1. Espeleta St., Buli, Muntinlupa City
“Nurturing minds, Empowering lives”
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
I. PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang pang-unawa sa
interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-
usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng
panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga
pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod
na henerasyon.
Pamantayan sa Pagkatuto
AP8HSK-Ig-6: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
AP8HSK-Ih-7: Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
AP8HSK-Ii-8: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan batay sa politika, ekonomiya, kultura,
relihiyon, paniniwala at lipunan.
AP8HSK-Ij-10: Napahahalagahan ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
II. LAYUNIN
Matapos ang talakayan, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Kabihasnang Indus;
2. Napapahalagahan ang mga ambag ng Kabihasnang Indus.
3. Nakapaguulat tungkol sa Kabihasnang Indus.
III. NILALAMAN
A. Modyul I: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan
Paksa: Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Balangkas ng aralin:
I. Kabihasnang Indus
- Heograpiya
- Harappa at Mohenjo-Daro
- Panahong Vedic
- Tatak-Kabihasnan (kontribusyon o ambag)
B. Mga Kagamitan:
Araling Panlipunan Modyul, MS PowerPoint, telebisyon, laptop, graphic organizer at props para sa
pag-uulat ng mga mag-aaral
C. Mga Aklat at Iba Pang Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig AP Gabay sa Pagtuturo, pahina 33-34
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig, pahina 71-74
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng silid – aralan / Pagtala ng liban sa klase
3. Trivia at Balitaan
Paglalahad ng trivia at napapanahong balita sa loob o labas ng ating bansa.
2. Espeleta St., Buli, Muntinlupa City
“Nurturing minds, Empowering lives”
4. Pagsasanay
ANONG LUNGSOD ESTADO ITO SA MESOPOTAMIA???
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na may kinalaman sa mga sinaunang
kabihasnan at tutukuyin ng napiling kinatawan ng pangkat kung anong lungsod-
estado ito sa Mesopotamia.
5. Balik – Aral
IREACT MO NA YAN!
Ang bawat isa ay magrereact sa kanilang pagsagot sa tanong ng guro. Kapag tama ang isinasaad ng
pangungusap ang irereact ng mga mag-aaral ay pupusuan ( ) samantalang magsasad face ( )
naman kapag ito ay mali.
1. Ang Mesopotamia ay ay maituturing na kabihasnan dahil sa maunlad na pamayanan nito.
2. Binubuo ng mga lungsod-estado ng Maurya, Gupta at Mogul ang Mesopotamia.
3. Isa si Ashurbanipal na kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kanyang panahon.
4. Satrapy ang tawag sa lalawigang bumubuo sa Persia.
5. Ang Imperyong Assyrian ang itinatag ni Nabopolassar.
B. Panlinang ng Aralin
1. Pagganyak
THREE PICS ONE WORD
Ang guro ay magpapakita sa mga mag-aaral ng mga
larawan na may kinalaman sa India at sasagutin ang
mga sumusunod na mga katanungan:
✓ Sa iyong palagay, tungkol saan ang mga
larawan na iyong nakikita?
✓ Sa anong bansa kaya ito matatagpuan?
✓ Ano-ano ang masasabi mo sa bansang India?
2. Gawain
MAGPANGKAT-PANGKAT TAYO!
Ang buong klase ay hahatiin sa apat (4) pangkat. Ang bawat pangkat ay magpapakita
tungkol sa paksang naiatas sa kanila sa loob lamang ng tatlo hanggang limang (3-5) minuto.
May rubrik na gagamitin ang guro para sa pagbibigay ng iskor sa nasabing pag-uulat o
presentasyon.
Unang Pangkat – Pag-uulat tungkol sa heograpiya ng Kabihasnang Indus.
Ikalawang Pangkat – Pag-uulat tungkol sa Harappa at Mohenjo-Daro.
Ikatlong Pangkat – Pag-uulat tungkol sa Panahong Vedic
Ikaapat na Pangkat – Pag-uulat tungkol sa Gawain 6: Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya
3. Espeleta St., Buli, Muntinlupa City
“Nurturing minds, Empowering lives”
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN
PAMANTAYAN PUNTOS
Nailalahad/ naipakita ng buong husay ang nakaatas na paksa 10
Pagiging malikhain sa presentasyon 10
Maayos na pakikibahagi sa gawain 10
Kabuuan 30
3. Pagsusuri
I#KMJS Na Yan! (Konseptong Matutunan, Just Summarize)
Matapos mapanood at mapakinggan ang presentasyon ng bawat pangkat, ang
guro ay tatawag ng mag-aaral na sasagot sa mga sumusunod na katanungan at bago niya
ito sagutin, ang kanyang mga kamag-aral ay bibigkasin muna ang salitang “I#KMJS Na
Yan!”
1. Ano-ano ang mga pamana ng Kabihasnang Indus?
2. Ano-ano ang mga posibleng dahilan sa pagbagsak ng Kabihasnang Indus?
3. Paano mo mapapanatili na buhay ang mga pamana ng Kabihasnang Indus hanggang
sa kasalukuyan?
4. Paglalahat
DUGTUNGAN MO!
Mahalagang pag-aralan ang Kabihasnang Indus dahil ________________________________.
5. Paglalapat
ISABUHAY AT IHUGOT LINE NATIN YAN!
#PeaceBeWithYou
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang hugot line na sumasagot sa tanong na: Paano mo
ipinapakita ang pantay-pantay na pagtingin sa bawat isa?
V. EBALWASYON
SAGUTIN NATIN!
Panuto: Isulat ang tamang sagot.
1. Sila ang pinakaninuno ng mga taga-Indus. DRAVIDIAN
2-3. Ito ang kambal na lungsod-estado na umusbong sa Timog Asya sa Kabihasnang Indus.
HARAPPA AT MOHENJO-DARO
4. Ito ang pag-uuri ng tao sa lipunang India. CASTE SYSTEM
5. Sila ay hindi kabilang sa uri ng tao sa lipunang India. UNTOUCHABLE
SEKSYON 5 4 3 2 1 0
Gold
4. Espeleta St., Buli, Muntinlupa City
“Nurturing minds, Empowering lives”
VI. TAKDANG-ARALIN
A. Gumawa ng komitment sa colored paper at ilagay ito sa inyong portfolio. Gawing gabay ang
sumusunod na tanong:
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga kontribusyon na naiwan ng
Kabihasnang Indus sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang sagot.
2. Basahin at isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Imperyong Gupta, Maurya at
Gupta.
*Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig, sa pahina 76-
79 o internet
Inihanda ni:
Gng. Precious Sison-Cerdoncillo
Teacher II, Araling Panlipunan