3. Sa artikulong ito, tinalakay ang mga negatibong
epekto ng pagkalulong ng mga Pilipino, lalong lalo na ng
mga kabataan sa Internet at Social Media. Naitalakay din
sa artikulong ito ang osang Filipino Independent Film na
pinamagatang “Unfriend” na naitampok sa Berlinale
International Film Festival sa Germany kung saan ang
pagbaril at planong pagpatay ng isang lalaki sa kanyang
kasintahan ay nakadetalye sa Facebook. Ayon sa isang
panayam, ang mga “Internet Addict” ay nakatuon lamang
sa Internet at Social Media. Lahat ng kanilang ginagawa,
kahit na pagtulog ay nakarekord sa isang web cam upang
makita ng kanilang “virtual friends”.
4. Ayon pa sa panayam , mas nahuhumaling sila sa
Social Media dahil maaari silang magkubli sa isang
katauhan at magpakilala gamit ang iba’t ibang imahe. Sa
kabila ng mga pagkukubling ito, marami paring kaso ng
cyberbullying, panglalait, pangrereport at pananakot.
Ayon pa sa isang sikolohista, nakakalimutan na ng mga
tao ang kaibahan ng social media sa totoong buhay .
Ayon sa kanya, inaakala raw ng mga computer addict na
lumalaki ang kanilang mundo ngunit ang katotohanan ay
mas lumiliit ito at nakakawala ng privacy. Ang
pagkalulong sa social media ay nagdudulot ng
depresiyon at mababang tiwala sa sarili. Ito ay ang
kalimitang sakit ng mga Pilipino, lalong lalo na ng mga
kabataan na maaaring magresulta ng suicide dahil mas
nakatuon ang kanilang pagkatao sa sasabihin ng
kanilang “virtual friends”.
5.
6. Si Rolando A. Bernales ay nagtapos ng BSE Filipino
bilang cum laude at nakatanggap ng graduate certificate na
katumbas ng Master of Arts in Teaching sa Linggwistikang
Filipino sa Philippine Normal University. Dagdag pa dito ang
kanyang natapos na Ed. D sa Educational Management sa
University of Makati. Limang tao siyang nagsilbi bilang Puno
ng Departamento ng Lingguwahe at Literatura sa
Unibersidad ng Makati. Sa kasalukuyan, siya ay isang
Professor II at isang Executive Director ng Center for
Innovative Education and Sciences . Isa rin siyang awtor, co-
awtor, editor, at/o consultant ng hindi kukulangin sa 70 na
aklat sa wika, pagbasa at panitikan sa mga antas ng
edukasyon mula elementarya hanggang tersyarya.
7. Isa siyang malikhaing manunulat ng tela, kwento, at
sanaysay. Dagdag pa rito, siya ay isang Akademik
Consultant ng Mutya Publising House Inc. Napabilang
din siya sa Ten Outstanding Students of the Philippines
sa taong 1989. Pinarangalan ng Award for Exemplary
Performance as Public Servant sa taong 2000 mula sa
Pamahalaang Lungsod ng Makati. Naging Palanca
Awardee at Panghabambuhay na Kasapi ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino. Bukod
pa rito, isa rin siyang miyembro ng KAGURO, SANGFIL
at APNIEVE.
8.
9. “Mga katawang nakaratay.”
“Mga hikbi ng nawalan.”
“War on Drugs.”
“Extra Judicial kiliings.”
“Ipatupad ang death penalty.”
Ang extrajudicial killing ay ang pagpatay na hindi dumaan
sa legal na mga proseso. Sa taong 2016, nanalo si Rodrigo Roa
Duterte bilang Presidente ng Pilipinas. Kasabay ng kanyang
pagtungtong sa posisyon ay ang kanyang pagtataguyod ng
kanyang laban sa droga. Sa taong ito, umusbong ang mga
pagpatay sa hindi malamang dahilan.
10. Hanggang sa taong 2018, naitala na humigit kumulang dalwang
libo katao na ang pinatay ng hindi dumaan sa mga legal na
interpulasyon at limang daan sa kaso ng pagpatay ay kagagawan
ng polisya. Sa kabila ng mga imbestigasyon ay patuloy paring
itinanggi ng Presidente na ang ilan sa mga pagpatay ay
konektado sa kanyang kampanya.
11. Sa taong 2019, naitala na limang libo katao na ang pinatay at ang
kampamya ng pangulo labn sa droga ay ipagpapatuloy
hanggang sa pagbaba ng pangulo. Ngunit, makatarungan pa ba
ang mga pagpatay na ito? Kung hindi kasangkot ang kampanya
ng pangulo sa mga mga pagpatay na ito, bakit hindi siya
nagbigay ng pahintulot sa mabigyang hustisya ang mga
pagpatay? At bakit mas lalong tumataas ang bahagdan ng
EXTRA_JUDICIAL KILLINGS?
12. Sa taong 2018, mahigit limang daan sa mga pagpatay ay inaming
ng Philippine National Police na kanilang kagagawan. Sa kanilang
pahayag, ito’y nangyari dahil nanlaban ang mga drug addicts at
pushers sa kanilang “OPLAN: Tokhang” kung kaya’t kinailangan
nilang depensahan ang kanilang mga sarili. Pahayag pa nila, ang
ibang pagpatay ay hindi pa alam ang dahilan.
13.
14. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas nalang ang walang
diborsyo. Noon pa laman din ay isa ng kontrobersiyal at mainit
na usapin kung nararapat bang ipatupad ang diborsyo sa bansa
o hindi. Ano nga ba ang diborsyo? Ang diborsyo ay ang legal
na paghihiwalay ng mga mag-asawa, kung saan sila ay
magiging “single” at maaari ng magpakasal muli. Ito ay
hinigpitan ng Pilipinas dahil karamihan sa mga nakatira ay
mga Kristyano na nagsasabing, “sagrado ang kasal at
pagpapakasal”. Ngunit, sapat na ba ang dahilang iyan upang
itanggi ang diborsyo sa Pilipinas? Ako ay lubhang sumasang-
ayon sa diborsyo sa ating bansa sa tatlong kadahilanan at hindi
kasali ang hindi pagrespeto sa pagiging sagrado ng kasal.
15. Una, nararapat lamang na ipatupad ang diborsyo dahil
marami ng pang-aabuso ang naitala sa loob ng isang “toxic” na
relasyon ng mga mag- asawa. Sinasabi ng karamihan sa mga
Pilipino na mayroon tayong karapatan na protektahan ang ating
mga sarili, ngunit, paano ito maisasakatuparan kung mananatili
ang mag-asawa sa pamilya kung saan maraming nangyayaring
karahasan? Sa Estados Unidos, naitala na 40 hanggang 50 ang
bahagdan ng mga unang kasal na nauwi sa hiwalayan at 50
hanggang 60 bahagdan naman ang naitala na nagsampa ng
diborsyo sa kanilang pangalawang kasal dahil sa karahasan at
hindi mabuting pagdadala ng relasyon. Pangalawa, ang
diborsyo ay hindi basta basta lang na nangyayari ang diborsyo,
ito’y dumadaan sa mahaba at mahirap na proseso.
16. Kalimitan sa naririning na komento ng mga hindi sang-ayon sa
diborsyo ay “ kapag inaprobahan ang divorce sa bansa,
magiging madali na ang pagpapakasal at paghihiwalay”. Ang
diborsyo ay inaaprobahan lamang kung mayroong mga sapat
na dahilan, hindi ito nangyayari agad pagkatapos ng pagsampa
ng diborsyo. Mayroong mga legal na rason upang approbahan
ang divorce kagaya ny adultery at violence.
Ako ay sang-ayon sapagkat ito ay magdudulot ng mas
mapayapa na lagtira ng mga mamamayan. Sagrado man ang
kasal ngunit sagrado rin ang buhay ng isang tao at ang kanyang
karapatan at dignidad. Hindi dapat ipagkait ang kalayaan ng
isang tao. Hindi man “reasonable” na magpakasal ng hindu
handa ay dapat bigyan natin ng karapatan ang bawat taong
minsang napilit magpakasal, minsang nagpailalim sa karahasan
at minsang pinagtaksilan na maging malaya. Say YES to
DIVORCE.
18. I. INTRODUCTION
• Pagde-describe ng lugar at paglalahad ng pangalan nito
• Imahinasyon hinggil sa lugar
• Mga expections ko sa lugar
• Sa loob ng van (habang papunta kami ng aking mga barkada
sa lugar)
• Pagkarating namin (struggles sa entrance)
• Video at Picture taking
• Mga paghihirap bago makarating sa dagat (naghike, bumaba
sa mga corals, umakyat sa mga naglalakihang bato)
• Paghahanap ng mas easy na daan pauwi
19. II. REFLECTION
• Ano yung nakuha ko mula sa experience
• Kung ano ang significance ng lugar
III. RECOMMENDATIONS
• Mga paalala sa mga pupunta sa lugar
• Mga dapat dalhin ng bibisita o magbobonding
• Mga bawal soutin at dapat soutin
20. Ang Buslot Beach ay matatagpuan sa Siit, Siaton, Negros
Oriental. Ang masabing beach ay kailangan ng entrance fee upang
mapuntahan at mapasukan. Ang kanilang entrance fee ay P25.00
ngunit ito’y hindi nagbabawal sa mga bisita na magdala ng
kanilang sariling pagkain. Ang Buslot Bwach ay mayroong
mapiting buhangin at mapusyaw na asul na dagat. Mas makikita
mo ant kagamdahan ng tanawin nito sa ibabaw ng “dried corals”.
Matulis at matigas ang mga corals na aakyatin at dadaanan.
Delikado rin ang daan pababa subalit iyong masasabi na ito’y
“worth it”. Ang tagapamahala ay nakatira lamang malapit sa Buslot
Beach, pinapanatili ng tagapamahalang ito ang kalinisan at
kagandahan ng beach sa tulong ng iilang mamamayan na nakatira
malapit sa lugar.
21. Sa aking karanasan, labis akong nahirapan sa daan sapagkat
ako ay acrophobic (nangangahulugan na ako’y takot sa matataas na
lugar). Nahirapan akong bumaba mula sa corals dahil natatakot ako
sa kataasan nito. Dagdag pa rito, nakatsinelas ako, ito ay mas
lalong nakapagpahirap sa akin. Ako’y nagkaroon ng gasgas ng
ako’y makababa. Ang aking maipapayo lamang sa mga nais
pumunta ay wag maging maarte at kung maaari, magdala ng
sapatos. Dagdag pa rito, hinihikayat ko ang mga turista at tao na
mahilig sa hiking na subukang magkaroon ng adventure sa lugar.
Sa aking karanasan, nahinuha ko na ang buhay ay parang nagha-
hiking na acrophobic, takot na umakyat at bumaba dahil ayaw na
mahirapan at haraping ang kinatatakutan. Ayaw natin bumagsak,
ayaw nating magpatuloy kapag pahirap ng pahirap ang mga
dadaaanan. Ngunit, dapat nating tandaan na ang mga magagandang
tanawin ay nakikita kapag ika’y nasa taas. Ang mga magagandang
bagay ay nakukuha ng may kasiyahan kapag pinaghihirapan.
23. Minsan ay tumigil ang mundo ng marinig ang iyak
ko. Sa lakas ng aking hikbi, ay maingat akong
kinalong sa mga braso ng tinnatawag nilang “ina”
upang ako’y mapatahan, ngunit ang unang
pagkalong sa akin, upang ako’y maptahan ay ang
huli. Dumating ang araw na kung saan ang mga
luha ko ay hindi na nabibigyan ng pansin at ang
tunog ng aking mga hinanakit ay wala ng halaga.
24. Isa lamang ako sa mga batang nabuhay ngunit
hindi mawari kung paano. Isa lamang ako sa mga
walang maisagot sa tanong na, “sino ang mga
magulang mo” at “bakit hindi ka nakatira kasama
ang iyong ama’t ina”. Isa lamang ako sa mga
walang maipresenta sa tuwing nagdidirawang ng
“family fun day” at “family convention”. Sa
labimpitong taon ko sa mundong ito, walang araw
ang lumipas na hindi ko tinatanong ang sarili ko
kung bakit ako? Kung bakit kailangan hingiin ko
ang aking halaga. Walang araw na lumipas na hindi
lumuluha ang puso ko dahil sa ganitong sitwasyon.
25. Lumaki ako na hinahanap ang piraso na bubuo sakin.
Inakala ko noon na ang halaga ay kailangan magmula sa
iba. Lagi kong hinhingi yon at hindi namamalayan na
mas nawawala ito. Dahil sa isang trahedya sa aking
pagkatao ay naligaw ako sa landas. Labis kong
nilulugmok ang sarili ko sa kalungkutan. Lagi kong
kinekwestiyon ang aking “existence”. Pilit kong
hinahanap ang aking misyon at layunin sa buhay. Hindi
ko inakalang hindi ito mapupunan ng kahit na ano at
sino. Nabulag ako sa aking paghahanap. Ang halaga pala
ay nagmumula sa sarili. Hindi man ako nakaramdam ng
pagmamahal ng isang tunay na ina, hindi ito dapit
maging dahilan para hindi na ako makaramdam pa ulit
ng. Ang isang “downfall” ay hindi rason para itigil ko
ang aking ikot ng mundo ko.
26. “Ang halaga ay nagmumula sa sarili.” Walang
magmamahal sayo kung hindi mo mamahalin ang
sarili mo. Hindi ka makakapagpatuloy sa buhay kung
kakapit ka sa isang trahedya. Sa kabila ng mga
paghihirap at pait, dapat alalahanin na, tayong lahat
ay may makulimlim na kabanata sa ating sari-sariling
aklat. Ang isang kabanata na ito ay parte lang upang
maging makulay ang ating buhay. Dapat hindi natin
ibalewala ang ating sarili dahil lahat-lahat ng ating
mga dinaranas ay may rason at may sukli, sa
perpektong panahon na itinakda ng Panginoon.
27.
28. Sa isang magandang lugar kung saan mayroong mga magagandang tao ay matatagpuan
natin ang isang kasiyahan. Kasiyahan sa katauhan ng isang indibidwal na sasamahan
tayo sa lahat lahat.
29. Kasama kapag tayo'y ngingiti,
tatawa, iiyak at malulungkot.
Mananatili sa ating tabi
at patuloy na mangangako
ng mga bagay na parang
impossible pero tayo’y
maniniwala dahil kanilang
ipinapakita,na sila’y
mananatili hanggang
matapos ang kailanman.
30. Pero sa isang iglap, ang mga dahon sa magandang lugar ay malalanta at ang mga
magagandang tao nito ay mag-iiba. Sila'y lilisan pagkatapos na iparamdam sa atin na
tayo'y mahalaga sapagka't ang kasiyahan ay andyan pa pero para sa ibang tao na.
31. At sa kanilang paglisan,
tayo'y maglalakbay
sa kaparehong lugar,
ngunit ngayon,ay mag-isa na.
Ngayon, sa ating pag-iisa, tayo’y
tititig sa mga
alaala na parang ito'y ni minsan ay
hindi naging mahalaga sa atin.
32. Tayo'y muling maglalakbay
sa magandang lygar at muli ay makakatagpo
ng magandang
tao ngunit, ngayon ay wala na ang
kasiyahan. Hindi na natin nais na
makaramdam ng kahit na ano sapagkat
hindi na natin ninanais na maiwan.
Hindi na natin nais na mabasag
pang muli.
33.
34. Katitikan ng Ikalawang Pulong ng
Science and Math Club
ng Zamboanguita Science High School
Ika-9 ng Setyembre,2019
Ika-8:40 ng umaga
Sa Senior High Building
35. Dumalo:
Bb.Robeth Yap Banua Presidente ng Math and
Science Club
G.Daniel Padilla Bise-Presidente ng Math
and Science Club
Bb.Abegail Bagaan Kalihim ng Math
and Science Club
Gng.Jayne Gail Verances Math Coordinator
Gng.Marlene Elloren Science Coordinator
Bb.Rica Alcano Guro sa Siyensya
Bb.Fredelin Parallon Guro ng Siyensya
36. Bb.Hope Elizabeth Soberano PIO ng Math and Science Club
Bb.Rhena Mae Rodrigeuz Guro ng Siyensya
Bb.Nemie Gallardo Guro ng Siyensya
G.Enrique Gil Treasurer ng Math and Science
Club
G.James Reid Auditor ng Math and Science
Club
Bb.Rhea Fe Sinajon Guro ng Matematika
G.Che Isodore Partosa Guro ng Matematika
Bb.Rosebelle Joy Banua Guro Sa Matematika
37. Di Dumalo:
G.Gerald Anderson
Bb.Julia Barretto
Panukalang Adyenda:
Paghahanda sa Selebrasyon ng Math and Science Month
I.Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itiniyo ni Bb.Robeth Yap
Banua,Ang presidente ng club.Ang pagpupulong ay nagsimula
sa ika-8 ng umaga at binuksan ng iaang panalangin na
pinangunahan ni Bb.Fredelin Parallon.Pagkatapos,ay binuksan
ang usaping hinggil sa preparasyon para sa Science and Math
Celebration.
38. II.Pagbasa ng Nakaraang Pagpupulong
Bago Sinimulang pag-usapan ang panukalang
adyenda,binasa muna ni Bb.Kaye Elnas,ang sekretarya ng
Club,ang katitikN ng nakaraan na pagpupulong noong Ika-21 ng
Agosto?2019. Ipinahayag nita ang mga napag-usapan,mga
patimpalak at naging Pista sa nayon sa kulminasyon ng
nasabimg pagdiriwang.
III.Pagpapatibay ng Panukalng Adyenda
-Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng
pagbukas ng usapin hinggil sa ppaarating na selebrayon ng Math
and Science Month na pinangunahan ng presidente na si
Bb.Robeth Yap Banua.
39. -Ang unang pinag-usapan ay hinggil sa listahan ng mga
aktibidad at ang iskedyul nito na pinangunahan ni G.Daniel
Padilla,ang Bise-Presidente ng Club.Napgdesisyunan ang pinal
na petsa at lugar ng mga aktibidad.Gaganapin ang Program sa
ikaw-5 ng Setyembre,2019 ng ika-8 ng umaga sa ZSHS stage,ito
ay suhestiyon ng isa sa mga guro ng Matematika na si
Bb.Rosebelle Banua,na sinangayunan naman ng
Karamihan.Habang sa ika-30 naman ng setyembre ng ika-8 ng
umaga magaganap ang kulminasyon sa ZSHS stage na nanging
suhestiyon naman ni Bb.Fredelin Parallon at Bb.Rica Alcano,mga
guro sa siyensiya,na sinang-ayunan ng karamihan.
40. -Ang sunod naman na pinag-usapan ay ang pagtatalaga ng mga
Program Committee.Ito ay pinangunahan nina Bb.Robeth Yap Banua at
G.Daniel Padilla.Ang sumusunod ay ang mga ibinoto at sinang-ayunan
ng lahat
*Opening Ceremonies *Contest Committee *Award Committee
Committee
Bb.Kaila Enolpe G.Arnold Rabor Jr. G.Joseph
Ayangco
Bb.Allaysa Enolpe G.Gerome Adapon G.Nataniel Canosa
Bb.Fredelin Parallon Bb.Rhea Luyao G.Martin Dayot
Bb.Andren Credo Bb.Rhena Rodriguez Bb.Abegail Bagaan
Bb.Aya Cafino Bb.Mary Gace Piala Bb.Anne Paculanang
41. -Ang sumusunod na pinag-usapan ay ang tungkol sa PaIigsahan
na Kulminasyon sa Matematika na pinangunahan ni Gng. Jayne
Gale Verances, ang Math Coordinator. Inilista ang mga
posiblentlg paligsahan at pagkatapos ay bumoto ang lahat, ang
top 5 lamang sa mga naging suhestiyon ang kinuha. Ang
sumusunod ay ang mga gaganaping paligsahan sa Matematika:
Math Investigation
Math Jingle
Math Sayaw
Tower of Hanoi
Modulo Art
42. -Ang pang-apat ay tungkol naman sa Paligsahan sa
Kuliminasyon sa Agham na pinangunahan ni Gng. Marlene
Elloren, ang Science Coordinator. Gaya ng istratehiya sa pagpili
ng mga aktibidad sa Matematika ay kumuha rin ng Top 5 na
aktibidad. Ang mga sumusunod ay ang mga gaganaping
patimpamak sa Agham:
Science Oral and Written Quiz
Science Jingle
Science Investigatory Project
Science Sayaw
Physics Exhibition
43. -Ang panlima ay tungkol sa Iskedyul at Time Frame ng bawat
patimpalak na pinangunahan ni Bb. Liza Soberano, ang PIO ng
Club. Ang mga sumusunod ay ang mga sinang- ayunan ng lahat:
Ika-30 ng Setyembre, 2019
(Culmination Program)
Ika-9 ng umaga, magaganap ang Ika-1 ng hapon, magsisimula
sumusunod na patimpalak: ang mga sumusunod:
(Sabay sabay) (Sabay sabay)
Math Investigatory Math Sayaw
Modulo Art Science Sayaw
Tower of Hanoi Math Jingle
Physics Exhibition Science Jingle
Science Oral and Written Quiz
SIP
44. -Sumunod naman na pinag-usapan ang pagpili ng mga hurado
sa bawat paligsahan na pinangunahan ni Bb. Robeth Yap Banua.
Napagdesisyunan na hindi kasali ang mga advisers sa Board of
Judges. Ang sumusunod ay ang mga napili bilang hurado na
sinang-ayunan ng lahat:
*Math Investigation *Math and Science Jingle
Gng. Nemie Gallardo G. Che Isidore Partosa
Gng. Marlene Elloren Gng. Jayne Gale Verances
Bb. Rhea Fe Sinajon Gng. Nemie Gallardo
45. -At ang panghuling pinag-usapan ay ang mga gantimpala na igagawad
sa mga nanalo na pinangunahan nina G. Enrique Gil, ang treasurer at
G. James Ried, ang auditor. Nappag-usapan ang perang gagamitin
dito, kung magkano at kung saan kukuha. Ang sumusunod ang mga
napag-desisyonan:
Medals and Trophies – P5,000.00
Certificates - P1,000.00
School Supplies - P5,000.00
P11,000.00
*Science Investigatory
Project
Gng. Ruth Eltanal
Gng. Lucy Abejero
Gng. Jeanny Abejero
*Math and Science
Sayaw
G. Isidore Partosa
G. Jimmy
G. Charles Deloria
*Science Investigation
G. Che Isidore Partosa
Bb. Rhea Fe Sinajon
Gng. Jayne Gale
Verances
46. Ang 25% na pera ay kukunin sa SG Funds habang ang 75% ay
kukunin naman sa funds ng mga club.
-Tatawag ng susunod na pulong ang Presidente ng Math and
Science Club kaugnay sa selebrasyon.
IV. Iba Pang Pinag-usapan
Pagtatalaga ng kabilang sa Food Committee
V. Iskedyul ng Susunod na Pulong
- Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika-8:40 ng umga
VI. Pagtatapos ng Pulong
Natapos ang pagpupulong sa ganap na 9:40 ng umaga.
47. Inihanda ni:
Abegail Bandigas Bagaan
Kalihim ng Math and
Science Club
Nagpatotoo:
Robeth Yap Banua
Presidente ng Math
And Science Club
Inaprubahan ni:
Gng. Melissa Adanza-
Lero
Punong-guro ng ZSHS
48.
49. Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII- Central Visayas
Division of Negros Oriental
ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL
Del Pilar St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental
Ika-8 ng Oktubre 2019
MEMORANDUM PAMPAARALAN
Blg. 21, s. 2019
50. Senior’s/ Graduation Ball 2020
Para sa:
Mga Pansilid- aralang Tagapayo ng Grade 11 at 12
Mga Guro ng Zamboanguita Science High School
Mga Mag-aaral ng Senior High Department
Paksa: Paghahanda para sa Senior’s/ Graduation Ball 2020
51. Ang paaralan ng Zamboanguita Science High School ay magkakaroom ng
Senior’s/Graduation Ball 2020 na kinabibilangan ng mga estudyante ng
Senior High School Department (Grade 11 at 12). Ito ay magaganap sa
darating na Marso 21, 2020.
Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
Upang magkaroon ng isang memorable na karanasan ang mga estudyante
ng Senior High School Department bago mag graduate ang mga estudyante
ng Grade 12
Magkaroon sila ng pakikipagsalamuha sa isa’t isa bago magtapos ang
school year
Magkaroon ng isang program para sa nasabing aktibidad
Ang mga estudyante ay kailangang maghanda ng isang performance para sa
nasabing aktibidad
Ang memorandum na ito ay ipapahayag dahil malawak ang desiminasyon
na kinakailangan ng impormasyon ito
54. Mahal na Ginoong Robles:
Isang pagbati!
Nais kong mag-apply bilang abogado ng katarungan sa inyong
law firm. Ang hiring advertisement ay nakita ko sa isang ad sa
Youtube noong nakaraang Biyernes, at ayon pa sa isa sa aking
mga kakilalang abogado sa inyong kompanya na
nangangailangan daw kayo ng mga competitive na abogado.
55. Isa akong graduate sa University of Salford ng kursong Master of
Laws noong Marso, 2016 at ako ay nakapasa bilang legal na
abogado. Ako ay hindi lamang mahusay sa lengguwaheng Ingles
kundi mahusay rin sa pakikipag-usap. Isa rin akong eksperto sa
pakikipagdebate hinggil sa mga isyu, mahusay sa pagpapamahala
ng aking oras at panahon, at lohikal ang pagtatala ng mga
impormasyon. Kaya kong bigyang katarungan at hustisya ang
aking mga magiging kliyente. Higit pa rito, nakapagsilbi rin ako
bilang Professor of Anatomy of Law sa Eastwood University ng
dalawang taon.
56. Nakalakip sa aplikasyon na ito ang aking resume kung saan
matatagpuan ang iba ko pang imporsiyon. Maaari ninyo akong
kontakin gamit ang aking mobile no., 09274924963. Kung nais
ninyo akong interbyuhin ay handa po akonh magtungo sa
inyong tanggapan sa eksaktong petsa at oras na inyong
nanaisin.
Maraming salamat po nawa’y mas maging matagumpay ang inyong law
firm.
Lubos na gumagalang,
Abegail Bandigas Bagaan
57.
58. Abegail Bagaan
Magallanes Street, Poblacion, Zamboanguita
09274924963
bagaanabegail@gmail.com
Layunin: Upang makapasok at makapagsilbi bilang isang
abogado ng katarungan sa inyong kompanya.
59. Edukasiyon Nakamit:
• Master of Laws
2016, University of Salford
• Doctor of Juridical Science
2009, Eastwood University
• Graduated Bachelor of Laws in College
2008, University of the Philippines
• High School Graduate
2004, Zamboanguita Science High School
• Elementary Graduate
1998, Zamboanguita Central Elementary School
60. Kasanayan:
• Mahusay sa lengguwaheng Ingles
• Mahusay sa pagpapamahala ng oras
• Lohikal ang pagtatala ng mga impormasyon
• Isang eksperto sa pakikipagdebate
61. Personal na Sanggunian:
Mr. Temistocles Aristotle
Public Lawyer
South Carolina,USA
+639896940683
Dr. Aya Madhel Park
Professor of Social Sciences
Malatapay, Zamboanguita
098674735377
Hon. Gerome Duterte
Mayor
Malongcay, Zamboanguita
09567834512