SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 23
Filipino 8
Ikaapat Markahan – Modyul 3
Florante at Laura
8
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 3: Florante at Laura
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
Development Team of the Module
Writer(s): Jessa S. Encluna
Reviewer(s): Jesusa V. Sulayao, Girlie T. Sumastre
Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.
Layout Artist: Jessa S. Encluna
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-
Chairperson:
Conniebel C. Nistal, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar, CID Chief
Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Florante at Laura
8
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita.............................................................................................. i
Alamin........................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto .................................... Error! Bookmark not defined.
Mga Aykon ng Modyul.......................................................... Error! Bookmark not defined.
Leksyon 4 at 5 ...................................................... Error! Bookmark not defined.
Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante at Epekto ng Panibugho kay Florante
........................................................................... Error! Bookmark not defined.
Alamin.....................................................................................................................................1
Subukin...................................................................................................................................1
Balikan....................................................................................................................................2
Husgahan Mo! ........................................................................................................................2
Tuklasin ..................................................................................................................................2
Pagyamanin ......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Isaisip .....................................................................................................................................8
Isagawa ..................................................................................................................................9
Tayahin.................................................................................................................................10
.............................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Karagdagang-gawain........................................................... Error! Bookmark not defined.
Pagbati! ................................................................................ Error! Bookmark not defined.
(Ikaapat na Markahan) ........................................ Error! Bookmark not defined.
Alamin........................................................................................................ 13
................................................................................................................... 13
Susing Sagot (Key to Answers) ................................................................ 15
Sanggunian................................................................................................ 17
i
Paunang Salita
Kilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura. Kahit nga ibang bansa ay
humahanga rito. Sa sining man o sa panitikan, hindi kailanman nahuli ang bansang
Pilipinas.
Upang hindi makalimutan ang ating panitikan, ating balikang muli ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa agos at daloy ng ating panitikan. Magpalit man ng anyo ang ating
panitikan at magbago man ito sa paglipas ng panahon, hinding-hindi natin maipagkakaila na
ang Panitikang Pilipino ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan.
Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid ’19, naisipan ng Kagawaran
ng Edukasyon na bumuo ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral upang
mapalawak ang kanilang kaalaman at muli nilang makilala ang sariling panitikan gamit ang
modyul na ito ng Asignaturang Filipino.
Pinag-igihan ang pagbuo ng modyul na ito upang ang mga mag-aaral ay patuloy na
matuto sa kabila ng banta ng pandemyang kinakaharap. Lubos ang paniniwala ng
Kagawaran ng Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang makamtan ng mga
mag-aaral sa paraang ito. Malaki ang paniniwala ng Kagawaran na ang pagkatuto ay hindi
lamang makakamit sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang
sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
A. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin batay
sa denotatibo at konotatibong kahulugan. (F8PT-IVd-e-35)
B. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol
sa:
- Pagkapoot
- Pagkatakot
- Iba pang damdamin. (F8PU-IVc-d-36)
C. Nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol sa
iba’t ibang damdamin. (F8PS-IVc-d-36)
D. Naipaliliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa
mahahalagang mensahe at damdaming hatid ng akda. (F8PB-IVd-e35)
ii
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ang literal na pagpapakahulugan sa
isang salita.
A. Denotatibo B. Konotatibo
C. Literal D. Di-literal
2. Mabangis na diyosa ng hentil.
A. Basilico B. Harpias
C. Oreadas Nimfas D. Narciso
3. Punong pinagtalian kay Florante.
A. Higera B. Gemelina
C. Narra D. Ipil-ipil
4. Ang pagpapakahulugang ito ay batay
sa ekstrang kahulugan ng salita.
A. Denotatibo B. Konotatibo
C. Literal D. Di-literal
5. Ang babaeng iniibig ni Florante.
A. Selya B. Flerida
C. Laura D. M.A.R.
6. Ang katangiang taglay ng taong
sumakop sa Reynong Albanya.
A. Magaling B. Masama
C. Maunawain D. Maganda
7. Ang kahariang sinakop.
A. Albanya B. Averno
C. Persiya D. Plutong Masungit
8. Ang Reynong Albanya ay malapit sa
______.
A. Albanya B. Averno
C. Persiya D. Plutong Masungit
9. Ang punong Higera ay ______.
A. Namumulaklak B. Namumunga
C. Namatay D. Di-namumunga
10. Kamatayn ang parusa sa taong
______.
A. Sinungaling B. Mapanakit
C. Mapanira D. Mapanumbat
11. Uri ng pagsasalita kung saan sinasabi
nang isinsasaisip sa harap ng
kapulungang nakikinig.
A. Tula B. Awit
C. Monologo D. Palaisipan
12. Pinagliluhan ng Sultan ang kanyang
anak. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. Nilason B. Pinagtaksilan
C. Naunawaan D. Pinaslang
13. Ang lalaking nagpagapos kay Florante
sa gubat.
A. Adolfo B. Aladin
C. Duke Briseo D. Haring Linseo
14. Malining kaya ako ng aking kaibigan?
Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. Matanggap B. Mahalin
C. Ipapahamak D. Maunawaan
15. Bakas sa mukha ni Florante ang
siniphayo. Ang salitang may salungguhit
ay nangangahuluga0ng ______.
A. Saya B. Galak
C. Sakit D. Pagkabigo
1
Alamin
Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang makilala kung sino si Florante? Gusto mo bang malaman kung ano
ano ang mga bagay na nagawa at handang gawin ni Florante? Kung gusto mo, paano mo
siya kikilalanin?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga araling tungkol sa: Leksyon 4
Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante at Leksyon 5 Epekto ng Panibugho kay Florante. Ito
ay magagamit natin sa pagkakaroon ng kaalaman kung sino ang ating bida at kung ano
anong pagsubok ang kanyang napagdaanan. Makatutulong din ito sa paghubog sa inyong
pagkatao kung paano haharapin ang mga pagsubok sa buhay.
Subukin
Gawain 1: Tukuyin Mo!
Ating susukatin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsubok na ito.
Panuto: Isulat ng letrang X kung TAMA ang pahayag at letrang O naman kung
MALI.
_____1. Sinakop ni Konde Adolfo ang Albanya.
_____2. Nabilanggo si Florante.
_____3. Namumunga ang punong Higera.
_____4. Matindi ang paghihinagpis ni Florante.
_____5. Ipinag-utos ng Haring Linseo na igapos sa gubat si Florante.
Aralin
3
Leksiyon 4: Paglalarawan sa
Kalagayan ni Florante at
Leksiyon 5: Epekto ng
Panibugho kay Florante
2
Balikan
Gawain 2: Husgahan Mo!
Upang masukat ang inyong kaalaman, iyong pakasagutan ang inihandang gawain.
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa “Sa Babasa Nito”.
1. Nagpapasalamat si Balagtas sa mga babasa ng kanyang akda.
2. Hindi gusto ni Balagtas na matulad kay Sigesmundo.
3. Ang Florante at Laura ay tinuturing na epiko ng mga Tagalog .
4. Hindi masasabing nabibilang sa matataas na uri ng akda ang Florante at Laura.
5. Hindi nagkamit ng kahit isang papuri ang akdang Florante at Laura.
Tuklasin
Ngayon, susubukin natin ang lawak ng iyog bokabularyo.
Gawain 3: Bigyang-katuturan!
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang pangugusap. Tukuyin kung ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Iniisip ni Florante na siya ay pinagliluhan ni Laura.
A. Nilason B. Pinagtaksilan
C. Maunawaan D. Pinagapos
2. Nakikipaghamok si Florante para sa Albanya.
A. Nagpapapiging B. Nagpapasama
C. Nagliliwaliw D. Nakikipaglaban
3. Nakarinig si Aladin ng pananambitan.
A. Pananangis B. Suyuan
C. Tawanan D. Musika
4. Nalungayngay si Florante habang nakagapos.
A. Nagkasugat B. Masaya
C. Nakayuko D. Nag-iisip
5. Dumagundong ng paghihinagpis sa loob ng gubat.
A. Umalingawngaw B. Maingay
C. Magulo D. Nagambala
3
Suriin
Gawain 4: Halina’t Magbasa!
Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang
mahasa ang iyong kakayahan sa panitikan. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga saknong.
Leksyon 4: Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante
Nakalulungkot kapag pinaghaharian ng kasamaan ang isang bayan. Kawawa rin ang
kalagayan ng taong hindi maipaglaban ang kanilang mga karapatan sa pinuno ng bayan.
Tuklasin ang kawawang kalagayan ng tauhan sa kabanatang ito.
1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang-
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
2
Malalaking kahoy ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.
3
Tanang mga baging na namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi’t malapit.
4
Ang mga bulaklak ng ng nagtayong kahoy,
Pinakamaputing nag ungos sa dahon;
pawang kulay-luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
5
Karamihaý Cirpes at Higerang kutad
na ang lilim niyon ay nakasisindak;
itoý walang bunga’t dahoý malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.
4
6
Ang mga hayop pang ditoý gumagala,
karamihaý Sierpe’t Basilicoý madla,
Hiena’t Tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa
7
Itoý gubat manding sa pintoý malapit
ng Avenong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasaskupang lupaý dinidilig
ng ilog Cocitong kamandag ang tubig.
8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang dahoý kulay pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamng palad.
9
Baguntaong basal na ang anyo’t tindig,
kahit natatali-kamay, paa’t liig,
kundi si Narcisoý tunay na Adonis,
mukhaý sumisilang sa gitna ng sakit.
10
Makinis ang balat at anakiý burok
pilikmata’t kilay – mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawaý pawang magkaayos.
11
Dangan dooý walang Oreadas Nimfas,
gubat na Palasyo ng masidhing Harpias,
nangaawa disi’t naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta’t hirap.
12
Ang abang uyamin ng dalita’t sakit –
ang dalawang mataý bukal ang kaparis;
sa luhang nanatak at tinangis-tangis,
ganitoý dadamin ng may awang dibdib.
13
“Mahiganting langit! Bangis moý nasaan?
ngayoý naniniig sa pagkagulaylay;
bagoý ang bandila ng lalong ksamaan
sa Reynong Albanyaý iwinawagayway.
5
14
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluhaý siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait au nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
15
“Äng magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat na kutya’t linggatong;
baling magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
16
“Nguni ay lilo’t masasamang-loob
sa trono ng piri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinuob.
17
“Kaliluha’t sama ang uloý nagtayo
At ang kabaitaý kimi’t nakayuko;
Santong katuwiraý lugami at hapo,
Ang luha na lamang ang pinatutulo.
18
“At ang baling bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dusting k amatayan.
19
“O, taksil na pita sa yama’t mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag!
20
“Sa korona dahil ng Haring Linceo
At sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.
21
“Ang lahat ng itoý, maawaing Langit,
Iyong tinutunguhaý ano’t natitiis?
mula Ka ng buong katuwira’t bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.
6
22
“Makapangyarihang kamay Moý ikilos,
Papamilantikin ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanyaý kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masamang-loob.
23
“Bakit Kalangitaý bingi Ka sa akin,
Ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?
diyataý sa isang alipusta’t iring
sampung tainga Moý ipinangunguling?
24
“Datapwa’t sino ang tatarok kaya
sa mahal Momh lihim, Diyos na dakila?
walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.
25
“Ay! di saan ngayon ako mangangapit!
saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinggin ng Langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses!
26
“Kung siya mong ibig na akoý magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi mo lamang sa puso ni Laura-
akoý minsan-minsang mapag-alaala.”
7
Leksiyon 5: Epekto ng Panibugho kay Florante
Nagkaroon ng masamang epekto sa isang tao ang panibugho o pagseselos. Upang
maiwasan ito, kailangan munang siyasatin ng isang tao ang buong katotohanan. Hindi dapat
padala sa simbuyo ng damdamin ang isang tao.
Alamin sa tula kung ano ang naging epekto ng pagseselos ng tauhan sa kanyang
pagkatao.
27
“At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,
Malawak na lubhang aking tinatawid,
Gunita ni Laura sa naabang ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib.
28
“Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya
Nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa;
Higit na malaking hirap at dalita,
Parusa ng taong lilo’t walang awa.
29”
“Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
na tinangisan ng sula ko’t giliw,
ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin.
30
“Kung apuhapin ko sa sariling isip,
Ang suyuan naming ng pili kong ibig;
Ang pagluha niya kong ako’y may hapis,
Nagiging ligaya yaring madlang sakit.
31
“Nguni, sa aba ko! Sawing kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong suyuan…
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
Ay humihiling na sa ibang kandungan?
32
“Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,
Aking natatanaw si Laurang sinta ko;
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
Nang di ko damdamin ang hirap na ito?”
33
“Dito hinimatay sa paghihinagpis,
Sumuko ang puso sa dalas ng sakit;
Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
8
Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita
na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang Konotatibo naman ay tumutukoy
sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon
(agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May mga salitang maaaring wasto ang
pagkakagamit sa usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng tunggalian o
kalituhan sa isang teksto.
Halimbawaý ang salitang “ahas” na ang kahulugang denotatibo ay isang
makamandag na hayop na gumagapang. Subalit kung gagamitin ito sa
pangungusap sa loob ng isang teksto tulad ng “Inahas ni Florentino ang nobya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap at pahayag.
Ang Monologo ay isang uri ng ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay
sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng
nangakikinig. Ang mga monologo ay ginagamit sa iba’t ibang medya gaya ng mga dula,
pelikula animasyon atbp.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Monologo)
Halimbawa:
Sipi ng: Monologo ng Isang Anak
Naku, naku, may gusto akong bilhin.
Maganda ang damit na nakita ko sa mall!
Pang-sosyal…ngunit wala akong pera.
Ano kaya ang pwede kong gawin?
Alam nyo ba kung saan ako kukuha ng pera?
Ah! Alam ko na, kay Mama nalang.
Hihingi ako ng pera.
Mama, mama, mama!
Pwede po bang pahingi ng pera?
May bibilhin lang ako.
Ayaw ako bigyan ni mama.
Bakit ganoon?
Yung ibang bata binibigay lahat ng gusto.
Samantalang ako sandamakmak ng pagtitipid ang ginagawa?
(https://www.deviantart.com/tenshi-oujo/journal/Monologo-ng-Makasariling-Anak-
522834254)
Isaisip
Gawain 6: Kilalanin Mo!
Upang mas mahasa ang iyong kaalaman, subukan ang mga sumusunod na gawain.
9
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagpapakahulugan ang iyong makikita sa mga
sumusunod na pangugusap. Isulat sa patlang kung ito ba ay DENOTATIBO o
KONOTATIBO.
_______________1. Si Konde Adolfo ay naturingang plastik dahil sa kanyang mga
pinaggagawa.
_______________2. Huwag mong hayaan na ikaw ay gawing tuta ng taong nakalalamang
sa iyong estado sa buhay.
_______________3. Ako po ay isang alipin ng isang tanyag na personalidad.
_______________4. Huwag kang magkakalat sa pinakaimportanteng araw ng araw ng
iyong kaibigan.
_______________5. Kapansin-pansin ang dami ng nakatambak na plastik sa bakanteng
lote sa kanto.
_______________6. Kapag nagkaroon ako ng alagang tuta, papangalanan ko ito ng
Brownie.
_______________7. May kaibigan talaga tayong makalat sa kanyang mga gamit.
_______________8. Si Florante ay nakagapos sa puno ng Hegera.
_______________9. Nagdidilim talaga ang paningin ko sa tuwing naaalala ko ang
pang-aabusong napagdaanan ko.
_______________10. Hindi ko makita kung nasaan ang posporo dahil sa dilim ng paligid na
dulot ng kawalan ng kuryente.
Isagawa
Performance Task
Gawain 7: Maging Makata!
Buksan ang iyong isipan at gamitin ang kaalamang natutuhan upang maisagawa ang
gawaing itinakda.
Panuto: Sumulat ng isang sariling monologo na may damdaming pagkatakot, pagkapoot, o
iba pang damdamin. Gamit ang iyong cellphone, irekord ang iyong sarili habang binibigkas
mo ng madamdamin ang iyong isinulat na monologo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
10
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
PAMANTAYAN
20 puntos 15 puntos 10 puntos 5 puntos
Ang monologo na
nabuo ay talagang
organisado,
maingat na
naisulat, talagang
malikhain, wasto
at talagang
naangkop sa
napiling tema.
Ang monologo na
nabuo ay
organisado,
maingat na
naisulat,
malikhain, wasto
at angkop sa
napiling tema.
Ang monologo na
nabuo ay bahagyang
organisado, maingat na
naisulat nang may
bahagayang kaingatan,
bahagyang malikhain,
may kawastuhan at
bahagyang may
kaangkupan sa napiling
tema.
Ang monologo ay di
naging organisado,
hindi maayos ang
pagkakasulat, hindi
malikhain, hindi
wasto at hindi
angkop sa napiling
tema.
Tayahin
Gawain 8: Bilugan Mo!
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong titik ng
iyong napiling sagot.
1. Sinasabing a Florante ay nakagapos sa isang puno na matatagpuan sa loob ng gubat.
Ano ang pangalan ng punong pinaggapusan sa kanya?
A. Higera B. Gemelina
C. Narra D. Ipil-ipil
2. Ito ang tinaguriang mababanis na diyosa ng hentil.
11
A. Basilico B. Harpias
C. Oreadas Nimfas D. Narciso
3. Ang halimaw na ito ay inilalarawan na may mukhang butiki na nagtataglay ng
nakamamatay na kislap ng mata at amoy ng hininga.
A. Tigre B. Sierpe
C. Harpias D. Basilico
4. Sa anong Reyno malapit si Plutong masungit?
A. Reynong Albanya B. Reynong Averno
C. Kaharian ng Kagubatan D. Kaharian nina Flerida
5. Ano ang pakiusap ni Florante sa Diyos?
A. Iligtas siya ng kanyang ama.
B. Muli niyang makapiling ang ina.
C. Maakoronahang hari ng Albanya.
D. Maalala siya ng kanyang kasintahan.
6. Anong katangian ang taglay ng taong iniluklok sa Reynong Albanya nang ito ay
masakop?
A. Magagaling B. Masasama
C. Maunawain D.Magaganda
7. Pinapatawan ng anong parusa ang taong nagsasabi ng kasinungalingan?
A. Kamatayan
B. Itinatakwil sa bayan.
C. Ginagawaran ng parangal.
D. Pinagpapasan ng malaking bato.
8. Matatandaang mayroong irog si Florante, sino ang babaeng ito?
A. Selya B. Flerida
C. Laura D. Ma. Asuncion Rivera
9. Ano ang nais mangyari ni Florante sa mga masasamang taong naghahari sa kanyang
bayan?
A. Parusahan ng Diyos.
B. Magpasalamat sa kanya.
C. Patawan ng parusang kamatayan.
D. Magdiwang sapagkat napasakamay na nila ang Albanya.
10. Ang taong naghangad na makuha ang Reynong Albanya ay walang iba kundi si
_______________.
A. Haring Linseo B. Duke Briseo
12
C. Konde Adolfo D. Balagtas
13
Aralin
3
Pagtatasa
Alamin
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga katanungang susukat sa kaalamang iyong
nalikom sa araling tinalakay. Makakatulong din ito sa paghasa sa iyong angking talino.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Kamatayn ang parusa sa taong ______.
A. Sinungaling B. Mapanakit
C. Mapanira D. Mapanumbat
2. Ang lalaking nagpagapos kay Florante sa gubat.
A. Adolfo B. Aladin
C. Duke Briseo D. Haring Linseo
3. Pinagliluhan ng Sultan ang kanyang anak. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. Nilason B. Pinagtaksilan
C. Naunawaan D. Pinaslang
4. Malining kaya ako ng aking kaibigan? Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. Matanggap B. Mahalin
C. Ipapahamak D. Maunawaan
5. Bakas sa mukha ni Florante ang siniphayo. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. Saya B. Galak
C. Sakit D. Pagkabigo
6. Uri ng pagsasalita kung saan sinasabi nang isinsasaisip sa harap ng kapulungang
nakikinig.
A. Tula B. Awit
C. Monologo D. Palaisipan
14
7. Ang punong Higera ay ______.
A. Namumulaklak B. Namumunga
C. Namatay D. Di-namumunga
8. Ang katangiang taglay ng taong sumakop sa Reynong Albanya.
A. Magaling B. Masama
C. Maunawain D. Maganda
9. Ito ang literal na pagpapakahulugan sa isang salita.
A. Denotatibo B. Konotatibo
C. Literal D. Di-literal
10. Ang babaeng iniibig ni Florante.
A. Selya B. Flerida
C. Laura D. M.A.R.
11. Punong pinagtalian kay Florante.
A. Higera B. Gemelina
C. Narra D. Ipil-ipil
12. Ang Reynong Albanya ay malapit sa ______.
A. Albanya B. Averno
C. Persiya D. Plutong Masungit
13. Ang pagpapakahulugang ito ay batay sa ekstrang kahulugan ng salita.
A. Denotatibo B. Konotatibo
C. Literal D. Di-literal
14. Mabangis na diyosa ng hentil.
A. Basilico B. Harpias
C. Oreadas Nimfas D. Narciso
15. Ang kahariang sinakop.
A. Albanya B. Averno
C. Persiya D. Plutong Masungit
15
Susing Sagot (Key to Answers)
Panimulang
Pagtataya
1.
A
2.
B
3.
A
4.
B
5.
C
6.
B
7.
A
8.
D
9.
D
10.
A
11.
C
12.
B
13.
A
14.
D
15.
D
Subukin
1.
X
2.
O
3.
O
4.
X
5.
O
Balikan
1.
Tama
2.
Tama
3.
Tama
4.
Mali
5.
Mali
Tuklasin
1.
B
2.
D
3.
A
4.
C
5.
A
Pagyamanin
Posibleng
Sagot:
1.
Ginusto
ni
Florante
na
siya
ay
mamatay
na
dahil
buong
akala
niya
ay
tinalikuran
na
siya
ng
Albanya
at
pinagtaksilan
ni
Laura.
2.
Mapapansing
puno
ng
paghihinagpis
ang
tauhan.
Hindi
ko
rin
naman
siya
masisisi
kung
ganoon
ang
kanyang
nadarama,
sapagkat
nawala
sa
kanya
ang
baying
kanyang
pinaglilingkuran
at
ang
babaeng
kanyang
iniibig.
16
Isaisip
1.
Konotatibo
2.
Konotatibo
3.
Denotatibo
4.
Konotatibo
5.
Denotatibo
6.
Denotatibo
7.
Denotatibo
8.
Denotatibo
9.
Konotatibo
10.
Denotatibo
Isagawa
Posibleng
Sagot:
Bakit,
bakit
kailangang
magkaganito?
Ano
bang
kasalanan
ko?
Ano
ang
kasalanang
aking
nagawa,
para
ako’y
parusahan
ng
lubha!
Hindi
ko
maatim!
Hindi
ko
maatim
ang
mga
nangyayari!
Panginoon
ko,
bakit?
Hindi
pa
ako
handa!
Ayoko!
Ayaw
ko
pang
lumisan!
Bakit
hindi
ko
na
maigalaw
aking
katawan?
Mula
sa’king
kinatatayuan,
tanaw
ko.
Tanaw
ko
ang
aking
pamilyang
lumuluha,
sa
gilid
ng
higaang
aking
kisadlakan!
Tayahin
1.
A
2.
B
3.
D
4.
B
5.
D
6.
B
7.
A
8.
C
9.
A
10.
C
Karagdagang
Gawain
Posibleng
Sagot:
Hindi,
dahil
hindi
niya
pa
naman
alam
ang
totoong
dahilan
sa
likod
ng
mga
ikinikilos
at
ginagawa
ni
Laura
Pagtatasa
1.
A
2.
A
3.
B
4.
D
5.
D
6.
C
7.
D
8.
B
9.
A
10.
C
11.
A
12.
D
13.
B
14.
B
15.
A
17
Sanggunian
Aklat:
Guimarie, Aida M. Florante at Laura (ni Francisco Baltazar); AMOS BOOKS, INC.
Internet:
https://www.deviantart.com/tenshi-oujo/journal/Monologo-ng-Makasariling-Anak-
522834254
https://tl.wikipedia.org/wiki/Monologo
https://www.slideshare.net/mobile/ilyhlnygvjkliunl/filipino-24082662

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonReina Antonette
 
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptxMichaelAngeloPar1
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptEDNACONEJOS
 
Kontemporaryong programang pantelebisyon
Kontemporaryong programang pantelebisyonKontemporaryong programang pantelebisyon
Kontemporaryong programang pantelebisyonErnitaLimpag1
 
KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptxKOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptxrhea bejasa
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationJenita Guinoo
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang LohikalJohn Elmos Seastres
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
 
Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q309362523730
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminJuan Miguel Palero
 
Broadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyonBroadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyonmaricar francia
 
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariAralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariJoseph Cemena
 
Pamantayan at mekaniks sa debate
Pamantayan at mekaniks sa debatePamantayan at mekaniks sa debate
Pamantayan at mekaniks sa debatemarescodog
 

Mais procurados (20)

Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong Pantelebisyon
 
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
 
Kontemporaryong programang pantelebisyon
Kontemporaryong programang pantelebisyonKontemporaryong programang pantelebisyon
Kontemporaryong programang pantelebisyon
 
KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptxKOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
 
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docxCOT grade 8 sy 2020- 2021.docx
COT grade 8 sy 2020- 2021.docx
 
ALAMAT
ALAMATALAMAT
ALAMAT
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
Broadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyonBroadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyon
 
MAGASIN (Grade 8) FILIPINO
MAGASIN (Grade 8) FILIPINOMAGASIN (Grade 8) FILIPINO
MAGASIN (Grade 8) FILIPINO
 
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariAralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
 
Sa Babasa Nito
Sa Babasa NitoSa Babasa Nito
Sa Babasa Nito
 
Pamantayan at mekaniks sa debate
Pamantayan at mekaniks sa debatePamantayan at mekaniks sa debate
Pamantayan at mekaniks sa debate
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Sanaysay ppt
Sanaysay pptSanaysay ppt
Sanaysay ppt
 

Semelhante a Fil8_q4_mod3_v3.docx

ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdfMTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdfmariolanuza
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docxDLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docxKhrysstin Francisco
 
DEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptx
DEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptxDEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptx
DEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptxTinoSalabsab
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoKokoStevan
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...GeraldCanapi
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Fil 10 lm q1 (3)
Fil 10 lm q1 (3)Fil 10 lm q1 (3)
Fil 10 lm q1 (3)DepEd
 
Filipino lm yunit 1
Filipino lm   yunit 1Filipino lm   yunit 1
Filipino lm yunit 1SantosTeresa
 

Semelhante a Fil8_q4_mod3_v3.docx (20)

ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdfMTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docxDLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
 
DEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptx
DEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptxDEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptx
DEMO_Filipino 5_ Q1_W4.pptx
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
 
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docxDLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
 
Fil 10 lm q1 (3)
Fil 10 lm q1 (3)Fil 10 lm q1 (3)
Fil 10 lm q1 (3)
 
Filipino lm yunit 1
Filipino lm   yunit 1Filipino lm   yunit 1
Filipino lm yunit 1
 
Fil 10 lm q1
Fil 10 lm q1Fil 10 lm q1
Fil 10 lm q1
 
Filipino 10 lm q1
Filipino 10 lm q1Filipino 10 lm q1
Filipino 10 lm q1
 

Último

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 

Último (20)

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 

Fil8_q4_mod3_v3.docx

  • 1. Filipino 8 Ikaapat Markahan – Modyul 3 Florante at Laura 8
  • 2. Learning Area- Filipino - Grade 8 Alternative Delivery Mode Quarter 4 – Module 3: Florante at Laura Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Gingoog City Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118 E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph Development Team of the Module Writer(s): Jessa S. Encluna Reviewer(s): Jesusa V. Sulayao, Girlie T. Sumastre Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr. Layout Artist: Jessa S. Encluna Management Team Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Schools Division Superintendent Co- Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD Assistant Schools Division Superintendent Pablito B. Altubar, CID Chief Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M. Caharian, Librarian II
  • 3. Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 3 Florante at Laura 8
  • 4. Talaan ng mga Nilalaman Paunang Salita.............................................................................................. i Alamin........................................................................................................... i Pangkalahatang Panuto .................................... Error! Bookmark not defined. Mga Aykon ng Modyul.......................................................... Error! Bookmark not defined. Leksyon 4 at 5 ...................................................... Error! Bookmark not defined. Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante at Epekto ng Panibugho kay Florante ........................................................................... Error! Bookmark not defined. Alamin.....................................................................................................................................1 Subukin...................................................................................................................................1 Balikan....................................................................................................................................2 Husgahan Mo! ........................................................................................................................2 Tuklasin ..................................................................................................................................2 Pagyamanin ......................................................................... Error! Bookmark not defined. Isaisip .....................................................................................................................................8 Isagawa ..................................................................................................................................9 Tayahin.................................................................................................................................10 .............................................................................................. Error! Bookmark not defined. Karagdagang-gawain........................................................... Error! Bookmark not defined. Pagbati! ................................................................................ Error! Bookmark not defined. (Ikaapat na Markahan) ........................................ Error! Bookmark not defined. Alamin........................................................................................................ 13 ................................................................................................................... 13 Susing Sagot (Key to Answers) ................................................................ 15 Sanggunian................................................................................................ 17
  • 5. i Paunang Salita Kilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura. Kahit nga ibang bansa ay humahanga rito. Sa sining man o sa panitikan, hindi kailanman nahuli ang bansang Pilipinas. Upang hindi makalimutan ang ating panitikan, ating balikang muli ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos at daloy ng ating panitikan. Magpalit man ng anyo ang ating panitikan at magbago man ito sa paglipas ng panahon, hinding-hindi natin maipagkakaila na ang Panitikang Pilipino ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan. Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid ’19, naisipan ng Kagawaran ng Edukasyon na bumuo ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang kaalaman at muli nilang makilala ang sariling panitikan gamit ang modyul na ito ng Asignaturang Filipino. Pinag-igihan ang pagbuo ng modyul na ito upang ang mga mag-aaral ay patuloy na matuto sa kabila ng banta ng pandemyang kinakaharap. Lubos ang paniniwala ng Kagawaran ng Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang makamtan ng mga mag-aaral sa paraang ito. Malaki ang paniniwala ng Kagawaran na ang pagkatuto ay hindi lamang makakamit sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Alamin Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto: A. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan. (F8PT-IVd-e-35) B. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa: - Pagkapoot - Pagkatakot - Iba pang damdamin. (F8PU-IVc-d-36) C. Nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol sa iba’t ibang damdamin. (F8PS-IVc-d-36) D. Naipaliliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at damdaming hatid ng akda. (F8PB-IVd-e35)
  • 6. ii Subukin Panimulang Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang literal na pagpapakahulugan sa isang salita. A. Denotatibo B. Konotatibo C. Literal D. Di-literal 2. Mabangis na diyosa ng hentil. A. Basilico B. Harpias C. Oreadas Nimfas D. Narciso 3. Punong pinagtalian kay Florante. A. Higera B. Gemelina C. Narra D. Ipil-ipil 4. Ang pagpapakahulugang ito ay batay sa ekstrang kahulugan ng salita. A. Denotatibo B. Konotatibo C. Literal D. Di-literal 5. Ang babaeng iniibig ni Florante. A. Selya B. Flerida C. Laura D. M.A.R. 6. Ang katangiang taglay ng taong sumakop sa Reynong Albanya. A. Magaling B. Masama C. Maunawain D. Maganda 7. Ang kahariang sinakop. A. Albanya B. Averno C. Persiya D. Plutong Masungit 8. Ang Reynong Albanya ay malapit sa ______. A. Albanya B. Averno C. Persiya D. Plutong Masungit 9. Ang punong Higera ay ______. A. Namumulaklak B. Namumunga C. Namatay D. Di-namumunga 10. Kamatayn ang parusa sa taong ______. A. Sinungaling B. Mapanakit C. Mapanira D. Mapanumbat 11. Uri ng pagsasalita kung saan sinasabi nang isinsasaisip sa harap ng kapulungang nakikinig. A. Tula B. Awit C. Monologo D. Palaisipan 12. Pinagliluhan ng Sultan ang kanyang anak. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. A. Nilason B. Pinagtaksilan C. Naunawaan D. Pinaslang 13. Ang lalaking nagpagapos kay Florante sa gubat. A. Adolfo B. Aladin C. Duke Briseo D. Haring Linseo 14. Malining kaya ako ng aking kaibigan? Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. A. Matanggap B. Mahalin C. Ipapahamak D. Maunawaan 15. Bakas sa mukha ni Florante ang siniphayo. Ang salitang may salungguhit ay nangangahuluga0ng ______. A. Saya B. Galak C. Sakit D. Pagkabigo
  • 7. 1 Alamin Para sa Mag-aaral Tungkol saan ang modyul na ito? Gusto mo bang makilala kung sino si Florante? Gusto mo bang malaman kung ano ano ang mga bagay na nagawa at handang gawin ni Florante? Kung gusto mo, paano mo siya kikilalanin? Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga araling tungkol sa: Leksyon 4 Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante at Leksyon 5 Epekto ng Panibugho kay Florante. Ito ay magagamit natin sa pagkakaroon ng kaalaman kung sino ang ating bida at kung ano anong pagsubok ang kanyang napagdaanan. Makatutulong din ito sa paghubog sa inyong pagkatao kung paano haharapin ang mga pagsubok sa buhay. Subukin Gawain 1: Tukuyin Mo! Ating susukatin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsubok na ito. Panuto: Isulat ng letrang X kung TAMA ang pahayag at letrang O naman kung MALI. _____1. Sinakop ni Konde Adolfo ang Albanya. _____2. Nabilanggo si Florante. _____3. Namumunga ang punong Higera. _____4. Matindi ang paghihinagpis ni Florante. _____5. Ipinag-utos ng Haring Linseo na igapos sa gubat si Florante. Aralin 3 Leksiyon 4: Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante at Leksiyon 5: Epekto ng Panibugho kay Florante
  • 8. 2 Balikan Gawain 2: Husgahan Mo! Upang masukat ang inyong kaalaman, iyong pakasagutan ang inihandang gawain. Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa “Sa Babasa Nito”. 1. Nagpapasalamat si Balagtas sa mga babasa ng kanyang akda. 2. Hindi gusto ni Balagtas na matulad kay Sigesmundo. 3. Ang Florante at Laura ay tinuturing na epiko ng mga Tagalog . 4. Hindi masasabing nabibilang sa matataas na uri ng akda ang Florante at Laura. 5. Hindi nagkamit ng kahit isang papuri ang akdang Florante at Laura. Tuklasin Ngayon, susubukin natin ang lawak ng iyog bokabularyo. Gawain 3: Bigyang-katuturan! Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang pangugusap. Tukuyin kung ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Iniisip ni Florante na siya ay pinagliluhan ni Laura. A. Nilason B. Pinagtaksilan C. Maunawaan D. Pinagapos 2. Nakikipaghamok si Florante para sa Albanya. A. Nagpapapiging B. Nagpapasama C. Nagliliwaliw D. Nakikipaglaban 3. Nakarinig si Aladin ng pananambitan. A. Pananangis B. Suyuan C. Tawanan D. Musika 4. Nalungayngay si Florante habang nakagapos. A. Nagkasugat B. Masaya C. Nakayuko D. Nag-iisip 5. Dumagundong ng paghihinagpis sa loob ng gubat. A. Umalingawngaw B. Maingay C. Magulo D. Nagambala
  • 9. 3 Suriin Gawain 4: Halina’t Magbasa! Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang mahasa ang iyong kakayahan sa panitikan. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga saknong. Leksyon 4: Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante Nakalulungkot kapag pinaghaharian ng kasamaan ang isang bayan. Kawawa rin ang kalagayan ng taong hindi maipaglaban ang kanilang mga karapatan sa pinuno ng bayan. Tuklasin ang kawawang kalagayan ng tauhan sa kabanatang ito. 1 Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang pagitan, halos naghihirap ang kay Febong silang- dumalaw sa loob na lubhang masukal. 2 Malalaking kahoy ang inihahandog pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot; huni pa ng ibon ay nakalulunos sa lalong matimpi’t nagsasayang loob. 3 Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik; may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit sa kanino pa mang sumagi’t malapit. 4 Ang mga bulaklak ng ng nagtayong kahoy, Pinakamaputing nag ungos sa dahon; pawang kulay-luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. 5 Karamihaý Cirpes at Higerang kutad na ang lilim niyon ay nakasisindak; itoý walang bunga’t dahoý malalapad na nakadidilim sa loob ng gubat.
  • 10. 4 6 Ang mga hayop pang ditoý gumagala, karamihaý Sierpe’t Basilicoý madla, Hiena’t Tigreng ganid na nagsisila ng buhay ng tao’t daiging kapuwa 7 Itoý gubat manding sa pintoý malapit ng Avenong Reyno ni Plutong masungit; ang nasaskupang lupaý dinidilig ng ilog Cocitong kamandag ang tubig. 8 Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat, may punong Higerang dahoý kulay pupas; dito nagagapos ang kahabag-habag, isang pinag-usig ng masamng palad. 9 Baguntaong basal na ang anyo’t tindig, kahit natatali-kamay, paa’t liig, kundi si Narcisoý tunay na Adonis, mukhaý sumisilang sa gitna ng sakit. 10 Makinis ang balat at anakiý burok pilikmata’t kilay – mistulang balantok; bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap ng katawaý pawang magkaayos. 11 Dangan dooý walang Oreadas Nimfas, gubat na Palasyo ng masidhing Harpias, nangaawa disi’t naakay lumiyag sa himalang tipon ng karikta’t hirap. 12 Ang abang uyamin ng dalita’t sakit – ang dalawang mataý bukal ang kaparis; sa luhang nanatak at tinangis-tangis, ganitoý dadamin ng may awang dibdib. 13 “Mahiganting langit! Bangis moý nasaan? ngayoý naniniig sa pagkagulaylay; bagoý ang bandila ng lalong ksamaan sa Reynong Albanyaý iwinawagayway.
  • 11. 5 14 “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluhaý siyang nangyayaring hari, kagalinga’t bait au nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati. 15 “Äng magandang asal ay ipinupukol sa laot ng dagat na kutya’t linggatong; baling magagaling ay ibinabaon at inililibing na walang kabaong. 16 “Nguni ay lilo’t masasamang-loob sa trono ng piri ay iniluluklok; at sa balang sukab na may asal-hayop, mabangong insenso ang isinuob. 17 “Kaliluha’t sama ang uloý nagtayo At ang kabaitaý kimi’t nakayuko; Santong katuwiraý lugami at hapo, Ang luha na lamang ang pinatutulo. 18 “At ang baling bibig na binubukalan ng sabing magaling at katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan ng kalis ng lalong dusting k amatayan. 19 “O, taksil na pita sa yama’t mataas! O, hangad sa puring hanging lumilipas! ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat at niring nasapit na kahabag-habag! 20 “Sa korona dahil ng Haring Linceo At sa kayamanan ng Dukeng Ama ko, Ang ipinangahas ng Konde Adolfo sabugan ng sama ang Albanyang Reyno. 21 “Ang lahat ng itoý, maawaing Langit, Iyong tinutunguhaý ano’t natitiis? mula Ka ng buong katuwira’t bait, pinapayagan Mong ilubog ng lupit.
  • 12. 6 22 “Makapangyarihang kamay Moý ikilos, Papamilantikin ang kalis ng poot; sa Reynong Albanyaý kusang ibulusok ang Iyong higanti sa masamang-loob. 23 “Bakit Kalangitaý bingi Ka sa akin, Ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin? diyataý sa isang alipusta’t iring sampung tainga Moý ipinangunguling? 24 “Datapwa’t sino ang tatarok kaya sa mahal Momh lihim, Diyos na dakila? walang nangyayari sa balat ng lupa, di may kagalingang Iyong ninanasa. 25 “Ay! di saan ngayon ako mangangapit! saan ipupukol ang tinangis-tangis, kung ayaw na ngayong dinggin ng Langit ang sigaw ng aking malumbay na boses! 26 “Kung siya mong ibig na akoý magdusa, Langit na mataas, aking mababata; isagi mo lamang sa puso ni Laura- akoý minsan-minsang mapag-alaala.”
  • 13. 7 Leksiyon 5: Epekto ng Panibugho kay Florante Nagkaroon ng masamang epekto sa isang tao ang panibugho o pagseselos. Upang maiwasan ito, kailangan munang siyasatin ng isang tao ang buong katotohanan. Hindi dapat padala sa simbuyo ng damdamin ang isang tao. Alamin sa tula kung ano ang naging epekto ng pagseselos ng tauhan sa kanyang pagkatao. 27 “At dito sa laot ng dusa’t hinagpis, Malawak na lubhang aking tinatawid, Gunita ni Laura sa naabang ibig, Siya ko na lamang ligaya sa dibdib. 28 “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya Nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa; Higit na malaking hirap at dalita, Parusa ng taong lilo’t walang awa. 29” “Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin, malamig nang bangkay akong nahihimbing; na tinangisan ng sula ko’t giliw, ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin. 30 “Kung apuhapin ko sa sariling isip, Ang suyuan naming ng pili kong ibig; Ang pagluha niya kong ako’y may hapis, Nagiging ligaya yaring madlang sakit. 31 “Nguni, sa aba ko! Sawing kapalaran! Ano pang halaga ng gayong suyuan… Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan Ay humihiling na sa ibang kandungan? 32 “Sa sinapupunan ni Konde Adolfo, Aking natatanaw si Laurang sinta ko; Kamataya’y nahan ang dating bangis mo, Nang di ko damdamin ang hirap na ito?” 33 “Dito hinimatay sa paghihinagpis, Sumuko ang puso sa dalas ng sakit; Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis, Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
  • 14. 8 Kahulugang Konotatibo at Denotatibo Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang Konotatibo naman ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May mga salitang maaaring wasto ang pagkakagamit sa usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng tunggalian o kalituhan sa isang teksto. Halimbawaý ang salitang “ahas” na ang kahulugang denotatibo ay isang makamandag na hayop na gumagapang. Subalit kung gagamitin ito sa pangungusap sa loob ng isang teksto tulad ng “Inahas ni Florentino ang nobya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap at pahayag. Ang Monologo ay isang uri ng ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig. Ang mga monologo ay ginagamit sa iba’t ibang medya gaya ng mga dula, pelikula animasyon atbp. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Monologo) Halimbawa: Sipi ng: Monologo ng Isang Anak Naku, naku, may gusto akong bilhin. Maganda ang damit na nakita ko sa mall! Pang-sosyal…ngunit wala akong pera. Ano kaya ang pwede kong gawin? Alam nyo ba kung saan ako kukuha ng pera? Ah! Alam ko na, kay Mama nalang. Hihingi ako ng pera. Mama, mama, mama! Pwede po bang pahingi ng pera? May bibilhin lang ako. Ayaw ako bigyan ni mama. Bakit ganoon? Yung ibang bata binibigay lahat ng gusto. Samantalang ako sandamakmak ng pagtitipid ang ginagawa? (https://www.deviantart.com/tenshi-oujo/journal/Monologo-ng-Makasariling-Anak- 522834254) Isaisip Gawain 6: Kilalanin Mo! Upang mas mahasa ang iyong kaalaman, subukan ang mga sumusunod na gawain.
  • 15. 9 Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagpapakahulugan ang iyong makikita sa mga sumusunod na pangugusap. Isulat sa patlang kung ito ba ay DENOTATIBO o KONOTATIBO. _______________1. Si Konde Adolfo ay naturingang plastik dahil sa kanyang mga pinaggagawa. _______________2. Huwag mong hayaan na ikaw ay gawing tuta ng taong nakalalamang sa iyong estado sa buhay. _______________3. Ako po ay isang alipin ng isang tanyag na personalidad. _______________4. Huwag kang magkakalat sa pinakaimportanteng araw ng araw ng iyong kaibigan. _______________5. Kapansin-pansin ang dami ng nakatambak na plastik sa bakanteng lote sa kanto. _______________6. Kapag nagkaroon ako ng alagang tuta, papangalanan ko ito ng Brownie. _______________7. May kaibigan talaga tayong makalat sa kanyang mga gamit. _______________8. Si Florante ay nakagapos sa puno ng Hegera. _______________9. Nagdidilim talaga ang paningin ko sa tuwing naaalala ko ang pang-aabusong napagdaanan ko. _______________10. Hindi ko makita kung nasaan ang posporo dahil sa dilim ng paligid na dulot ng kawalan ng kuryente. Isagawa Performance Task Gawain 7: Maging Makata! Buksan ang iyong isipan at gamitin ang kaalamang natutuhan upang maisagawa ang gawaing itinakda. Panuto: Sumulat ng isang sariling monologo na may damdaming pagkatakot, pagkapoot, o iba pang damdamin. Gamit ang iyong cellphone, irekord ang iyong sarili habang binibigkas mo ng madamdamin ang iyong isinulat na monologo. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
  • 16. 10 ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ PAMANTAYAN 20 puntos 15 puntos 10 puntos 5 puntos Ang monologo na nabuo ay talagang organisado, maingat na naisulat, talagang malikhain, wasto at talagang naangkop sa napiling tema. Ang monologo na nabuo ay organisado, maingat na naisulat, malikhain, wasto at angkop sa napiling tema. Ang monologo na nabuo ay bahagyang organisado, maingat na naisulat nang may bahagayang kaingatan, bahagyang malikhain, may kawastuhan at bahagyang may kaangkupan sa napiling tema. Ang monologo ay di naging organisado, hindi maayos ang pagkakasulat, hindi malikhain, hindi wasto at hindi angkop sa napiling tema. Tayahin Gawain 8: Bilugan Mo! Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong titik ng iyong napiling sagot. 1. Sinasabing a Florante ay nakagapos sa isang puno na matatagpuan sa loob ng gubat. Ano ang pangalan ng punong pinaggapusan sa kanya? A. Higera B. Gemelina C. Narra D. Ipil-ipil 2. Ito ang tinaguriang mababanis na diyosa ng hentil.
  • 17. 11 A. Basilico B. Harpias C. Oreadas Nimfas D. Narciso 3. Ang halimaw na ito ay inilalarawan na may mukhang butiki na nagtataglay ng nakamamatay na kislap ng mata at amoy ng hininga. A. Tigre B. Sierpe C. Harpias D. Basilico 4. Sa anong Reyno malapit si Plutong masungit? A. Reynong Albanya B. Reynong Averno C. Kaharian ng Kagubatan D. Kaharian nina Flerida 5. Ano ang pakiusap ni Florante sa Diyos? A. Iligtas siya ng kanyang ama. B. Muli niyang makapiling ang ina. C. Maakoronahang hari ng Albanya. D. Maalala siya ng kanyang kasintahan. 6. Anong katangian ang taglay ng taong iniluklok sa Reynong Albanya nang ito ay masakop? A. Magagaling B. Masasama C. Maunawain D.Magaganda 7. Pinapatawan ng anong parusa ang taong nagsasabi ng kasinungalingan? A. Kamatayan B. Itinatakwil sa bayan. C. Ginagawaran ng parangal. D. Pinagpapasan ng malaking bato. 8. Matatandaang mayroong irog si Florante, sino ang babaeng ito? A. Selya B. Flerida C. Laura D. Ma. Asuncion Rivera 9. Ano ang nais mangyari ni Florante sa mga masasamang taong naghahari sa kanyang bayan? A. Parusahan ng Diyos. B. Magpasalamat sa kanya. C. Patawan ng parusang kamatayan. D. Magdiwang sapagkat napasakamay na nila ang Albanya. 10. Ang taong naghangad na makuha ang Reynong Albanya ay walang iba kundi si _______________. A. Haring Linseo B. Duke Briseo
  • 18. 12 C. Konde Adolfo D. Balagtas
  • 19. 13 Aralin 3 Pagtatasa Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga katanungang susukat sa kaalamang iyong nalikom sa araling tinalakay. Makakatulong din ito sa paghasa sa iyong angking talino. Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Kamatayn ang parusa sa taong ______. A. Sinungaling B. Mapanakit C. Mapanira D. Mapanumbat 2. Ang lalaking nagpagapos kay Florante sa gubat. A. Adolfo B. Aladin C. Duke Briseo D. Haring Linseo 3. Pinagliluhan ng Sultan ang kanyang anak. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. A. Nilason B. Pinagtaksilan C. Naunawaan D. Pinaslang 4. Malining kaya ako ng aking kaibigan? Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. A. Matanggap B. Mahalin C. Ipapahamak D. Maunawaan 5. Bakas sa mukha ni Florante ang siniphayo. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. A. Saya B. Galak C. Sakit D. Pagkabigo 6. Uri ng pagsasalita kung saan sinasabi nang isinsasaisip sa harap ng kapulungang nakikinig. A. Tula B. Awit C. Monologo D. Palaisipan
  • 20. 14 7. Ang punong Higera ay ______. A. Namumulaklak B. Namumunga C. Namatay D. Di-namumunga 8. Ang katangiang taglay ng taong sumakop sa Reynong Albanya. A. Magaling B. Masama C. Maunawain D. Maganda 9. Ito ang literal na pagpapakahulugan sa isang salita. A. Denotatibo B. Konotatibo C. Literal D. Di-literal 10. Ang babaeng iniibig ni Florante. A. Selya B. Flerida C. Laura D. M.A.R. 11. Punong pinagtalian kay Florante. A. Higera B. Gemelina C. Narra D. Ipil-ipil 12. Ang Reynong Albanya ay malapit sa ______. A. Albanya B. Averno C. Persiya D. Plutong Masungit 13. Ang pagpapakahulugang ito ay batay sa ekstrang kahulugan ng salita. A. Denotatibo B. Konotatibo C. Literal D. Di-literal 14. Mabangis na diyosa ng hentil. A. Basilico B. Harpias C. Oreadas Nimfas D. Narciso 15. Ang kahariang sinakop. A. Albanya B. Averno C. Persiya D. Plutong Masungit
  • 21. 15 Susing Sagot (Key to Answers) Panimulang Pagtataya 1. A 2. B 3. A 4. B 5. C 6. B 7. A 8. D 9. D 10. A 11. C 12. B 13. A 14. D 15. D Subukin 1. X 2. O 3. O 4. X 5. O Balikan 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Mali Tuklasin 1. B 2. D 3. A 4. C 5. A Pagyamanin Posibleng Sagot: 1. Ginusto ni Florante na siya ay mamatay na dahil buong akala niya ay tinalikuran na siya ng Albanya at pinagtaksilan ni Laura. 2. Mapapansing puno ng paghihinagpis ang tauhan. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon ang kanyang nadarama, sapagkat nawala sa kanya ang baying kanyang pinaglilingkuran at ang babaeng kanyang iniibig.
  • 22. 16 Isaisip 1. Konotatibo 2. Konotatibo 3. Denotatibo 4. Konotatibo 5. Denotatibo 6. Denotatibo 7. Denotatibo 8. Denotatibo 9. Konotatibo 10. Denotatibo Isagawa Posibleng Sagot: Bakit, bakit kailangang magkaganito? Ano bang kasalanan ko? Ano ang kasalanang aking nagawa, para ako’y parusahan ng lubha! Hindi ko maatim! Hindi ko maatim ang mga nangyayari! Panginoon ko, bakit? Hindi pa ako handa! Ayoko! Ayaw ko pang lumisan! Bakit hindi ko na maigalaw aking katawan? Mula sa’king kinatatayuan, tanaw ko. Tanaw ko ang aking pamilyang lumuluha, sa gilid ng higaang aking kisadlakan! Tayahin 1. A 2. B 3. D 4. B 5. D 6. B 7. A 8. C 9. A 10. C Karagdagang Gawain Posibleng Sagot: Hindi, dahil hindi niya pa naman alam ang totoong dahilan sa likod ng mga ikinikilos at ginagawa ni Laura Pagtatasa 1. A 2. A 3. B 4. D 5. D 6. C 7. D 8. B 9. A 10. C 11. A 12. D 13. B 14. B 15. A
  • 23. 17 Sanggunian Aklat: Guimarie, Aida M. Florante at Laura (ni Francisco Baltazar); AMOS BOOKS, INC. Internet: https://www.deviantart.com/tenshi-oujo/journal/Monologo-ng-Makasariling-Anak- 522834254 https://tl.wikipedia.org/wiki/Monologo https://www.slideshare.net/mobile/ilyhlnygvjkliunl/filipino-24082662