2. Rebolusyong Pangkaisipan
Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago
ng isang institusyon o lipunan.
Isa sa mga bunga ng pamamarang makagham ang
pagbabagong ginawa nito sa iba-ibang aspekto ng
buhay ng tao.
Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao
sa larangang pangkabuhayan, pampolitika,panrelihiyon
at maging sa edukasyon
3. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan
(Enlightenment).
Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng
reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning
panlipunan,pampolitikal,at pag ekonomiya.
4. Kaisipang Politikal
Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan noong ika-8 na siglo (1700s).
Baron de Montesquieu(Mon tehs kyoo)
- Isa sa kilalang pilosopo sa panahong ito dahil
sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong
monarkiyang nararanasan sa France sa
panahong iyon.
5. Sa kaniyang aklat na “The Spirit of the Laws”(1748),
tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa
Europe.
Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng
isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang
kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament .
Mas kinilala ang kaisipang balace of power
Montesquieu na tumutukoy sa paghahati ng
kapangyarihan pamahalaan sa tatlong sangay
(ehekutibo,lehislatura,at hudikatura).
6. Philosophes
Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo,isang pangkat ng
mga taong tinawag na philosophes ang nakilala sa France.
LIMANG MAHALAGANG KAISIPAN NA BUMUBUO SA
KANILANG PILOSOPIYA
1. Naniniwala ang mga philosophes na ang
katotohanan(truth)ay maaaring malaman gamit ang
kayuwiran.
2. May paggalang ang mga philosophes sa kalikasan
(nature)sa isang bagay.
7. 3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay
matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng
kalikasan.
4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na
maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na
paraan”.
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes.
8. Francois Marie Arouet
Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes
Mas kilala sa tawag na Voltaire
Siya ay nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang
kasaysayan,pilosopiya,politika,at maging drama.
Madalas gumamit ng satiriko so Voltaire laban sa
kaniyang mga katunggali tulad ng mga pari,aristocrats,at
maging ang pamahalaan.
Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito,ilang beses
siyang nakulong.
9. Ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at ang kaniyang
nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles.
Nang makabalik sa Paris,ipinagpatuloy niya ang pambabatikos
sa batas at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong
Kristiyanismo.
Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kaniyang
opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang
matamasa ang katuwiran,kalayaan sa pamamahayag,at pagpili
ng relihiyon at tolerance.
10. Thomas Hobbes at John Locke
- may magkataliwas na ideya tungkol sa katangian
ng pamamahalang nararapat na mamuno sa
mamamayan.
11. Jean Jacques Rousseau
Nagmula sa isang mahirap na pamilya
Kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na
tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibiduwal
(individual freedom).
Binigyang diin niya ang kasamaan ng lipunan (evils of
the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng
yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito.
Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan
sa kaniyang aklat na The Social Contract.
12. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng
maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa
‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will).
Ang Social Contract niya ang naging saligan ng
mga batas ng rebolusyon sa France.
13. Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal
Denis Diderot(dee DROH) -
nagpalaganap sa ideya ng mga philosophe sa
pamamagitan ng pagsulat at pagtipon 28-volume na
Encyclopedia na tumatalakay sa iba-ibang paksa.
Binatikos nila ang Divine Right at ang tradisyonal na
relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at
simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang
mga Katolikong bibili at babasa nito.
14. Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na
20,000 kopya ang naimpenta sa mga taong 1751-1789.
Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightment o
Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan
ng Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa
Asya at Africa.
15. Mga Kababaihan sa Panahon ng
Enlightenment
Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitignan
ng mga philosophes na hindi akma sa kababaihan
Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng
ika-18 na siglo (1700s) nang magprotesta ang ilang
kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin
Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang
uring kababaihankaysa kalalakihan.