Isang maikling presentasyon tungkol sa Wikang Filipino. Tinatalakay dito kung ano ang wika, ang mga katangian nito, mga teorya ng wika, varsasyon ng wika, kasaysayan ng wikang pambansa, at kalikasan ng wikang Filipino.
2. Ano ang Wika?
• Ang pangunahin at pinakakomplikadong anyo ng simbolikong gawaing
pantao. (Archibal A. Hill)
• Ito ay sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang artbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
(Henry Gleason)
• Ito and tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari anf anumang mga
minimithi o pangangailangan ng tao. (Paz, et. Al., 2003)
3. Universal na Katangian ng Wika
Sistematiko.
Binubuo ng
mga sinasalitang
tunog.
Arbitraryo.
Ginagamit sa
komunikasyon.
Nakabatay sa
kultura.
Nagbabago.
4. Mga Teorya ng Wika
Teoryang Bow-wow
• Ginagaya ng tao ang mga tunog
na likha ng kalikasan
Teoryang Dingdong
• Teorya ni Max Muller na nagsasaad
na ang bawat bagay sa mundo ay
may kasama o kaugnay na tunog.
5. Teoryang Yo-he-ho
• Ayon sa linggwista na si DS
Diamond, ang tao ay natutong
magsalita bunga ng pwersang
pisikal.
Teoryang Pooh-pooh
• Sinasabing nanggagaling ang
tunog sa silakbo ng damdamin o
pagbulalas ng pagtataka, takot,
galak, sakit, at iba pa.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
• Nag-ugat sa mga tunog na
nililikha sa mga ritwal at sa
kalaunan ay nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Teoryang Biblikal
• Ang teoryang ito ay tungkol sa
kuwentong “Tore ng Babel.”
6. Varyasyon ng Wika
• Ang varyasyon ay iba’t ibang manifestasyon ng wika.
• May tatlong uri ito: wika, diyalekto at ang register.
• Ito ay tumutukoy sa size, prestige at standard.
• Ang varyasyon sa dayalekto ay tumutukoy sa tunog o punto, pagkakaiba ng
salita at paraan ng pagsasalita
• Ang varyasyon sa register ay tumutukoy sa ispesifikong salitang ginagamit
ayon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon.
7. • Ang dimension of power tumutukoy sa kausap na mas mababa, kapareho o
mas mataas sa nagsasalita.
• Ang dimension of solidarity ay tumutukoy sa kung kaisa ba ng ispiker ang
kanyang kausap.
• Ang teknikaliti ay tumutukoy sa paggamit ng nagsasalita ng mga teknikal na
salita ayon sa kaalamng teknikal ng kausap.
8. Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. (Sekson 3, Artikulo XIV)
• Oktubre 27, 1936 – Lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa ayon sa
tagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon.
• Nobyebre 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184 na pinagtibay na lumikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa at tinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.
9. • Enero 12, 1935 – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga
kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng
Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt
bilang 333.
• Nobyembre 9, 1937 - Pinagtibay ng Surian ng Wikang Pambansa na ang
Tagalog ay “siyang haloslubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184.
• Disyembre 30, 1937 – Ipinahayag ni Pangulong Quezon na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
• Hunyo 18, 1936 – Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg 333, na nagsusugog
sa ilang seksyon ng Batas Komonwelt Blg184.
10. • Abril 1, 1940 – Binigyang pahintulot ang paglilimbag ng isang diksyunaryo at
isang Gramatika ng Wikang Pambansa. Itinakda ang pagtuturo sa lahat ng
paaralang-bayan at pribado ang pagtuturo ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
• Abril 12, 1940 – Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa
mataas at paaralang normal.
• Hunyo 7, 1940 – Nagtatadhana bukod sa iba pa na ang Pambasang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang ofisyal ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1940.
• Marso 26, 1954 - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang
proklamasyon na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa.
11. • Setyembre 23, 1955 – Inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa tauntaon simula sa ika13 hanggang ika-19 ng Agosto.
• Agosto 13, 1959 – Pinalalabas ni kalihim Jose E. Romero na kalian ma’t
tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
• Oktubre 24, 1967 – Tinadhana ni Pangulong Marcos na lahat ng gusali,
edifisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
• Marso 27, 1968 – Nagbibigay diin na ang mga letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa
Pilipino.
• Agosto 5-7, 1968 – Isinasaad na lahat ng kagawaran ng pamahalaan ay
gamitin ang Wikang Pilipino, mag seminar ukol sa wikang Pilipino, at gamitin
ang wikang Pilipin sa Linggo ng Wika a pagkaraan nito.
12. • Agosto 17, 1970 – Nagtalaga ng mga may kakayahang tauhan upang
mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento,
kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan.
• Marso 4, 1971 – Hiniling na lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos
ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 na anibersaryo ng kapanganakan ni
Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 2, 1971.
• Hulyo 29, 1971 – Humiling na lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambasa,
Agosto 13-19.
• Disyembre 1, 1972 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos na limbagng sa Pilipino
at Ingles sa Official Gazette at gayundin sa mga pahayagang may malawak na
sirkulasyon.
13. • Disyembre 1, 1973 – Inatas ni Pangulong Marcos sa Surian ng Wikang
Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may
limampung libong mamamayan.
• Hunyo 19, 1974 – Nilagdaan ang Kautusang Pangkagawaran na nagtadhana
ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilinggwal
sa mga paaral na magsisimula sa taong aralan 1974-1975.
• Hulyo 21, 1978 – Nagutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasaang antas.
• Agosto 12, 1986 - Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang proklamasyon na
kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa
himagsikng pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong
pamahalaan.
14. • Pebrero 2, 1987 - Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas sa
Artikulo XIV, Sek 6-9.
• Agosto 25, 1988 – Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang kautusan na
nagtatagubilin sa lahat ng departamento at kawanihan na gumawa ng
kinakaulang hakbang para sa paggamit ng Wikang Filipino sa opisyal na
transaksyon.
• Marso 19, 1988 - Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas sa
panunumpa ng katapatan sa Saligang-batas at bayan natin.
• 1996 – Pinalabas ng CHED ang memorandum na nagtatadhana ng siyam na
yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon.
• Hulyo 1997 – Tinakda ni Pangulong Fidel V Ramos na taun-taon ay
magigiging Buwan ng Wikang Filipino ang pagdiriwang.
15. • 2001 – Ipinalabas ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino.
• 2006 – Pansamantalang pinatigil ng kpmisyon ng Wikang Filipino ang
implementasyon ng 2001 Patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino.
• 2009 – Ipinalabas ng komisyon ng Wikang Filipino, “Ang Gabay sa
Ortograpiya ng Wikang Filipino.”
16. Kalikasan ng Wikang Filipino
1. Ang una ay ang morfemang binubuo ng isang fonema.
2. Ang ikalawa ay ang morfemang binubuo ng panlapi.
3. Ang morfemang binubuo ng salitang-ugat.
17. 2001 Revisyon ng Wikang Filipino
• Istandardizasyon.
• Revisyon.
• Komisyon sa Wikang Filipino.
• Fonema.
• Varyang ng wika.
• Fonemik.
• Pagbaybay.
• Dinagdagan ng walong letra ang Alfabetong Filipino