PANUNURING PAMPANITIKAN
Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
Panunuring Pampanitikan Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
Ito ay may dalawang sangay
1. Pagdulog
a. pormalistiko o pang-anyo.
b. moralistiko
c.sikolohikal
d. sosyolohikal
2. Pananalig
a. klasisismo
b. romantisismo
c.realismo,
d. naturalismo
e. impresyunalismo
f. ekspresyunalismo
g. simbolismo
h. eksistensiyalismo
i. peminismo
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pana
3. Sa kasalukuyan, napakaraming
magagandang babasahing
pampanitikan. Sa mga karanasan
at kaisipang ipinahahayag ng
may-akda, matalas nating
nakukuha o nasasalamin ang
ating pinagmulan o kultura.
4. Ponciano Pineda
Ang panitikan ay katipunan ng
magaganda, mararangal,
masisining, at madamdaming
kaisipang nagpapahayag ng mga
karanasan at lunggati ng isang
lahi.
6. Hon. Azarias
Ang panitikan ay pagpapahayag
ng mga damdamin ng tao hinggil sa
mga bagay - bagay daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa bathalang lumikha.
7. Paz N. Nicasio at
Federico B. Sebastian
Ang panitikan ay kabuuan ng mga
karanasan ng isang bansa, mga kaugalian,
paniniwala, pamahiin, kaisipan at
pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa
mga piling salita, sa isang maganda at
masining na paraan, nakasulat man o
hindi.
8. Teresita P. Capili - Sayo
Ang panitikan ay lakas na nag –
nag-uunay sa damdamin ng mga tao
upang makita ang katwiran at
katarungan, dahil dito'y masasabing
lumilinang ang panitikan sa
nasyonalismo ng mga mamamayan.
9. Lydia Fer Gonzales
Ang panitikan ay nagpapahayag na
kinapapalooban ng katutuhanan at
pagpapahayag sa paraang nagpaparanas
sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng
manunulat, at sa paraang abot - kaya ng
mangangatha o manunulat.
10. Jose A. Arrongante
Ang panitikan at talaan ng buhay
sapagkat dito nilalahad ng tao ang
kanyang kaisipan at damdamin:
sapagkat dito niya nilalarawan ng
tapat, tunay at totoo ang kanyang mga
kaugalian, saloobin at paniniwala.
12. MAIKLING KUWENTO
KAHULUGAN:
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay
isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango
sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at
mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
13. Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan.
Nagpapakita ng isang
makabuluhang bahagi ng buhay ng
tao.
14. Isaalang-alang sa panuntunan sa pagsasagawa
ng pamumuna Kwento.
1.Ano panauhan, kalagayan, o kaanyuan
mayroon ito?
2.Mahalagang papel ba ang ginagampanan
ng pangunahing tauhan? Kumakatawan
ba siya sa isang tunay na taong may
suliraning dapat harapin?
15. 3.Maykatotohanan ba ang
mga pangyayari? Anong
damdamin mayroon ito?
4.Maayos at malinaw ba
ang pagbabalangkas ng
mga pangyayari?
16. 5.Mabisa bang napalulutang
ang mahalang aral na nais
ipahiwatig ng may-akda?
6.Mabisa, malinaw at
angkop ba ang mga salita o
kilos ng mga tauhan?
17. Paraan ng Pagbabalangkas ng
Maikling Kwento
I. Pamagat
II. layunin/panimula
Tauhan
Tagpuan
III. Mga pangyayari
Simula
Gitna
Wakas
IV. Aral