Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introduksyon ng mag-aaral sa iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon.
*Disclaimer: the pictures/information/media used in this ppt do not belong to me. Credits to the rightful owners.
2. Kasanayang Pagkatuto at Koda
(MELCS):
Nakikilala ang Iba’t ibang teknikal-
bokasyunal na sulatin ayon sa Layunin,
Gamit at Katangian, Anyo at Target na
Gagamitin (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
3. Teknikal-bokasyonal na Pagsulat
ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at
komunikasyon para sa mga espesyalisado sa
kaugnay na larangan.
ay mahalagang bahagi ng industriya dahil ito ay
nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa
gamit at aplikasyon ng mga produkto at
paglilingkod.
Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay
ang introduksyon ng mag-aaral sa iba’t ibang uri
ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may
teknikal na oryentasyon.
4. Layunin
Upang magbigay alam. Isinusulat ito upang mapaunawa o
magpagawa ng isang bagay.
Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
Susubukan nitong ipaliwanag kung paanong ang sistema ay
nabigo. Ang sistema ay maaaring kabilangan ng edukasyon,
sosyo-ekonomiks, politika at ang kinakailangang pagbabago.
Upang manghikayat at mang-impluwensiya ng desisyon.
Susubukan nitong ipakita kung paanong ang kalakal o industriya
ay nagtagumpay.
Nagpapanatili ng imparsyalidad at pagiging obhetibo.
Naghahatid ito ng impormasyong tumpak at walang hangaring
gumising ng emosyon.
5. Gamit
Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
Upang magbigay ng kailangang impormasyon
Upang magbigay ng introduksyon
Upang magpaliwanag ng teknik
Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema
Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
Upang mag-ulat sa mga stockholder ng kompanya 7
Upang makabuo ng produkto
Upang makapagbigay ng serbisyo
6. Katangian
Naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo,
tumpak, at di emosyonal na paraan
May espesyalisadong bokabularyo
Tiyak
Tumpak
Nauunawaan
Kumpleto ang impormasyon
tama ang gramatika
tamang gamit sa bantas
Angkop na pamantayang kayarian
hindi isinasama ang damdamin
Obhetibo
7. Anyo ng TechVoc na Pagsulat
a. Prosidyural para sa paghahanda ng
Manwal, Menu, Deskripsyon ng
Produkto
b. Impormatibo at eksploratori para sa
Feasibility Study
8. *Target na Awdyens ng Tech-Voc
ang mga mamimili, trabahador sa
kompanya at mga iba’t ibang
sektor ng trabaho