3. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang
kompanya (principal) ay komukontrata ng isang
ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon. May dalawang umiiral na anyo ng
subcontracting ito ay ang:
1. Labor-Only Contracting
2. Job-contracting
4. Labor-Only Contracting na kung saan ang subcontractor
ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o
serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
Job-contracting naman ang subcontractor ay may sapat
na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain
ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala
silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
Hindi pinapayaga sa batas ang job-contracting dahil
naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa
sa trabaho.
5. Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang
lumalabas ng bansa taon-taon. Dahil sa kawalan ng
oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na
ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa (Labor) simula
dekada 70.OFW na ngayon ang tinagurian na bagong
bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa.
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na
kaugnay sa paglaki ng unemployment at
underemployment ay ang paglaki ng bilang ng mga job-
mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga college
graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry
requirement ng mga kompanya sa bansa.
6. Ang mga manggagawa ay may karapatan sumali sa mga
unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at
tagapangasiwa
Ang mga manggagawa ay may karapatang
makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-
isa
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo
na ang mapang-alipin trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga
ng pamimilit o duress.
Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong
pangkabataan.
7. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa
trabaho: pantay na suweldo para sa parehong trabaho.
Ang mga kalagayan ng pagtratrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at
oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat
para sa makataong pamumuhay.