9. Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila
sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa
mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan
na anyong patula; mga kwentong-bayan,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
10. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-
dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga
piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang
mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan,
pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang
mga ito ay gawa ng demonyo.
11. Gumaganit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga ng niyog at dahon at balat ng
punongkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat.
MGA URI NG PANITIKANG SUMIBOL AT
SUMIKLAT SA SINAUNANG PANAHON
•Alamat
•Kwentong Bayan
•Epiko
•Salawikain
•Bugtong
12.
13. PANANAKOP NG MGA
KASTILA
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay
ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay
ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati
ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay
pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal
at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
14. Panitikang Pamaksang
Pananampalataya
at Kabutihang-asal
Dahil sa pananampalataya ang
pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa
mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos
paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay
ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at
tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin
ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong
bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga
akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga
hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang
awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang
duplo at karagatan.
15. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang
nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang
nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga
Kastila. Naging tanyag ang dulang Moro-Moro na
pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula
rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong
Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng
dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang
niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso
rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton
na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
16. Panitikang Rebolusyonaryo
Karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang
rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-
makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok
na kalabanin ang pamahalaan dahil sa labis na pang-aalipin
at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga
Kastila sa mga Pilipino.
Nalathala ang mga pahayagang propagandista na
pinangunahan ng La Solidaridad na naglalayong “matamo
ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa
kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang
malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad
ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya
17. Panitikang Rebolusyonaryo
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga
manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang
maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang
Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may
sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at
nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may
sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena,
Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio
Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat
din.
18. Panitikang Rebolusyonaryo
• Nahalinan ng Alpabetong Romano ang alibata
•Naging bahagi ng wikang Pilipino ang
maraming salitang Kastila
•Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng
Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi
ng panitikan gaya ng awit, korido, moro moro
atbp.
•Nasinop at naisalin ang makalumang panitikang
sa Tagalog sa ibang wikain
•Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga
akda
19.
20. PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik
ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga
Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang
naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon
naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang
imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at
Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano
sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at
iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang
umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil
sa mga bagong silang na manunulat.
21. PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga
fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong
Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang
iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at
nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang
dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang
panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing
panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil
na isang uri ng dula kung saan umaawit at
sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa
sarsuwela ng Pilipinas.
22. PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula
sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang
gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig
(silent films); unti-unting naisantabi pansamantala
ang dulang panteatro sa bansa dahil sa
nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng
pelikulang-tahimik.
23. • Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan
ang tema ng mga sinusulat
• Pinatigil ang mga dulang may temang
makabayan
• Sa panahong ito nailathala ang babasahing
Liwayway
• Pinauso ang balagtasan katumbas ng debate
• Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas
24.
25. PANANAKOP NG MGA HAPON
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at
ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino
(kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at
pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa
mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat
na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo
at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na
maka-feministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may
tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa
taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling
tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-
7-7-7)
26. PANANAKOP NG MGA HAPON
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima,
gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor
noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya
ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang
biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring
ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon
ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong
wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat
sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
27. PANANAKOP NG MGA HAPON
Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles
Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpigil ng
lahat ng pahayagan
Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang
tanghalan
Nagkaroon ng krisis sa papel kaya di masyadong
marami ang akdang naisulat
28.
29. PANANAKOP NG MGA HAPON
1972 idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa
pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos
Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at
lipunan
Pinahinto ang mga pampahayagan at maging
samahang pampaaralan
Pagtatatag ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla
(sumusubaybay sa mga pahayagan aklat at iba pang
media.
30.
31. PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON
Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring
PILIPINO. ang mga Pilipinong marunong magmalasakit
sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling
bansa sasalita man o sa gawa.At para sa mga
mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na
bagong Republika ―ang Tunay na Bagong Republikang
Pilipinas.
Bagama‘t iilang buwan pa lamang ang
pagkakasilang ng tunay na RepublikangPilipinas ay may
mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang
mgapagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga
TULA, AWITING PILIPINO , sa mga PAHAYAGAN , sa
mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga
PROGRAMA SA TELEBISYON.
32. PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON
•
•Marami ang sumubok sumulat gamit ang sariling
vernakular
•Namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng wikang
pambansa
•Mas mayamang ang pinagkukunan ng paksang sinusulat
•Malaki ang impluwensiya ng aghanm at teknolohiya
•Nagbabago ang mga wikang ginagamit
33. Ang mga PANITIKAN sa kasalukuyan ay
naglalaman ng halos walang kakimiang
pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga
makata:
a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa
mga nanunungkulang maytiwaling gawin.
b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan
c. Makabagong damdamin/emosyon na
nararamdamn
PANITIKAN SA KASALUKUYAN
34. Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng
halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay
na damdamin ng mga makata:
a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa
mga nanunungkulang maytiwaling gawin.
b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan
PANULAAN SA KASALUKUYAN
35. RADYO AT TELEBISYON
Maririnig na sa kasalukuyan na
nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob
nangwalang takot o pangamba ang mga tagapagsalita
sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.Marami na sa
panahong ito ang mga komentarista sa radyo at
telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito
ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga
nasa pwesto.
Naging malikhain at malaya ang mga palabas sa
radyo dahilan kung bakit nagkaroon ng napakaraming
‘genre’ ng mga programa kasama na dito ang mga
realitity programs, fantaserye, anime atbp.
36. PANITIKAN SA PANAHON NG COMPUTER
Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website, usb, e-
mail, download, wifi, connect, burn, scan, cd…. Ito
ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon
sa ating wika atmasasabing dulot ng teknolohiya. At
dahil parte na ng ating buhay ang
teknolohiya,mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa
buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago
sapapel na ginagampanan ng impormasyon sa ating
trabaho, buhay, at pag-iisip. Angmabilis na
pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng
mabisang sandata ng teknolohiya – ang
kompyuter, cellphone, at internet.