Anúncio

AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx

26 de Mar de 2023
Anúncio

Mais conteúdo relacionado

Similar a AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx(20)

Anúncio

AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx

  1. MGA PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON SA KASARINLAN
  2. MGA HAMON SA KASARINLAN Sa kabila ng pagkilala ng US sa kalayaan ng Pilipinas, nanatili pa rin ang impluwensya ng US dito. Neokolonyalismo ang tawag sa bagong anyo ng kolonyalismong ito. Sa ganitong sistema, patuloy na naitaguyod ng mas makapangyarihang bansa ang interes nito sa pamamagitan ng pagkontrol o pag impluwensiya sa poltika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng mas mahinang bansa. Makikita ito sa mga naginghakbang ng US matapos ang digmaan. Kasabay ng pagbibigay nito ng tulong-pinansiyal para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga napinsala noong nakaraang digmaan ay isisnulong ng US ang iba’t ibang batas na patuloy na nag-ugnay dito at sa Pilipinas. Isa na rito Bell Trade Act o Philippine Trade Act of 1946 na inakda ni Charles Jasper Bell ng Us. Nilalaman batas na ito ang pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng US at Pilipinas sa loob ng walong taon; pagbibigay sa US ng parity rights o kapantayan na karapatan sa Pilipinas na galugarin, hanguin, at gamitin ang mga likas na yaman ng bansa; pag-aangkat sa Pilipinas ng ano mang produkto ng walang binabayarang buwis; at pagtatali ng halaga ng piso sa dolyar sa tumbasang 2:1. Higit pang lumubha ang kalagayan ng Pilipinas kaugnay ng relasyon nito sa US nang lagdaan ni pangulong Harry S. Truman ng US Tydings Rehabilitation Act noong Abril 30, 1946. Ayon dito, magbibigay lamang ng dagdag na tulong-pinansiyal ang US sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng $620 000 000, kung
  3. aayon ang pangulo ng Pilipinas sa kahilingan ng US na susugan ang Saligang Batas ng Pilipinas . Dito, binigyan ng Parity rights ang US. Malinaw na sa batas na ito, nagbagong-anyo ang kolonyalismong pinairal ng US sa Pilipinas at nakasentro na sa aspektong pang-ekonomiya. Ginamit din ng amerikano ang panggigipit. Hindi pinahintulutan ng US na maging industriyalisadong bansa ang Pilipinas. Hinumok nitong manatiling agrikultural ang Pilipinas kapalit ang tulong-pinansiyal upang payamanin ang sektor na ito. Sa ganitong paraan ay higit na mapapakinabangan ng US ang mga hilaw na materyales at likas na yaman ng Pilipinas, habang ang huli ay patuloy na aasa sa sa mga produkto at kalakal mula sa una. Ginamit din ng US ang pagpapautang upang mapanatili ang neokolonyal na ugnayan. Sa pamamagitan ng International Monetary Fund, World Bank, o ng US , napautang ang Pilipinas kapalit ng mga patakarang pang-ekonomiyana pabor at naaayon sa una. Ikatlong paraang ginamit ang pagpapakilala sa mga Filipino ng kultura ng US sa pamamagitan ng edukasyon. Ilang Filipino ang ipinadala sa US upang maging pensionado
  4. Dito ay nakapag-aral sila ng sistemang Kanluranin gamit ang mga aklat na tampok ang kulturang Amerikano. Nahubog sa kanilang isipan na ano mang gawang Amerikano at Maka-Amerikano ay pinakamahusay sa lahat. Inaasahan na sa kan ilang pagbalik sa Pilipinas ay dala nila ang pag-uugali at kultura ng mga Amerikano na ibabahagi nila sa mga Filipino. Dito umusbong ang kaisipang kolonyal. Ikaapat na paraan ng neokolonyalismong ginamit at pagbibigay ng tulong- militar o pagpapaigting sa seguridad ng bansa. Sa pagtatapos ng digmaan, ipinamahagi ng US ang ilan sa kanilang mga armas at kagamitan. Nagpadala rin sila ng kanilang mga sundalo sa Pilipinas upang sanayin ang mga sundalong Filipino sa pakikipagdigma. Batay sa mga nabanggit sa itaas, napatunayan na hindi lubusang nagwakas ang kolonyalismo, bagkus ay nagbagong-anyo lamang ito. Patuloy ang impluwensiya ng dating mananakop hanggang sa tuluyan na itong nabago at nahubog upang maging maka-Kanluranin ang pag-iisip ng mamamayan.
  5. KAISIPANG KOLONYAL Itinuring na malaking hamon din sa pag-unlad ng Pilipinas ang pagbabago sa pag-iisip at pag-uugali ng mga Filipino sa panahon ng neokolonyalismo. Nabuo ang paniniwala o kaisipang higit na mahusa, maganda, at de-kalidad ang mga produkto at serbisyo ng mga banyaga kaysa sa sariling gawa. Ito ang kaisipang kolonyal o kaisipang neokonyalismo. Tinangkilik ng mga Filipino ang mga Produktong banyaga at ang pagkakaroon ng mga bagay na ito ang naging batayan ng katayuan nila sa lipunan. Malaki rin ang naidulot nito lalo na sa ekonomiya ng bansa. Humina ang kita ng lokal na negosyo habang patuloy ang pag-igting ng ekonomiya ng mga banyaga. Maraming mamamayan ang nagsilikas mula sa mga lalawigan patungo sa mga lungsod sa pag-asang doon nakakamtan ang hinahangad nilng magandang buhay. Bunsod din ito ng pagbabagong-anyo ng mga lungsod batay sa estilong banyaga. Nanatiling isang hamon ang pagpapahusay sa lokal na industriya at pagsulong sa damdaming makabayan nang sa gayon ay muling tangkilikin ang mga produktong sariling atin
  6. ___ 1. pagpapakilala ng kanluraning uri ng pananamit ___2. Pagbibigay ng mga labis na armas ___3. Pagpapautang ng pondo para sa pagpapaunlad ___4. Pagsama sa United Nations upang pangalagaan ang kapayapaan ___5. Pagpapadala ng mga sundalo at pulis sa pagsasanay ___6. Pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano tulad ng hotdog at hamburger. ___7. Paggamit ng English sa pagtuturo sa mga paaralan ___8. Pagbibigay ng suportang pinansiyal ___9. Pagtulong sa isang pinuno upang manatiling tapat sa US ___10. Pagpapakilala sa mga libangang gaya ng telebisyon at sine
  7. ___1. Ipinagkaloob ng US ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. ___2. Ang neokolonyalismo ay makabagong paraan ng pagkontrol sa isang bansa. ___3. Malaki ang pakinabang ng mga mahihirap na bansa sa dayuhang namumuhunan. ___4. Ang pag-iral ng kaisipang kolonyal ay hamon upang pagbutihin ang paggawa ng sariling produkto. ___5. Higit na mainam ang makinaryang gawa sa Japan kaysa sa Pilipinas. ___6. Makakatulong ang parity rights upang malinang nang maayos ang ating likas-yaman. ___7. Labag sa saligang batas ng 1935 ang pagpapatupad ng parity rights. ___8. Ang patuloy na pagbibigay-tulong sa atin ng US ang nagbibigay dahilan ng patuloy na pagsandal nito dito. ___9. Tanging ang US lamang ang makatutulong upang umunlad sa Pilipinas. ___10. Kinilala ng US ang kasarinlan ng Pilipinas.
Anúncio