2. Isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa Europa ang
Espanya. Sinimulan nito ang pagtatatag ng mga kolonya dala
ng aspektong panrelihiyon, pang- ekonomiya, at panlipunan.
Ang dahilang ito ay nakilala sa kasaysayan bilang 3K-
Kristiyanismo, Kayamanan, at Karangalan.
4. Kristiyanismo
* Bahagi ng misyon ng kaharian ng Espanya ang palaganapin
ang relihiyong Kristiyano.
* Pagano- sumasamba ang mga Pilipino sa maraming diyos-
diyosan at sa kalikasan.
* Layunin nilang maging Kristiyano ang mga katutubong Pilipino.
5. Kayamanan
• Napansin ng mga manlalakbay na Espanyol ang
kasaganahan ng Pilipinas sa mga produkto katulad ng isda,
karne, ginto, pilak, at marami pang iba.
• Ito ang nagpalakas ng loob sa mga Espanyol na sakupin
ang kabuuan ng Pilipinas.
6. Karangalan
• Ang bawat sakop ay isang karangalan ng kaharian at lalo na
ng mga namumuno rito.
• Ito ang dahilan kung bakit isinunod ang pangalan ng
Pilipinas sa karangalan ng noo’y hari ng Espanya na si
Haring Philip II.
8. Ferdinand Magellan- ay isang sundalong Portuges. Siya ang
nanguna sa ekspedisyon na nakatuklas sa bansang Pilipinas
- Mula 1506 hanggang 1512 ay kasama siya sa mga
ekspedisyon ng Portugal patungo sa Kerala (bahagi ng
India), Malacca (bahagi ng Malaysia), at Morocco.
Antonio Pigafetta- Italyong manunulat ng paglalakbay, at
ilang kapitan na lubhang maalam sa nabigasyon katulad ng
mga galaw ng hangin at alon.
9. Mga Barko ni Magellan at mga Kapitan Nito
Concepcion Gaspar de Quesada
Trinidad Ferdinand Magellan
Santiago Juan Serrano
San Antonio Juan de Cartagena
Victoria Luis de Mendoza
11. Sino si Ferdinand Magellan?
Kilala sa tawag na Fernando Magallanes o Fernã de
Magalhães sa Espanyol ay isang marinong Portuges na
nag-alok ng paglilingkod sa hari ng Espanya sa
paghahanap ng Moluccas o Pulo ng Pampalasa.
12. Bakit sa Espanya nag-alok ng serbisyo si Magellan
gayong siya isang Portuges?
- Matagal nang naglalayag sa daigdig si Magellan at
nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ni
Haring Manuel ng Portugal.
13. Paano ipinakita ni Haring Charles V ang
pagsuporta kay Magellan?
Nagbigay ito ng limang barko
• San Antonio
• Concepcion
• Victoria
• Trinidad
• Santiago
14. Paano nagsimulang maglayag ang pangkat nina
Magellan patungo sa Asya?
- Setyembre 20, 1519
-Sinimulan ni Magellan ang paglalayag San Lucar de
Barrameda, Spain
lugar kung saan nagsimula sina Magellan.
15. • Saan nakarating ang pangkat nina Magellan noong
Marso 16, 1521?
• Pulo ng Samar, tinawag niya itong Kapuluan ni San
Lazaro dahil kapistahan noon ng nasabing santo.
16. Paano nakatulong ang isla ng Homonhon sa
pagdating nina Magellan dito?
•Nagtayo si Magellan ng base para sa mga tauhan
niyang maysakit
17. • Saan nagtungo ang pangkat nina Magellan matapos
makarating sa Homonhon?
Nagtungo sila sa Limasawa at malugod silang
tinanggap ng mga tao kasama na nina Raha Kolambu at
Raha Siagu
18. • Saan nagtungo ang pangkat nina Magellan matapos
makarating sa Limasawa?
• Nagtungo sila sa Cebu kung saan tinanggap sila ni Raha
Humabon. Nakita ng pangkat nina Magellan na ang mga
tao dito ay nakadamit at napapalamutian ng mga gintong
alahas.
19. • Paano naipakita ng mga Pilipino at Espanyol ang
magandang ugnayan nila?
Binigyan ng mga Pilipino ang mga Espanyol ng mga
isda, gulay at niyog. Binigyan naman ng mga Kastila ang
mga Pilipino ng salamin, sumbrero at maliliit na kampana na
galing sa Europa
20. • Paano ipinahayag nang pormal ng mga Espanyol at
Pilipino ang kanilang pagtanggap sa isa’t isa?
• Nagkaroon ng sanduguan sa pagitan nina Magellan at Raha
Humabon Abril 24, 1521
Nagkaroon ng misa sa Cebuat pagkatapos ay nagtayo sina
Magellan ng krus nasa Magallanes St. Cebu City
21. El pacto de sangre o sanduguan- ito ay isang seremonya
na simbolo ng pagkakaibigan.
- Sumisimbolo ito ng pagsasama, pagkakaisa, at pagtanggap
22. • Anong pangyayari ang naganap sa Cebu na
nagpapahiwatig ng pagtanggap ng mga Pilipino sa
relihiyong Kristiyanismo?
• Bininyagan bilang Kristiyano sina Humabon at kanyang
asawa. Si Humabon ay naging Carlos at ang kanyang
asawa ay naging si Juana
23. • Paano ipinahayag nina Magellan ang kanilang
pasasalamat kina Humabon at kanyang asawa?
• Basilica Minore Del Santo Niño
• Sto. Niño de Cebu
• Binigyan ng imahe ng Sto. Niño si Juana na nasa simbahan
ng Agustino
24. •Si Lapu-Lapu ay isang pinuno sa Mactan na ayaw
kumilala sa kapangyarihan ng mga Espanyol.
25. • Ipinasiya ni Magellan na supilin si Lapu-Lapu at ipakilala rito
ang kanyang kapangyarihan
Nagtungo siya sa Mactan kasama ang 60 Europeong
mandirigma na may pananggang bakal ang dibdib at may
bakal na espada at armas
Sila ay lulan ng tatlong barko kasama ang 1000 na
katutubong mandirigmang sakay ng 80 na bangka
26. • Nagpadala sila ng kalatas (mensahe) kay Lapu-Lapu na
nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng hari ng
Espanya at magbayad ng buwis.
Kung hindi raw ito susundin ni Lapu-Lapu ay magkakaroon
ng labanan
Tumanggi si Lapu-Lapu at handa sila sa anumang
mangyari
27. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan
Buong tapang nilang sinalubong ang mga mananakop
Napatay si Magellan
Nang makita ng mga kasamahan ni Magellan na namatay
ang kanilang lider bumalik agad sila sa kanilang mga barko
28. Ang labanan sa Mactan ay nagpakita ng
katapangan, katatagan ng loob at pagmamahal sa
kalayaan ng ating mga ninuno nang ipagtanggol nila
ang ating teritoryo.
29. Dahil sa tagumpay ni Lapu- Lapu sa paglaban
sa mga dayuhang mananakop, siya kinilalang unang
bayani ng Pilipinas.