNierva
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxSahleeGabiaBaja
 
Kontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyoKontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyoDianah Martinez
 
Mga batas ukol_sa_child_abuse
Mga batas ukol_sa_child_abuseMga batas ukol_sa_child_abuse
Mga batas ukol_sa_child_abuseFrancisOsoPantino
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanowshii
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10ruth ferrer
 

Semelhante a (Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (20)

(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang PilipinoPortfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino
 
1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx
1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx
1. Isyu sa Seksuwalidad, Suriin at Pagpasiyahan.pptx
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
 
ANG LIPUNAN
ANG LIPUNANANG LIPUNAN
ANG LIPUNAN
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
 
Karahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa Paaralan
 
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
Maling pananaw sa sekswalidad
Maling pananaw sa sekswalidadMaling pananaw sa sekswalidad
Maling pananaw sa sekswalidad
 
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxLEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
 
Anti-Bullying.doc
Anti-Bullying.docAnti-Bullying.doc
Anti-Bullying.doc
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
 
Kontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyoKontemporaryong programang panradyo
Kontemporaryong programang panradyo
 
Mga batas ukol_sa_child_abuse
Mga batas ukol_sa_child_abuseMga batas ukol_sa_child_abuse
Mga batas ukol_sa_child_abuse
 
Joana
JoanaJoana
Joana
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
 

Mais de Beth Aunab

(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatinBeth Aunab
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 

Mais de Beth Aunab (6)

(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

Último

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 

Último (20)

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 

(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin

  • 3. Ang artikulong ito ay tungkol sa mga negatibong epekto ng social media at internet sa mga tao. Upang makakuha ng impormasyon sa mga posibleng epekto, nakipagpanayam sila sa isang dalaga na pinangalanang Janine na minsan ng naging adik sa social media. Ayon sa kaniya, maaaring mauuwi sa pakikipag-away at cyberbullying kung patuloy na gumagamit ng social media. Hindi lang away pati na rin depresyon, adiksyon, o maimpluwensiyahan na mag-suicide. Itinalakay din sa isang Filipino Indie Film na pinamagatang “Unfriend” ang mga negatibong epekto ng social media at internet gaya ng depresyon. Ayon din sa isang sociologist, mas lumiliit ang mundo ng isang tao dahil nawawalan ito ng privacy. Nangangahulugan na ang lubos na paggamit o pagkahumaling sa social media at internet ay naghahatid ng depresyon, cyberbullying, adiksyon, impluwensiya sa suicide, at low self-esteem dahil naging basehan na ang social media sa sarili.
  • 5. Si ROLANDO A. BERNALES ay nagtapos ng BSE-Filipino sa Linggwistikang Filipino sa Philippine Normal University bilang isang cum laude at nakakuha ng graduate certificate (katumbas ng Master of Arts in Teaching). Kumuha rin siya ng Ed.D sa Educational Management sa University of Makati kung saan siya ay limang taong na Puno ng Departamento ng Filipino at isang taon bilang Puno ng Departamento ng Lenggwahe at Literatura. Sa kasalukuyan, siya ay isang Professor II sa unibersidad na ito at itinalaga rin bilang isang Executive Director ng Center for Innovative Education and Sciences. Siya rin ay isang akademik konsultant ng Mutya Publishing House at sa kabila niyan ay isa siyang malikhaing manunulat ng tula, kwento, at sanaysay. Siya ay isang awtor, ko-awtor, editor, at/o konsultant ng hindi kukulangin sa 70 mga aklat sa wika, pagbasa at panitikan sa antas preschool, elementary, sekundarya at tersyarya. Kung kaya siya ay isang Palanca Awardee at isa rin sa pinarangalang Ten Outstanding Students of the Philippines (1989); Award for Exemplary Performance as a Public Servant (2000) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati. Siya ay isang panghabambuhay na kasapi ng Pambansang Samahan ng Liggwistika at Literaturang Filipino. At miyembro rin siya ng KAGURO, SANGFIL at APNIEVE.
  • 7. Sa paglipas ng panahon, mas tumaas ang porsyento ng krimen na kinasasangkutan ng mga bata at kabataan. Nangangahulugan na ang ating lipunan ay mas nagiging mapanganib, kaya ilan sa kabilang sa senado ay nagmungkahi ng isang panukalang-batas tungkol sa pagpapababa ng edad sa criminal liability. Ngunit ayon kay Nelson Mandela, “Safety and security don't just happen; they are the result of collective consensus and public investment. We owe our children, the most vulnerable citizens in our society, a life free of violence and fear.” Noong nakaraang Enero 2019, inaprobahan ng komite ang panukalang-batas na nagpapababa sa minimum na edad ng criminal liability mula sa 15 taong gulang hanggang 9 taong gulang. Ang nasabing panukalang-batas ay nagbago sa RA 10630, ang batas na nagpapahintulot sa mga bata may edad 12 na manatili sa Bahay Pag- asa kung makagawa ng krimen. Ang RA 10630 ay nag-amyenda rin sa RA 9344 o sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagpapahintulot sa 15 taong gulang hanggang sa hindi lalagpas sa 18 taong gulang na magkaroon ng criminal responsibility. Dapat nga bang ibaba ang criminal liability sa 9 taong gulang dito sa Pilipinas?
  • 8. Ayon sa pinagkukunang pang-agham, ang maturity ay nagsisimula sa 16 taong gulang na kung saan ay nakakaapekto sa pangangatuwiran at pag-iisip ng isang bata. Ang isip ng batang may edad 9 ay hindi pa ganap upang maunawaan ang mga naturang pananagutan. At, alam naman natin na ang mga batang ito ay biktima lamang ng kahirapan at ng mga sindikato, ang pagpapababa ng criminal liability ay nangangahulugan na inaabuso na ang mga inosenteng ito. Dahil kung kikilalanin sila bilang mga criminal ay parang inalis na ang kanilang karapatan bilang mga bata. Isinaad nga sa Child and Youth Welfare Code, Article 3, Section 12, “Every child has the right to grow up as a free individual in an atmosphere of peace, understanding tolerance, and universal brotherhood, and with the determination to contribute his share in the building of a better world.” At dapat hindi natin labagin ang mga batas na ginawa upang protektahan sila at ang kanilang mga karapatan. Kung kaya, sa halip na hulihin sila dapat mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang paghahanp sa kung paano mabuhay ang mga batang ito sa isang “nurturing and protective environment.”
  • 9. Ayon din sa Psychological Association of the Philippines, ang mga bata at mga kabataan ay naiiba sa mga taong may edad na sa “decision-making, propensity to engage in risky behavior, impulse control, identity development, and overall maturity.” Nangangahulugan ito na ang mga bata ay iba sa matatanda, kaya hindi sila dapat pakitunguhan na may parehong pamantayan sa mga taong nasa tamang edad na. Kung sila ay bata pa upang bomoto, mag-asawa, at magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho, dapat ay bata pa rin sila upang panagutan ang isang krimen. Sa pangkalahatan, ang pagpapababa ng criminal liability mula sa 15 taong gulang hanggang 9 taong gulang ay isang pagkilos ng karahasan laban sa mga bata, pag-alis ng kanilang karapatan bilang mga bata, at hindi pa sila matatanda upang harapin ang mga seryosong responsibilidad. Kaya hindi dapat ibaba ang criminal liability sa 9 taong gulang. Sa halip na tumuon ang gobyerno sa panukalang-batas na ito, dapat mas higit silang tumuon sa kung ano ang ugat ng mga krimen na may kaugnayan sa mga inosenteng bata. At bumuo ng isang kapaligiran kung saan, “the youth will feel safe and secure, far from the bitterness of the reality and violence brought by the evils.”
  • 11. Ang pagpapakasal ay ang simula ng pagbubuo ng isang pamilya. Sa bawat tahanan ay binubuo ng mag-asawa at ng mga anak na kung saan ay makikita mo ang walang sawang pagmamahalan at pagsusuporta sa bawat isa. Ngunit lahat ba ng pamilya ay ganito? Lahat ba ay maayos pa rin sa paglipas ng mahabang panahon? Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming tahanan na ang nawasak at patuloy na nawawasak dahil sa libo-libong dahilan. Ilan dito ay ang pangangaliwa ng kapareha, problemang pinansyal, hindi pagkakaunawaan, pisikal at emosyonal na pagkakasakitan, at iba pa. Sa mga hindi inaasahang pangyayaring ito ay ang pagreresulta sa isang magulong pamilya kung kaya ang ilan sa mga mag-asawa ay nauuwi sa hiwalayan upang maiwasan pa ang pagdudulot ng sakit at pagkasira sa bawat isa. Dito papasok ang diborsyoa na kung saan ay isang mainit na isyu sa ating bansa. Dapat nga bang ipatupad ang diborsyo dito sa Pilipinas? Isa sa rason kung bakit hindi suportado ng ilang Pilipino ang diborsyo ay dahil meron ng annulment dito sa Pilipinas. Sa annulment, kinikilala ang kasal bilang walang bisa habang sa diborsyo ay tinatapos ang isang legal na kasal. Ngunit ang annulment ay hindi kaya ng mga mahihirap dahil ito ay mahal at kailangan pa ng mga rason na may bisa at dadaan pa sa isang mahabang proseso upang maaprobahan ang annulment file. Kung kaya mas tumaas ang Nonmarital Cohabitation Phenomenon dito sa Pilipinas na kung saan ang isa sa mag-asawa ay kasado na sa isang tao labas sa kanilang relasyon. Sa kabila ay mas bumaba naman ang porsyento ng magkasintahan na magpakasal dahil sa hindi paglegal ng diborsyo. Kaya naman, kung ako ang tatanungin ay suportado ko ang pagpapatupad sa diborsyo sa tatlong kadahilanan.
  • 12. Unang-una, maiiwasan o matitigil ang patuloy na pagkakasakitan ng mag- asawa. Sa isang pag-aaral na kung saan ay tumaas sa 60% noong 2014 mula sa 43% noong 2005 ang pagsang-ayon ng mga Pilipino sa “Married couples who have already separated and cannot reconcile anymore should be allowed to divorce so they can legally marry again.” Tayong lahat ay hindi perpekto, hindi natin alam na ang taong pinili natin upang makasama ay ang tamang tao na tutuparin ang pangakong mamahalin at hindi tayo iiwan sa hirap at ginhawa. Marami na ang mag-asawang nagdesisyon na maghiwalay dahil sa tingin nila ay wala ng pag-asawa pang maibalik ang dati na kung saan lahat ay maayos at maaayos pa tuwing may problema. Hindi lahat ng relasyon ay patuloy na lumalakas, may iba na nauuwi sa pagkalugmok dahil sa pagkawala ng pagmamahal sa isa’t isa na siyang pundasyon ng isang relasyon. May mga pangyayari na kung saan ay gusto pang maisalba ng mag- asawa ang pagsasama ngunit kahit anong pilit ay hindi na. Kalimitan, dahil sa pagpupumilit ay humahantong na sa pagkakasakitan at pagkakasiraan sa isa’t isa kung saan ay hindi lamang ang mag-asawa ang labis na maaapektuhan kung hindi ay pati na rin ang kanilang mga anak. Ito ang pangalawa, ang hindi maayos na pagsasamahan ng mga magulang ay labis na nakakaapekto sa emosyonal, pisikal, sikolohikal at mental na aspeto sa kanilang mga anak. Ayon nga kina Maxwell at Maxwell (2003), ang mga Pilipinong kabataan na nasaksihan ang karahasan sa loob ng sariling pamilya ay mas tumaas ang kanilang “aggression”. Ayon din kina Harold, Shelton, Goeke-Morey at Cummings, ang hindi maayos na pagsasama ng mga magulang ay maaaring maghatid ng anxiety at depresyon, verbal at pisikal na “aggression”. Hindi lang iyan, ito ay nakakaapekto rin sa sosyal at akademikong aspeto sa buhay ng isang bata. Nangangahulugan na ang mga anak ay ang kawawa kung ipagpapatuloy pa ang nasira ng pamilya.
  • 13. Ikatlo, ang diborsyo ay magsasalba sa mga kababaihang nakakulong sa isang relasyon na puno ng pang-aabuso. Hindi natin maitatanggi na maraming relasyon ang puno ng karahasan lalo na sa mga babae. Kung kaya ang diborsyo ay tinagurian din na pre-woman na nangangahulugan na tinutulungan ng diborsyo ang mga babae mula rito. Isa sa dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa ay ang pagpapasakit ng lalaki sa kaniyang asawa, pisikal o emosyonal man. Ayon nga kay Maple-Francisco, mahalaga na mapangalagaan ang pagsasama ng mag-asawa at hindi dapat humantong pa sa pang-aabuso at hiwalayan kung sila ay mayroong pag-ibig, respeto, pag-unawa at suporta sa isa’t isa lalo na sa gabay ng Panginoon. Ngunit batid niya sa realidad na may nagaganap na pang-aabuso ng mister sa kaniyang misis kung kaya mas mabuti pang palayain sila sa isang masalimuot na pangyayaring ito. Sa pagtapos, ang diborsyo para sa akin ay dapat gawing legal na sa Pilipinas dahil marami na ang pwedeng matulungan nito mula sa mag-asawa, sa kanilang mga anak, at sa mga kababaihan na inaabuso sa isang relasyon. Ang pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng lipunan, Kung dito nagsisimula ang hindi pagkakaunawaan at hindi maayos-ayos na relasyon ay paniguradong ang lipunan ay mauuwi sa kaguluhan at walang pagkakaisa. Huwag ng pilitin pa ang hindi na pwede dahil mas mataas ang porsyento na magreresulta ito sa labis na pagkakasakitan lamang. “Free someone from a cage full of pain.”
  • 15. Layunin: Maipakita ang masasamang epekto ng pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas. Thesis Statement: Ang mataas na inflation rate ay naghahatid ng masasamang epekto sa mga Pilipino. Isa sa mga isyung kinakaharap ng Pilipinas ay ang pagtaas ng inflation rate na kung saan ay labis na nagdudulot ng masasamang epekto sa mga mamamayang Pilipino. Komparison at Kontrast Sinasabing may mabuti at masamang dulot ang pagtaas ng inflation rate sa ekonomiya ng isang bansa. Ayon kay JC Punongbayan, ang inflation ay katuwang ng paglago ng ekonomiya gaya lamang ng mga bansang US at Japan na may mataas na cost of living. Habang yumayaman ang kanilang mga mamamayan ay lumalaki rin ang kanilang paggastos sa mga produkto. Bagama’t ayos lang ang inflation rate sa mahahabng panahon at hindi maganda kung masyadong mabilis. Sa kabila naman, sinabi ni Norman Dequia sa kaniyang artikulo na ang paghina ng ekonomiya ay epekto ng mataas na inflation rate at pawang mahihirap ang higit na naaapektuhan. Paghahalimbawa Ayon sa isang ulat sa GMA News TV, ang pagtaas ng mga bilihin gaya ng mga pagkain ay isa sa sanhi na pagkagutom ng ilang mamamayan. Kasama sa nakaranas nito ay ang pamilya ng isang dose anyos na si Pan Lloyd. Ang batang ito ay gumawa ng paraan upang makakain sa pamamagitan ng pagpunta sa Divisoria para mamulot ng gulay na pwedeng pakinabanganan at ibenta. Ang batang sampung taong gulang na si JC ay naapektuhan din sa pagtaas ng mga bilihin kung saan bumaba ang kaniyang timbang na nagdulot ng malnutrisyon dahil sa labis na kahirapan na kung saan kape na lang ang naipapaulam ng kaniyang ina. Konsesyon Ang pagtaas ng inflation rate ay talagang nakakaapekto sa mga mamamayan sa masamang paraang ngunit sa kabilang banda, ito rin ay isang magandang pangyayari kung ang ekonomiya ng bansa ang pag-uusapan. Ayon kay Jessica Bartolome, kapag ang ekonomiya ng bansa ay tumaas nang mabilis, mabilis rin ang pagtaas ng demand kaysa supply. Nangangahulugan na maaaring mas umunlad ang ekonomiya ng bansa sa sitwasyong ito. Sanggunian: https://amp.rappler.com/business2111176-inflation-rate-philippines-august-2018 https://veritas846.ph/paghina-ng-ekonomiya-ng-bansa-epekto-ng-mataas-na-inflation-rate/ https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/666756/what-is-inflation-what-causes-it-how-does-it- affect-us/story
  • 16. Layunin: Mapatunayan na nagdudulot ng masasamng epekto ang pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas. Thesis Statement: Ang pagtaas ng inflation rate ay talagang nagdudulot ng masasamang epekto sa mga Pilipino. Paghahalimbawa: Ayon sa pag-aaral ni Reyes (1996), ang inflation ay naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang dahilan. Posible itong tumaas, unang-una dahil sa sobrang supply ng pera o kung ang national bank ay maglabas ng pera lampas sa pangangailangan. Pati na rin ang pa iba-ibang presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod dito, isa rin ang pagtugon ng merkado sa economic uncertainties na nakakaapekto sa pagtaas ng inflation rate. Sabi rin niya na ang labis na naaapektuhan ng inflation ay ang mga mahihirap at sa kabila naman ay maaaring makinabangan ang mga mayayaman sa pagtaas ng mga bilihin sapagkat dagdag ito sa kanilang kinikita ayon kay Son (2008). Komparison at Kontrast Sa isang pananaliksik na isinigawa nina Ahorro et al. (2004), inalam nila na kung ang pagtaas ng inflation rate ay konektado sa Gross Domestic Product growth rate ng Pilipinas. At nakita sa resulta na ang pagtaas at pagbaba ng inflation rate ay talagang nakakaapekto sa growth rate ng bansa kung saan pagmataas ang inflation rate ay mas nagdudulot ito ng negatibong epekto sa GDP growth rate ng Pilipinas. Ayon din kay Ralph Rivas, mas bumaba rin ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagtaas ng inflation rate. Konsesyon Ayon kay Ralph Rivas, ang inflation ay hindi masama sa halip ay gusto ito ng gobyerno ngunit sa katanggap-tanggap na saklaw lamang. Sinasabi rin dito na kung masyadong mataas ang inflation rate ay kawawa ang mahihirap kung saan kailangan nilang maghanap ng paraan upang makasabay sa pagtaas ng mga bilihin. Iniiwasan din kasi ng gobyerno ang deflation o ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin dahil ito ay nangangahulugan na mahina ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Dapat balanse lamang ang presyo dahil ang mahabang pagkonsumo ng mga kalakal ay nagpapahina sa ekonomiya na humahantong sa kaunting trabaho at oportunidad.
  • 18.
  • 19. “Siguradong mas matamis sa pangalawang pagkakataon,” ika nila. Patapos na ang bakasyon at akala ko ay mabubulok na ako sa loob ng bahay kung hindi lamang sa imbitasyon ng aking pinsan sa kanilang despidida ng kaniyang mapapangasawa. Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang pumunta kami sa Manjuyod White Sand Bar, ang tinaguriang Maldives ng Pilipinas. Isa itong isla na matatagpuan sa Tanon Strait sa hilaga ng Bais Bay na lumilitaw lamang tuwing low tide. Sa gitna nito ay may mga bahay o cottages na gawa sa kahoy kung kaya ay pwede rin mag-overnight. At ito ay sikat rin sa dahilang pwedeng manood ng dolphins habang ang bangka ay pansamantalang naka-angkla. Dagdag pa rito ay pwedeng magpicnic, maligo, sunbathe, snorkel, at scuba dive sa dagat na nakapalibot sa sand bar. Sa unang punta namin dito ay hindi naming nasilayan ang mga dolphin kung kaya ay nanabik talaga ako sa pangalawang pagkakataon para magkaroon ng bago at magandang karanasan sa lugar. Umagang-umaga pa lamang ay gising na gising na ang aking diwa sa sobrang pananabik. Umalis kami ng 10:30 a.m. sa Dumaguete City at nagsimula ang biyahe. Kasama ko sa loob ng sasakyan ay ang aking ate at ilan sa aking mga pinsan pero ang alam ko ay marami pa kami na pumunta kasama na ang mga kaibigan ng aking pinsan. Ang biyahe ay tumagal din ng isa hanggang dalawang oras kung saan halos mga puno at iba pang kulay berdeng tanim ang aming nadaan. Nang dumating kami ay hindi ko inasahan na marami pala talaga kami at lagpas bente ata at hindi aabot sa sampu ang aking kilala. Nang nasa daungan ay inilista muna ang aming mga pangalan bago sumakay ng bangka papunta sa mismong sand bar. Dahil nga sa lagpas bente kami ay dalawang batch ang ginawa at kami iyong panghuli. Nagpahinga at nag-usap lang kami ng aking mga pinsan habang naghihintay. Strikto rin ang mga staff sa segregation ng mga basura kaya napagalitan ang aking pinsan kasi nagtapon siya sa kung saan-saan lamang. Ilang minuto rin ang lumipas bago bumalik ang bangka. At sa pangalawang beses ay hindi namin ulit nasilayan ang dolphins kaya medyo nawalan ako ng gana. Ngunit sa kabila niyan ay pinagmasan ko na lamang ang dagat at manghang-mangha pa rin ako sa kagandahan at sa malamig at malakas na hanging dulot nito.
  • 20. Tanghali na nang dumating kami sa mismong isla at lumipat sa nirentang cottage kaya ay normal na nag-ingay at nagalit na ang aking mga alaga sa tiyan sa mga oras na iyon. Kasama ang aking ate at mga pinsan ay nilantakan naming kaagad ang mga pagkain sa mesa. Sarap na sarap ang aking kain hindi lamang dahil sa may lechong baboy at manok, at liempo kung hindi dahil na rin sa napakagandang tanawin sa aking harapan. Tunay na nagpapawala ng stress at masamang pakiramdam sa katawan kaya naisip ko na hindi na maligo at pagmasdan na lang ito hanggang sa matapos ang araw. Ngunit ilang minuto ay bumaba at naligo rin ako dahil sa malakas na hatak ng amoy ng dagat. Gaya noong una ay high tide kung saan hanggang dibdib ko ang tubig. Hindi rin naman ako nagsisi na maligo dahil naging masaya naman at may bago akong karanasan, ang sumakay sa banana boat ng pangalawang beses. Ang una ay sobrang nakakatuwa at nakakakaba dahil sa mabilis ito at maaari kang mahulog. Tatlo kami sa isang boat, ang ate at pinsan ko kung saan dalawa ang nakadapa at isa ang nakatayo sa gitna. Imbes na sumigaw ako sa takot ay tumawa lamang ako dahil sa sarap na pakiramdam. Salitan kami sa pagtayo. Halong kaba at saya ang naramdaman ko sa mga oras na iyon lalo na sa tuwing bibilis at biglang liliko dahil para ka talagang mahuhulog. Ang pangalawang beses naman ay iba sa pakiramdam. Nilibot lang kami ng banana boat at hindi na naging mabilis kung kaya ay mas lalong natanaw ko ang paligid. Ang sarap sa pakiramdam dahil chill lang, walang kaba. Talagang randam ko ang bawat pagdampi ng malakas na hangin sa aking mukha habang tinatanaw ang paligid.
  • 21. Matapos kaming sumakay ay ang iba naman naming pinsan. Nasa paligid na rin naman ang ilan sa mga may-ari ng mga bangka at nagpapasakay sa banana boats kung kaya nakausap naming sila ng saglit. Sila ay residente lamang ng Manjuyod kung saan hanap-buhay na rin nila ang kanilang ginagawa. Ang pagdayo ng mga turista ay siyang inaabangan talaga nila dahil dito sila kumukuha ng pagkain sa pang-araw-araw. At ang dagat ay naging parte na ng kanilang buhay dahil na rin sa napamahal sila rito. Sinabi rin nila na sobrang hirap at nakakapagod talaga dahil mula umaga hanggang sa kailan uuwi ang mga turista ay nandoon sila pero nawawala rin lahat ito pagkatapos dahil sa ibang pakiramdam na hatid ng dagat, sa nakakahawang kapayapaan nito, at sa masarap na simoy ng hangin. Pagkatapos maligo ay kumain kami upang hindi gutumin sa biyahe pauwi. Pabalik sa daungan ay kami naman ang nauna. Gaya ng papunta dito ay namangha pa rin ako lalo na’t pababa na ang araw at kung saan nagsimula nang maging kahel ang langit. Nang makarating sa daungan ay naghintay muna kami sa iba para sabay lahat umuwi. Umupo ako sa gilid at nagmuni-muni habang patuloy na hinahangaan ang nasa harapan ko. Naniwala talaga ako na mas maganda sa pangalawang pagkakataon. Siguro dahil na rin sa bata pa ako noon at hindi ko pa gaanong napansin ang kagandahan ng lugar. Hindi lang mahalaga ang biyaheng ito dahil sa magandang tanawin at karanasan kung hindi dahil na rin sa napagtanto ko na sa tuwing tayo ay masaya, may mga taong nasa likod nito upang maging possible ang lahat ng pangyayari, maaaring sila ay nahihirapan at pagod na, patuloy pa rin sila sa pagtatrabaho. Kaya sa tingin ko ay kahit sana sa maliit na paraan ay maipakita natin sa kanila na alam natin at masaya tayo sa kanilang ginagawa gaya lamang ng pagpapasalamat at paglinis sa mga kalat bago lisanin ang lugar. Dito posibleng maramdaman nila may pakialam tayo. Hindi lang dapat ang mga tanawin at karanasan ang ating papahalagahan pati na rin sana ang mga taong nasa likod nito. Sana muli ay makakabalik pa ako sa lugar na iyon, mas maganda sana kung low tide at hindi maulan. Ang Manjuyod White Sand Bar ay hindi ko makakalimutan at pipiliin ko pa rin na bumalik ng paulit- ulit.
  • 23. Kasawian sa Pamilya Mula kay: Kaye Elnas Pamilya - isang salita na binubuo ng pitong letra pero sobra-sobra ang halaga. Ano ba ang pamilya? Ang pamilya ang nagsisilbing bukal ng lakas, saya at pagmamahal. Ang pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal, nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal nang walang kapalit. Ito ay binubuo ng ina, ama at mga anak na nagsisilbing pundasyon ng bawat isa. Teka, isa, dalawa, tatlo...bakit parang kulang tayo? Halos matakpan na ng dilim ang paligid. Nalibot ko na ang buong lugar at naghanap na ako kung saan-saan pero tila'y paikot-ikot lang ako at di ko pa rin siya mahanap. Ilang sandali pa'y napagtanto kong wala naman akong mahahanap. Labimpitong taon na ang nakalipas pero narito pa rin sa puso ko ang pangungulila...pangu-ngulila para sa isang amang di man lang nasubaybayan ang paglaki ko. May mga tanong sa puso ko na di ko masagot-sagot gaya na lamang ng, "Paano ba lumaki nang may tatay?”. Hindi ko maiwasang mainggit sa ibang bata na nakakasama ang kanilang mga ama. Nakakasama sa pagtulog, nakikita sa paggising sa umaga, at nayayakap sa tuwing may problema. Ako'y sobrang nalulungkot peso taliwas into gusto ko na lamang isipin na namayapa na siya. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya. At sana napapangiti ko siya habang pinapanood niya ako dito sa baba. Sana nakikita niya kung paano ko nilalabanan any bawat araw nang wala siya.
  • 24. Mahirap nang lumaking walang ama pero mas mahirap pala kung pati nanay mo di mo nakakasama. Ayokong magalit, ayokong magtampo pero dahil sa tao rin ako, hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Ilang taon na ang lumipas mula noong mamatay si Papa nang muling mag-asawa ang aking ina. Tanggap ko naman ang desisyon niya. Sa katunayan, masaya ako't may nagpapaligaya muli sa nanay ko. Ngunit sa pagbuo niya ng bagong pamilya, kinailangan niyang manirahan sa bahay ng stepfather ko sa Cagayan de Oro. Aaminin ko na nalungkot ako dahil alam kong sa paglayo niya bihira ko na lamang siyang makakasama. Nang isilang ang aking nakababatang kapatid, alam kong sa kaniya na nakatuon ang atensyon ng aking ina. Sa tuwing kausap ko si Mama sa telepono, ang kapatid ko ang lagi niyang bukambibig. Pagdating sa mga pangangailangan, kailangang siya ang mauna. Minsan nararamdaman kong sa aming tatlong magkakapatid, ako, ang ate ko, at si Onyok, ako ang minsan lamang pagtuunan ng atensyon habang sila ang parating hinahanap at kinakamusta. Aaminin kong nagseselos ako pero mas nangingibabaw pa rin ang pag- unawa bilang anak at bilang kapatid. Nang idilat ko ang aking mga mata, nagkamalay ako sa ingay at gulo ng di nagkakaunawaang mga tao. Napatanong ako, "Nawawala ba ako o sadyang ito talaga ang tahanan ko?" Pero bakit ganito? Nang mamatay si Papa at manirahan sa ibang lugar si Mama, bakit kailangan ko pang maiwan sa isang pamilyang puno ng sigawan na tila ba'y wala ng kapayapaan? Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling tumawa sa tahanang ito. Kahit saan ako tumingin, hindi ko nakikita sa lugar na ito ang kanlungan. Alam kong ang pamilyang ito ay biyaya ng Panginoon, pero masama ba kung hilingin kong sana'y masaya at maayos kami? Ngunit alam ko na di rin nila piniling maging ganito kami. Ipinagdarasal ko na lamang na dumating ang araw na mapuno ng pagmamahal ang itinuturing kong tahanan. Walang sinuman ang makapipili ng kaniyang pamilya. Sila at kaloob sa atin ng Diyos gaya ng pagkaloob sa'tin para naman sa kanila. Maglakbay man tayo sa buong mundo at maging sa kalawakan, hindi tayo makakahanap ng perpektong pamilya. Sa pagtatapos ng araw, kahit gaano man kagulo sila pa rin ang ating uuwian at aasahan sa lungkot man o kasiyahan.
  • 26. Panibagong araw para sa isang panibagong simula pero sa iba ay isang araw na naman ng walang katapusang kahirapan at kalungkutan sa sarili. Walang bago, dala-dala pa rin ang mabigat na damdamin ngunit kailangang bumangon at magpatuloy. Sumasabay sa agos ng buhay ng walang kasiguraduhan. Hindi malaman-laman kung saan nga ba patungo, kung saan nga ba ang destinasyon nito.
  • 27. Pinipilit ang sarili na gawing normal ang buhay sa kabila ng nakaubling karamdaman sa kaloob- looban. Pilit na ipakita na maayos lang ang lahat. Walang problema, nasa tamang lugar lang ang lahat. Ang hindi nila alam, sa likod ng isang masayahing mukha ay ang mga sekretong nakatago. Ngunit kung titigan ng mabuti, dalawang pares ang sumisigaw sa mga sekretong ito pero nabibigo pa rin ang mga tao na makita ito.
  • 28. Sabi nga nila, “Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag kang bibitaw.” Kaya ito pa rin, patuloy na nabubuhay ng walang kasiguraduhan sa patutunguhan. Sa pagtapos ng araw, uuwi na naman sa kung saan nagsimula ang lahat.
  • 29. At sa dinarami-daming destinasyon, sa sarili pa rin ang huling bagsak, ang simula ng lahat. Tinatanong at sinisisi sa sarili ang lahat ng nangyayari sa buhay, desperadong masagot ang matagal ng tinatanong at hinahanap ngunit wala pa rin maibibigay. May mali, pero hindi alam kung ano.
  • 30. Panibagong araw para sa isang panibagong simula pero sa iba ay isang araw na naman ng walang katapusang pagtatanong at paghahanap ng kasagutan. Walang bago, dala-dala pa rin ang mabigat na damdamin ngunit kailangang bumangon at magpatuloy.
  • 32. PETSA: Ika-9 ng Setyember 2019 ORAS: 8:40 n.u. LUGAR: Zamboanguita Science High School RE: Paghahanda para sa Science and Math Celebration PARA SA: Mga Guro sa Departamento ng Siyensya ay Matematika Mga Opisyales ng Science and Math Club Class Presidents ng Bawat Klase MULA KAY: Andren Rose A. Credo Presidente ng Math and Science Club ADYENDA
  • 33. SUSUNOD NA PAGPUPULONG: Ika-15 ng Setyembre 2019 ORAS: 10:40 n.u.
  • 35. Katitikan ng Ikalawang Pulong ng Math and Science Club ng Zamboanguita Science High School Ika-1 ng Setyembre, 2019 Ika-8:40 ng umaga Sa Grade-12 Generoso Classroom Dumalo Di Dumalo
  • 36. Panukalang Adyenda Paghahanda sa Selebrasyon ng Math and Science Month Pagsisimula ng Pulong Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Robeth Y. Banua, ang President eng Math and Science Club sa ganap na ika-8:40 ng umaga sa silid-aralan ng Grade-12 Generoso. Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagpahayag sa paksa na pag-uusapan, ang Paghahanda sa Selebrasyon ng Math and Science Month, at sinundan ito ng pagroll-call. At nanalangin muna bago simulang talakayin ang pkous ng layunin ng pagpupulong na pinangunahan ni Bb. Fredelin Parallon, isang guro ng siyensya. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong Bago sinimulang pag-usapan ang panukalang adyenda, binasa muna ni Bb. Nadine Lustre, ang sekretarya ng Math and Science Club, ang katitikan sa nakaraang pagpupulong noong ika-20 ng Agosto, 2019. Ipinahayag niya ang mga bagay na napag-usapan tungkol sa Buwan ng Wika, kasali na rito ang mga patimpalak at mga kalahok, patin na rin ang naganap na Pista ng Nayon noong nakaraang buwan ng Agosto. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda - Sinimulan ang pagpupulong sa pagbukas ng paksa tungkol sa mangyayaring Selebrasyon ng Math and Science Month na pinangunahan ni Bb. Robeth Y. Banua. - Ang unang pinag-usapan ay ang tungkol sa magiging listahan ng aktibidad at iskedyul para sa Opening Program at Culmination Program na pinangunahan ni G. Daniel Padilla, ang Bise Presidente ng Math and Science Club. Pinal na napagdesisyunan ang mga petsa, oras, at lugar para sa mga nasabing programs. Gaganapin ang Opening Program sa ika-5 ng Setyembre, 2019 ng ika-8 n.u. sa ZSHS stage, ito ay suhestiyon galing kay Bb. Rosebelle Banua, isang guro ng matematika, na sinang-ayunan ng karamihan. Habang magaganap naman sa ika-30 ng Setyembre, 2019 ng ika-8 n.u. sa ZSHS stage ang Culmination Program na suhestiyon nina Bb. Fredelin Parallon at Bb. Rica Alcano, mga guro ng siyensya na sinang-ayunan ng karamihan.
  • 37. - Ang sunod na pinag-usapan ay ang pagtalaga ng mga Program Committee. Ito ay pinangunahan nina Bb. Banua at G. Padilla. Ang sumusunod ay ang mga binoto at sinang-ayunan ng lahat: - Ang pangatlong pinag-usapan ay ang tungkol sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Matematika na pinangunahan ni Gng. Jayne Gale Verances, ang math coordinator. Naglista ng mga posibleng paligsahan at pagkatapos ay bumoto ang lahat, kinuha lamang ang top 5 na may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa matematika: Math Investigation Math Jingle Tower of Hanoi Modula Art Math Sayaw - Ang pang-apat ay tungkol naman sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Agham na pinangunahan ni Gng. Marlene Elloren, ang Science Coordinator. Gaya noong una ay kumuha rin ng top 5 na may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa Agham: Science Oral and Written Quiz Science Jingle Science Investigatory Project Science Sayaw Physics Exhibition
  • 38. - Ang panlima ay tungkol sa iskedyul at time frame ng bawat paligsahan na pinangunahan ni Bb. Liza Soberano, ang PIO ng Math and Science Club. Ang mga sumusunod ay ang sinang-ayunan ng lahat: Ika-30 ng Setyembre, 2019 (Culmination Program) -Ang pang-anim na pinag-usapan ay ang pagpili sa mga hurado sa bawat paligsahan na pinangunahan ni Bb. Robeth Banua. Ang sumusunod ay ang mga napili na sinang-ayunan ng lahat: Math Investigation Gng. Gallardo Physics Exhibition Gng. Elloren Bb. Sinajon Gng. Ruth Eltanal SIP Gng. Lucy Abejero Gng. Jeanny Abejero
  • 39. G. Partosa Math & Science Jingle Gng. Verances Gng. Gallardo G. Partosa Math & Science Sayaw G. Jimmy G. Charles G. Partosa Math Investigation Bb. Sinajon Gng. Verances - At ang panghuling pinag-usapan ay ang mga gatimpala na igagawad sa mga nanalo na pinangunahan nina G. Enrique Gil, ang treasurer, at G. James Reid, ang auditor. Napag-usapan ang perang gagamitin para dito, kung magkano at kung saan kukuha. Ang sumusunod ang napagdesisyunan: Medals and Trophies - P5,000.00 Certificates - P1,000.00 School Supplies - P5,000.00 Ang 25% na pera ay kukunin sa SG Funds habang ang 75% ay kukunin naman sa funds ng mga club. -Tatawag ng susunod na pagpupulong ang president ng Math and Science Club kaugnay sa selebrasyon. Iba Pang Pinag-usapan - Pag-talaga ng kabilang sa Food Committee
  • 40. Iskedyul ng Susunod na Pulong - Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:40 n.u. Pagtatapos ng Pulong - Natapos ang pagpupulong sa ganap na 9:40 n.u. Inihanda ni: Andren Rose A. Credo Kalihim ng Math and Science Club Nagpatotoo: Robeth Y. Banua Presidente ng Math and Science Club Inaprubahan ni: Ana Melissa Venido Punong-Guro
  • 42. Republic of the Philippines Department of Education Region VII, Central, Visayas SCHOOLS OF DIVISION OF NEGROS ORIENTAL Zamboanguita District Del Pilar St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental Ika-29 ng Hulyo, 2019 MEMORANDUM PAMPAARALAN Blg. 02, s. 2019 BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2019 PARA SA: Mga Pansilid-aralang Tagapayo (JHS/Grade 7-10) Mga Pansilid-aralang Tagapayo (Senior High School) Mga Floating Teachers Mga Mag-aaral ng Junior High School at Senior High School MULA KAY: Andren Rose A. Credo School Filipino Coordinator -Ang Zamboanguita Science High School ay magkakaroon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika para sa taong 2019 na gaganapin sa buong buwan ng Agosto. Ang tema sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Layunin ng gawaing ito na magkaroon ng kaalaman ang lahat ng guro at mag-aaral tungkol sa mga kaganapanan at paligsahan na gaganapin sa buong buwan. - Ang Opening Program ay gaganapin sa darating na ika-3 ng Agosto, 2019. Ang lahat ng guro at mag-aaral ay kinailangang magsuot ng Filipino costume. Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan na gagawin: - Solo Singing Contest- bukas para sa Baitang 7-10 - Duet Singing Contst- bukas para sa Baitang 11-12 - Ang kulminasyon ng Buwan ng Wika 2019 ay gaganapin sa ika-29 ng Agosto, 2019. Ang lahat ng guro at mag- aaral ay kinailangang magsuot ng Filipino costume. Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan na gaganapin: - Talumpati- bukas sa lahat ng antas (Baitang 7-12) - Spoken Word Poetry- bukas sa Baitang 11-12
  • 43. - Madulang Sayaw- bukas sa lahat ng antas - Inanyayahan ang bawat silid-paaralan na magdala ng iba’t ibang pagkain Filipino para sa Boodle Fight na magaganap pagkatapos ng lahat ng paligsahan. Ang inyong kooperasyon sa gawaing ito ay lubos naming ikagagalak at ipagpapasalamat. Malawak na desiminasyon ng memorandum na ito ang nais. Inihanda ni: ANDREN ROSA A. CREDO School Filipino Coordinator Kinilala/Inaprubahan ni: MELISSA A. LERO Teacher-in-Charge
  • 45. Andren Rose A. Credo 413 Arellano St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental 09662346446 ara.credo03@gmail.com Layunin: Ang maging kabilang sa inyong firm at makapagtrabaho bilang isang accountant, at magkaroon ng bagong karanasan kung saan mas mahahasa pa ang aking kakayahan bilang isang CPA. Edukasyon: Bachelor of Science in Accountancy Silliman University 2017 Suma cum Laude Kasanayan: - Isang eksperto pagdating sa paggamit ng QuickBooks Pro at MS Office - Bihasa sa paggamit ng Ingles. - May kaalaman at karanasan sa Account Reconcillation at Tax Compliance. - Magaling sa paghawak at pamamahala ng iba’t ibang proyekto. - May kaalaman sa kung paano pangasiwaan ang anumang panganib o peligro sa tamang paraan. - Mahusay pagdating sa leadership. Personal na Sanggunian: Kyllie Sy, CPA, MBA, CB-NCII Biel Preysler,CPA, MBA Co-CPA Senior Accountant Dumaguete City Dumaguete City 09351187324 0991256129 Achilles Villaruz, CPA Senior Accountant Dumaguete City 09168173521
  • 47. Ika-1 ng Oktubre, 2019 Bb. ANA MELISSA T. VENIDO HR Manager BMTS. &Co., CPAs Quezon Avenue, Quezon City, 1113 Metro Manila Mahal na Bb. Venido, Isang Pagbati! Ito ay isinulat ko bilang isang pagtugon sa isang anunsiyo noong nakaraang ika-25 ng Setyembre, 2019 sa inyong website na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pangangailangan niyo ng mga bagong CPA. Nais ko po na mag-apply bilang isang accountant sa inyong firm. Batid ko po na tinataglay ko ang hinahanap ng inyong firm bilang isang accountant. Ako po ay isang eksperto sa paggamit ng QuickBooks Pro at MS Office, at marunong din sa accountant reconciliation at task compliance dahil sa karanasan bilang Senior Audit Associate at Financial Analyst sa mga nakaraang taong. Kung ipagkaloob man ninyo sa akin ang trabahong ito, tiyak na makikita niyo ang aking angking dedikasyon at kakayahan. Kalakip ng liham na ito ay ang aking resume na naglalaman ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa aking kasanayan at karanasan, nakapaloob din ang detalye ng aking edukasyon at personal na impormasyon. Upang mapag-usapan pa ang ibang mga detalye ng aking kwalipikasyon, maaari niyo po akong kontakin sa anumang oras at araw na inyong naisin sa aking cellphone number: 09662346446 o sa aking email: ara.credo03@gmail.com Maraming Salamat! Nawa’y pagpalain pa ang kompanya niyo. Lubos na gumagalang, ANDREN ROSE A. CREDO, CPA