Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
1. MUNTINLUPA BUSINESS HIGH SCHOOL
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan
8 – Kasaysayan ng Daigdig
Unang Markahan
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Pangalan: _____________________________________ Petsa:_____________________________________
Baitang: _______________________________________ Iskor: _____________________________________
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng
wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
2. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo B. kabihasnan C. kalinangan D. lungsod
3. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan sa mga bansa.
4. Paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng
kanilang mga paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng iba’t ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
5. Ito ay siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng ating daigdig.
A. kasaysayan B. heograpiya C. kabihasnan D. topograpiya
6. Ano ang tawag sa estruktura ng ating daigdig na isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw
ang ilang bahagi nito?
A. inner core B. crust C. mantle D. outer core
7. Ito ay kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
A. panahon B. temperatura C. halumigmig D. klima
8. Ito ang pinakamalawak na masa ng lupain sa ibabaw ng daigdig.
A. kontinente B. arkipelago C. pulo D. peninsula
9. Ito ay pag-aaral sa pisikal na katangiang ng isang lugar o rehiyon.
A. kasaysayan B. heograpiya C. kabihasnan D. topograpiya
10. Ito ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo.
A. Atlantiko B. Pasipiko C. Indian D. Artiko
2. II. Panuto: Tukuyin at isulat kung anong kontinente ang binabanggit sa sumusunod na pangungusap.
11. Ito ang tanging kontinente na natatakpan ng yelo.
12. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
13. Dito nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante.
14. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig.
15. Ang Andes Mountain ang sumasakop sa kabuuang baybayin ng kontinenteng ito.
16. Ito ay matatagpuan sa bandang hilagang hemispero.
17. Ito ang pinakamaliit na kontinente sa buong mundo.
18. Dito ipinanganak ang iba’t ibang relihiyon sa buong mundo.
19. Dito matatagpuan ang mga pulo ng Micronesia, Melanesia at Polynesia.
20. Wala halos naninirahan dito ngunit sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
III. Panuto: Isulat ang tamang sagot.
21. Ito ay pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
22. Ito ang itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.
23. Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos.
24. Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na ang ibig sabihin ay _______________.
25. Siya ang tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” at “Ama ng Heograpiya”.
IV. Panuto: Iguhit ang globo at tukuyin ang iba’t ibang bahagi nito. (5 puntos)
HONESTY IS THE BEST POLICY.
GOD IS WATCHING YOU!!!
PreciousSisonCerdoncillo