SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 69
Noli MeTangere
Mga Kabanata XIV, XV
,XVII, XVIII at XIX
.
Kabanata XIV
Baliw o Pilosopo
Talasalitaan:
• Delubyo- malaking baha na sanhi ng malakas na pagbuhos
ng ulan at hanging dala ng bagyo
• Tenyente Mayor- Tawag o ranggo ng isang opisyal sa
munisipyo noong panahon ng Kastila
• Pilosopiya- pagmamahal ng karunungan
• Batingaw- kampana
• Nalulong- pagkahilig
Kabanata XIV
Baliw o Pilosopo
-Mga Tauhan-
Pilosopo Tasyo
Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng
marurunong na mamamayan.
Don Anastacio o Pilosopong Tasyo, ang
tawag sa kanya ng mga may pinag-aralan.
Tasyong Baliw, ang tawag ng mga di nag-
aral dahil sa kakaiba niyang pagkilos at
pananalita.
Taglay niya ang katangian ni Rizal na
mapagmasid sa mga pangyayari sa
paligid.
May mga kaisipan siyang una kaysa sa
kanyang panahon kaya’t hindi siya
maunawaan ng marami.
Kapitan Basilio
Isa sa mga naging kapitan ng
bayan ng San Diego na naging
kalaban ni Don Rafael sa isang
usapin sa lupa.
Basilio
Sampung taong gulang na
nakakatandang kapatid ni
Crispin.
Nakakatandang anak ni Sisa.
Isang sakristan at taga-tugtog ng
kampana.
 Sinasagisag niya ang walang
malay at inosente sa lipunan.
Crispin
Pitong taong gulang nabunsong
kapatid ni Basilio.
Bunsong anak ni Sisa.
Isa ring sakristan at kasama ni
Basilio na tumugtog ngkampana
sa simbahan ng SanDiego.
Don FilipoLino
Isang tenyente mayor na kaibigan
ni Pilosopong Tasyo.
Asawa ni DonyaTeodora Vino.
 Mahilig magbasa ng Latin.
Ama ni Sinang.
Donya TeodoraVino
Mas kilala bilang AlingDoray.
Asawa ni Don FilipoLino.
Ina ni Sinang.
Kabanata XIV
Baliw o Pilosopo
-Buod-
Buod
Si PilosopoTasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng
lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na
iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang
asawa. Ang pagkakilala kayTasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo
sa ulo obaliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-
aaral ng pilosopiya mula sa Kolehiyo ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang
ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka
makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpari.
Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman,
pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Nalulong sa pagbabasa
ng mga aklat si Tasyo hanggang sa napabayaan niya ang kanyang mga
minanang kayamanan.
Buod
Bagama’t nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos
sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya
pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ni Kapitan Basilio nang
nakasalubong niya si Pilosopo Tasyo. Tinanong niya kung bakit, Diretso ang
sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang
magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga
kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na
ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng
kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”
Buod
Iniwanan ni Tasyo si Kaptan Basilio at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan
niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng
hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata na umuwi. Pinagmumultahan si
Basilio dahil mali ang pagtugtog niya ng kampana.
Bilang kaparusahan nila ni Crispin, di sila maaaring umuwi bagama’t gusto na
nilang umuwi.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa
bahay ng mag-asawang Don Filipo at Donya Teodora. Masayang sinalubong ng
mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan.
Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe.
Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang
libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don
Rafael.
Buod
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa
purgatoryo sapagkat nuon ay undas na. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa
purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang
nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay.
Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa
nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay
sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa
gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at
nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Talasalitaan:
• binabatak- inihila
• Latay- pasa ogalos
• maiilitaw- maipakita
• Gusot- problema
• Pagkasindak- pagkatakot
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
-Mga Tauhan-
Basilio
Sampung taong gulang na
nakakatandang kapatid ni
Crispin.
Nakakatandang anak ni Sisa.
Isang sakristan at taga-tugtog ng
kampana.
 Sinasagisag niya ang walang
malay at inosente sa lipunan.
Crispin
Pitong taong gulang nabunsong
kapatid ni Basilio.
Bunsong anak ni Sisa.
Isa ring sakristan at kasama ni
Basilio na tumugtog ngkampana
sa simbahan ng SanDiego.
Sakristan Mayor
 Ang nagbintang kay Crispin na
magnanakaw.
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
-Buod-
Buod
Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na
sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopong Tasyo
at sinabihan na sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang
hapunang pangkura.
Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Hindi sana
siyang mapagbibintangang bilang isang magnanakaw. At kung malalaman
man ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang
anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana
magkasakit siya.
Buod
Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Hindi sana
siyang mapagbibintangang bilang isang magnanakaw. At kung malalaman man
ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng
pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit
siya.
Ang suweldo lang kasi nina Basilio at Crispin ay dalawang piso sa isang
buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio
sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang
onsa ay P32. lubhang mabigat ito para kay Basilio.
Buod
Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang
sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad pa sila. Dahil
dito, nasabi ni Crispin na mas mabuti nang siya ang magnanakaw para maililitaw
niya ang pera.
At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay
magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Ang
pagkasindak niya ang huli sa binanggit ng kapatid.
Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang
nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi
maniniwala ang kanilang ina kung ipakikita niya ang maraming latay na likha
nang pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi
isang kuwalta na aginaldo pa niya noong pasko, na kinuha pa sa kanya nang
hidhid na kura.
Buod
Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang
kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. At puyos ito sa galit. Sinabi
niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang
pagtugtog ng kampana. Samantala, si Crispin naman ang hinarap at sinabing
hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na
binibintang sa kanya.
Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinansala siya ng sakristan
mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi
sumasapit ang eksaktong ales-diyes ng gabi. Napagtanto si Basilio sapagkat ika-9
pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi.
Buod
Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinamblitain ng sakristan
mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad siya pababa sa hagdanan hanggang sa sila
ay lamunin ng dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala
siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan
kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing.
Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng
kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring mag-araro sa bukid
habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik
siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na
nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo.
Pagkatapos, ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang
ulan.
Kabanata XVI
Si Sisa
Talasalitaan:
• mabundat- nasiyahan
• nakalatag- nakakalat
• dampa- kubo
• tawilis- isang uri ngisda
• dalangin- panalangin
Kabanata XVI
Si Sisa
-Mga Tauhan-
Sisa
Ang mapagmahal na inanina
Basilio at Crispin.
Sumasagisag ng pagdurusa ng
Inang Bayan.
Ipinangalan siya pagkatapos sa
pangalan ng kapatid niJose Rizal,
Narcisa.
Pedro
Ang bulakbol na ama nina Basilio
at Crispin.
Ang pabayang asawa ni Sisa.
Basilio
Sampung taong gulang na
nakakatandang kapatid ni
Crispin.
Nakakatandang anak ni Sisa.
Isang sakristan at taga-tugtog ng
kampana.
 Sinasagisag niya ang walang
malay at inosente sa lipunan.
Kabanata XVI
Si Sisa
-Buod-
Buod
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na
natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa
kanilang mga yumaong mga kamag- anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira
sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating
ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable,
walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya iniasikaso
ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin.
Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga
natipong hiyas o alahas nito noong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang
pagkamartir at hina ng loob.
Buod
Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit
ng katawan. Nananakit si Pedro kay Sisa. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay
ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin.
Mayroong tuyong tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang
ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy- damo at isang hita ng patong bundok o
dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio.
Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa
bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni
Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa
simbahan.
Buod
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina
dahil dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing
nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak.
Nang mabundat ang asawa ni Sisa, ito ay muling umalis dala ang sasabunging
manok at nagbilin pa siya na tirhan siya ng perang sasahudin ng anak.
Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang
anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang
pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na
tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi
na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya
umawit nang mahina-
Buod
Saglit na tinigil niya ang pag-aawit ng kundiman at pinukulan niya ng
tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot
na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, nang
gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
Kabanata XVII
Si Basilio
Talasalitaan:
• panawan- mawalan
• Kuwartel- himpilan oheadquarters
• Guardia civil- Katumbas ng pulis sa panahon ng Kastila
• Punglo- bala ng baril
• Nagpapasan- nakakaranas
Kabanata XVII
Si Basilio
-Mga Tauhan-
Basilio
Sampung taong gulang na
nakakatandang kapatid ni
Crispin.
Nakakatandang anak ni Sisa.
Isang sakristan at taga-tugtog ng
kampana.
 Sinasagisag niya ang walang
malay at inosente sa lipunan.
Sisa
Ang mapagmahal na inanina
Basilio at Crispin.
Sumasagisag ng pagdurusa ng
Inang Bayan.
Ipinangalan siya pagkatapos sa
pangalan ng kapatid niJose Rizal,
Narcisa.
Kabanata XVII
Si Basilio
-Buod-
Buod
Nakadama ng labis na panlalamig si Sisa nang dumating si Basiliong
sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang
dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga Guardia Civil at
pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat
nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan at palilinisin siya sa
kuwartel.
Dahil sa hindi niya paghinto, siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa
ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng
maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina na huwag sabihin kanino man ang
dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na
nahulog siya sapuno.
Buod
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na
napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang
parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa
dahil sa awa sa anak. Sinabi ng sakristan mayor na ang mga dukha na katulad
lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng
pagkain si Basilio.
Kaagad na sinayasat ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam
niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nabanggit ni
Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na
lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Buod
Sa pagtulog ni Basilio, siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita
niya ang kapatid na si Crispin na pinalo ng yantok ng kura at sakristan major
hanggang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na
pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan
nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip ,ang kanyang sinabi kung ano
ang balak nito sa kanilang pamumuhay.
Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa
pagsasakristan at ipapakain niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya
kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung
malaki- laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa
na masasaka.
Buod
Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya
ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin
kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na
sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si
Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha si Sisa sapagkat hindi isinama ng
anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
Kabanata XVIII
Nagdurusang mga Kaluluwa
Talasalitaan:
• tuliro- pagkamalan
• coadjutor- katulong ng pari ng kura
• Indulgencia plenaria- Dasal o sakrapisyong
nagpapababa sa parusang ipinapataw sa naghihirap na
kaluluwa sa purgatoryo
• balo- biyuda
• bakol- basketin obasket
Kabanata XVIII
Nagdurusang mga Kaluluwa
-Mga Tauhan-
Padre Bernardo Salvi
Kurang pumalit kayPadre
Damaso.
Kaya niya manupulahin ang mga
tao para makuha niya ang
kanyang gusto.
Sisa
Ang mapagmahal na inanina
Basilio at Crispin.
Sumasagisag ng pagdurusa ng
Inang Bayan.
Ipinangalan siya pagkatapos sa
pangalan ng kapatid niJose Rizal,
Narcisa.
Kabanata XVIII
Nagdurusang mga Kaluluwa
-Buod-
Buod
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may- sakit si Pari Salvi nang
magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang
isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng
bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coadjutor? Sa kanilang paghihintay,
naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulgencia
plenaria,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa
purgatoryo upang mahangoroon.
Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas
ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-
uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at
Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin
ang pagdating ni Sisa.
Buod
Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas
niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng
pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang
pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa..
Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang
tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang mga sakristan at
kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo
ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa
tagapagluto kung maaari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang
hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si
Crispin.
Buod
Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang
dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong
mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong
nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang
pandinig: Si Crispin ay tumakas din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang
onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa
utos ng kura ang pangyayari sa kuwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring
nasa dampa nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Kabanata XIX
KARANASAN NG ISANG
GURO
Talasalitaan:
• labi- bangkay
• panig- bahagi
• silong- Groundfloor
• sukal- kabaliwan
• paanyaya- imbitasyon
Kabanata XIX
KARANASAN NG ISANG
GURO
-Mga Tauhan-
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
Anak ni Don RafaelIbarra.
Kababata at kasintahan ni Maria
Clara.
Nag-aral siya sa Europa na
nangarap na makapagtayo ng ng
paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga
kabataan sa SanDiego.
Binatang Guro
 Ang nagkuwento kay Crisostomo
sa mga suliranin ukol sa
edukasyon.
Kabanata XIX
KARANASAN NG ISANG
GURO
-Buod-
Buod
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong
nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-
uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang
panig nang lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si
Tenyente Gueverra noong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa
noon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob niya kay Don Rafael. Noong bagong salta ito sa
San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa
pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga
mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Buod
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga
magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga
pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na
karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa
mga nilalaman nito.
Dahil din sa kakulangan ng mga bahay- paaralan, ang klase ay ginaganap
sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na
bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at
mura ang mga bata at guro.
Buod
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang
ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya ay
nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa
katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay
Tagalog.
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di
marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwelahan at nagturo ng pagbasa sa
kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa
kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang Kastila
parasa kanyang pansariling interes.
Buod
Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa
paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa
kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol
man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang
ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo.
Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito
ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang
tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari
Damaso. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang
mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.
Buod
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka,
kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa
Kasasysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang
pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro.
Nangako si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamagitan ng pulong sa
tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.
Maraming salamat po sa
pakikinig.

Mais conteúdo relacionado

Semelhante a nolimetangere-180112091130.pptx

kabanataxiv-230220121946-a2349949.pdf
kabanataxiv-230220121946-a2349949.pdfkabanataxiv-230220121946-a2349949.pdf
kabanataxiv-230220121946-a2349949.pdfPatrickPoblares
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64mojarie madrilejo
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Ace Lacambra
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Cecille Jane Caliso
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismoJen Rivera
 
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdfEl FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdfHannahGuerrero4
 
Noli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptxNoli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptxLannayahco
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanAngelouCruz4
 
Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Sir Pogs
 
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanEl Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanPinoy Collection
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10Sophia Marie Verdeflor
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoNátè Del Mundo
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoEemlliuq Agalalan
 

Semelhante a nolimetangere-180112091130.pptx (20)

kabanataxiv-230220121946-a2349949.pdf
kabanataxiv-230220121946-a2349949.pdfkabanataxiv-230220121946-a2349949.pdf
kabanataxiv-230220121946-a2349949.pdf
 
El fili (buod)
El fili (buod)El fili (buod)
El fili (buod)
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64
 
FILIPINO
FILIPINOFILIPINO
FILIPINO
 
FILIPINO
FILIPINOFILIPINO
FILIPINO
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
Buod ng buhay ni Basilio
Buod ng buhay ni BasilioBuod ng buhay ni Basilio
Buod ng buhay ni Basilio
 
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdfEl FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
 
Kabanata
KabanataKabanata
Kabanata
 
Noli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptxNoli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptx
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
 
Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15
 
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanEl Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 

Mais de PamDelaCruz2

kabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptx
kabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptxkabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptx
kabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptxPamDelaCruz2
 
nolimetangerekabanata16-200605095400.pptx
nolimetangerekabanata16-200605095400.pptxnolimetangerekabanata16-200605095400.pptx
nolimetangerekabanata16-200605095400.pptxPamDelaCruz2
 
angpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptx
angpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptxangpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptx
angpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptxPamDelaCruz2
 
paglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptx
paglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptxpaglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptx
paglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptxPamDelaCruz2
 
bullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptx
bullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptxbullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptx
bullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptxPamDelaCruz2
 
Filipino 10 T2 W4.pptx
Filipino 10 T2 W4.pptxFilipino 10 T2 W4.pptx
Filipino 10 T2 W4.pptxPamDelaCruz2
 
1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx
1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx
1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptxPamDelaCruz2
 
panitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptx
panitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptxpanitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptx
panitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptxPamDelaCruz2
 
7HELE 6 PPT DEMO.pptx
7HELE 6 PPT DEMO.pptx7HELE 6 PPT DEMO.pptx
7HELE 6 PPT DEMO.pptxPamDelaCruz2
 
konseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdf
konseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdfkonseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdf
konseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdfPamDelaCruz2
 
AP 9 T2 W5-W6.pptx
AP 9 T2 W5-W6.pptxAP 9 T2 W5-W6.pptx
AP 9 T2 W5-W6.pptxPamDelaCruz2
 
AP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptx
AP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptxAP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptx
AP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptxPamDelaCruz2
 

Mais de PamDelaCruz2 (12)

kabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptx
kabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptxkabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptx
kabanata9at10elfilibusterismo-150215051154-conversion-gate01.pptx
 
nolimetangerekabanata16-200605095400.pptx
nolimetangerekabanata16-200605095400.pptxnolimetangerekabanata16-200605095400.pptx
nolimetangerekabanata16-200605095400.pptx
 
angpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptx
angpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptxangpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptx
angpagtatagponinafloranteatlaura-170808055656.pptx
 
paglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptx
paglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptxpaglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptx
paglaganapngnasyonalismosakanlurangasya-111116071529-phpapp02.pptx
 
bullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptx
bullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptxbullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptx
bullyingpowerpoint-220212034554 (1).pptx
 
Filipino 10 T2 W4.pptx
Filipino 10 T2 W4.pptxFilipino 10 T2 W4.pptx
Filipino 10 T2 W4.pptx
 
1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx
1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx
1talambuhaynidr-220907090537-b76272a4 (1).pptx
 
panitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptx
panitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptxpanitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptx
panitikanatkarunungang-bayan-170627154544.pptx
 
7HELE 6 PPT DEMO.pptx
7HELE 6 PPT DEMO.pptx7HELE 6 PPT DEMO.pptx
7HELE 6 PPT DEMO.pptx
 
konseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdf
konseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdfkonseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdf
konseptonggenderatsex-171208131658 (1).pdf
 
AP 9 T2 W5-W6.pptx
AP 9 T2 W5-W6.pptxAP 9 T2 W5-W6.pptx
AP 9 T2 W5-W6.pptx
 
AP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptx
AP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptxAP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptx
AP10 T2 W1 - Karapatang Pantao.pptx
 

Último

Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 

Último (20)

Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 

nolimetangere-180112091130.pptx

  • 1. Noli MeTangere Mga Kabanata XIV, XV ,XVII, XVIII at XIX .
  • 3. Talasalitaan: • Delubyo- malaking baha na sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan at hanging dala ng bagyo • Tenyente Mayor- Tawag o ranggo ng isang opisyal sa munisipyo noong panahon ng Kastila • Pilosopiya- pagmamahal ng karunungan • Batingaw- kampana • Nalulong- pagkahilig
  • 4. Kabanata XIV Baliw o Pilosopo -Mga Tauhan-
  • 5. Pilosopo Tasyo Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan. Don Anastacio o Pilosopong Tasyo, ang tawag sa kanya ng mga may pinag-aralan. Tasyong Baliw, ang tawag ng mga di nag- aral dahil sa kakaiba niyang pagkilos at pananalita. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagmasid sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.
  • 6. Kapitan Basilio Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.
  • 7. Basilio Sampung taong gulang na nakakatandang kapatid ni Crispin. Nakakatandang anak ni Sisa. Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana.  Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
  • 8. Crispin Pitong taong gulang nabunsong kapatid ni Basilio. Bunsong anak ni Sisa. Isa ring sakristan at kasama ni Basilio na tumugtog ngkampana sa simbahan ng SanDiego.
  • 9. Don FilipoLino Isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopong Tasyo. Asawa ni DonyaTeodora Vino.  Mahilig magbasa ng Latin. Ama ni Sinang.
  • 10. Donya TeodoraVino Mas kilala bilang AlingDoray. Asawa ni Don FilipoLino. Ina ni Sinang.
  • 11. Kabanata XIV Baliw o Pilosopo -Buod-
  • 12. Buod Si PilosopoTasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kayTasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo obaliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag- aaral ng pilosopiya mula sa Kolehiyo ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpari. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Nalulong sa pagbabasa ng mga aklat si Tasyo hanggang sa napabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
  • 13. Buod Bagama’t nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ni Kapitan Basilio nang nakasalubong niya si Pilosopo Tasyo. Tinanong niya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”
  • 14. Buod Iniwanan ni Tasyo si Kaptan Basilio at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata na umuwi. Pinagmumultahan si Basilio dahil mali ang pagtugtog niya ng kampana. Bilang kaparusahan nila ni Crispin, di sila maaaring umuwi bagama’t gusto na nilang umuwi. Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Donya Teodora. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
  • 15. Buod Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas na. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay. Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa
  • 16. Kabanata XV Ang mga Sakristan
  • 17. Talasalitaan: • binabatak- inihila • Latay- pasa ogalos • maiilitaw- maipakita • Gusot- problema • Pagkasindak- pagkatakot
  • 18. Kabanata XV Ang mga Sakristan -Mga Tauhan-
  • 19. Basilio Sampung taong gulang na nakakatandang kapatid ni Crispin. Nakakatandang anak ni Sisa. Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana.  Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
  • 20. Crispin Pitong taong gulang nabunsong kapatid ni Basilio. Bunsong anak ni Sisa. Isa ring sakristan at kasama ni Basilio na tumugtog ngkampana sa simbahan ng SanDiego.
  • 21. Sakristan Mayor  Ang nagbintang kay Crispin na magnanakaw.
  • 22. Kabanata XV Ang mga Sakristan -Buod-
  • 23. Buod Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopong Tasyo at sinabihan na sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Hindi sana siyang mapagbibintangang bilang isang magnanakaw. At kung malalaman man ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit siya.
  • 24. Buod Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Hindi sana siyang mapagbibintangang bilang isang magnanakaw. At kung malalaman man ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit siya. Ang suweldo lang kasi nina Basilio at Crispin ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32. lubhang mabigat ito para kay Basilio.
  • 25. Buod Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad pa sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mas mabuti nang siya ang magnanakaw para maililitaw niya ang pera. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Ang pagkasindak niya ang huli sa binanggit ng kapatid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina kung ipakikita niya ang maraming latay na likha nang pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong pasko, na kinuha pa sa kanya nang hidhid na kura.
  • 26. Buod Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. At puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Samantala, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinansala siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ales-diyes ng gabi. Napagtanto si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi.
  • 27. Buod Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinamblitain ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad siya pababa sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin ng dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring mag-araro sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Pagkatapos, ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.
  • 29. Talasalitaan: • mabundat- nasiyahan • nakalatag- nakakalat • dampa- kubo • tawilis- isang uri ngisda • dalangin- panalangin
  • 31. Sisa Ang mapagmahal na inanina Basilio at Crispin. Sumasagisag ng pagdurusa ng Inang Bayan. Ipinangalan siya pagkatapos sa pangalan ng kapatid niJose Rizal, Narcisa.
  • 32. Pedro Ang bulakbol na ama nina Basilio at Crispin. Ang pabayang asawa ni Sisa.
  • 33. Basilio Sampung taong gulang na nakakatandang kapatid ni Crispin. Nakakatandang anak ni Sisa. Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana.  Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
  • 35. Buod Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag- anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya iniasikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito noong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.
  • 36. Buod Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit si Pedro kay Sisa. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy- damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
  • 37. Buod Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina dahil dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa, ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirhan siya ng perang sasahudin ng anak. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina-
  • 38. Buod Saglit na tinigil niya ang pag-aawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, nang gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
  • 40. Talasalitaan: • panawan- mawalan • Kuwartel- himpilan oheadquarters • Guardia civil- Katumbas ng pulis sa panahon ng Kastila • Punglo- bala ng baril • Nagpapasan- nakakaranas
  • 42. Basilio Sampung taong gulang na nakakatandang kapatid ni Crispin. Nakakatandang anak ni Sisa. Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana.  Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
  • 43. Sisa Ang mapagmahal na inanina Basilio at Crispin. Sumasagisag ng pagdurusa ng Inang Bayan. Ipinangalan siya pagkatapos sa pangalan ng kapatid niJose Rizal, Narcisa.
  • 45. Buod Nakadama ng labis na panlalamig si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga Guardia Civil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan at palilinisin siya sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto, siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sapuno.
  • 46. Buod Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabi ng sakristan mayor na ang mga dukha na katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
  • 47. Buod Sa pagtulog ni Basilio, siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin na pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hanggang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip ,ang kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakain niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki- laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
  • 48. Buod Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha si Sisa sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
  • 50. Talasalitaan: • tuliro- pagkamalan • coadjutor- katulong ng pari ng kura • Indulgencia plenaria- Dasal o sakrapisyong nagpapababa sa parusang ipinapataw sa naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo • balo- biyuda • bakol- basketin obasket
  • 51. Kabanata XVIII Nagdurusang mga Kaluluwa -Mga Tauhan-
  • 52. Padre Bernardo Salvi Kurang pumalit kayPadre Damaso. Kaya niya manupulahin ang mga tao para makuha niya ang kanyang gusto.
  • 53. Sisa Ang mapagmahal na inanina Basilio at Crispin. Sumasagisag ng pagdurusa ng Inang Bayan. Ipinangalan siya pagkatapos sa pangalan ng kapatid niJose Rizal, Narcisa.
  • 55. Buod Napuna ng mga manang na matamlay at tila may- sakit si Pari Salvi nang magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coadjutor? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulgencia plenaria,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahangoroon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag- uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.
  • 56. Buod Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.. Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maaari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.
  • 57. Buod Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay tumakas din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kuwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
  • 59. Talasalitaan: • labi- bangkay • panig- bahagi • silong- Groundfloor • sukal- kabaliwan • paanyaya- imbitasyon
  • 60. Kabanata XIX KARANASAN NG ISANG GURO -Mga Tauhan-
  • 61. Don Crisostomo Magsalin Ibarra Anak ni Don RafaelIbarra. Kababata at kasintahan ni Maria Clara. Nag-aral siya sa Europa na nangarap na makapagtayo ng ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa SanDiego.
  • 62. Binatang Guro  Ang nagkuwento kay Crisostomo sa mga suliranin ukol sa edukasyon.
  • 63. Kabanata XIX KARANASAN NG ISANG GURO -Buod-
  • 64. Buod Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag- uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig nang lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra noong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa noon kundi makipaglibing. Malaki ang utang na loob niya kay Don Rafael. Noong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
  • 65. Buod Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay- paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.
  • 66. Buod Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog. Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwelahan at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang Kastila parasa kanyang pansariling interes.
  • 67. Buod Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.
  • 68. Buod Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nangako si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamagitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.
  • 69. Maraming salamat po sa pakikinig.