O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

PARENTS-ORIENTATION-BUKAS-KA.pptx

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
Marungko Approach.pptx
Marungko Approach.pptx
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 16 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Semelhante a PARENTS-ORIENTATION-BUKAS-KA.pptx (20)

Mais recentes (20)

Anúncio

PARENTS-ORIENTATION-BUKAS-KA.pptx

  1. 1. PARENT’S ORIENTATION JANUARY 23, 2023
  2. 2. Prayer:
  3. 3. AGENDA: Layunin Mga Kagamitan MGA PETSA NG GAWAIN NG PROGRAMA? Mga Pamamaraan sa Paggamit ng Marungko Approach;
  4. 4. AGENDA: PAANO ITO ISASAGAWA? Ano ang mga dapat na ipasa sa gurong tagapayo?
  5. 5. Layunin Matulungan ang mga batang Kinder hanggang Grade 6 sa Paaralang Elementarya Ng Rodriguez Heights na maging handa Sa pagbabasa ng mga salita at simpleng Parirala sa Filipino sa tulong at partisipasyon Ng mga gurong tagasubaybay, magulang o ang mga taong makakasama niya sa pagsasagawa ng programa.
  6. 6. MARUNGKO APPROACH Ang Marungko Approach ay ipinakilala ni Nooraihan Ali, asawa ng Malaysian Minister sa dalawang guro ng Marungko, Bulacan. Sa approach na ito, unang natututunan ng bata ang mga tunog ng bawat titik ng Alpabetong Filipino o ang tinatawag na Mastery of Sounds of Letters sa ingles. Ginagamitan ito ng phono-syllabic technique o pagbusisi sa tunog ng bawat titik upang mapagsama ito at makabuo ng pantig-tunog nito. Dito, sisiguraduhing ang tunog ng titik ang unang maituro ng guro hindi ang ngalan ng letra. Sa paggamit ng approach na ito, mas madaling maintindihan ng bata ang bawat letra at mas maaga siyang matutong bumasa lalo na sa mga pananalitang ginagamit sa bahay o Mother Tongue.
  7. 7. Mga Pamamaraan sa Paggamit ng Marungko Approach; 1. Ipakita sa mga bata ang letra. 2. Sabihin ang tunog ng letra. 3. Magpakita ng mga larawang may umpisang tunog ng letra. Isulat ang ngalan ng nasa larawan at ipabanggit ang umpisang tunog nito. Hanggang sa masanay ang bata.
  8. 8. 4. Pagsamahin ang tunog ng katinig at patinig na tiitik hanggang sa makabuo ng pantig. Halimbawa: /m/ /m/ /m/ /m/ /m/ /a/ /a/ /a/ /a/ /a/ /m/ + /a/ = ma 5. Pagsama-samahin ang mga pantig upang makabuo ng salita. Halimbawa: ma+ma= mama 6. Sabihing papantig ang nabuong salita pagkatapos basahin ito nang mabilisan ayon sa wastong bigkas nito. (ma-ma= mama)
  9. 9. 7. Sa pamamagitan ng nabuong salita, bumuo ng parirala at pangungusap. Bumuo ng payak na talata gamit ng nabuong payak na pangungusap 8. Ituro ang wastong pagkakasulat ng bawat letra nang naaayon sa wastong prosesong pagkakasulat ng mga ito.
  10. 10. MGA KAGAMITAN: • Mga larawan ng letra o flash cards (maaring gumawa o bumili) • Booklet (ibibigay ng paaralan) • Audio at video clip (ipapasa sa gc ng mga gurong tagapayo)
  11. 11. Mga booklet na gagamitin
  12. 12. MGA PETSA NG GAWAIN NG PROGRAMA? • January 6, 2023 : Pre-assessment • January 23, 2023 : Parent’s Orientation • January-April 2023 : Simula ng pagpapabasa • April 2023 : Post – Assessment (Pababasahin na ang mga bata)
  13. 13. PAANO ITO ISASAGAWA? • Maglalaan ng isang oras sa bawat araw upang isagawa ang pagpapabasa. • Ito ay dapat sa oras na tahimik at nasa focus ang inyong mga anak • Iwasan pagalitan ito habang nagbabasa at maglaan ng mahabang pasensya. • Magbigay ng mga rewards na makapaghihikayat sa anak upang makuha ang willingness na magbasa. • Sundin ang proseso ng marungko approach. • Kuhanan ng larawan at video clip ang mga isinasagawang pagpapabasa. • Imonitor ang mga bata kung natututo ba sa pagbasa.
  14. 14. Ano ang mga dapat na ipasa sa gurong tagapayo? • Pictures at video clip ng pagpapabasa Tandaan: “Walang batang hindi marunong kung ang magulang ay may tiyagang magturo, mapagpasensya at may positibong pananaw para sa kanyang anak”

×